2. Mga Kasulatan sa Buhay ni Jose
Mula sa mga unang kabanata ng Ebanghelyo
ni San Mateo at San Lukas, at wala nang iba.
Kakaunti ang mga naisulat tungkol sa buhay
ni Jose. Bakit? Maagang namatay si San
Jose. Wala na siya nang si Hesus ay
nagsimula sa kanyang hayag na buhay.
Noong si Hesus ay mamamatay na sa krus, si
Maria ay kanyang inihabilin sa kanyang
pinakamalapit na alagad, kay Juan.
3. Tahimik na Tagasunod
Jose – isang napaka tahimik na tao.
Sa Ebanghelyo na nababanggit si
Jose, palagi siyang walang imik at
tahimik na sumusunod sa kalooban
ng Diyos.
4. Lubos ang Pagtitiwala sa Diyos
Kahit hindi niya nauunawaan ang
ipinagagawa sa kanya ng Diyos,
lubos ang pagtitiwala niya sa Diyos.
5. Mga Magulang ni Jose
Magkaiba ang sinasabi ni San Mateo at
San Lukas sa kanyang pinagmulan.
Ayon sa Mateo 1:16, “si Jacob ang ama
ni Jose.”
Ayon sa Lukas 3:23, “si Jose ay anak ni
Eli, na anak ni Matat.”
Bakit magkaiba? Huwag na nating
pagtalunan.
7. Hanap-buhay
Si Jose ay kilala sa kanilang bayan sa
Nazareth bilang isang karpintero (Mateo
13:55).
Ayon sa kaugalian ng mga Hudyo, ang
gawain ng ama ay ipinagpapatuloy ng
anak. Si Hesus ay kilala rin sa Nazareth
bilang isang karpintero, katulad ng
kanyang amang si Jose (Markos 6:3).
8. Patron ng mga Manggagawa
Si Jose ay isang “responsableng ama.”
Itinaguyod niya ang kanyang mag-ina sa
pamamagitan ng paggawa bilang isang
karpintero.
Ang kabanalan ni Jose ay sa kanyang
pagmamahal sa kanyang gawain at sa
paggawa ng tapat sa kapwa.
9. Isinilang sa Bethlehem
• Isinilang sa Bethlehem
–“Mula sa Nazareth, Galilea, si Jose ay
pumunta sa Bethlehem, Judea, ang
bayang sinilangan ni Haring
David, sapagkat siya ay mula sa
angkan at lahi ni David.” (Lukas 2:4)
10. Nanirahan sa Nazareth
Ayon kay Lukas 1:26-27, “Ang anghel
Gabriel ay sinugo ng Diyos sa
Nazareth, Galilea, sa isang dalaga ang
pangalan ay Maria. Siya ay
nakatakdang ikasal kay Jose…”
Ayon kay Mateo 2:23, “Sa Nazareth sila
(Banal na Mag-anak) nanirahan upang
matupad ang sinabi ng mga
propeta, ‘Siya (Hesus) ay tatawaging
Nazareno.’”
11. Dinalaw ni Maria si Elizabeth
Ayon kay Lukas 1:41-56, “Nang marinig
ni Elizabeth ang bati ni
Maria, naggagalaw ang sanggol sa
kanyang tiyan. Napuspos ng Espritu
Santo si Elizabeth at sinabi, ‘Pinagpala
ka sa mga babae, at pinagpala rin ang
dinadala mo sa iyong sinapupunan!’…
Tumira sa Maria kina Elizabeth nang
tatlong buwan, at saka umuwi.”
12. Umuwing Buntis si Maria
Totoo nga ang sinabi ng anghel – si
Maria ay nagdadalang tao.
Nanatili si Maria kina Elizabeth ng
tatlong buwan at saka umuwi.
Ibig sabihin, tatlong buwang buntis si
Maria nang bumalik sa Nazareth.
Ang babaeng pakakasalan ni Jose ay
tatlong buwan nang buntis.
