21. Maging si Pecson ay nakalimot sa kanyang masasamang paniwala at humulang tiyak na ang tagumpay dahil sa nakikita si Pepay na nakangiti.
22. Si Isagani lang ang hindi masaya dahil nakita niya sina Paulita at Juanito na nag-uusap sa isang palko.
23. Ninais ni Isagani na gumuho na ang dulaan, muntik mabunsod ang paghalakhak ng malakas, alimurahin ang kasintahan, hamunin ang kaagaw, gumawa ng alingasngas ngunit nagkasya na lamang sa pag-upo ng dahan-dahan at di pagtingin sa dalaga.
24. Kinailangan niyang magpigil upang maimpit ang pagluha. Ang tinatanaw niya ay ang tabing na paglalabasan at may anyong isang galeria.
25. Itinaas ang tabing at ang pangkat ng mga magbubukid sa Corneville ang humarap. Sila’y may 6-7 na dalaga.
26. Umawit si Gertrude, isang magandang artista at sumusulyap ng makahulugang sulyap sa Kapitan Heneral.
27. “Makakikita tayo ng cancan!”-Tadeo. Walang hinahanap si Tadeo kundi ang bagay na malaswa.
28. Si Makaraig at Pecson ay ay nakahanda na sa pamamatyag at nakangiti na hindi pa man .
29. Si Isagani ay sa ibang pook nakatingin at iniisip na dapat hamunin ng patayan si Juanito Pelaez kinabukasan
35. 1 babae na kasama ang kanyang asawa ang naupo sa isa sa dalawang palkong walang tao. “Dumating ako nang huli kaysa inyo…”. Nagwawagi ang huling dumarating
36. Hindi nagtagal ang kasiyahan ng ababe; nakita ang 1 palko na wala pang tao; ikinunot ang kilay at kinagalitan ang asawa.
40. Hangang-hanga si Donya Victorina kay Juanito at naisip na kung saka-sakaling mamatay ang kanyang asawang si Don Tiburcio ay pakakasal siya kay Juanito.
53. Nagpakita si Makaraig kay Pepay para kunin ang sulat mula kay Don Custodio na nagsasabing:
54. “Pichona: Ang sulat mo ay dumating nang huli na sa panahon; naiharap ko na ang aking pasiya at sinang-ayunan. Gayunman masasabi kong para ko ring nahulaan ang iyong iniisip, sapagka’t ang pagkakaayos ng suliranin ay alinsunod sa ibig mangyari ng iyong mga ipinagtatanggol”
78. Nang gabing itinatanghal ang “Les Cloches de Corneville”, nag-aaral si Basilio sa harap ng 1 matandang mesa.
79. “Medicina Legal y Toxicologia” ni Doktor Mata-tanging aklat na ginagamit ng propesor, ang hiram na bahagi ng aklat na ito ay ang binabasa ni Basilio
81. Bawal ng mga tagasuri sa Maynila at kailangang suhulan ang maraming kawani para maipasok kaya malaking halaga ang hinihingi ng mga nagtitinda ng aklat.
82. Nagtungo si Simoun sa kinaroroonan ni Basilio. “Kamusta ang ating maysakit?”-Simoun
83. “Ang tibok ng puso ay babahagya-ang pulso ay mahinang-mahina, walang kagana-gana sa pagkain, pinagpapawisan nang katakut-takot sa madaling araw. Ang buong katawan ay nakalatan ng lason, maaaring mamatay bukas o makalawa”-Basilio
87. “May ilang gabi nang nagising siyang walang ilaw at ang akala ay nabulag na siya, minura ako, dinukot ko raw ang kanyang mga mata. Ako’y pumasok na may dalang ilaw at ako’y ipinagkamali kay P. Irene at tinawag akong tagapagligtas.”-Basilio
89. “Hindi mo binubuksan ang mga aklat na ipinadala ko sa iyo.. .sa loob ng 1 oras ay magsisimula ang himagsikan…Kapag kami’y nagtagumpay, lahat ng taong hindi tumulong sa amin bagaman may kayang dumamay ay ituturing naming kaaway ”
94. “Mayroon akong hukbo at mga taong pinamamahalaan; ilan ay sinabi kong ang himagsikan ay utos ng heneral; iba naman ay pinapaniwala kong mga prayle ang may kagagawan, iba pa’y inakit sa pamamagitan ng mga pangako ng mapapasukan ng salapi; lalong marami ang nagsipagkilos upang makapaghiganti.” -Simoun
96. “Sa dahilang pamamahalaan ko ang kilusan ay hindi ko maiiwan ang alin mang labanan. Ang kaguluhan ay nasa iba’t ibang pook. Panguluhan mo ang paggiba ng pintuan ng Sta. Clara at kunin mo roon ang isang tao na liban sa akin at kay Kapitan Tiago ay ikaw lamang ang makakakilala. Si Maria Clara!”
97. “Namatay na si Maria Clara! Kaninang mag-iikaanim ng hapon lamang. Kaninang hapon itinugtog ang kanyang agunyas.” – Basilio
98. Naalala ni Simoun na siya’y nakarinig ng mga tugtog ng agunyas nang mga sandaling paligid-ligid siya sa kumbento.
101. Ang isa’y binata, mayaman, bihasa, malaya, nakapagpapasiya sa sariling kabuhayan at may magandang kinabukasan
102. Ang ikalawa’y babaing kasing ganda ng 1 pangarap, malinis lipos ng pananalig at walang kamalayan sa lakad ng kamunduhan.
