2. Ang lipunan ng mga katutubo ay
napapangkat sa tatlo…
1. Maharlika
2. Timawa
3. Alipin
Ano nga ba ang kaibahan ng bawat uri?
3. Ang pinakamataas ay tinatawag na maharlika.
Dito nabibilang ang mga datu, raja, sultan at ang
kanilang pamilya at kaanak.
4. Katangian ng Maharlika
Ang mga maharlika ang makapangyarihan
sa lipunan. Siya ang inaasahan ng mga taong
mamuno sa mga labanan, kalakalan, gawaing
panlipunan, panrelihiyon at iba pang ugnayan.
Siya ang namamagitan kung may di-
pagkakaunawaan ang mga kasapi ng barangay.
Magkahalong lupit at bait ang paraan ng
pamamahala ng maharlika.
5. Katangian ng Timawa
Ang pangalawang pinakamataas na
antas ay tinatawag namang timawa o
malaya, ito naman ay kinabibilangan ng
mga mangangalakal, mandirigma at iba
pang karaniwang mamamayang isinilang na
malaya o naging malaya mula sa
pagkaalipin.
7. Katangian ng Alipin
Alipin ang tawag sa mga katutubong
may pinakamababang antas sa lipunan. Ang
isang katutubo ay nagiging alipin sa iba’t-
ibang kadahilanan. Maaaring ito ay namana
sa mga magulang na dati na ring alipin;
nabihag siya sa labanan; o hindi sya
nakabayad sa mga utang o nakagawa ng
kasalanan at ito ang kanyang naging parusa.
8. Dalawang uri ng Alipin
Aliping Namamahay- mas mataas na uri kaysa sa
aliping saguiguilid sapagkat siya ay may sariling
pamamahay at aria-arian. Nagsaisilbi lamang
siya sa datu kung panahon ng anihan, kapag
may ipinatatayong mga tahanan o tuwing
kailangan lamang
Aliping Saguiguilid- ay walang anumang ari-
arian at nakatira sa tahanan ng mismong
maharlika o timawang kanyang
pinaglilingkuaran dahil siya ay itinuturing ding
pag-aari ng kanyang mga panginoon.