SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 45
Downloaden Sie, um offline zu lesen
1
Para kay
          Kgg. Feliciano “SB” Belmonte, Jr.




Isang Pagkilala at Pagpupugay sa Isang Napakahusay na
Ama ng Bayan at Ehemplo ng Tunay na Paglilingkod…




                                                        2
Mensahe




                           HERBERT M. BAUTISTA
                                   Punong Lungsod

     Mainit na pagbati sa Barangay Sta. Lucia.

      Akoy ay lubos na nagagalak sa proyekto na ito na kung saan maipapakita ang
pinagmulan ng inyong barangay pati na ang mga magagandang nagawa nito sa ating
komunidad. Ito ay isang magandang simulain upang mas lalo pa nating mapagbuti ang
ating mga adhikain hindi lamang sa inyong barangay kundi pati na sa buong Lungsod
Quezon. Magsilbi rin itong inspirasyon para sa ibang barangay na mapaigting ang kanilang
mga paglilingkod tungo sa isang matatag at mapayapang pamayanan.

     Pinupuri ko ang lahat ng bumubuo ng inyong barangay – sa inyong walang
pasubaling paglilingkod hindi lamang sa inyong nasasakupan kundi sa buong mamayanan
ng Lungsod Quezon. Ako ay nagtitiwala sa inyong kakayanan bilang mabisang kaagapay
ng Pamahalaang Lungsod tungo sa pag unlad at inyong maaasahan ang aking patuloy na
pagkandili at suporta sa darating pang mga hangarin at programa.

     Mabuhay kayo at hangad ko ang inyong tagumpay.

                                                                                      3
Mensahe




                          MA. JOSEFINA G. BELMONTE
                              Pangalawang Punong Lungsod

      Malugod kong binabati ang mga namumuno at mamamayan ng Barangay Sta. Lucia sa
inyong paglulunsad ng isang Aklat Pang-alala para maitala ang kasaysayan at pag-unlad ng inyong
Barangay.

      Mula sa isang nayong pinapaligiran ng mga puno’t sakahan, ang Barangay Sta. Lucia ay
sumunod sa tawag ng panahon. Dumami ang nanirahan dito mula sa iba’t-ibang bahagi ng
Kamaynilaan at sulok ng bansa. Sa kalaunan, nagsimulang itayo ang mga subdivisions, naisaayos
ang kalsada, umusbong ang mga negosyo’t kalakalan. Ang lahat ng ito’y mga katangian ng isang
umuunlad na Barangay.

       Ako, bilang inyong Pangalawang Punong-lungsod, ay naniniwala na ang kaunlarang
tinatamasa ng Lungsod Quezon ay dapat nararamdaman ng ating mamamayan sa pamamagitan ng
mga serbisyong pangkalusugan at pagpapalakas ng kakayanan nilang tugunan ang kanilang pang-
araw-araw na pangangailangan. Katuwang ninyo ako sa misyong ito. Nais ko lamang na lahat tayo
ay magkusang tumulong sa mga programa ng ating lungsod.

     Hangad ko ang patuloy at matatag na pagharap ng Barangay Sta. Lucia sa hamon ng
panahon. Hangad ko ang inyong pagharap sa kinabukasan na punong-puno ng pag-asa.

      Mabuhay tayong lahat!
                                                                                            4
Mensahe




                               WINSTON “WINNIE” CASTELO
                               Mambabatas ng Distrito 2, Lungsod Quezon
                        Mababang Kupulungan ng Kongreso ng Republika ng Pilipinas

                   NATATANGI AT KAHANGA-HANGANG AMBAG SA KASAYSAYAN NG
                            BARANGAY STA. LUCIA, LUNGSOD QUEZON
                                 30 Agosto 2010, Araw ng mga Bayani

        Katangi-tangi ang pagkakataong ito sa kasaysayan ng pamayanang Barangay Sta. Lucia. Ang pagbabalik
tanaw sa mayaman at mahalagang mga pangyayari, mga taong nakilahok at ang kanilang natatanging kontribusyon
sa kaunlaran ng komunidad na naka-impluwensya sa kanugnog na mga lugar, mga puwersa at institusyon na
humubog sa kultura at edukasyon at huwarang paglilingkod sa kapwa at munting lipunan na ito, sa nakalipas na
halos 48 taon ay tunay na kahanga-hanga.
        Ang paglulunsad ng Aklat Paggunita at Parangal sa Pook Sta. Lucia, na ngayon ay Barangay Sta. Lucia sa
ilalim ng lokal na pampulitikang kaayusan sa Pilipinas, ay magpapaalala sa atin at ituturing na gabay sa patuloy na
isang Barangay na mangangalaga sa lahat ng naninirahan dito. Huhubog ng mga taong may mabuting kalooban at
maglilingkod sa kapwa, sa barangay, lipunan at bansa – sa ngalan ng Diyos na siyang bukal ng lahat ng pagkabayani
at pagmamahal.
        Binabati ko sa espesyal na paraan sa napakahalagang yugto na ito ng bagong kasaysayan ng barangay Sta.
Lucia ang Punong Barangay na si WILLIAM R. BAWAG, sa kanyang matagumpay na paglulunsad ng mahalagang
aklat na ito – alay sa kasalukuyan at kinabukasan. Nagawa ito dahil sa kanyang malawak at may direksyon na
patungunahan para sa Barangay Sta. Lucia at mga tao dito. Ang nakaraan ang simbolo ng kanyang ilaw tungo sa
pagsusuri ng kasalukuyang kalagayan at pagpapakilos sa mga puwersang magdudulot ng maayos na pagsisilbi na
may katarungan at pagmamahal, magiging maligaya ang mga naninirahan, at may kaunlaran sa paparating na bukas
nang may malalim na pananampalataya sa Diyos.
       Kasama sa aking pagbati ang buong Konseho ng Barangay Sta. Lucia sa kanilang paglilok ng mga
pamantayan at patakaran na tumutugon sa mga pangangailangan at tawag ng panahon, at mga Lupon
Tagapamayapa, mga Barangay Tanod, at ang lahat ng mga instrumentalidad sa ilalim ng Punong Barangay at sa lahat
ng naninirahan sa Barangay Sta. Luia sa pagsuporta sa buong mekanismo ng organisasyong paglilingkod at
pakikipagtulungan sa kabarangay.
       Mabuhay kayong lahat at patuloy na maghari ang pagpapala ng Dakilang Maykapal sa ating lahat!              5
Mensahe




                                  WILLIAM R. BAWAG
                                        Punong Barangay

      Sa aking tatlong termino ng panunungkulan sa ating barangay, una bilang SK Kagawad,
pangalawa bilang Barangay Kagawad at ngayon bilang Kapitan ang aking puso ay punong puno ng
pag-asa at pagmamahal para sa ating Barangay Sta. Lucia.

      Nakita ng sariling kong mga mata kung paano nagkaroon ng kulay ang barangay. Bata pa
lang ako ay ninais ko na ang maglingkod. Nakita ko ang pangangailangan ng barangay,
naramdaman ko din ang pangangailangan ng mga tao na nakatira dito.

      Hindi ko kahit kailan ninais na yumapak at manirahan sa ibang lugar dahil dito ko nakita
ang aking sarili. Dito tumitibok ang aking puso, mahal ko ang Sta. Lucia at dito ako maglilingkod.

      Ito ang aking naging HAMON – Ang maging isang mahusay na lider na magpapalago at
magiging daan ng pagbabago para sa Sta. Lucia.

     Ito naman ang aking naging daan para sa TAGUMPAY – Ang pagbibigay ng mas malawak
na mga programa, laging bukas na tanggapan kahit kanino, pagpapatupad at pagpapaunlad ng
mga daan at istruktura, pagkakaroon ng pagkakakilanlan ang barangay at ang bawat miyembro ng
komunidad.

       Ang librong ito ay alay natin sa ating dating Ama ng Bayan – Kgg. Feliciano R. Belmonte, Jr.
dahil sa kanyang pag gabay at tulong upang mapaunlad ang ating barangay. Ito rin ay para sa inyo
bilang pagkilala sa bawat miyembro ng ating komunidad na tumulong sa ating paglago.

        Ang ating buhay ay may mga paghamon, may mga balakid, ngunit sa pag gabay ni Santa
Lucia ang lahat ng hamon ay napapagtagumpayan. At sa tulong tulong na pagkilos lagi nating
isaisip na tayo rin ang susi upang maging Winner ang Barangay.
                                                                                                6
Ang kasaysayan...




                    7
sang gabi habang naglalakad ako kasama ang aking asawa at anak na si Butsoy sa
          kalsada ng A. Bonifacio, kung saan matatagpuan ang ating Elementary School ay
          saglit akong napatigil, inikot ko ang aking mga mata at pinagmasdan ang aking
paligid. Napangiti ako at napahanga sa aking mga napagmasdan, ibang-iba na talaga ang Sta.
lucia, maunlad na!


      Bumalik sa aking gunita ang itsura ng barangay natin
noon, mula sa aking kinatatayuan ay naalala ko ang mga lubak-
lubak na kalsada, kapag tag-araw kapag ikaw ay naglakad ay
para kang naglagay ng pulbos dahil sa alikabok at kung tag-ulan
naman, sayang ang kintab ng sapatos at maaring maiwan ang iyong tsinelas dahil putikan
ang iyong lalakaran. Madalas pa nga noong magkatakutan, dahil sa dilim ng mga kalye,
parang palagi kang makakasalubong ng multo at aswang sa daan.


      Naalala ko pa nga ang tunog kokak ng mga palaka na nanggagaling sa tila lawa sa loob
ng malawak na bakuran ng San Gabriel na iilan pa lamang ang silid-aralan. Oo nga pala!
pwede kang dumaan sa tila burol na daan, papunta sa ating         unang Barangay Hall at
Barangay Health Center o kaya naman ay papunta sa ating simbahan. Antagal na pala nun,
bata pa nun si aling Manang at si aling Marta nung dinadala ako ni Nanay sa Center para
magpa-konsulta.


      Ang laki na talaga ng pinagbago at iniunlad ng STA. LUCIA, lalo na siguro kung
magkukwento ang mga lolo at lola, ate at kuya natin na naunang nakakita sa kalagayan ng
barangay natin. Ano nga kaya? Malapit na nga pala ang Foundation Day ng Barangay Sta.
Lucia, sa Mayo 10 na, at bilang KAPITAN dapat makaisip na ako ng programa para sa
pagdiriwang, dapat bongga!


      Pero una, dapat alamin ko ang kasaysayan ng barangay natin, ang mga nagsilbing
kapitan at mga kagawad ng barangay, at siyempre lahat ng nagsilbing kawani nito at
nararapat lamang na ating bigyan ng pagkilala at pasasalamat ang mga tao at lider ng ating
barangay na tumanggap sa pagsubok at humarap sa hamon, upang gawing maganda, ligtas,
maunlad at kaaya-ayang panirahan ang ating pamayanan ng STA. LUCIA.


                                                                                       8
ng Sta. Lucia ay isa dati sa mga lugar na napakalayo sa kabihasnan. Maihaha-
            lintulad ito sa isang kagubatan na hindi pa napapasok ng sibilisasyon.
            Napapaligiran ng mga bukirin, matataas na talahib at maputik na daan. ito ay
binubuo ng 329, 245 square meters o 51.9 hektaryang bulubundukin na noon ay kaparte pa
ng San Bartolome Bata at pag-aari ng pamilya na kinabibilangan ni G. Mariano Gabriel kaya
ito ay tinawag na Gabriel Estate.

