Kung Makakain Lang ang Bawat Pahina ng Libro-Pagsusuri
1. Tarlac College of Agriculture
Institute of Education
Sociology
Kung Makakain LangAng Bawat Pahina ng Libro"
Inihanda ni: Loreto C. Morales
BEED IV-A General
Inihanda para kay: Mrs. Marianne P. Villaruel
Guro
2. BALANGKAS NG PAGSUSURI
(Nobela)
I. Pamagat ng Akda: "Kung Makakain Lang Ang Bawat Pahina ng Libro"
II. May-Akda: Kiko Ansing
III. Mga Tauhan:
1. Kiko – pangunahing tauhan sa kwento kung saan siya ang tagapagkwento ng kanyang mga
karanasan sa pagpasok niya sa komplikadong buhay kolehiyo gayundin ang kanyang mga
karanasan sa ibang tao.
2. Damulag – kababata ni Kiko na kasama niyang nag-apply, kumuha ng kursong BS
Information Technology
3. Harris – pinakuwelang kaklase ni Kiko na muntik nang magbitiw ang dekana dahil sa
kanyang isinulat sa slogan na “ kaming mga guro ang kulang sa edukasyon”.
4. Ms. Crispypata – matabang propesor sa Research Methodology.
5. Mr. Bark – propesor ni Kiko sa Botany, malaki ang katawan at may medyo kaitiman.
6. Sir Kama – laging nakakatulog si Kiko pag klase niya.
7. Sir Apeng Daldal – isa sa mga paborito ni Kiko na dalawang beses niyang naging propesor.
8. Teacher LolangLaging Handa – propesor ni Kiko na madalas niyang makita na nakasuot ng
unipormeng girl scout, binansagan siyang Galis ng mga matitino niyang kaklase.
9. Propesor BJ – lalaking propesor na may konsiderasyon sa mga estudyanteng alanganin ang
grado sa kanya.
10. Titser Na Ina Pa – nagiging ina sa loob ng klase na minsay hinugasan ang tumaeng kaklase
ni Kiko.
11. Jessie – pinakakuwelang kaklase ni Kiko sa Hayskul; na lagging nagpapatawa sa kanya.
12. Ginang Piluka – titiser ni Kiko sa asignaturang Filipino (El Filibusterismo) na makalimang
binatok siya dahil sa pagtawa niya.
13. Mr. Egay – cooperating teacher ni Kiko.
14. Niño at Jonas – nakasabayang kumain ni Kiko sa canteen at ikinuwento nila kung bakit
kumukunti ang bilang ng estudyante sa kanilang seksyon.
15. Jonas – kabilang sa tinuturuan ni kiko sa seksyon 37. Malakas magsalita sa klase kapag oras
ng talakayan. Hindi siya ganoong katalino sa Biology, nakita ni Kiko ang pagpupursigi niya
sa pag-aaral.
16. Gary – may sariling mundo na madalas walang kasama, nag-iisa at walang imik, estudyante
sa ikalawang taon at kabilang sa seksyon 35 na nalulong sa droga.
17. Ms. Estella - guidance counsellor ng mataas na paaralan ng National Hero.
18. Mike – presidente sa loob ng klase nila na nakaaway ni Gary (seksyon 35).
19. Jepoy
20. Angel mga kaibigan at nakasabayan ni Kiko sa pagpasok sa Call Center
21. Angel 1
22. Angel 2
3. IV. Buod/Lagom ng Katha
Ang nobelang "Kung Makakain Lang Ang Bawat Pahina ng Libro" ay tungkol sa
mga iba’t ibang karanasan ng isang estudyante sa kanyang pagharap sa buhay kolehiyo.
Gayundin ang mga natutuhan niya sa mga taong nakapaligid sa kanya at pagsubok sa pinili
niyang kurso.
