SlideShare a Scribd company logo
1 of 132
EL
FILIBUSTERISMO
Ang nobelang “El
Filibusterismo” ay
isinulat ng ating
magiting na bayaning si
Dr. Jose Rizal na buong
pusong inalay sa tatlong
paring martir, na lalong
kilala sa bansag na
GOMBURZA Gomez, Burgos, Zamora.
Tulad ng “Noli Me Tangere”, ang mayakda ay dumanas ng hirap habang
isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat
ito sa London, Inglatera noong 1890
at ang malaking bahagi nito ay
naisulat niya sa Bruselas, Belgica.
Natapos ang kanyang akda noong
Marso 29, 1891. Isang
Nagngangalang Valentin Viola na isa
niyang kaibigan ang nagpahiram ng
pera sa kanya upang maipalimbag
ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay
pampulitika na
nagpapadama, nagpapahiwat
ig at nagpapagising pang lalo
sa maalab na hangaring
makapagtamo ng tunay na
kalayaan at karapatan ang
bayan.
Mga Tauhan:
Simoun-Ang mapagpanggap na mag-aalahas na
nakasalaming may kulay
Isagani-Ang makatang kasintahan ni Paulita
Basilio-Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
Kabesang Tales-Ang naghahangad ng karapatan sa
pagmamay- ari ng lupang sinasaka na
inaangkin ng mga prayle
Tandang Selo-Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang
sariling apo.

Ginoong Pasta-Ang tagapayo ng mga prayle sa mga
suliraning legal.
Ben zayb- Ang mamamahayag sa pahayagan
Placido Penitente-Ang mag-aaral na nawalan ng ganang
mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan
Padre Camorra-Ang mukhang artilyerong pari
Padre Fernandez-Ang paring Dominikong may malayang
paninindigan
Padre Florentino-Ang amain ni Isagani
Don Custodio-Ang kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Irene-Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag
ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez-Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga
propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong
Kastila
Makaraig-Ang mayamang mag-aaral na masigasig na
nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng
Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng
kagipitan.
Sandoval-Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig
sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral
Donya Victorina-Ang mapagpanggap na isang
Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita
Paulita Gomez-Kasintahan ni Isagani ngunit
nagpakasal kay Juanito Pelaez
Quiroga-Isang mangangalakal na Intsik na nais
magkaroon ng konsulado sa Pilipinas
Juli-Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni
Basilio
Hermana Bali-Naghimok kay Juli upang
humingi ng tulong kay Padre Camorra
Hermana Penchang-Ang mayaman at
madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
Ginoong Leeds-Ang misteryosong
Amerikanong nagtatanghal sa perya

Imuthis-Ang mahiwagang ulo sa palabas ni
G. Leeds
KABANATA 1 – SA IBABAW NG KUBYERTA
Buod

Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay
sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa
kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P.
Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral
at Simoun.
Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog
Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga
ng itik. Ani Simoun namang kilalang tagapayo
ng Kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal
na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look
ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio
at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na
matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami
ang balot na pinandidirihan niya.
Mga Tulong Sa Pag-aaral
1. Ang ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa
matataas na uri ng tao, karaniwa’y Kastila.
2. Ang Noli ay nagtapos sa buwan ng Disyembre;
ang Fili ay dito nagsimula. Ngunit ang Disyembre
sa Noli at ang Fili ay may 13 taong nakapagitan.
3. Si Don Custodio ay tanungan at tagapayo ng
mga taong pamahalaan. Si Ben Zayb (Ibanez) ay
isang mamahayag.
4. Ang tabo ay isang katutubong batalan. Ang
tabo sa kasalukuyan ay karaniwang latang
pinagbasyuhan ng gatas, kape o ano man. Mula
sa abang bataan hanggang sa makabagong
banyong may gripo at dutsa sa Pilipinas ay may
tabo. Noon ang tabo ay karaniwang pang-ilalim
na bahagi ng bao ng niyog.
Mga Tanong

 1. Paano
pinaghahambing ni
Rizal ang Bapor
Tabo at ang
Pamahalaan?

 Sagot:

 a. Sa pagkakaroon ng 2
lugal ng tao sa
kubyerta at sa ilalim ng
kubyerta, tulad ng
paglalagay ng
pamahalaan na may
mga taong mataas ang
uri, tulad ng mga
Kastila, mayayaman at
prayle: at mga abang
mamamayang tulad ng
mga mestiso at indiyo.
b. Sa mabagal nguni’t mapagmalaking
palakad tulad ng pamahalaan na halos hindi
nakausad sa may 300 taong pamumuno sa
Pilipinas.
c. Sa pagkulapol na pinturang puti nagpapanggap na malinis at marangal
ngunit’t makikita ang mga dumi sa likod ng
pinta tulad ng mga walang katarungang
pagpatay at pagbilanggo, ng mga
kabulukan, katiwalian at iba pa sa
pamahalaan at simbahan.
d. Sa bilog na anyo ng bapor nagpapakilalang ang pamahalaan ay walang
malinaw na kaanyuan; walang plano ng
pagiging unahan, hulihan, tagiliran na tulad
ng pamahala noon na walang yaring plano
ng pagpapalakad.
e. Sa paggamit ng makina at tikin tulad ng
pamahalaan, may namamahalang sibil, tulad
ng Kap. Heneral at iba pang taong
pamahalaan at ang prailesya o mga kura.
Noon ay may union of church and state o
pagiging magkatulong ng pamahalang sibil
at ng simbahan sa pagpapalakad ng mga
suliraning pampulitika at pangkabuhayan ng
bayan. Alin ang makina at alin ang tikin? Ang
makina na siyang tuwirang nagpapatakbo sa
bilog na bapor ng pamahalaan, bilog
sapagkat walang plano at di alam kung saan
ang patungo at saan ang pabalik, ay siyang
pamahalaang sibil, samantalang ang mga
tikin ay siyang mga kura na nagsasabi kung
saan dapat patungo ang bapor ng
pamahalaan.
2. Bakit inis na inis si Donya
Victorina?

Sagot:
Iniwasan siya ng mga
lalaki sa itaas ng
kubyerta.
3. Anu-ano ang ibubuti ng malalim na
kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna
at look ng Maynila ayon kay Simoun?
 Sagot

 a. Makapagtitipid
ng lupa. Ang likulikong Ilog Pasig
ay mahalinhan ng
tuwid na kanal.
 b. Iikli ang
paglalakbay;
uunlad ang
negosyo.

 k. Maiiwasan ang
mga putik at burak
sa mga pampangin
ng Ilog Pasig.
 d. Giginhawa ang
paglalakbay
4. Anu ano ang tutol dito ni
Don Custudio?
Sagot:

a. Malaki ang gugulin
b. Maraming bayan ang
kakailanganing sirain

k. Walang ibabayad sa mga
manggagawa
5. Anu-ano ang tugon ni
Simoun dito?
 a. Kung maraming bayan ang kailangang mawasak, sirain
ito.
 b. Kung walang ibabayad sa gagawa, gumamit ng mga
bilanggo.
 k. Kungdi sapat ang mga bilanggo pagawain ng walang
bayad ang taong-bayan na magdadala ng sariling pagkain
at kasangkapan. Sa ganito raw paraan natayo ang
piramide sa Ehito at koliseo Sa Roma na hinahangaan
ngayon kaugnay ng pangalan ng mga paraon at mga
pinuno ng Roma gayong limot na natin ang libu-libong
nagamatay na mangagawa roon. Ang mga patay ay patay
na ang tanging malakas ang binibigyang katwiran at
panahon;
Kabanata II:

Sa Ilalim ng Kubyerta

 Buod
 Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa
pasahero ang ilalim ng kubyerta. Naroon ang dalawang
(2) estudyante na pinakukundanganan ng iba-si Basilio na
nag-aaral ng medisina at mahusay ng manggamot at isang
katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani.
Kausap sila Kap. Basilio. Napag-usapan si Kap. Tiyago.
Pinauwi raw siya, ani na naging tagapayo ng kapitan
nitong mga huling araw. Napaling ang usapan sa
paaralang balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng
mga Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kap.
Basilio. Magtatagumpay, ayon sa dalawang binata.
Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita
Gomez, ang kasintahan ni Isagani at tukod ng
ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay
tiya si Donya Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina
kay Isagani ang asawa , si De Espadaña, na sa bahay pa ni
Padre Florentino, amain ng binata, nagtatago.
Dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan.
Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani. Sinabi ni
Simoun na di niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio
sapagka’t ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang
lalawigang ito’y mahirap at di makabibili ng alahas.
Matigas na tumutol Si Isagani at anya: Hindi kami
namimili ng alahas dahil di namin kailangan. Napangiti
si Simoun. Nasabi raw niyang dukha ang
lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.
Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa.
Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, Sinabi ni Padre
Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil palainom ng tubig at di ng serbesa. Mabilis na tumugon si
Basilio; Sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya
ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa, marahil ay
mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. At dagdag ni
Isagani: lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay
ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging
malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan.
Hindi niya pinakinggan ang pagsingkil ni Basilio.
Itinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya
sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan
magiging sulak at malawak na karagatan ang
tubig. Tugon ni Isagani: Kapag pinainit ng apoy;
sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak
ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay
ng tao. Binigkas ni Basilio ang isang tula ni
Isagani na rin ukol sa pagtutulong ng apoy at
tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine).
Pangarap daw ayon kay Simoun dahil ang makina
ay hahanapin pa.
Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang
lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinawag
na Kardinal Moreno. May dumating na utusan.
Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin.
Nguni’t nakita ng kapitan si Padre Florentino at
ito’y inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng
kubyerta.
2. Bakit nangiti si Simoun nang matigas
tumugon si Isagani na kaya di namimili
ng alahas ang kanyang mga kababayan
ay dahil hindi nila ito kailangan?
 Sagot:
 Kung ang ngiting iyon ay palibak o
patuya, iyon ay dahil alam ni Simoun na di
totoo. Mahiligin sa alahas ang mga Pilipino.
Kung iyon ay ngiti ng kasiyahan ay masasabi
nating dahil sa nakita ni Simoun kay Isagani
ang isang katangiang hinahangaan niya at
hinahanap lalaking matapang at
nakikipaglaban para sa karangalan ng bayan.
Mga Tanong:
 Sagot:

 Marami nang kabiguang
 1. Bakit kalakaran sa
naranasan ang matatanda
matanda, tulad ni Kap.
kabiguan sa sarili nilang
Basilio na
mga pangarap at balak
nakatatagpo ng
noong kanilang kabataan
balakid sa lahat ng
samantalang ang mga bata
dako samantalamg
ay may maapoy pang
ang kabataan ay
damdamin na gatong sa
masigasig sa mga
kanilang mga balak at
balak, tulad nina
adhikain. Di pa sila
Isagani?
nakararanas ng maraming
kabiguan. Dahil dito, kahit
papaano, ang daigdig ay
sumusulong, umuunlad.
3. Ano ang palatandaan ni Simoun
sa pagiging dukha ng isang
bayan noon?
 Ang pari sa bayan. Pag
Pilipino, dukha ang
paroko; pag Kastila
naman mayaman.
Kung pagsisimula pa
lamang ang isang
paroko di pa malakas
ang kita, Pilipino ang
inilalagay dito; pagumunlad na
ito, pinapasok na ng
mga prayleng Kastila.

 Na kung si Padre
Camorra at mga kasama
nitong kastila ay
nagbabawas sa paginom ng alak, titino sila
ng kaunti at ang mga
alingasngas nila, lalo na
sa kababaihan, ay
mabanawasan kundi
man maalis. (Ito kaya ay
di tuwirang pangagaral
ni Rizal ukol sa alak?) o
sa ilog?
4. Totoo ba ang sabi ni Padre Camorra na

kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil hindi
ito nagsisiinom ng serbesa?
sagot:
Hindi. Ito’y totoo para sa bayang
malalamig nguni’t di sa Pilipinas
na totoo nang mainit kadalasan
ang panahon. Tingnan ang
palainom ng tuba. Pagkainom
ano? Bulagta!
5. Ano ang ibig sabihin ni Isagani
sa pagiging sulak ng tubig? sa
mumunti at watak-watak na

 Ang sulak (steam) ay pag-init at pagkulo ng malamig
at matimping damdamin ng mga Pilipino;
pagsulak, himagsik! Ang mumunti at watak-watak na
ilog ay ang kawalang-kaisahan ng damdaming
Pilipino na may matinding gawi ng pag tatangi-tangi
(regionalism). Kung ang mga puta-putaking
himagsikan lamang sa Pilipinas na mula kay Lapulapu hanggang kaina Diego Silang ay walang tigil
nang pagsiklab, ay naging parang ilog na nauwi sa
iisang dagat o nagkaisa-isa at nagkasabay-sabay sa
isang pamumuno, matagal na sanang gininaw ng
dagat ng tubig na ito ang Moong ng Kastila sa
Pilipinas.
Kabanata III: Ang mga Alamat
 Buod
 Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na
ang nangasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga
prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig
sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun.
Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga
dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat ay
walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon
kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng
Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga
katutubo noong una bilang tahanan ng mga
espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay
nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga
tulisan.
 Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol
kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang
nahingang magkuwento. May magkasintahan daw
sa Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang
lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at
hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako
pakasal sila. Iba ang naisip ng arsobispo. Itinira
ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog
Pasig.
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat.
Nainggit si Donya Victorina na ibig ding
manirahan sa kuweba. Tinanong ni
Simoun si Padre Salvi. Sa inyong
palagay, hindi ba higit na mainam ay
ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta.
Clara? Hindi raw siya makakahatol sa
mga ginawa ng isang arsobispo, ayon
kay padre Salvi. At upang mabago ang
paksa ay isinalaysay ang alamat ni San
Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa
pagkamatay sa mga buwayang naging
bato nang dasalan ng intsik ang santo.
Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si
Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa
napatay ang isang Guevarra, Navarra o
Ibarra.
Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya
Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig
labingtatlong taon matapos mangyari iyon.
Nakasama raw ng ama ang bangkay ng
anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang
pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb.
Nagtawanan ng iba! Si Simoun ay namumutla
at walang kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si
Simoun ay nahilo dahil sa paglalakbay.
Mga Tulong Sa Pag-aaral
1. Dito’y makikitang naalis
ang paniwala ng ating mga
nuno sa mga espiritu at
pamahiing lalo
Pang nakaiinis ang
pangrelihiyon.
Mga Tanong
 Sagot:

 1. Bakit nauwi
sa mga alamat
ang usapan sa
ibabaw ng
kubyerta?

 Binatak dito ni Simoun ang
alamat sa Ilog Pasig at isa
ang inaasahan niyang
mapag-uusapan ang kay
Donya Geronima na siya
niyang magagamit sa
pagbabawas ng kulo sa
kanyang dibdib laban sa
nagbabanal-banalang si
Padre Salvi na batid ni
Ibarra ay lumalapastangan
sa kapurihan ni Maria Clara
sa kumbento ng Sta. Clara.
2. Ano ang pagkakahawig ng alamat ng
Malapad-na-Bato sa kasaysayan ng
Pilipinas?
 Noong una ang Malapad-na-Bato ay pinaniniwalaang
lugal ng mga espiritu at maligno, isang pugad ng
pamahiin. Gayon din ang Pilipinas na noong bago
dumating ang mga Kastila ay pinamamayanihan ng
mga pamahiin Kapre, tiyanak, tikbalang aswang, at
iba pa. Nang ang Malapad-na-Bato ay pagtaguan ng
mga tulisan, nabatid ng mga tao na walang
katotohanan ang masasamang espiritu sapagka’t
walang nangyaring sa mga tulisan. Mga tulisan naman
na nanghaharang at pumapatay sa mga napapadpad
sa Malapad-na-Bato ang pinagkakatakutan ng mga
taong namamangka sa Ilog. Ang Pilipinas sa tulong ng
Kristiyanismo, ay di na naniniwala sa mga espiritu at
pamahiin na pinatunayan ng mga prayleng Kastila’y
walang katotohanan. Sila’y tulisang Kastila naman
natatakot ngayon.
Kabanata IV: Kabesang Tales
 Buod
 Si Tandang Selo umampon kay Basilio sa gubat ay
matanda na. Ang ama ng dalagang si Lucia, si
Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa
nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa
tiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan
sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay
naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay
walang may-ari, ginawa niyang tubuhan. Inisip
niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang
mapantay kay Basilio na kasintahn nito. Nang ang
bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle.
Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang
tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang
Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle.
Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga
prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawal
si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Anya:
Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at
nalibing dito ang aking asawa’t anak na dalaga {si
Lucia} sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay
ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng
kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa’t
mga anak. At anya pa rin ukol sa pagiging kawal ni
Tano, ako’y bumabayad sa abogado. Kung mananalo
ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang
siya’y mapabalik; nguni’t kung ako’y matalo, di ko na
kailangan ang anak.
Tinanuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid. Lagi
siyang may pasang baril. Di makapasok doon ang sino
man dahil balita si Kabesang Tales sa pagbaril.
Nagdala siya ng gulok/itak. Balita sa arnis ang kabesa.
Ipinagbawal ang gulok/itak. Nagdala siya ng palakol.
Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan
at ipinatubos.
Isinanla ni Huli ang kanyang mga
hiyas liban sa isang locket o agnos na
bigay sa kanya ni Basilio. Hindi rin
nakasapat ang panubos. Ipinasyang
mangutang kay Hermana Penchang at
maglingkod dito bilang utusan. Noon
ay bisperas ng Pasko. Kinabukasan.
Araw ng Pasko ay maglilingkod na
siyang alila. Masalimuot ang naging
panaginip ni Huli nang gabing iyon.
Mga Tulong Sa Pag-aaral
Ang agnos ni Huli ay agnos ni
Maria Clara na ipinagkaloob
sa isang ketongin na
napagaling ni Basilio.
Ibinayad ng ketongin kay
Basilio ang agnos at ito
naman ay inihandog ni Basilio
kay Huli.
Mga Tanong

Sagot:

1. Bakit mahirap Siya ay isa lamang
tagapaningil ng
maging cabeza
buwis at kung may
de barangay
di magbayad ay siya
noon?
pa ang
nagpapaluwal.
2. Ano ang ibig sabihin ni Kabisang Tales sa
magiging lupa rin tayo at hubad tayong talaga
nang ipanganak?
Sagot:
-Hindi dapat matakot sa kamatayan dahil

tayo namang lahat ay mamamatay at ano ang
ikatatakot sa karalitaan ay nagsimula tayo sa
kahirapan sa walang damit.
Sa ano inihambing ng ilan si Kab. Tales sa
kanyang pakikipag-asunto sa mga prayle?
3.

Sagot:
Palayok na bumangga sa kaldero;
langggam na kumakagat kahit na siya’y
tiirisin
Kabanata V:Ang Noche Buena ng Isang
Kutsero
 Buod
 Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pangnoche buena nang dumating si Basilio sa San
Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng
kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang
bugbugin muna ng mga guwardiya sibil.
 Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinakamatandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod na
idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago.
Nakapagpaalala kay Sinang ang itim na Haring
Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na
ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa
kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon
ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si San
Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may
mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.
Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na
walang ilaw ang parol ng karitela. Pinarusahan uli
ng mga sibil ang kutserong si Sinong. Naglakad na
lamang si Basilio.
Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa
mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na
pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay
nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun..
nagkakaunawaan na tayo, G. Simoun, ani Kapitan
Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang
inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo
ang alperes. Isang pares na hikaw naman ang
ipinakikibili’ ng kura. (Bakit kaya hikaw?)
Nasabi ni Basilio sa sarili na si Simoun ay may
kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat ay
nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa
amin.
Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si
Basilio, lalo na ng matandang
utusan, nang makitang tumistis ng isang
maysakit si Basilio na parang walang ano
man.
Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat.
Mga kalabaw na namatay, mga katulong
na napipiit at namatay ang matandang
nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si
Basilio nang mabatid na sa katandaan
namatay ang matanda.. Ibig niyang
makatistis ng tao. Ang huling balita’y ukol
sa pagkadukot ng mga tulisan kay Kab.
Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio.
Mga Tulong Sa Pag-aaral
1. Si Basilio ay katiwala ni Kap.
Tiyago.
2. Ang mga pag-aari nina Ibarra ay
sinasamsam ng pamahalaan (at ng
simbahan) at ipinagbili ang ilan. Si
Kap. Tiyago ang nakabili ng gubat
nina Ibarra. Iyonang tinatanuran ng
matandang namatay.
Tanong
1. Bakit nasabi ng kutserong si Sinong na noong
panahon ng mga santo ay walang guwardiya
sibil?
Sagot:
Dahil sa mga pahirap na tinatanggap niya sa
mga sibil, nasabi ni Sinong na walang sibil
noon sapagka’t di maaaring tumanda nang
gayon si Metusalem at di maaaring maging pari
na papagitna pa sa dalawang haring puti si
Melchor na isa sa tatlong Haring Mago. Tiyak
daw na mabibilanggo si Haring Melchor.
Kabanata VI-Si Basilio
Buod
Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche
buena si Basilio ay palihim na nagtungo sa
gubat. Paliit ang buwan. Kaya’t paaninaw na
tinungo ni Basilio ang libing ng kanyang ina.
Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng
nakaraang may 13 taon.
Namatayan ang kanyang ina. May dumating na
lalaking sugatan. Pinahakot siya ng kahoy na
ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang
lalaki. May dumating pang isang lalaki.
Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at
paglilibing sa kanyang ina.
Umalis siya sa gubat. Lummuwas ng Maynila.
Maysakit at gulanit ang damit. Ninais nang
pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at
gutom. Natagpuan niya sina Kap. Tiyago na
katatpos dalhin sa beateryo si Maria Clara.
Kinuha siyang katulong o utusan. Ping-aral sa
Letran. Unang taon: wala siyang nabibigkas
kundi ang pangalan niya at ang salitang adsum o
narito po. Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na
suot. Gayunman ay lagi siyang nagsasaulo ng
leksiyon. At nang matuos niyang sa tatlo o apat
na paraan sa kanyang klase ay may 40 lamang
ang nagtatanong di na sumama ang loob niya.
Nang magsulit, natugon niya ang tanong sa
kanya at ang marka niya para sa unang taon ay
aprovado. Ang siyam niyang kasamahan sa
pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.
Ikatlong taon. Naisipan ng professor na
Dominiko ang pagtanong kay Basilio na
akala niya’y tanga upang magpatawa sa
klase. Natugon ni Basilio ang tanong. Parang
loro siya sa pagsagot. Noo’y di na tinanong si
Basilio. Bakit pa tatanugin ito’y di naman
nakapag-papatawa sa klase? Nawalan ng
sigla sa pag-aaral si Basilio. Nguni’t isang
professor niya ang nasiyahang tumanggap
ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan
at nagyakag ng mga estudyante niya na
inilaban niya sa mga kadete sable laban sa
baston. Namayani si Basilio sa labanan.
Nakilala ng professor. Nang magtapos:
sobresaliente at may mga medalya pa.
Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula
nang magmongha si Maria Clara.
Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal.
Malaki ang natutuhan ni Basilio. Nagsulit
siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya
ng kanyang mga profesor. Nakasulit siya
at kumuha ng medisina.
Pagkatapos, naging matiyaga at
masigasig sa pag-aaral si Basilio. Kaya di
pa man nakakatapos ay nakapanggamot
na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni
Basilio. Pagkatapos niya’y pakaksal na
sila ni Huli.
Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula
nang magmongha si Maria Clara.
Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal.
Malaki ang natutuhan ni Basilio.
Nagsulit siya sa pagkabatsilyer.
Ipinagmalaki siya ng kanyang mga
profesor. Nakasulit siya at kumuha ng
medisina. Pagkatapos, naging matiyaga
at masigasig sa pag-aaral si Basilio.
Kaya di pa man nakakatapos ay
nakapanggamot na siya. At huling taon
na ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos
niya’y pakaksal na sila ni Huli.
Mga Tulong Sa Pag-aaral
1. Totong malaki ang bilang ng mga
mag-aaral sa klase noong panahon
nina Rizal – 300 hanggang 400 sa
isang klase. Paano magiging mabisa
ang pagtuturo?
2. Dito’y inilarawan ni Rizal ang higt na
kaunlaran ng mga Hesuwita sa Ateneo
kaysa mga Dominiko na siyang halos
namamahala sa pagtuturo sa Pilipinas.
Mga Tanong
1. Bakit kailangang palihim pa ang pagtungo ni
Basilio sa gubat na ari ni Kap. Tiyago?