     1955 sa kagandahang loob ni Mr. Gabriel ay ibenenta ang lupa sa dating People’s
Homesite and Housing Corporation (PHHC) o mas kilala ngayong National Housing
Authority (NHA) upang gawing Relocation Site ng mga residente na nililipat ng gobeyerno.

       Ilan sa mga kauna-unahang pamilya na nilipat sa Sta. Lucia upang manirahan ay ang
mga taga Sorziego, Sta. Mesa ng taong 1959. Dito nabibilang ang mga magulang at kapatid
ng isa sa ating kagawad na si Kgd. Narciso Lamoglia. Sa tulong ng dating Senador at sikat na
artistang si Rogelio Dela Rosa ay nalipat ang mahigit kumulang na tatlumpung (30) pamilya
mula sa nasabing lugar. Ilan sa mga ito ay mga pamilyang kinabibilangan nila G. Isaac
Bautista, G. Juan Lopez at G. Jesus Flores.

      Sa tulong naman ng dating Presidente Carlos P. Garcia ay naging simula na ito ng
sunod sunod na pagdating ng ilang mga pamilya mula sa Meralco Compound na
kinabibilangan nina G. Tamayo at Almeda Compound Tondo na kinabibilangan naman ng
mga pamilya nina Pacita Roque, Emma
Roque, Estelo Roque, Lourdes Roque,
Arturo David, Delfin Roque at ng 1962 sa
kagustuhan ng mga mamamayan na
magkaroon ng kasarinlan at pagkaka-
kilanlan ay sumulat sila ng isang petisyon
na naglalayong maipangalan ang lugar sa
isang patron.

      Sa pangunguna ni G. Tamayo ay
gumawa ng petition ang mga tao na
maipangalan sa patronang si Santa Lucia
ang lugar.



                                                                                         9
Santa Lucia




          yon sa pagsasaliksik, ang pagbibigay pangalan sa ating barangay ay mula sa
          suhestyon ni G. Tamayo na isa sa mga masisipag na naglakad upang maging isang
          bukod na barrio ang ating lugar.

      Ayon pa sa mga kwento, may mga iba’t ibang pangalan na naisip ibigay sa ating lugar.
Naisama na rin sa pagpili ang pangalang San Gabriel, ngunit ayon kay Bb. Emma Roque, ang
patrona ng lugar na pinanggalingan nuon ni G. Tamayo ay si Santa Lucia at bilang deboto ninais
isunod ni G. Tamayo ang pangalan ng ating lugar kay Santa Lucia na malugod namang
tinanggap ng kanyang mga kasama.

      Mula noon at sa bisa ng kanilang Petisyon, kanila ng inilagay na ang magiging pangalan
ng nooy munting barrio ay Santa Lucia.

       Ang pagkakaroon ng pagkakakilanlan ay isang napakahalangang bahagi ng pagsisimula
ng isang komunidad. Sinasalamin nito na kahit noon pa man ay likas ng relihiyoso at madasalin
ang ating mga naunang ninuno.

                                                                                          10
t sa bisa ng isang City Council Ordinance 5066, S-62 at sa tulong ng City
          Committee on Barrio Government noong MAY 10, 1962 ay naaprubahan ng
          konseho ang paglikha sa Santa Lucia bilang isang nakahiwalay na Barrio na nooy
nasasakop pa ng San Bartolome Bata at inilagay ang takdang hangganan nito. Mapalad na
nakuha pa natin ang sipi ng nasabing Ordinansa na nilagdaan ng dating Vice Mayor Vicente
O. Novales at sinertipikahan naman ng City Secretary Rustico A. Valdellon.




                                              B4, 3, 2, 1 First Sta. Lucia Chapel (Damayan Rice Field)


                                                                                                    11
t ng taong 1975 sa bisa ng isang Executive Order mula sa Punong Lungsod Kgg.
Norberto Sarino Amoranto ay kinilala ng isang ganap na barangay ang dating
barrio Sta. Lucia, kasabay ng ilang lugar na matatagpuan din sa Lungsod Quezon.




                                                                           12
Narito naman ang talaan ng mga kababayan natin na naglingkod sa ating barangay...

                                   JOE DEOGRACIAS
                                      (1955 – 1962)

          yon sa ating isinagawang pagsasaliksik at pagtatanong sa mga kauna unahang tao
          sa ating komunidad na sina Bb. Emma Roque, G. Eduardo Roque, G. Charito
          Jacinto at Kgd. Narciso G. Lamoglia ang unang namuno sa ating barangay ay si G.
Joe Deogracias.

    Bilang isa sa mga pinaka unang tao na nanirahan sa lugar ay kinilala sya ng
komunidad na maging pinuno at sangunian ng lahat ng usapin sa lugar.

      Binigyan ng mataas na paggalang at napagkaisahan na syang maging Tinyente del
Barrio ng lugar. Lahat ng mga suliranin at usapin ay sa kanya dinudulog ng mga naninirahan
noong panahon na iyon.

      Ayon sa ating mga napagtanungan, ang natitirang kamag-anak ng mga Deogracias dito
ay ang mga Pamilya Badiable. Sinikap ng patnugot na mahagilap ang ilang sipi ng litrato ng
unang Tinyente del barrio subalit wala na ring makapagbigay alam ng kinaroroonan ng
kanyang natitirang malalapit na kamag-anak.

      Natapos ang kanyang paglilingkod ng magkaroon at maisabatas ang kauna-unahang
eleksyon pambarangay sa ilalim ni Pangulong Diosdado P. Macapagal.




                                                                                      13
Estelo Roque
                                       (1962 - 1967)




          unsod ng kauna-unahang Barangay Election noong January 28, 1962 makatapos
          ang pamumuno ni G. Joe Deogracias ay tumakbo bilang susunod na Tinyente Del
          Barrio si G. Estelo Roque, kasama ang ilan pang residente kabilang sina G. Arturo
David, Fabian Tamayo, Jose Lamoglia at Inocencio Reyes.

      Sa pagkakamit ng pinakaraming boto ay naiproklama si G. Roque bilang Tinyente Del
Barrio at ang sumunod na apat na may matataas na boto naman ang kanyang naging mga
konsehal.




                        Arturo G. David           Fabian Tamayo




                          Jose Lamoglia           Inocencio Reyes




                                                                                       14
Felino Jumadiao
                                      (1967 - 1969)




         akalipas ang limang taon ay nagkaroon ulit ng Barangay Election. Naluklok
         naman sa pwesto si G. Felino Jumadiao, na syang ama ng naging kapitan din na
         Leonito Jun Jumadiao. Sa mga panahon ito ay wala masyadong naitala na mga
pagbabago sa barangay, dahil na rin sa kawalan ng pondo mula sa pamahalaang lokal.

     Ayon sa pagsasaliksik narito ang ilan sa mga naging kagawad ng panahon ni G. Felino
Jumadiao.




               Che Gagui              Ben Dalida           Inocencio Reyes




                         Renato Santos             Jun Navasca




                                                                                    15
Ernesto Linga
                                       (1969 - 1982)




         sa sa mga naging pinakamalaking papel na ginampanan sa pag-unlad at
         pagbabago ng Sta. Lucia ay ang dating Kapitan Ernesto Linga o mas kilala sa
         pangalang “Boy Mamaw.” Dahil na rin siguro sa taglay na kakisigan nito noong
panahong iyon ay marami ang nangilag sa kanya, lalo na ang mga masasamang loob.

     1969 ng una syang maluklok sa pagiging Kapitan at tumagal ito ng hanggang 1982.
Mahigit kumulang labintatlong taon (13 years) na serbisyo. 1971 ng idineklara ang Martial
Law at simula noon ay wala ng naging eleksyon para sa pamahalaang lokal.

      Naging mas makulay ang barangay sa kanyang kakaibang pamamahala. Isang
pamamalakad na nirespeto at pinangilagan naman ng ilan. Halimbawa na lang ay ang
pagpapaikot sa mga nahuhuling magnanakaw upang maging babala at halimbawa sa mga
taong nag-iisip na gumawa ng masama. Ang mga nanggugulo sa barangay o nagwawala ay
kinukulong sa ginawang kulungan sa gitna ng Barangay Plaza upang di na pamarisan ng iba.

       Ngunit hindi lamang ang tapang at higpit ang naitala ng panahon ni Kapitan Linga,
maging ang makulay na selebrasyon tuwing Piyesta ay sya ang nagpasimula. Ang makulay
at maingay na labanan ng Ati Atihan, Palarong Basketball sa Kabataan at sa mga nakatatanda
na rin at iba pang palaro katulad ng agawang buko, palasebo at iba pang tradisyonal na laro.

      At noong June 25, 1975, kalagitnaan ng Martial Law ng magpasa ang City Government
ng Quezon City ng Executive Order No. 26 na ginagawang isang Barangay ang dating Barrio
Sta. Lucia. Ang mga pagbabagong ito ang nasaksihan ng administrasyon ng dating Kapitan
Ernesto Linga. Sa kanya ding pangunguna naitayo ang Basketball Open Court, Tennis Court
at Health Center.


                                                                                        16
Narito naman ang mga miyembro ng kanyang konseho na tumulong sa kanyang
maayos na pamamalakad.




    Estanislao Galarpe               Alejandro Budios              Pelagio de Guzman
        Konsehal                          Konsehal                        Konsehal




       Felix Eudin                  Roberto dela Luna                 Pedro Aguilos
        Konsehal                          Konsehal                        Konsehal




                     Eugenio Velena                  Josefina Galarpe
                     Barangay Secretary              Barangay Treasurer




                                                                                       17
Dominador Cordero
                                     (1982 – 1986)




          ay 17, 1982 pagkatapos ng mahabang paglalagay sa Martial Law ang buong bansa
          ay nagkaroon muli ng lokal na eleksyon. Sa nasabing eleksyon ay nagkaroon ng
          patas o pantay ng boto ang magkalabang Dominador Cordero o mas kilala sa
pangalang “Domeng Bagyo” at Ernesto Linga o “Boy Mamaw.”

      Upang malaman at maiproklama ang nanalo ay nagkasundong magkaroon ng “toss
coin”. Kinalabasan nito ay ang pagkapanalo ni dating Kapitan Dominador Cordero na
maayos namang tinanggap ni Kapitan Ernesto Linga.




            Ben Briñas           Teresita Gonzales         Eduardo Roque
             Konsehal                Konsehal                Konsehal




         Estanislao Galarpe       Alfonso Delicana         Virgilio Reyes
              Konsehal                Konsehal               Konsehal


                                                                                  18
Arturo David
                                     (1986 - 1989)




          ebruary 07, 1986, nagkaroon ng EDSA Revolution laban kay dating Pangulong
          Ferdinand E. Marcos. Niluklok ng mga tao si Pangulong Corazon Aquino bilang
          bagong Pangulo ng Pilinas at tinawag itong Revolutionary Government.

     Kasabay din nito ay ang paglalagay ng panibagong administrasyon na pansamantalang
hahawak sa lokal na pamahalaan o tinatawag na Officer In Charge (OIC).