13. Nakatakdang Ikasal
Ayon sa Lukas 1:26-27, “Ang anghel
Gabriel ay sinugo ng Diyos sa
Nazareth, Galilea, sa isang dalaga
ang pangalan ay Maria. Siya ay
nakatakdang ikasal kay Jose, isang
lalaki buhat sa lipi ni Haring David.”
14. Ang Plano ni Jose
Ayon sa Mateo 1:18-19, “Si Maria… at si
Jose ay nakatakdang pakasal. Ngunit
bago sila nakasal, si Maria ay
natagpuang nagdadalang-tao. Isang
taong matuwid itong si Jose na kanyang
magiging asawa, ngunit ayaw niyang
mapahiya si Maria, kaya ipinasiya
niyang hiwalayan ito ng lihim.”
15. Si Maria ay Nagdadalang-tao
Masakit sa kalooban ni Jose na ang
babaeng nakatakdang ikasal sa kanya ay
nabuntis ng iba.
Madaling isipin na ito ay pakikiapid, at
sa Batas ni Moises, ito ay may parusang
kamatayan.
Subalit ayaw ni Jose na sapitin ito ni
Maria, kaya tahimik na lang niyang
hihiwalayan si Maria.
17. Ang Unang Panaginip
Ayon sa Mateo 1:20-24, “Samantalang
iniisip ni Jose ito (hiwalayan si
Maria), napakita sa kanyang panaginip
ang isang anghel ng Panginoon at ang
sabi, ‘Jose… huwag kang matakot na
pakasalan si Maria sapagkat siya ay
naglihi sa pamamagitan ng Espiritu
Santo…’ Nang magising si Jose, sinunod
niya ang utos ng anghel ng Panginoon;
pinakasalan niya si Maria.”
18. Jose, Ama-amahan ni Hesus
Ayon sa anghel na nakita ni Jose
kanyang panaginip, si Maria ay naglihi
sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. At
ngayon, nais daw ng Diyos na si Jose ang
tumayong ama.
Hindi ito madali para kay Jose. Hindi
man nauunawaan ni Jose kung ano ang
kahulugan nang maging ama-amahan ng
Anak ng Diyos, ito ay kanyang
tinanggap.
20. Maria, Nanatiling Birhen
Ito ang tanong ni Maria kay Anghel
Gabriel, “Paanong mangyayari
ito, gayong ako ay dalaga?” (Lukas
1:34)
Ayon sa Mateo 1:25, “Hindi ginalaw ni
Jose si Maria hanggang sa maipanganak
nito ang isang sanggol na lalaki na
pinangalan niyang Hesus.”
21. Uliran sa Pagtitimpi
“Hindi ginalaw ni Jose si Maria…”
Walang lalaking nagpapakasal sa isang
babae upang manatiling birhen o hindi
nakikipagtalik sa kanyang asawa.
Subalit, nang malaman ni Jose na itong
si Maria ay naglihi at magsisilang ng
Anak ng Diyos, si Jose ay nagpasya na
hindi galawin si Maria. Isang mataas na
paggalang sa Diyos at kay Maria.
22. Kalinis-linisang Asawa ni Maria
Sa panahong ito na ang mga tao ay
nakikipagtalik maging sa hindi nila
asawa, si Jose ay huwaran sa pagiging
isang tapat at malinis na asawa, na may
malakas na pagpipigil sa sarili.
Ito ay isang pagkamatay sa sariling
pangangailangan bilang isang lalaki.
23. Paglalakbay Tungong Betlehem
“Nang panahong iyon, inuutos ng
Emperador August na magpatala ang
lahat ng nasasakupan ng Imperio ng
Roma… Kaya umuwi ang bawat isa sa
sariling bayan upang magpatala. Mula
sa Nazareth, Galilea, si Jose ay pumunta
sa Bethlehem, Judea… Kasama niyang
umuwi upang magpatala rin si Maria na
kanyang magiging asawa na noon ay
kagampan.
24. Masunurin sa Pamahalaan
Hindi madali para kay Jose at Maria
na umalis ng Nazareth at maglakbay
patungong Bethlehem dahil si Maria
ay “nagdadalang-tao” at malapit
nang mag-anak.
