2. Ang pagdating ni Fernando de
Magallanes sa pilipinas
Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng
expedisyon ng mga Español na pinamunuan ng Portugesna si Fernando de
Magallanes noong Marso 16, 1521. Pumalaot si Magallanes sa pulo
ng Cebu, inangkin ito para sa Espanya, at binigyan ito ng pangalan na Islas
de San Lazaro.[3]
Magiliw siyang nakipag-ugnayan sa ilang mga lokal na datu. Nagdaos pa
sila ng tradisyonal na sandugo kung saan pinalalabas ang dugo sa
braso, inihahalo sa tubig o alak at iniinom nilang magkasama. Sa ganitong
paraan, ang dugo ng kasama niya ay nasa kanyang mga ugat na ginagawa
silang "magkapatid sa dugo", isang sagrado at hindi pwedeng ipawalang-
bisa na kasunduan. Nakumbinsi pa ni Magellan na
maging Kristiyano.[3] Nagawa niya itong gawin kay Humabon ng Cebu dahil
sa Kristiyanismo, ginagalang ng mga bata ang mga matatanda. Ito ang nag-
enganyo sa konbersyon dahil noong panahong iyon ay hindi iginagalang ng
mga bata ang matatanda dahil wala na silang magagawang mabuti sa tribu.
Ang mga kabataan ang nag-uutos sa mga matanda. Nagpakita ito ng isang
mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagwagi si Magallanes
laban kay Humabon sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong kultura na
nagpapahalaga sa dignidad ng tao.
3. Fernando
de
Magallanes
Si Fernão de Magalhães (pinakamalapit
na bigkas /fekh·néw ji ma·ga·lyáysh/)
(1480–Abril 27,1521; Fernando de
Magallanes sa Kastila, Ferdinand
Magellan[2] sa Ingles) ay
isangeksplorador na Portuges na naglayag
para sa Espanya. Siya ang kauna-unahang
nakapaglayag mula sa Europa pakanluran
patungong Asya, ang unang Europeo na
nakatawid ng Karagatang Pasipiko, at ang
namuno ng unang ekspedisyon para sa
sirkumnabegasyon ng daigdig. Bagaman
nasawi siya sa Pilipinas at di nakabalik sa
Europa, 18 sa kanyang mga tripulante at
isang barko ang nakabalik sa Espanya
noong 1522, at natupad ang pangarap na
paglibot sa buong mundo. Namatay siya sa
Pilipinas dahil sa hidwaan ng mga
katutubo.[
4. Ang pagpatay ni Lapu-Lapu kay
Fernando de Magallanes
Ngunit, napatay si Ferdinand Magellan ng pangkat
ni Lapu-Lapu, na tumutol sa pamamahala ng Espanya.
Hinamon ni Magellan si Lapu-Lapu sa isang
labanan, upang ipakita kung paano lumaban ang mga
Europeo. May tatlong dahilan kung bakit natalo si
Magellan laban kay Lapu-Lapu. 1) Hindi siya nagpadala
ng tauhan upang suriin ang lugar, 2) binalaan niya ang
kalaban na siya aatake at 3) pumayag siyang mas
maraming tribo ang lumaban sa kanyang mga tauhan.
Sa mga sumunod na dekada, iba pang mga ekspedisyon
ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas.
Noong 1543, pinamunuan ni Ruy López de Villalobos ang
isang ekspedisyon patungo sa mga pulo at
pinagalang Las Islas Felipinas (mula sa pangalan
ni Felipe II ng Espanya) ang mga pulo ng Samar at Leyte.
Hindi nagtagal, ibinigay ang pangalang ito sa buong
arkipelago.
5. Lapu-
Lapu
Si Lapu-Lapu ay isang datu sa isla
ng Maktan. Nang dumating
si Fernando de Magallanes para
basbasan ang mga tribu ng
Kristiyanismo, tumutol si Lapu- lapu
at nakipaglaban sa kanila.
Walang naitala tungkol sa
kapanakan ni Lapu-lapu maliban sa
kanyang mga magulang na sina
Kusgano at Reyna Bauga. Ang
magkapatid na Abnaw at Mausug
ang kanyang kanang-kamay at
pinakamatatalik na kaibigan. Siya ay
nagpakasal kay Prinsesa
Bulakna, ang magandang anak ni
Datu Sabtano. Sila ay biniyayaan ng
isang anak na lalaki, si Sawili.
