3. Nagmula sa angkan ng mga Babylon
ang mga Chaldean. Noong 612, natalo
nila ang mga Assyrian at sinira ang
Nineveh, ang kapital ng Syria.
Sumikat ang mga
Chaldean sa pamumuno ni
Nebuchadnezzar. Sinakop nila ang
Syria, Palestine at Ehipto. Simula noon
hindi na bumalik ang mga Assyrian.
4.
5. CHALDEAN- ang tinaguriang “Stargazers of Babylon.”
Ang pinakamahalagang ambag ng Chaldean
ay ang Hanging Gardens of Babylon na
ipinatayo ni Nebuchadnezzar para sa
kanyang asawa
Sa kanila nagmula ang kaalaman tungkol sa
labindalawang simbolo ng zodiac.
6. Nagmula sa kabundukan ng Iran sa gawing
silangan ng Mesopotamia ang mga
Persiano. Noong 550 B.K., sumikat si
Cyrus. Sinakop niya ang mga kalapit na
lupain kabilang ang Babylonia. Mabait na
pinuno si Cyrus, maunawain siya hindi tulad
ng mga Assyrian. Nang mamatay siya
naging hari si Darius. Si Darius ang
itinuturing pinakadakilang hari ng mga
Persiano.
7.
8.
9. -Nang mamatay si Cyrus, siya ay pinalitan
nig kanyang anak na si Cambyses na
nagdugtong ng Egypt sa imperyo.
-Matapos ang ilang panahon, siya ay
pinalitan n Darius the Great. Pinalawak niya
ang imperyo hanggang sa umabot ito sa
timog at silangang rehiyon ng Iran, at
lambak ng Indus sa India, Kanlurang
silangang bahagi ng Europa, hanggang sa
hilaga ng Balck Sea at Caspian Sea .
-Ang mga Persian ay kinilala bilang
pinakamakapangyarihang imperyo ng
sinaunang kabihasnan.
11. Ang mga lungsod-estado ng Tyre at Sidon ng mga
Phoenician ay napasailalim din sa kapangyarihan
ng mga Assyrian, Hittite, Chaldean, Egyptian,
Persian, at Greek.
Sila’y tinaguriang “Dakilang Mangangalakal ng
Sinaunang Kabihasnan.”
Dahil sa kakulangan ng likas na yaman, maliban
sa punongkahoy ng cedar, sila’y naging mga
mangagawa at bihasang manlalayag at
nakipagpalitan ng produkto sa ibang lupain.
12. Ang pangunahing produkto nila ay ang telang
lana na kulay lila.
Ang mga Greek at Roman lamang ang kayang
bumili ng lilang lana, kaya’t ang pagkakaroon
nito’y nagpapahiwatig ng mataas na kalagayan sa
lipunan. Kaya’t ang kulay na ito’y tinawag na
royal purple.
Murex – uri ng shellfish na ginagamit pangkulay
sa lana.
13. Sa kanilang paglalayag, ipinagbili nila
ang telang lana sa metal, na ginagamit
din nila sa paggawa ng mga
kagamitan na kanila ring ipinagbibili.
Ang mga Phoenician ang unang
pangkat ng taong gumawa ng
babasaging bote.
14. Kontribusyon ng mga Phoenician sa
Kabihasnan
-Alpabeto – binubuo ng 22 titik
-Ang unang titik ay tinatawag na aleph at
beth ang ikalawa.
-Hiniram ng mga Greek ang nasabing
alpabeto, ang unang dalawang titik ay naging
alpha at beta.
-Ayon sa manunulat ng kasaysayan, ang
alpabetong ito ang naging batayan ng wikang
Egyptian na ginamit sa Sinai.
15. -Ang alpabetong ito’y naipasa sa mga Greek
noong 850-750 B.C.E. na siyang nagdala nito sa
mga Europeo at sa mga Aramaean na nailipat
naman sa mga Hebrew.
-Ito ang ginamit ng mga Hebrew sa pagsulat ng
Lumang Tipan(Old Testament).
-Ginamit din ng mga Arabian ang alpabetong ito
sa pagsulat ng kanilang Koran.
-Ito rin ang naging batayan ng wikang Persian.