Subalit dahil ito ay ipinag-uutos ng
Emperador, sila ay sumunod.
26. Sa Bethlehem Nagsilang si Maria
• Ayon kay Lukas 2:6-7, “Samantalang
naroroon sila sa Bethlehem, dumating
ang oras ng panganganak ni Maria, at
isinilang niya ang kanyang panganay at
ito ay lalaki. Binalot niya ng lampin ang
sanggol at inihiga sa isang sabsaban
sapagkat wala nang lugar para sa
kanila sa bahay-panuluyan.”
27. Ang Hirap na Naranasan ni Jose
Hindi madaling tanggapin para kay Jose
na ang Anak ng Diyos na isisilang ni
Maria ay wala man lamang pagsilangan.
Wala siyang makitang lugar kaya si
Maria ay inabot ng panganganak sa
isang yungib na tirahan ng mga hayop.
Kaya sa isang sabsaban nila inilagay ang
sanggol na Anak ng Diyos, nakabalot sa
lampin.
29. Pagdalaw ng mga Pastol
Ayon kay Lukas 2:15-17, “Ang mga
pastol ay nag-usap-usap, ‘Tayo na sa
Bethlehem! Tingnan natin itong
ibinalita sa atin ng Panginoon.’ At
nagmamadali silang lumakad at nakita
nila sina Maria at Jose, at ang sanggol
na nakahiga sa sabsaban. Kaya
isinaysay nila ang mga sinabi ng anghel
tungkol sa sanggol na ito.”
30. Pagdalaw ng mga Pastol
Saksi si Jose sa pagdalaw ng mga
pastol sa sanggol na si Hesus.
Nakita ni Jose kung paanong sa mga
pastol pa unang nagpakita ang Anak
ng Diyos sa mga tao. Ang mga
pastol ay mga taong itinuturing na
hamak sa lipunan.
32. Pagdalaw ng mga Pantas
• Mateo 2:9-11, “Lumakad na nga ang mga
Pantas. Muli silang pinangunahan ng talang
nakita nila sa Silangan hanggang sumapit ito
sa tapat ng kinaroroonan ng bata…
Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa
piling ng kanyang inang si Maria. Lumapit
sila at nagpatirapa, at sinamba ang bata.
Binuksan nila ang kanilang mga sisidlan at
inihandong sa kanya ang dala nilang
ginto, kamanyang at mira.”
33. Pagdalaw ng mga Pantas
Saksi si Jose sa pagdalaw ng mga pantas
sa sanggol na si Hesus.
Saksi si Jose na sa mga Hentil pa unang
ipinahayag ang pagsilang ng Mesiyas.
Nakita ni Jose nang dumalaw sa sanggol
na Hesus ang mga taong marurunong at
mga mayayaman.
35. Ang Ikalawang Panaginip
Ayon sa Mateo 2:13-13, “Pagkaalis ng
mga pantas, napakita kay Jose sa isang
panaginip ang isang anghel ng
Panginoon. Sinabi sa
kanya, ‘Magbangon ka at dalhin mo
agad sa Ehipto ang mag-ina. Huwag
kayong aalis doon hangga’t hindi ko
sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni
Herodes ang sanggol upang patayin.’”
36. Pagtakas sa Ehipto
Ayon kay Mateo 2:14, “Dali-daling
bumangon si Jose at nang gabi iyon
ay dinala sa Ehipto ang mag-ina.
Doon sila tumira hanggang sa
mamatay si Herodes.
37. Ang Pagtakas sa Ehipto
Hindi madali para kay Jose na
maunawaan ang sinabi sa kanya ng
anghel. Bakit kailangan silang tumakas
at magtago? Kung Anak ng Diyos ang
isinilang ni Maria, bakit hindi na lamang
gamitin ng Diyos ang kanyang
kapangyarihan upang ipagtanggol ang
Kanyang Anak?
38. Ikatlong Panaginip
Ayon kay Mateo 2:19-21, “Pagkamatay
ni Herodes, isang anghel ng Panginoon
ang napakita sa panaginip kay Jose sa
Ehipto. ‘Magbangon ka at iuwi mo na sa
Israel ang mag-ina sapagkat patay na
ang nagtangka sa buhay ng bata.’
