MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
Kabanata 6 pag konsumo
1. KABANATA 6
PAGKONSUMO
Binibigyang – katuturan ang pagkonsumo bilang pag bili o paggamit ng isang bagay o
paglilingkod na makapagbigay ng kasiayahan sa mamimili o taga gamit .
MGA URI NG PAGKONSUMO
Nahahati ang paggamit ng produkto sa tinatawag na tuwiran o pang katapusang
pagkonsumo at maaksayang pagkonsumo.
TUWIRANG PAGKONSUMO
Tuwirang pagtugon sa pangangailangan ang tuwirang pagkonsumo.
PRODUKTIBONG PAGKONSUMO
Tinatawag na produktibong pagkonsumo ang ng mga paraan upang magamit ang mga bagay
bagay sa ibang kapakipakinabang na bagay .
MAAKSAYANG PAGKONSUMO
Ito ang paggamit na hindi tumutugon sa pangangailangan at sa halip tumutugon lamang sa
hilig o kagustuhan ng tao.
MAPANGANIB NA PAG KONSUMO
Ito nag pagagamit ng produktong may masamang epekto sa kalusugan o sa kapakanan ng
tao .
MGA SALIK NA MAY KINALAMAN SA PAGKONSUMO.
Bagaman halos magkakatulad ang pangunahing pangangailangan ng tao , iba-iba ang
pamamaraan ng pagkonsumo.
Ang sumusunod ang mga bagay na nakaapekto sa desisyon ng mamimili ..
1. ANG PRINSIPYO NG KAHALAGAHAN NG PANGANGAILANGAN.
2. May mga pangangailangan na dapat tugunan kaagad upang hindi mahkaroon ng masama sa
kalusugan ( pagkain , damit at tirahan )
2. HALAGA NG BILIHIN AT KAKAYAHANG BUMILI
Karaniwan sa mamimili lalo na sa limitado ang pambili , ang nagnanais na makabili ng pinaka
maraming produkto sa pinakamababang halaga.
3. MOTIBO NG MAMIMILI
May kahirapang hulaan ang motibo ng mamimili dahil sa iba-iba at pabagu-bago ang mga
ito.
4. TATAK AT PAG AASYO NG PRODUKTO
Nagaganyak na bumili ng isang produkto ang mamimili dahil sa tatak o lalo pa’t mayroon na
silang karanasan sa uring nagbibigay-kasiyahan.
5. KAUGALIAN O SALIK-KULTURAL
Iba ang kultura ng mamimili Pilipino kaysa taga ibang bansa. Mahilig ang Pilipino sa angkat o
IMPORTED na bagay kahit na mahusay ang local na mga produkto .
ANG KULTURANG PILIPINO AT PAGKONSUMO
Nakabatay sa kinikita ng mga manggagawa ang paggamit o pagkonsumo ng mga kalakal at
paglilingkod. Higit na malaki at maluho ang pagkonsumo ng mga taong kumikita nang malaki
kaysa mga taong maliit ang kita.Higit na pinag uukulan ng mga taong sapat lamang ang
kinikita ang pagkonsumo ng mga pangunahing pangangailangan kaysa kanilang mga naisin o
kagustuhan lamang. Subalit kung minsan,may mga tao rin namang kahit maliliit ang kinikita ,
nagpilipilit na maging maluho kahit hindi nito kaya at nagbubunga ito ng suliranin sa kanya .
EPEKTO NG KULTURA SA PAGKONSUMO
Malaki ang kinalaman ng kultura sa pagkonsumo. Bagaman ang badyet ang siyang
pangunahing batayan sa pagkonsumo , ang pagbili o preferences sa pagkonsumo ay naayon
sa mga kaugalian at tradisyon sa estado sa buhay pati na rin sa relihiyon. Naka ugalian na ng
mga Pilipino na kumain ng kanin kaysa sA tinapay. Dahil sa tradisyon, ang mga kalalakihan ay
nakapantalon. Maging katawa tawa kung sila ay naka bestida . Dahil sa uso, ang mga
kababaihan ay nagsuot na ng mga pantaloon.