6. Panahong kolonyal ng Amerikano
(1898-1946)
Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados
Unidos nang magsama ang dalawang bansa upang
labanan ang mga Kastila. Bilang mga magka-alyado,
binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga
Amerikano ng mga mahahalagang impormasyon at
suporta mula sa militar.Ngunit, dumistansya ang
Estados Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino.
Hindi natuwa si Aguinaldo nang tumutol ang mga
Amerikano na suportahan ang kalayaan ng
Pilipinas.Nagwakas ang relasyon ng dalawang
bansa at tumaas ang tensyon nang naging malinaw
ang pakay ng mga Amerikanong manatili sa mga
pulo.
7. Digmaang Pilipino-
Amerikano
Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899,
matapos patayin ng dalawang Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong
sundalo sa San Juan.[12] Naging mas magastos at mas marami ang
namatay sa digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol-
Amerikano.[4] Humigit-kumulang 126,000 Amerikanong sundalo ang
lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang 16,000
Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang
pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na bilang ng mga
kasapi.[12] Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil
sa kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.[12]
Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga
Pilipinong sundalo laban sa mga Amerikano sa mga pangunahing labanan
ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang
gerilya.[12] Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay
nakuha ng mga Amerikano noong Marso 31,1899 ngunit nakatakas si
Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera sa San Isidro,
Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na kumander ni
Aguinaldo, ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang
tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa mga labanan sa
Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa
bawat sonang militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang
mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay
naghirap.[12]
8. Ikalawang Digmaang
Pandaigdig at ang pagsakop
ng mga Hapon
Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa
Pampanganoong Disyembre 8, 1941, halos sampung oras lamang matapos ang Pag-
atake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba sa pamamagitan ng paggamit ng mga
eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong Hapones sa Luzon. Ang hukbo
ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pinamunuan ni Heneral Douglas
MacArthur. Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang mga
hukbong Pilipino at Amerikano sa Bataan at sa pulo ng Corregidor. Ang Maynila, na
idineklarang bukas na lungsod/Open City upang maiwasan ang pagkawasak
nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin ito [18] ito ay pinasok
ng mga Hapones noong Enero 2, 1942[19]. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga
Pilipino hanggang sa pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan
noong Abril 9, 1942 at ang Corregidor noong Mayo 6. Karamihan sa 80,000 na mga
preso ng digmaan na nahuli ng mga Hapones sa Bataan ay
sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa
Hilaga (Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at
1,200 mga Amerikano ang namatay bago makarating sa destinasyon.[20]
Sumama sina Quezon at Osmeña sa mga sundalong patungong Corregidor at hindi
nagtagal ay umalis sila patungong Estados Unidos, at doon pinamahalaan ang
Komonwelt.[21] Inutusan si MacArthur na pumunta sa Australia, kung saan sinimulan
niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas.
9. Kalayaan ng pilipinas sa mga
hapones
Noong Mayo 8, 1942 hanggang Setyembre 2, 1945, nagsimula ang
kampanya ng Labanan ng Pilipinong Nadakpin-Muli sa Pilipinas sa
ilalim ng pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-libong mga Pilipino at
mga Pilipinong Intsik na kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang
dating militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa ilalim
ng pangkat ng militar ng Estados Unidos (1935-1946) at ang sumali
bilang gerilya ng kumilalang pangkat ng gerilya sa buong pagbabaka at
labanang ito sa Pilipinas katulad ng Luzon, Visayas at Mindanao at
lumaban sila sa mga Hapon, at bago po pagbabalik ng mga
Amerikanong sundalo sa Pilipinas noong 1944.
Dumating si Heneral Douglas MacArthur at si Pangulong Sergio
Osmena kasama ang maraming mga Pilipino at Amerikanong sundalo
saLeyte noong Oktubre 20, 1944. Maraming pang mga sundalo ang
dumating, at pinasok ng mga Magkakaalyadong sundalong Pilipino at
Amerikano ang Maynila. Nagtagal ang labanan hanggang sa pormal na
pagsuko ng Hapon noong Setyembre 2, 1945. Nagdanas ang Pilipinas
ng pagkawala ng maraming buhay at malawakang pagkasira nang
matapos ang digmaan. Tinatayang isang milyong Pilipino ang
namatay, at nawasak ang Maynila dahil hindi idineklara ng mga
Hapones ang Maynila bilang isang bukas na lungsod katulad ng
ginawa ng mga Amerikano noong 1942.[22]