ALAMAT NG LANGGAM 
SA ISANG MALAYONG BAYAN AY MAY ISANG MAG-ANAK NA KABALITAAN SA SOBRANG SIPAG. MULA 
AMA HANGGANG SA INA...
NAGLUKSA ANG BUONG BAYAN. 
NANGHINAYANG SILA SA PAGKAWALA NG IDEYAL NA PAMILYANG NAGBUKAS SA ISIP NILA SA HALAGA 
NG KASIP...
DAHIL NALILIBANG SA PAGHAHALA-MAN, HINDI NA PANSIN NI MELA NA NAGKAKAEDAD NA SIYA. 
BAGAMAT MAY MGA MANLILIGAW AY GUSTO PA...
SA SINABI NG LALAKE, ANG DONYA AY NALITO AT HINDI AGAD NAKAIMIK. SINAMANTALA IYON NG 
ESTRANGHERO AT MABILIS ITONG UMALIS....
"HUMANDA KAYO NGAYON! SA WAKAS, NATAGPUAN KO NA RIN KAYO. HINDI KAYO 
NARARAPAT NA MAGING TAO!" 
NGUNIT ANG DI KILALANG BA...
ISTAMBAYAN AY BASURAHANG NANGANGAMOY. IPIS NAMAN ANG IPINANGALAN SA LAHI NI IPIPIS NA 
LAGING NAKAKUBLI SA MADIDILIM AT MA...
"IPINANGANGAKO KONG GAGAWIN KO ANG LAHAT UPANG MAPALIGAYA KAYO NG MAGIGING ANAK 
NATIN," PANGAKO NI AYONG. 
ILANG BUWAN MA...
BINIGYAN SIYA NG PANGALAN NG MAG-ASAWA. MULA SA KARING AT AYONG AY TINAWAG SIYANG 
KAYONG, ANG PINAGMULAN SA SALITANG KABA...
PARALYTIC POLIOMYELITIS ANG UMATAKE SA MAHINANG RESISTENSIYA NI KUWALA. NAGING MABILIS 
ANG PAGPASOK NITO SA KATAWAN NIYA ...
TUWANG-TUWA SI KALABAW DAHIL SIGURADO NA NIYANG TALO SI PAGONG SA KARERA. MALAKI SIYA 
AT MABILIS TUMAKBO. SUBALIT SI PAGO...
"KAIBIGANG BUWAG, IBALIK MO AKO SA PINANGGALINGAN KO, NAIWAN KO DOON ANG KAILANGAN 
MONG ATAY. NAKASABIT IYON SA SANGA NG ...
ANG UNGGOY AT ANG PAGONG 
NOONG UNANG PANAHON, MAYROONG DALAWANG MATALIK NA MAGKAIBIGAN. SILA AY SINA UNGGOY 
AT SI PAGONG...
TINANONG NG UNGGOY KUNG SINO ANG AAKYAT AT KUKUHA NG MGA SAGING SA ITAAS NG PUNO. 
SINABI NG UNGGOY NA HINDI PUWEDE ANG LO...
"KAPAG GINAWA MO IYAN, MAGIGING PULA ANG KULAY KO. HINDI MO BA ALAM NA PULA ANG 
PABORITO KONG KULAY?" SAGOT NG PAGONG. 
"...
BAKIT LAGING NAG-AAWAY ANG ASO, PUSA AT DAGA 
NOONG UNANG PANAHON, ANG MGA HAYOP AY NAKAPAGSASALITA AT NAGKAKAINTINDIHAN. ...
AT PINAGHIWALAY. NAGHIWALAY ANG ASO AT PUSA NA KAPWA MAY TANIM NA GALIT SA ISA'T ISA. 
IYON NA ANG SIMULA NG KANILANG PAGI...
"PERO HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY. DALHIN MO AKO SA LIKOD MO. "ANG WIKA NG KAMBING. 
SUMAKAY NGA ANG KAMBING SA KALABAW. I...
"E ALAM MO KAPITBAHAY, NAGING BISYO KO NA ANG GUMULONG-GULONG SA TUBIG," AT SINABAYAN 
NGA NG GULONG SA TUBIG. 
BUMAGSAK S...
Nächste SlideShare
Wird geladen in …5
×

Alamat ng durian

3.148 Aufrufe

Veröffentlicht am

kl

Veröffentlicht in: Recht
0 Kommentare
0 Gefällt mir
Statistik
Notizen
  • Als Erste(r) kommentieren

  • Gehören Sie zu den Ersten, denen das gefällt!

Keine Downloads
Aufrufe
Aufrufe insgesamt
3.148
Auf SlideShare
0
Aus Einbettungen
0
Anzahl an Einbettungen
9
Aktionen
Geteilt
0
Downloads
7
Kommentare
0
Gefällt mir
0
Einbettungen 0
Keine Einbettungen

Keine Notizen für die Folie

Alamat ng durian

  1. 1. ALAMAT NG LANGGAM SA ISANG MALAYONG BAYAN AY MAY ISANG MAG-ANAK NA KABALITAAN SA SOBRANG SIPAG. MULA AMA HANGGANG SA INA AT MGA ANAK AY MAKIKITANG NAGTATRABAHO NA SILA PAGSIKAT PA ALNG NG ARAW SA SILANGAN. MARAMI ANG NAIINGGIT SA SAMAHAN NG PAMILYA DAHIL BIHIRA ANG MGA MAG-ANAK NA LAHAT AY NAGTUTULUNGAN. ANG KASIPAGAN NG LAHAT NG MIYEMBRO ANG DAHILANG KUNG KAYA NAMAN KAPANSIN-PANSIN ANG TUWINA AY MASAGANA NILANG ANI. SA KABILA NG MAALWANG BUHAY AY HINDI KINAKITAAN NG PAGOD ANG MAG-ANAK. HABANG GUMAGANDA ANG KANILANG KABUHAYAN AY LALO SILANG SUMISIPAG. "SILA ANG GAYAHIN NINYO PARA KAYO UMUNLAD," MADALAS AY PAYO NG MATATANDA SA IBA. NAGKAROON NG TAGGUTOM SA NASABING BAYAN. PININSALA NG LABIS NA BAHA ANG MGA PANANIM. KARAMIHAN SA MGA TAGAROON AY HINDI NAKAPAG-IPON NG MAKAKAIN DAHIL NAKUNTENTO NA LAGI SILANG MAKAPAGTATANIM. MABUTI NA LANG AT MABUTI ANG LOOB NG MASISIPAG NA MAG-ANAK. INIHATI NILA SA MGA KABABAYAN ANG MGA PAGKAING INIPON NILA. "WALANG MASAMA NA MAGING HANDA TAYO SA MGA PANAHONG HINDI INAASAHAN," ANANG AMA NG PAMILYA. "MAGING ARAL SANA SA LAHAT ANG PANGYAYARING ITO." "NAPAKAYABANG MO NAMAN," WIKA NG ISANG LALAKI NA MINASAMA ANG NARINIG. "NAKAPAGBIGAY KA LANG NG KAUNTI AY ANG DAMI MONG SINABI." "WALA NAMAN AKONG INTENSYONG MASAMA. IBIG KO LANG PARE-PAREHO TAYONG MAGING HANDA SA PANAHON NG PAGSUBOK," "ANG SABIHIN MO AY MAYABANG KA DAHIL KAILANGAN NAMING UMASA SA INYO!" DIIN NG LALAKI. NATIGIL LAMANG ANG DISKUSYON NANG MAMAGITAN ANG ISANG MATANDA. SINABI NITO NA MAS KAILANGAN NILA ANG MAGKASUNDO KAYSA MAG-AWAY. HINDI INAKALA NG LAHAT NA MAGBUBUNGA IYON NG TRAHEDYA. NAINSULTO ANG LALAKI NA DAHIL MAKITID ANG ISIP AY BINALAK GUMANTI. ISANG GABI AY SINUNOG NITO ANG BAHAY NG PAMILYA NA HUMANTONG SA KAMATAYAN NG MAG-ANAK.
  2. 2. NAGLUKSA ANG BUONG BAYAN. NANGHINAYANG SILA SA PAGKAWALA NG IDEYAL NA PAMILYANG NAGBUKAS SA ISIP NILA SA HALAGA NG KASIPAGAN. ILANG BUWAN MARAANG MALIBING ANG MAG-ANAK, DALAWANG MATANDA ANG DUMALAW SA NASUNOG NA BAHAY. AGAD AY NAPANSIN NILANG ANG ISANG GRUPO NG MALILIIT NA INSEKTONG NAMAMAHAY SA ISANG BAHAGI NG BAKURAN. NAKALINYA ANG MGA ITO AT BAWAT ISA AY MAY DALANG BUTIL NA INIIPON SA TIRAHAN NILA. NAGKATINGINAN ANG DALAWANG MATANDA. ALAM NILANG ANG MGA INSEK-TONG IYON AY ANG MASISIPAG NA MAG-ANAK. TINAWAG NILA ITONG MGA LANGGAM. ALAMAT NG GUMAMELA MAHILIG SA MGA BULAKLAK SI MELA. SA KATUNAYAN, ANG PALIGID NG BAKURAN NILA AY PUNUNG-PUNO NG MGA HALAMANG NAMUMULAKLAK. SIYA ANG NAGTANIM SA LAHAT NG IYON. ARAW-ARAW, MAKIKITA ANG NAPAKARAMING MGA,PARUPARO, BUBUYOG AT TUTUBI SA HALAMAN NI MELA. KATUWAAN NA NG MGA BATA AT MAGING NG MGA MATATANDA NA PANOORIN ANG MGA IYON HABANG PALIPAT-LIPAT SA PAGDAPO SA MGA BULAKLAK.
  3. 3. DAHIL NALILIBANG SA PAGHAHALA-MAN, HINDI NA PANSIN NI MELA NA NAGKAKAEDAD NA SIYA. BAGAMAT MAY MGA MANLILIGAW AY GUSTO PA NIYANG I BUHOS ANG PANAHON SA PAGPAPARAMI NG MGA TANIM KAYSA USAPIN NG KANYANG PUSO. ISANG ARAW, MAY BAKASYUNISTANG NA LIGAW SA HA LAMANAN NI MELA. NATUWA RIN ITO AT NAALIW SA MARAMIN MGA TUTUBI, MGA PARUPARO AT MGA BUBUYOG NA MASAYANG NAGLILIPARAN SA MGA BULAKLAK. NAKIPAGAKILALA SI ROMMEL, ANG BINATANG TAGA MAYNILA KAY MELA. MULA NOON, ARAW-ARAW NANG PANAUHIN NI MELA SI ROMMEL AT IKINAINGGIT ITO NG IBANG MANLIGAW NI MELA. ISA NA RITO SI GOYONG, PINAKAMAHIGIT NIYANG MANGINGIBIG. MINSAN AY HINARANG NI GOYONG SI ROMMEL AT PINAGBANTAAN. IPINAGKIBIT-BALIKAT LANG NI ROMMEL ANG BANTA. NAGPATULOY SIYA SA PAGDALAW KAY MELA. ANG TOTOO AY NATUTUHAN NA NIYANG MAHALIN SI MELA. LALONG NAGALIT SI GOYONG NANG ISANG UMAGA AY MAKITANG KASAMA NI ROMMEL SI MELA GALING SA PAGSISIMBA. WALANG SABI-SABING INUNDAYA NITO NG SAKSAK ANG BINATA NGUNIT HINDI NITO INASAHAN ANG GINAWA NI MELA. BIGLANG INIHARANG NG DALAGA ANG KATAWAN KAYA SIYA ANG TUMANG-GAP NG SAKSAK NA PARA KAY ROMMEL. AGAW-BUHAY AGAD SI MELA SUBALIT BAGO NALAGUTAN NG HININGA AY INAMIN KAY ROMMEL NA MAHAL NIYA ITO. GAYON NA LANG ANG PANGGIGIPUSPOS NI ROMMEL. MATAPOS ILIBING ANG DALAGA SA GITNA NG HALAMANAN NITO AY HINDI NA BUMALIK NG MAYNILA ANG LALAKI. SIYA ANG PUMALIT KAY MELA SA PAG-AALAGA NG MGA HALAMAN NITO. NAIS NIYANG IPADAMA SA PAMAMAGITAN NOON NA MAHAL NA MAHAL NIYA ANG DALAGA. ISANG ARAW AY NAPANSIN NI ROMMEL ANG PAGTUBO NG ISANG KA-KAIBANG URI NG HALAMAN SA MISMONG PUNTOD NI MELA. NANG LUMAKI IYON AY NAMULAKLAK NG KULAY PULA. INISIP NI ROMMEL NA IYON ANG PARAAN NG DALGA UPANG IPAALAM ANG KANYANG PAG-IBIG SA BINATA. ANG BULAKLAK AY TINAWAG NIYANG MELA NGUNIT KALAUNAN AY NAGING GUMAMELA. ALAMAT NG IPIS, LANGAW AT LAMOK BALITA SA KABAITAN AT PAGIGING MATULUNGIN NI DONYA SEGUNDINA KAYA TAHANAN NITO AY LAGING BUKAS PARA SA LAHAT. ISANG ARAW, MAY ESTRANGHERONG DUMATING AT SA KANYA AY NAGWIKA NG GANITO: "IIWAN KO SA IYO ANG MGA BATANG ITO. SILA AY HINDI KO ANAK NGUNIT AKO ANG LUMIKHA."
