2. Repormasyon
Isang pangrelihiyong rebolusyon na naganap sa Europa
noong ika-16 siglo. Nag-ugat ito sa di pagkakaunawaan sa
ilang doktrina ng Simbahang Katoliko na nauwi sa
paghihiwalay pagtatag ng sektang Protestante mula sa
salitang “protesta” na kanilang ginawa.
Ang tunay na layunin nito ay ireporma ang ilang doktrina
Simbahang Katoliko ukol sa kaligtasan ng kaluluwa ng mga
tao.
Naganap ang pagsisimula at paglaganap ng repormasyon sa
kapanahunan ni Papa Leo X.
4. Kabataan
Si Martin Luther ay ipinanganak sa Eisleben, isang maliit na bayan mula sa rehiyon
ng Saxony sa bansang Alemanya. Ito ay parte ng Banal na Imperyong Romano kaya’t
ito ay pampulitikang pinamumunuan ng Banal na Romanong Emperador at
panrelihiyong pinamumunuan ng Santo Papa. Ang Relihiyong kinamulatan ni Luther
na Katoliko Romano ay nakapokus sa purgatoryo, impyerno, anghel, demonyo,
kasalanan, paghuhukom at mga santo. Si Jesus ay itinuturo bilang ‘unapproachable’,
at tagapaghukom kaya ang alam ng mga tao ay kailangan silang tumawag kay Maria
at sa iba pang mga santo upang may magdulog ng kanilang mga panalangin kay
Jesus.
Siya ay ipinanganak noong Nobyembre 10, 1483. Panganay siya nina Hans at
Margarethe Luther. Sang-ayon sa tradisyon, ipinangalan siya sa kapistahan ng santo
sa petsa ng kanyang kapanganakan, si San Martin.
Pito silang magkakapatid. Sila ay nabibilang sa maykayang pamilya. Lumaki siyang
relihiyosong tao. Ang nakapagpabagabag sa kanya noong mga panahong iyon ay ang
imahe ni Cristo bilang isang Hukom at ang tungol sa impyerno.
Sa gulang na 21, nakuha ni Luther ang kanyang Master of Arts Degree sa Unibersidad
ng Erfurt. Ninais talaga ng kanyang ama na siya ay makatpagtapos na ang tanging
hanap-buhay ay ang mula sa minahan ng tanso. Taong 1505, kumuha si Luther ng
abugasya alinsunod sa kagustuhan ng kanyang ama. Ngunit, makalipas ang kulang
isang taon, may kakaibang nangyari sa buhay ni Luther.
Taon ding iyon, hababg bumibiyahe siya pauwi sa kanilang tahahn ay naabutan siya
ng malakas na pagkulog at kidlat. Sa katunayan ay tumama ito malapit sa kanyang
kinalalagyan kaya nagdasal siya sa patron ng nga minero: “Sta. Ana tulungan mo ko
at ako’y magpapari kapag iniligtas mo ako rito. Himala nga siyang nakaligtas at
pumasok sa monasteryo ng buwan ring iyon”.
5. Buhay Monasteryo
Hindi na kataka-takang kumontra ang kanyang ama sa desisyon niyang magpari
ngunit nagpatuloy si Luther at nagpakita pa ng pagkahilig rito. Dahil siya ay tapat at
may takot sa Diyos, kinukumpisal niya ng 20 beses ang kayang mga nagagawang
kasalanan at pinarurusahan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paghiga sa
malamig na sahig at pagkatakot na pagdikitin ang kanyang kamay sa pagdarasal
tuwing una niyang misa.
Nang siya ay 27 taon, natalaga siyang katawanin ang kanilang monasteryo sa banal
na Lunsod ng Roma. Doon ay itinuturo ng simbahan na ang paggalang at
pagbabayad upang maitayo ang simbahan para sa mga santo ay isang gantimpala
upang mapaigsi ang pagdurusa sa purgatoryo. Isa itong magandang oportunidad sa
batang pari ngunit ito pa ay naging masamang karanasan para sa kanya. Nagulat
siya sa pagiging inutil at ignorante ng mga pari roon. Kanyang ginawa ang paghalik
sa mga baitang ni Pilato di dahil sa debosyon ngunit dahil sa kaugalian na lamang.