      Naging OIC ng Quezon City si dating Mayor Jun Simon at bilang katuwang sa
barangay ay nai-appoint naman na OIC ng Barangay Sta. Lucia si G. Arturo David ngunit
nanatili sa pwesto ang ilan sa mga dating kagawad.




          Teresita Gonzales          Ben Briñas            Alfonso Delicana
              Konsehal                Konsehal                 Konsehal




           Virgilio Reyes         Estanislao Galarpe       Narciso Lamoglia
             Konsehal                  Konsehal                Konsehal
                                                                                  19
Ernesto Linga
          arch 28, 1989, matapos ang mahabang pamamahala sa
                                                                      (1989 - 1994)
          ilalim ng Revolutionary Goverment ay nagsagawa
          muli ng malawakang eleksyon.

     Sa tinatawag na Collegial Election, ang may pinakamataas
na boto ang makakakuha ng pinakamataas na pwesto bilang
Punong Barangay at ang mga sumusunod na anim ay bilang mga
kagawad.

                                                                    Punong Barangay




       Estanislao Galarpe           Willie Entendez             Narciso G. Lamoglia
           Kagawad                     Kagawad                       Kagawad




     Ma. Lourdes A. Arreza        Dominador Cordero              Alfonso Delicana
           Kagawad                    Kagawad                        Kagawad




          Tennis Court              Basketball Court             Old Health Center


                                                                                      20
ay 9, 1994 ng nagkaroon ng pang pitong halalang       Juan Arreza
         pambarangay. Naluklok sa pwesto si G. Juan Arreza      (1994 – 1997)
         bilang Punong Barangay kasama ang pitong kagawad
na nakakuha ng matataas na bilang ng boto.

      Sa kanya ring panunungkulan ay nagsimulang maitayo
ang 2-Storey Barangay Hall at Police Block.




Estanislao Galarpe          Gerry Go      Luciano Galvez     Punong Barangay
    Kagawad                 Kagawad          Kagawad




Narciso Lamoglia         Neolito Salas    Willy Entendez     Liliosa Sta. Cruz
   Kagawad                Kagawad           Kagawad              Kagawad




        2 Floor Barangay Hall            Police Block

                                                                                 21
Luciano Galvez
          alagitnaan ng taong 1997 ng naluklok naman sa pwesto si
                                                                        (1997 – 2002)
          Kapitan Luciano Galvez sa pamamagitan ng malinis na
          eleksyon.

      Sa panahon ng kanyang paglilingkod nagkaroon ng sariling
Fire Sub Station ang Barangay Sta. Lucia.

     Sa kanila ring konseho nagmula ang pagsasaayos ng ilang
mga rip rap sa barangay, Basketball Court at tulay ng Tarhaville at
Galvez.                                                                Punong Barangay

Nagsimula na rin sa kanyang pamumuno ang ilang asphalting Projects ng ating barangay.




   Noli Salas            Willy Entendez            Jun Jumadiao        Narciso Lamoglia
   Kagawad                 Kagawad                   Kagawad              Kagawad




    Gerry Go             William Bawag            Narcisa Galvez        Michael Untalan
    Kagawad                Kagawad                  Kagawad              SK Chairman




                                                                                        22
Leonito John Jumadiao            November 2002, naihalal ang pang-sampu na pinuno ng
                          ating barangay sa katauhan ni Kapitan Leonito John Jumadiao. Sa
     (2002 – 2007)        kanyang pamamagitan at ng kanyang konseho ay napagtibay ang
                          Suyod Buwis upang mapalakas ang kita ng barangay. Ang kanyang
                          konseho rin ang tumulong upang matupad ang ilang proyekto ng
                          palupa sa barangay.




   Punong Barangay           Jay Atienza        Michael Untalan        William Bawag
                              Kagawad              Kagawad               Kagawad




      Hermie Flores        Wawit Galarpe       Ma. Lourdes Arreza      Peping Ocampo
        Kagawad              Kagawad                Kagawad               Kagawad




     Carmela Valerio      Conrado Arias Jr.       Stella Cabildo
      SK Chairman            Secretary              Treasurer

   Sta. Lucia Brgy Hall




                                                                   Concreting & Drainage
                              San Gabriel Elementary School            Improvement
                                                                                       23
Barangay Sta. Lucia Council 2007




                                   24
William R. Bawag
                                  Punong Barangay
                                   (2007 – Present)




Michael P. Untalan     Narciso G. Lamoglia   Lourdes A. Arreza      Francisco P. Niñal
    Kagawad                 Kagawad              Kagawad                Kagawad




Conrado T. Arias Jr.    David A. Cornejo     Nestor M. Sierra       Dionie C. Bawag
    Kagawad                Kagawad              Kagawad              SK Chairman




          Noeme Diaz-Salonga                          Stella Marie A. Cabildo
               Kalihim                                      Ingat Yaman
                                                                                   25
Roque – ito ang apelyido ng unang Tinyente
                                              Del Barrio na ginawaran ng unang pag-
                                              titiwala ng ating mga kabarangay dito sa Sta.
                                              Lucia. Si Estelo Roque ang unang elected
                                              Official noong 1962 at sya rin ang lolo sa
                                              tuhod ng ating Kapitan.

                                              Bawag – ito ang apelyido ng ilan sa mga
                                              mahuhusay at matatalas ang isip na nagsi-
                                              pagtapos sa ating mga paaralan ng San
                                              Gabriel Elementary School at Sta. Lucia High
                                              School. Si G. Nano Bawag o mas kilalang
                                              Mang Nano, kilalang matapang at dating
                                              Katipunero, sya ang lolo ng ating Kapitan.

                                              Malinaw na nananalaytay ang pagiging lider,
   Kapitan William Roque Bawag                talas ng kaisipan at likas na katapangan sa
                                              kanyang dugo bilang Roque at Bawag. Sabi
nga ng iba kung ano ang puno ay sya rin marahil ang bunga. Sa paningin ng nakararami
nating residente ay higit pa ang kanyang ipinamamalas.

Ipinanganak si Kapitan William R. Bawag noong ika-6 ng Pebrero, taong 1977 dito sa
Barangay Sta. Lucia, sa mag-asawang Ofelia Roque at Florante Bawag sa kanilang tahimik at
simpleng tahanan sa may Abad Santos Street, Sitio 6 ng ating barangay.

Nagtapos ng pag-aaral sa San Gabriel Elementary School at Sta. Lucia High School kung saan
sya ay nagpamalas ng kahusayan sa larangan ng akademika at maging ekstra kurikular.
Tunay na maituturing na lehitimong taga Sta. Lucia, ipinanganak lumaki at lumago dito sa
Sta. Lucia. Nag-aral sa AMA Computer School at nagtapos ng kurso sa larangan ng
Computer Programming and Technology.

Dahil nananalaytay sa kanya ang pagiging lider ay pumasok sya sa larangan ng pulitika
bilang SK Councilor at nanalo ng taong 1994, kasama nina Rowena Tolosa sa panahon at
pamumuno ni dating Kapitan Juan Arreza.



                                                                                       26
ikas na sa kanya ang maging angat sa iba, napansin ang kanyang galing at husay
          at kinuha sya na maging kaagapay ng barangay sa mas malawak na paninilbihan.
          Taong 1997 ng sumabak sya bilang kagawad, buong puso naman syang
sinuportahan at binigyang tiwala ng mga residente at nailuklok sya sa pwesto bilang pinaka
batang kagawad sa kanyang panahon. At bilang kagawad naging adbokasya na nya ang
bantayan ang kalinisan, kaayusan at kabutihan ng bawat kabataan sa barangay.




                            BPSO RECOVERED FIREARMS & DEADLY WEAPONS




      Dahil sa angking talino, makataong pamamahala, mahusay na pakikisalamuha sa lahat
ng uri ng tao at higit sa lahat mga konkretong proyekto na naipatupad sa panahon ng
serbisyo ay nailuklok sya sa pinakamataas na pwesto sa barangay noong Oktubre ng 2007.
Pagpapatunay na ang tiwala at pagmamahal ng komunidad ay nasasalamin sa ating batang
Kapitan.
                                                                                      27
ecember 1, 2007, sa edad na 30 anyos, nanumpa ang pang labing-isa at pinakabatang
           Kapitan sa kasaysayan ng Sta. Lucia - Si Kapitan William Roque Bawag. Bagamat
           napapaligiran ng mga Kagawad na medyo nakakatanda, hindi ito naging hadlang
upang hindi malayang maisagawa ng ating Kapitan William ang kanyang mga pangakong
binitawan. Sa katunayan, naging maayos at kaigaigaya ang samahan ng mas nakakarami sa
kanyang konseho. Ngunit, katulad ng alon sa dagat, minsan ay sadyang may mga unos na
sumusubok sa katatagan ng ating lider. Mga usaping pilit na sumisira sa kanyang pagkatao at
pamumuno. Sa lahat ng ito ay nanatili ang kanyang katatagan na maipatupad kung anuman ang
dapat at maitama kung ano man ang mali.

       Ang lahat ng ito ay matapang nyang hinarap, at ni minsan ay hindi napanghinaan ng loob
o nasira ang pagiging maginoo ng ating batang kapitan. Sa makisig nyang pangunguna ay pilit
nyang pinalalakas ang hanay ng mga BSDO at Volunteer Barangay Tanod sa pagpapatupad ng
batas at pagbabantay ng kapayapaan sa kapaligiran.

     At sa huli, mahirap man ang napagdaanan, tagumpay pa rin ang idinudulot nito sa
kanyang pamunuan. Patunay dito ang paggagawad ng pagkilala sa ating barangay bilang
“BARANGAY BEST PEACE IN ORDER” ito ay pinili ng mga Kapulisan at ilang mga taga
Gobyerno bilang barangay na may pinakamababang naitala na kaguluhan sa panahon ng
kanyang pamumuno.




                                                                                         28
ala na rin at tulong ng kanyang kabataan at kaalaman, naipasok nya ang mga
           modernong sistema at pamamaraan na makatutulong sa barangay. Ang
           Computerized Database System, ito ay isang programa na ipinangako ni Kapitan
William R. Bawag sa kanyang nasasakupan. Ngayon, ang mga taong walang mapagkakakilanlan
ay maaari ng kumuha ng BARANGAY ID sa murang halaga.
                                                 Ang kauna-unahang kumuha ng Barangay ID

  Barangay Identification Card




                                 Computerized Database System

                                                                                           29
ay mga programa ring nagnanais na maipakilala ang mga taga Sta. Lucia at
            mailapit ang mga tao sa barangay. Mga programang nagbigay kulay sa
            pagdiriwang ng ating Kapistahan at Araw ng Pagkakatatag upang maipakita ang
talento at ganda ng mga taga Sta. Lucia katulad ng mga sumusunod:




                    Search for                               Search for
            Binibining Sta. Lucia 2008               Binibining Sta. Lucia 2009




            Wiggle your Body 2008                      War of the Bands 2008




                                                                                   30
Daycare Field
Demonstration 2008                          Barangay Idol
                                               2008




    Double Barangay                                 Talentadong
    Idol 2009                                        Pinoy 2009




                 Wow sa Birit (Senior Citizens Singing Contest) 2008
                                                                       31
Mga programa na nakatuon sa pagpapalago ng kaisipan
                       ng bawat mamayan, matanda man o bata

 Pirmahan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Bgy Sta Lucia Council at Sta. Lucia High School
             para sa programang Alternative Learning System (ALS) ng DepEd




Unang Araw ng Pasukan, dinalaw ng ating Bgy Capt William R. Bawag ang mga Day Care Centers
   sa ibat' ibang sitio upang tignan ang kanilang kasalukuyang sitwasyon at pangangailangan




    DILG Seminar para sa Paghahanda sa anumang Sakuna (Disaster Preparedness Program)
                  na isinagawa ng Barangay Council noong June 10, 2010.