  4. 4. SA SINABI NG LALAKE, ANG DONYA AY NALITO AT HINDI AGAD NAKAIMIK. SINAMANTALA IYON NG ESTRANGHERO AT MABILIS ITONG UMALIS. PALIBHASA'Y LIKAS NA MAUNAWAIN, KAYA INAMPON NA RIN NG DONYA ANG TATLONG BATANG LALAKE NA SADYANG INIWAN NG ESTRANGHERO. NATUWA ANG LIMANG BATANG BABAE NA PAWANG AMPON DI NI DONYA SEGUNDINA NANG MAKILALA ANG MGA BAGONG AMPON, SUBALIT ANG DALAWANG MATANDANG KATULONG AY PARANG KINABAHAN. MAY NARAMDAMAN SILANG KAKAIBA PAGKAKITA SA ITSURA NINA MOK, NGAW, IPIPIS SAPAGKAT ANG MGA ITO AY TILA HINDI PANGKARANIWANG NILALANG. ANG KUTOB NG MGA KATULONG AY WARING NAGKATOTOO DAHIL SA PALAGING PAGKAKASAKIT NG MGA BATANG BABAE MULA NANG TUMIRA ROON ANG TATLONG BATA. NAGTATAKA RIN SI DONYA SEGUNDINA SA PAGKAKAROON NG MUMUNTING PANTAL SA KATAWAN NG MGA BATANG BABAE. NAKAPATATAKANG ISIPIN KUNG BAKIT SILA AY NAGKAKAHAWAAN NG SAKIT SAMANTALANG PATULOY NA LUMULUSOG ANG MGA BAGONG AMPON. MASAYA ANG DONYA SA NAKITANG KALUSUGAN NG TATLONG BATA NGUNIT HINDI NIYA ALAM NA UBOD NG GULO ANG MGA ITO AT WALANG PINAKIKINGGAN. ANG KATIGASAN NG KANILANG ULO AT MASAMANG PAG-UUGALI AY LUMALABAS KAPAG WALA SI DONYA SEGUNDINA. MADALAS DIN NILANG AWAYIN AT PAIYAKIN ANG MGA BATANG BABAE. ISANG GABI, NATUKLASANG NG DALAWANG MATANDANG KATULONG ANG LIHIM NG TATLONG BATA. SILA PALA AY NAGIGING KULISAP NA NAKAPANGDIDIRI! SA BAWAT LIPAD AT PAGDAPO NI NGAW, AT SA BAWAT MABILIS NA PAGGAPANG NI IPIPIS AY PAREHO SILANG NAG-IIWAN NG MIKROBYO SA PAGKAIN AT INUMIN NG MGA BATA, HABANG PALIPAT-LIPAT NAMAN SI MOK NG PAGSIPSIP NG DUGO SA KATAWAN NG MGA NATUTULOG. ANG MGA NAHINTAKUTANG KATULONG AY DALI-DALING NAGSUMBONG SA DONYA TUNGKOL SA KANILANG NASAKSIHAN. MAGING ANG KAPILYUHAN NG TATLONG BATA AY KANILA RING INIHAYAG, NGUNIT AYAW SILANG PANIWALAAN NG ABALANG DONYA SAPAGKAT SA HARAPAN NITO ANG MGA BATANG SUTIL AY MUKHANG SANTO. WALANG NANGYARI SA SUMBONG KAYA BINALAK NILANG BANTAYAN AT SAKA HULIHIN ANG MGA BATANG KULISAP UPANG MAIPAKITA SA DONYA, SUBALIT ANG MATATALINONG BATA AY HINDI NA NAGBAGONG-ANYO, NGUNIT SA TUWI-TUWINA ANG MGA BATANG BABAE AY KANILANG SINASAKTAN. ISANG HAPON, HABANG NAGLALARO ANG MGA BATANG BABAE, LUMAPIT ANG TATLONG PILYO AT WALANG SABI-SABING NAMALO. NAPAHIYAW SA TINDI NG SAKIT ANG LIMANG BATA . . . NANG BIGLANG LUMITAW ANG ISANG PASLIT NA BATANG LALAKE.
  5. 5. "HUMANDA KAYO NGAYON! SA WAKAS, NATAGPUAN KO NA RIN KAYO. HINDI KAYO NARARAPAT NA MAGING TAO!" NGUNIT ANG DI KILALANG BATA AY HINDI PINANSIN NINA MOK, NGAW AT IPIPIS. SA HALIP AY PINAGTULUNGAN PA NILANG SAKTAN ITO KAYA ANG PAGDATING NI DONYA SEGUNDINA AT NG DALAWANG KATULONG AY HINDI NILA NAPANSIN. NAKITA NGAYON NG DONYA ANG TUNAY NA UGALI NG TATLONG BATA AT SA LABIS NA GALIT AY HALOS IPINAGTABUYAN NITO ANG MGA AMPONG LALAKE, SUBALIT NGUMISI LAMANG ANG MGA ITO SAKA INILABAS ANG NAKATAGO NILANG PANGIL AT NANDIDILAT ANG MGA MATANG TUMITIG SA DONYA. SA PAGKABIGLA, LAHAT SILANG NAROROON AY HINDI NAKAKILOS AT HINDI RIN ALAM ANG GAGAWIN SA MGA BATANG LUMAPIT. SA SANDALING IYON, DAGLING PUMAGITNA ANG BATANG PASLIT NA ISA PALANG "KERUBIN". "SA NGALAN NG KATAAS TAASAN, MAGSIBALIK KAYO SA DATI NINYONG ANYO, MGA ISINUMPANG NILIKHA!" SA ISANG KISAP-MATA AY NAGING KULISAP NGA ANG TATLONG BATA NA HINDI PALA TOTOONG TAO! ANG KABABALAGHANG NAGANAP AY BINIGYANG-LINAW NG KERUBIN. AYON SA KANYA: "MAY MGA TAKSIL NA ANGHEL ANG NANGHIMASOK AT PINAKIALAMAN ANG SAGRADONG GAWAIN NG MANLILIKHA. GUMAWA SILA NG MGA BAGAY NA MAY BUHAY AT MUMUNTING KULISAP NA NAKARIRIMARIM. SA KALAPASTANGANANG IYON NG MGA SUWAIL NA ANGHEL, SILA, SAMPU NG KANILANG NILIKHA AY ISINUMPA NG MAYKAPAL AT INIHAGIS SA LUPA. ANG MGA NAHULOG SA PUSALI, MARURUMI AT MABABAHONG LUGAR AY NAGING INSEKTONG MAPAMINSALA. HINAYAAN NA LANG NG MAYLALANG ANG MGA KULISAP NA ITO BAGAMA'T MAPANGANIB SA KALUSUGAN, UPANG ANG TAO AY MATUTONG MAGING MALINIS, SAPAGKAT SA KALINISAN, ANG MGA INSEKTONG MAPAMINSALA AYA MADALING MAPUKSA." BATID NG MUNTING ANGHEL NA ANG KANYANG PALIWANAG AY SAPAT NA KAYA ILANG SAGLIT PA, ITO AY NAGLAHO. MULA KUNG SAAN AY NAGSULPUTAN ANG TATLONG URI NG KULISAP NA KAWANGIS NI MOK, NI NGAW AT NI IPIPIS DATAPUWA NAMANGHA ANG MGA TAO NANG MAGLIPARAN PAPALAYO ANG MGA INSEKTO. AHH, TAMA ANG KERUBIN, AYAW PALA NG MGA ITO SA MALINIS NA TAHANAN. SIMULA NOON BINANSAGAN NANG LAMOK ANG MGA KAURI NI MOK NA MAHILIG MANUSOK LALO NA SA GABI. TINAWAG NAMANG LANGAW ANG MGA KAMUKHA NI NGAW NA ANG PABORITONG