Sagot:
Ayaw na niyang maungkat nino man ang
kanyang kahapon. Siya’y pinaghahanap
pa rin ng bats sa likod ng may 13 taon
nang nakakalipas. (Alalahaning buhay
pa si Padre Salvi na bahagi ng
pamahalaan).
2. Ano ang kapuna-na sa pagkakapagaling ni
Basilio sa ketonging nilimusan ni Maria Clara
ng isang agnos na mamahalin?
Sagot:
Kahit nitong mga panahon ito ay may ilan pang
naniniwala na ang ketong ay nakakahawa at di
napapagaling. Sa sandaling magkaketong ang iasng tao
siya ay ibinibilang nang patay nabubuhay na patay
walang pag-asa at kadalasa’y pinatitira sa mga
malalayong kabundukan upang hindi makahawa. Lalo pa
noong panahon nina Rizal. Maalaala na ang ketonging ito
na nilimusan ni Maria Clara ng agnos ay sumagip ng isang
bata na nalulunod sa knal. Sa halip na pasalamatan ay
pinagpapalo at pinarusahan. Mabuti pa raw nalunod na
ang bata kaysa mahawa. Nguni’t noon pa man ay
naniwala na si Rizal na ang ketong ay mapapagaling.
Kung totoong may katibayan si Rizal sa mga
pangyayaring inilarawan niya sa Noli at Fili isang
estudyante lamang nguni’t masigasig at palaaral na tulad
ni Basilio ay nakapagpagaling ng isang ketongin.
Kabanata VII-Si Simoun
Buod

Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga
yabag at liwanag na palapit. Nangubli siyan sa puno
ng baliti. Sa kabila ng puno tumigil ang dumating.
Nakilala ito ni Basilio-ang mag-aalahas nang mag-alis
ito ng salamin. Nangsimulang maghukay si Simoun sa
tulong ng isang asarol. Naalaala si Basilio. Ito ang
taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa
pagsunog sa isa pang lalaking doon namatay. Nag-isip
si Basilio. Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o
ang buhay na nagbubuhay Simoun- ang si Ibarra?
Napakita na kay Simoun si Basilio at nag handog ng
pagtulong bilang ganti sa tulong na ipanagkaloob nito
nam ay 13 ton na ang nakalilipas. Tinitutukan ni
Simoun ng baril si Basilio. Sino ako sa palagay mo?
tanong ng mag-aalahas. Tugon ni Basilio.
Kayo po’y isang taong mahal sa akin, kayo’y
ipinalalagay ng lahat, matangi sa akin, na
patay na at ang mga kasawian sa buhay ay
madalas kong ikinalulungkot. Lumapit si
Simoun sa binata. Aniya: Basilio, ika’y
naghahawak ng isang lihim na maaring
magpangayaya sa akin, at ngayo’y natuklasan
mo pa ang isa na kung mabubunyag ay
ikasisira ng aking mga balak. At sinabi ni
Simoun na dapat ay patayin na niya si Basilio
upang iligtas ang kanyang layunin.
“Gayunman, hindi ko marahil pagsisihan na
ika’y di ko patayin. Gaya ko rin ay may dapat
kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay
uhaw sa katarungan Dapat tayong
magtulungan.
At inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Isinalaysay
nito ang pagkakapaglibot sa buong daigdig upang
magpakayaman. Nagbalik upang ibagsak ang
pamahalaang marumi sukdang ipagdanak ng dugo. Siya
raw ay sadyang nagpapalala sa pag-iimbot at
pagmamalabis ng taong pamahalaan at simbahan
upang gisingin ang damdamin ng bayan sa
paghihimagsik.
Nguni’t sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan
na nagbabalak magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila
at humihinging gawing lalawigan ng Espanya ang
pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga
Kastila at Pilipino. Ito raw ay magbibigay daan sa
Pilipinas sa pagiging bayang walang sariling
pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay
hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika. Ibig raw
nina Basilio na matulad ang Pilipinas sa mga bansang
magugulo sa Timog Amerika (South Amerika).
Ayon kay Basilio ang kastila ay isang wikang
magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas.
Ito’y pinabulaan ni Simoun. Anya: Ang kastila
kailanman ay di magiging wikang
pangkalahatan sa bayang ito ; sapagka’t sa mga
kulubot ng kanyang isip at sa pintig ng kanyang
puso ay wala ang mga akmang pananalita sa
wikang iyan. Iilan lamang daw ang
nakapagsasalita ng Kastila. At ang iilang ito ay
mawawalan ng sariling
kakayahan, magpapailalim sa ibang
utak, paaalipin. Tinuligsa ni Simoun ang mga
pangkat na naghahangad luminang sa wikang
Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat
sa sarili nilang wika. Tinuligsa rin niya ang mga
nagpapanggap na di sila maalam magsalita at
umunawa ng sariling wika.
Mabuti, ani Simoun, at hangal ang pamahalaang
Kastila na ayaw magpaturo ng wika nito sa mga
nasasakupang di tulad ng Rusya at Alemanya. Ani
Simoun: Kayo’y nakalilimot na habang ang isang
bayan ay may sariling wika, napananatili rin nito ang
kanyang paglaya. Ang wika ay isang pag-iisip ng
bayan .
Inihimutok ni Simoun na ang kilusan ng kabataan sa
pagpapaturo ng Kastila ay ipinagdurusa ng kanyang
loob. Naniniwala siyang matapat sa kabataang ito ang
paniniwala na sa kapakanan ng bayan ang kanilang
ginagawa. Ninais niyang kausapin sina Isagani at
Macaraeg. Nguni’t baka di siya pakinggan ng mga ito.
Naisip rin niyang pagpapatayin ang mga ito.
Nagpatuloy si Simoun ukol sa kilusang ibinunsod ng
kabataan Bukod sa isang pag-aaksaya ng panahon ay
nilinlang ninyo ang bayan sa pag-asa sa wala at
tinutulungan ninyong magyuko ng ulo sa mga
mapangamkam.
Ayaw silang matulad kayo sa mga Kastila?
Napakabuti! Paunlarin ninyo ang katutubong ugali.
Ayaw kayong bigyan ng kinatawan sa Kortes? Mabuti.
Ano ang magagawa ng isang tinig sa karamihan?
Habang nagmamaramot sila sa pagbibigay ng
karapatan sa inyo lalong malaki ang matatamo ninyo
pagkatapos upang ibagsak sila at gantihan ng sama
ang sama. Ayaw ituro sa inyo ang kanilang
wika, paunlarin ang isang katutubong wikain nang
mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga
layuning pambansa. Huwag hayaang magpalagay ang
Kastila na sila ang panginoon dito at sila’y bahagi ng
bayang ito kundi manlulupig at dayuhan. Sa gayo’y
matatamo ninyo ang paglaya. Iyan ang dahilan at
binayaan ko kayong mabuhay!
Nakahinga si Basilio. Aniya’y di siya pulitiko. Lumagda
siya sa kahilingan ukol sa paaralan dahil inaakala
niyang iyo’y mabuti. Sa panggagamot daw siya
nakaukol.
Sa kasalukukuyang kalagayan daw ay di
makapanggagamot nang mahusay si Basilio ayon kay
Simoun. Ang sakit ng bayan ay siyang higit
nangangailangan ng kagamutan. Walang halaga ang
buhay na di nauukol sa isang layuning dakila, parang
isang bato sa linang sa halip maging sangkap sa isang
gusali.
Ani Basilio pinili niya ang siyensiya para
makapaglingkod sa bayan. Nauwi sa kadakilaan ng
karunungan ang pag-uusap. Ang karunungan ay
panghabangpanahon, makatao at pandaigdig. Sa loob
ng ilang daantaon, kapag ang sangkatauhan ay
tumalino na, kung wala nang lahi-lahi, lahat ng bayan
ay malaya at wala nang mang-aalipin at
napaaalipin, iisa na ang katarungan at lahat ng tao’y
mamamayan na ng daigdig at ang tanging layunin ng
tao ay pagkakamit ng karunungan, ang salitang
kagitingan at pag-ibig sa bayan ituturing na
panatisismo o kabaliwan at ikabibilanggo ng
nagsasabibig nito.
Upang makaabot daw sa kalagayang sinabi ni Basilio
ang daigdig kailangan munang lumaya ang mga tao at
ito ay nangangailangan namang pagpapadanak ng
dugo upang ang mga sinisikil ay makalaya sa
mapaniil. Pangarap lamang daw ang kay Basilio. Ang
kadakilaan ng tao ay di magagawa sa pagpapauna sa
kanyang panahon kundi nasa pagtugon sa kanyang
pangangailangan at hangarin sa pag-unlad.
Napuna ni Simoun na hindi naantig ang kalooban ni
Basilio. Inulos niya ng tuya si Basilio. Sinabi ni
Simoun na walang ginagawa si Basilio kundi tangisan
ang bangkay ng ina na parang babae. Paano ako
makapaghihiganti? tanong ni Basilio. Ako’y dudurugin
lamang nila. Sinabi ni Simoun na tutulungan siya.
Hindi na raw bubuhayin ng paghihiganti ang ina o
kapatid niya, tugon si Basilio. Ano ang mapapala ko
kung sila’y ipaghihiganti? .
Makatulong sa iba nang di magdanas ng gayon ding
kasawian, tugon ni Basilio. Ang pagpapaumanhin ay di
laging kabaitan, ito’y kasalanan kung nagbibigaay-daan
sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang
paaalipin. At ipinaalaala ni Simoun na sa pag-aaral ni
Basilio ay maaaring danasin nito ang dinanas ni Ibarra.
Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi ay siya pa ang
kamumuhian. Likas sa tao ang mamuhi sa kanyang
inaapi, ani Simoun. Nguni’t di ko sila pinakikialaman;
pabayaan nila akong makagawa at mabuhay. Tugon ni
Basilio na sinundan ni Simoun ng:
At magkaanak ng mababait na alipin Ang mga
damdaming mabuti o masama ay namamana ng anak.
Kayo ay walang hangad kundi isang munting
tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang
dakot na bigas; at iyan ang mithiin ng marami sa
Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa inyo, ituturing
ninyong kayo’y mapalad na.
Magmamadaling araw na. Matapos sabihing di
niya pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag
ng kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan
si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanyang
tanggapan sa Escolta. Nagpasalamat si Basilio.
Naiwan si Simoun na nag-iisip: Di kaya niya
napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak
itong maghiganti nguni’t naglilihim lamang at
nais sarilinin iyon o sadyang wala nang hangad
maghiganti. Lalong nagtumining sa loob ni
Simoun ang matinding nasa na makapaghiganti.
Mga Tulong Sa Pag-aaral

1. Matatanto sa pag-aakala ni Basilio na ang Kastila ay wikang
siyang mag-uugnay sa mga Pilipinong may iba’t ibang wikain na isa
si Rizal sa mga unang nag-isip sa pangangailangan natin ng isang
pambansang wika.
2. Si Ibarra kailanma’y di nakita ni Basilio kundi nang dumating ito
sa gubat at makatulong niya sa paglilibing sa kanyang ina. Nang
dumating si Ibarra. Di pa nakikita ito ni Basilio, ay nangyari na ang
pagtatago niya sa mga guwardiya sibil. Katapusan ng Oktubre nang
dumating si Ibarra sa Pilipinas mula sa Europa. Ika-23 ng Disyembre
nang maganap ang habulan sa lawa. Dalawang buwang maysakit si
Basilio sa gubat sa pagkakandili nina Tandang Selo. Bisperas ng
Pasko nang maisipan niyang hanapin ang ina at sila’y magkita ni
Ibarra sa unang pagkakataon. Nang magkita sila uli ay sa bahay na
ni Kap. Tiyago nguni’t si Ibarra ay nagbabalatkayo nang isang
Simoun at di nakilala ni Basilio. (Si Basilio ay kilala ni Simoun).
Palagi si Simoun kina Kap . Tiyago sa pagkukunwaring isang ganid
na nag-aabang ng mamamana sa maysakit na Kapitan nguni’t sa
totoo’y upang makasagap ng balita ukol kay Maria Clara.
3. Tatlo ang pinag-aalayan ni Simoun ng kanyang paghihiganti
a) Si Don Rafael
b) Si Maria Clara
c) Si Elias-pawang mga sinawing-palad ng lipunang nais niyang
iwasak.
Mga Tanong
1. Si Elias at Ibarra ay kapwa di kilala ni Basilio noong siya
ay isa pa lang sakristan. Paano natiyak ni Basilio na si
Simoun ay si Ibarra nang makita sila sa gubat makaraan
ang labimpitong-taon?
Sagot:
Si Basilio ay matalino at pinag-ugnay niya ang mga
pangyayari:
a. Bago namatay ang sugatang lalaki ay nagbilin sa kanya
na kung walang darating sa gubat na iyon ay ariin niya ang
kayamanang nakabaon sa puno ng balite. Ang dumating ay
isang mestiso na ngayo’y siyang humukay sa lugal na
pinagbaunan ng kayamanan.
b. Alam ni Basilio na mestiso ang anak ni Don Rafael; ang
namatay sa gubat ay kayumanggi.
c. May sugat na taglay ang lalaking namatay. Noon ay
nabalitang napatay sa lawa si Ibarra. Nguni’t ang mestiso
ay walang sugat. Samakatuwid, iyong kayumanggi ang
hinabol at pinagbabaril sa lawa, hindi ang mestisong si
Ibarra.
2. Bakit di hinukay ni Basilio ang kayamanan sa puno ng
balite gayong lagi siyang nasa libingan ng kanyang ina sa
loob ng 13 taon?
Sagot:

Bilin ni Elias na hukayin niya ang kayamanan at ariing
kanya kung walang darating na iba. May dumating-si
Ibarra. At nakalimutan na ito ni Basilio. Tangi sa
rito, malayo nang kaunti sa puno ng balite ang libing ni Sisa
at gabi kung magtungo roon nang palihim si Basilio.
3. Bakit ibinaon ni Ibarra si Sisa nguni’t sinigan ang
bangkay ni Elias?
Sagot:
Ibig ni Basilio na maibaon ang ina. Bilin naman ni Elias na
sunugin ang kanyang bangkay.
Kabanata VIII: Maligayang Pasko

Buod
Hindi naghimala ang birhen. Di
nagbigay ng karagdagang salaping
kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa
pagpapaupa kay Hermana
Penchang. (Iyon ay araw ng
Pasko). Sa sama ng loob ay napipi
si Tandang Selo.
Mga Tanong at Sagot
1. Papaano makatulong ng malaki ang mga prayle sa
matagal na pagkakaalipin ng Pilipinas?
Tugon
Itinuturo ng mga kura na isa sa mga mabtuing
katangian ng mga Katoliko ay ang pagtitis at pg-asa
sa mga milagro ng Santo (o ng lilok ng larawan). Si
Huli halimbawa, ay umaasa o nagbabasakali sa
pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Ngunit ng di
matupad ito, natuto siyang magtiis at inihanap ng
katwiran ang kanyang kasawian.
2. Bakit sa halip na hintayin ng mga bata na may tuwa
ang araw ng pasko ay kinatatakutan pa nga nila ito?

Tugon
a) maaga silang ginigising para magsimba;
b) binibihisan sila ng mga magagara (ayaw ng mga bata ng
matitigas na damit dahi lsa almirol at mga bagong sapatos na
masakit sa paa);
k) isinisimba sila sa misa mayor na matagal;
d) pinaluluhod sila sa lahat ng kamag-anakan upang humalik
sa kamay.
KABANATA IX: Ang mga Pilato
Buod
Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo
at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng
matanda.
Ang alperes o tenyente ng guardia sibil? Ano raw ang
kasalanan niya? Kaya lamang daw niya sinamsam ang
mga sandata ay utos sa kanya iyon, hindi upang
bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang
madukot si Kabesang Tales. At di raw niya kasalanan
kung di man matagpuan si Kabesang Tales.
Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni
Kabesang Tales? Paano raw niya isusuplong ang
pagdadala ni Kabesang Tales ng armas e kung tingnan
siya’y parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa
kanya. Kung namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay
ay di sana nadukot ng mga tulisan.
Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli?
Ang may sala raw ay si Tandang Selo na rin na may
kasalanan dahil di marunong magdasal at di nagturo
ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng
ginagawa niya ngayon kay Huli na tinuturuan niya
ng dasal at pinababasa niya ng aklat na. Tandang
Basyong Makunat. Nang mabalitaang tutubusin ni
Basilio ang kasintahan ay nagsabing si Basilio ay
isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig
magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.
Nakauwi si Kabesang Tales sa tulong ng salaping
napagbilhan ng mga alahas ni Huli at nautang ng
dalaga kay Hermana Penchang. Nabatid niyang
iba na ang gumagawa ng kanyang
lupa, nagpaupang utusan si Huli, pipi ang amang
si Tangdang Selo, at pinaalis siya sa kanyang
bahay, sa atas ng hukuman at sa katuwaan ng
mga kura at gugmawa ng lupa. Si Kabesang
Tales ay naupo sa isang tabi at nanatiling walang
kibo.
Mga Tanong at Sagot
1. Ano ang nilalaman ng Tandang Basyong Makunat? na
isinulat ng isang prayle.
Tugon :
Ito’y kuwento ng isang mag-anak ni Tandang Basyong
Makunat na nagpaaral ng anak na lalaki na naging suwail
kaya’t ang payo sa aklat ay huwah magpapaaral ng anak na
lalaki sapagkat pag ang lalaki raw ay nawalay sa kanyang
kalabaw ay kinukubabawan na ito ng demonyo. Ito’y
naglalayon na huwag matuto ang mga Pilipino, manatiling
mga mangmang na magsasaka at nang patuloy silang
mapagsamantalahan ng mga prayle. Ang anak na dalaga
naman ay pinapayuhang laging pasasakumbento ano mang
oras upang mangumpisal kura at ang mga magulang na di
susunod dito ay tutungo sa impiyerno.
2. Ano ang kaugnayan ng pamagat na Mga Pilato sa laman ng
kabanata?
Tugon:
Si Pilato ay siyang naggawad ng hatol na si Kristo ipako sa krus gayong
batid niyang walang kasalanan si Hesus. Sinunod niya ang hiling ng mga
tao nasulsulan ng mga tauhan ng tulisang si Barabas. Pagkatapos ay
naghugas siya kamay at sinabing wala siyang kasalanan.
Ito rin ang katwiran ng iba-ang gumagawa ng lupa ang kura
Clemente, si Hermana Penchang ng nagsamantala sa katangahan at
kawalang-kaya ng isang dalaga upang gawin itong busabos sa araw pa
naman ng pagsilang ng Panginoon, siya pa namang isang manang na
manang at katolikong-katoliko. Silang lahat ay may kasalanan ngunit
nagsabing wala.
KABANATA X: Kayamanan at Karalitaan

Buod
Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Ito’y nasa
pagitan ng San Diego at Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales
ngunit dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan
at dalawang kaban ng mga alahas.
Ipinagmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales.
Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang
anak na si Sinang at asawa nito, Si Hermana Penchang mamimili
ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo.
Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas
na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan.
Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisisp
niyang parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya
ni Simoun, nilalait ang kanyang kapahamakan. Sa bisperas pa
naman ng araw ng kanyang pag-alis sa bahay niyang iyon isa
lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng iyon ay sapat nang
pantubos kay Huli at makapagbigay ng kapanatagan sa
matanda na niyang ama. Wala namimili isa man sa mga
nagsitawad sa mga luma ang makasaysayang alahas ni Simoun.
Inilibas ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina
Sinang at iba pa. Siya raw ay namimili rin ng alahas, ani si
Simoun. Tinanong si Kabesang Tales kung may may ipabibili.
Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas. Tinawaran agad ni
Simoun ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang
nagmongha. Limandaang piso. O ipagpalit ng Kabesa sa alin
mang hiyas na maibigan niya. Nag-isip si Kabesang Tales. Ani
Hermana Penchang ay di dapat ipagbili iyon dahil minabuti pa
ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isinangguni raw muna ni
Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Tumango si Simoun.
Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang
prayle at ang bagong gumagawa ng lupa. Nangagtawanan pa iyon ng
makita si Kabesang Tales. Tulad niya ay isang lalaking nakita ang
kanyang asawa na kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid at
nangagtatatwanang inaglahi ang kanyang pagkalalaki. Bumalik ng bahay
si kabesang Tales. Sinabi kay Simoun na di niya nakausap ang anak.
Kinabukasan, wala si Kabesang Tales. Gayundin ang rebolber ng magaalahas-wala sa kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni
Maria Clara. Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakahuha
ng baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mgas tulisan.
Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat pagnahulog
ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito. Ani
Simoun-sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking kailangan: Pangahas
ngunit mabuti nga ito-marunong tumupad sa mga pangko.
Dinakip ng mg a guwardiya sibil si Tandang Selo. Natutuwa si Simoun.
Tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon. Ang prayle, ang
lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ay nagkaroon ng
madugong pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa
tabi ng bangkay ng babae ay may papel na kinasusulatan ng Tales na
isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.
Mga Tanong at Sagot
1. Bakit kina Kabesang Tales nanuluyan si Simoun?

Tugon:
Ayon sa sabi ng mag-aalahas, iyon ang
pinakamaliki at pinakamasinop na bahay sa pook
na iyon. Ang tunay na layunin ni Simoun ay
makilala nang lubusan si Kabesang Tales na sa
balita niya sa mga nangyari rito ay maaaring isang
taong akma para sa balak niyang maghiganting
paghihimagsik.
2. Bakit natuwa si Simoun sa ginawa ni Kabesang Tales
ng pagkuha ng kanyang baril?

Tugon :
Nakilala niya ang pagkalalaki ang pagkamaginoo ni
Kabesang Tales. Ipinalit pa sa rebolber ang agnos na
ayaw sanang pakialaman dahil walang pahintulot
ang anak. Nakita niya sa kabesa ang isang taong
hinog ang dibdib sa init ng kanyang paghihiganti. Ito
ang kailangan niyang makasama sa kanyang
paghihimagsik.
3. Bakit natuwa pa si Simoun ng dakpin
ng mga guwardiya sibil si Tandang
Selo?

Tugon :
Lalong maglalatang ang galit ni Kabesang Tales at
lalong mapapadali ang paghimok niya rito upang
maghimagsik.
KABANATA XI: Los Baňos
Ang Kap. Heneral ay nangaso sa Bosoboso. May kasama siyang banda
ng musiko sapagka’t siya ang pangalawang patrono real ng Pilipinas o
kinatawan ng patrono real ng hari. Walang nabaril na ibon o usa ang
Kapitan heneral. Ibig na sanang pagbihisang- usa ang isang tao.
Mabuti na raw iyon sapagka’t maawain siya sa hayop. Ang totoo’y
natutuwa siya’t di makikita na di siya makatatama ng ibon o usang
babarilin. Nagbalik sila sa Los Banos.
Noo’y ika-31 ng Disyembre.
Naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los-Banos ang Kapitan
Heneral, si Padre Sibyla at Padre Irene. Galit na galit naman si Padre
Camorra. Hindi alam ng huli na kaya nagpapatalo ang dalawang kura
ay sapagka’t nais nilang makalamang sa isa sa pakikipag-usap sa
Kapitan ukol sa paaralan ng kastilang balak ng kabataan.
Samantalang nagsusugal ay pinag-aralan at pinasyahan ng Kapitan
ang mga papeles ng pamamahala na inisa-isa ng kalihim pagpapalit
ng tungkulin, pagbibigay ng biyaya, pagpapatapon at iba pa. Saka na
ang ukol sa paaralan ng kastila. Naroon si Don Custodio at isang
prayleng Dominiko- si Padre Fernandez.
Nagalit si Padre Camorra dahil sa isang sinadyang maling sugal
ni Padre Irene na ikinapanalo ng Kapitan. Punyales, si Kristo na
ang makipagsugal sa inyo! ani Padre Camorra at tumayo na.
Si Simoun ang pumalit kay Padre Camorra. Siya ay biniro ni
Padre Irene na kanyang itaya ang kanyang mga brilyante.
Pumayag si Simoun. Wala raw namang maitataya ang kura. Ani
Simoun: Ako’y babayaran ninyo ng pangako. Kayo Padre
Sibyla, sa bawat limang bilang ay mangangako na kayo’y di
kikilala sa karalitaan, kababaang loob, at pagsunod sa
kabutihang asal (magmamalabis siya sa maluhong pamumuhay
at paggugol, di siya magpapakita ng awa sa mga dukha, at di
siya susunod sa mga tuntunin ng kabutihang asal.); at
kayo, Padre Irene, sasabihin lamang ninyo na lilimutin ninyo ang
kalinisang ugali, ang awa sa kapuwa, at iba pa. Sa maliit na
hinihingi ko’y kapalit ang aking mga brilyante. At ito (tinapik pa
ang Kapitan Heneral), sa limang bilang ay isang vale na limang
araw sa piitan (karapatan ni Simoun na mapabilanggo sa isang
tao nang limang araw); isang pag-papapiit sa limang buwan;
isang utos na pagpapatapon na walang nakasulat na pangalan;
karapatan sa isang madaliang utos na pagpapabaril sa iasng
taong pipiliin ko at iba pa.
Mga Tulong sa Pag-aaral
1. Ang pagtuturo noon ay nasa kamay halos ng mga Dominiko.
Magkagalit ang mga Dominiko at ang Hesuwita.
2. Si Padre Sibyla ay isang rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas
at tutol ang mga Dominiko sa balak na paaralan. Si Padre Irene
naman ay siyang inupahan ng kabataan na maging
tagapagtanggol o tagatangkilik ng balak.
1. Bakit nagagalit si Padre Camorra sa
pakikipagsugal sa dalawang kura at sa heneral?