        Pagpapalakas at muling pagbuhay ng Barangay Sta. Lucia Anti-Dengue Brigade




                                                                                         32
Anti Violence Against Women and Child (VAWC) Seminar na ginanap sa San Narciso Zambales
             kasama ang ilang miyembro ng Lupon Tagapamayapa, HOA at BPSO




Pagpupulong ng mga miyembro ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) at
        Barangay Nutrition Council (BNC) bilang paghahanda sa Nutrition Month




Health Center on Wheels, programa ng ating City Health Department kung saan ang klinika ay
      dinadala sa mga lugar na may kalayuan sa sentro ng pagamutan o Health Center.




            Anti Dengue Seminar na pinangunahan ni Dra. Ma. Corazon R. Roque
   (Sta. Lucia Super Health Center), BPSO Inspectorate Jun Gabua at BPSO Ronald Añasco




                                                                                         33
ga programa na nakatuon sa pang kalusugang pangangailangan ng ating mga
residente sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang Departamento ng Gobyerno at mga
Non-Government Organization (NGO).

                          Medical Mission




                          Dental Mission




                  Free Eye Check Up & Eye Glasses




                          Operation Tule




                                                                         34
Libreng Ambulansya                      Operation Timbang




Vitamin A Supplementation               Feeding Program




                      Feeding Program




                                                            35
ga programang nakatuon upang bigyang halaga ang pangangailangang espirit-
wal. Mayroon din namang mga programa na nakatuon upang palakasin ang
bigkis ng samahan ng mga empleyado at pagkilala sa kanilang mga gawa.


       Unang Pagdalaw ni Bishop Tobias sa Barangay Sta. Lucia




Inagurasyon ng Atherton Bridge ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo
      kasama sina Mayor Sonny Belmonte at Cong. Annie Susano




       Pagsali ng Barangay Sta. Lucia sa Parol Para sa Kalikasan




                   Sports Bits Bowling Tournament




                                                                       36
Kasalang Bayan 2008                        Anti Dengue Brigade 2009




ALS School Supplies Distribution 2009             Centennial Celebration 2008




Senior Citizens                         Red Cross 143 Seminar 2008




 Blood Letting             Christmas with the Kids 2009         Boodle Fight with BPSO




                                                                                   37
ay mga programa din si Kapitan William, sa tulong ng iba’t ibang NGO at ahensya
ng gobyerno, na nagnanais tumulong na magbigay kasanayan sa ating mga
residente upang magkaroon ng sariling pangkabuhayan.

 Cosmetology Training                     Reflexology & Massages Training




    Barista Training                      Auto Mechanic Training/Seminar




           3 Months Hotel & Restaurant Services Training




                       Jobs Fair Local and Abroad




                                                                            38
39
ng mga konkretong programang nabanggit ang nagbigay buhay sa bawat puso ng
          mga magulang, estudyante, guro o maging mga simpleng mamamayan na
          makibahagi sa mga programa at gawain ng ating Barangay.

      Naniniwala ang ating Punong Barangay na ang susi ng isang maunlad na pamayanan
ay nasa pakikipagkaisa ng bawat doon ay naninirahan.

      Sa kanyang maayos na pamumuno ay sumibol ang mga magagandang pagbabago at
paglago. Na kung ating babalik tanawin ay madaling makikita lalo na sa aspetong pisikal ng
Barangay.

                  NOON                                         NGAYON

                                   Kalye ng T. Alonzo




                                   Kalye ng P. Paterno




                                                                                      40
NOON                           NGAYON

         Kalye ng J. Luna




        Kalye ng J. P. Rizal




       Kalye ng A. Bonifacio




                                        41
NOON                                        NGAYON

               Barangay Court




                Barangay Plaza




       Kalye ng J. P. Rizal cor T. Alonzo




                                                     42
43
44
a kasalukuyan ay binabalangkas naman ni Kap William R. Bawag ang ilang mga
           programa na makakatulong sa kalusugan ng ating mga kabarangay na may
           espesyal na pangangailangan sa tulong ng Far Eastern University (FEU) Hospital
at mga estudyante nito.

      Gayun din naman ang mga pang laboratoryo ng mga matatanda ay nais matugunan ng
ating Kap William sa tulong na rin ng Presidente ng Federation of Senior Citizens of the
Philippines (FESCAP) Sta. Lucia Chapter na si Kgd. Narciso G. Lamoglia ay naglagay sila ng
kaunting pondo upang mailibre ang ilang mga laboratoryo ng mga piling matatanda .

      Kung tutuusin ay napakarami pa ang nakalista sa mga bagay na nais magawa ng ating
Kapitan, subalit lahat ay nakasalalay sa pagkakaroon ng sapat na pondo na manggagaling sa
ating pamahalang lokal.

     Sa huli, masasabi natin na ang pagiging Ama ng Barangay ng ating Kap William R.
Bawag ay parang iginuhit na ng tadhana. Dahil sa simula pa lamang ay nailatag na ng
kanyang mga ninuno ang malinis na pangalan sa pangangalaga ng ating pamayanan.

      Ang pagiging Public Servant ay isang biyaya mula sa ating Panginoon para kay Kap
William R. Bawag, dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon na makapagsilbi
sa nakararami. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang ating nasasalamin ay isang maayos at
mahusay na liderato mula sa kanya na malinaw nating nakikita sa mga konkretong
pagbabago, mula sa mga daang sementado hanggang sa mga maliliit na programang
ibinababa sa bawat sulok ng ating barangay.

      Sa kanyang maayos at magandang paglilingkod, marahan ngunit siguradong
pamamaraan, mula sa maliliit na pangarap ay unti-unti ng naisasagawa ang magandang
simulain at adhikain na gawing Winner ang Barangay hindi lamang sa programa kungdi
maging sa pag-iisip ng bawat residente nito.

     Sa huli nais ng ating Kapitan William R. Bawag na ating tandaan, na ang isang
maganda at progresibong barangay ay nagmumula sa isang aktibo, maayos at makataong
samahan na nakasalalay sa tunay na paglilingkod na ating kasalukuyang nararanasan.




                                                                                      45

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Aralin 1 Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
Aralin 1 Mga Isyu at Hamon sa  PagkamamamayanAralin 1 Mga Isyu at Hamon sa  Pagkamamamayan
Aralin 1 Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayanedmond84
 
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa Epekto at Pagtugon ng Hamong...
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa  Epekto at Pagtugon ng Hamong...Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa  Epekto at Pagtugon ng Hamong...
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa Epekto at Pagtugon ng Hamong...edmond84
 
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)Crystal Mae Salazar
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8Crystal Mae Salazar
 
Aralin 1 Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Aralin 1 Mga Isyu at Hamong PangkasarianAralin 1 Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Aralin 1 Mga Isyu at Hamong Pangkasarianedmond84
 
Ap 10 budget of work (1st 4th quarter)
Ap 10 budget of work (1st 4th quarter)Ap 10 budget of work (1st 4th quarter)
Ap 10 budget of work (1st 4th quarter)edwin planas ada
 
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptxAP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptxJenniferApollo
 
CSE-Demo-LP-2022-AP.docx
CSE-Demo-LP-2022-AP.docxCSE-Demo-LP-2022-AP.docx
CSE-Demo-LP-2022-AP.docxMaLynFernandez2
 
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptx
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptxDiskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptx
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptxAkemiAkane
 
United Nations Day Celebration
United Nations Day CelebrationUnited Nations Day Celebration
United Nations Day Celebrationriaferuiz
 
FILIPINO VALUES CELEBRATION 2022.docx
FILIPINO VALUES CELEBRATION 2022.docxFILIPINO VALUES CELEBRATION 2022.docx
FILIPINO VALUES CELEBRATION 2022.docxHamdanAlversado
 
Aralin 3 Politikal na Pakikilahok
Aralin 3 Politikal na PakikilahokAralin 3 Politikal na Pakikilahok
Aralin 3 Politikal na PakikilahokDEPED
 
Prostitusyon at pang a abuso
Prostitusyon at pang a abusoProstitusyon at pang a abuso
Prostitusyon at pang a abusoOrtiz Bryan
 
Budget of Work Araling Panlipunan 10
 Budget of Work Araling Panlipunan 10 Budget of Work Araling Panlipunan 10
Budget of Work Araling Panlipunan 10edmond84
 

Was ist angesagt? (20)

Aralin 1 Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
Aralin 1 Mga Isyu at Hamon sa  PagkamamamayanAralin 1 Mga Isyu at Hamon sa  Pagkamamamayan
Aralin 1 Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
 
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa Epekto at Pagtugon ng Hamong...
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa  Epekto at Pagtugon ng Hamong...Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa  Epekto at Pagtugon ng Hamong...
Kalagayang Pangkapligiran ng Pilipinas Batay sa Epekto at Pagtugon ng Hamong...
 
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)
 
COT-MIGRASYON.pptx
COT-MIGRASYON.pptxCOT-MIGRASYON.pptx
COT-MIGRASYON.pptx
 
Un week celebration project proposals
Un week celebration project proposalsUn week celebration project proposals
Un week celebration project proposals
 
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8Banghay aralin sa araling panlipunan 8
Banghay aralin sa araling panlipunan 8
 
Aralin 1 Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Aralin 1 Mga Isyu at Hamong PangkasarianAralin 1 Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Aralin 1 Mga Isyu at Hamong Pangkasarian
 
COT DLP AP6 Q4 Climate Change
COT DLP AP6 Q4 Climate ChangeCOT DLP AP6 Q4 Climate Change
COT DLP AP6 Q4 Climate Change
 
Ap 10 budget of work (1st 4th quarter)
Ap 10 budget of work (1st 4th quarter)Ap 10 budget of work (1st 4th quarter)
Ap 10 budget of work (1st 4th quarter)
 
Mga katangian ng pilipino
Mga katangian ng pilipinoMga katangian ng pilipino
Mga katangian ng pilipino
 
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptxAP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
AP10-Tugon-ng-pamahalaan-sa-isyu-ng-diskriminasyon.pptx
 
CSE-Demo-LP-2022-AP.docx
CSE-Demo-LP-2022-AP.docxCSE-Demo-LP-2022-AP.docx
CSE-Demo-LP-2022-AP.docx
 
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptx
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptxDiskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptx
Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT.pptx
 
United Nations Day Celebration
United Nations Day CelebrationUnited Nations Day Celebration
United Nations Day Celebration
 
FILIPINO VALUES CELEBRATION 2022.docx
FILIPINO VALUES CELEBRATION 2022.docxFILIPINO VALUES CELEBRATION 2022.docx
FILIPINO VALUES CELEBRATION 2022.docx
 
Aralin 3 Politikal na Pakikilahok
Aralin 3 Politikal na PakikilahokAralin 3 Politikal na Pakikilahok
Aralin 3 Politikal na Pakikilahok
 