  6. 6. ISTAMBAYAN AY BASURAHANG NANGANGAMOY. IPIS NAMAN ANG IPINANGALAN SA LAHI NI IPIPIS NA LAGING NAKAKUBLI SA MADIDILIM AT MARURUMING SULOK NG BAHAY. HANGGANG NGAYON, ANG MGA KULISAP NA ITO AY PATULOY PA RIN SA KANILANG PAMINSALA AT PAGDUDULOT NG SAKIT SA TAO, LALO NA SA MGA WALANG MALAY NA BATA... NGUNIT KUNG TAYO AY MAGKAKAISA, ALAM NAMAN NATING KUNG PAANO SILA MAPUPUKSA. ALAMAT NG KABAYO NOONG ARAW, MAY MAG-ASAWANG MASAYA AT TAHIMIK NA NAMUMUHAY KAHIT WALANG ANAK. SINA AYONG AT KARING. KUNTENTO NA SILA SA ISA'T ISA NANG ISANG ARAW AY DUMATING SA KANILA ANG MAGANDANG SORPRESA. BUNTIS SI KARING! NAGPASALAMAT SA DIYOS ANG MAG-ASAWA DAHIL BINIYAYAAN SILA NA MAGKAROON NG ANAK.
  7. 7. "IPINANGANGAKO KONG GAGAWIN KO ANG LAHAT UPANG MAPALIGAYA KAYO NG MAGIGING ANAK NATIN," PANGAKO NI AYONG. ILANG BUWAN MAKARAAN AY ISINI-LANG NI KARING ANG ISANG MALUSOG NA BATANG LALAKI. NAG-IISANG ANAK PALIBHASA, SINIKAP NINA AYONG AT KARING NA MAIPAGKALOOB SA ANAK ANG LAHAT NG SAYA AT MASARAP NA BUHAY. LABIS NILA ITONG NAPALAYAW KAYA LUMAKING MASAMA ANG UGALI. PALASAGOT ITO AT AYAW NA NASASABIHAN. KAPAG NAKAGALITAN ANG BINATILYO AY AGAD NAGLALAYAS. MINSAN AY HINDI NATIIS NI AYONG ANG GINAWANG PAGSAGOT NG ANAK KAY KARING KAYA PINANGARALAN NIYA ANG BINATILYO. NANG ARAW DING IYON AY NAGLAYAS ITO AT NAPADPAD SA PAANAN NG ISANG BUNDOK. ISANG MATANDANG NAMUMUHAY SA PAANAN NG BUNDOK ANG NAGMAMAGANDANG LOOB KAYA NAGKAROON NG MATUTULUYAN ANG BINATILYO. NANG MALAMAN NG MATANDA NA NAGLAYAS SIYA AY PINAYUHAN SIYA NITO. "UMUWI KA AT HUMINGI NG TAWAD SA MGA MAGULANG MO. HINDI MAINAM NA NAGTATANIM NG GALIT SA AMA MO'T INA," ANG SABI NG MATANDA. MINASAMA IYON NG BINATA. NAGALIT SIYA SA MATANDA AT PINAGSISIPA ANG BANGKONG INUUPUAN. "WALA KANG PAKIALAM SA BUHAY KO AT LALONG WALA KANG KARAPATANG PAGALITAN AKO!" PAASIK NA SABI NG BINATILYO. MARAMI PANG MASASAKIT NA SALITANG BINITIWAN ANG BINATILYO NA WALANG TIGIL SA KASISIPA SA LAHAT NG ABUTAN NG PAA. LINGID SA KAALAMAN NG BINATA AY ENGKANTADO PALA ANG MATANDA. SA NAKITANG MASAMA NIYANG ASAL AY GINAWA SIYA NITONG HAYOP NA MAY APAT NA PAA NA WALANG TIGIL KASISIPA. NANG MAPAGOD SA KASISIPA AY NAPAIYAK ANG BINATILYO NGUNIT HALINGHING LANG ANG LUMABAS SA BIBIG NIYA. HULI NA ANG KANYANG PAGSISISI DAHIL HINDI NA MAKABALIK SA DATING ANYO. NAPILITAN SIYANG UMUWI SA MAGULANG. LIKAS NA MABABAIT, KINUPKOP NINA AYONG AT KARING ANG HAYOP NA ISANG UMAGA AY AYAW NANG UMALIS SA KANILANG BAKURAN. INALAGAAN NILA ITO NA PARANG TAO. NAGING MALAKING TULONG SIYA SA AMA. GUMAAN ANG GAWAIN NITO AT BUMILIS ANG KANILANG PAG-UNLAD.
  8. 8. BINIGYAN SIYA NG PANGALAN NG MAG-ASAWA. MULA SA KARING AT AYONG AY TINAWAG SIYANG KAYONG, ANG PINAGMULAN SA SALITANG KABAYO. ALAMAT NG KALABASA SI KUWALA AY ANAK NI ALING DISYANG, ISANG MAHIRAP NA MAGGUGULAY. MALIIT PA SIYANG BATA NANG MAMATAY ANG AMA AT TANGING ANG INA ANG NAGPALAKI SA KANYA. MABAIT SI KUWALA. MALIIT PA AY MAHILIG NA SIYANG TUMINGIN SA MGA LARAWANG NASA LIBRO AT NANG MATUTO AY PAGBABASA ANG NAGING LIBANGAN. BASA SIYA NG BASA. WALANG ORAS NA HINDI SIYA NAGBABASA. BINANSAGAN TULOY SIYANG KUWALANG BASA NANG BASA. MATALINO ANG ANAK KAYA NAGSIKAP SI ALING DISYANG PARA MATUSTUSAN ANG ANAK. SI KUWALA NAMAN AY HIGIT NA PINAGBUTI ANG PAG-AARAL. TAG-ULAN NOON NANG ISANG HAPON AY UMUWI SI KUWALA NA MATAAS NA MATAAS ANG LAGNAT. INIRIREKLAMO NIYA ANG MAHIRAP NA PAGLUNOK. NAGSUKA RIN SIYA NANG NAGSUKA. PALIBHASA AY WALANG PERA, HINDI AGAD NADALA NI ALING DISYANG SA DOKTOR ANG ANAK. NANG MASURI ITO NG DOKTOR AY MALALA NA ANG KONDISYON.