17. Dalawang Diyos ng mga Phoenician
1. Baal(Amang Kalangitan) – pinaniniwalaan
nila na si Baal lamang ang nakapipigil sa
ulan,na ito’y mahilig sa kasiyahan at sa
sandaling magalit ay nasusuyo lamang sa
pamamagitan ng pagsasakripisyo o pag-
aalay na idinaraos sa pamamagitan ng
isang pagdiriwang. Dahil sa paniniwala at
takot sa diyos na ito, maging ang kanilang
mga anak ay kanilang iniaalay.
18. 2) Baalat( Inang Sangkalupaan)
- pinaniniwalaang diyosa ng
kasaganaan, ang may kapangyarihang
mapabuti o mapasagana ang kanilang
ani.
21. Ang mga Hebrew ay nananahanan sa
Palestine (tahanan). Lupain ang
nagsisilbing tulay sa Asya, Aprika at
Mediterranean sea. Ito ang nagsilbing
daan ng mga dayuhan patungong Fertile
Crescent noong sinaunang kabihasnan.
Dahil dito di naiwasan ng mga hebrew
ang makipagdigma sa mga mananakop
na ito.
23. Ang mga Palestinian (taong
naninirahan sa Palestine o Hebrew) ay
kilala bilang pangkat ng mga NOMAD
O GALA.
Ang Nomad o Gala - Mga taong walang
permanenteng tirahan at pagala-gala
upang maghanap ng pagkain at tubig.
25. Si Abraham ang namuno sa Hebrew, ang
tradisyonal na tagapagtatag ng Palestine.
26. Sa Lupang Goshem sa Egypt, sila
ay napadpad at sapilitang inalipin
hanggang sa mailigtas sila ni Moses
noong 125 B.C.E at sumalakay
pabalik sa Palestine.
Ang paglikas na ito ay tinaguriang
Exodus.
29. >>> TORAH “Batas ng Diyos”
-Ayon sa tradisyong Hebrew, ang Torah
ay kinakailangang nakasulat sa scroll at
nakaayos sa isang napalamutiang baul
(ark), na pirmihang naalagay sa
sinagoga (synagogue), ang pook
sambahan ng mga Hebrew.
31. Sa mga Hebrew nagmula ang
paniniwala sa iisang diyos o ung tawagin
ay “Monotheism”.
Sinasabing si Moses ang nagpasimula ng
pananampalataya kay Yaweh, tawag ng
mga sinaunang Hebrew sa kanilang
Diyos.
33. Pinaniniwalaang ibinigay ng Diyos kay
Moses ang kanyang Sampung Utos sa
Mount Sinai. Ito ay napapaloob sa Torah,
isa sa limang aklat ng Mosaic Law, ang
Kodigo ng batas ng mga Hebrew. Sa
kodigong ito napapaloob ang mga batas
at alituntuning panrelihiyon at
panlipunan ng mga Hebrew.
36. Propeta
>>>Guro na nagtuturo ng kodigo ng
batas ng mga Hebrew o “Mosaic Law”.
Ang mga ito ang naniniwala na sila
ang pinili ng Diyos (Yahweh) upang
maging tagapamalita ng mga banal na
utos ng Diyos. (10 utos sa Mount
Sinai)
37. Isang makitid na piraso ng lupain ang Palestine
na hindi aabot sa 242 metro ang
haba.Matatagpuan ito sa timog ng Phoenicia at
nasa kanlurang hangganang ng Fertile
Crescent.
Binubuo ito ng dalawang rehiyon.Tinutubigan ng
Ilog Jordan ang hilagang bahagi nito.Kung kaya
nakapatatanim ang mga Hebrew ng
oliba,ubas,figs at mga butil.
38. -Hinango ng mga hebrew ang kanilang pangalan kay
EBER na kinikilalang ninuno ni Noah.Sa Lumang
Tipan mababasa ang kasaysayan ng mga Hebreo.
-Unang nabuo ang Hebrew sa lupain ng Canaan,ang
sinasabing ''Lupang Pangako''.Sa paglipas ng
panahon,ito ang tinawag na Palestine ta sa
kasalukuyan,kilala ito bilang Israel at Jordan.
Iba pang impormasyon tungkol sa Mga Hebrew: