1. Saloobin ng mga Mag-aaral sa Kanilang mga Kaklaseng Koreano
Ang aming grupo ay nagsagawa ng isang pagsusuri sa limapung (50) estudyante
ng Bulacan State University upang alamin ang pangkalahatang saloobin ng mga mag-
aaral na Pilipino sa kanilang mga kaklaseng Koreano. Sa pamamagitan ng Likert Type
questionnaire, aming binigyan ng kahulugan ang bawat koda:
LS-------- ( Lubos na sumasang-ayon)
S---------- ( Sumasang-ayon)
BS-------- ( Bahagyang sumasang-ayon)
HS------- ( Hindi sumasang-ayon)
LHS------ (Lubos na hnidi sumasang-ayon)
Frequency Distribution at Descriptive Measures ng Saloobin ng mga Mag-aaral sa
Kanilang mga Kaklaseng Koreano.
(50 Respondents)
Berbal na
Baryabol LS S BS HS LHS Mean Interpretasyon
1. Masaya ako dahil
mayroon akong mga
Koreanong kaklaseng
nakakasama sa loob
ng aming silid-aralan. 17 26 7 0 0 4.18 PPA
2. Nangangamba ako
sa pagdami ng mga
Koreano naming
kaklase sapagkat
nalalamangan nila ako
sa akademiks. 0 6 11 17 16 2.14 NPA
3. Natatakot ako na
balang araw ay
karamihan sa mga
Koreanong
nakapagtapos ng pag-
aaral sa ating bansa
ay kunin ng mga
kumpanya upang
magtrabaho kaysa sa
mga Pilipino. 24 13 3 2 8 3.86 PPA
4. Natutuwa ako
sapagkat madali kong
naging kaibigan ang
mga kaklase kong
Koreano. 18 8 15 9 0 3.7 BPA
2. 5. Nababagabag ako
sa aking grado sa
English sapagkat mas
pinagtutuunan ng
pansin ng aming guro
ang aming mga
kaklaseng koreano. 7 11 13 10 9 2.94 BPA
6. Nakakaramdam ako
ng pagkailang kapag
kausap ko ang aking
mga Koreanong
kaklase. 8 10 20 10 2 3.24 BPA
7. Natutuwa ako dahil
may natututunan ako
tungkol sa kultura ng
aking mga kaklaseng
Koreano. 21 10 17 2 0 4 PPA
8. Natutuwa ako sa
pagkakaroon ng mga
kaklaseng Koreano
dahil nagsisilbi silang
hamon upang ako ay
maging masigasig sa
pag-aaral. 23 12 12 3 0 4.1 PPA
Kabuuang Mean 3.52 BPA
Legend:
1.0 -1.59 NNPA - Napakanegatibong Pagsang-ayon
1.60 -2.59 NPA - Negatibong Pagsang-ayon
2.60 -3.59 BPA - Bahagyang Pagsang-ayon
3.60 -4.59 PPA - Positibong Pagsang-ayon
4.60 -5.0 NPPA - Napakapositibong Pagsang-ayon
Interpretasyon:
Balanseng mga katanungan ang aming ginawa kung saan nakasaad ang apat na
positibo at apat na negatibong tanong. Sa pamamagitan ng pagsisiyasat, aming
natunghayan ang resulta ng bawat katanungan na nagsasaad ng mga saloobin. Sa unang
katanungan, nakakuha ito ng mean na 4.18 at ang lumabas na berbal na interpretasyon
nito ay ang Positibong Pagsang-ayon. Lumabas na maraming mga estudyanteng Pilipino
ang sumasang-ayon na sila ay masaya sa pagkakaroon ng mga kaklaseng Koreano na
nakakasama at nakakasalamuha nila sa loob ng silid-aralan. Nakasaad naman sa
ikalawang tanong na may mean na 2.14 at berbal na interpretasyong Negatibong
Pagsang-ayon na, iilan lang o kakaunti lamang ang nangangamba sa pagdami ng mga
Koreanong mag-aaral, sapagkat hindi sila nangangamba na malamangan sila ng mga
Koreano sa kanilang mga akademiks. Lumabas naman sa ikatlong baryabol ang mean na
3.86 na may berbal na interpretasyong Positibong Pagsang-ayon. Resulta ito ng
pagkatakot ng mga mag-aaral na sa pagdating ng panahon ay mahirapan silang
makakuha ng trabaho, sa kadahilanang karamihan sa mga Koreanong nakapagtapos ng
pag-aaral sa ating bansa ay kunin ng mga kumpanya upang magtrabaho. Nakakuha
3. naman ng mean na 3.7 ang ikaapat na baryabol na may berbal na interpretasyong
Bahagyang Pagsang-ayon. Ipinakita dito na bahagya lamang ang sumasang-ayon na sila
ay natutuwa sapagkat madali nilang nagiging kaibigan ang mga kaklase nilang Koreano.
Sa ika-limang baryabol naman, ito ay nakakuha ng mean na 2.94 na may berbal na
interpretasyong Bahagyang Pagsang-ayon. Bahagya lamang ang nababagabag sa kanilang
grado sa English bagama’t mas pinagtutuunan ng pansin ng kanilang guro ang kanilang
mga Koreanong kaklase. Sa ika-anim na katanungan, ang mean nito ay 3.24 na may
katumbas na interpretasyong Bahagyang Pagsang-ayon. Nakakaramdam ang mga mag-
aaral ng bahagyang pagkailang kapag sila ay may mga Koreanong kausap. Sa ika-pitong
katanungan naman, ang mean ay 4.0 at may katumbas na berbal na interpetasyong
Positibong Pagsang-ayon. Marami sa mga Pilipinong mag-aaral ang natutuwa at
sumasang-ayon na sila ay may natututunan sa kultura ng kanilang kaklaseng Koreano.
May mean na 4.1 at interpretasyong Positibong Pagsang-ayon naman ang pinakahuling
katanungan. Natutuwa ang maraming estudyante sa pagkakaroon ng mga kaklaseng
Koreano dahil nagsisilbi silang hamon upang magsigasig sa pag-aaral.
Konklusyon
Napag-alaman ng aming grupo, batay na rin sa aming isinagawang surbey, na
balanse lamang ang resultang lumabas sa pag-aaral. Ipinakita na nasa tama lang o balanse
ang ipinapakitang saloobin ng bawat estudyante sa kanilang mga kamag-aral na Koreano.
Ang saloobin ng bawat mag-aaral ay bumabatay rin sa saloobing ipinapakita sa kanila ng
mga Koreanong mag-aaral sa loob ng departamento.
Karamihan din sa mga Pilipino ay nagkakaroon ng pakiramdam na sila ay
nadidiskrimina dahil sa repleksyong ipinapakita ng mga Koreano sa kanila. Bagama’t sa
pagiging magiliw sa bisita ng mga Pilipino, hindi rin maiiwasan ang pagkayamot kapag
ipinupwera sila o tinatanggihan ng mga banyagang kamag-aral.
Sa paglipas ng panahon, maaring dumami pa ang mga Koreanong pumupunta dito
sa Pilipinas upang mag-aaral lalo na ng salitang Ingles sa may mga kalidad na
eskwelahan, pamantasan, o unibersidad. Hindi maiiwasan na mangamba lalo na ng mga
Pilipinong mag-aaral ang patuloy na pagdagsa ng mga banyagang mag-aaral dito sa ating
bansa. Gayunpaman, pakikibagay at pakikisalimuha ang magsisilbing gabay upang
makasabay tayo at hindi mapag-iwanan sa mga akademiks o iba pang aspeto na
patungkol sa pag-aaral, ng ating mga kaklaseng Koreano.
Rekomendasyon
Ang aming grupo ay nagkaisang gumawa ng mga payo o tagubilin upang magkaroon ng
pantay at magandang samahan ang mga Pilipino sa mga Koreanong estudyante, at
gayundin ang mga Koreano sa mga Pilipinong estudyante.
1. Mabuting pagtanggap at pakikitungo ay kailangan upang maging magiliw sa
isa’t isa. Pagpaparamdam sa mga bisita na welcome sila di lang sa ating bansa
kundi sa atin ding mga salu-salo, eskwelahan, barkada, at kaibigan.
4. 2. Pagtutulungan sa isang bagay na hindi pa alam o hindi pa natutunan. May
kusang loob na pagtulong sa mga taong nasa kanyang paligid.
3. Paggalang sa kultura o relihiyon ay importante ng sa ganon igalang din ang
paniniwalang taglay mo.
4. Pakikibagay. Dapat marunong tayong makibagay sa lahat ng tao. Dahil, dito
nagsisimula ang positibong repleksyong gusto nating ibalik sa atin ng ating
kapwa.
5. Huwag mag-isip ng negatibong bagay sa kapwa. Dahil, ang pag-iisip ng mali
ang daan upang ang karamihan ay maniwala at pagsimulan ng hindi
magandang samahan.
6. Higit sa lahat, ang pantay na pagtingin sa bawat isa ang kailangan upang mas
maging maganda at masaya ang samahan.
Ang mga rekomendasyong aming binigay ay makakatulong sa mga Pilipinong
mag-aaral, gayundin sa mga Koreano. Datapwat, ang lumabas na resulta sa aming
pagsusuri ay Bahagyang Pagsang-ayon o nasa tamang lugar at aspeto ang saloobing
ipinapakita ng mga Pilipino sa mga Koreanong mag-aaral kinakailangan pa rin ng tamang
pag-uugali at mabuting asal ang taglayin dahil iba ang kinalakihan ng mga Koreano
kaysa sa atin. Gayundin, maaring iyon din ang nasa isip ng mga Koreanong
pansamantalang nananatili dito sa ating bansa.
Kinakailangang bukas pa rin ang ating isipan sa mga bagay o tao na ngayon lang
natin nakasalamuha at suriin munang mabuti kung ang gawi o kilos na kanilang
ipinapakita ay kinalakihan o parte ng kanilang kultura upang maiwasan ang di-kanais nais
na pag-uugali.