Dala niya sa kanyang sarili ang pagdududa sa doktrina ng simbahan sa kanyang
pag-uwi.
Ang superyor ni Luther, si Johann von Staupitz, ay sinubukang pagsabihan ang
batang pari na itigil na ang kalokohang iyan at sinabing mahalin na lamang ang
Diyos. Ngunit tugon ni Luther, “paano mo mamahalin ang isang kinatatakutan
niyo? Nasasaloob pa ni Luther ay kung ganyan ang paraan upang maligtas ka, dapat
kamuhian ang Diyos. Nakadagdag ito sa lalong pagdududa niya sa Simbahan.
Pinayo sa kanya ng kanyang superyor na kumuha ng doktor sa teyolohiya sa
Unibersidad ng Wittenburg, sa pag-aakalang mas mapagtutuunan nito ang ibang
bagay kaysa sa kaligtasan ng sarili nitong kaluluwa.
6. Ang Kanyang Pagbabagong Espiritwal
Higit na naging mas matagumpay ang plano ni Pari Staupitz kaysa sa
kanyang inaakala. Mas napagtuunan ni Luther ang pag-aaral sa Bibliya na
nagdulot ng pagkakaroon ng liwanag sa kanyang isipan. Noong 1513 habang
ginagawa niya ang kanyang ituturo ay nabasa ni Luther ang dalawang talata
sa Bibliya na nagpabago sa kanyang buhay. Ang una ay ang aklat ng Awit na
Siya ring binanggit ni Jesus nang Siya ay nakapako sa Krus: “ Ama Ko, Ama
Ko bakit Mo Ako pinabayaan?” napagalaman ni Luther ang kamanga-
mangha nitong bagay na alam ng Diyos Ama ang kanyang pinagdadaanan.
Dahil dito, bahagya siyang napanatag. Makalipas naman ang dalawang
taon, kanya namang nabasa ang isang talata sa aklat ng Roma 1:17, “ang
matuwid ay nabubuhay sa Pananalig."
Parang tinamaan ng kidlat si Luther sa kapangyarihan ng kakaunting
salitang iyon. Binulay-bulay niya ito ng ilang araw at nakuha ang tunay na
kahulugan nito na nagdulot ng malaking pagbabago sa kanyang buhay.
Hindi na kailangan pa ng pagbabayad o pagpapaalipin upang maligtas ka
bagkus ang pananalig lamang ang kailangan para ikaw ay maligtas. Ang
kaisipang ito ni Luther ay naging mas maliwanag sa kanyang mga
pagtuturo at nagdulot ng pagtatalo sa iba pabg guro sa teyolohiya at
kumalat sa buong unibersisdad ng Wittenberg.
7. Ang Indulhensya
Samantala sa Roma, kinailangan ni Papa Leo X ang pondo para sa
pagpapatayo ng Basilica ni San Pedro. Pabor sa simbahan, upang
magkaroon ng pondo ay kailangan ipagbili nito ang ilang mga bagay na
may basbas ng Simbahan o ang indulhensya. Noong 1517, inanunsyo na ito
ng Papa. Sinabi nito na ang lahat ng bumili ay hindi lamang nakatulong
upang protektahan nag mga relikiya nina San Pablo at San Pedro sa
masamang panahon kundi makakakuha rin ng gantimpala. Ang
gantimpalang ito ay kikilalanin ng Simbahan at mababawan o di kaya’y
tuluyang mawawala ang kasalan habang nabubuhay ka at sa kabilang
buhay. Sa madaling sabi, tinubos na ang lahat ng kasalanan mo.
Isang Dominikanong pari na nagngangalang John Tetzel ang itinalaga
upang magbili ng indulhensya sa rehiyon ng Saxony. Isang magaling na
tagapagbenta, lahat ay gagawin ni Tetzel upang mabili ito. Kanyang sinabi
na hindi lamang ilang kasalanan kundi lahat ng kasalanan mo ay
mawawala na parang ikaw ay bagong bautismo kapag bumili ka.