EPEKTO NG PAG AANUNSYO SA PAGKONSUMO
Karaniwang nakikita kahit saan ang pag aanunsyo. Mapanonood, maririnig at pag babasa
ng mga tao ang halos lahat ng uri ng oag aanunsyo ng mga produkto at serbisyo .
3. MAraming mga bagay ang nakakaapekto sa mga mamimili kung bakit sila bumibili ng isang
produkto. Maaring dahil talagang kailangan nila, dahil sa kanilang kultura o kaugalian ,
tradisyon ng pamilya o bansa o maari rinnamang dahil sa impluwensya ng isang paanunsyo.
PAMANTAYAN SA PAMIMILI
Upang matamo ng mamimili ang kasiyahan sa pamamagitan ng pagbili ng pinaka mahusay
na mga produkto sa pinakamababang halaga, sundin ang mga sumusunod ng mga
pamantayan ng pamimili .
1. isaayos at itala ang mga bibilhin ayon sa kahalagahan. Unahin ang mga pangunahing
pangangailangan at ihuli ang malalaking bilihin tulad ng bahay , kotse at kagamitan
pambahay upang mapag ipunan ng malaking halaga.
2. suriin ang kondisyon ng gamit bago bilhin .
3. iwasan bumili ng gamit na hindi kailangan dahil lamang mayroon nito ang kapitbahay.
4. iwasan ang pagbili ng gamit na second hand at wala sa kondisyon sapagkat kung minsan,
higit na magastos ang pagkukumpuni at paggawa kaysa bumili ng bagong material.
5. lagyan ng hangganan ang pamimili sa presyo o halaga ng nais bilhing produkto.
6. magtanung tanong ng halaga o presyo sa iba’t ibang tindahan upang makatipid.
7. isipin ang kapakinabangan ng isang bagay o gamit.
8. piliin ang wato panahon ng pagbili.
9.Piliin kung saan mahusay ang mamili at magpasya kung ano ang bibilhin, mahalaga ring
malaman kung kalian at saan mamimili.
MGA SULIRANIN NG MGA MAMIMILI
Maraming tanong na pumapasok sa isipan mg isang mamimili.
PAGKALITO SA DAMI NG PANINDA
Nahihirapan ang kosyumer na pumili ng gamit na natutugma sa particular na
pangangailangan dahil sa dami ng produkto.
KAKULANGAN SAPAMANTAYAN
Sa pamilihan, mahirap makabili ng mga bagay na naayon sa hinahanap sapagkat kung
minsan, nagkakaroon ng unting pagkakaiba ng kulay , sukat , uri at hugis.
PANDARAYA
Isang uri ng pandaraya ang panloloko ng ahensya ng trabaho.
MGA KARAPATAN NG MAMIMILI
Nagbibigay ng proteksyon ang pamahalaan sa mga mamimili sa pamamagitan ng pahkilala
sa karapatan ng mga sumusunod :
4. 1.Karapatan sa kaligtasan o proteksyon laban sa mga produkto na nakasasama sa buhay at
kalusugan.
2.Karapatan sa kaalaman bilang proteksyon sa mga panloloko , gayundin upang makatulong
sa paggawa ng matalinong pasya.
3. karapatang mamili
4. karapatang mapakinggan o mapangalagaan ang kanilang kapakanan lalo na sa paggawa
ng mga patakaran ng pamahalaan.
5.karapatan sa pagtanggap ng kabayaran sa mga panloloko sa mga produktong binili o sa
serbisyong ginampanan.
6.karapatan sa kalayaan at pagkakapantay-pantay.
MGA AHENSYA NG PAMAHALAAN NA TUTULONG SA MAMIMILI
Pangunahing layunin ng pamahalaan ang itaguyod at pangalagaan ang mga karapatan ng
mga mamimili.
DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI)
Pangunahing ahensya na nagpapatupad ng mga batas na may kinlaman sa kalakalan at
industriya.