Prostitusyon at pang a abuso
Prostitusyon at pang a abusoProstitusyon at pang a abuso
Prostitusyon at pang a abuso
 
Quiz1
Quiz1Quiz1
Quiz1
 
Budget of Work Araling Panlipunan 10
 Budget of Work Araling Panlipunan 10 Budget of Work Araling Panlipunan 10
Budget of Work Araling Panlipunan 10
 
Lp7 lc-4-pagnilayan
Lp7 lc-4-pagnilayanLp7 lc-4-pagnilayan
Lp7 lc-4-pagnilayan
 

Ähnlich wie Bgy Sta Lucia Souvenir Program 2010 Part 1

Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2
Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2
Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2Jaron
 
Andy "Andoy" Rosales for Quezon City Mayor
Andy "Andoy" Rosales for Quezon City MayorAndy "Andoy" Rosales for Quezon City Mayor
Andy "Andoy" Rosales for Quezon City MayorBerean Guide
 
Paggamit ng bantas sa pagsulat ng liham pangangalakal
Paggamit ng bantas sa pagsulat ng liham pangangalakalPaggamit ng bantas sa pagsulat ng liham pangangalakal
Paggamit ng bantas sa pagsulat ng liham pangangalakalKLenn Imbat
 
APPROVED FOR PRINTING AP 3 Q 3 MODULE 3 (1).pdf
APPROVED FOR PRINTING AP 3 Q 3 MODULE 3 (1).pdfAPPROVED FOR PRINTING AP 3 Q 3 MODULE 3 (1).pdf
APPROVED FOR PRINTING AP 3 Q 3 MODULE 3 (1).pdfRheaSantos20
 

Ähnlich wie Bgy Sta Lucia Souvenir Program 2010 Part 1 (7)

Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2
Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2
Bgy Sta. Lucia Souvenir Program 2010 - Part 2
 
Ang pangalan at pinuno ng
Ang pangalan at pinuno ngAng pangalan at pinuno ng
Ang pangalan at pinuno ng
 
Masbate
MasbateMasbate
Masbate
 
Andy "Andoy" Rosales for Quezon City Mayor
Andy "Andoy" Rosales for Quezon City MayorAndy "Andoy" Rosales for Quezon City Mayor
Andy "Andoy" Rosales for Quezon City Mayor
 
Paggamit ng bantas sa pagsulat ng liham pangangalakal
Paggamit ng bantas sa pagsulat ng liham pangangalakalPaggamit ng bantas sa pagsulat ng liham pangangalakal
Paggamit ng bantas sa pagsulat ng liham pangangalakal
 
B 50
B 50B 50
B 50
 
APPROVED FOR PRINTING AP 3 Q 3 MODULE 3 (1).pdf
APPROVED FOR PRINTING AP 3 Q 3 MODULE 3 (1).pdfAPPROVED FOR PRINTING AP 3 Q 3 MODULE 3 (1).pdf
APPROVED FOR PRINTING AP 3 Q 3 MODULE 3 (1).pdf
 

Kürzlich hochgeladen

ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERESANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERESMercedesTungpalan
 
Q4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdf
Q4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdfQ4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdf
Q4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdfPaulineMae5
 
Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8
Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8
Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8ManilynPenaflorida
 
LESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTX
LESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTXLESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTX
LESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTXMariaRuthelAbarquez4
 
Quarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 Lesson
Quarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 LessonQuarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 Lesson
Quarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 Lessonanimey810
 
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptxAng  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptxRoseAnneOcampo1
 
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisayarheapinkyneniza1
 
Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan
Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang PanlipunanMga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan
Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang PanlipunanMaryGraceCaringal2
 
ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA, Elehiya mula sa bansang Bhutan
ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA, Elehiya mula sa bansang BhutanELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA, Elehiya mula sa bansang Bhutan
ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA, Elehiya mula sa bansang BhutanJizaTimbal
 
Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me TangereKaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me TangereJizaTimbal
 
Copy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptx
Copy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptxCopy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptx
Copy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptxRayvenBoiserAbaiAbai
 
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptxdokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptxHelenLanzuelaManalot
 
REBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptx
REBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptxREBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptx
REBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptxMariaRuthelAbarquez4
 
KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3
KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3
KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3MayAnnRodriguez2
 
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th QuarterMELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th QuarterRochAsuncion
 
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxmelc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxevafecampanado1
 
PAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptx
PAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptxPAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptx
PAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptxArmeeAgan
 
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptxModyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptxFernanbocol
 
3rd quarter periodical test for AP grade 2
3rd quarter periodical test for AP grade 23rd quarter periodical test for AP grade 2
3rd quarter periodical test for AP grade 2rheapinkyneniza1
 
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptxGRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptxClaRisa54
 

Kürzlich hochgeladen (20)

ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERESANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
ANG PAGTATANGGOL NG MGA PILIPINO SA PAMBANSANG INTERES
 
Q4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdf
Q4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdfQ4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdf
Q4 AP 8 - Kapayapaang Pandaigdig.....pdf
 
Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8
Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8
Summative Test III, an examination for araling panlipunan 8
 
LESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTX
LESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTXLESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTX
LESSON 1- MGA SANHI NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG.PPTX
 
Quarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 Lesson
Quarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 LessonQuarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 Lesson
Quarter 3 Araling Panlipunan 6 Week 7 Lesson
 
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptxAng  FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
Ang FLORANTE AT LAURA - Kabanata 1.pptx
 
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
3rd periodical test for grade 2 mathematics 2 sinugbuanong binisaya
 
Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan
Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang PanlipunanMga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan
Mga Samahang Pangkababaihan at mga Kalagayang Panlipunan
 
ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA, Elehiya mula sa bansang Bhutan
ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA, Elehiya mula sa bansang BhutanELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA, Elehiya mula sa bansang Bhutan
ELEHIYA SA KAMATAYAN NI KUYA, Elehiya mula sa bansang Bhutan
 
Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me TangereKaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kaligirang pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
 
Copy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptx
Copy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptxCopy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptx
Copy-of-Araling-Panlipunan-CG-2023Curriculum Guide of Araling Panlipunan.pptx
 
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptxdokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
dokumentaryong panradyo sa Filipino.pptx
 
REBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptx
REBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptxREBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptx
REBOLUSYONG-SIYENTIPIKO-ENLIGHTENMENT-AT-INDUSTRIYAL.pptx
 
KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3
KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3
KULTURA NG MGA PILIPINO ARALING PANLIPUNAN 3
 
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th QuarterMELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
MELCs-FILIPINO-GRADE-10 1st to 4th Quarter
 
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptxmelc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
melc based grade 8 KOMENTARYONG PANRADIO.pptx
 
PAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptx
PAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptxPAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptx
PAGSASALING - WIKA 3rd quarter Fil 10.pptx
 
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptxModyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
Modyul pagmamahal sa ating bayan-10.pptx
 
3rd quarter periodical test for AP grade 2
3rd quarter periodical test for AP grade 23rd quarter periodical test for AP grade 2
3rd quarter periodical test for AP grade 2
 
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptxGRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
GRADE 3 LAPG Filipino Reviewer ELLNA.pptx
 