Sa Unang Kabanata, nakalagay dito ang pagpapasiya ni Kiko kung anong kurso ang
pipiliin niya sa kolehiyo. Marami ang tumakbo sa isip niya, nandyan ang BS Political
Science, BS Information Technology, Plumbing, Animal Husbandry, AB English,
Cosmetology, BS Biology at marami pang iba subalit wala sa mga nabanngit ang kanyang
kinuhang kurso at ang kursong Batsilyer ng Edukasyong Pangsekondarya ang kanyang
kinuha at nakapasa naman.. Kinuha niya ang kursong ito dahil karamihan sa kanyang mga
kaklase nung Hayskul ay ito rin ang pinili. Ilan sa mga interes ni Kiko ay mag-gitara,
gumuhit at ubusin ang barya sa pagrenta ng family computer sa kapitbahay para lang
makapaglaro ng mga old games tulad ng Mario at Battle City. Sa pagpasok niya sa kolehiyo,
dun lang siya natutong sumuka, umuwi nang pagewang-gewang, gumpang na parang si
Spiderman at magka- hangover. Nagawa rin niyang hindi pumasok sa Sociology class
kasama ang ibang kaklase makapaglaro lang ng Counter Strike at muntik na rin maipasara
yung computer shop dahil sa reklamo pero buti’t kamo’t malakas sa City Hall ang may-ari.
Sa bandang huli, napagtanto rin ni Kiko na marami na siyang nagawang kabalbalan, kaya
naman gumawa siya nhg ng “New Sem’s Resolution”, listahan ng mga dapat baguhin na bad
habits at dapat gagawin sa susunod na semester.
SaIkalawang Kabanata, ikinuwento ni Kiko ang iba’t ibang karanasan niya sa
kanyang mga bagong guro sa kolehiyo. Nakilahok sa iba’t ibang programa at aktibidad si
Kiko kasama ng kanyang mga kaibigan sa kanilang buhay kolehiyo.
Sa Ikatlong Kabanata, nagbalik tanaw si Kiko sa mga karanasan niya sa Hayskul na
kanyang pinanggalingan, ang Mataas na Paaralan ng National Hero kung saan magsasanay
siya ng pagtuturo pagkatapos ng tatlong taon at isang semester sa kolehiyo.Dahil bunutan ang
nangyari sa pagpili ng cooperating teacher, napunta sa kanya ang pinakababang seksyon sa
ikalawang taon, ang sekyon 35 – 38.
Sa Ikaapat na Kabanata, nagsimula nang magturo si Kiko sa kanyang
pinagmamalaking paaralan, ang pangunahing asignatura na kanyang itinuturo ay Biyolohiya.
Kapag uwian na, nagtitipon silang magkakaklase sa isang silong ng puno para pag-usapan
ang mga magagandang nangyari sa loob ng klase, ganun din ang mga kababalan at pasaway
na sarili at estudyante. Natapos ang kanilang tatlong buwan na pagtuturo bilang student-
teacher. Sa huling pagtuturo naman ni Kiko ay nakakuha siya nang mataas na marka (92 %).
Sa Ikalimang Kabanata, bakas sa mga mukha ng kanilang mga magulang ang saya
dahil araw na nang kanilang pagtatapos sa kolehiyo. Nakasuot ng maitim na toga at
magpapaalam na sa isa’t isa. Sa kanyang pagtatapos, kumuha agad ng Licensure
Examination for Teachers si Kiko. Hindi lang basta madali ang pagkuha niya ditto, marami
siyang pinagdaanan at dahil sa kanyang pagpapagal ay nakapasa naman ito. Pagkatapos ng
LET ay naghanap agad ng trabaho si Kiko. Pumasok siya bilang Call Center kasama ng
kanyang mga kaibigan. Maraming beses siyang nag-apply sa call center pero hindi man lang
makaabot sa pinale hanggang tinawagan siya ng dati niyang propesor para magturo bilang
part-time instructor sa unibersidad na pinaggalingan niya.
Sa Ika-anim na Kabanata, natanggap siya bilang part-time instructor at sa masteral.