Tugon:
Di niya batid na sadyang nagpapatalo ang dalawang pari upang
ilagay sa pagiging masaya ang heneral sa pananalo nito para
maging madali ang kanilang pagkuha sa kalooban ng heneral ukol
sa usapin ng paaralan ng kabataan.
2. Bakit sa lawa ipinamangka ni Simoun ang kanyang mga
alahas na dala ng utusan samantalang siya, dala pa ang
higit na mga mamahaling alahas ay sa pampang nagdaan?

Tugon:
Balak niyang talaga na makipagkita sa mga tulisan.
Buo ang kanyang pananalig na kung ang mga
tulisan ay tulad ni kabesang Tales ay mga maginoo
ito at kaya niyang kausapin ng marangalan. Di niya
ikinatakot ang kanyang mga alahas sapagkat alin sa
dalawa : dinala niya iyon upang ang ilan ay
ipagkaloob sa puno ng pangkat o upang gawing
katunayan ng kanyang pagtitiwala sa mga tulisan
tulad ng mag-isa niyang pagkakalakbay.
3. Anong institusyon sa Pilipinas ang napag-ukulan
ni Rizal na patawang pamumuna nguni’t dapat na
matalim na pag-iwa sa damdamin ng mga Pilipino?
Totoo pa ba ito ngayon?
Tugon

Ang sabong… Samantalang ang mga sabungan noon ay
magagara’t malalaki, ang paaralan ay nasa kahabag-habag
na kalagayan. Kahit sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang
nakapagsasabong at nakapupusta ng malaki nguni’t ang
pagpapaaral at pagdadamit sa mga anak, ang pagkumpuni
sa sariling tahanan, at iba pa ay di mahirap. Kung minsa’y
maganda pa ang kulungan ng sasabungin kaysa bahay nila.
Sa mga sabungero, una muna ang bisyo bago ang sandang
pangangailangan.
KABANATA XII:

Placido Penitente

Buod
Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido
Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng
nasabi na niya sa 2 sulat niya sa ina. Pinakiusapan nga lamang
siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.Nasa
ikaapat na taon na siya.
Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay
palaisipan sa kanyang mga kababayang taga Tanawan. Siya ang
pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon.
Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang
pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong
Makunat, masalapi.
Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes
(dating Sto.Domingo) at siya’y tapikin ni Juanito Palaez sa
balikat. Si Palaez ay mapaghangin at paborito ng mga guro.
Anak ng mestisong Kastila. Mayaman. May pagkakuba.
Mga Tulong sa Pag-aaral
1. Ang Unibersidad ng Santo. Tomas noong panahon ng kastila ay
nasa Intramuros (Walled City) sa malapit sa kolehiyo ng San Juan de
Letran sa ngayon. Panahon na ng mga Amerikano nang ang UST ay
ilipat na sa Espanya, Maynila. Lahat halos ng paaralan noon ay nasa
Intramuros-Letran at Ateneo.
2. Mga pagkakakilanlan sa mga estudyante na nag-aaral sa tatlong
kolehiyo noon.
Ateneo
Nangakadamit Europeo (Amerikana), mabilis lumakad, maraming
dalang aklat at kuwaderno.
Letran
Nakadamit-Pilipino, lalong marami, di gaanong paladala ng aklat.
UST
Malinis manamit maayos, makisig at sa halip na aklat ay baston ang
dala.
Paaralang Normal
Mga tahimik , makukulay ang damit, sinusundan ng mga
utusan, walang biruan at mapagdala ng aklat.
3. Katatapos noon ng bakasyong para-Pasko kaya bagong balik sa
paaralan ang mga estudyante.
Mga Tanong at Sagot
1. Bakit nais nang tumigil ni Placido sa pag-aaral?

Tugon
Apat na taon nang siya’y nag-aaral ngunit di pa
siya nakikilala at napapansin ng mga guro gayong
lagi siyang nag-aaral ng leksyon. Hindi sana
gaanong masakit sa kanya kung siya’y walang
hangad kundiang pumasa. Ngunit siya’y
matalino, ibig niyang matuto. Siya ang idolo sa
katalinuhan sa kanilang bayan.
2. Ano ang kahulugan ng pangalang Placido
Penitente?

Tugon
Placido: Kalmante o mapayapa at penitente ay
nagdurusa.
3. Anu-ano ang puna ni Rizal sa pag-aaral ng
karaniwang kabataan noon?

Tugon
Karamihan noo’y walang natutuhan dahil:
a. Liban sa Ateneo, ang mga estudyante ay di nagdadala
ng aklat, lalo na sa UST.
b. Napakalalaki ng bilang ng mga estudyante.
k. May mahabang pagpapalagay ang mga guro sa
estudyante.
d. Madalas ang araw na walang pasok.
KABANATA XIII: Ang Klase sa Pisika
Buod
Isang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay parang
hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa
isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang
pisarang may nakasulat na Viva! na naroon mula pa nang unang
araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti ano man ang
mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa pisika nguni’t ito
ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin
man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng
Santisimo ng Pare. Iyon ay ipinakikita lamang sa mga dayuhan
upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang UST sa ibang bansa
sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga
Pilipino ay dahil katutubo ang walang-katalinuhan.
Ang guro, si Padre Millon ay isang batang Dominikong napabantog
sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Iyon ang una
niyang pagtuturo ng pisika.
Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang ponograpo itong
tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin, bahagi
nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante.
Pinilosopiya ang musika. Kung kalaing, metal at bubog daw ang
salamin ano raw uri ang kahoy na may makintab na barnis o marmol
na binuling maigi? Di tinugon ng estudyante ang tanong.
Ipinagpatuloy ang isinaulong aralin na parang plakang natigil at
muling pinaandar sa ponograpo. Pinatigil uli ang estudyante, muling
tinanong sa sampay bakod na kastila.
Binulungan ito ni Pelaez. Mali ang idinikta. Sinunod nito. Natawa pati
ang guro matapos insultuhin ang estudyante. Binigyan uli ng tanong
sa bahagi ng salamin. Kung ano ang ibabaw ay siyang salamin, bale
wala ang harapan; ang mahalaga’y ang nasa likuran. Di ba? Nalito ang
estudyante. Lahat ay sumesenyas na sumang-ayon na siya at
nadiktahan siya ni Pelaez nang Concedo, Padre, (sang-ayon Padre).
Iyon ang itinugon ng estudyante.
Tanong uli ng prayle: Kung katkatin ang asoge sa likod at palitan ng
bibingka, ano mayroon?
Mga Tulong sa Pag-aaral
1. Si Padre Millon:
a. Tapos sa pilosopiya at teolohiya at mahilig sa metapisika (mga
teorya) ay nagturo ng kimika at pisika, magkaslungat na mga
asignatura.
b. Pasulyap sulyap lamang sa mga aklat ng kimika at pisika (A little
knowledge is a dangerous thing) na karamihan ay di pinanaligan at
kalabas labas ay magtuturo ng mga asignaturang ito sa paraan ng
pilosopiya. (Siya’y di pa makapaniwala na ang mundo ay bilog at
ito’y umiinog at umiikot sa araw.)
k. May paglahi sa itinituro at tinuturuan mga makamandag na
kasarian ng isang guro.
d. Siya lamang ang nagtatanong at ayaw magtanong. (Ikinatutuwa
ang katangahan ng tinuturuan at kinaiinis ang tamang pagtugon sa
kanyang mga tanong.)
e. Ipinasasaulo nang walang labis at walang kulang ang mga aralin
di ipinaliliwanag.
g. Nagtutungayaw at nagmumura ng istudyante.
1. Ano ang masasabi natin kay Placido, sa ugali niyang
inilalarawan sa kabanata?
Tugon:
Siya’y naglalarawan sa karaniwang Pillipino.
Mapagtimpi tayo’t mapayapa. Hangga’t maaari’y
nagtitiis tayo lamang sa gulo. Nguni’t kung tayo’y
napapasubo na, marunong din tayong sumbog na
parang bulkan.
2. Bakit sa pagtingin na lamang sa silid aralan sa
pisika ay masasabi kaagad na sadyang walang
matutunguhan ang mga estudyante?
Tugon:

Ang pisika ay di maituturo ng sa bibig lamang. Kailangan
ang mga larawan, kasangkapan at mga halimbawa’t
paliwanag sa pisara. Ni isang larawan ay wala sa buong silid.
Nakasusi ang mga kasangkapan. At mga pisara ay di
ginagamit. Doo’y may sumulat ng VIVA! (Mabuhay!) noong
unang araw ng pasukan. Enero na’y di pa nabubura.
Dapat, iyon ay magiging klase ng pilosopiya, di ng pisika.
KABANATA XIV: Sa Bahay ng mga Mag-aaral

Buod

Malaki ang bahay na tinitirahan ng estudyanteng si Makaraig.
Maluwag ang bahay na ito at puro binata ang nakatira na pawang
nangangasera. Iba-iba ang kanilang edad at pag-uugali.
Si Makaraig ay isang mayamang mag-aaral ng abogasya at pinuno
ng kilusan ukol sa isyu sa Akademya ng wikang kastila. Ang
pangunahing estudyante na sina Isagani, Sandoval, Pecson at
Pelaez ay inimbitahan ni Makaraig upang pag-usapan ang kanilang
pakay. Mananalig sina Isagani at Sandoval na pagbibigyan
hiling, samantalang nag-aalinlangan si Pecson. Si Sandoval ay
larawan ng mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa
mga Pilipino.
May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita nila
na si Padre Irene ay ang nagtatanggol sa kanila laban sa
mga sumalungat sa kanilang adhikain. Kailangan ng
grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataastaasang lipon ng paaralan sa kanilang panig. Dalawang
paraan ang kanilang naisipupang pumanig sa kanila si
Don Custodio, si G. Pasta isang manananggol at si Pepay
na isang mananayaw na matalik na kaibigan ni Don
Custodio. Napagkaisahan ng lahat na piliin ang
manananggol upang maging marangal ang
kapamaraanan.
May dalang magandang balita si Makaraig.
Ibinalita nila na si Padre Irene ay ang
nagtatanggol sa kanila laban sa mga
sumalungat sa kanilang adhikain. Kailangan
ng grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa
mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa
kanilang panig. Dalawang paraan ang kanilang
naisipupang pumanig sa kanila si Don
Custodio, si G. Pasta isang manananggol at si
Pepay na isang mananayaw na matalik na
kaibigan ni Don Custodio. Napagkaisahan ng
lahat na piliin ang manananggol upang
maging marangal ang kapamaraanan.
Mga Tanong at Sagot
1. Sino si Sandoval?
Sagot:
Isang empleyado at estudyanteng taga-Espanya na tinatapos
ang pag-aaral sa Maynila.
2. Anong uri ng tauhan ang inilarawan ni Rizal sa tauhang si Juanito
Pelaez?
Sagot:
Isang Pilipino na takot manindigan para sa bayan.

3. Anong ugali mayroon ang mga intsik na naging dahilan ng
kanilang tagumpay ayon sa inilarawan sa kwento?
Sagot:
Sila ay mapagkumbaba
Kabanata XV:

Si Ginoong Pasta

Buod
Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol.
Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay
mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling
sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil
nagpasiya ang abogado na huwag nakialam dahil maselan
ang usapan. Marami na siyang pag-aari kaya’t kailangang
kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni
Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa
katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito.
Mga Tanong at Sagot
1. Sino si Ginoong Pasta?
Sagot

Isang bantog na mananaggol ng Maynila.
2. Anong klaseng mamamayan ang inilarawan na Rizal sa pagkatao ni
G. Pasta?
Sagot
Siya ang sumasagisag sa mga Pilipinong nagnanais na manatiling sakop
ng mga Kastila ang Pilipinas.
3. Anong katauhan ang ipinahiwatig sa papel ni Isagani?
Sagot
Siya ay simbulo ng mga kaisipan na naglalaman ngmga idealismo ng
mga pangarap tungo sa pagkakaroon ng demokrasya at kalayaan.
Kabanata XVI: Ang Kasawian ng Isang Intsik
Buod
Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon ng
konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang hapunan.
Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang
mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng
pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki.
Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na siyam
na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na
bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papaya
gang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating.
Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay
unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gaagawan ng
pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga
mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga. Ang
pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong
ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa
mga sundalo.Sa pulutong ng mga pari, ay pinag-uusapan nila ay
tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na
pinamamahalaan ni Mr. Leeds.
Mga Tanong at Sagot
1. Bakit naghanda ng isang malaking hapunan si Quiroga?
Sagot
Siya ay naghahangad na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa
Pilipinas.
2. Bakit iginalang ni Quiroga si Simoun?
Sagot
Dahil sa pagiging malapit nito sa kapitan-Heneral.
3. Bakit nagkautang si Quiroga kay Simoun ng siyam na libong piso?
Sagot
Kumuha siya ng tatlong pulseras kay Simoun na ibinigay niya sa isang
babaeng kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki.
Kabanata XVII: Ang Perya sa Quiapo
Buod
Maganda ang gabi. Ang perya’y punong-puno ng panonoorin at
manonood. Ang 12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa kubol ni
Mr. Leeds. Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng magagandang
dalagang nakikita lalo na nang makasalubong si Paulita na kasama nina
Isagani at Donya Victorina. Punyales! Kailan pa ako magiging kura sa
Quaipo, anang makamundong prayle at kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si
Isagani nama’y inis sa bawa’t tumititig kay Paulita.
May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina
Padre Camorra. Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb.
Kahawig daw ni Padre Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyong
Prayle.
May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-gulanit
ang damit, nakalupasay at namimirinsa at namimirinsa ng lumang
damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip ng
larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa pamagat: la
Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas. Isa namang kuwadro
ay naglalarawan ng isang lalaking nakagapos ang mga kamay at
tinuturuan ng mga guwardiya sibil. Pamagat Ang Bayan na Akaba .
Pinagtawanan din nila ito.
May nakitang larawan na kahawig ni Simoun.
Hinanap nila ang mag-aalahas. Wala ito. Ayon kay
Padre Camorra’y natakot na baka pagbayarin nila
sa pagpasok sa paglabas ni Mr. Leeds. Ani Ben
Zayb naman: Baka natakot na matuklasan natin
ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds.
Makikita ninyo’t ang lahat ay sa salamin lamang.
Mga Tulong sa Pag-aaral
1. Ang perya ay hindi iisang tindahan ng mga laruan o
pabaril na tulad ng kasalukuyang gamit ng taguring
ito. Ito ay Fair o mga kubol ng siriko, mahika
(magic), mga tindahan ng laruan ,paninda mga ari, at
iba pa.
2. Tandaan uli ang pagkawala ni Simoun gayon siya ang
nagyaya sa panonood sa espinghe ni Mr. Leeds.
Mga Tanong at Sagot
1. Anong kalinangan Pilipino ang binigyan diin ni Rizal sa Kabanatang
ito?
Tugon
Ang palilok ng mga anyo o larawan. Isa itong talakay sa sining ng
paglilok ng mga Pilipino na pinuri ni Rizal.
2. Ano ang inilalarawan sa kathang La Filipina?
Tugon
Ang pamamahayag sa Pilipanas (state of Filipino press or journalism):
matanda (makaluma); pisak ang isang mata ( di katotohanan ang
pagbabalita at iyong lang ibig paksain ang pinapaksa ): marumi, at
lugami ang pamamahayag noon. Ang nakakatawa rito ay isa pa si Ben
Zayb sa nagtatawa sa larawan at wala siyang kamalay-malay na sila ang
inaatake sa larawang iyon lalo si Ben Zayb. ( Animo ito ng
pagkakapahintulot ng sensor sa pagpapalathala ng Florante at Laura ni
Balagtas na atake ng kumatha laban sa pamahalaan.)
Mas malinaw rito ang panunuligsa sa ikalawang larawan, ang bayan ng
Abaka. Inilalarawan dito na ang Pilipinas ay bayan ng abaka na ang
karaniwang gamit ay panggapos sa mga dinarakip ng guwardiya sibil.
Nguni’t ito man ay di nasakyan ng matatalino’t magagaling na pangkat
nina Ben Zayb.
Kabanata XVIII: Ang mga Kadayaan
Buod
Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya.
Bago nagsimula ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayk upang
Makita ang salamin sa kanyang inaasahang
matagpuan, ngunit wala siyang nakita.
Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong
kahoy sa kanyang pagbabalik. Ipinaliwanag niya na ito ay
natagpuan naiya sa isang libingang nasa-piramid ni
Khufu, isang Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo
at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa
pamamagitan ngpagbigkas ngunang salita ang abo ay
nabubuhay at nakakausapang isang ulo at pagbanggit ng
ikalawang salita ito ay babalik sa dating kinalalagyan nito.
Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang ulo
at sinsbi nitong siya si Imuthis. Siya ay umuwi sa sariling
bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay.
Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nabati niya ang isang
lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon
kundi si Gautama, isang magnanakaw ng kapangyarihan at
namamahala sa tulong ng pandaraya. Sa katakutang
isumbong siya kay Cambises ay binalak ang ikakasawi ni
Imuthus sa tulong ng mga saserdoteng Taga-Ehipto na
siyang nakapangyayari noon sa kanilang bayan. Siya
ayumibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito
ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at
siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at
napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang
gayong kataksilan. Titig na titig kay Padre Salvi ang espinghe
habang nagsasalita ito. Dahil sa takot hinimatay ang prayle.
Kinabukasan nagpalabas ng utos ang gobernador na
nagbabawal sa palabas ngunit wala na si Mr. Leeds, nagtungo
ito sa Hongkong dala ang kanyang lihim.
Mga Tanong at Sagot
1.Bakit hinimatay si Padre Salvi?
Sagot
Dahil sa takot sa tinawag na ulo.
2. Kanino inahalintulad ang buhay ni Imuthis?
Sagot
Kay Ibbara.
3. Ano ang ipinahihiwatig ng naging reaksyon ni Padre Salvi
pagkatapos ng salaysay ni Imuthis?
Sagot
Ito ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga prayle sa kanilang
kasamaan at pagpakasal.
Kabanata XIX: Ang Mitsa
Buod
Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating
mapagtimpi. Galit na galit siya. Nais niyang gumawa ng isang
libo`t isang paghihiganti. Parang ibinubulong ng kanyang budhi:
Placido Penitente, ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na
ikaw ay matapang at maginoo. Taga-Batangas ka na ang paglait
ay hinuhugasan ng dugo.
Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina Padre
Sibyla at Don Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa
ilog.
Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa pinto
ng basar ni Quiroga. Ibig pag-uundayan ng suntok. Nagpigil. May
naraanang dalawang kadete na nakikipag-usp sa isang kawani.
Sinagasa niya ito. Tumabi ang mga kadete. Inaalihan ng hamok si
Placido.
Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong mag-aral.
Aniya sa sarili. Hindi raw kami marunong maghiganti. Dumating
na sana ang lintik at nang makita nila
Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang
ina si Kabesang Andang. Kararating nito mula sa Batangas. Sinabi
ni Placido na di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap
sa anak. Nagpaalam si Placido sa ina. Ginala nito ang
Sibakong, Tundo, San Nicolas, Sto. Kristo. Mainit pa ang ulo.
Nguni`t nakaramdam ng gutom. Naisipang umuwi. Inakalang wala
na sa bahay ina`t nagtungo na sa kapitbahay upang
makipangginggi. Mali siya. Naroon pa ang ina. Naghihintay.
Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino
na iayos ang suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko. Ayaw ni
Placido. Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago
mag-aral na muli. Nagsermon uli ang ina ukol sa pagtitiis. Di na
kumain muna, muling umalis ang binata. Nagtungo sa daungan ng
mga bapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong, magpayaman at
kalabanin ang mga prayle.
Ginabi siya sa paggagala. Walang natagpuang kaibigan. Napatungo
siya sa perya. Nakita niya si Simoun. Sinabi niya dito ang nangyari
sa kanya at ang hangad niyang pasa- Hongkong. Napatulog siya sa
mag-aalaha.
Isinama ni Simoun si Placido sa kanyang karuwahe. Pag-karaan ng
pagtakbo ipinatigil ang sasakyan. Bumaba sina Simoun at Placido.
Nakita nina Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal.
Nainggit si Placido.
Mga Tulong sa Pag-aaral
1. Nakita ni Placido na kasama ni Padre Sibyla si Don
Custodio, na magpapasiya ukol sa balak na paaralan
ng kabataan.
2. Ang salita kayang Ingles na amok (huramentado) ay
galing sa hamok ng Malay?
3. Si Kabesang Andangay halimbawa ng isang
ignoranteng ina noong panahong iyon na kaya lamang
nagpapaaral ng anak ay sa pagkakagaya-gaya o
kaibigang mapagmalaki bilang ina ng isang nakapag-aral
at nagkatitulo. Kung alam niya na ang ibubunga ng pagaaral ni Placido ay bilangguan o bibitayan, na siyang tiyak
na ibubunga ng masikhay at matining na pag-aaral noon
ay papag-aralin pa kaya niya ito?
4. Ang paghihimagsik ni Simoun ay magsisimula sa mga arabal
(kanugnog-pook ng Maynila o suburbs na noon ay mabigat pa
tulad ng Balintawak, Sta Mesa. Makati, La Loma at atbp.) na
binubuo ng :
A. Pangkat ng mamamayang naaaping ibig maghiganti;
B. Pangkat ng mga tulisang tulad ni Kabesang Tales ay naging
gayon sa udyok ng paghanap ng katarungang di naging kanila sa
pamahalaan;
K. Mga kawal na kanyang pinaniwalaang ibig ng Kapitang Heneral
na manggulo sila sa mga sibil at sa mga prayle upang magkaroon
ng dahilan ang heneral na magtagal pa sa Pilipinas;
D. Mga manong na pinaniwala niyang sasalakay sa kumbento ang
mga kawal at sibil.
Dahil dito, ang mga sibil at mga manong ay makakalaban ng mga
kawal na may mga pagkakautang kay Simoun at ang mga tulisan
kakampi ni Simoun, at ang mga mamamayang sasapi sa kanya ay
malayang makalulusob sa Maynila (Intramuros ngayon) at
maluwag niyang makukuha ang siyudad na walang magtatanggol.
Mga Tanong at Sagot
1. Bakit nasabi ni Placido na wala na siyang pagkakataong
mag-aral?
Tugon:
Iisa ang unibersidad noon para sa karera ang unibersidad ng
Sto. Tomas. Ayaw na siyang tangapin doon.
2. Bakit umanib kay Simoun sa balak niyang paghihimagsik ang
Kastilang may rayuma?
Tugon:
Ito’y nagkaasawa ng maganda. Pinagnasaan ng mga prayle ang
babae. Para maiwasan ang ganti ng Intsik, ito ay ginawan ng
lalang ng mga prayle upang mapabilanggo hanggang
magkaramdam. Ibig ng Kastila na makapaghiganti.
3. Bakit napaaga ang pagbubunsod sa himagsikang binalak ni
Simoun?
Tugon:
Dahil kay Maria Clara na ayon sa balitang tinanggap ni Simoun
ay nasa bingit na halos ng kamatayan.
4. Sa anong ibon inihalintulad ni Simoun si Maria Clara?
Tugon:
Sa Fenix (Phoenix). Iisa lang ang ibong ito. (Tulad ni Maria
Clara na iisang babae sa buhay ni Ibarra.) nabubuhay ito mula
sa 500 hangggang 12,954 taon. Pagkatapos ay sinusunog nito
ang sarili sa sariling pugad at ang abo nito’y nagiging bagong
Fenix. Kung makuha na ni Simoun si Maria Clara sa mga kuko
ng bulag na paniniwala, bibigyan niya ng bagong buhay ang
mongha. Ani simoun patungkol kay Maria Clara: Isang
paghihimagsik ang naglayo sa akin at sa iyo; isa ring
pagbangon ang magsasauli sa akin sa iyo.
5. Ano ang mitsa ng paghihimagsik ni Simoun?
Tugon:
Ang paghihimagsik ay parang bomba na handa na
ngunit wala pang mitsa na sisindihan upang pasabugin
ang bomba. Ang paghihimagsik ni Simoun ay may
layon: pagbawi kay Maria Clara.
Kabanata XX: Si Don Custodio
Buod
Ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga kamay ni
Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.
Si Don Custodio de Salazar y Sanchez deMonteheredondo ay kilalang
tanyag sabahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang “Buena Tinta”. Siya
ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng
asawa, nakapagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling
kanyang hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya ay masipag.
Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa
kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya walapang isang taon nagbalik na
siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring
magandang karanasan sa Madrid.
Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siyay naniniwalang
may ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod. Ang
Pilipino’y ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang
pagsabihang lagi na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol.
Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol
sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat.
Mga Tanong at Sagot
1. Paano nabigyan ng bansag na “Buena Tinta” si Don
Custodio?
Sagot:
Siya ay naging laman ng mga pamahayagan sa loob ng ilang
lingo at sakanyang walanghabas na pakikipagtalo kung kanikanino.
2. Ano ang palagay ni Don Custodio sa mga
Pilipino?
Sagot:
Ang mga Pilipino ay ipinanganak upang maging
utusan.
Kabanata XXI:

