2. MGA PAMANTAYAN SA PANDAIGDIGANG
SISTEMA NG PANANALAPI
Simula pa noong ika-20 siglo, ang daigdig ay
gumagalaw sa ilalim ng iba’t-ibang
sistemang pananalapi. Ano-ano ba ang mga
pamantayang sinusunod sa pagpapairal ng
pandaigdigang sistema ng pananalapi? Ang
mga pamantayang ipinaiiral sa
pandaigdigang sistema ng pananalapi at ang
kaugnayan nito sa pambansang pananalapi
ang tatalakayin sa aralin na ito.
3. ANG GOLD STANDARD
Gold Standard ang pangunahing sistema ng
palitan ng salapi bago ang 1914. lahat ng
salapi ay may presyo katumbas ng
itinakdang timbang ng ginto. Kung ang lahat
ng salapi ay may tiyak na katumbas sa ginto,
madaling malaman ang antas ng palitan.
Halimbawa, ang isang ounce ng ginto ay
Php.200 sa Pilipinas, samantalang $4 naman
sa United States. Ang exchange rate ay
Php.200/$4 o Php.50 bawat $1.
4.
Upang maging epektibo ang ang gold
standard, kailangang handang bumili at
magbenta ang bawat bansa ng ginto sa tiyak
na presyo. Hangga’t napananatili ng isang
bansa ang kanilang salapi sa isang tiyak na
halaga katumbas ng ginto, at handa silang
bumili at magbenta ng ginto, ang exchange
rate ay hindi magbabago.
5.
Habang ang kabuuang balance of payments
ay nananatiling balanse, walang gintong
papasok o lalabas sa bansa at ang
ekonomiya ay mananatiling nasa ekilibriyo.
Ang balance of payments (BOP) ay talaan ng
lahat ng transaksiyon ng ibang bansa sa
ibang mga bansa. Tatalakayin sa Yunit IV
ang iba pang detalye sa balance of
payments.
6.
Kung ang Pilipinas ay aangkat ng mas
marami sa United States ngunit kaunti
lamang ang angkat ng United States sa
Pilipinas, magkakaroon ng deficit sa balace
of paymets ng Pilipinas. Nangangahulugan
na ang imbak na ginto ng Pilipinas
aybababa. Samantala, madaragdagan
naman ang ginto ng United States.
7.
Sa ilalim ng gold standard, ang pagpasok ng
ginto sa isang bansa ay magpapataas sa
money supply nito, subalit ang paglabas ng
ginto ay magpapaliit ng money supply nito.
8.
Dalawang pangunahing suliranin ang may
kaugnayan sa gold standard. Una, ang
bansa ay walang kontrol sa money supply
nito. Maaaring malutas ng isang bansa ang
deficit sa balance of payments sa
pamamagitan pagbabawas (contraction) sa
money supply nito. Subalit maraming bansa
ang nagnanais na bigyan ng proteksyon ang
reserba nilang ginto kaya hindi nabibigyan ng
solusyon ang suliraninng ito. Ikalawa, ang
paggawa ng money supply batay sa dami ng
ng ginto ay may hindi kabutihan.
9.
Ang pagkakatuklas ng mina ng ginto sa
California noong 1849 sa South Africa noong
1886 ay nagpataas sa suplay ng ginto sa
buong daigdig. Kung gayon, tumaas din ang
sulay ng salapi. Dapat alalahanin na ang
mataas na money supply ay magpapababa
sa aggregate demand. Ang resulta nito ay
ang pagtaas ng antas ng presyo na
maaaring humantong sa inflation.
10. FIXED EXCHANGE RATE AT SISTEMANG BRETTON
WOODS
Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, isang grupo ng mga ekonomista
mula sa United States at Europe ang
nagpulong upang bumalangkas ng bagong
panuntunan sa pagpapairal ng exchange
rate. Layunin nito na maiwasan ang mga
kahinaan at kakulangan sa gold standard.