Dinagdag rin niya na kung ikaw ay bibili ng indulhensya, mapapabilis nito
ang paghango sa kaluluwa ng yumaong mahal mo sa buhay sa purgatoryo
at hindi na kailangan pang magsisi ng mga kasalanan ang mga bumili nito.
Sa husay kahusay sa manga-akit ni Tetzel, tinuran nito ang mga katagang:
“sa oras na tumunog ang mga baryang inyong ipinambayad sa indulhensya,
isang kaluluwa sa purgatoryo ang hinhango.” ("As soon as the coin in the
coffer rings, a soul from Purgatory springs.“)
8. Ang Siyamnapu’t-siyam na Tesis ni Luther
Kabilang sa mga naakit sa mabubulaklak na salita ni Tetzel ay ang mga
kasamahan ni Luther sa kanyang parokya. Dahil sa mali at abusado
umanong gawain ito, gumawa siya ng kasulatang protesta at pinako niya ang
95 testamento sa pintuan ng simbahan ng Wittenberg noong Oktubre 31,
1517. na karaniwang pamamamraan upang pukawin ang mga iskolar na ito
pagdiskusyunan.
Ang totoong pamagT ng kasulatang ito ay Disputation on the Power and
Efficacy of Indulgences. Isinulat ito ni Luther sa wikang latin na para talaga
sa mga kasamahan niya sa unibersidad na mga pari. Ito ay inaasahang
magdudulot ng malaking epekto sa buong sangka-Kristiyanuhan sa Europa.
Ngunit isinalin din ito sa wikang aleman, at gamit ang bagong imbentong
Guttenberg's movable-type printing press na nagpabilis ng pagkalat ng
kopya sa buong rehiyon ng Saxony. Katunayan, nakakuha rin mismo ng
kopya si Papa Leo X at nasabing, "What drunken German monk wrote
these?" Dahil dito, inutusan niya ang isang Agustinong pari na ayusin ang
kaguluhan roon.
Noong Abril 1518, inimbita si Luther na dumalo sa pagpupulong ng mga
Agustinong pari kung saan siya ay kabilang ngunit natakot si Luther sa
kaligtasan ng kanyang buhay. Alam niya na ang heresiya ay kumitil na ng
napakaraming buhay, subalit nagulat siya ng pati ang mga kasamahang pari
niya ay nakasuporta sa kanyang likuran. Ang iba naman ay inisip na ito ay
simpleng di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga Agustino at Dominikano.
9. Pinako ni Luther ang kanyang 95 thesis sa pintuan Wartburg Castle
ng simbahan ng Wittenberg
10. Ang Pagpupulong sa Augsburg
Noong Oktubre 1518, isang pagpupulong ang ginanap ng Emperador Charles
V, mga hari, prinsipe at mayayaman sa Lunsog ng Augsburg. Nagpadala ng
kinatawan ang papa at iniutos na gawing prayoridad ang pagsupil sa mga
Turkong Muslim at pangalawa lamang ang tungkol kay Luther at paaminin
itong mali ang kanyang mga pahayag.
Sa kasamaang palad, ang kinatawan ng papa na si Kardinal Cajetan ay hindi
interesado na pagdebatihan ang nasabing isyu kundi ang paaminin lang si
Luther na mali ang kanyang mga pahayag. Kagaya ni Jan Hus, na sinunog ng
buhay 100 taon na ang nakalipas, sumagot si Luther na babawiin lang niya
ang kanyang mga sinabi kung mali sa kanyang mga pahayag na hindi tugma
sa sinasabi ng Bibliya. Nang malaman niyang siya ay aarestuhin kung
tumanggi sa kagustuhan ng Kardinal, siya ay tumakas at bumalik sa
Wittenburg.
Swerte para kay Luther ay nakapanig sa kanya ang pulitika. Bilang isa sa mga
pumipili ng susunod na emperador, hindi gugustuhin ng papa na mapaalis si
Prinsipe Frederick the Wise. Isang kasunduan ang naganap na huwag ng
pakialaman pa ang usapin iyon ngunit parehong walang tumupad sa
kasunduan.
