1. Talambuhay ni
Bb. Jessie-Beth Tadlas Magsino
S i Jessie-Beth ay ipinanganak noong ika-
labindalawa ng Oktubre taong isanglibo siyam-
na raan at siyam napu’t isa, sa bayan ng Pakil
lalawigan ng Laguna, ngunit siya ay nakatira sa
baranggay ng Nanguma bayan ng Mabitac. Ang
kanyang butihing ama na siFrancisco Macatangay
Magsino ay sa bayan ng mabitac lumaki, at ang
kanyang butihing ina na si Ruth Liedo Tadlas naman
ay taga Visaya-Sierra Bullones Bohol, at doon rin sila
nagpakasal at ang pagsasamang iyon ay nagbunga ng
anim na anak,apat na babae at dalawang lalaki, at
pang-apat si Jessie-Beth sa magkakapatid, at ang
pamilyang ito ay masaya at sama-samang naninirahan
sa bayan ng mabitac.
S i Jessie-Beth ay nakapag
aral sa elementarya ng
nanguma,siya
nagkamit ng
ay
Ikalawang
karangalan noong siya ay
2. kinder pa lamang, at nang nasa unang baitang na siya
ay nagkamit naman siya ng unang karangalan dahil sa
kagalingan sa pag-aaral,at nang siya ay nasa
ikalawang baitang na,nagkamit ulit siya ng
ikalawang karangalan, at pagdating sa ikatlong
baitang marami na ang kanyang kaagaw sa posisyon
kaya’t siya ay hindi na nakasama hanggang sa ika-
apat na baitang,pinag buti na nya ang kanyang pag-
aaral kaya’t pagdating sa ika-limang baitang na,
nagkamit siya ng espesyal na mensyon at nang siya ay
nasa ikaanim na baitang na nagkamit rin siya ng
medalya dahil sa pagsali niya sa buwan ng nutrisyon
sa larangan ng poster making.
S i Jessie ay ipinanganak na mahirap lamang
ngunit natutustusan naman ng maayos ang
kanilang pangangailangan sa araw-araw na
pamumuhay,kaya’t siya ay nakapag aral sa
pampublikong paaralan lamang ng mataas na paaralan
ng bayan ng mabitac. Naging mahirap para sa kanya
ang mag-aral sa ganitong antas ngunit
pinagsumikapan naman niya na pataasin ang kanyang
mga marka,nagagamit rin nya ang kanyang talento sa
ibat-ibang programang patimpalak sa eskwelahang ito
3. tulad ng pag-guhit.At nang siya ay nasa ikaapat na
antas na sa mataas na paaralan,hindi lamang pag-
guhit ang kanyang sinalihan, pati narin sa paggawa
ng long pants.Dahil narin sa kanyang ina na ang
hanap buhay ay pananahi ng mga damit ,nakatulong
ito sa kanya kaya’t sya ay inilaban ng eskwelahan sa
district at division level.
N agkaroon sila ng maliit na karinderya sa
tulong ng kanyang tiyahin na si Emeliana na
panganay na kapatid ng kanyang ama kaya’t
sa pamamagitan din nito ay natutustusan ang
kanilang pangangailangan. Marami at iba’t-ibang
trabaho narin ang napasukan ng kanyang ama ngunit
wala namang trabahong tumatagal dahil sa kainitan
ng ulo nito .At nang magkaroon sila ng maliit na
hanap-buhay,ang kanyang ama ang nagging tagapag-
luto sa kanilang karinderya,at tumagal naman ito
.Nakakatuwa dahil sa paraang ito ay nakakalimutan
ng kanyang ama ang bisyo, dahil ito ay lasenggero at
sabungero ,kaya’t laking pasasalamat ng kanyang
pamilya na nagkaroon ng ganitong hanap-buhay
upangmagkaroon ito ng libangan.
4. N akapagtapos ang kanyang panganay na
kapatid na si Lea sa kolehiyo sa tulong na rin
ng kanyang tiyahin kaya’t hindi naging
mahirap sa kanilang magulang na pag-aralin ang ang
tatlong magkakapatid sa mataas na paaralan at isa
pang kapatid na nag-aaral sa kolehiyo,ngunit ang
kanyang kapatid na lalaki na sumunod sa panganay
ay ginusto na lamang na magtrabaho nang makatapos
sa mataas na paaralan.
N gunit ang isa nitong kapatid na si Jason na
sumunod sa panganay ay ginusto na lamang
magtrabaho, kaya’t ito ay kinuha ng kanyang
tiyahin sa Antipolo
at pagtrabahuhin bilang mekaniko, nang ito ay
makapagtapos sa mataas na paaralan ng bayan
Mabitac, kaya’t nakakatulong rin ito sa pamilya. Ang
pamilya ni Jessie ay Masaya at may pagkakaisa kahit
sa gitna ng problema at nang dumating ang
pagkakataon, noong Oktubre ika-dalawamput
dalawa, taong dalawang libo, ditto ay binawian ng
buhay ang kanyang ama sa sakit na High Blood,
habang ito ay nanonood ng telebisyon at
nagpapahinga matapos na makapagluto para sa
5. kanilang karinderya. Hindi akalain ni Jessie na
mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kanilang
buhay. Siya ay nasa ikaapat na antas ng Mataas na
Paaralan noon nang ito ay mangyari. Naging
napakasakit sa kanya ang isipin siya ay mawawalan
ng ama, kaya’t hindi niya ito matanggap. Ang buong
pamilya ay nasaksihan ang pagpanaw ng kanyang
ama, maliban sa kanyang kuya Jason na kasalukuyang
nagtatrabaho sa Antipolo. Kaya nang mangyari ito ay
hindi agad dito ipinaalam ang nangyari. At wala
itong kamalay-malay nang dumating na pumanaw nap
ala ang kanilang ama, kaya’t lalong nagging
napakasakit para kay Jessie ang mag-isip, walang
oras na hindi siya umiiyak, pati na rin ang kanyang
mahal na ina at mga kapatid sa pangyayaring ito.