  9. 9. PARALYTIC POLIOMYELITIS ANG UMATAKE SA MAHINANG RESISTENSIYA NI KUWALA. NAGING MABILIS ANG PAGPASOK NITO SA KATAWAN NIYA AT AGAD SIYANG NAPARALISA. ILANG LINGGO MAKARAAN AY BINAWIAN NG BUHAY ANG KAWAWANG BATA. HINDI MATANGGAP NI ALING DISYANG ANG SINAPIT NI KUWALA. UPANG MAIBSAN ANG LUNGKOT AY INUBOS NIYA ANG PANAHON SA PAG-AASIKASO NG MGA TANIM NA GULAY. MAY KAKAIBANG HALAMANG TUMUBO AT NAGBUNGA SA PATANIMAN NI ALING DISYANG. BILOG ANG BUNGA NOON NA KULAY DILAW ANG LOOB. NATUKLASAN NG MGA KUMAIN NG GULAY NA MAY BITAMINA ITONG NAGPAPALINAW NG MATA. MAY ISANG NAGTANONG KUNG SAAN GALING ANG HALAMANG IYON. ANG SABI NG TINANONG AY KINA KUWALANG BASA NANG BASA. NAGPASALIN-SALIN IYON SA MARAMING MGA BIBIG HANGGANG KALAUNAN AY NAGING KALABASA. PABULA ANG PAGONG AT ANG KALABAW ISANG ARAW AY NAGKITA ANG KALABAW AT ANG PAGONG. NAIS NG PAGONG NA MAKIPAGKAIBIGAN SA KALABAW. TUMAWA LANG NANG MALAKAS ANG KALABAW AT PAKUTYANG SINABI NA, "HINDI ANG ISANG TULAD MO ANG NAIS KONG KAIBIGAN. ANG GUSTO KO AY IYONG KASINLAKI AT KASINLAKAS KO, HINDI TULAD MONG LAMPA NA'T MALIIT AY SOBRA PA ANG KUPAD KUMILOS." ANG PAGONG AY NAPAHIYA SA TINURAN NG PALALONG KALABAW. "SOBRA KANG MAPANG-API. MINAMALIIT MO ANG AKING KAKAYAHAN DAPATA MONG MALAMAN NA ANG MALIIT AY NAKAKAPUWING. NAPIKA SI KALABAW. HINAMON NIYA NG KARERA SI PAGONG UPANG MAPATUNAYAN NITO ANG KANYANG SINASABI. TINANGGAP NAMAN NI PAGONG ANG HAMON NI KALABAW. "KAPAG AKO AY TINALO MO SA LABANANG ITO AY PAGSISILBIHAN KITA SA HABANG PANAHON." "MATIBAY KA TALAGA, HA. PWES, KAILAN MO GUSTONG UMPISAHAN ANG KARERA?" PAKUTYANG SAMBIT NG KALABAW. "BUKAS NG UMAGA, SA DING ITO," ANG DALING SAGOT NG PAGONG.
  10. 10. TUWANG-TUWA SI KALABAW DAHIL SIGURADO NA NIYANG TALO SI PAGONG SA KARERA. MALAKI SIYA AT MABILIS TUMAKBO. SUBALIT SI PAGONG AY MATALINO, KINAUSAP NIYA ANG APAT NA KAIBIGANG PAGONG. PINAPUWESTO NIYA ANG MGA ITO SA TUKTOK BAWAT BUNDOK HANGGANG SA ANG MATALINONG MATSING AT ANG BUWAYA SI MALAK, ANG MATSING AT SI BUWAG, ANG BUWAYA AY MAGKAIBIGAN. SILA AY NAGTUTULUNGAN. ISANG ARAW, ANG ASAWA NI BUWAG AY NAGKASAKIT. LUNGKOT NA LUNGKOT SI BUWAG SA KA LAGAYAN NG ASAWA. LAHAT NG GUMAGAMOT SA ASAWA NIYA AY NAGSABING ANG MAKAGAGALING LAMANG SA SAKIT NG KANIYANG ASAWA AY ATAY NG ISANG MATSING. NAGHANAP SI BUWAG NG MAIPANLULUNAS SA KARAMDAMAN NG KANYANG ASAWA, MALAPIT NA SIYA SA ISANG ILOG NANG MAMATAAN NIYA ANG KAIBIGANG MATSING, SI MALAK. LUMAPIT SIYA SAPUNONG KINAUUPUAN NI MALAK. "MAGANDANGG UMAGA SA IYO, MALAK!" MASAYANG BATI NI BUWAG. "BAKIT MALUNGKOT KA AT NAKAHARAP SA ILOG?" NAIS KO SANANG TUMAWID NG ILOG PERO DI KO MAGAWA DAHIL SA HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY." SAGOT NI MALAK. BIGLANG PUMASOK SA ISIP NI BUWAG ANG KANIYANG PANGANGAILANGAN. NAISIP NIYANG ISAKAY SA LIKOD NIYA SI MALAK AT LUNURIN ITO SA ILOG PARA MAKUHA NIYA ANG ATAY NITO. INALOK NIYA SI MALAK NA SUMAKAY SA KANYA AT ITATAWID NIYA ITO. DALI-DALING LUMUNDAG SI MALAK SA LIKOD NI BUWAG. HINDI ALAM NI MALAK NA NANGANGANIB ANG KANYANG BUHAY. NASA KALAGITNAAN NA SILA NG ILOG NANG SABIHIN NI BUWAG ANG BALAK NIYANG GAWIN KAY MALAK. NATAKOT SI MALAK. UNTI-UNTI NANG INILULUBOG NI BUWAG ANG KATAWAN SA ILOG NANG MAG SALITA SI MALAK.