11. Hulyo 1519, isang propesor mula Ingolstadt na nagngangalang John
Eck ang humamon sa isa sa mga kasamahan ni Luther ng isang
debate. Ang kasamahan niyan ito na si Karlstadt, ay nahikayat lamang
ni Luther sa kanyang paniniwala na mas higit pa ang kagustuhang na
ireporma ang Simbahang Katoliko kaysa kay Luther. Ang sabi ni
Luther sa kanyang kaibigan: "He has swallowed the Holy Spirit,
feathers and all."
Tinulungan ni Luther si Karlstadt na makipagdebate na ginanap sa
Leipzig. Gaya ng inaasahan ni Eck, personal na nakibahagi si Luther
sa diskusyon kung saan ito ay dalubhasa sa Bibliya ngunit may
angking galing si Eck sa pakikipagdebate. Sinabi ni Luther na maaari
ring magkamali ang konseho kaparian na nagpapamukha sa mga tao
na mas makapangyarihan ang papa kaysa sa banal na kasulatan.
Sinabi ni Eck na siya ang nagwagi at parang napalabas ni Luher ang
kanyang sarili bilang isang heretiko gaya ni Hus. Dahil dito,
maraming kontra sa mga kaisipan ni Luther ang nagsabing siya ang
John Hus ng Saxon.
12. Ang Pagtitiwalag kay Luther
Ginugol ni Luther ang sumunod na taon sa pagpapaunlad pa ng kanyang
mga ideya, katuruan at kasulatan. Ang isa sa pinakamahalagang kasulatan
ng pagtutuligsa ay ang Address to the German Nobility, On the Babylonian
Captivity of the Church, at Freedom of a Christian.
Noong Oktubre 10, 1520, nakatanggap si Luther ng isang papal bull, ang
opisyal na proklamasyon ng papa. Pinamagatan itong Exsurge Domine ibig
sabihin ay "Arise, O Lord", ang pambungad na mensahe ng kautusang ito ay
humihingi ng tulong sa Diyos na iligtas ang simbahan mula sa banta ni
Luther.
Arise o Lord and Defend thy Cause!
A wild boar has invaded Thy vineyard. Isang matalinhagang salita ang
nagsasabing kung hindi babawiin ni Luther ang kanyang mga sinabi, sa loob
ng 60 araw ay ieekskomunikado siya ng papa. Sa turo ng Simbahang
Katoliko ay makakamit lamang ang kaligtasan kung ikaw ay kaanib ng
simbahan at kung ikaw ay di kabahagi, wala ng paraan upang ikaw ay
maligtas at mapunta sa kalangitan.
Si Luther na isang dating deboto at panatiko ng Roma ay sinunog ang
kautusang iyon sa harapan ng mga tao. Dahil sa ginawa niyang iyon, tuluyan
siyang inekskomunikado ni Papa Leo X at itiniwalag sa Simbahang Katoliko
noong Enero 3, 1521.
13. Ang Asembleya ng Worms
Pinangunahan ni Emperador Charles V ang pagbubukas ng
asambleaya ng Worms noong Enero 22, 1521. sinabihan nito si Luther
na bawiin na ang lahat ng kanyang mga pahayag sa harapan ng
asembleya at tiniyak nito ang ligtas na pag-uwi. Nagpakita si Luther
sa asembleya noong Abril 16. Si Johann Eck, ang katuwang na
arsobispo ng Trier ang gumanap na tagapagsalita ng emperador.
Ipinakita ni Eck ang kopya ng mga sariling kasulutan at tinanong
kung ito ay kanya pa ring pinaniniwalaan. Ngunit humiling si Luther
ng kaunting panahon para pag-isipan at ito naman ay pinagbigyan.
Nagdasal si Luther, kinonsulta ang mga kaibigan at humarap muli sa
asembleya kinabukasan. Nang muli siyang tanungin ito ang kanyang
naging sagot: "They are all mine, but as for the second question, they
are not all of one sort.“ Sinabi pa niya na maging an kanyang mga
kaaway ay tinanggap ang kanyang ang kanyang mga gawa. At hindi
nga niya binawi ang kanyang mga pahayag.