Dahil ditto ay nawalan na siya ng gana sap ah-aaral,
itinigil na rin ang kanilang hanap-buhay na
karinderya dahil ang tagapagluto ditto ay ang
kanyang ama. Ngunit hindi naman niya pwedeng itigil
ang pag-aaral sapagkat tanging pangarap ng kanyang
mga magulang ang makapagtapos ng pag-aaral ang
kanilang mga anak. Kaya’t ipinagpatiloy niya ang
pagpasok sa paaralan, ngunit siya ay nagging
malungkutin at palaging gusto ay mapag-isa. Ngunit
nandiyan naman upang makiramay ang kanyang mga
6. kabarkada na sina Danica, Kim, Karen, at Arlene,
pati na rin ang kanyang mga kaibigan na sina Jonna,
Aleli, Ronalyn, Jingle, Lea, Leahry, Geraldine at pati
na rin ang kanyang matalik na kaibigan na si Aian at
si Beh. Na palagi niyang kasa-kasama sa eskwelahan.
Kaya’t kahit papaano’y naiibsan ang kanyang
kalungkutan. Si Jessie at ang kanyang pamilya ay
Katoliko, ngunit nang may dumating na miyembro ng
Born Again na nanggaling pa sa Luisiana ay
nahikayat siya at ang dalawa pa nitong kapatid na si
Jether at Gerald, pati na rin ang kanyang ate Jeramie
na dumalo at makiisa sa relihiyong ito. Nasa ika-apat
na baitang siya ng elementary nang magsimula sa
ganitong relihiyon kaya’t hanggang ngayon ay dala-
dala niya hanggang paglaki ang lahat ng pangaral na
nanggagaling sa kanilang mahal na Pastora Tessie,
kaya’t dahil dito’y unti-unti niyang natatanggap ang
pagkamatay ng kanyang ama at tumino sa kanyang
isipan na lahat ng pangyayari sa buhay ng isang tao
ay may dahilan at may patutunguhan. Ngunit kahit
na natanggap na niya ay di pa rin maiiwasan ang
malungkot sa tuwing maaalala nito ang kanyang ama,
at masasayang ala-ala na lang ang maiiwan nito sa
buong pamilya. At halos araw-araw ay name-miss niya
ang kanyang ama.
7. N akapagtapos siya sa Mataas na Paaralan ng
Mabitac na wala ang kanyang ama. Kaya’t
nagging malungkot sa kanya ang araw-araw
na iyon, kahit na siya ay nagkamit ng karangalan
bilang isa sa mga achiever at karangalang sertipiko at
medalya sa paglahok sa “Step Contest” sa
asignaturang T.L.E. (‘making Long Pants’).
T
umigil si Jessie sa pag-aaral nang siya ay
makapagtapos sa Mataas na Paaralan dahil
nais ng kanyang ina na pagtapusin muna ang
kanyang ate Jeramie sa dalawang taong kurso sa
“COMSEC”, dahil hindi na kinaya nang kanyang ina
ang sabay silang pag-aralin sa kolehiyo , at dahil na
rin wala itong katuwang sa pagpapa-aral sa kanila
pagka’t wala na ang kanilang ama. Mabuti na lamang
at nandiyan ang kanyang ate Lea para makatulong sa
pagpapa-aral sa kanyang mga kapatid. Naghanap siya
ng trabaho sa kanyang pagliban sa pag-aaral, ngunit
wala siyang nahanap, kaya’t kinuha siyang kanyang
tiyahin bilang tinder at bantay sa kanilang tahanan
kapag ito ay umaalis, sapagkat ito ay nagtuturo sa
Ballan. At ang mga anak naman nito ay sa Maynila
8. na naninirahan, dahil doon nagsisipag-aral at
nagtatrabaho , bilang Abogada. Ang pamilya nang
kanyang tiyahin ay may kaya sa buhay, kaya’t ito ay
makatutulong rin sa kanila sa oras ng
pangangailangan, kaya’t sa pagtira niya doon ay siya
ay sineswelduhan ng kanyang tiya at ang perang iyon
ay ibinibigay naman niya ng buo sa kanyang mahal na
ina. Bilang tulong sa mga gastusin. At nang sumapit
na ang sumunod na taon, nakapagtapos na rin ang
kanyang ate Jeramie sa kolehiyo at ito ay
nakapaghanap na ng trabaho. At nakapagpatayo na
rin ng bahay ang kanyang ate Lea para sa kanila,
ngunit hindi pa ito natatapos, sapagkat nakapag-
asawa na ang kanyang ate Lea, kaya minabuti ni
Jessie ang maghanap ng scholarship upang hindi
gaanong makabigat sa gastusin. At nakahanap nga
siya ng iskolar sa tulong ng kanyang Tito Tony na
pinsan ng kanyang yumaong ama. Kaya’t laking
pasasalamat niya at ng kanyang pamilya sa
pagkapasok niya sa iskolar ni “Kuya Egay”. At ang
kanyang ate Lea naman ang nagbibigay ng allowance
sa kanya buwan-buwan, kahit ito ay may sarili nang
pamilya. At ngayon ay nakakapag-aral na siya sa
kolehiyo sa kursong BSE, at doon ay nakilala niya
bilang kaibigan at kabarkada sina Monique, May,