  11. 11. "KAIBIGANG BUWAG, IBALIK MO AKO SA PINANGGALINGAN KO, NAIWAN KO DOON ANG KAILANGAN MONG ATAY. NAKASABIT IYON SA SANGA NG PUNO." SABI NI MALAK. NANIWALA NAMAN ANG BUWAYA SA SINABI NG MATSING KAYA'T IBINALIK NIYA ITO. AGAD NA LUMUNDAG SA ITAAS NG PUNO SI MALAK. TUMAYO SIYA SA ISANG SANGA AT NAGSALITA, "SALAMAT SA PAGSASAKAY MO SA AKIN. ANG KAI1ANGAN MONG ATAY AY NARITO SA LOOB NG AKING KATAWAN. DAHIL SA KAIBIGAN KITA AY IPAGKAKALOOB KO ITO SA IYO KUNG MAKAKAAKYAT KA RITO SA ITAAS NG PUNO." GINAWA NI BUWAG ANG LAHAT NG MAKAKAYA NIYA SUBALIT HINDI SIYA MAKAAKYAT SA ITAAS NG PUNO. LUMISAN ANG BUWAYANG BIGO SA MASAMANG HANGARIN SA MATSING. KINABUKASAN, MAAGANG DUMATING SI KALABAW. TULAD NG INAASAHAN, WALA PA ANG MAKAKALABAN NIYA SA KARERA" O, PAANO, DIPA MAN AY NAHUHULI KA NA. ANO BANG KONDISYON NG ATING KARERA?" TANONG NG KAIABAW. "OKAY, GANITO ANG GAGAWIN NATIN. ANG MAUNANG MAKARATING SA IKALIMANG TUKTOK NG BUNDOK NA IYON AY SIYANG PANALO," SABI NG PAGONG. TULAD NG DAPAT ASAHAN, NATABUNAN NG ALIKABOK SI PAGONG. NAUNANG SINAPIT NG KALABAW ANG UNANG BUNDOK NGUNIT LAKING GULAT NIYA AY NAROON NA ANG PAGONG NA ANG AKALA NIYA AY ANG KANYANG KALABAN. NAGPATULOY SA PAGTAKBO SI KALABAW HANGGANG SA IKALAWANG BUNDOK. GANON DIN ANG KANYANG DINATNAN. MAYROON NANAMANG ISANG PAGONG DOON. GALIT NA GALIT NA NAGPATULOY SA PAGTAKBO ANG KALABAW HANGGANG SA IKATLONG BUNDOK." MULI AY MAY ISANG PAGONG NA NAMAN DOON, GANOON DIN SA IKAAPAT AT IKALIMANG BUNDOK. DAHILAN SA MATINDING KAHIHIYAN AT GALIT SA KANYANG PAGKATALO KAY PAGONG TINADYAKAN NIYA NG MALAKAS ANG PAGONG. MATIGAS ANG LIKOD NANG PAGONG KAYA HINDI ITO NASAKTAN SA HALIP AY. ANG KALABAW ANG UMATUNGAL NG IYAK DAHIL SA SAKIT NA DULOT NG NABIYAK NG KUKO SA PAGSIPA SA MAHINA AT MALIIT NA PAGONG.
  12. 12. ANG UNGGOY AT ANG PAGONG NOONG UNANG PANAHON, MAYROONG DALAWANG MATALIK NA MAGKAIBIGAN. SILA AY SINA UNGGOY AT SI PAGONG. MINSANG WALANG GAWAIN AY SUMAMA ANG UNGGOY KAY PAGONG NA MAMASYAL SA PALIGID. NAKAPULOT SILA NG ISANG PUNONG SAGING NA NAKAHARANG SA DAAN. NAG-ISIP SILA KUNG ANO ANG GAGAWIN SA HALAMAN. "MABUTI PA KAYA'Y HATIIN NATIN ITO AT ITANIM NATIN. SA AKIN ANG- BANDANG ITAAS AT SA IYO ANG IBABA." MUNGKAHI NG UNGGOY. PINILI NIYA ANG ITAAS DAHIL DOON LUMALABAS ANG SAGING. TATAWA-TAWA SIYANG UMUWI· PUMAYAG ANG PAGONG. PAG-UWI NILA SA KANI-KANILANG BAHAY AGAD NILANG ITINANIM ANG KANILANG PARTE. MAKALIPAS ANG ILANG ARAW, ANG ANG HALAMAN NG UNGGOYI AY NAMATAY. LABIS SIYANG NALUNGKOT SAPAGKAT PABORITO PA NAMAN NIYA ANG PRUTAS NA SAGING. SA KABILANG DAKO, TUWANG-TUWA NAMAN SI PAGONG DAHIL NAMUMUNGA NA ANG KANIYANG PUNO NG SAGING. DINALAW NIYA ANG KANIYANG KAIBIGAN. "KAIBIGANG UNGGOY, BAKIT KA MALUNGKOT? ANG GANDA-GANDA NG SIKAT NG ARAW AH." BATI NG PAGONG SA KAIBIGAN. "KASI NAMATAY ANG TANIM KO." MALUNGKOT NA SAGOT NG UNGGOY. "IYONG TANIM MO KUMUSTA NA, KAIBIGAN?" "ALAMI MO ANG DAMI-DAMI NANG BUNGA NG TANIMI KO AT MAHIHINOG NA SILANG LAHAT." MASAYANG SAGOT NG PAGONG. "TALAGA? PUWEDE KO BANG MAKITA? SABI NG TUSONG UNGGOY. NANLALAKI ANG MATA NG UNGGOY NANG MAKITA ANG MGA SAGING NA TANIM NG PAGONG.