Ang ikatlong grupo ng kanyang mga gawa ay atake sa ilang
indibidwal ngunit vhumingi siya ng tawad sa ilang msakit na salita
rito. Kung may ipapakita raw sila sa Bibliya na mali ang kanyang
katuruan, itatakwil naraw niya ang mga sinabi niya.
14. Sinabi ni Eck na walang karapatang kontrahin ni Luther ang
turo ng simbahan dahi sa libong taon na ito. Simple niyan
tinanong si Luther itatakwil mo ba ang iyong mga gawang
libro at ang mga laman nito? Sagot muli ni Luther: "Unless I
am convicted by Scripture and plain reason I do not accept the
authority of popes and councils, for they have contradicted
each other my conscience is captive to the Word of God. I
cannot and will not recant anything, for to go against
conscience is neither right nor safe."According to tradition,
Luther is then said to have spoken these famous words: "Here I
stand. I can do no other. God help me. Amen.”
Nagkaroon ng pribadong pagpupulong para sa gagawin kay
Luther ngunit bago pa mailabas ang desisyon ay umalis siya ng
Worms. Habang pauwi siya ng Wittenberg, siya ay ‘dinukot’.
Nagpalabas ang emperador ng kautusan na nagdedeklarang
kalaban ng simbahan si Luther at ipinagbawal ang pagbabasa
sa kanyang mga gawa. noong Mayo 25, 1521.
15. Ang ‘Pagkidnap’ kay Luther
Planado ang pagkawala ni luther habang nasa biyahe.Luther's
disappearance after the Diet of Worms was planned. Si Frederick the Wise
ang nagplano nito sa tulong ng kabalyero at dinala siya sa kastilyo ng
Wartburg sa Eisenach kung saan namalagi siya ng halos isang taon.
Ginamit niya ang pangalang Jörg o Knight George para itago ang
pagkakakilanlan niya. Sa panahong ito ginugol niya ang pagsalin ng Bagong
Tipan pero hindi pa rin siya malungkot parin ang buhay niya sa
loob.Nailathala ang bagong tipan noong Setyembre 1522.
Patagong nanirahan si Luther sa Wartburg. Lagi siyang nakakatnaggap ng
mga liham mula sa kanyang mga kaibigan at hinihingi ang opinyon nito. Si
Philipp Melanchthon ay sumulat sa kanya at tinanong kung paano
sasagutin na itinakwil daw ng mga repormista ang debosyon sa Diyos.
Sumagot si Luther: "If you are a preacher of mercy, do not preach an
imaginary but the true mercy. If the mercy is true, you must therefore bear
the true, not an imaginary sin. God does not save those who are only
imaginary sinners. Be a sinner, and let your sins be strong, but let your trust
in Christ be stronger, and rejoice in Christ who is the victor over sin, death,
and the world. We will commit sins while we are here, for this life is not a
place where justice resides. We, however, says Peter (2. Peter 3:13) are
looking forward to a new heaven and a new earth where justice will reign."
16. Siya rin ay sumulat ng mapangahas na pagtuligsa kay Arsobispo Albrecht
at kay Jacobus Latomus.
Samantala, ang ibang mga pari ng Saxon lalo na si Bernhardi of
Feldkirchen, ay itinakwil ang batas ng di pag-aasawa habang ang iba tulad
ni Melanchthon, ay inalis ang pagtanggap sa ilang batas ng mga pari. Si
Luther sa kanyang De votis monasticis, na inalis ang mga ito para sa
ikaliligtas ng mga tao. Sa pag-apruba ni Luther sa De abroganda missa
privata, bagamat kinondena ng dalawa ay ang mga Agustinong taga-
Wittenberg ay nireporma ang paraan ng pagsamba at inalis na ang mga
misa. Hindi ito naging katanggap-tanggap kay Luther kaya noong
Disyembre ay ay lumagi siya ng ilang araw sa mga ito. Pagbalik sa
Wartburg, sumulat siya kay Eine treue Vermahnung . . . vor Aufruhr und
Empörung; pero sa Wittenberg Carlstadt at ang dating Agustinong si
Zwilling ay nanawagang ialis na rin ang mga pribadong misa, lahat ng uri
ng komunyon, at pag-alis sa mga imahen.
