1. BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN
Inihanda ni:
Bb. Sarah Marie B. Rivera
I. Layunin
Sa loob ng 60 minutong aralin sa Araling Panlipunan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Maipapaliwanag ang mga pagbabago sa kulturang Pilipino noong panahon ng mga
Amerikano.
Makikilala ang ilang pagbabago sa kulturang Pilipino dahil sa pagsakop ng Estados Unidos
II. Mga Paksang Aralin
Impluwensiya ng mga Amerikano sa Kulturang Pilipino
A. Sanggunian:
Lakbay ng Lahing Pilipino
Mga Pahina sa Aklat : 417-422
B. Mga Kagamitan:
Larawan ng mga produktong mga kilalang imported goods, mula sa Estados Unidos.
Kanta ni Heber Bartolome “Tayo’y mga Pinoy”.
C. Pagpapahalaga:
2. ♦ Mapipili ang mabubuti at di-mabuting impluwensya ng Estados Unidos sa kulturang
Pilipino.
III.
Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
Pagbati
Guro
Mag-aaral
Magandang tanghali mga bata!!
Magandang tanghali rin po Bb. Rivera
Kumusta ang umaga ninyo?
Mabuti naman po
Panalangin
Sino ba ang naatasan na mamuno sa
pagdarasal?
Ako po.
Maari nang pumunta sa harapan.
Pagtsek nang bilang nang mag-aaral
Sino ba ang lumiban sa klase ngayong hapon.
B. Balik – Aral
Guro
Mag-aaral
Bago natin talakayin ang susunod na paksa.
Ang tinalakay po natin ay tungkol sa Pananakop
Maaari niyo bang isalaysay ang ating pinag-
ng mga Amerikano at Ang Digmaang Pilipino -
aralan kahapon?
Amerikano
3. Tama. Ang akala natin naging Malaya na tayo
pero ang totoo nalinlang ang mga Pilipino.Sang- Opo.
ayon ba kayo mga bata?
Bago tayo magsimula maaari niyo nang ipasa pa harap ang iyong takdang aralin.
C. Lesson Proper / Bagong Aralin
a)
Pagganyak
• Ipakita ang mga larawan ng imported goods sa mga mag-aaral. Itanong sa kanila kung
saan kaya karaniwang gawa o nagmula ang mga productung ito.
• Sabihin sa mga mag-aaral na titingnan ninyo kung tama ang kanilang kasagutan sa
pamamagitan ng pagbabasa sa panimulang talata.
• Bago talayakin ang bagong aralin ay pakikinggan muna ang isang awitin na likha ni Heber
Bartolome na may pamagat na “Tayo’y mga Pinoy”.
b)
Lecture
Tatalakayin nang guro ang paksang aralin na pinamagatang “Impluwensiya ng mga
Amerikano sa Kulturang Pilipino”.
Upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral ang aralin ay kilalanin muna ang
kahulugan ng bagong talasalitaan.
c)
Pagtatalakay
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral
d)
Pangkatang- gawain
Ipapangkat ang mga bata sa tatlong pangkat upang isagawa ang “Read and React”
strategy.
4. Pagkatapos nang Read and React magkakaroon nang suriin sa mabuting
impluwensiya at di mabuting impluwensiya nang mga Amerikano.Ipapangkat ang
mga bata sa dalawa.
IV.
Pagtataya
Magbibigay nang pasulit ang guro
V.
Takdang Aralin
Magbibigay nang panuto ang guro para sa takdang aralin.