Umpisa pa lang ng kanyang pagtuturo ay ibinigay na niya ang kanyang mga pamantayan sa
4. loob ng klase. Tatlong taon siyang nagturo bilang part-time teacher at tinapos niya nang
walang dalawang taon ang Master of Biology.
Sa Ikapitong Kabanata, istorya naman ng isang kaibigan ni Kiko, si Rowell.
Humanga si Kiko sa determinasyon niyang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng
kahirapan. Kasali din sabahaging ito ang pinsan ni Kiko na si Toton, nakapagtapos din ng
pag-aaral sa kolehiyo kahit marami siyang ginagampanan sa buhay. Ikinuwento din ni Kiko
ang mga naranasan niya para lang marating ang pangarap. Kung paano magsakripisyo ang
kanyang mga magulang para lang mapabuti siya.
At sa huling Kabanata , dito niya naisip na masarap pa lang magturo na kahit hindi
yumayaman hindi naman nawawalan. Ipinagmamalaki niya na isa siyang guro, isang
marangal na propesyon. Dahil nakapasa siya ng LET, isa siya sa maraming nagparehistro sa
PRC Licensure Examination for Teachers. Isa rin siya sa 30,000 board passers na dumalo sa
oath taking ng mga bagong lisensyadong guro para marinig lang ang talumpati ng dalawang
nangunguna sa LET.
Lumiban muna sa trabaho si Kiko para lang bisitahin ang dating bodegang klasrum
ng seksyon 37 sa National Hero High School. Maraming natutuhan at itinuro kay Kiko ang
bodegang klasrum bilang tao, estudyante hanggang siya ay nagging titser kahit ganoon ang
kalunos-lunos na kalagayan nito.
V. Pagsusuri
1. Panahong Kinabibilangan
Ang nobelang ito ay naaayon pa rin sa modernong panahon kung saan nasasalamin sa
mga buhay ng mga estudyante ang karanasan na nakalapat sa nobela.
2. Sariling Puna
Ayon sa istilo ng kanyang pagsusulat, gumamit siya ng malayang pagpapahayag ng
mga salit, puwedeng haluan ng ibang wika, Tagalog na may halong Ingles. Sa aking unang
pagpuna, pagkabasa ko pa lang sa pamagat nito at panimula, inisip ko na hinaluan ito ng
kunting imahinasyon o kaya’y nakakatawa ang mga nilalaman nito, may mga bagay pala na
akal mo hindi totoo, parang biro-biro lang pero totoong-totoo palasa kanila at seryoso pala
sila sa kanilang ginawa. Kaya naman, hanga ako sa gumawa nang nobelang ito.
Siguradong madami ang makakaintindi ng nobelang ito dahil naaayon ito sa
modernong panahon at maaari pang Makita ang ganitong mga pangyayari ngayon lalo na sa
mga estudyante na pumipili nang sariling direksyon ng buhay.
3. Kaisipan/Values/Aral na Nakapaloob sa Katha
Nangibabaw sa nobelang ito ang kaisipan na “ang tao ang siyang may hawak ng
kanyang buhay at pangarap sa mundong ito kung saan may kakayahan siyang magdesisyon
kung anuman ang tatahakin nito.
Ang kaisipang mas binigyan nang diin ng nobela ay.....EDUKASYON. ating
pahalagahan ang bawat natutuhan natin na siyang maghuhugas n gating mga pangarap.
Edukasyon ang susi ng tagumpay na walang sinumang makakaangkin o di
mananakaw ninuman.
5. 4. Mungkahi
Sa tingin ko maayos naman ang pagkabuo ng kwento sa nobela. Kung ating susuriin,
may mga ilan na gumamit ang may-akada ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan at maganda ito
sa pagbuo ng kwento kung saan may kaugnayan siya sa buhay niya noon.
At huli, nagpaganda sa akda ang mga kasabihan, paniniwal aat mensahe na talaga
namang nakakapagbigay ng inspirasyon , aralat palaisipan sa ating buhay