17. Magpapasko nang ang mga Anabaptists sa Zwickau ay
dumagdag sa anarkiya. Kinondena ni Luther ito at natakot sa
magiging resulta kaya pumunta si luther sa at umalis ang mga
propetang Zwickau. Inalis ang canon sa mga misa. Nginit
maaaring makakuha ang mga may gusto nito. Inalis rin ang
pagkukumpisal. Dahil dito, ang mga tao ay maaari ng magsisi
ng kanilang mga kasalanan sa sariping paraan at sa kanilang
pananampalataya. Ang bagong paraan ng pagsambang ito ay
inilagay ni Luther sa kanyang Formula missæ et
communionis (1523), at noong 1524 ang unang himnaryong
gawa niya ay lumabas ngunit ito ay opinagbawal ng duke ng
Saxony. Idineklara ni Luther sa kanyang Ueber die weltliche
Gewalt, wie weit man ihr Gehorsam echuldig sei, na ang
kapangyarihang pansibil ay hindi saklaw ang mga kaluluwa at
itinakwil ang Simbahang Katoliko at naging isang
Evangelical.
18. Ang Kamatayan ni Luther at ang Kanyang Legasiya
Noong Enero23,1546, umalis si Luther ng Wittenberg kasama ang
tatlo niyang anak patungong Mansfeld Eisleben para ayusi ang di
pagkakaunawaan sa negosyo na matagal ng pag-aari ng kanyang
ama. Napagusapan naman ito sa mapayapang paraan noong
Pebrero 17.
Nang sumapit ang ika-8 ng gabi, nakaramdam ng pananakit ng
dibdib Luther. Pumunta siya sa kanyang higaan at nanalangin ng
ganito: "Into your hand I commit my spirit; you have redeemed me,
O Lord, faithful God" (Ps. 31:5), ang dasal ng isang malapit ng
mamatay.
Nagising siya ng ika-1 ng umaga dahil mas sumakit pa ang kanyang
dibdib. Nilagyan niya ito ng tuwalyang may maligamgam na tubig.
Alam niyang mamamatay na siya kaya pinasalamatan nya ang Diyos
sa pagkakaintindi niya sa katotohanan. Ang kanyang mga
kasamahan na sina Justus Jonas at Michael Coelius ay sumigaw ng
malakas at sinabi: “padre, handa na ba kayong mamamtay ng
nagtitiwala kay Jesus at itakwil ang lahat ng iyong ginawa sa
Kanyang pangalan? Isang “oo” ang binigkas ni Luther.
Namatay si Luther noong ika-2:45 ng umaga ng Pebrero 18, 1546 sa
bayang kanyang sinilangan, ang Eisleben. Siya ay inilibing sa
Kastilyong simbahan sa Wittenberg katabi ng kanyang pulpito.
19. • Ang panrelihiyong reporma ni Martin Luther ay nauwi sa
paghiwalay ni sa Simbahang Katoliko at matatag ang
repormasyong Protestante. Siya ang pinakadakilang repormista
ng kanyang panahon na nagtagumpay kumpara sa mga nauna
sa kanya. Dahil din ito sa palimbagan na nagpakalat sa kanyang
mga akda na nagrasulta sa iba’t-ibang sekta ng Protestantismo.
Dahil sa hindi na maigil ang pagdami ng mga protestante,
nakatulong din ito sa pagkakaroon ng kalayaan na nabuo sa
mga sumunod na siglo.
• Sa panig naman ng mga Romano Katoliko, isang madilim at
masaklap na labanan ng relihiyon ang naganap laban sa mga
Protestante. Makalipas ang isandaang taon ng paghihimagsik
ni Luther, naganap ang 30 taong digmaan na sumira ng husto sa
buong Alemanya.
• Mabuti man o masama, ramdam pa rin ang legasiya ni Luther
saan mang panig ng mundo kabilang ang Europa.