  13. 13. TINANONG NG UNGGOY KUNG SINO ANG AAKYAT AT KUKUHA NG MGA SAGING SA ITAAS NG PUNO. SINABI NG UNGGOY NA HINDI PUWEDE ANG LOLO NG PAGONG DAHIL MAHINA NA ITO AT HINDI RIN UUBRA ANG KANYANG KAPATID PAGKAT BULAG NAMAN ITO. "KAIBIGAN PUMAYAG KA KAYA KUNG AKO ANG UMAKYAT PARA IPITAS KA NG SAGING?" MUNGKAHI NG UNGGOY. "ABA, E DI MABUTI." SAGOT NG PAGONG. MABILIS NA UMAKYAT ANG UNGGOY. LAKING GULAT NG PAGONG SA GINAWA NG UNGGOY. HABANG NASA ITAAS AY KINAIN NANG KINAIN NG UNGGOY ANG MGA BUNGA HANGGANG SA ITO AY ·MANGALAHATI NA LAMANG. NAKIUSAP ANG PAGONG NA ABUTAN NAMAN SIYA SUBALI'T PINAGTAWANAN LAMANG SIYA NG UNGGOY. SA GALIT NG PAGONG SA KATAKAWAN NG UNGGOY, UMALIS SIYA AT KUMUHA NG MARAMING TINIK. ITINUSAK NIYA IYON ISA PALIGID NG PUNO NG SAGGING. "KAIBIGANG UNGGOY, HINDI MAINAM SA KALUSUGAN ANG MANATILI DIYAN SA ITAAS NG BUONG ARAW. ITO'Y ISANG PAYO KO LANG SA IYO. ORAS NA MARINIG MO ANG KAHOL NG ASO, IYON AY ISANG HUDYAT UPANG IKAW AY BUMABA NA RIYAN." AT UMALIS NA ANG PAGONG. DI NAGTAGAL AT KUMAHOL ANG ASO NG KAPITBAHAY. SA ORAS NA IYON AY BUSOG NA BUSOG NA ANG UNGGOY, AYAW PA SANA NIYANG BUMABA NGUNI'T NAALALA NIYA ANG BILIN NG KAIBIGAN. DAHAN-DAHAN SIYANG BUMABA DAHIL SA SOBRANG KABUSUGAN. MARAHIL SA SOBRANG BIGAT AY DUMULAS SIYANG PABABA AT BUMAGSAK SA MGA TINIK NA NAKAPALIGID SA PUNO NG SAGING. ARINGKING SA SAKIT ANG UNGGOY AT. NAMIMILIPIT SA SAKIT NG KATAWAN HANGGANG SAPITIN ANG KANIYANG BAHAY. KINABUKASAN AY MAAGANG GUMISING ANG UNGGOY. KAILANGAN NIYANG MAKAGANTI SA GINAWA SA KANIYA NG PAGONG. LUMABAS SIYA AT HINANAP ANG KAIBIGAN. NAPAGOD SIYA A KALALAKAD. PASALPAK SIYANG NAUPO SA ISANG ANIMO ISANG MALAKING KABIBE UPANG MAGPAHINGA. ANG BUNTOT NIYA AY PUMASOK SA ISANG BUTAS AT IYON AY BIGLANG HINILA NG WALANG IBA KUNDI ANG KAIBIGAN NIYANG PAGONG. ANG LIKOD PALA NG PAGONG ANG KANIYANG NAUPUAN. NAPATALON ANG UNGGOY. "AHA, IKAW PALA!" SIGAW NG UNGGOY. "ALAM MO BANG KANINA PA KITA HINAHANAP?" "ANONG GAGAWIN MO SA AKIN?" TANONG NG PAGONG. "'LILITSUNIN KITA!" SABI NG UNGGOY.
  14. 14. "KAPAG GINAWA MO IYAN, MAGIGING PULA ANG KULAY KO. HINDI MO BA ALAM NA PULA ANG PABORITO KONG KULAY?" SAGOT NG PAGONG. "PAGKATAPOS AY TATADTARIN KITA!" SABI ULI NG UNGGOY. "E DI MAGANDA, IKAW RIN DADAMING LALO ANG PAGONG DITO." SABAD NAMAN NG PAGONG. "AT PAGKATAPOS AY ITATAPON KITA SA ILOG!" PAINIS NA SABI ULI NG UNGGOY. PAGKARINIG DITO AY LIHIM NA NATUTUWA ANG PAGONG, HINDI ALAM NG UNGGOY NA GUSTONG-GUSTO NGA NIYANG MAGLARO SA TUBIG AT LUMANGOY. HINDI NAGPAHALATA ANG PAGONG. "MAAWA KA, KAIBIGAN. HUWAG MONG GAWIN SA AKIN IYAN." PAKUNWARING UMIYAK NA SABI NG PAGONG." ILITSON MO NA AKO O TADTARIN MO KAYA. PERO HUWAG MO LANG AKONG ITAPON SA ILOG!" HINDI PINAKINGGAN NG UNGGOY ANG PAKIUSAP NG PAGONG. UBOS LAKAS NIYANG INIHAGIS SA TUBIG ANG PAGONG. SUMISID SA KAILALIMAN ANG PAGONG AT ILANG SANDALI LAMANG AT LUMITAW ITO NA MAY HAWAK NA ISANG MALAKING ISDA. IPINAKITA NIYA ITO SA KAIBIGANG UNGGOY. NAGULAT ANG UNGGOY AT HINDI AGAD NAKAPAGSALITA. "KAIBIGAN, IBIBIGAY MO BA SA AKIN IYAN?" ANG NASAMBIT NG UNGGOY. "BAKIT HINDI KA LUMUNDAG DITO AT HUMULI NG PARA SA IYO?" SAGOT NG PAGONG. "HINDI KANAMAN SIGURO ISANG TAMAD." AYAW NA AYAW NG UNGGOY NA MATATAWAG SIYANG TAMAD. DALI-DALI SIYANG TUMALON AT DAHIL SA HINDI SIYA MARUNONG LUMANGOY, SIYA AY NALUNOD. ANG PAGONG AY TUMAWA NA LANG NANG TUMAWA.
  15. 15. BAKIT LAGING NAG-AAWAY ANG ASO, PUSA AT DAGA NOONG UNANG PANAHON, ANG MGA HAYOP AY NAKAPAGSASALITA AT NAGKAKAINTINDIHAN. SILA AY MAGKAKAIBIGAN. ANG DAIGDIG AY NAPAKAPAYAPA AT ANIMO'Y ISANG PARAISO. ANG MGA ASO, PUSA AT DAGA AY MABUBUTING MAGKAKAIBIGAN. SAMA-SAMA SILANG KUMAKAIN. LAGI SILANG NAGBIBIGAYAN AT NAGTUTULUNGAN SA KANI·KANILANG MGA SULIRANIN. SUBALI'T ANG LAHAT NG ITO AY NASIRA DAHIL LAMANG SA ISANG PANGYAYARI. ISANG ARAW, UMUWI ANG ASO NA MAY DALA-DALANG BUTO PARA PAGSALUHAN NILA NG KANIYANG MGA KAIBIGANG PUSA AT DAGA. WALA DOON SINA PUSA AT DAGA DAHIL NAGHAHANAP PA RIN ANG MGA ITO NG PAGKAIN. NAKARINIG NG INGAY ANG ASO SA PINTUAN NG BAHAY. INILAPAG NG ASO ANG BUTO AT TUMAKBO SA LABAS UPANG TINGNAN KUNG LIGTAS ANG KANIYANG AMO. SA ORAS NAMAN NA IYON AY DUMATING ANG DAGA. MALUNGKOT SIYA DAHIL WALA SIYANG NAKUHANG PAGKAIN. NAKITA NIYA