Mga Anyo ng Taga-Maynila

Buod
Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de
Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga
Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang hanay
ng nagsipasok.
Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan.
Ito’y si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit
sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may
amerikanang mahaba’t hanggang tuhod. Siya’y si Tiyo Kiko.
Pinakitaan nito ng mga mamisong Mehikano si Camarroncocido.
Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil.
Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Ani
Camarroncocido: E, magkano naman ang ibinigay nila sa mga
prayle? Dapat mong malaman na ang buong kikitain ng palabas ay
mauuwi sa mga kumbento.
Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito
bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at
ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng
hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming matataas na tao.
Laban ang mga babaing may asawa o may kasintahan. Ang wala
nama’y sang-ayon sa opera. Naging malaki at malaganap ang
bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang Kapitan
Ani Camarroncocido kay Kiko: Ang kalahati ng mga
nagsisipasok sa teatro ay manonood dahil sinasabi ng mga
prayle na huwag manood: at ang palabas dahil
ipinagbabawal ng mga prayle. Mabuti ang iyong mga paskil
ngunit higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o
pagbabawal ng mga pari.
Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si
Camarroncocido na mga taong tila hindi sanay magamerikana at sa wari’y umiiwas mapuna. Anya: Mga
sekretarya kaya o magnanakaw? Kinapa ang sariling mga
bulsa. Walang laman. Ano sa akin sino man sila? anito at
nagkibit-balikat. Isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa
mga di-kilalang tao na apat o lima sa bawat pulutong.
Pagkatapos, ang kagawad ay lumapit sa karwahe at
masiglang nakipag-usap sa taong lulan niyon si Simoun. May
narinig ang palaboy na Kastila: Ang hudyat ay isang putok.
At umalis ang karwahe. May binabalak! ani Camarroncocido.
Nagpatuloy ng lakad si Camarroncocido. Dalawang tao ang
narinig niyang nag-uusap. Anang isa na may hawak na
rosaryo at kalmen: Ang mga kura ay malakas kaysa Heneral.
Ang heneral ay umaalis; ang mga ay naiiwan. At yayaman
tayo. Ang hudyat ay isang putok.
Mga Tulong sa Pag-aaral
1. Si Camarroncocido ay may pangalang ang kahulugan ay
halabos na hipon dahil mapulang-mapula siya. Siya ang isang
Kastilang hindi nagpapahalaga s kanyang pagiging Kastila.
Gayong may pagkadugong bughaw, nang dumating sa
Pilipinas ay naging isa lamang upahan sa pagdidikit ng mga
paskil sa dulaan at mga gawaing kauri nito. Isa siyang
kabaligtaran ni Don Custodio na isa lamang layak sa Espanya
na nang maparito ay nagsamantala sa pagiging Kastila at
naging mayaman at makapangyarihan.
2. Salin ng Les Choches de Corneville: Mga Kampana sa
Corneville. Ito’y nagpapahiwatig ng mga mananayaw na
babaing may mga sayang maluluwang na parang kampana na
titikwas-tikwas samantalang sumasayaw at pasipa-sipa sa
itaas ang mga paa.
Mga Tanong at Sagot
1. Anong kasamaang ugali ang pinulaan ni Rizal sa mga taong
tulad ni Camarroncocido?
Tugon:

Ang pagwawalang-bahala sa mga panayayari o mga
mangyayari kung ito ay walang tuwirang kaugnayan sa kanya
kahit mangahulugan ito ng kaguluhan sa bayan o maging ito ay
matuklasan niyang may pipinsalaing ilan. Ito ay sakit ng lipunan
hanggang ngayon. Maraming kabulukan at katiwalian o krimen
ang nasassaksihan nguni’t di isinusuplong sa mga
maykapangyarihan sapagka’t wala namang tuwiran o biglaang
samang nagagawa sa mga nakakita dahil di nila nais masangkot
sa gulo. Di nila nais na maabala sa pagsaksi sa paglilitis. Nguni’t
sa di paggawa ng karampatang hakbang ng mga nakapunang
ito, ang katiwalian o ang krimen ay lalaganap at balang araw
ang nangapabaya sa pangyayari ay siyang tatamaan niyon. At sa
katiwaliang nangyari sa bayan, di man tuwiran, lahat ay
nagdurusa. (Maipaliliwanag pa ito ng guro).
4. Bakit nakapasok din sa dulaan si Tadeo?
Tugon:
Di sumama kina Macaraeg si Basilio dahil ang huli
ay magrerepaso para sa nalalapit niyang pagsusulit. May
tiket para kay Basilio. Ito’y ipinagamit nina Isagani kay
Tadeo.
Kabanata XXII:
Buod:

Ang Palabas

Maingay sa dulaan. Lampas na sa oras ay di pa
nagsisimula ang palabas dahil wala pa ang Kapitan Heneral. May
nagsisipadyak ng baston at sumisigaw na buksan na ang tabing.
Maraming pabastos na paghanga sa mga babae na maririnig sa
mga artilyero. Maraming tsismisan. Mausok. Maraming
pagtatalo. May isang matigas ang ulo sa isang luklukang di
kanya at ayaw ibigay iyon sa may-aring si Don Primitivo. Hindi
ito napakiusapan ng tagapamahala. Nagsigawan ang mga
artilyero. Ibibigay o hindi na oo na hindi! Nalibang ang mga tao.
Ang mga tanod ay di makapangahas magpaalis sa nasa upuan ni
Don Primitivo dahil sa ito ay isang mataas na tao sa pamahalaan.
Dumating ang Heneral. Tumugtog ng marcha real. Si Pepay ay
nasa isang palko na handog ni Makaraig. Katapat ito ng palko ng
mga estudyante. Si Don Custodio ay tinipan ni Pepay sa dulaan
kaya’t di man ibig ay napilitan ang tagapagmungkahi na
pasadulaan.
Masaya si Pepay. Masaya rin ang mga estudyante pati si Pecson.
Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na
kasama ni Pelaez na kanyang karibal.
Isang Pransesa ang umawit, si Gertude. Isang awit na
puno ng tsismis ng linggo ang kanyang ipinaririnig. Tigas na
kasasalin ni Tadeo sa Kastila ng mga salitang Pranses. Gayon
din ang ginawa ni Juanito Pelaez kina Paulita at Donya
Victorina. Karaniwan naman ay mali si Juanito. Umawit si
Serpolette. May pumalakpak sa una. Nakilala ito ni Tadeo. Padre
Irene na pinapag-espiya ni Padre Salvi sa kung sadyang
masama nga ang palabas ng mga Pranses ay namukhaan ng
mananayaw. Kakilala pala siya ni Serpolette sa Europa pa.
Isang babae ang dumating na kasama ang asawa.
Ipinamalaki ang pagdating niya nang huli sa lahat. Nang
makitang may palko pang walang laman ay inaway ng ginang
ang asawa. Sinutsutan siya ng mga tao. Wikang paismid: Ang
mga ungas! Akala mo’y marurunong ng Pranses. (Tama naman.)
Si Juanito’y nagpapanggap na maalam ng Pranses na di naman
nalalayo sa Español. Kapag nagtawa ang mga tao’y nakikitawa
siya. Kapag nagsiungol o nagsiubo, napapailing siya. Humanga
sa kanya si Donya Victorina at hinangad pakasalan ang binatang
kuba pag namatay si De Espadaña.
Mga Tulong sa Pag-aaral

1. Ang tinawag na Filipino time ay pag-aglahi sa ating ninuno.
Ito’y hindi oras Pilipino. Nagaya lamang ito ng ilan sa ating
totoong isip-alipin sa mga Kastilang namuno sa atin nang may
tatlong daang taon. Ang manonood, makikita sa ano mang
palabas, ay maagang nagsisidating. Tanging panauhing
pandangal ang huling dumarating at ito ay ipamamata nang
oras-Pilipino . Hindi tumpak na ang maling ginawi ng isa ay
ipaari sa maraming hindi naman gumawa niyon. Ang tunay na
oras-Pilipino ay makikita sa mga nayon. Bago pa sumikat ang
araw at wala pang nakikita sa paligid ay nasa pilapil na ng
bukid ang magsasaka, nakasulong na sa dagat ang
mamamalakaya. Ibando mong may pasine sa liwasan sa ika-8
at ika-6 pa lamang ng gabi ay marami nang naghihintay na
bata at matanda sa pagpapalabasan. Pag sinabing orasPilipino ito’y mga minuto o oras na una kaysa takdang
tipanan.
2. Ang bisa ng pag-ibig. Si isagani na pinakamasipag at
tagapagtaguyod ng paaralan ay di pumansin sa pagkakatuwa at
pagtalakay ukol dito ng mga kasamahan dahil sa malaki niyang
panibugho at galit kay Paulita. Ito ring damdaming ito ni Isagani
ang sisira sa tagumpay na balak ni Simoun sa dakong huli.
3. Sina Tadeo at Pelaez bilang manonood. Si Tadeo ay isang uri
ng manonood na di dapat natatagpuan sa dulaan. Wala siyang
nakikita o nais makita kundi ang kapintasan at kasiraan ng
kanyang pinapanood. Si Juanito Pelaez naman ay halimbawa ng
isang ungas na ginagamit ang kaunting kaalaman (sa Pranses)
na lalong nagpapatingkad sa kanyang katangahan. At sina Paulita
at Donya Victorina naman ay mga lalong tanga na nakipatol sa
nagdudunung-dunungang si Tadeo. Sila’y parang mga bulag na
napapaakay sa kapwa bulag.
4. Si Ben Zayb ay isang kritikong hangal. Walang kaalaman sa
sining ngunit nagdudunung-dunungan. Siya’y mapanganib dahil
marami siyang maihahawang hangal ding mambabasa sapagkat
siya’y manunulat at manunudling (columnist).
Mga Tanong at Sagot
1. Bakit masaya si Pepay gayong hindi maganda ang kanyang
balita para kina Makaraig?
Tugon
Isa siyang tanga. Hindi niya nasakyan ang ibig sabihin ng
pasiya ni Don Custodio na akala niya ay sang-ayon sa paaralan
kayat ikatutuwa nina Makaraig.
2. Kaganinong palko ang walang tao na nkita ng babaing
namayagpag sa pagdating niya ng huli sa lahat?
Tugon
Kay Simoun.
3. Bakit hindi nasiyahan si Sandoval sa palabas?

Tugon
Paano di siya nakauunawa ng Pranses. (Daig pa siya ni
Juanito.)
4. Bakit hinagisan ni Pecson ng medyas na mabaho si Sandoval?
Tugon :
Si Sandoval ay isang Kastilang estudyante na kasang-ayon nina
Isagani sa pagtatayo ng paaralan ng kabataan. Nasabi niya
minsan, nang sabihin ni Pecson na walang mararating ang balak
nila sapagkat lalabanan ng simbahan at pamahalaan, sinabi ni
Sandoval na pag nabigo ang mga Pilipino, siya na isang
kastila, ang magpapatuloy ng magandang balak na iyon. Ang
medyas ay pinagsagisag ni Pecson sa isang paghamon kay
Sandoval na magsabi ng totoo sa kanyang salita.
5. Bakit ikinalulungkot ng mga estudyante ang pasya ukol sa balak
nilang paaralan?
Tugon:
Ang paaralan ay ipaiilalim sa mga dominikano sa Unibersidad ng
Sto. Tomas samantalang ang lahat ng gugol ay sa mga estudyante.
Samakatuwid, wala ring pag-iiba sa pagtuturo sa unibersidad sa
ilalim ng mga dominikano. Bakit magbubukas pa ng paaralan ang
kabataan? E, di papasukin na rin lamang nila sa unibersidad ang
sino mang nais mag-aral kahit hindi matuto.
Kabanata XXIII:
Buod

Isang Bangkay

Nang gabing iyon, ikapito, ay makalawang umalis at
dumating si Simoun sa bahay na may iba’t ibang taong kasama.
Nakita siya ni Makaraig nang mag-iikawalo sa may daang
Ospital, malapit sa kumbento ng Sta. Clara. Nakita siya ni
Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na may
kausap na tila estudyante.
Si Basilio ay dir in nanonood. Nagrerepaso siya sa bahay. Hindi
na nag-sasama sa mga kamag-aaral mula nang tubusin si Huli sa
pagkakaalila. Pinag-aralang mabuti ang pagpapagaling kay
Kapitan Tiyago na noon ay lalong naging mahirao pakiba-gayan.
Kung minsan ay mahal na mahal nito si Basilio at kung minsa’y
nilalait. Pabigat
nang pabigat ang karamdaman nito.
Ang pagbabawas sa paghitit ni Kapitan Tiyago ay
isinasagawa ni Basilio ngunit kung nasa lalawigan o nasa
paaralan siya’y may nagbibigay ng labis na apyan sa matanda. Si
Simoun at si Padre Irene lang naman ay walang itinatagubilin
kay Basilio kundi ang pagalingin ang maysakit, pagtiisan ito sa
pag-aalaga.
Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Mula
nang magkita sila sa San Diego ay noon lamang sila nagkaharap.
Kinumusta ni Simoun ang maysakit. Malubha, ani Basilio. Malala
na raw ang kalat ng lason sa katawan. Tulad daw ng
Pilipinas, ani Simoun.
Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan
liban sa pama-halaang Kastila dahil ang hindi kakampi sa kanila
ay ituturing na kaaway na dapat pata-yin. Inatasan ni Simoun si
Basilio na itakas si Maria Clara mula sa kumbento ni Sta. Clara
habang nagkakagulo ang buong lungsod.
Sinabi ni Basilio na huli na, dahil sa nagpakamatay na si
Maria Clara. Naroon siya sa kumbento upang makibalita kaya
niya nabatid. Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham na
padala ni Padre Salvi kay Padre Irene na siyang nagpabasa
niyon kay Kapitan Tiyago na nagpanangis nang mabatid na
patay na si Maria Clara.
Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun. Nawala sa
pag-aaral ang isip ni Basilio. Ang naglaro sa isip ay ang
kahabag-habag na buhay nina Ibarra at Maria Clara.
Mga Tanong at Sagot
1. Bakit ninasa pa ni Basilio na gamuting mahusay si Kapitan
Tiyago gayong siya’y hirap na hirap dito at pabayaan lamang
niyang mamatay ay tapos na ang hirap niya?

Sagot:
May marangal na budhi si Basilio. Nasa isip niyang lagi ang
kinabukasan nila ni Huli na ayaw niyang mabahiran ng maruming
kahapon.
2. Bakit inihambing ni Simoun si Kapitan Tiyago sa pamahalaan
ng Pilipinas?
Sagot:
Tulad ni Kapitan Tiyago na ang lason ng apyan ay laganap na sa
buong katawan, dahil sa laganap na sa buong katawan, dahil sa
laganap na kabulukan sa bayan, ay malapit nang “maglagot” ang
bayang Pilipinas.
3. Bakit kailangang-kailangan ni Simoun si Basilio sa kanyang paghihimagsik?
Sagot:
Si Basilio lamang ang tangi kay Simoun at Kapitan Tiyago ay siyang naka-kikilala kay
Maria Clara na kailangang ilabas sa Sta. Clara. Si Basilio lang dahil kailangan ni
Simoun na pangasiwaang maigi ang mga pangkat ng kanyang pag-aalsa.
4. Ano ang mapupuna sa inihandang paghihimagsik ni Simoun na wika nga niya,
kung buhay si Elias, ay isa sa mga tututol?
Sagot:
Hindi para sa bayan ang layunin ni Simoun sa paghihimagsik na ito. Ito’y ginawa
lamang niyang kasangkapan sa isang makasariling layunin—ang maka-paghiganti at
mailigtas si Maria Clara sa mga pagdurusa sa kumbento.
5. Bakit napablis ang pagkalason ng katawan ni Kapitan Tiyago?
Sagot:
Kung wala si Basilio ay binibigyan ni Padre Irene ng maraming apyan ang may sakit;
tulad ng pagpapalala ni Simoun sa sakit ng bayan. Si Padre Irene ay may hangad sa
lalong madaling pagkamatay ni Kapitan Tiyago dahil nagawa niyang siya ang
mapamanahan ng lahat ng ari-arian ng matanda.
El filibusterismo report

More Related Content

What's hot

Ano ang ginamapanan ng el fili sa kasaysayan ng bansa
Ano ang ginamapanan  ng el fili sa kasaysayan ng bansaAno ang ginamapanan  ng el fili sa kasaysayan ng bansa
Ano ang ginamapanan ng el fili sa kasaysayan ng bansaPRINTDESK by Dan
 
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With TalasalitaanEl Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With TalasalitaanPinoy Collection
 
Kabanata 20: Ang Napapalagay (El Filibusterismo)
Kabanata 20: Ang Napapalagay (El Filibusterismo)Kabanata 20: Ang Napapalagay (El Filibusterismo)
Kabanata 20: Ang Napapalagay (El Filibusterismo)Snowfoot
 
El Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanEl Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanDiane Abellana
 
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El FilibusterismoKaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismomenchu lacsamana
 
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''Rey Reyes Jr.
 
El Filibusterismo Kabanata 14 Sa Bahay ng Mga Estudyante
El Filibusterismo Kabanata 14 Sa Bahay ng Mga EstudyanteEl Filibusterismo Kabanata 14 Sa Bahay ng Mga Estudyante
El Filibusterismo Kabanata 14 Sa Bahay ng Mga EstudyanteCharlize Marie
 
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose RizalMga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose RizalCedrick Abadines
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wikaAudrey Jana
 
Kabanata 7 at 8 ng El Filibusterismo
Kabanata 7 at 8 ng El FilibusterismoKabanata 7 at 8 ng El Filibusterismo
Kabanata 7 at 8 ng El FilibusterismoSCPS
 
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at KaralitaanEl Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at KaralitaanSungwoonie
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikanguestaa5c2e6
 
Filipino el filibusterismo quiz
Filipino  el filibusterismo quizFilipino  el filibusterismo quiz
Filipino el filibusterismo quizEemlliuq Agalalan
 
Hele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganayHele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganaySean Davis
 
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10Sophia Marie Verdeflor
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatArlyn Anglon
 
Kabanata 15 ~Ginoong Pasta
Kabanata 15 ~Ginoong PastaKabanata 15 ~Ginoong Pasta
Kabanata 15 ~Ginoong PastaLorraine Dinopol
 
Kaligirang kasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng el filibusterismoKaligirang kasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng el filibusterismoroxie05
 

What's hot (20)

Kabanata 12
Kabanata 12Kabanata 12
Kabanata 12
 
Ano ang ginamapanan ng el fili sa kasaysayan ng bansa
Ano ang ginamapanan  ng el fili sa kasaysayan ng bansaAno ang ginamapanan  ng el fili sa kasaysayan ng bansa
Ano ang ginamapanan ng el fili sa kasaysayan ng bansa
 
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With TalasalitaanEl Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
El Filibusterismo Buod Ng Bawat Kabanata 1-39 With Talasalitaan
 
Kabanata 20: Ang Napapalagay (El Filibusterismo)
Kabanata 20: Ang Napapalagay (El Filibusterismo)Kabanata 20: Ang Napapalagay (El Filibusterismo)
Kabanata 20: Ang Napapalagay (El Filibusterismo)
 
El Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - TauhanEl Filibusterismo - Tauhan
El Filibusterismo - Tauhan
 
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El FilibusterismoKaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng El Filibusterismo
 
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
EL FILIBUSTERISMO Kabanata 6 ''Si Basilio''
 
El Filibusterismo Kabanata 14 Sa Bahay ng Mga Estudyante
El Filibusterismo Kabanata 14 Sa Bahay ng Mga EstudyanteEl Filibusterismo Kabanata 14 Sa Bahay ng Mga Estudyante
El Filibusterismo Kabanata 14 Sa Bahay ng Mga Estudyante
 
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose RizalMga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
Mga Akda/Naisulat ni Dr. Jose Rizal
 
Pagsasaling wika
Pagsasaling wikaPagsasaling wika
Pagsasaling wika
 
Kabanata 7 at 8 ng El Filibusterismo
Kabanata 7 at 8 ng El FilibusterismoKabanata 7 at 8 ng El Filibusterismo
Kabanata 7 at 8 ng El Filibusterismo
 
Kabanata 22
Kabanata 22Kabanata 22
Kabanata 22
 
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at KaralitaanEl Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
El Filibusterismo Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
 
Teoryang Pampanitikan
Teoryang PampanitikanTeoryang Pampanitikan
Teoryang Pampanitikan
 
Filipino el filibusterismo quiz
Filipino  el filibusterismo quizFilipino  el filibusterismo quiz
Filipino el filibusterismo quiz
 
Hele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganayHele ng ina sa kanyang panganay
Hele ng ina sa kanyang panganay
 
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
El FIlibusterismo: Buod ng Kabanata 1-10
 
Mga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulatMga bantog na manunulat
Mga bantog na manunulat
 
Kabanata 15 ~Ginoong Pasta
Kabanata 15 ~Ginoong PastaKabanata 15 ~Ginoong Pasta
Kabanata 15 ~Ginoong Pasta
 
Kaligirang kasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng el filibusterismoKaligirang kasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang kasaysayan ng el filibusterismo
 

Similar to El filibusterismo report

El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at TalasalitaanEl-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at TalasalitaanAngelouCruz4
 
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02Cecille Jane Caliso
 
El Filibusterismo
El FilibusterismoEl Filibusterismo
El FilibusterismoKokoStevan
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismoPorteFamily
 
Filipino el fili- padre florentino
Filipino  el fili- padre florentinoFilipino  el fili- padre florentino
Filipino el fili- padre florentinoEemlliuq Agalalan
 
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoBuod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoNátè Del Mundo
 
EL_FILIBUSTERISMO.pptx
EL_FILIBUSTERISMO.pptxEL_FILIBUSTERISMO.pptx
EL_FILIBUSTERISMO.pptxJovyTuting1
 
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOJovelynValera
 
Filipino 10 - Buod ng El Filibusterismo
Filipino 10 - Buod ng El FilibusterismoFilipino 10 - Buod ng El Filibusterismo
Filipino 10 - Buod ng El FilibusterismoMahan Lagadia
 
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02Ace Lacambra
 
El FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdf
El FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdfEl FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdf
El FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdfHannahGuerrero4
 
El filibusterismo report
El filibusterismo reportEl filibusterismo report
El filibusterismo reportJessica Nario
 
Buod ng El Filibusterismo
Buod ng El FilibusterismoBuod ng El Filibusterismo
Buod ng El FilibusterismoNemielynOlivas1
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoEemlliuq Agalalan
 
Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Glenifer Tamio
 

Similar to El filibusterismo report (20)

El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at TalasalitaanEl-Filibusterismo  Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
El-Filibusterismo Kabanata 1-39 Buod at Talasalitaan
 
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02Elfilibuod 110228061016-phpapp02
Elfilibuod 110228061016-phpapp02
 
El Filibusterismo
El FilibusterismoEl Filibusterismo
El Filibusterismo
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismo
 
Filipino el fili- padre florentino
Filipino  el fili- padre florentinoFilipino  el fili- padre florentino
Filipino el fili- padre florentino
 
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El FilibusterismoBuod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
Buod ng Bawat Kabanata ng El Filibusterismo
 
EL_FILIBUSTERISMO.pptx
EL_FILIBUSTERISMO.pptxEL_FILIBUSTERISMO.pptx
EL_FILIBUSTERISMO.pptx
 
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
 
Filipino 10 - Buod ng El Filibusterismo
Filipino 10 - Buod ng El FilibusterismoFilipino 10 - Buod ng El Filibusterismo
Filipino 10 - Buod ng El Filibusterismo
 
El filibusterismo
El filibusterismoEl filibusterismo
El filibusterismo
 
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
Buodngelfilibusterismo 130203085636-phpapp02
 
El FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdf
El FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdfEl FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdf
El FIlibusterismo - Aralin 2 Paglalantad ng Katotohanan.pdf
 
El filibusterismo report
El filibusterismo reportEl filibusterismo report
El filibusterismo report
 
Filipino plot diagram- ans
Filipino  plot diagram- ansFilipino  plot diagram- ans
Filipino plot diagram- ans
 
Kabanata iiiii.pptx
Kabanata iiiii.pptxKabanata iiiii.pptx
Kabanata iiiii.pptx
 
Pagtalakay sa mga akda ni rizal by RPC
Pagtalakay sa mga akda ni rizal by RPCPagtalakay sa mga akda ni rizal by RPC
Pagtalakay sa mga akda ni rizal by RPC
 
Buod ng El Filibusterismo
Buod ng El FilibusterismoBuod ng El Filibusterismo
Buod ng El Filibusterismo
 
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismoKaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
Kaligirang pangkasaysayan ng el filibusterismo
 
Noli me tangere
Noli me tangereNoli me tangere
Noli me tangere
 
Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)Nailathala ang noli me tangere (1887)
Nailathala ang noli me tangere (1887)
 

More from jergenfabian

Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointjergenfabian
 
Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointjergenfabian
 
Higanteng Tambog, Pautos at Pakiusap
Higanteng Tambog, Pautos at PakiusapHiganteng Tambog, Pautos at Pakiusap
Higanteng Tambog, Pautos at Pakiusapjergenfabian
 
wika at pampanitikan
wika at pampanitikanwika at pampanitikan
wika at pampanitikanjergenfabian
 
Aspekto na pandiwa
Aspekto na pandiwaAspekto na pandiwa
Aspekto na pandiwajergenfabian
 
Group iv Sanhi at bunga
Group iv Sanhi at bungaGroup iv Sanhi at bunga
Group iv Sanhi at bungajergenfabian
 
Group3 report Panghalip na Panao
Group3 report Panghalip na PanaoGroup3 report Panghalip na Panao
Group3 report Panghalip na Panaojergenfabian
 

More from jergenfabian (7)

Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpoint
 
Florante at laura powerpoint
Florante at laura powerpointFlorante at laura powerpoint
Florante at laura powerpoint
 
Higanteng Tambog, Pautos at Pakiusap
Higanteng Tambog, Pautos at PakiusapHiganteng Tambog, Pautos at Pakiusap
Higanteng Tambog, Pautos at Pakiusap
 
wika at pampanitikan
wika at pampanitikanwika at pampanitikan
wika at pampanitikan
 
Aspekto na pandiwa
Aspekto na pandiwaAspekto na pandiwa
Aspekto na pandiwa
 
Group iv Sanhi at bunga
Group iv Sanhi at bungaGroup iv Sanhi at bunga
Group iv Sanhi at bunga
 
Group3 report Panghalip na Panao
Group3 report Panghalip na PanaoGroup3 report Panghalip na Panao
Group3 report Panghalip na Panao
 