103.
104. Naisip ni Isagani ang mga madaling araw ng Disyembre matapos ang misa de gallo, ang agua bendita na karaniwang iniaabot niya kay Paulita at pinasasalamatan naman sa pamamagitan ng 1 tinging puno ng pagsinta.
105. Ang araw ay lumulubog sa likuran ng Maribeles(Bataan).
106. Malilikot at walang pinag-aralan ang mga batang naglalaro sa dalampasigan, humahanap ng mga suso at kokomo na hinuhuli nang walang patumangga at pinapatay.
107. Nagpugay siya nang walang kibo sa dalawang heswita na naging propesor niya.
108. Narinig niya si Ben Zayb na may kausap at si Simoun ang pinag-uusapan. Biglang nagkasakit si Simoun nang sinudang gabi, ayaw raw tumanggap ng dalaw, kahit na alagad ng Heneral.
110. Ang sa mga kawal ay dakila sapagkat tumutupad sila sa kanilang tungkulin.
111. Ang sa mga taga-kapuluan ay maluwalhati sapagkat ipinagtatanggol ang kanilang tinubuan.
112. Naisip niyang walang ibang kasalanan ang mga taga-kapuluang kabaka ng bayan kundi ang taglay na kahinaan.
113. Naisip niya “nagbibigkis kami nang mahigpit sa Espanya dahil sa nakaraan, sa kasaysayan, sa pananampalataya, sa wika”
114. Nakasakay sa karwaheng hila ng mga putting kabayo sina Paulita, si Juanito, at si Donya Victorina.
115. Bago pa man makakilos si Isagani ay nakababa na si Paulita. Ngumiti ang dalaga ng ngiti ng pakikipagkasundo. Ngumiti rin si Isagani at napawing lahat ang masamang loob
116. Bago pa makapagsalita si Isagani, hinila siya ni Donya Victorina at tinanong si Don Tiburcio.
117. “Tatawag ako ng guardia civil. Sa buhay at sa patay, ibig kong malaman kung saan siya naroon sapagkat kailangang maghintay ng 10 taon ang 1 tao bago makapag-asawa ulit” –Donya Victorina
118. Hindi makapaniwala si isagani sa kanyang narinig-“Sino ang sawimpalad na mapapangasawa niya?”
119. “Ano ba ang masasabi mo kay Juanito Pelaez?”-Donya Victorina
120. Nais sabihin ni Isagani ang lahat ng masasamang alam niya laban kay Pelaez, ngunit pawang papuri ang kanyang sinabi.
121. Nahulog daw ang abanikong pamaypay ni Paulita sa dalampasigan. Paraan lamang ito ni Paulita upang makausap si Isagani ng sarilinan at makapiling ni Donya Victorina si Juanito Pelaez.
122. Si Isagani na handang humingi ng paliwanag ay siyang nagbigay nito, at naging maligaya nang marinig na siya’y pinapatawad ni Paulita.
123. Nagtawanan silang dalawa pagka’t ipinagkatuwa nila ang pagpapakasal ni Pelaez kay Donya Victorina at halos nakikita na nilang nangyari.
124. Si Paulita ay nangako na hindi sasabihin kaninuman na buhay pa si Don Tiburcio ngunit sinasabi sa sariling ipagtatapat din niya sa kanyang kaibigan.
125. Nais ni Isagani na sa nayon manirahan. Pinakaiibig raw niya ang kanyang bayang iyon. Bago raw niya nakita si Paulita, ang bayang iyon ang tangi niyang kaligayahan at magandang-maganda para sa kanya. Nguni’t nang makilala niya si Paulita ay naging parang may kulang sa kanya ang bayang iyon at natiyak niyang ang kulang ay si Paulita.
126. Nguni’t ayaw ni Paulita na tumungo roon. Ayaw niyang magdaan sa mga bundok na madaming linta. Ang ibig niyang paglalakbay sa pamamagitan ng tren.
127. “Hindi malalaon at ang buong kapuluan ay malalaganapan na ng mga daang bakal.”-Isagani
128. Darating daw ang panahon ana uunlad at lalaya din ang Pilipinas
129. “Ang sabi ni Aling Torina ay lagi raw busabos ang bayang ito.” -Paulita
130. “Sapagkat ang ali mo’y isang hangal, di maaaring siya’y mabuhay nang walang alipin…..”-Isagani
131. Magtatagumpay daw ang bayan kung mananatili sila sa pag-aaral at patuloy na magiging marangal at mataas ang pag-iisip.
133. “Masasabi mo sa lahat, baling araw, kasabay ng pagtuturo sa aking bangkay na ang aking pag-ibig ay namatay sa pagsasanggalang ng mga karapatan ng aking bayan.”-Isagani
140. 14 na binata mula sa indiyo hanggang sa kastialng taga-Espanya ang nangagkatipon upang iraos ang piging na iminungkahi ni P. Irene na ipagdiwang ang kapasyahangginawa para sa pagtuturo ng wikang Kastila
161. “Ipinalalagay na insik o hapones ang may gawa ng pansit ngunit ni sa Tsina ni sa Hapon ay hindi nakikilala….ganyan ang nangyayari sa Pamahalaan at sa Pilipinas….walang baying sasama pa kaysa Pilipinas, walang Pamahalaang lalong magulo.”- Makaraig
162. “Ipatungkol natin ang pansit sa insik na si Quiroga, 1 sa 4 na kapangyarihan sa Pilipinas.”-Isagani