Amg mga pamantayang nabuo ay nakilala
bilang sistemang Bretton Woods, mula sa
bayan ng New Hamsphire kung saan
nagpulong ang mga delegado.
11.
Sa ilalim ng sistemang Bretton Woods, ang
mga bansa ay dapat magpanatili ng fixed
exchange rate sa isa’t-isa. Sa halip na ibatay
ang kanilang salapi sa ginto, ang salapi ay
nakatakda batay sa dolyar ng United
States, kung saan nakatalaga sa hanggang
$35 bawat ounce ng ginto. Halimbawa, ang
British pound ay nakatalaga sa $2.40. ibig
sabihin, ang isang ounce ng ginto ay
nagkakahalaga ng £14.6. ang mga bansang
may suliranin sa balance of payments ay
pinapayagang baguhin ang kanilang
exchange rate. Sa gayon, ang exchange rate
ay hindi talaga tiyak o fixed sa ilalim ng
sistemang Bretton Woods.
12.
Ang dahilan kung bakit pinapayagan ang
mga bansa na baguhin ang halaga ng
kanilang salapi ay upang maiwasan ang
recession. Ayon sa karanasan ng mga
ekonomiya sa Europe sa pagitan ng Unang
Digmaang Pandaigdig at Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, hindi rin mabuti na
bigyan ng kalayaan ang mga bansa na
baguhin ang kanilang exchange rate kung
kailan nila gusto.
13.
Nang maganap ang Great Depression,
maraming bansa ang nag-devalue ng kanilang
salapi upang bigyang proteksiyon ang panloob
na output at empleo. Layunin nitong
manghikayat ng pagluluwas (export) sa
amamagitan ng pagtatakda ng mababang
exchange rate na magiging dahilan upang mas
maraming tumangkilik sa kanilang produkto.
Sasabayan naman ito ng devaluation ng salapi
ng ibang bansa upang labanan ang mababang
halaga ng salapi ng iba pang bansa. Upang ang
ganitong labanan, itinatag ng Bretton Woods
Agreement ang International Monetary Fund
(IMF). Isa sa mga bansang nakararanas ng
suliranin sa kanilang balance of payments.
14.
Maraming kakulangan ang sistemang Bretton
Woods kaya hindi rin ito nagtagal. Tuluyan itong
inalis noong 1971. Ang mga bansang
nakararanas ng malaking deficit sa balance of
payments ay obligadong mag-devaluate ng
kanilang salapi o gumagamit ng ibang paraan
upang magkaroon ng contraction sa ekonomiya.
Hindi ito kaaya-aya dahil ang devaluation ay
nangangahulugan ng pagtaas ng presyo at ang
contraction ay nangangahulugan na tataas ang
antas ng unemployment. Ang mga bansang
may deficit sa balance of payments ay walang
mapagpipilian. Ibig sabihin, mauubos ang
kanilang foreign currencies at kailangan na ilang
baguhin ang exchange rate.
15.
Ang mga bansa namang may surlus sa
balance of payments ay nakararanas ng
pagdami ng reserbang foreign exchange.
Bagama’t kailangang mag-revalue ng
kanilang salapi upang maging balanse ang
balance of payments, hindi naman sila
obligadong gawin ito. Madali nilang
mapanatili ang fixed exchange rate sa
pamamagitan ng pagbili ng anumang labis
na suplay ng foreign exchange gamit ang
sarili nilang salapi, kung saan marami silang
suplay.
16.
Sa sistemang Bretton Woods, pinapayagan
lamang ang devaluation kung ang bansa ay
may labis na suliranin tungkol sa deficit sa
balance of payments at nasa peligrong
maubusan ng reserbang foreign exchange.
Ibig sabihin, madaling mahuhulaan kung
magkakaroon ng devaluatiion kaya madali
itong samantalahin ng mga speculator.
17. FREE FLOATING SYSTEM
Sa ilalim ng freely floating system, ang
pamahalaan ay hindi nakikialam sa
pamilihan ng foreign exchange. Hindi sila
bumibili o nagbebenta ng salapi dahil lamang
sa layuning imanipula ang antas ng palitan.