BUREAU OF FOOD AND DRUGS ( BFAD )
Pinangngalagaan ang kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng pagtiyak na ipinoproseso sa
malinis at maayos na pamamaraan ang mga pagkaing itinind.
BEREAU OF PRODUCT STANDARDS (BFS)
Nagbibigay ng mga pamantayan na dapat sundin ng mga kompanya at pabrikang gumagawa
ng iba’t ibang uri ng produkto.
MGA BATAS NA NAGBIBIGAY PROTEKSYON SA MAMIMILI
May mga batas din na nagtatakda ng mga pananagutan ng mga gumagawa at nagtitinda ng
mga kalakal.
BATAS BLG.3940
Itinatakda nito ang pagpaparusa sa panloloko sa anunsyo , sa maling tatak , maling etiketa na
ginagawa ng mga nag aangkat ng produkto , mga gumagawa ng produkto at nag aanunsyo sa
hangarin maka tamo ng malaiking tubo.
5. BATAS Blg.71
Ipinag uutos nito ang paglalagay ng presyo sa lahat ng produktong ipinagbibili nang tingi
upang mabawasan ang pagtatawaran , pagsasayang ng pera at panahon at tuloy mapabilis
ang transakyon ng nagbibili at bumibili.
ARTIKULO 1546 NG KODIGO SIBIL
Nag sasaad ito na may pananagutan ang nagtitinda sa mga sinasabi tungkol sa isang kalakal
upang hikayatin ang mga mamimili.
ARTIKULO 1567 NG KODIGO SIBIL
Nagsasaad ito na dapat na may nakatatak na garantiya ang isang kalakal upang matiyak na
wala itong depekto at pananagutan mg gumawa kung mayroon man .
ARTIKULO 2187NG KODIGO SIBIL
Nagtatadhana ito na ang tao o kompanyang gumawa o nagprosesa ng pagkain , inumim ,
kagamitan sa katawan o katulad na produkto ang may pananagutan sa pagkamatay , pag
lason , pagkakasakit at pagtatamo ng kapinsalaan dahil sa pagkain , pag inom at paggamit ng
mga nabanggit na kalakal o produkto.
ARTIKULO 157 BINAGONG KODIGO PENAL
Itinakda nito ang pagpaparusa sa mga gumagawa o nagtitinda ng mg kalakal nag into tulad
ng hikaw , kwintas , singsing at iba pa na nagsasabi ng maling kiltis ng ginto gingamitsa
paggawa ng mga ito.
BATAS REPUBLIKA 1556
Ipinaguutos nito na magparehistro ang mga magparehistro ang mga kompanya gumawa at
nagtitinda ng pagkain ng manok ,baboy , baka at isda.
BATAS REPUBLIKA 4729
Itinakta nito ang pagpaparusa sa pagbili ng mga ipinagbabawal na gamut nang walang
reseta ng doctor.
PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI
Kung may mga karapatan ang mga mamimili , mayroon din ito pananagutan .
6. 1. bayaran ang binilingkalakal o paglilingkod ayon sa kasunduang halaga at panahon.
2. pagtitipid sa paggamit ng mga biniling kalakal at pagbabawas nh pagbibili ang mga kalakal
upanh hindi makalikhang artipisyal na pagbaba ng suplay na maaring maging dahilan ng
pagtaas ng presyo.
3. pagtangkilik ng mga kalakal , produkto at serbisyo gawa sa sariling bansa o likha ng
kababayang Pilipino.
4. paghingi ng resibo sa biniling product o kalakal upang matiyak na kabilang ang mga ito sa
binayarang buwis ng gumagawa o nagtitinda
5. pag uulat sa pamahalaan ng mga paglabag sa batas , paglinag ng kamalayan sa
pangkabuhayan ng kalagayan ng lipunan at pakikilahok sa organisasyon o pagkilos na may
kinalaman sa hindi makatuwirang pagtaas ng presyo , mga kontrata hindi kapakipakinabang
sa bayan at iba pang mga katiwalian.