Bgy Sta Lucia Souvenir Program 2010 Part 1

  • 1. 1
  • 2. Para kay Kgg. Feliciano “SB” Belmonte, Jr. Isang Pagkilala at Pagpupugay sa Isang Napakahusay na Ama ng Bayan at Ehemplo ng Tunay na Paglilingkod… 2
  • 3. Mensahe HERBERT M. BAUTISTA Punong Lungsod Mainit na pagbati sa Barangay Sta. Lucia. Akoy ay lubos na nagagalak sa proyekto na ito na kung saan maipapakita ang pinagmulan ng inyong barangay pati na ang mga magagandang nagawa nito sa ating komunidad. Ito ay isang magandang simulain upang mas lalo pa nating mapagbuti ang ating mga adhikain hindi lamang sa inyong barangay kundi pati na sa buong Lungsod Quezon. Magsilbi rin itong inspirasyon para sa ibang barangay na mapaigting ang kanilang mga paglilingkod tungo sa isang matatag at mapayapang pamayanan. Pinupuri ko ang lahat ng bumubuo ng inyong barangay – sa inyong walang pasubaling paglilingkod hindi lamang sa inyong nasasakupan kundi sa buong mamayanan ng Lungsod Quezon. Ako ay nagtitiwala sa inyong kakayanan bilang mabisang kaagapay ng Pamahalaang Lungsod tungo sa pag unlad at inyong maaasahan ang aking patuloy na pagkandili at suporta sa darating pang mga hangarin at programa. Mabuhay kayo at hangad ko ang inyong tagumpay. 3
  • 4. Mensahe MA. JOSEFINA G. BELMONTE Pangalawang Punong Lungsod Malugod kong binabati ang mga namumuno at mamamayan ng Barangay Sta. Lucia sa inyong paglulunsad ng isang Aklat Pang-alala para maitala ang kasaysayan at pag-unlad ng inyong Barangay. Mula sa isang nayong pinapaligiran ng mga puno’t sakahan, ang Barangay Sta. Lucia ay sumunod sa tawag ng panahon. Dumami ang nanirahan dito mula sa iba’t-ibang bahagi ng Kamaynilaan at sulok ng bansa. Sa kalaunan, nagsimulang itayo ang mga subdivisions, naisaayos ang kalsada, umusbong ang mga negosyo’t kalakalan. Ang lahat ng ito’y mga katangian ng isang umuunlad na Barangay. Ako, bilang inyong Pangalawang Punong-lungsod, ay naniniwala na ang kaunlarang tinatamasa ng Lungsod Quezon ay dapat nararamdaman ng ating mamamayan sa pamamagitan ng mga serbisyong pangkalusugan at pagpapalakas ng kakayanan nilang tugunan ang kanilang pang- araw-araw na pangangailangan. Katuwang ninyo ako sa misyong ito. Nais ko lamang na lahat tayo ay magkusang tumulong sa mga programa ng ating lungsod. Hangad ko ang patuloy at matatag na pagharap ng Barangay Sta. Lucia sa hamon ng panahon. Hangad ko ang inyong pagharap sa kinabukasan na punong-puno ng pag-asa. Mabuhay tayong lahat! 4
  • 5. Mensahe WINSTON “WINNIE” CASTELO Mambabatas ng Distrito 2, Lungsod Quezon Mababang Kupulungan ng Kongreso ng Republika ng Pilipinas NATATANGI AT KAHANGA-HANGANG AMBAG SA KASAYSAYAN NG BARANGAY STA. LUCIA, LUNGSOD QUEZON 30 Agosto 2010, Araw ng mga Bayani Katangi-tangi ang pagkakataong ito sa kasaysayan ng pamayanang Barangay Sta. Lucia. Ang pagbabalik tanaw sa mayaman at mahalagang mga pangyayari, mga taong nakilahok at ang kanilang natatanging kontribusyon sa kaunlaran ng komunidad na naka-impluwensya sa kanugnog na mga lugar, mga puwersa at institusyon na humubog sa kultura at edukasyon at huwarang paglilingkod sa kapwa at munting lipunan na ito, sa nakalipas na halos 48 taon ay tunay na kahanga-hanga. Ang paglulunsad ng Aklat Paggunita at Parangal sa Pook Sta. Lucia, na ngayon ay Barangay Sta. Lucia sa ilalim ng lokal na pampulitikang kaayusan sa Pilipinas, ay magpapaalala sa atin at ituturing na gabay sa patuloy na isang Barangay na mangangalaga sa lahat ng naninirahan dito. Huhubog ng mga taong may mabuting kalooban at maglilingkod sa kapwa, sa barangay, lipunan at bansa – sa ngalan ng Diyos na siyang bukal ng lahat ng pagkabayani at pagmamahal. Binabati ko sa espesyal na paraan sa napakahalagang yugto na ito ng bagong kasaysayan ng barangay Sta. Lucia ang Punong Barangay na si WILLIAM R. BAWAG, sa kanyang matagumpay na paglulunsad ng mahalagang aklat na ito – alay sa kasalukuyan at kinabukasan. Nagawa ito dahil sa kanyang malawak at may direksyon na patungunahan para sa Barangay Sta. Lucia at mga tao dito. Ang nakaraan ang simbolo ng kanyang ilaw tungo sa pagsusuri ng kasalukuyang kalagayan at pagpapakilos sa mga puwersang magdudulot ng maayos na pagsisilbi na may katarungan at pagmamahal, magiging maligaya ang mga naninirahan, at may kaunlaran sa paparating na bukas nang may malalim na pananampalataya sa Diyos. Kasama sa aking pagbati ang buong Konseho ng Barangay Sta. Lucia sa kanilang paglilok ng mga pamantayan at patakaran na tumutugon sa mga pangangailangan at tawag ng panahon, at mga Lupon Tagapamayapa, mga Barangay Tanod, at ang lahat ng mga instrumentalidad sa ilalim ng Punong Barangay at sa lahat ng naninirahan sa Barangay Sta. Luia sa pagsuporta sa buong mekanismo ng organisasyong paglilingkod at pakikipagtulungan sa kabarangay. Mabuhay kayong lahat at patuloy na maghari ang pagpapala ng Dakilang Maykapal sa ating lahat! 5
  • 6. Mensahe WILLIAM R. BAWAG Punong Barangay Sa aking tatlong termino ng panunungkulan sa ating barangay, una bilang SK Kagawad, pangalawa bilang Barangay Kagawad at ngayon bilang Kapitan ang aking puso ay punong puno ng pag-asa at pagmamahal para sa ating Barangay Sta. Lucia. Nakita ng sariling kong mga mata kung paano nagkaroon ng kulay ang barangay. Bata pa lang ako ay ninais ko na ang maglingkod. Nakita ko ang pangangailangan ng barangay, naramdaman ko din ang pangangailangan ng mga tao na nakatira dito. Hindi ko kahit kailan ninais na yumapak at manirahan sa ibang lugar dahil dito ko nakita ang aking sarili. Dito tumitibok ang aking puso, mahal ko ang Sta. Lucia at dito ako maglilingkod. Ito ang aking naging HAMON – Ang maging isang mahusay na lider na magpapalago at magiging daan ng pagbabago para sa Sta. Lucia. Ito naman ang aking naging daan para sa TAGUMPAY – Ang pagbibigay ng mas malawak na mga programa, laging bukas na tanggapan kahit kanino, pagpapatupad at pagpapaunlad ng mga daan at istruktura, pagkakaroon ng pagkakakilanlan ang barangay at ang bawat miyembro ng komunidad. Ang librong ito ay alay natin sa ating dating Ama ng Bayan – Kgg. Feliciano R. Belmonte, Jr. dahil sa kanyang pag gabay at tulong upang mapaunlad ang ating barangay. Ito rin ay para sa inyo bilang pagkilala sa bawat miyembro ng ating komunidad na tumulong sa ating paglago. Ang ating buhay ay may mga paghamon, may mga balakid, ngunit sa pag gabay ni Santa Lucia ang lahat ng hamon ay napapagtagumpayan. At sa tulong tulong na pagkilos lagi nating isaisip na tayo rin ang susi upang maging Winner ang Barangay. 6
  • 8. sang gabi habang naglalakad ako kasama ang aking asawa at anak na si Butsoy sa kalsada ng A. Bonifacio, kung saan matatagpuan ang ating Elementary School ay saglit akong napatigil, inikot ko ang aking mga mata at pinagmasdan ang aking paligid. Napangiti ako at napahanga sa aking mga napagmasdan, ibang-iba na talaga ang Sta. lucia, maunlad na! Bumalik sa aking gunita ang itsura ng barangay natin noon, mula sa aking kinatatayuan ay naalala ko ang mga lubak- lubak na kalsada, kapag tag-araw kapag ikaw ay naglakad ay para kang naglagay ng pulbos dahil sa alikabok at kung tag-ulan naman, sayang ang kintab ng sapatos at maaring maiwan ang iyong tsinelas dahil putikan ang iyong lalakaran. Madalas pa nga noong magkatakutan, dahil sa dilim ng mga kalye, parang palagi kang makakasalubong ng multo at aswang sa daan. Naalala ko pa nga ang tunog kokak ng mga palaka na nanggagaling sa tila lawa sa loob ng malawak na bakuran ng San Gabriel na iilan pa lamang ang silid-aralan. Oo nga pala! pwede kang dumaan sa tila burol na daan, papunta sa ating unang Barangay Hall at Barangay Health Center o kaya naman ay papunta sa ating simbahan. Antagal na pala nun, bata pa nun si aling Manang at si aling Marta nung dinadala ako ni Nanay sa Center para magpa-konsulta. Ang laki na talaga ng pinagbago at iniunlad ng STA. LUCIA, lalo na siguro kung magkukwento ang mga lolo at lola, ate at kuya natin na naunang nakakita sa kalagayan ng barangay natin. Ano nga kaya? Malapit na nga pala ang Foundation Day ng Barangay Sta. Lucia, sa Mayo 10 na, at bilang KAPITAN dapat makaisip na ako ng programa para sa pagdiriwang, dapat bongga! Pero una, dapat alamin ko ang kasaysayan ng barangay natin, ang mga nagsilbing kapitan at mga kagawad ng barangay, at siyempre lahat ng nagsilbing kawani nito at nararapat lamang na ating bigyan ng pagkilala at pasasalamat ang mga tao at lider ng ating barangay na tumanggap sa pagsubok at humarap sa hamon, upang gawing maganda, ligtas, maunlad at kaaya-ayang panirahan ang ating pamayanan ng STA. LUCIA. 8
  • 9. ng Sta. Lucia ay isa dati sa mga lugar na napakalayo sa kabihasnan. Maihaha- lintulad ito sa isang kagubatan na hindi pa napapasok ng sibilisasyon. Napapaligiran ng mga bukirin, matataas na talahib at maputik na daan. ito ay binubuo ng 329, 245 square meters o 51.9 hektaryang bulubundukin na noon ay kaparte pa ng San Bartolome Bata at pag-aari ng pamilya na kinabibilangan ni G. Mariano Gabriel kaya ito ay tinawag na Gabriel Estate. 1955 sa kagandahang loob ni Mr. Gabriel ay ibenenta ang lupa sa dating People’s Homesite and Housing Corporation (PHHC) o mas kilala ngayong National Housing Authority (NHA) upang gawing Relocation Site ng mga residente na nililipat ng gobeyerno. Ilan sa mga kauna-unahang pamilya na nilipat sa Sta. Lucia upang manirahan ay ang mga taga Sorziego, Sta. Mesa ng taong 1959. Dito nabibilang ang mga magulang at kapatid ng isa sa ating kagawad na si Kgd. Narciso Lamoglia. Sa tulong ng dating Senador at sikat na artistang si Rogelio Dela Rosa ay nalipat ang mahigit kumulang na tatlumpung (30) pamilya mula sa nasabing lugar. Ilan sa mga ito ay mga pamilyang kinabibilangan nila G. Isaac Bautista, G. Juan Lopez at G. Jesus Flores. Sa tulong naman ng dating Presidente Carlos P. Garcia ay naging simula na ito ng sunod sunod na pagdating ng ilang mga pamilya mula sa Meralco Compound na kinabibilangan nina G. Tamayo at Almeda Compound Tondo na kinabibilangan naman ng mga pamilya nina Pacita Roque, Emma Roque, Estelo Roque, Lourdes Roque, Arturo David, Delfin Roque at ng 1962 sa kagustuhan ng mga mamamayan na magkaroon ng kasarinlan at pagkaka- kilanlan ay sumulat sila ng isang petisyon na naglalayong maipangalan ang lugar sa isang patron. Sa pangunguna ni G. Tamayo ay gumawa ng petition ang mga tao na maipangalan sa patronang si Santa Lucia ang lugar. 9