18. MANAGED FLOATING SYSTEM
Sa ilalim ng managed floating system, ang
pamahalaan ay nakikialam kung ang pamilihan
ng foreign exchange ay pabago-bago, lalo na
kung pakiwari ng pamahalaan na ito ay hindi
makabubuti. Maaari ring manghimasok ang
pamahalaan kung inaakala nitong ang salapi ay
labis na tumataas o bumababa ang halaga. Sa
pagbagsak ng sistemang Bretton Woods, ang
pandaigdigang sistema ng exhange rate ay
maaaring ilarawan bilang isang managed
floating system. Isang mahalagang katangian
ng sistemang ito ay ang malawakang
pagbabago sa exchange rate na may
mahalagang epekto sa pandaigdigang
ekonomiya.
19. MGA PANDAIGDIGANG INSTITUSYON NG
PANANALAPI
Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdigan, maraming bansa ang
nagtamo ng malaking pinsala. May mga
pandaigdigang institusyon ng ananalapi na
itinatag uang tustusn ang rekonstruksyon ng
maraming ekonomiya. Sa kasalukuyan, mas
pinalawak ang sakop na layunin ng mga
institusyong ito.
20. INTERNATIONAL MONETARY FUND
Ang International Monetary Fund o IMF ay
itinatag ng ang-internasyonal na kasunduan
noong 1945 upang tumulong sa
pagpapalaganap ng ng isang malusog na
pandaigdigang ekonomiya. Ang punong
tanggapan nito ay matataguan sa
Washington. D.C. sa United States. Ito ay
mula sa 186 na bansa.
21.
Ang IMF ay sentral ng institusyon ng
pandaigdigang sistema ng pananalappi. Ito
ang sistema ng andaigdigang kabayaran at
exchange rate ng mga salapi upang
magkaroon ng kalakalan sa agitan ng mga
bansa. Layunin nitong maiwasan ang krisis sa
sistema sa pamamagitan ng panghihikayat sa
mga kasaping bansa na magpatupad ng mga
epektibong patakarang pang-ekonomiya. Isa
rin itong mpagkukunan ng pondo ng mga
kasaping nangangailangan ng
pansamantalang tulong uang malutas ang
suliranin sa balance of payments.
22. Gawain ng IMF ang agsusulong ng balanseng
pagpapalawak ng sa kalakalang
pandaigdigan, pagapatatag ng exchange rate,
pag-iwas sa devaluation ng salai para sa
sariling interes lamang ng isang bansa, at ang
tamang pagsasaayos ng suliranin ng bansa
ukol sa balance of payments. Uang
maisagawa ang mga ito, ang IMF ay:
1. Sumusubaybay sa ekonomiko at pinansyal
na gawain at patakaran ng mga kasaping
bansa. Nagbibigay rin ito ng payo ukol sa
pagpapatupad ng mga patakaran.
23. 2. Nagpapahiram sa mga kasaping bansa na
may suliranin sa balance of payments, hindi
lamang para sa pansamantalang
pangangailangan kundi pati na rin suportahan
ang mga repormang patakaran na
naglalayong ituwid ang suliranin.
3. Nagbigay ito ng tulong na teknikal at
pagsasanay sa pamahalaan at bangko
sentrsl ng mga kasaping bansa.
24.
Ang IMF ang tanging pandaigdigang ahensiya
na nakipag-ugnayan sa mga kasaping bansa
hinggil sa patakarang pang-ekonomiya.
Maaaring talakayin sa IMF hindi lamang ang
pambansang patakarang pang-ekonomiya kundi
pati ang mga isyung mahalaga sa katatagan ng
pandaigdigang sistema ng pananalapi. Kabilang
dito ang pipiliing exchange rate at mga
kinikilalang pandaigdigang pamantayan at
kodigo para sa patakaran at institusyon. Sa
pagsusumikap na mapatatag ang pandaigdigang
sistema ng pananalapi at maisulong ang
kaunlaran tungo sa pagpapaliit ng antas ng
kahirapa ng mga kasaping bansa, ang IMF
tumutulong upang maging epektibo ang
globalisasyon para sa kapakinabangan ng lahat.