Nagbangon siya at iniuwi nga sa Israel
ang mag-ina.”
39. Tagapagtanggol
Si Jose ay isang tagapagtanggol na
hindi iilalagay ang kanyang mag-ina
sa gitna ng panganib.
41. Ang Paghahain sa Templo
Ayon kay Lukas 2:22-24, “Nang
dumating na ang araw ng paglilinis sa
kanila, ayon sa Kautusan ni Moises, sila
ay pumunta sa Jerusalem. Dala nila ang
sanggol upang iharap sa
Panginoon, sapagkat ayon sa
Kautusan, ‘Ang bawat panganay na
lalaki ay nakatalaga sa Panginoon.’ At
naghandog sila ayon sa hinihingi ng
Kautusan ng Panginoon…”
42. Ang Mensahe ni Simeon
Lukas 2:34-35, “Binasbasan sila ni
Simeon at sinabi kay Maria, ‘Tandaan
mo, ang batang ito ay nakatalaga sa
ikapapahamak o ikaliligtas ng marami
sa Israel, isang tanda mula sa Diyos
ngunit hahamakin ng marami, kaya’t
mahahayag ang kanilang iniiisip. Dahil
diyan, ang puso mo ay para na ring
tinarakan ng isang balaraw.’”
43. Isang Palaisipan Para kay Jose
Bilang isang Hudyo, si Jose ay isang
taong masunurin sa Batas ni Moises.
Kaya’t ayon sa ipinag-uutos ni
Moises, dinala niya ang kanyang mag-
ina sa Templo upang ihandog ang
sanggol.
Hindi naunawaan ni Jose ang sinabi ni
Simeon, na ang sanggol ay magiging
isang tanda ng kontradiksiyon.
45. Natagpuan si Hesus sa Templo
Lukas 2:46-48, “Paglipas ng tatlong
araw na paghahanap, natagpuan nila si
Hesus sa loob ng templo, nakaupong
kasama ng mga guro… Nagtaka ang
kanyang mga magulang nang siya ay
makita. Sinabi ng kanyang
ina, ‘Anak, bakit naman ganyan ang
ginawa mo sa akin? Balisang-balisa na
kami ng iyong ama sa paghahanap sa
iyo.’”
46. Ang Pagkawala ni Hesus
Isang malaking takot at pangamba
ang naranasan ni Jose nang nawala
sa kanilang piling ang batang si
Hesus. Anuman ang mangyari kay
Hesus, siya ay mananagot sa
Diyos, sapagkat sa kanya pa
ipinagkatiwala ng Diyos ang
kanyang Anak.
47. Hindi Nila Naunawaan ni Hesus
Ayon sa Lukas 2:49-50, “Sumagot si
Hesus, ‘Bakit ninyo ako hinahanap?
Hindi ba ninyo alam na ako ay
dapat na nasa bahay ng aking
Ama?’ Ngunit hindi nila naunawaan
ang pananalitang ito.”
49. Paghuhubog kay Hesus
Ayon kay Lukas 2:51-52, “Si Hesus
ay umuwing kasama nila sa
Nazareth, at naging isang
masunuring anak… Patuloy na
lumaki si Hesus. Umunlad ang
kayang karunungan at lalong
kinalulugdan ng Diyos at ng mga
tao.”
50. Si Jose Bilang Guro
Sa kultura ng mga Hudyo, ang mga
lalaki ang pinag-aaral, kaya
tungkulin ng mga ama ang maging
guro sa kanilang mga anak.
Si Jose ang guro sa batang si Hesus.
52. Ang Kamatayan ni Jose
Matapos na nabanggit si Jose sa
pagkatagpo kay Hesus sa templo at
iniuwi na si Hesus sa tahanan nila
Jose sa Nazareth, bakit hindi na
muling nabanggit sa Jose sa
Ebanghelyo? Ito ay sa dahilang si
Jose ay pumanaw na.