El filibusterismo report

  • 1. EL FILIBUSTERISMO Ang nobelang “El Filibusterismo” ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA Gomez, Burgos, Zamora.
  • 2. Tulad ng “Noli Me Tangere”, ang mayakda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
  • 3. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwat ig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.
  • 4. Mga Tauhan: Simoun-Ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay Isagani-Ang makatang kasintahan ni Paulita Basilio-Ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli Kabesang Tales-Ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle Tandang Selo-Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo. Ginoong Pasta-Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
  • 5. Ben zayb- Ang mamamahayag sa pahayagan Placido Penitente-Ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan Padre Camorra-Ang mukhang artilyerong pari Padre Fernandez-Ang paring Dominikong may malayang paninindigan Padre Florentino-Ang amain ni Isagani Don Custodio-Ang kilala sa tawag na Buena Tinta Padre Irene-Ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila Juanito Pelaez-Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila
  • 6. Makaraig-Ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. Sandoval-Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral Donya Victorina-Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita Paulita Gomez-Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez Quiroga-Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas Juli-Anak ni Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio
  • 7. Hermana Bali-Naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra Hermana Penchang-Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli Ginoong Leeds-Ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya Imuthis-Ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds
  • 8. KABANATA 1 – SA IBABAW NG KUBYERTA Buod Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya Victorina, Kap. Heneral at Simoun. Napag-usapan ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don Custodio: mag-alaga ng itik. Ani Simoun namang kilalang tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang balot na pinandidirihan niya.
  • 9. Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Ang ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao, karaniwa’y Kastila. 2. Ang Noli ay nagtapos sa buwan ng Disyembre; ang Fili ay dito nagsimula. Ngunit ang Disyembre sa Noli at ang Fili ay may 13 taong nakapagitan. 3. Si Don Custodio ay tanungan at tagapayo ng mga taong pamahalaan. Si Ben Zayb (Ibanez) ay isang mamahayag. 4. Ang tabo ay isang katutubong batalan. Ang tabo sa kasalukuyan ay karaniwang latang pinagbasyuhan ng gatas, kape o ano man. Mula sa abang bataan hanggang sa makabagong banyong may gripo at dutsa sa Pilipinas ay may tabo. Noon ang tabo ay karaniwang pang-ilalim na bahagi ng bao ng niyog.
  • 10. Mga Tanong  1. Paano pinaghahambing ni Rizal ang Bapor Tabo at ang Pamahalaan?  Sagot:  a. Sa pagkakaroon ng 2 lugal ng tao sa kubyerta at sa ilalim ng kubyerta, tulad ng paglalagay ng pamahalaan na may mga taong mataas ang uri, tulad ng mga Kastila, mayayaman at prayle: at mga abang mamamayang tulad ng mga mestiso at indiyo.
  • 11. b. Sa mabagal nguni’t mapagmalaking palakad tulad ng pamahalaan na halos hindi nakausad sa may 300 taong pamumuno sa Pilipinas. c. Sa pagkulapol na pinturang puti nagpapanggap na malinis at marangal ngunit’t makikita ang mga dumi sa likod ng pinta tulad ng mga walang katarungang pagpatay at pagbilanggo, ng mga kabulukan, katiwalian at iba pa sa pamahalaan at simbahan. d. Sa bilog na anyo ng bapor nagpapakilalang ang pamahalaan ay walang malinaw na kaanyuan; walang plano ng pagiging unahan, hulihan, tagiliran na tulad ng pamahala noon na walang yaring plano ng pagpapalakad.
  • 12. e. Sa paggamit ng makina at tikin tulad ng pamahalaan, may namamahalang sibil, tulad ng Kap. Heneral at iba pang taong pamahalaan at ang prailesya o mga kura. Noon ay may union of church and state o pagiging magkatulong ng pamahalang sibil at ng simbahan sa pagpapalakad ng mga suliraning pampulitika at pangkabuhayan ng bayan. Alin ang makina at alin ang tikin? Ang makina na siyang tuwirang nagpapatakbo sa bilog na bapor ng pamahalaan, bilog sapagkat walang plano at di alam kung saan ang patungo at saan ang pabalik, ay siyang pamahalaang sibil, samantalang ang mga tikin ay siyang mga kura na nagsasabi kung saan dapat patungo ang bapor ng pamahalaan.
  • 13. 2. Bakit inis na inis si Donya Victorina? Sagot: Iniwasan siya ng mga lalaki sa itaas ng kubyerta.
  • 14. 3. Anu-ano ang ibubuti ng malalim na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at look ng Maynila ayon kay Simoun?  Sagot  a. Makapagtitipid ng lupa. Ang likulikong Ilog Pasig ay mahalinhan ng tuwid na kanal.  b. Iikli ang paglalakbay; uunlad ang negosyo.  k. Maiiwasan ang mga putik at burak sa mga pampangin ng Ilog Pasig.  d. Giginhawa ang paglalakbay
  • 15. 4. Anu ano ang tutol dito ni Don Custudio? Sagot: a. Malaki ang gugulin b. Maraming bayan ang kakailanganing sirain k. Walang ibabayad sa mga manggagawa
  • 16. 5. Anu-ano ang tugon ni Simoun dito?  a. Kung maraming bayan ang kailangang mawasak, sirain ito.  b. Kung walang ibabayad sa gagawa, gumamit ng mga bilanggo.  k. Kungdi sapat ang mga bilanggo pagawain ng walang bayad ang taong-bayan na magdadala ng sariling pagkain at kasangkapan. Sa ganito raw paraan natayo ang piramide sa Ehito at koliseo Sa Roma na hinahangaan ngayon kaugnay ng pangalan ng mga paraon at mga pinuno ng Roma gayong limot na natin ang libu-libong nagamatay na mangagawa roon. Ang mga patay ay patay na ang tanging malakas ang binibigyang katwiran at panahon;
  • 17. Kabanata II: Sa Ilalim ng Kubyerta  Buod  Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa pasahero ang ilalim ng kubyerta. Naroon ang dalawang (2) estudyante na pinakukundanganan ng iba-si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay ng manggamot at isang katatapos pa lamang sa Ateneo, isang makata, si Isagani. Kausap sila Kap. Basilio. Napag-usapan si Kap. Tiyago. Pinauwi raw siya, ani na naging tagapayo ng kapitan nitong mga huling araw. Napaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante ukol sa pagtuturo ng mga Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kap. Basilio. Magtatagumpay, ayon sa dalawang binata. Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani at tukod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya si Donya Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa , si De Espadaña, na sa bahay pa ni Padre Florentino, amain ng binata, nagtatago.
  • 18. Dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na di niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigang ito’y mahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na tumutol Si Isagani at anya: Hindi kami namimili ng alahas dahil di namin kailangan. Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang dukha ang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino. Nag-anyaya si Simoun sa pag-inom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, Sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil palainom ng tubig at di ng serbesa. Mabilis na tumugon si Basilio; Sabihin ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. At dagdag ni Isagani: lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at gumugunaw ng santinakpan. Hindi niya pinakinggan ang pagsingkil ni Basilio.
  • 19. Itinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig. Tugon ni Isagani: Kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasamasama sa kailalimang hinuhukay ng tao. Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani na rin ukol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Pangarap daw ayon kay Simoun dahil ang makina ay hahanapin pa. Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinawag na Kardinal Moreno. May dumating na utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino ang pamangkin. Nguni’t nakita ng kapitan si Padre Florentino at ito’y inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.
  • 20. 2. Bakit nangiti si Simoun nang matigas tumugon si Isagani na kaya di namimili ng alahas ang kanyang mga kababayan ay dahil hindi nila ito kailangan?  Sagot:  Kung ang ngiting iyon ay palibak o patuya, iyon ay dahil alam ni Simoun na di totoo. Mahiligin sa alahas ang mga Pilipino. Kung iyon ay ngiti ng kasiyahan ay masasabi nating dahil sa nakita ni Simoun kay Isagani ang isang katangiang hinahangaan niya at hinahanap lalaking matapang at nakikipaglaban para sa karangalan ng bayan.
  • 21. Mga Tanong:  Sagot:  Marami nang kabiguang  1. Bakit kalakaran sa naranasan ang matatanda matanda, tulad ni Kap. kabiguan sa sarili nilang Basilio na mga pangarap at balak nakatatagpo ng noong kanilang kabataan balakid sa lahat ng samantalang ang mga bata dako samantalamg ay may maapoy pang ang kabataan ay damdamin na gatong sa masigasig sa mga kanilang mga balak at balak, tulad nina adhikain. Di pa sila Isagani? nakararanas ng maraming kabiguan. Dahil dito, kahit papaano, ang daigdig ay sumusulong, umuunlad.
  • 22. 3. Ano ang palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon?  Ang pari sa bayan. Pag Pilipino, dukha ang paroko; pag Kastila naman mayaman. Kung pagsisimula pa lamang ang isang paroko di pa malakas ang kita, Pilipino ang inilalagay dito; pagumunlad na ito, pinapasok na ng mga prayleng Kastila.  Na kung si Padre Camorra at mga kasama nitong kastila ay nagbabawas sa paginom ng alak, titino sila ng kaunti at ang mga alingasngas nila, lalo na sa kababaihan, ay mabanawasan kundi man maalis. (Ito kaya ay di tuwirang pangagaral ni Rizal ukol sa alak?) o sa ilog?
  • 23. 4. Totoo ba ang sabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil hindi ito nagsisiinom ng serbesa? sagot: Hindi. Ito’y totoo para sa bayang malalamig nguni’t di sa Pilipinas na totoo nang mainit kadalasan ang panahon. Tingnan ang palainom ng tuba. Pagkainom ano? Bulagta!
  • 24. 5. Ano ang ibig sabihin ni Isagani sa pagiging sulak ng tubig? sa mumunti at watak-watak na  Ang sulak (steam) ay pag-init at pagkulo ng malamig at matimping damdamin ng mga Pilipino; pagsulak, himagsik! Ang mumunti at watak-watak na ilog ay ang kawalang-kaisahan ng damdaming Pilipino na may matinding gawi ng pag tatangi-tangi (regionalism). Kung ang mga puta-putaking himagsikan lamang sa Pilipinas na mula kay Lapulapu hanggang kaina Diego Silang ay walang tigil nang pagsiklab, ay naging parang ilog na nauwi sa iisang dagat o nagkaisa-isa at nagkasabay-sabay sa isang pamumuno, matagal na sanang gininaw ng dagat ng tubig na ito ang Moong ng Kastila sa Pilipinas.
  • 25. Kabanata III: Ang mga Alamat  Buod  Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang nangasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun. Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay ng kapitan ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan.  Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino ang nahingang magkuwento. May magkasintahan daw sa Espanya. Naging arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at hinihiling sa arsobispo na sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.
  • 26. Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si Donya Victorina na ibig ding manirahan sa kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi. Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang arsobispo, ayon kay padre Salvi. At upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng intsik ang santo.
  • 27. Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang Guevarra, Navarra o Ibarra. Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig labingtatlong taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ng iba! Si Simoun ay namumutla at walang kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakbay.
  • 28. Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Dito’y makikitang naalis ang paniwala ng ating mga nuno sa mga espiritu at pamahiing lalo Pang nakaiinis ang pangrelihiyon.
  • 29. Mga Tanong  Sagot:  1. Bakit nauwi sa mga alamat ang usapan sa ibabaw ng kubyerta?  Binatak dito ni Simoun ang alamat sa Ilog Pasig at isa ang inaasahan niyang mapag-uusapan ang kay Donya Geronima na siya niyang magagamit sa pagbabawas ng kulo sa kanyang dibdib laban sa nagbabanal-banalang si Padre Salvi na batid ni Ibarra ay lumalapastangan sa kapurihan ni Maria Clara sa kumbento ng Sta. Clara.
  • 30. 2. Ano ang pagkakahawig ng alamat ng Malapad-na-Bato sa kasaysayan ng Pilipinas?  Noong una ang Malapad-na-Bato ay pinaniniwalaang lugal ng mga espiritu at maligno, isang pugad ng pamahiin. Gayon din ang Pilipinas na noong bago dumating ang mga Kastila ay pinamamayanihan ng mga pamahiin Kapre, tiyanak, tikbalang aswang, at iba pa. Nang ang Malapad-na-Bato ay pagtaguan ng mga tulisan, nabatid ng mga tao na walang katotohanan ang masasamang espiritu sapagka’t walang nangyaring sa mga tulisan. Mga tulisan naman na nanghaharang at pumapatay sa mga napapadpad sa Malapad-na-Bato ang pinagkakatakutan ng mga taong namamangka sa Ilog. Ang Pilipinas sa tulong ng Kristiyanismo, ay di na naniniwala sa mga espiritu at pamahiin na pinatunayan ng mga prayleng Kastila’y walang katotohanan. Sila’y tulisang Kastila naman natatakot ngayon.
  • 31. Kabanata IV: Kabesang Tales  Buod  Si Tandang Selo umampon kay Basilio sa gubat ay matanda na. Ang ama ng dalagang si Lucia, si Kabesang Tales, na anak ni Tandang Selo, ay isa nang kabesa de baranggay. Yumaman ito dahil sa tiyaga. Nakisama muna sa isang namumuhunan sa bukid. Nang makaipon ng kaunti ay naghawaan ng gubat na nang ipagtanong niya ay walang may-ari, ginawa niyang tubuhan. Inisip niyang pag-aralin na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahn nito. Nang ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales. Tinaasan nang tinaasan ang pabuwis. Di na nakaya ni Kabesang Tales. Nakipag-asunto sa mga prayle.
  • 32. Matigas ang sabi ni Kabesang Tales. Ipinakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Wala. Naging kawal si Tano. Di ibinayad ng kapalit ang anak. Anya: Binungkal ko’t tinamnan ang lupang ito, namatay at nalibing dito ang aking asawa’t anak na dalaga {si Lucia} sa pagtulong sa akin kaya’t di ko maibibigay ang lupang ito kundi sa sino mang didilig muna rito ng kanyang dugo at maglilibing muna ng kanyang asawa’t mga anak. At anya pa rin ukol sa pagiging kawal ni Tano, ako’y bumabayad sa abogado. Kung mananalo ako sa asunto ay alam ko na ang aking gagawin upang siya’y mapabalik; nguni’t kung ako’y matalo, di ko na kailangan ang anak. Tinanuran ni Kabesang Tales ang kanyang bukid. Lagi siyang may pasang baril. Di makapasok doon ang sino man dahil balita si Kabesang Tales sa pagbaril. Nagdala siya ng gulok/itak. Balita sa arnis ang kabesa. Ipinagbawal ang gulok/itak. Nagdala siya ng palakol. Si Kabesang Tales ay nahulog sa kamay ng mga tulisan at ipinatubos.
  • 33. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas liban sa isang locket o agnos na bigay sa kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panubos. Ipinasyang mangutang kay Hermana Penchang at maglingkod dito bilang utusan. Noon ay bisperas ng Pasko. Kinabukasan. Araw ng Pasko ay maglilingkod na siyang alila. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon.
  • 34. Mga Tulong Sa Pag-aaral Ang agnos ni Huli ay agnos ni Maria Clara na ipinagkaloob sa isang ketongin na napagaling ni Basilio. Ibinayad ng ketongin kay Basilio ang agnos at ito naman ay inihandog ni Basilio kay Huli.
  • 35. Mga Tanong Sagot: 1. Bakit mahirap Siya ay isa lamang tagapaningil ng maging cabeza buwis at kung may de barangay di magbayad ay siya noon? pa ang nagpapaluwal.
  • 36. 2. Ano ang ibig sabihin ni Kabisang Tales sa magiging lupa rin tayo at hubad tayong talaga nang ipanganak? Sagot: -Hindi dapat matakot sa kamatayan dahil tayo namang lahat ay mamamatay at ano ang ikatatakot sa karalitaan ay nagsimula tayo sa kahirapan sa walang damit. Sa ano inihambing ng ilan si Kab. Tales sa kanyang pakikipag-asunto sa mga prayle? 3. Sagot: Palayok na bumangga sa kaldero; langggam na kumakagat kahit na siya’y tiirisin
  • 37. Kabanata V:Ang Noche Buena ng Isang Kutsero  Buod  Gabi na’t inilalakad na ang prusisyong pangnoche buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naabala sila sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang sedula nito at ito’y kinakailangang bugbugin muna ng mga guwardiya sibil.  Idinaan ang imahen ni Metusalem, ang pinakamatandang taong nabuhay sa mundo. Kasunod na idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago. Nakapagpaalala kay Sinang ang itim na Haring Melchor. Itinanong kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Kasunod sa prusisyon ang mga batang malulngkot sa pag-ilaw. Si San Jose naman. Kasunod naman ay mga batang may mga parol. Nasa dulo ng prusisyon ang Birhen.
  • 38. Natapos ang prusisyon. Napuna ng mga sibil na walang ilaw ang parol ng karitela. Pinarusahan uli ng mga sibil ang kutserong si Sinong. Naglakad na lamang si Basilio. Tanging bahay ni Kap. Basilio ang tila masaya sa mga nadaraanan ni Basilio. May mga manok na pinapatay. Nasilip ni Basilio na ang Kapitan ay nakikipag-usap sa kura, sa alperes, at kay Simoun.. nagkakaunawaan na tayo, G. Simoun, ani Kapitan Basilio, Tutungo tayo sa Tiani upang tingnan ang inyong mga alahas. Nagbilin ng isang kairel sa relo ang alperes. Isang pares na hikaw naman ang ipinakikibili’ ng kura. (Bakit kaya hikaw?) Nasabi ni Basilio sa sarili na si Simoun ay may kasindak-sindak na pagkatao. Ang lahat ay nakapaghahanap-buhay sa bayang ito maliban sa amin.
  • 39. Sa bahay ni Kap. Tiyago ay iginagalang si Basilio, lalo na ng matandang utusan, nang makitang tumistis ng isang maysakit si Basilio na parang walang ano man. Ibinigay ng mga utusan ang mga ulat. Mga kalabaw na namatay, mga katulong na napipiit at namatay ang matandang nagtatanod sa gubat. Nanghinayang si Basilio nang mabatid na sa katandaan namatay ang matanda.. Ibig niyang makatistis ng tao. Ang huling balita’y ukol sa pagkadukot ng mga tulisan kay Kab. Tales. Di nakakain ng hapunan si Basilio.
  • 40. Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Si Basilio ay katiwala ni Kap. Tiyago. 2. Ang mga pag-aari nina Ibarra ay sinasamsam ng pamahalaan (at ng simbahan) at ipinagbili ang ilan. Si Kap. Tiyago ang nakabili ng gubat nina Ibarra. Iyonang tinatanuran ng matandang namatay.
  • 41. Tanong 1. Bakit nasabi ng kutserong si Sinong na noong panahon ng mga santo ay walang guwardiya sibil? Sagot: Dahil sa mga pahirap na tinatanggap niya sa mga sibil, nasabi ni Sinong na walang sibil noon sapagka’t di maaaring tumanda nang gayon si Metusalem at di maaaring maging pari na papagitna pa sa dalawang haring puti si Melchor na isa sa tatlong Haring Mago. Tiyak daw na mabibilanggo si Haring Melchor.
  • 42. Kabanata VI-Si Basilio Buod Nang tumutunog ang mga batingaw ng noche buena si Basilio ay palihim na nagtungo sa gubat. Paliit ang buwan. Kaya’t paaninaw na tinungo ni Basilio ang libing ng kanyang ina. Ipinagdasal ang kaluluwa ng ina at gunita ng nakaraang may 13 taon. Namatayan ang kanyang ina. May dumating na lalaking sugatan. Pinahakot siya ng kahoy na ipansusunog sa bangkay ng ina at ng sugatang lalaki. May dumating pang isang lalaki. Tumulong ito sa pagtatalsakan ng kahoy at paglilibing sa kanyang ina.
  • 43. Umalis siya sa gubat. Lummuwas ng Maynila. Maysakit at gulanit ang damit. Ninais nang pasagasa sa mga karuwahe dahil sa hirap at gutom. Natagpuan niya sina Kap. Tiyago na katatpos dalhin sa beateryo si Maria Clara. Kinuha siyang katulong o utusan. Ping-aral sa Letran. Unang taon: wala siyang nabibigkas kundi ang pangalan niya at ang salitang adsum o narito po. Minaliit siya dahil sa luma at gulanit na suot. Gayunman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon. At nang matuos niyang sa tatlo o apat na paraan sa kanyang klase ay may 40 lamang ang nagtatanong di na sumama ang loob niya. Nang magsulit, natugon niya ang tanong sa kanya at ang marka niya para sa unang taon ay aprovado. Ang siyam niyang kasamahan sa pagsusulit ay nangag-ulit na lahat.
  • 44. Ikatlong taon. Naisipan ng professor na Dominiko ang pagtanong kay Basilio na akala niya’y tanga upang magpatawa sa klase. Natugon ni Basilio ang tanong. Parang loro siya sa pagsagot. Noo’y di na tinanong si Basilio. Bakit pa tatanugin ito’y di naman nakapag-papatawa sa klase? Nawalan ng sigla sa pag-aaral si Basilio. Nguni’t isang professor niya ang nasiyahang tumanggap ng hamon ng mga kadete sa isang pasyalan at nagyakag ng mga estudyante niya na inilaban niya sa mga kadete sable laban sa baston. Namayani si Basilio sa labanan. Nakilala ng professor. Nang magtapos: sobresaliente at may mga medalya pa.
  • 45. Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio. Nagsulit siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang mga profesor. Nakasulit siya at kumuha ng medisina. Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio. Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niya’y pakaksal na sila ni Huli.
  • 46. Muhi si Kap. Tiyago sa mga prayle mula nang magmongha si Maria Clara. Pinalipat si Basilio sa Ateneo Municipal. Malaki ang natutuhan ni Basilio. Nagsulit siya sa pagkabatsilyer. Ipinagmalaki siya ng kanyang mga profesor. Nakasulit siya at kumuha ng medisina. Pagkatapos, naging matiyaga at masigasig sa pag-aaral si Basilio. Kaya di pa man nakakatapos ay nakapanggamot na siya. At huling taon na ng pag-aaral ni Basilio. Pagkatapos niya’y pakaksal na sila ni Huli.
  • 47. Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Totong malaki ang bilang ng mga mag-aaral sa klase noong panahon nina Rizal – 300 hanggang 400 sa isang klase. Paano magiging mabisa ang pagtuturo? 2. Dito’y inilarawan ni Rizal ang higt na kaunlaran ng mga Hesuwita sa Ateneo kaysa mga Dominiko na siyang halos namamahala sa pagtuturo sa Pilipinas.
  • 48. Mga Tanong 1. Bakit kailangang palihim pa ang pagtungo ni Basilio sa gubat na ari ni Kap. Tiyago? Sagot: Ayaw na niyang maungkat nino man ang kanyang kahapon. Siya’y pinaghahanap pa rin ng bats sa likod ng may 13 taon nang nakakalipas. (Alalahaning buhay pa si Padre Salvi na bahagi ng pamahalaan).
  • 49. 2. Ano ang kapuna-na sa pagkakapagaling ni Basilio sa ketonging nilimusan ni Maria Clara ng isang agnos na mamahalin? Sagot: Kahit nitong mga panahon ito ay may ilan pang naniniwala na ang ketong ay nakakahawa at di napapagaling. Sa sandaling magkaketong ang iasng tao siya ay ibinibilang nang patay nabubuhay na patay walang pag-asa at kadalasa’y pinatitira sa mga malalayong kabundukan upang hindi makahawa. Lalo pa noong panahon nina Rizal. Maalaala na ang ketonging ito na nilimusan ni Maria Clara ng agnos ay sumagip ng isang bata na nalulunod sa knal. Sa halip na pasalamatan ay pinagpapalo at pinarusahan. Mabuti pa raw nalunod na ang bata kaysa mahawa. Nguni’t noon pa man ay naniwala na si Rizal na ang ketong ay mapapagaling. Kung totoong may katibayan si Rizal sa mga pangyayaring inilarawan niya sa Noli at Fili isang estudyante lamang nguni’t masigasig at palaaral na tulad ni Basilio ay nakapagpagaling ng isang ketongin.
  • 50. Kabanata VII-Si Simoun Buod Pauwi na sana si Basilio nang may marinig siyang mga yabag at liwanag na palapit. Nangubli siyan sa puno ng baliti. Sa kabila ng puno tumigil ang dumating. Nakilala ito ni Basilio-ang mag-aalahas nang mag-alis ito ng salamin. Nangsimulang maghukay si Simoun sa tulong ng isang asarol. Naalaala si Basilio. Ito ang taong tumulong sa paglilibing sa kanyang ina at sa pagsunog sa isa pang lalaking doon namatay. Nag-isip si Basilio. Sino sa dalawang lalaking ito ang namatay o ang buhay na nagbubuhay Simoun- ang si Ibarra? Napakita na kay Simoun si Basilio at nag handog ng pagtulong bilang ganti sa tulong na ipanagkaloob nito nam ay 13 ton na ang nakalilipas. Tinitutukan ni Simoun ng baril si Basilio. Sino ako sa palagay mo? tanong ng mag-aalahas. Tugon ni Basilio.
  • 51. Kayo po’y isang taong mahal sa akin, kayo’y ipinalalagay ng lahat, matangi sa akin, na patay na at ang mga kasawian sa buhay ay madalas kong ikinalulungkot. Lumapit si Simoun sa binata. Aniya: Basilio, ika’y naghahawak ng isang lihim na maaring magpangayaya sa akin, at ngayo’y natuklasan mo pa ang isa na kung mabubunyag ay ikasisira ng aking mga balak. At sinabi ni Simoun na dapat ay patayin na niya si Basilio upang iligtas ang kanyang layunin. “Gayunman, hindi ko marahil pagsisihan na ika’y di ko patayin. Gaya ko rin ay may dapat kang ipakipagtuos sa lipunan. Ikaw at ako ay uhaw sa katarungan Dapat tayong magtulungan.
  • 52. At inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra. Isinalaysay nito ang pagkakapaglibot sa buong daigdig upang magpakayaman. Nagbalik upang ibagsak ang pamahalaang marumi sukdang ipagdanak ng dugo. Siya raw ay sadyang nagpapalala sa pag-iimbot at pagmamalabis ng taong pamahalaan at simbahan upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik. Nguni’t sinuwatan niya sina Basilio at mga kasamahan na nagbabalak magtayo ng paaralan ng Wikang Kastila at humihinging gawing lalawigan ng Espanya ang pilipinas at bigyan ng pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino. Ito raw ay magbibigay daan sa Pilipinas sa pagiging bayang walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram dahil sa pagpipilit manghiram ng wika. Ibig raw nina Basilio na matulad ang Pilipinas sa mga bansang magugulo sa Timog Amerika (South Amerika).
  • 53. Ayon kay Basilio ang kastila ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng Pilipinas. Ito’y pinabulaan ni Simoun. Anya: Ang kastila kailanman ay di magiging wikang pangkalahatan sa bayang ito ; sapagka’t sa mga kulubot ng kanyang isip at sa pintig ng kanyang puso ay wala ang mga akmang pananalita sa wikang iyan. Iilan lamang daw ang nakapagsasalita ng Kastila. At ang iilang ito ay mawawalan ng sariling kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, paaalipin. Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat na naghahangad luminang sa wikang Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili nilang wika. Tinuligsa rin niya ang mga nagpapanggap na di sila maalam magsalita at umunawa ng sariling wika.
  • 54. Mabuti, ani Simoun, at hangal ang pamahalaang Kastila na ayaw magpaturo ng wika nito sa mga nasasakupang di tulad ng Rusya at Alemanya. Ani Simoun: Kayo’y nakalilimot na habang ang isang bayan ay may sariling wika, napananatili rin nito ang kanyang paglaya. Ang wika ay isang pag-iisip ng bayan . Inihimutok ni Simoun na ang kilusan ng kabataan sa pagpapaturo ng Kastila ay ipinagdurusa ng kanyang loob. Naniniwala siyang matapat sa kabataang ito ang paniniwala na sa kapakanan ng bayan ang kanilang ginagawa. Ninais niyang kausapin sina Isagani at Macaraeg. Nguni’t baka di siya pakinggan ng mga ito. Naisip rin niyang pagpapatayin ang mga ito. Nagpatuloy si Simoun ukol sa kilusang ibinunsod ng kabataan Bukod sa isang pag-aaksaya ng panahon ay nilinlang ninyo ang bayan sa pag-asa sa wala at tinutulungan ninyong magyuko ng ulo sa mga mapangamkam.