25.
Ang IMF ay nagsisilbing tagapayo ng mga
kasaping bansa tungkol sa kabuuang
kakayahan ng isang ekonomiya na tinatawag
na macroeconomic performance. Saklaw nito
ang ang kabuuang paggasta, output, empleo
at inflation, kasama rin ng balance of
payments ng isang bansa.
26.
Nakatutok ang IMF sa mga patakarang may
kaugnay sa badyet ng pamahalaan,
pangangasiwa ng interest rate, salapi, pautang
exchange rate, mga patakaran ng sektor ng
pananalapi, kasama ang regulasyon at
superbisyon ng mga bangko at iba pang
institusyon ng pananalapi. Sa karagdagan,
binibigyan ng pansin ng IMF ang mga
patakarang may epekto sa labor market na
nakaaapekto sa empleo at pasahod.
Pinapayuhan nito ang bawat kasapi kung paano
isasaayos ang mga atakaran upang magkaroon
ng maayos at epektibong pagkamit ng mga
hangarin tulad ng mataas na antas ng emleo,
mababang inflation, at tuluy-tuloy na pagsulong
ng ekonomiya.
27.
Ang IMF ay nagpapautang ng foreign
exchange sa mga bansang may problema sa
balance of payments. Ang salaping inutang
ay inaasahang magpapagaan sa suliranin ng
bansa uang maipantay ang gastos sa kita at
maiwasto ang problema sa balance of
payments. Ang mga kondisyong kaugnay sa
pangungutang sa IMF ay makatutulong
upang matiyak na hindi mababaon sa utang
ang bansa, mapatatatag nito ang ekonomiya,
at makakabayad ng utang. Ang IMF at
bansang uutang ay kailangang magkasundo
sa ipatutupad na atakarang kailangan.
28. WORLD BANK
Ang World Bank ay isa sa mga
pandaigdigang institusyon na
pinagmumulanng pondo upang suportahan
ang pamahalaan ng mga kasaping bansa
para sa pamumuhunan sa paaralan at
sentrong pangkalusugan (health center);
paglalaan ng tubig at koryente; at
pangangalaga ng kapaligiran. Ang suportang
ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng
pagpapautang at kaloob pati na rin ng mga
29. Layunin ng World Bank na pababain ang
kahiraan at maitaas ang antas ng
pamumuhay ng mga tao sa mga bansang
may maliit at katamtamang kita.
Itinatag ang World Bank noong 1944 bilang
International Bank for Reconstruction and
Development na sa kalaunan ay tinawag na
World Bank. Ito ay itinatag matapos ang
pinsalang dulot ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Sa kasalukuyan, mayroon itong
186 na kasapi sa buong mundo. Ang World
Bank ay binuo dahil sa lumalawak na
pangangailangan at patuloy na pagdami ng
30. 1. International Bank fo Reconstruction and
Development (IBRD)
nagbibigay ng tulong sa mga bansang may
katamtamang kita. Ang pondo nito ay
nanggaling sa pagbebenta ng bonds sa
pandaigdigang pamilihan ng kapital.
2. International Development Association
(IDA)
tumutulong sa mahihirap na bansa na may
per capita income na hindi bababa sa $885.
Nagbibigay ito ng pautang na walang
tubo, tulong-teknikal, at payo ukol sa
pagpapatupad ng mga patakaran.
31. 3. International Finance Corporation (IFC)
naglalayong maitaas ang antas ng
pagsulong ng isang ekonomiya sa
pamamagitan ng pamumuhunan ng
pribadong sektor.
