2. Bilang doktor ng 2012, ang aking pangunahing priyoridad ay
ang kalusugan ng bayan, at ang tanging mithiin ko ay ang
kagalingan at kabutihan ng mamamayan.
1
3. Ang aking galing, na hinubog ng kaalaman at
karanasan, ay gagamitin lamang para sa paggaling ng
mga maysakit at hindi upang manakit ng iba.
2
4. Sa abot ng aking makakaya, maglilingkod ako sa kapwa nang walang
pag-iimbot at nang walang kinikilingan. Patas na pakikitungo at
wastong paraan ng panggagamot ang aking alay sa bawat pasyente.
3
5. Ang aking mga pasyente ay laging una sa isip sapagkat sila’y
nakahihigit sa aking sariling kapakanan. Hindi matutumbasan ng
kikitaing salapi ang kalakasa’t kagalingang kakamtin ng maysakit.
4
6. Sisiguraduhin kong ang yamang inukol para sa serbisyong medikal ay napupunta
sa mga nangangailangan. Ako’y makikipag-ugnayan sa iba’t ibang sangay ng
lipunan, at gayundin sa mga kapwa doktor, upang mas makalikom para sa kaban
ng sektor pangkalusugan.
5
7. Igagalang ko ang mga
karapatan ng aking mga
pasyente, kapwa-
doktor, at buong
sangkatauhan. Ituturing
kong sagrado ang
buhay at dignidad ng
bawat tao sa aking
paligid.
6
8. Walang pagmamalabis kong susundin ang mga batas ng
bansang Pilipinas at ang mga patakaran ng sangay
pangkalusugan, panloob man o pandaigdigan.
7
9. Hangga’t ako’y naglilingkod bilang manggagamot, sisikapin
kong lalong mapalago ang aking kaalamang pangkalusugan
sa pamamagitan ng pananaliksik at patuloy na pag-aaral.
8
10. Bilang huwaran ng pamayanan, ako ay mamumuhay sa
isang payak, matuwid, at marangal na paraan, nang walang
naaapi o naaapakan.
9
11. Lalahok ako sa mga gawaing magtataas sa antas ng kalusugan ng
bansa at magdudulot ng kaunlaran at karangalan ng lipunan. Ako’y
mag-uukol ng panahon sa pagbibigay ng tulong medikal sa mga
maliliit na komunidad.
10
12. Bilang doktor ng 2012,
hangarin kong maging kasangkapan
ng matapat na paglilingkod,
pagkakawang-gawa, at pagmamahal
sa kapwa.
13.
14.
15.
16. Buong puso kong inaalay ang aking
buhay para sa ikabubuti ng
kalusugan ng kapwa Pilipino.