  • 55. Ayaw silang matulad kayo sa mga Kastila? Napakabuti! Paunlarin ninyo ang katutubong ugali. Ayaw kayong bigyan ng kinatawan sa Kortes? Mabuti. Ano ang magagawa ng isang tinig sa karamihan? Habang nagmamaramot sila sa pagbibigay ng karapatan sa inyo lalong malaki ang matatamo ninyo pagkatapos upang ibagsak sila at gantihan ng sama ang sama. Ayaw ituro sa inyo ang kanilang wika, paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi at magkaroon ng mga layuning pambansa. Huwag hayaang magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito at sila’y bahagi ng bayang ito kundi manlulupig at dayuhan. Sa gayo’y matatamo ninyo ang paglaya. Iyan ang dahilan at binayaan ko kayong mabuhay! Nakahinga si Basilio. Aniya’y di siya pulitiko. Lumagda siya sa kahilingan ukol sa paaralan dahil inaakala niyang iyo’y mabuti. Sa panggagamot daw siya nakaukol.
  • 56. Sa kasalukukuyang kalagayan daw ay di makapanggagamot nang mahusay si Basilio ayon kay Simoun. Ang sakit ng bayan ay siyang higit nangangailangan ng kagamutan. Walang halaga ang buhay na di nauukol sa isang layuning dakila, parang isang bato sa linang sa halip maging sangkap sa isang gusali. Ani Basilio pinili niya ang siyensiya para makapaglingkod sa bayan. Nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap. Ang karunungan ay panghabangpanahon, makatao at pandaigdig. Sa loob ng ilang daantaon, kapag ang sangkatauhan ay tumalino na, kung wala nang lahi-lahi, lahat ng bayan ay malaya at wala nang mang-aalipin at napaaalipin, iisa na ang katarungan at lahat ng tao’y mamamayan na ng daigdig at ang tanging layunin ng tao ay pagkakamit ng karunungan, ang salitang kagitingan at pag-ibig sa bayan ituturing na panatisismo o kabaliwan at ikabibilanggo ng nagsasabibig nito.
  • 57. Upang makaabot daw sa kalagayang sinabi ni Basilio ang daigdig kailangan munang lumaya ang mga tao at ito ay nangangailangan namang pagpapadanak ng dugo upang ang mga sinisikil ay makalaya sa mapaniil. Pangarap lamang daw ang kay Basilio. Ang kadakilaan ng tao ay di magagawa sa pagpapauna sa kanyang panahon kundi nasa pagtugon sa kanyang pangangailangan at hangarin sa pag-unlad. Napuna ni Simoun na hindi naantig ang kalooban ni Basilio. Inulos niya ng tuya si Basilio. Sinabi ni Simoun na walang ginagawa si Basilio kundi tangisan ang bangkay ng ina na parang babae. Paano ako makapaghihiganti? tanong ni Basilio. Ako’y dudurugin lamang nila. Sinabi ni Simoun na tutulungan siya. Hindi na raw bubuhayin ng paghihiganti ang ina o kapatid niya, tugon si Basilio. Ano ang mapapala ko kung sila’y ipaghihiganti? .
  • 58. Makatulong sa iba nang di magdanas ng gayon ding kasawian, tugon ni Basilio. Ang pagpapaumanhin ay di laging kabaitan, ito’y kasalanan kung nagbibigaay-daan sa pang-aapi. Walang mang-aalipin kung walang paaalipin. At ipinaalaala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring danasin nito ang dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang inapi ay siya pa ang kamumuhian. Likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi, ani Simoun. Nguni’t di ko sila pinakikialaman; pabayaan nila akong makagawa at mabuhay. Tugon ni Basilio na sinundan ni Simoun ng: At magkaanak ng mababait na alipin Ang mga damdaming mabuti o masama ay namamana ng anak. Kayo ay walang hangad kundi isang munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa; isang dakot na bigas; at iyan ang mithiin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa inyo, ituturing ninyong kayo’y mapalad na.
  • 59. Magmamadaling araw na. Matapos sabihing di niya pinagbabawalan si Basilio sa pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa Escolta. Nagpasalamat si Basilio. Naiwan si Simoun na nag-iisip: Di kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak itong maghiganti nguni’t naglilihim lamang at nais sarilinin iyon o sadyang wala nang hangad maghiganti. Lalong nagtumining sa loob ni Simoun ang matinding nasa na makapaghiganti.
  • 60. Mga Tulong Sa Pag-aaral 1. Matatanto sa pag-aakala ni Basilio na ang Kastila ay wikang siyang mag-uugnay sa mga Pilipinong may iba’t ibang wikain na isa si Rizal sa mga unang nag-isip sa pangangailangan natin ng isang pambansang wika. 2. Si Ibarra kailanma’y di nakita ni Basilio kundi nang dumating ito sa gubat at makatulong niya sa paglilibing sa kanyang ina. Nang dumating si Ibarra. Di pa nakikita ito ni Basilio, ay nangyari na ang pagtatago niya sa mga guwardiya sibil. Katapusan ng Oktubre nang dumating si Ibarra sa Pilipinas mula sa Europa. Ika-23 ng Disyembre nang maganap ang habulan sa lawa. Dalawang buwang maysakit si Basilio sa gubat sa pagkakandili nina Tandang Selo. Bisperas ng Pasko nang maisipan niyang hanapin ang ina at sila’y magkita ni Ibarra sa unang pagkakataon. Nang magkita sila uli ay sa bahay na ni Kap. Tiyago nguni’t si Ibarra ay nagbabalatkayo nang isang Simoun at di nakilala ni Basilio. (Si Basilio ay kilala ni Simoun). Palagi si Simoun kina Kap . Tiyago sa pagkukunwaring isang ganid na nag-aabang ng mamamana sa maysakit na Kapitan nguni’t sa totoo’y upang makasagap ng balita ukol kay Maria Clara. 3. Tatlo ang pinag-aalayan ni Simoun ng kanyang paghihiganti a) Si Don Rafael b) Si Maria Clara c) Si Elias-pawang mga sinawing-palad ng lipunang nais niyang iwasak.
  • 61. Mga Tanong 1. Si Elias at Ibarra ay kapwa di kilala ni Basilio noong siya ay isa pa lang sakristan. Paano natiyak ni Basilio na si Simoun ay si Ibarra nang makita sila sa gubat makaraan ang labimpitong-taon? Sagot: Si Basilio ay matalino at pinag-ugnay niya ang mga pangyayari: a. Bago namatay ang sugatang lalaki ay nagbilin sa kanya na kung walang darating sa gubat na iyon ay ariin niya ang kayamanang nakabaon sa puno ng balite. Ang dumating ay isang mestiso na ngayo’y siyang humukay sa lugal na pinagbaunan ng kayamanan. b. Alam ni Basilio na mestiso ang anak ni Don Rafael; ang namatay sa gubat ay kayumanggi. c. May sugat na taglay ang lalaking namatay. Noon ay nabalitang napatay sa lawa si Ibarra. Nguni’t ang mestiso ay walang sugat. Samakatuwid, iyong kayumanggi ang hinabol at pinagbabaril sa lawa, hindi ang mestisong si Ibarra.
  • 62. 2. Bakit di hinukay ni Basilio ang kayamanan sa puno ng balite gayong lagi siyang nasa libingan ng kanyang ina sa loob ng 13 taon? Sagot: Bilin ni Elias na hukayin niya ang kayamanan at ariing kanya kung walang darating na iba. May dumating-si Ibarra. At nakalimutan na ito ni Basilio. Tangi sa rito, malayo nang kaunti sa puno ng balite ang libing ni Sisa at gabi kung magtungo roon nang palihim si Basilio. 3. Bakit ibinaon ni Ibarra si Sisa nguni’t sinigan ang bangkay ni Elias? Sagot: Ibig ni Basilio na maibaon ang ina. Bilin naman ni Elias na sunugin ang kanyang bangkay.
  • 63. Kabanata VIII: Maligayang Pasko Buod Hindi naghimala ang birhen. Di nagbigay ng karagdagang salaping kailangan ni Huli. Natuloy si Huli sa pagpapaupa kay Hermana Penchang. (Iyon ay araw ng Pasko). Sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo.
  • 64. Mga Tanong at Sagot 1. Papaano makatulong ng malaki ang mga prayle sa matagal na pagkakaalipin ng Pilipinas? Tugon Itinuturo ng mga kura na isa sa mga mabtuing katangian ng mga Katoliko ay ang pagtitis at pg-asa sa mga milagro ng Santo (o ng lilok ng larawan). Si Huli halimbawa, ay umaasa o nagbabasakali sa pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Ngunit ng di matupad ito, natuto siyang magtiis at inihanap ng katwiran ang kanyang kasawian.
  • 65. 2. Bakit sa halip na hintayin ng mga bata na may tuwa ang araw ng pasko ay kinatatakutan pa nga nila ito? Tugon a) maaga silang ginigising para magsimba; b) binibihisan sila ng mga magagara (ayaw ng mga bata ng matitigas na damit dahi lsa almirol at mga bagong sapatos na masakit sa paa); k) isinisimba sila sa misa mayor na matagal; d) pinaluluhod sila sa lahat ng kamag-anakan upang humalik sa kamay.
  • 66. KABANATA IX: Ang mga Pilato Buod Pinag-usapan sa bayan ang nangyari kay Tandang Selo at kung sino ang may kasalanan sa ipinagkagayon ng matanda. Ang alperes o tenyente ng guardia sibil? Ano raw ang kasalanan niya? Kaya lamang daw niya sinamsam ang mga sandata ay utos sa kanya iyon, hindi upang bigyan ng pagkakataon ang mga tulisan upang madukot si Kabesang Tales. At di raw niya kasalanan kung di man matagpuan si Kabesang Tales. Ang asenderong bagong gumagawa ng lupa ni Kabesang Tales? Paano raw niya isusuplong ang pagdadala ni Kabesang Tales ng armas e kung tingnan siya’y parang pinipili ang pinakamabuting patamaan sa kanya. Kung namalagi raw si Kabesang Tales sa bahay ay di sana nadukot ng mga tulisan.
  • 67. Si Hermana Penchang na bagong panginoon ni Huli? Ang may sala raw ay si Tandang Selo na rin na may kasalanan dahil di marunong magdasal at di nagturo ng wastong pagdarasal sa mga kaanak na tulad ng ginagawa niya ngayon kay Huli na tinuturuan niya ng dasal at pinababasa niya ng aklat na. Tandang Basyong Makunat. Nang mabalitaang tutubusin ni Basilio ang kasintahan ay nagsabing si Basilio ay isang demonyong nag-aanyong estudyante na ibig magpahamak sa kaluluwa ng dalaga.
  • 68. Nakauwi si Kabesang Tales sa tulong ng salaping napagbilhan ng mga alahas ni Huli at nautang ng dalaga kay Hermana Penchang. Nabatid niyang iba na ang gumagawa ng kanyang lupa, nagpaupang utusan si Huli, pipi ang amang si Tangdang Selo, at pinaalis siya sa kanyang bahay, sa atas ng hukuman at sa katuwaan ng mga kura at gugmawa ng lupa. Si Kabesang Tales ay naupo sa isang tabi at nanatiling walang kibo.
  • 69. Mga Tanong at Sagot 1. Ano ang nilalaman ng Tandang Basyong Makunat? na isinulat ng isang prayle. Tugon : Ito’y kuwento ng isang mag-anak ni Tandang Basyong Makunat na nagpaaral ng anak na lalaki na naging suwail kaya’t ang payo sa aklat ay huwah magpapaaral ng anak na lalaki sapagkat pag ang lalaki raw ay nawalay sa kanyang kalabaw ay kinukubabawan na ito ng demonyo. Ito’y naglalayon na huwag matuto ang mga Pilipino, manatiling mga mangmang na magsasaka at nang patuloy silang mapagsamantalahan ng mga prayle. Ang anak na dalaga naman ay pinapayuhang laging pasasakumbento ano mang oras upang mangumpisal kura at ang mga magulang na di susunod dito ay tutungo sa impiyerno.
  • 70. 2. Ano ang kaugnayan ng pamagat na Mga Pilato sa laman ng kabanata? Tugon: Si Pilato ay siyang naggawad ng hatol na si Kristo ipako sa krus gayong batid niyang walang kasalanan si Hesus. Sinunod niya ang hiling ng mga tao nasulsulan ng mga tauhan ng tulisang si Barabas. Pagkatapos ay naghugas siya kamay at sinabing wala siyang kasalanan. Ito rin ang katwiran ng iba-ang gumagawa ng lupa ang kura Clemente, si Hermana Penchang ng nagsamantala sa katangahan at kawalang-kaya ng isang dalaga upang gawin itong busabos sa araw pa naman ng pagsilang ng Panginoon, siya pa namang isang manang na manang at katolikong-katoliko. Silang lahat ay may kasalanan ngunit nagsabing wala.
  • 71. KABANATA X: Kayamanan at Karalitaan Buod Sa bahay ni Kabesang Tales nakipanuluyan si Simoun. Ito’y nasa pagitan ng San Diego at Tiyani. Nagdarahop si Kabesang Tales ngunit dala nang lahat ni Simoun ang pagkain at ibang kailangan at dalawang kaban ng mga alahas. Ipinagmalaki ni Simoun ang kanyang rebolber kay Kabesang Tales. Nagdatingan ang mga mamimili ng alahas. Si Kapitan Basilio, ang anak na si Sinang at asawa nito, Si Hermana Penchang mamimili ng isang singsing na brilyante para sa birhen ng Antipolo. Binuksan ni Simoun ang dalawang maleta ng alahas. Mga alahas na may iba’t ibang uri, ayos, at kasaysayan.
  • 72. Napatingin si Kabesang Tales sa mga alahas ni Simoun. Naisisp niyang parang sa tulong ng kayamanang iyon ay tinutudyo siya ni Simoun, nilalait ang kanyang kapahamakan. Sa bisperas pa naman ng araw ng kanyang pag-alis sa bahay niyang iyon isa lamang pinakamaliit sa mga brilyanteng iyon ay sapat nang pantubos kay Huli at makapagbigay ng kapanatagan sa matanda na niyang ama. Wala namimili isa man sa mga nagsitawad sa mga luma ang makasaysayang alahas ni Simoun. Inilibas ni Simoun ang mga bagong hiyas. Dito namili sina Sinang at iba pa. Siya raw ay namimili rin ng alahas, ani si Simoun. Tinanong si Kabesang Tales kung may may ipabibili. Iminungkahi ni Sinang ang kuwintas. Tinawaran agad ni Simoun ng makilalang iyon nga ang kuwintas ng kasintahang nagmongha. Limandaang piso. O ipagpalit ng Kabesa sa alin mang hiyas na maibigan niya. Nag-isip si Kabesang Tales. Ani Hermana Penchang ay di dapat ipagbili iyon dahil minabuti pa ni Huli ang paalila kaysa ipagbili iyon. Isinangguni raw muna ni Kabesang Tales sa anak ang bagay na iyon. Tumango si Simoun.
  • 73. Ngunit nang nasa labas na ng bahay ay natanaw ni Kabesang Tales ang prayle at ang bagong gumagawa ng lupa. Nangagtawanan pa iyon ng makita si Kabesang Tales. Tulad niya ay isang lalaking nakita ang kanyang asawa na kasama ang ibang lalaki at pumasok sa isang silid at nangagtatatwanang inaglahi ang kanyang pagkalalaki. Bumalik ng bahay si kabesang Tales. Sinabi kay Simoun na di niya nakausap ang anak. Kinabukasan, wala si Kabesang Tales. Gayundin ang rebolber ng magaalahas-wala sa kaluban at ang naroroon ay isang sulat at kuwintas ni Maria Clara. Humingi ng paumanhin si Kabesang Tales sa pagkakahuha ng baril na kailangan daw niya sa pagsapi niya sa mgas tulisan. Pinagbilinan si Simoun na mag-ingat sa paglakad sapagkat pagnahulog ang mag-aalahas sa kamay ng mga tulisan ay mapapahamak ito. Ani Simoun-sa wakas ay natagpuan ko ang taong aking kailangan: Pangahas ngunit mabuti nga ito-marunong tumupad sa mga pangko. Dinakip ng mg a guwardiya sibil si Tandang Selo. Natutuwa si Simoun. Tatlo ang pinatay ni Kabesang Tales ng gabing iyon. Ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa nito ay nagkaroon ng madugong pagkamatay-putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na kinasusulatan ng Tales na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.
  • 74. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit kina Kabesang Tales nanuluyan si Simoun? Tugon: Ayon sa sabi ng mag-aalahas, iyon ang pinakamaliki at pinakamasinop na bahay sa pook na iyon. Ang tunay na layunin ni Simoun ay makilala nang lubusan si Kabesang Tales na sa balita niya sa mga nangyari rito ay maaaring isang taong akma para sa balak niyang maghiganting paghihimagsik.
  • 75. 2. Bakit natuwa si Simoun sa ginawa ni Kabesang Tales ng pagkuha ng kanyang baril? Tugon : Nakilala niya ang pagkalalaki ang pagkamaginoo ni Kabesang Tales. Ipinalit pa sa rebolber ang agnos na ayaw sanang pakialaman dahil walang pahintulot ang anak. Nakita niya sa kabesa ang isang taong hinog ang dibdib sa init ng kanyang paghihiganti. Ito ang kailangan niyang makasama sa kanyang paghihimagsik.
  • 76. 3. Bakit natuwa pa si Simoun ng dakpin ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo? Tugon : Lalong maglalatang ang galit ni Kabesang Tales at lalong mapapadali ang paghimok niya rito upang maghimagsik.
  • 77. KABANATA XI: Los Baňos Ang Kap. Heneral ay nangaso sa Bosoboso. May kasama siyang banda ng musiko sapagka’t siya ang pangalawang patrono real ng Pilipinas o kinatawan ng patrono real ng hari. Walang nabaril na ibon o usa ang Kapitan heneral. Ibig na sanang pagbihisang- usa ang isang tao. Mabuti na raw iyon sapagka’t maawain siya sa hayop. Ang totoo’y natutuwa siya’t di makikita na di siya makatatama ng ibon o usang babarilin. Nagbalik sila sa Los Banos. Noo’y ika-31 ng Disyembre. Naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los-Banos ang Kapitan Heneral, si Padre Sibyla at Padre Irene. Galit na galit naman si Padre Camorra. Hindi alam ng huli na kaya nagpapatalo ang dalawang kura ay sapagka’t nais nilang makalamang sa isa sa pakikipag-usap sa Kapitan ukol sa paaralan ng kastilang balak ng kabataan. Samantalang nagsusugal ay pinag-aralan at pinasyahan ng Kapitan ang mga papeles ng pamamahala na inisa-isa ng kalihim pagpapalit ng tungkulin, pagbibigay ng biyaya, pagpapatapon at iba pa. Saka na ang ukol sa paaralan ng kastila. Naroon si Don Custodio at isang prayleng Dominiko- si Padre Fernandez.
  • 78. Nagalit si Padre Camorra dahil sa isang sinadyang maling sugal ni Padre Irene na ikinapanalo ng Kapitan. Punyales, si Kristo na ang makipagsugal sa inyo! ani Padre Camorra at tumayo na. Si Simoun ang pumalit kay Padre Camorra. Siya ay biniro ni Padre Irene na kanyang itaya ang kanyang mga brilyante. Pumayag si Simoun. Wala raw namang maitataya ang kura. Ani Simoun: Ako’y babayaran ninyo ng pangako. Kayo Padre Sibyla, sa bawat limang bilang ay mangangako na kayo’y di kikilala sa karalitaan, kababaang loob, at pagsunod sa kabutihang asal (magmamalabis siya sa maluhong pamumuhay at paggugol, di siya magpapakita ng awa sa mga dukha, at di siya susunod sa mga tuntunin ng kabutihang asal.); at kayo, Padre Irene, sasabihin lamang ninyo na lilimutin ninyo ang kalinisang ugali, ang awa sa kapuwa, at iba pa. Sa maliit na hinihingi ko’y kapalit ang aking mga brilyante. At ito (tinapik pa ang Kapitan Heneral), sa limang bilang ay isang vale na limang araw sa piitan (karapatan ni Simoun na mapabilanggo sa isang tao nang limang araw); isang pag-papapiit sa limang buwan; isang utos na pagpapatapon na walang nakasulat na pangalan; karapatan sa isang madaliang utos na pagpapabaril sa iasng taong pipiliin ko at iba pa.
  • 79. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Ang pagtuturo noon ay nasa kamay halos ng mga Dominiko. Magkagalit ang mga Dominiko at ang Hesuwita. 2. Si Padre Sibyla ay isang rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas at tutol ang mga Dominiko sa balak na paaralan. Si Padre Irene naman ay siyang inupahan ng kabataan na maging tagapagtanggol o tagatangkilik ng balak.
  • 80. 1. Bakit nagagalit si Padre Camorra sa pakikipagsugal sa dalawang kura at sa heneral? Tugon: Di niya batid na sadyang nagpapatalo ang dalawang pari upang ilagay sa pagiging masaya ang heneral sa pananalo nito para maging madali ang kanilang pagkuha sa kalooban ng heneral ukol sa usapin ng paaralan ng kabataan.
  • 81. 2. Bakit sa lawa ipinamangka ni Simoun ang kanyang mga alahas na dala ng utusan samantalang siya, dala pa ang higit na mga mamahaling alahas ay sa pampang nagdaan? Tugon: Balak niyang talaga na makipagkita sa mga tulisan. Buo ang kanyang pananalig na kung ang mga tulisan ay tulad ni kabesang Tales ay mga maginoo ito at kaya niyang kausapin ng marangalan. Di niya ikinatakot ang kanyang mga alahas sapagkat alin sa dalawa : dinala niya iyon upang ang ilan ay ipagkaloob sa puno ng pangkat o upang gawing katunayan ng kanyang pagtitiwala sa mga tulisan tulad ng mag-isa niyang pagkakalakbay.
  • 82. 3. Anong institusyon sa Pilipinas ang napag-ukulan ni Rizal na patawang pamumuna nguni’t dapat na matalim na pag-iwa sa damdamin ng mga Pilipino? Totoo pa ba ito ngayon? Tugon Ang sabong… Samantalang ang mga sabungan noon ay magagara’t malalaki, ang paaralan ay nasa kahabag-habag na kalagayan. Kahit sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang nakapagsasabong at nakapupusta ng malaki nguni’t ang pagpapaaral at pagdadamit sa mga anak, ang pagkumpuni sa sariling tahanan, at iba pa ay di mahirap. Kung minsa’y maganda pa ang kulungan ng sasabungin kaysa bahay nila. Sa mga sabungero, una muna ang bisyo bago ang sandang pangangailangan.
  • 83. KABANATA XII: Placido Penitente Buod Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi na niya sa 2 sulat niya sa ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa artes ay matapos niya.Nasa ikaapat na taon na siya. Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay palaisipan sa kanyang mga kababayang taga Tanawan. Siya ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat, masalapi. Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes (dating Sto.Domingo) at siya’y tapikin ni Juanito Palaez sa balikat. Si Palaez ay mapaghangin at paborito ng mga guro. Anak ng mestisong Kastila. Mayaman. May pagkakuba.
  • 84. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Ang Unibersidad ng Santo. Tomas noong panahon ng kastila ay nasa Intramuros (Walled City) sa malapit sa kolehiyo ng San Juan de Letran sa ngayon. Panahon na ng mga Amerikano nang ang UST ay ilipat na sa Espanya, Maynila. Lahat halos ng paaralan noon ay nasa Intramuros-Letran at Ateneo. 2. Mga pagkakakilanlan sa mga estudyante na nag-aaral sa tatlong kolehiyo noon. Ateneo Nangakadamit Europeo (Amerikana), mabilis lumakad, maraming dalang aklat at kuwaderno. Letran Nakadamit-Pilipino, lalong marami, di gaanong paladala ng aklat. UST Malinis manamit maayos, makisig at sa halip na aklat ay baston ang dala. Paaralang Normal Mga tahimik , makukulay ang damit, sinusundan ng mga utusan, walang biruan at mapagdala ng aklat. 3. Katatapos noon ng bakasyong para-Pasko kaya bagong balik sa paaralan ang mga estudyante.
  • 85. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nais nang tumigil ni Placido sa pag-aaral? Tugon Apat na taon nang siya’y nag-aaral ngunit di pa siya nakikilala at napapansin ng mga guro gayong lagi siyang nag-aaral ng leksyon. Hindi sana gaanong masakit sa kanya kung siya’y walang hangad kundiang pumasa. Ngunit siya’y matalino, ibig niyang matuto. Siya ang idolo sa katalinuhan sa kanilang bayan.
  • 86. 2. Ano ang kahulugan ng pangalang Placido Penitente? Tugon Placido: Kalmante o mapayapa at penitente ay nagdurusa.
  • 87. 3. Anu-ano ang puna ni Rizal sa pag-aaral ng karaniwang kabataan noon? Tugon Karamihan noo’y walang natutuhan dahil: a. Liban sa Ateneo, ang mga estudyante ay di nagdadala ng aklat, lalo na sa UST. b. Napakalalaki ng bilang ng mga estudyante. k. May mahabang pagpapalagay ang mga guro sa estudyante. d. Madalas ang araw na walang pasok.
  • 88. KABANATA XIII: Ang Klase sa Pisika Buod Isang silid na taluhaba ang silid ng klase. Ang upuan ay parang hagdan na tatlong baytang at nakapaligid sa 3 panig ng silid. Sa isang dulo ng silid ay ang hapag ng guro na sa likod ay ang pisarang may nakasulat na Viva! na naroon mula pa nang unang araw ng pasukan sa taong iyon. Walang palamuti ano man ang mga dingding na bato. May mga kasangkapan sa pisika nguni’t ito ay nakasusi sa isang aparador na may salamin at kung gamitin man ay ipinakikita lamang sa klase mula sa malayo tulad ng Santisimo ng Pare. Iyon ay ipinakikita lamang sa mga dayuhan upang di masabi ng mga ito na nahuhuli ang UST sa ibang bansa sa kahusayan sa pagtuturo at kaya lamang di natututo ang mga Pilipino ay dahil katutubo ang walang-katalinuhan. Ang guro, si Padre Millon ay isang batang Dominikong napabantog sa pilosopiya sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Iyon ang una niyang pagtuturo ng pisika.
  • 89. Unang tinanong sa klase ang isang antukin. Parang ponograpo itong tumugon ng isang isinaulong leksiyon na ukol sa salamin, bahagi nito, kauriang bubog o kalaing. Pinatigil ng guro ang estudyante. Pinilosopiya ang musika. Kung kalaing, metal at bubog daw ang salamin ano raw uri ang kahoy na may makintab na barnis o marmol na binuling maigi? Di tinugon ng estudyante ang tanong. Ipinagpatuloy ang isinaulong aralin na parang plakang natigil at muling pinaandar sa ponograpo. Pinatigil uli ang estudyante, muling tinanong sa sampay bakod na kastila. Binulungan ito ni Pelaez. Mali ang idinikta. Sinunod nito. Natawa pati ang guro matapos insultuhin ang estudyante. Binigyan uli ng tanong sa bahagi ng salamin. Kung ano ang ibabaw ay siyang salamin, bale wala ang harapan; ang mahalaga’y ang nasa likuran. Di ba? Nalito ang estudyante. Lahat ay sumesenyas na sumang-ayon na siya at nadiktahan siya ni Pelaez nang Concedo, Padre, (sang-ayon Padre). Iyon ang itinugon ng estudyante. Tanong uli ng prayle: Kung katkatin ang asoge sa likod at palitan ng bibingka, ano mayroon?
  • 90. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Si Padre Millon: a. Tapos sa pilosopiya at teolohiya at mahilig sa metapisika (mga teorya) ay nagturo ng kimika at pisika, magkaslungat na mga asignatura. b. Pasulyap sulyap lamang sa mga aklat ng kimika at pisika (A little knowledge is a dangerous thing) na karamihan ay di pinanaligan at kalabas labas ay magtuturo ng mga asignaturang ito sa paraan ng pilosopiya. (Siya’y di pa makapaniwala na ang mundo ay bilog at ito’y umiinog at umiikot sa araw.) k. May paglahi sa itinituro at tinuturuan mga makamandag na kasarian ng isang guro. d. Siya lamang ang nagtatanong at ayaw magtanong. (Ikinatutuwa ang katangahan ng tinuturuan at kinaiinis ang tamang pagtugon sa kanyang mga tanong.) e. Ipinasasaulo nang walang labis at walang kulang ang mga aralin di ipinaliliwanag. g. Nagtutungayaw at nagmumura ng istudyante.
  • 91. 1. Ano ang masasabi natin kay Placido, sa ugali niyang inilalarawan sa kabanata? Tugon: Siya’y naglalarawan sa karaniwang Pillipino. Mapagtimpi tayo’t mapayapa. Hangga’t maaari’y nagtitiis tayo lamang sa gulo. Nguni’t kung tayo’y napapasubo na, marunong din tayong sumbog na parang bulkan.
  • 92. 2. Bakit sa pagtingin na lamang sa silid aralan sa pisika ay masasabi kaagad na sadyang walang matutunguhan ang mga estudyante? Tugon: Ang pisika ay di maituturo ng sa bibig lamang. Kailangan ang mga larawan, kasangkapan at mga halimbawa’t paliwanag sa pisara. Ni isang larawan ay wala sa buong silid. Nakasusi ang mga kasangkapan. At mga pisara ay di ginagamit. Doo’y may sumulat ng VIVA! (Mabuhay!) noong unang araw ng pasukan. Enero na’y di pa nabubura. Dapat, iyon ay magiging klase ng pilosopiya, di ng pisika.
  • 93. KABANATA XIV: Sa Bahay ng mga Mag-aaral Buod Malaki ang bahay na tinitirahan ng estudyanteng si Makaraig. Maluwag ang bahay na ito at puro binata ang nakatira na pawang nangangasera. Iba-iba ang kanilang edad at pag-uugali. Si Makaraig ay isang mayamang mag-aaral ng abogasya at pinuno ng kilusan ukol sa isyu sa Akademya ng wikang kastila. Ang pangunahing estudyante na sina Isagani, Sandoval, Pecson at Pelaez ay inimbitahan ni Makaraig upang pag-usapan ang kanilang pakay. Mananalig sina Isagani at Sandoval na pagbibigyan hiling, samantalang nag-aalinlangan si Pecson. Si Sandoval ay larawan ng mga kastilang may malasakit at pagpapahalaga sa mga Pilipino.
  • 94. May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita nila na si Padre Irene ay ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang adhikain. Kailangan ng grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataastaasang lipon ng paaralan sa kanilang panig. Dalawang paraan ang kanilang naisipupang pumanig sa kanila si Don Custodio, si G. Pasta isang manananggol at si Pepay na isang mananayaw na matalik na kaibigan ni Don Custodio. Napagkaisahan ng lahat na piliin ang manananggol upang maging marangal ang kapamaraanan.
  • 95. May dalang magandang balita si Makaraig. Ibinalita nila na si Padre Irene ay ang nagtatanggol sa kanila laban sa mga sumalungat sa kanilang adhikain. Kailangan ng grupo ang pagkiling ni Don Custodio, isa sa mga kataas-taasang lipon ng paaralan sa kanilang panig. Dalawang paraan ang kanilang naisipupang pumanig sa kanila si Don Custodio, si G. Pasta isang manananggol at si Pepay na isang mananayaw na matalik na kaibigan ni Don Custodio. Napagkaisahan ng lahat na piliin ang manananggol upang maging marangal ang kapamaraanan.
  • 96. Mga Tanong at Sagot 1. Sino si Sandoval? Sagot: Isang empleyado at estudyanteng taga-Espanya na tinatapos ang pag-aaral sa Maynila. 2. Anong uri ng tauhan ang inilarawan ni Rizal sa tauhang si Juanito Pelaez? Sagot: Isang Pilipino na takot manindigan para sa bayan. 3. Anong ugali mayroon ang mga intsik na naging dahilan ng kanilang tagumpay ayon sa inilarawan sa kwento? Sagot: Sila ay mapagkumbaba
  • 97. Kabanata XV: Si Ginoong Pasta Buod Si Ginoong Pasta ay isang bantog na manananggol. Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila kung sakaling sumangguni si Don Custodio. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag nakialam dahil maselan ang usapan. Marami na siyang pag-aari kaya’t kailangang kumilos nang ayon sa batas. Ang ganting katwiran ni Isagani ay lubos na hinangaan ng abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito.