4. Multilateral Invesment Guarantee Agency
(MIGA)
tumutulong upang mahikayat ang
dayuhang pangangapital sa pamamagitan ng
pagkakaloob ng garantiya laban sa pagkalugi
dulot ng mga panganib sa pangangapital sa
mga papaunlad na bansa. Dahil dito,
nagkaroon ng oportunidad para sa
32. 5. International Center for Settlement of
Invesment Disputes (ICSID)
nagkakaloob ng pasilidad upang
isaayos, mamagitan, at ayusin ang hindi
pagkakaunawaan ng dayuhang namuhunan at
mga bansang binigyan ng puhunan.
Layunin ng World Bank ang pagbibigay ng
tulong pinansyal at payo sa mga kasaping bansa
na labanan ang kahiraan. Hindi tulad ng mga
bangkong komersyal, ang World Bank ay
kalimitang nagpapautang ng may maliit o walang
interes sa mga bansang hindi makalikom ng
salapi para sa kaunlaran. Ang mga bansang
umuutang ay binibigyan din ng mahabang
panahon upang makabayad. Sa ilang
pagkakataon, magsisimula pa lang silang
magbayad pagkatapos ng 10 taon.
33.
Ang World Bank ay nagbibigay ng dalawang
uri ng pagpapautang: utang para sa
pangangapital sa kalakal, trabaho, at
serbisyo upang suportahan ang panlipunan
at pang-ekonomiyang proyektong
pangkaunlaran; at pautang upang
suportahan ang patakaran at repormang
institusyonal. Ang pautang ay ipinagkakaloob
sa mga kasaping bansa sa pamamagitan ng
IBRD at IDA.
34.
Sa panahon ng negosasyon sa
pagpapautang, nagkakasundo ang bansa at
World Bank hinggil sa layunin ng proyekto o
programa at plano kung paano
maisasakatuparan ang naturang adhikain.
Kapag ipinagkaloob na ang utang, kailangang
isakatuparan ng umutang ang proyekto batay
sa kondisyong napagkasunduan.
Sinusubaybaya din ng World Bank kung
paano ginagamit ang pondong inutang at
nararapat lamang na ang operasyon ng
pagsasagawa ng proyekto ay ekonomikal,
makatao, at makakalikasan.
35.
Ang Piliinas ay umuutang sa World Bank
upang tustusan ang mga programang
magapapaunlad sa bansa. Ilan sa mga
proyektong inaprubahan ng World Bank ay
matutughayan sa Talahanayan 24.1.
36. TALAHANAYAN 24.1: MGA PROYEKTONG
TINUSTUSAN NG PAUTANG MULA SA WORLD
BANK
Proyekto
Petsa Kailan
Naaprubahan
Laguna de Bay Community Carbon Finance Project
Hunyo 30, 2006
Laguna de Bay Community Watershed Rehabilitation
Hunyo 30, 2006
National Sector Support for Health Reform
Hunyo 29, 2006
Support for Strategic Local Development and
Investment Project
Hunyo 29, 2006
National Support for Basic Education
Hunyo 20, 2006
20 MW Palinpinon II Geothermal Optimization Project
Disyembre 9, 2005
Manila Third Sewerage Project
Hunyo 21, 2005
Land Administration and Management II Project
Mayo 31, 2005
Second Women’s Health and Safe Motherhood
Abril 21, 2005
Philipines: Northwind Bangui Bay Project
Disyembre 9, 2004
37. Diversified Farm Income and Market Development
Project
Electric Cooperative System Loss Reduction Project
Hunyo 22, 2004
Abril 29, 2004
Laguna de Bay Institutional Strengthening and
Community Participation
Disyembre 4, 2003
Rural Power Project
Disyembre 4, 2003
Supplemental Project to the Rural Power Project
Disyembre 4, 2003
Judicial Reform Support Project
August 19, 2003
ARMM Reform Support Project
Disyembre 5, 2002
Second Agrarian Reform Communities Development
Project
Nobyembre 26, 2002
Kapitbisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and
Integrated Delivery of Social Services
Setyembre 17, 2002
2nd Social Expenditure Management Project
Hunyo 4, 2002