ANG BUTO. KINUHA NIYA ITO AT DINALA SA BUBUNGAN NG BAHAY. "MAMAYANG GABI AY MAY PAGSASALUHAN KAMI NG AKING MGA KAIBIGANG ASO AT PUSA." BULONG NG DAGA SA SARILI. PAGBALIK NG ASO SA BAHAY AY NAGULAT ITO NG MAKITANG WALANA ANG INIWANG BUTO. NAGHANAP NANG NAGHANAP ANG ASO SUBALIT HINDI RIN NIYA MAKITA ANG BUTO. DUMATING ANG PUSA NA WALA RING DALANG PAGKAIN. TINULUNGAN NIYA ANG ASC SA PAGHAHANAP NG BUTO. NAKARATING SILA SA ITAAS NG BAHAY HANGGANG SA KINAROROONAN NG DAGA. NAGULAT ANG ASO AT PUSA. AKALA NILA AY SADYANG KINUHA NG DAGA ANG BUTO PARA MASOLO NIYA ITO. MABILIS NA LUMAPIT ANG PUSA SA DAGA AT PINAGALITAN ITO. NAGPALIWANAG ANG DAGA NGUNI'T HINDI RIN SIYA PINAKINGGAN NG PUSA. NAG-AWAY SILANG DALAWA KAYA'T ANG BUTO AY NALAGLAG. NASALO ITO NG ASO AT DALI-DALING TUMAKBO HANGGANG SA LIKODS NG BAHAY. "HAH..HAH.. HIHINTAYIN KO NA LANG SILA DITL. SIGURO MAMAYA AY MAGKAKASUNDO NA RIN SILA AT MASAYA NAMING PAGSASALUHAN ITONG BUTO." BULONG NG ASONG HUMIHINGAL. DAHIL SA PAGOD AT MATAGAL-TAGAL DING PAGHIHINTAY SA PAGDATING NG DALAWANG KAIBIGAN, KINAIN NA NG ASO ANG IKATLONG BAHAGI NG BUTO. ITINIRA NIYA ANG PARTE NG DAGA AT NG PUSA. MAINIT PA ANG ULO NG PUSA DAHIL SAGALIT NANG ITO AY DUMATING SA KINAROROONAN NG ASO. INABUTAN NIYA ANG ASO NA KUMAKAI NG MAG-ISA. BIGLA NIYANG INANGILAN ANG ASO. NAGKASAGUTAN SILANG DALAWA HANGGANG SA SILA AY MAGKASAKITAN NG KATAWAN. NARINIG NG MAY-ARI NG BAHAY ANG INGAY NA DULOT NG PAG-AAWAY NG ASO AT PUSA. INAWAT SILANG DALAWA
  16. 16. AT PINAGHIWALAY. NAGHIWALAY ANG ASO AT PUSA NA KAPWA MAY TANIM NA GALIT SA ISA'T ISA. IYON NA ANG SIMULA NG KANILANG PAGIGING MAGKAAWAY. MAGMULA NOON, SA TUWING MAKIKITA NG ASC ANG PUSA AY KINAKAHULAN NIYA ITO. ANG PUSA NAMAN AY DI PADADAIG, LAGI SIYANG SUMASAGOT AT LUMALABAN SA ASO. AT SA TUWI NAMANG MAKIKITA NG PUSA ANG DAGA AY HINAHABOL NIYA ITO. DAHIL NAMAN SA TAKOT ANG DAGA AY PUMAPASOK SA ISANG MALIIT NA LUNGGA AT LUMALABAS LAMANG DOON KAPAG WALA NA ANG PUSA. AN G MA GKA P I T B AHA Y N A KAMB I N G A T KA L AB AW MAGKAPITBAHAY ANG KALABAW AT ANG KAMBING. ISANG UMAGA AY NAGPUNTA SA KAPITBAHAY ANG KAMBING. "AKO AY NAGUGUTOM. TAYO NA SA KABILA NG ILOG. MARAMING BUNGA NG MAIS. KUMAIN KA NG KUMAIN NG SARIWANG DAMO, KAKAIN NAMAN AKO NG KAKAIN NG MGA MURANG MAIS ANG SABI NG KAMBING SA KALABAW. "OO ,TAYO NA," ANG SABI NG KALABAW.
  17. 17. "PERO HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY. DALHIN MO AKO SA LIKOD MO. "ANG WIKA NG KAMBING. SUMAKAY NGA ANG KAMBING SA KALABAW. ITO NAMAN AY LUMANGOY SA ILOG HANGGANG SA KABILANG IBAYO. KUMAIN SILA NG KUMAIN DOON. MABILIS KUMAIN ANG KAMBING. ANG KALABAW NAMAN AY HIHINAY-HINAY KUMAI. MADALING NABUSOG ANG KAMBING. ANG KALABAW NAMAN AY HINDI PA NABUBUSOG. NAINIP NA ANG KAMBING. KAYA NAGYAYA NANG UMUWI. "KAPITBAHAY, GUSTO KO NANG UMUWI. BUSOG NA AKO," ANG SABI NG KAMBING. "MABUTI KA PA BUSOG NA," ANG SAGOT NG KALABAW. "MAGHINTAY KANA MUNA." NAYAMOT NA ANG KAMBING. INISIP KUNG PAANO NIYA MAPATITIGIL SA PAGKAIN ANG KALABAW, MAYROON SIYANG NAISIB. NAGLULUNDAG ANG KAMBING. GUMAWA ITO NG MALAKING INGAY. DAHIL SA INGAY NA IYON AY NARINIG SILA NG MGA TAO. NAGDATINGAN ANG MGA TAO. NAKITA NILANG KUMAKAIN ANG KALABAW. HINAMBALOS NILA NANG HINAMBALOS ANG KALABAW. "ANO, KAPITBAHAY, GUSTO MO NA BANG UMUWI? ANG TANONG NG KAMBING SA KALABAW. "OO, TAYO NA NGA. SIGE, LUNDAG NASA LIKOD KO," ANG SABI NG KALABAW, AT LUMAKAD NANG PAPUNTA SA ILOG. NANG SILA AY NASA GITNA NA NG ILOG, HUMINTO ANG KALABAW. TINANONG NIYA KUNG BAKIT NAG-INGAY ANG KAMBING. "EWAN KO NGA BA. TUWING AKO AY MABUBUSOG, AY GAWI KO NA ANG KUMANTA AT MAGSAYAW," ANG SAGOT NG KAMBING. LUMAKAD NA RIN SA TUBIG ANG KALABAW. WALANG ANU-ANO AY NARATING NILA ANG MALALIM NA BAHAGI NG ILOG. MULING HUM INTO ANG KALABAW. "O. BAKIT KAHUMINTO? ANG TANONG NG KAMBING. "ALAM MO KAPAG AKO AY NASA TUBIG, AY SIYEMPRE GUSTO KONG GUMULONG-GULONG SA TUBIG," ANG SABI NG KALABAW. "ABA, HUWAG! PAANO AKO, MAHUHULOG AKO SA TUBIG. HINDI NAMAN AKO MARUNONG LUMANGOY," ANG SIGAW NG KAMBING.
  18. 18. "E ALAM MO KAPITBAHAY, NAGING BISYO KO NA ANG GUMULONG-GULONG SA TUBIG," AT SINABAYAN NGA NG GULONG SA TUBIG. BUMAGSAK SA TUBIG ANG KAWAWANG KAMBING. HINDI ITO MARUNONG LUMANGOY. NALUNOD ANG KAMBING.

×