  • 98. Mga Tanong at Sagot 1. Sino si Ginoong Pasta? Sagot Isang bantog na mananaggol ng Maynila. 2. Anong klaseng mamamayan ang inilarawan na Rizal sa pagkatao ni G. Pasta? Sagot Siya ang sumasagisag sa mga Pilipinong nagnanais na manatiling sakop ng mga Kastila ang Pilipinas. 3. Anong katauhan ang ipinahiwatig sa papel ni Isagani? Sagot Siya ay simbulo ng mga kaisipan na naglalaman ngmga idealismo ng mga pangarap tungo sa pagkakaroon ng demokrasya at kalayaan.
  • 99. Kabanata XVI: Ang Kasawian ng Isang Intsik Buod Si Quiroga, isang negosyanteng Intsik na naghahangad magkaroon ng konsulado ang kanyang bansa ay naghandog ng isang hapunan. Dinaluhan ito ng mga tanyag na panauhin, mga kilalang mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan, gayun din ang kanilang mga suki. Dumating si Simoun at nang singilin niya si Quiroga sa utang na siyam na libong piso, sinabi nitong nalulugi siya. Inalok ni Simoun na bawasan ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papaya gang intsik na itago sa kanilang bodega ang mga armas na dumating. Hindi raw dapat mangamba ang Intsik, sapagkat ang mga baril ay unti-unting ililipat sa ibang bahay na pagkatapos ay gaagawan ng pagsisiyasat at marami ang mabibilango. Siya ay lalakad sa mga mapipiit upang kumita. Napilitang sumang-ayon si Quiroga. Ang pangkat ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipapadala sa India para pag-aralan ang paggawa ng sapatos para sa mga sundalo.Sa pulutong ng mga pari, ay pinag-uusapan nila ay tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo na pinamamahalaan ni Mr. Leeds.
  • 100. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit naghanda ng isang malaking hapunan si Quiroga? Sagot Siya ay naghahangad na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa Pilipinas. 2. Bakit iginalang ni Quiroga si Simoun? Sagot Dahil sa pagiging malapit nito sa kapitan-Heneral. 3. Bakit nagkautang si Quiroga kay Simoun ng siyam na libong piso? Sagot Kumuha siya ng tatlong pulseras kay Simoun na ibinigay niya sa isang babaeng kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki.
  • 101. Kabanata XVII: Ang Perya sa Quiapo Buod Maganda ang gabi. Ang perya’y punong-puno ng panonoorin at manonood. Ang 12 galing sa bahay ni Quiroga ay patungo sa kubol ni Mr. Leeds. Tuwang-tuwa si Padre Camorra sa dami ng magagandang dalagang nakikita lalo na nang makasalubong si Paulita na kasama nina Isagani at Donya Victorina. Punyales! Kailan pa ako magiging kura sa Quaipo, anang makamundong prayle at kinurot sa tiyan si Ben Zayb. Si Isagani nama’y inis sa bawa’t tumititig kay Paulita. May pinasok na tindahan ng mga tau-tauhang kahoy ang pangkat nina Padre Camorra. Naghawigan sila-sila. Ang isa raw ay kahawig ni Zayb. Kahawig daw ni Padre Camorra ang isa. Marami ang lilok na anyong Prayle. May isang kuwadrong tanso ng babaing pisak ang mata, gula-gulanit ang damit, nakalupasay at namimirinsa at namimirinsa ng lumang damit. Ayon kay Padre Camorra ay isang hanggal ang umisip ng larawang iyon. Sumagot si Ben Zayb na iyon ay ayon sa pamagat: la Prenza Filipina o prinsang ginagamit sa Pilipinas. Isa namang kuwadro ay naglalarawan ng isang lalaking nakagapos ang mga kamay at tinuturuan ng mga guwardiya sibil. Pamagat Ang Bayan na Akaba . Pinagtawanan din nila ito.
  • 102. May nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Hinanap nila ang mag-aalahas. Wala ito. Ayon kay Padre Camorra’y natakot na baka pagbayarin nila sa pagpasok sa paglabas ni Mr. Leeds. Ani Ben Zayb naman: Baka natakot na matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan si Mr. Leeds. Makikita ninyo’t ang lahat ay sa salamin lamang.
  • 103. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Ang perya ay hindi iisang tindahan ng mga laruan o pabaril na tulad ng kasalukuyang gamit ng taguring ito. Ito ay Fair o mga kubol ng siriko, mahika (magic), mga tindahan ng laruan ,paninda mga ari, at iba pa. 2. Tandaan uli ang pagkawala ni Simoun gayon siya ang nagyaya sa panonood sa espinghe ni Mr. Leeds.
  • 104. Mga Tanong at Sagot 1. Anong kalinangan Pilipino ang binigyan diin ni Rizal sa Kabanatang ito? Tugon Ang palilok ng mga anyo o larawan. Isa itong talakay sa sining ng paglilok ng mga Pilipino na pinuri ni Rizal. 2. Ano ang inilalarawan sa kathang La Filipina? Tugon Ang pamamahayag sa Pilipanas (state of Filipino press or journalism): matanda (makaluma); pisak ang isang mata ( di katotohanan ang pagbabalita at iyong lang ibig paksain ang pinapaksa ): marumi, at lugami ang pamamahayag noon. Ang nakakatawa rito ay isa pa si Ben Zayb sa nagtatawa sa larawan at wala siyang kamalay-malay na sila ang inaatake sa larawang iyon lalo si Ben Zayb. ( Animo ito ng pagkakapahintulot ng sensor sa pagpapalathala ng Florante at Laura ni Balagtas na atake ng kumatha laban sa pamahalaan.) Mas malinaw rito ang panunuligsa sa ikalawang larawan, ang bayan ng Abaka. Inilalarawan dito na ang Pilipinas ay bayan ng abaka na ang karaniwang gamit ay panggapos sa mga dinarakip ng guwardiya sibil. Nguni’t ito man ay di nasakyan ng matatalino’t magagaling na pangkat nina Ben Zayb.
  • 105. Kabanata XVIII: Ang mga Kadayaan Buod Sinalubong ni Mr. Leeds ang mga panauhin sa kanyang perya. Bago nagsimula ang palabas, nagsiyasat si Ben Zayk upang Makita ang salamin sa kanyang inaasahang matagpuan, ngunit wala siyang nakita. Pumasok si Mr. Leeds sa isang pinto at may dalang kahong kahoy sa kanyang pagbabalik. Ipinaliwanag niya na ito ay natagpuan naiya sa isang libingang nasa-piramid ni Khufu, isang Paraon ng Ehipto. Ang kahon ay may lamang abo at kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita. Sa pamamagitan ngpagbigkas ngunang salita ang abo ay nabubuhay at nakakausapang isang ulo at pagbanggit ng ikalawang salita ito ay babalik sa dating kinalalagyan nito. Bumigkas ng isang salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang ulo at sinsbi nitong siya si Imuthis. Siya ay umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-aaral at mahabang paglalakbay.
  • 106. Sa kanyang pagdaraan sa Babilonia ay nabati niya ang isang lihim na hindi ang tunay na Sumerdis ang namamahala doon kundi si Gautama, isang magnanakaw ng kapangyarihan at namamahala sa tulong ng pandaraya. Sa katakutang isumbong siya kay Cambises ay binalak ang ikakasawi ni Imuthus sa tulong ng mga saserdoteng Taga-Ehipto na siyang nakapangyayari noon sa kanilang bayan. Siya ayumibig sa isang anak ng pari at naging kaagaw niya rito ang pari sa Abidos. Nagpanukala ang pari ng kaguluhan at siya ang sinangkalan. Isinakdal siya at napiit, tumakas at napatay. Ayon sa ulo siya ay nabuhay muli upang ihayag ang gayong kataksilan. Titig na titig kay Padre Salvi ang espinghe habang nagsasalita ito. Dahil sa takot hinimatay ang prayle. Kinabukasan nagpalabas ng utos ang gobernador na nagbabawal sa palabas ngunit wala na si Mr. Leeds, nagtungo ito sa Hongkong dala ang kanyang lihim.
  • 107. Mga Tanong at Sagot 1.Bakit hinimatay si Padre Salvi? Sagot Dahil sa takot sa tinawag na ulo. 2. Kanino inahalintulad ang buhay ni Imuthis? Sagot Kay Ibbara. 3. Ano ang ipinahihiwatig ng naging reaksyon ni Padre Salvi pagkatapos ng salaysay ni Imuthis? Sagot Ito ay nagpapakilala ng pagtanggap ng mga prayle sa kanilang kasamaan at pagpakasal.
  • 108. Kabanata XIX: Ang Mitsa Buod Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit na galit siya. Nais niyang gumawa ng isang libo`t isang paghihiganti. Parang ibinubulong ng kanyang budhi: Placido Penitente, ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw ay matapang at maginoo. Taga-Batangas ka na ang paglait ay hinuhugasan ng dugo. Nakitang nagdaan ang isang sasakyang kinalulunanan nina Padre Sibyla at Don Custodio. Nais niyang habulin ang kura at ihagis sa ilog. Napadaan sa Escolta. May naraanang dalawang Agustino sa pinto ng basar ni Quiroga. Ibig pag-uundayan ng suntok. Nagpigil. May naraanang dalawang kadete na nakikipag-usp sa isang kawani. Sinagasa niya ito. Tumabi ang mga kadete. Inaalihan ng hamok si Placido. Inakala na ni Placidong wala na siyang pagkakataong mag-aral. Aniya sa sarili. Hindi raw kami marunong maghiganti. Dumating na sana ang lintik at nang makita nila
  • 109. Naratnan ni Placido sa bahay na kanyang tinutuluyan ang kanyang ina si Kabesang Andang. Kararating nito mula sa Batangas. Sinabi ni Placido na di na siya mag-aaral. Naghinagpis ang ina. Nakiusap sa anak. Nagpaalam si Placido sa ina. Ginala nito ang Sibakong, Tundo, San Nicolas, Sto. Kristo. Mainit pa ang ulo. Nguni`t nakaramdam ng gutom. Naisipang umuwi. Inakalang wala na sa bahay ina`t nagtungo na sa kapitbahay upang makipangginggi. Mali siya. Naroon pa ang ina. Naghihintay. Ipinakiusap daw ni Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na iayos ang suliranin ni Placido sa nakagalit na Dominiko. Ayaw ni Placido. Tatalon daw muna siya sa ilog Pasig o magtutulisan bago mag-aral na muli. Nagsermon uli ang ina ukol sa pagtitiis. Di na kumain muna, muling umalis ang binata. Nagtungo sa daungan ng mga bapor. Inisip niyang magtungo sa Hongkong, magpayaman at kalabanin ang mga prayle. Ginabi siya sa paggagala. Walang natagpuang kaibigan. Napatungo siya sa perya. Nakita niya si Simoun. Sinabi niya dito ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang pasa- Hongkong. Napatulog siya sa mag-aalaha. Isinama ni Simoun si Placido sa kanyang karuwahe. Pag-karaan ng pagtakbo ipinatigil ang sasakyan. Bumaba sina Simoun at Placido. Nakita nina Placido sina Isagani at Paulita na namamasyal. Nainggit si Placido.
  • 110. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Nakita ni Placido na kasama ni Padre Sibyla si Don Custodio, na magpapasiya ukol sa balak na paaralan ng kabataan. 2. Ang salita kayang Ingles na amok (huramentado) ay galing sa hamok ng Malay? 3. Si Kabesang Andangay halimbawa ng isang ignoranteng ina noong panahong iyon na kaya lamang nagpapaaral ng anak ay sa pagkakagaya-gaya o kaibigang mapagmalaki bilang ina ng isang nakapag-aral at nagkatitulo. Kung alam niya na ang ibubunga ng pagaaral ni Placido ay bilangguan o bibitayan, na siyang tiyak na ibubunga ng masikhay at matining na pag-aaral noon ay papag-aralin pa kaya niya ito?
  • 111. 4. Ang paghihimagsik ni Simoun ay magsisimula sa mga arabal (kanugnog-pook ng Maynila o suburbs na noon ay mabigat pa tulad ng Balintawak, Sta Mesa. Makati, La Loma at atbp.) na binubuo ng : A. Pangkat ng mamamayang naaaping ibig maghiganti; B. Pangkat ng mga tulisang tulad ni Kabesang Tales ay naging gayon sa udyok ng paghanap ng katarungang di naging kanila sa pamahalaan; K. Mga kawal na kanyang pinaniwalaang ibig ng Kapitang Heneral na manggulo sila sa mga sibil at sa mga prayle upang magkaroon ng dahilan ang heneral na magtagal pa sa Pilipinas; D. Mga manong na pinaniwala niyang sasalakay sa kumbento ang mga kawal at sibil. Dahil dito, ang mga sibil at mga manong ay makakalaban ng mga kawal na may mga pagkakautang kay Simoun at ang mga tulisan kakampi ni Simoun, at ang mga mamamayang sasapi sa kanya ay malayang makalulusob sa Maynila (Intramuros ngayon) at maluwag niyang makukuha ang siyudad na walang magtatanggol.
  • 112. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit nasabi ni Placido na wala na siyang pagkakataong mag-aral? Tugon: Iisa ang unibersidad noon para sa karera ang unibersidad ng Sto. Tomas. Ayaw na siyang tangapin doon. 2. Bakit umanib kay Simoun sa balak niyang paghihimagsik ang Kastilang may rayuma? Tugon: Ito’y nagkaasawa ng maganda. Pinagnasaan ng mga prayle ang babae. Para maiwasan ang ganti ng Intsik, ito ay ginawan ng lalang ng mga prayle upang mapabilanggo hanggang magkaramdam. Ibig ng Kastila na makapaghiganti.
  • 113. 3. Bakit napaaga ang pagbubunsod sa himagsikang binalak ni Simoun? Tugon: Dahil kay Maria Clara na ayon sa balitang tinanggap ni Simoun ay nasa bingit na halos ng kamatayan. 4. Sa anong ibon inihalintulad ni Simoun si Maria Clara? Tugon: Sa Fenix (Phoenix). Iisa lang ang ibong ito. (Tulad ni Maria Clara na iisang babae sa buhay ni Ibarra.) nabubuhay ito mula sa 500 hangggang 12,954 taon. Pagkatapos ay sinusunog nito ang sarili sa sariling pugad at ang abo nito’y nagiging bagong Fenix. Kung makuha na ni Simoun si Maria Clara sa mga kuko ng bulag na paniniwala, bibigyan niya ng bagong buhay ang mongha. Ani simoun patungkol kay Maria Clara: Isang paghihimagsik ang naglayo sa akin at sa iyo; isa ring pagbangon ang magsasauli sa akin sa iyo.
  • 114. 5. Ano ang mitsa ng paghihimagsik ni Simoun? Tugon: Ang paghihimagsik ay parang bomba na handa na ngunit wala pang mitsa na sisindihan upang pasabugin ang bomba. Ang paghihimagsik ni Simoun ay may layon: pagbawi kay Maria Clara.
  • 115. Kabanata XX: Si Don Custodio Buod Ang usapin ukol sa akademya ng salitang kastila ay nasa mga kamay ni Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito. Si Don Custodio de Salazar y Sanchez deMonteheredondo ay kilalang tanyag sabahagi ng lipunan sa Maynila at tinaguriang “Buena Tinta”. Siya ay nakapag-asawa ng isang mayaman at sa pamamagitan ng yaman ng asawa, nakapagnegosyosiya kahit kulang sa kaalaman sa mga tungkuling kanyang hinahawakan siya ay pinupuri dahil siya ay masipag. Nang bumalik siya sa Espanya walang pumansin sa kanya dahil sa kakulangan niya sa pinag-aralan, kaya walapang isang taon nagbalik na siya sa Pilipinas at nagmagaling sa mga Pilipino sa kanyang kunwaring magandang karanasan sa Madrid. Lumagay siya parang amo’t tagapagtanggol, ngunit siyay naniniwalang may ipinanganak upang mag-utos at ang iba’y upang sumunod. Ang Pilipino’y ipinanganak upang maging utusan, kaya’t kailangang pagsabihang lagi na ang mga ito’y sa gayon lamang ukol. Sa loob ng labing limang araw, si Don Custodio ay bumuo ng pasiya ukol sa kasulatan at handa na niya itong ipaalam sa lahat.
  • 116. Mga Tanong at Sagot 1. Paano nabigyan ng bansag na “Buena Tinta” si Don Custodio? Sagot: Siya ay naging laman ng mga pamahayagan sa loob ng ilang lingo at sakanyang walanghabas na pakikipagtalo kung kanikanino. 2. Ano ang palagay ni Don Custodio sa mga Pilipino? Sagot: Ang mga Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan.
  • 117. Kabanata XXI: Mga Anyo ng Taga-Maynila Buod Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok. Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito’y si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahaba’t hanggang tuhod. Siya’y si Tiyo Kiko. Pinakitaan nito ng mga mamisong Mehikano si Camarroncocido. Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil. Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Ani Camarroncocido: E, magkano naman ang ibinigay nila sa mga prayle? Dapat mong malaman na ang buong kikitain ng palabas ay mauuwi sa mga kumbento. Ang palabas ay humati sa Maynila. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming matataas na tao. Laban ang mga babaing may asawa o may kasintahan. Ang wala nama’y sang-ayon sa opera. Naging malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang Kapitan
  • 118. Ani Camarroncocido kay Kiko: Ang kalahati ng mga nagsisipasok sa teatro ay manonood dahil sinasabi ng mga prayle na huwag manood: at ang palabas dahil ipinagbabawal ng mga prayle. Mabuti ang iyong mga paskil ngunit higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o pagbabawal ng mga pari. Nang makaalis si Tiyo Kiko ay may napansin si Camarroncocido na mga taong tila hindi sanay magamerikana at sa wari’y umiiwas mapuna. Anya: Mga sekretarya kaya o magnanakaw? Kinapa ang sariling mga bulsa. Walang laman. Ano sa akin sino man sila? anito at nagkibit-balikat. Isang kagawad ng hukbo ang kumausap sa mga di-kilalang tao na apat o lima sa bawat pulutong. Pagkatapos, ang kagawad ay lumapit sa karwahe at masiglang nakipag-usap sa taong lulan niyon si Simoun. May narinig ang palaboy na Kastila: Ang hudyat ay isang putok. At umalis ang karwahe. May binabalak! ani Camarroncocido. Nagpatuloy ng lakad si Camarroncocido. Dalawang tao ang narinig niyang nag-uusap. Anang isa na may hawak na rosaryo at kalmen: Ang mga kura ay malakas kaysa Heneral. Ang heneral ay umaalis; ang mga ay naiiwan. At yayaman tayo. Ang hudyat ay isang putok.
  • 119. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Si Camarroncocido ay may pangalang ang kahulugan ay halabos na hipon dahil mapulang-mapula siya. Siya ang isang Kastilang hindi nagpapahalaga s kanyang pagiging Kastila. Gayong may pagkadugong bughaw, nang dumating sa Pilipinas ay naging isa lamang upahan sa pagdidikit ng mga paskil sa dulaan at mga gawaing kauri nito. Isa siyang kabaligtaran ni Don Custodio na isa lamang layak sa Espanya na nang maparito ay nagsamantala sa pagiging Kastila at naging mayaman at makapangyarihan. 2. Salin ng Les Choches de Corneville: Mga Kampana sa Corneville. Ito’y nagpapahiwatig ng mga mananayaw na babaing may mga sayang maluluwang na parang kampana na titikwas-tikwas samantalang sumasayaw at pasipa-sipa sa itaas ang mga paa.
  • 120. Mga Tanong at Sagot 1. Anong kasamaang ugali ang pinulaan ni Rizal sa mga taong tulad ni Camarroncocido? Tugon: Ang pagwawalang-bahala sa mga panayayari o mga mangyayari kung ito ay walang tuwirang kaugnayan sa kanya kahit mangahulugan ito ng kaguluhan sa bayan o maging ito ay matuklasan niyang may pipinsalaing ilan. Ito ay sakit ng lipunan hanggang ngayon. Maraming kabulukan at katiwalian o krimen ang nasassaksihan nguni’t di isinusuplong sa mga maykapangyarihan sapagka’t wala namang tuwiran o biglaang samang nagagawa sa mga nakakita dahil di nila nais masangkot sa gulo. Di nila nais na maabala sa pagsaksi sa paglilitis. Nguni’t sa di paggawa ng karampatang hakbang ng mga nakapunang ito, ang katiwalian o ang krimen ay lalaganap at balang araw ang nangapabaya sa pangyayari ay siyang tatamaan niyon. At sa katiwaliang nangyari sa bayan, di man tuwiran, lahat ay nagdurusa. (Maipaliliwanag pa ito ng guro).
  • 121. 4. Bakit nakapasok din sa dulaan si Tadeo? Tugon: Di sumama kina Macaraeg si Basilio dahil ang huli ay magrerepaso para sa nalalapit niyang pagsusulit. May tiket para kay Basilio. Ito’y ipinagamit nina Isagani kay Tadeo.
  • 122. Kabanata XXII: Buod: Ang Palabas Maingay sa dulaan. Lampas na sa oras ay di pa nagsisimula ang palabas dahil wala pa ang Kapitan Heneral. May nagsisipadyak ng baston at sumisigaw na buksan na ang tabing. Maraming pabastos na paghanga sa mga babae na maririnig sa mga artilyero. Maraming tsismisan. Mausok. Maraming pagtatalo. May isang matigas ang ulo sa isang luklukang di kanya at ayaw ibigay iyon sa may-aring si Don Primitivo. Hindi ito napakiusapan ng tagapamahala. Nagsigawan ang mga artilyero. Ibibigay o hindi na oo na hindi! Nalibang ang mga tao. Ang mga tanod ay di makapangahas magpaalis sa nasa upuan ni Don Primitivo dahil sa ito ay isang mataas na tao sa pamahalaan. Dumating ang Heneral. Tumugtog ng marcha real. Si Pepay ay nasa isang palko na handog ni Makaraig. Katapat ito ng palko ng mga estudyante. Si Don Custodio ay tinipan ni Pepay sa dulaan kaya’t di man ibig ay napilitan ang tagapagmungkahi na pasadulaan. Masaya si Pepay. Masaya rin ang mga estudyante pati si Pecson. Si Isagani lang ang hindi dahil nakita niya sa dulaan si Paulita na kasama ni Pelaez na kanyang karibal.
  • 123. Isang Pransesa ang umawit, si Gertude. Isang awit na puno ng tsismis ng linggo ang kanyang ipinaririnig. Tigas na kasasalin ni Tadeo sa Kastila ng mga salitang Pranses. Gayon din ang ginawa ni Juanito Pelaez kina Paulita at Donya Victorina. Karaniwan naman ay mali si Juanito. Umawit si Serpolette. May pumalakpak sa una. Nakilala ito ni Tadeo. Padre Irene na pinapag-espiya ni Padre Salvi sa kung sadyang masama nga ang palabas ng mga Pranses ay namukhaan ng mananayaw. Kakilala pala siya ni Serpolette sa Europa pa. Isang babae ang dumating na kasama ang asawa. Ipinamalaki ang pagdating niya nang huli sa lahat. Nang makitang may palko pang walang laman ay inaway ng ginang ang asawa. Sinutsutan siya ng mga tao. Wikang paismid: Ang mga ungas! Akala mo’y marurunong ng Pranses. (Tama naman.) Si Juanito’y nagpapanggap na maalam ng Pranses na di naman nalalayo sa Español. Kapag nagtawa ang mga tao’y nakikitawa siya. Kapag nagsiungol o nagsiubo, napapailing siya. Humanga sa kanya si Donya Victorina at hinangad pakasalan ang binatang kuba pag namatay si De Espadaña.
  • 124. Mga Tulong sa Pag-aaral 1. Ang tinawag na Filipino time ay pag-aglahi sa ating ninuno. Ito’y hindi oras Pilipino. Nagaya lamang ito ng ilan sa ating totoong isip-alipin sa mga Kastilang namuno sa atin nang may tatlong daang taon. Ang manonood, makikita sa ano mang palabas, ay maagang nagsisidating. Tanging panauhing pandangal ang huling dumarating at ito ay ipamamata nang oras-Pilipino . Hindi tumpak na ang maling ginawi ng isa ay ipaari sa maraming hindi naman gumawa niyon. Ang tunay na oras-Pilipino ay makikita sa mga nayon. Bago pa sumikat ang araw at wala pang nakikita sa paligid ay nasa pilapil na ng bukid ang magsasaka, nakasulong na sa dagat ang mamamalakaya. Ibando mong may pasine sa liwasan sa ika-8 at ika-6 pa lamang ng gabi ay marami nang naghihintay na bata at matanda sa pagpapalabasan. Pag sinabing orasPilipino ito’y mga minuto o oras na una kaysa takdang tipanan. 2. Ang bisa ng pag-ibig. Si isagani na pinakamasipag at tagapagtaguyod ng paaralan ay di pumansin sa pagkakatuwa at pagtalakay ukol dito ng mga kasamahan dahil sa malaki niyang panibugho at galit kay Paulita. Ito ring damdaming ito ni Isagani ang sisira sa tagumpay na balak ni Simoun sa dakong huli.
  • 125. 3. Sina Tadeo at Pelaez bilang manonood. Si Tadeo ay isang uri ng manonood na di dapat natatagpuan sa dulaan. Wala siyang nakikita o nais makita kundi ang kapintasan at kasiraan ng kanyang pinapanood. Si Juanito Pelaez naman ay halimbawa ng isang ungas na ginagamit ang kaunting kaalaman (sa Pranses) na lalong nagpapatingkad sa kanyang katangahan. At sina Paulita at Donya Victorina naman ay mga lalong tanga na nakipatol sa nagdudunung-dunungang si Tadeo. Sila’y parang mga bulag na napapaakay sa kapwa bulag. 4. Si Ben Zayb ay isang kritikong hangal. Walang kaalaman sa sining ngunit nagdudunung-dunungan. Siya’y mapanganib dahil marami siyang maihahawang hangal ding mambabasa sapagkat siya’y manunulat at manunudling (columnist).
  • 126. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit masaya si Pepay gayong hindi maganda ang kanyang balita para kina Makaraig? Tugon Isa siyang tanga. Hindi niya nasakyan ang ibig sabihin ng pasiya ni Don Custodio na akala niya ay sang-ayon sa paaralan kayat ikatutuwa nina Makaraig. 2. Kaganinong palko ang walang tao na nkita ng babaing namayagpag sa pagdating niya ng huli sa lahat? Tugon Kay Simoun. 3. Bakit hindi nasiyahan si Sandoval sa palabas? Tugon Paano di siya nakauunawa ng Pranses. (Daig pa siya ni Juanito.)
  • 127. 4. Bakit hinagisan ni Pecson ng medyas na mabaho si Sandoval? Tugon : Si Sandoval ay isang Kastilang estudyante na kasang-ayon nina Isagani sa pagtatayo ng paaralan ng kabataan. Nasabi niya minsan, nang sabihin ni Pecson na walang mararating ang balak nila sapagkat lalabanan ng simbahan at pamahalaan, sinabi ni Sandoval na pag nabigo ang mga Pilipino, siya na isang kastila, ang magpapatuloy ng magandang balak na iyon. Ang medyas ay pinagsagisag ni Pecson sa isang paghamon kay Sandoval na magsabi ng totoo sa kanyang salita. 5. Bakit ikinalulungkot ng mga estudyante ang pasya ukol sa balak nilang paaralan? Tugon: Ang paaralan ay ipaiilalim sa mga dominikano sa Unibersidad ng Sto. Tomas samantalang ang lahat ng gugol ay sa mga estudyante. Samakatuwid, wala ring pag-iiba sa pagtuturo sa unibersidad sa ilalim ng mga dominikano. Bakit magbubukas pa ng paaralan ang kabataan? E, di papasukin na rin lamang nila sa unibersidad ang sino mang nais mag-aral kahit hindi matuto.
  • 128. Kabanata XXIII: Buod Isang Bangkay Nang gabing iyon, ikapito, ay makalawang umalis at dumating si Simoun sa bahay na may iba’t ibang taong kasama. Nakita siya ni Makaraig nang mag-iikawalo sa may daang Ospital, malapit sa kumbento ng Sta. Clara. Nakita siya ni Camarroncocido sa may dulaan nang mag-iikasiyam na may kausap na tila estudyante. Si Basilio ay dir in nanonood. Nagrerepaso siya sa bahay. Hindi na nag-sasama sa mga kamag-aaral mula nang tubusin si Huli sa pagkakaalila. Pinag-aralang mabuti ang pagpapagaling kay Kapitan Tiyago na noon ay lalong naging mahirao pakiba-gayan. Kung minsan ay mahal na mahal nito si Basilio at kung minsa’y nilalait. Pabigat nang pabigat ang karamdaman nito. Ang pagbabawas sa paghitit ni Kapitan Tiyago ay isinasagawa ni Basilio ngunit kung nasa lalawigan o nasa paaralan siya’y may nagbibigay ng labis na apyan sa matanda. Si Simoun at si Padre Irene lang naman ay walang itinatagubilin kay Basilio kundi ang pagalingin ang maysakit, pagtiisan ito sa pag-aalaga.
  • 129. Sa pagrerepaso ni Basilio ay dumating si Simoun. Mula nang magkita sila sa San Diego ay noon lamang sila nagkaharap. Kinumusta ni Simoun ang maysakit. Malubha, ani Basilio. Malala na raw ang kalat ng lason sa katawan. Tulad daw ng Pilipinas, ani Simoun. Hinimok ni Simoun si Basilio na makiisa sa himagsikan liban sa pama-halaang Kastila dahil ang hindi kakampi sa kanila ay ituturing na kaaway na dapat pata-yin. Inatasan ni Simoun si Basilio na itakas si Maria Clara mula sa kumbento ni Sta. Clara habang nagkakagulo ang buong lungsod. Sinabi ni Basilio na huli na, dahil sa nagpakamatay na si Maria Clara. Naroon siya sa kumbento upang makibalita kaya niya nabatid. Nang bumalik siya ay nakita niya ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre Irene na siyang nagpabasa niyon kay Kapitan Tiyago na nagpanangis nang mabatid na patay na si Maria Clara. Litong-lito na patakbong nanaog ng bahay si Simoun. Nawala sa pag-aaral ang isip ni Basilio. Ang naglaro sa isip ay ang kahabag-habag na buhay nina Ibarra at Maria Clara.
  • 130. Mga Tanong at Sagot 1. Bakit ninasa pa ni Basilio na gamuting mahusay si Kapitan Tiyago gayong siya’y hirap na hirap dito at pabayaan lamang niyang mamatay ay tapos na ang hirap niya? Sagot: May marangal na budhi si Basilio. Nasa isip niyang lagi ang kinabukasan nila ni Huli na ayaw niyang mabahiran ng maruming kahapon. 2. Bakit inihambing ni Simoun si Kapitan Tiyago sa pamahalaan ng Pilipinas? Sagot: Tulad ni Kapitan Tiyago na ang lason ng apyan ay laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na kabulukan sa bayan, ay malapit nang “maglagot” ang bayang Pilipinas.
  • 131. 3. Bakit kailangang-kailangan ni Simoun si Basilio sa kanyang paghihimagsik? Sagot: Si Basilio lamang ang tangi kay Simoun at Kapitan Tiyago ay siyang naka-kikilala kay Maria Clara na kailangang ilabas sa Sta. Clara. Si Basilio lang dahil kailangan ni Simoun na pangasiwaang maigi ang mga pangkat ng kanyang pag-aalsa. 4. Ano ang mapupuna sa inihandang paghihimagsik ni Simoun na wika nga niya, kung buhay si Elias, ay isa sa mga tututol? Sagot: Hindi para sa bayan ang layunin ni Simoun sa paghihimagsik na ito. Ito’y ginawa lamang niyang kasangkapan sa isang makasariling layunin—ang maka-paghiganti at mailigtas si Maria Clara sa mga pagdurusa sa kumbento. 5. Bakit napablis ang pagkalason ng katawan ni Kapitan Tiyago? Sagot: Kung wala si Basilio ay binibigyan ni Padre Irene ng maraming apyan ang may sakit; tulad ng pagpapalala ni Simoun sa sakit ng bayan. Si Padre Irene ay may hangad sa lalong madaling pagkamatay ni Kapitan Tiyago dahil nagawa niyang siya ang mapamanahan ng lahat ng ari-arian ng matanda.