  • 10. Santa Lucia yon sa pagsasaliksik, ang pagbibigay pangalan sa ating barangay ay mula sa suhestyon ni G. Tamayo na isa sa mga masisipag na naglakad upang maging isang bukod na barrio ang ating lugar. Ayon pa sa mga kwento, may mga iba’t ibang pangalan na naisip ibigay sa ating lugar. Naisama na rin sa pagpili ang pangalang San Gabriel, ngunit ayon kay Bb. Emma Roque, ang patrona ng lugar na pinanggalingan nuon ni G. Tamayo ay si Santa Lucia at bilang deboto ninais isunod ni G. Tamayo ang pangalan ng ating lugar kay Santa Lucia na malugod namang tinanggap ng kanyang mga kasama. Mula noon at sa bisa ng kanilang Petisyon, kanila ng inilagay na ang magiging pangalan ng nooy munting barrio ay Santa Lucia. Ang pagkakaroon ng pagkakakilanlan ay isang napakahalangang bahagi ng pagsisimula ng isang komunidad. Sinasalamin nito na kahit noon pa man ay likas ng relihiyoso at madasalin ang ating mga naunang ninuno. 10
  • 11. t sa bisa ng isang City Council Ordinance 5066, S-62 at sa tulong ng City Committee on Barrio Government noong MAY 10, 1962 ay naaprubahan ng konseho ang paglikha sa Santa Lucia bilang isang nakahiwalay na Barrio na nooy nasasakop pa ng San Bartolome Bata at inilagay ang takdang hangganan nito. Mapalad na nakuha pa natin ang sipi ng nasabing Ordinansa na nilagdaan ng dating Vice Mayor Vicente O. Novales at sinertipikahan naman ng City Secretary Rustico A. Valdellon. B4, 3, 2, 1 First Sta. Lucia Chapel (Damayan Rice Field) 11
  • 12. t ng taong 1975 sa bisa ng isang Executive Order mula sa Punong Lungsod Kgg. Norberto Sarino Amoranto ay kinilala ng isang ganap na barangay ang dating barrio Sta. Lucia, kasabay ng ilang lugar na matatagpuan din sa Lungsod Quezon. 12
  • 13. Narito naman ang talaan ng mga kababayan natin na naglingkod sa ating barangay... JOE DEOGRACIAS (1955 – 1962) yon sa ating isinagawang pagsasaliksik at pagtatanong sa mga kauna unahang tao sa ating komunidad na sina Bb. Emma Roque, G. Eduardo Roque, G. Charito Jacinto at Kgd. Narciso G. Lamoglia ang unang namuno sa ating barangay ay si G. Joe Deogracias. Bilang isa sa mga pinaka unang tao na nanirahan sa lugar ay kinilala sya ng komunidad na maging pinuno at sangunian ng lahat ng usapin sa lugar. Binigyan ng mataas na paggalang at napagkaisahan na syang maging Tinyente del Barrio ng lugar. Lahat ng mga suliranin at usapin ay sa kanya dinudulog ng mga naninirahan noong panahon na iyon. Ayon sa ating mga napagtanungan, ang natitirang kamag-anak ng mga Deogracias dito ay ang mga Pamilya Badiable. Sinikap ng patnugot na mahagilap ang ilang sipi ng litrato ng unang Tinyente del barrio subalit wala na ring makapagbigay alam ng kinaroroonan ng kanyang natitirang malalapit na kamag-anak. Natapos ang kanyang paglilingkod ng magkaroon at maisabatas ang kauna-unahang eleksyon pambarangay sa ilalim ni Pangulong Diosdado P. Macapagal. 13
  • 14. Estelo Roque (1962 - 1967) unsod ng kauna-unahang Barangay Election noong January 28, 1962 makatapos ang pamumuno ni G. Joe Deogracias ay tumakbo bilang susunod na Tinyente Del Barrio si G. Estelo Roque, kasama ang ilan pang residente kabilang sina G. Arturo David, Fabian Tamayo, Jose Lamoglia at Inocencio Reyes. Sa pagkakamit ng pinakaraming boto ay naiproklama si G. Roque bilang Tinyente Del Barrio at ang sumunod na apat na may matataas na boto naman ang kanyang naging mga konsehal. Arturo G. David Fabian Tamayo Jose Lamoglia Inocencio Reyes 14
  • 15. Felino Jumadiao (1967 - 1969) akalipas ang limang taon ay nagkaroon ulit ng Barangay Election. Naluklok naman sa pwesto si G. Felino Jumadiao, na syang ama ng naging kapitan din na Leonito Jun Jumadiao. Sa mga panahon ito ay wala masyadong naitala na mga pagbabago sa barangay, dahil na rin sa kawalan ng pondo mula sa pamahalaang lokal. Ayon sa pagsasaliksik narito ang ilan sa mga naging kagawad ng panahon ni G. Felino Jumadiao. Che Gagui Ben Dalida Inocencio Reyes Renato Santos Jun Navasca 15
  • 16. Ernesto Linga (1969 - 1982) sa sa mga naging pinakamalaking papel na ginampanan sa pag-unlad at pagbabago ng Sta. Lucia ay ang dating Kapitan Ernesto Linga o mas kilala sa pangalang “Boy Mamaw.” Dahil na rin siguro sa taglay na kakisigan nito noong panahong iyon ay marami ang nangilag sa kanya, lalo na ang mga masasamang loob. 1969 ng una syang maluklok sa pagiging Kapitan at tumagal ito ng hanggang 1982. Mahigit kumulang labintatlong taon (13 years) na serbisyo. 1971 ng idineklara ang Martial Law at simula noon ay wala ng naging eleksyon para sa pamahalaang lokal. Naging mas makulay ang barangay sa kanyang kakaibang pamamahala. Isang pamamalakad na nirespeto at pinangilagan naman ng ilan. Halimbawa na lang ay ang pagpapaikot sa mga nahuhuling magnanakaw upang maging babala at halimbawa sa mga taong nag-iisip na gumawa ng masama. Ang mga nanggugulo sa barangay o nagwawala ay kinukulong sa ginawang kulungan sa gitna ng Barangay Plaza upang di na pamarisan ng iba. Ngunit hindi lamang ang tapang at higpit ang naitala ng panahon ni Kapitan Linga, maging ang makulay na selebrasyon tuwing Piyesta ay sya ang nagpasimula. Ang makulay at maingay na labanan ng Ati Atihan, Palarong Basketball sa Kabataan at sa mga nakatatanda na rin at iba pang palaro katulad ng agawang buko, palasebo at iba pang tradisyonal na laro. At noong June 25, 1975, kalagitnaan ng Martial Law ng magpasa ang City Government ng Quezon City ng Executive Order No. 26 na ginagawang isang Barangay ang dating Barrio Sta. Lucia. Ang mga pagbabagong ito ang nasaksihan ng administrasyon ng dating Kapitan Ernesto Linga. Sa kanya ding pangunguna naitayo ang Basketball Open Court, Tennis Court at Health Center. 16
  • 17. Narito naman ang mga miyembro ng kanyang konseho na tumulong sa kanyang maayos na pamamalakad. Estanislao Galarpe Alejandro Budios Pelagio de Guzman Konsehal Konsehal Konsehal Felix Eudin Roberto dela Luna Pedro Aguilos Konsehal Konsehal Konsehal Eugenio Velena Josefina Galarpe Barangay Secretary Barangay Treasurer 17
  • 18. Dominador Cordero (1982 – 1986) ay 17, 1982 pagkatapos ng mahabang paglalagay sa Martial Law ang buong bansa ay nagkaroon muli ng lokal na eleksyon. Sa nasabing eleksyon ay nagkaroon ng patas o pantay ng boto ang magkalabang Dominador Cordero o mas kilala sa pangalang “Domeng Bagyo” at Ernesto Linga o “Boy Mamaw.” Upang malaman at maiproklama ang nanalo ay nagkasundong magkaroon ng “toss coin”. Kinalabasan nito ay ang pagkapanalo ni dating Kapitan Dominador Cordero na maayos namang tinanggap ni Kapitan Ernesto Linga. Ben Briñas Teresita Gonzales Eduardo Roque Konsehal Konsehal Konsehal Estanislao Galarpe Alfonso Delicana Virgilio Reyes Konsehal Konsehal Konsehal 18
  • 19. Arturo David (1986 - 1989) ebruary 07, 1986, nagkaroon ng EDSA Revolution laban kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Niluklok ng mga tao si Pangulong Corazon Aquino bilang bagong Pangulo ng Pilinas at tinawag itong Revolutionary Government. Kasabay din nito ay ang paglalagay ng panibagong administrasyon na pansamantalang hahawak sa lokal na pamahalaan o tinatawag na Officer In Charge (OIC). Naging OIC ng Quezon City si dating Mayor Jun Simon at bilang katuwang sa barangay ay nai-appoint naman na OIC ng Barangay Sta. Lucia si G. Arturo David ngunit nanatili sa pwesto ang ilan sa mga dating kagawad. Teresita Gonzales Ben Briñas Alfonso Delicana Konsehal Konsehal Konsehal Virgilio Reyes Estanislao Galarpe Narciso Lamoglia Konsehal Konsehal Konsehal 19
  • 20. Ernesto Linga arch 28, 1989, matapos ang mahabang pamamahala sa (1989 - 1994) ilalim ng Revolutionary Goverment ay nagsagawa muli ng malawakang eleksyon. Sa tinatawag na Collegial Election, ang may pinakamataas na boto ang makakakuha ng pinakamataas na pwesto bilang Punong Barangay at ang mga sumusunod na anim ay bilang mga kagawad. Punong Barangay Estanislao Galarpe Willie Entendez Narciso G. Lamoglia Kagawad Kagawad Kagawad Ma. Lourdes A. Arreza Dominador Cordero Alfonso Delicana Kagawad Kagawad Kagawad Tennis Court Basketball Court Old Health Center 20
  • 21. ay 9, 1994 ng nagkaroon ng pang pitong halalang Juan Arreza pambarangay. Naluklok sa pwesto si G. Juan Arreza (1994 – 1997) bilang Punong Barangay kasama ang pitong kagawad na nakakuha ng matataas na bilang ng boto. Sa kanya ring panunungkulan ay nagsimulang maitayo ang 2-Storey Barangay Hall at Police Block. Estanislao Galarpe Gerry Go Luciano Galvez Punong Barangay Kagawad Kagawad Kagawad Narciso Lamoglia Neolito Salas Willy Entendez Liliosa Sta. Cruz Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad 2 Floor Barangay Hall Police Block 21
  • 22. Luciano Galvez alagitnaan ng taong 1997 ng naluklok naman sa pwesto si (1997 – 2002) Kapitan Luciano Galvez sa pamamagitan ng malinis na eleksyon. Sa panahon ng kanyang paglilingkod nagkaroon ng sariling Fire Sub Station ang Barangay Sta. Lucia. Sa kanila ring konseho nagmula ang pagsasaayos ng ilang mga rip rap sa barangay, Basketball Court at tulay ng Tarhaville at Galvez. Punong Barangay Nagsimula na rin sa kanyang pamumuno ang ilang asphalting Projects ng ating barangay. Noli Salas Willy Entendez Jun Jumadiao Narciso Lamoglia Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad Gerry Go William Bawag Narcisa Galvez Michael Untalan Kagawad Kagawad Kagawad SK Chairman 22
  • 23. Leonito John Jumadiao November 2002, naihalal ang pang-sampu na pinuno ng ating barangay sa katauhan ni Kapitan Leonito John Jumadiao. Sa (2002 – 2007) kanyang pamamagitan at ng kanyang konseho ay napagtibay ang Suyod Buwis upang mapalakas ang kita ng barangay. Ang kanyang konseho rin ang tumulong upang matupad ang ilang proyekto ng palupa sa barangay. Punong Barangay Jay Atienza Michael Untalan William Bawag Kagawad Kagawad Kagawad Hermie Flores Wawit Galarpe Ma. Lourdes Arreza Peping Ocampo Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad Carmela Valerio Conrado Arias Jr. Stella Cabildo SK Chairman Secretary Treasurer Sta. Lucia Brgy Hall Concreting & Drainage San Gabriel Elementary School Improvement 23
  • 24. Barangay Sta. Lucia Council 2007 24
  • 25. William R. Bawag Punong Barangay (2007 – Present) Michael P. Untalan Narciso G. Lamoglia Lourdes A. Arreza Francisco P. Niñal Kagawad Kagawad Kagawad Kagawad Conrado T. Arias Jr. David A. Cornejo Nestor M. Sierra Dionie C. Bawag Kagawad Kagawad Kagawad SK Chairman Noeme Diaz-Salonga Stella Marie A. Cabildo Kalihim Ingat Yaman 25
  • 26. Roque – ito ang apelyido ng unang Tinyente Del Barrio na ginawaran ng unang pag- titiwala ng ating mga kabarangay dito sa Sta. Lucia. Si Estelo Roque ang unang elected Official noong 1962 at sya rin ang lolo sa tuhod ng ating Kapitan. Bawag – ito ang apelyido ng ilan sa mga mahuhusay at matatalas ang isip na nagsi- pagtapos sa ating mga paaralan ng San Gabriel Elementary School at Sta. Lucia High School. Si G. Nano Bawag o mas kilalang Mang Nano, kilalang matapang at dating Katipunero, sya ang lolo ng ating Kapitan. Malinaw na nananalaytay ang pagiging lider, Kapitan William Roque Bawag talas ng kaisipan at likas na katapangan sa kanyang dugo bilang Roque at Bawag. Sabi nga ng iba kung ano ang puno ay sya rin marahil ang bunga. Sa paningin ng nakararami nating residente ay higit pa ang kanyang ipinamamalas. Ipinanganak si Kapitan William R. Bawag noong ika-6 ng Pebrero, taong 1977 dito sa Barangay Sta. Lucia, sa mag-asawang Ofelia Roque at Florante Bawag sa kanilang tahimik at simpleng tahanan sa may Abad Santos Street, Sitio 6 ng ating barangay. Nagtapos ng pag-aaral sa San Gabriel Elementary School at Sta. Lucia High School kung saan sya ay nagpamalas ng kahusayan sa larangan ng akademika at maging ekstra kurikular. Tunay na maituturing na lehitimong taga Sta. Lucia, ipinanganak lumaki at lumago dito sa Sta. Lucia. Nag-aral sa AMA Computer School at nagtapos ng kurso sa larangan ng Computer Programming and Technology. Dahil nananalaytay sa kanya ang pagiging lider ay pumasok sya sa larangan ng pulitika bilang SK Councilor at nanalo ng taong 1994, kasama nina Rowena Tolosa sa panahon at pamumuno ni dating Kapitan Juan Arreza. 26
  • 27. ikas na sa kanya ang maging angat sa iba, napansin ang kanyang galing at husay at kinuha sya na maging kaagapay ng barangay sa mas malawak na paninilbihan. Taong 1997 ng sumabak sya bilang kagawad, buong puso naman syang sinuportahan at binigyang tiwala ng mga residente at nailuklok sya sa pwesto bilang pinaka batang kagawad sa kanyang panahon. At bilang kagawad naging adbokasya na nya ang bantayan ang kalinisan, kaayusan at kabutihan ng bawat kabataan sa barangay. BPSO RECOVERED FIREARMS & DEADLY WEAPONS Dahil sa angking talino, makataong pamamahala, mahusay na pakikisalamuha sa lahat ng uri ng tao at higit sa lahat mga konkretong proyekto na naipatupad sa panahon ng serbisyo ay nailuklok sya sa pinakamataas na pwesto sa barangay noong Oktubre ng 2007. Pagpapatunay na ang tiwala at pagmamahal ng komunidad ay nasasalamin sa ating batang Kapitan. 27
  • 28. ecember 1, 2007, sa edad na 30 anyos, nanumpa ang pang labing-isa at pinakabatang Kapitan sa kasaysayan ng Sta. Lucia - Si Kapitan William Roque Bawag. Bagamat napapaligiran ng mga Kagawad na medyo nakakatanda, hindi ito naging hadlang upang hindi malayang maisagawa ng ating Kapitan William ang kanyang mga pangakong binitawan. Sa katunayan, naging maayos at kaigaigaya ang samahan ng mas nakakarami sa kanyang konseho. Ngunit, katulad ng alon sa dagat, minsan ay sadyang may mga unos na sumusubok sa katatagan ng ating lider. Mga usaping pilit na sumisira sa kanyang pagkatao at pamumuno. Sa lahat ng ito ay nanatili ang kanyang katatagan na maipatupad kung anuman ang dapat at maitama kung ano man ang mali. Ang lahat ng ito ay matapang nyang hinarap, at ni minsan ay hindi napanghinaan ng loob o nasira ang pagiging maginoo ng ating batang kapitan. Sa makisig nyang pangunguna ay pilit nyang pinalalakas ang hanay ng mga BSDO at Volunteer Barangay Tanod sa pagpapatupad ng batas at pagbabantay ng kapayapaan sa kapaligiran. At sa huli, mahirap man ang napagdaanan, tagumpay pa rin ang idinudulot nito sa kanyang pamunuan. Patunay dito ang paggagawad ng pagkilala sa ating barangay bilang “BARANGAY BEST PEACE IN ORDER” ito ay pinili ng mga Kapulisan at ilang mga taga Gobyerno bilang barangay na may pinakamababang naitala na kaguluhan sa panahon ng kanyang pamumuno. 28
  • 29. ala na rin at tulong ng kanyang kabataan at kaalaman, naipasok nya ang mga modernong sistema at pamamaraan na makatutulong sa barangay. Ang Computerized Database System, ito ay isang programa na ipinangako ni Kapitan William R. Bawag sa kanyang nasasakupan. Ngayon, ang mga taong walang mapagkakakilanlan ay maaari ng kumuha ng BARANGAY ID sa murang halaga. Ang kauna-unahang kumuha ng Barangay ID Barangay Identification Card Computerized Database System 29
  • 30. ay mga programa ring nagnanais na maipakilala ang mga taga Sta. Lucia at mailapit ang mga tao sa barangay. Mga programang nagbigay kulay sa pagdiriwang ng ating Kapistahan at Araw ng Pagkakatatag upang maipakita ang talento at ganda ng mga taga Sta. Lucia katulad ng mga sumusunod: Search for Search for Binibining Sta. Lucia 2008 Binibining Sta. Lucia 2009 Wiggle your Body 2008 War of the Bands 2008 30
  • 31. Daycare Field Demonstration 2008 Barangay Idol 2008 Double Barangay Talentadong Idol 2009 Pinoy 2009 Wow sa Birit (Senior Citizens Singing Contest) 2008 31
  • 32. Mga programa na nakatuon sa pagpapalago ng kaisipan ng bawat mamayan, matanda man o bata Pirmahan ng Kasunduan (MOA) sa pagitan ng Bgy Sta Lucia Council at Sta. Lucia High School para sa programang Alternative Learning System (ALS) ng DepEd Unang Araw ng Pasukan, dinalaw ng ating Bgy Capt William R. Bawag ang mga Day Care Centers sa ibat' ibang sitio upang tignan ang kanilang kasalukuyang sitwasyon at pangangailangan DILG Seminar para sa Paghahanda sa anumang Sakuna (Disaster Preparedness Program) na isinagawa ng Barangay Council noong June 10, 2010. Pagpapalakas at muling pagbuhay ng Barangay Sta. Lucia Anti-Dengue Brigade 32
  • 33. Anti Violence Against Women and Child (VAWC) Seminar na ginanap sa San Narciso Zambales kasama ang ilang miyembro ng Lupon Tagapamayapa, HOA at BPSO Pagpupulong ng mga miyembro ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) at Barangay Nutrition Council (BNC) bilang paghahanda sa Nutrition Month Health Center on Wheels, programa ng ating City Health Department kung saan ang klinika ay dinadala sa mga lugar na may kalayuan sa sentro ng pagamutan o Health Center. Anti Dengue Seminar na pinangunahan ni Dra. Ma. Corazon R. Roque (Sta. Lucia Super Health Center), BPSO Inspectorate Jun Gabua at BPSO Ronald Añasco 33
  • 34. ga programa na nakatuon sa pang kalusugang pangangailangan ng ating mga residente sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang Departamento ng Gobyerno at mga Non-Government Organization (NGO). Medical Mission Dental Mission Free Eye Check Up & Eye Glasses Operation Tule 34
  • 35. Libreng Ambulansya Operation Timbang Vitamin A Supplementation Feeding Program Feeding Program 35
  • 36. ga programang nakatuon upang bigyang halaga ang pangangailangang espirit- wal. Mayroon din namang mga programa na nakatuon upang palakasin ang bigkis ng samahan ng mga empleyado at pagkilala sa kanilang mga gawa. Unang Pagdalaw ni Bishop Tobias sa Barangay Sta. Lucia Inagurasyon ng Atherton Bridge ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo kasama sina Mayor Sonny Belmonte at Cong. Annie Susano Pagsali ng Barangay Sta. Lucia sa Parol Para sa Kalikasan Sports Bits Bowling Tournament 36
  • 37. Kasalang Bayan 2008 Anti Dengue Brigade 2009 ALS School Supplies Distribution 2009 Centennial Celebration 2008 Senior Citizens Red Cross 143 Seminar 2008 Blood Letting Christmas with the Kids 2009 Boodle Fight with BPSO 37
  • 38. ay mga programa din si Kapitan William, sa tulong ng iba’t ibang NGO at ahensya ng gobyerno, na nagnanais tumulong na magbigay kasanayan sa ating mga residente upang magkaroon ng sariling pangkabuhayan. Cosmetology Training Reflexology & Massages Training Barista Training Auto Mechanic Training/Seminar 3 Months Hotel & Restaurant Services Training Jobs Fair Local and Abroad 38
  • 39. 39
  • 40. ng mga konkretong programang nabanggit ang nagbigay buhay sa bawat puso ng mga magulang, estudyante, guro o maging mga simpleng mamamayan na makibahagi sa mga programa at gawain ng ating Barangay. Naniniwala ang ating Punong Barangay na ang susi ng isang maunlad na pamayanan ay nasa pakikipagkaisa ng bawat doon ay naninirahan. Sa kanyang maayos na pamumuno ay sumibol ang mga magagandang pagbabago at paglago. Na kung ating babalik tanawin ay madaling makikita lalo na sa aspetong pisikal ng Barangay. NOON NGAYON Kalye ng T. Alonzo Kalye ng P. Paterno 40
  • 41. NOON NGAYON Kalye ng J. Luna Kalye ng J. P. Rizal Kalye ng A. Bonifacio 41
  • 42. NOON NGAYON Barangay Court Barangay Plaza Kalye ng J. P. Rizal cor T. Alonzo 42
  • 43. 43
  • 44. 44
  • 45. a kasalukuyan ay binabalangkas naman ni Kap William R. Bawag ang ilang mga programa na makakatulong sa kalusugan ng ating mga kabarangay na may espesyal na pangangailangan sa tulong ng Far Eastern University (FEU) Hospital at mga estudyante nito. Gayun din naman ang mga pang laboratoryo ng mga matatanda ay nais matugunan ng ating Kap William sa tulong na rin ng Presidente ng Federation of Senior Citizens of the Philippines (FESCAP) Sta. Lucia Chapter na si Kgd. Narciso G. Lamoglia ay naglagay sila ng kaunting pondo upang mailibre ang ilang mga laboratoryo ng mga piling matatanda . Kung tutuusin ay napakarami pa ang nakalista sa mga bagay na nais magawa ng ating Kapitan, subalit lahat ay nakasalalay sa pagkakaroon ng sapat na pondo na manggagaling sa ating pamahalang lokal. Sa huli, masasabi natin na ang pagiging Ama ng Barangay ng ating Kap William R. Bawag ay parang iginuhit na ng tadhana. Dahil sa simula pa lamang ay nailatag na ng kanyang mga ninuno ang malinis na pangalan sa pangangalaga ng ating pamayanan. Ang pagiging Public Servant ay isang biyaya mula sa ating Panginoon para kay Kap William R. Bawag, dahil hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon na makapagsilbi sa nakararami. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang ating nasasalamin ay isang maayos at mahusay na liderato mula sa kanya na malinaw nating nakikita sa mga konkretong pagbabago, mula sa mga daang sementado hanggang sa mga maliliit na programang ibinababa sa bawat sulok ng ating barangay. Sa kanyang maayos at magandang paglilingkod, marahan ngunit siguradong pamamaraan, mula sa maliliit na pangarap ay unti-unti ng naisasagawa ang magandang simulain at adhikain na gawing Winner ang Barangay hindi lamang sa programa kungdi maging sa pag-iisip ng bawat residente nito. Sa huli nais ng ating Kapitan William R. Bawag na ating tandaan, na ang isang maganda at progresibong barangay ay nagmumula sa isang aktibo, maayos at makataong samahan na nakasalalay sa tunay na paglilingkod na ating kasalukuyang nararanasan. 45