SlideShare a Scribd company logo
1 of 16
Kolokyal
Sinasaklaw lamang nito ang isang tiyak na
bilang o grupo at lugar kung saan ginagamit
ang isang tiyak na lenggwahe. Tumutukoy ito
sa baryasyon ng isang lenggwahe na
ginagamit sa isang lugar subalit maaaring
hindi maunawaan sa ibang lugar dahil sa
pagkakaroon nito ng ilang modipikasyon dala
na rin ng interpretasyon ng mga taong
nagsasalita nito.
Balbal
Madalas ipinagpapalgay na ang balbal ay kauri rin ng
kolokyal. Subalit may magkaibang distinksyon ang dalawang
ito. Bagamat umiiral din ang balbal sa isang tiyak na lugar at
may mga tiyak na grupo na gumagamit nito,posibleng hindi
lahat ng nasa isang lugar ay nakauunawa ng mga balbal na
mga salita.
Halimbawa’y ang mga naninirahan sa “Tondo” na bagamat
iisa lamang ang komunidad na kanilang ginagalawan, hindi
lahat ng naninirahan dito ay nakauunawa sa lenggwahe ng
mga Bakla o Kanto Boys.
Kahulugang Konotatibo at Denotatibo
Ang kahulugang Denotatibo ay ang literal na kahulugan
ng isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo. Habang
ang Konotatibo naman ay tumutukoy sa ekstrang
kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa
intensyon (agenda) ng nagsasalita o sumusulat. May
mga salitang maaaring wasto ang pagkakagamit sa
usaping denotatibo subalit maaaring lumikha ng
tunggalian o kalituhan sa loob ng isang teksto.
Halimbawa’y ang salitang “ahas” na ang
kahulugang denotatibo ay isang makamandag
na hayop na gumagapang. Subalit kung
gagamitin ito sa pangungusap sa loob ng isang
teksto tulad ng “Inahas ni Florintino ang nobya
ni Dave na matalik niyang kaibigan”, ay ganap
na nawala ang kahulugang denotatibo sapagkat
iba na naging konotasyon ng salitang inahas sa
ahas.
Mga Tayutay
Isa sa mahalagang sangkap sa isang matalino, maganda
at epektibong pagsulat ay ang kasanayan sa paggamit
ng tayutay. Ayon kay Derrida, ang isang sulatin ay
walang permanenteng kahulugan sa kanyang sarili
dahil depende ito sa magiging interpretasyon ng mga
mambabasa. Sa puntong ito ay masasabing nawawala
ang literal na kahulugan ng isang salita.
Epektibong Pagsulat
Sa aklat ni Murrel Harris (2000) ay may
inihain siyang mga pamantayan upang maging
gabay sa epektibong pagsulat na nakapaloob sa
tinatawag niyang HOCs (Higher Order
Concerns)
1. Layunin
Ang bawat manunulat ay may kaukulang
layunin sa kanilang pagsulat ng isang sulatin.
Maaaring ito ay upang mang-aliw, magbigay ng
impormasyon at mangumbinse, magturo at
magpaganap o magpatupad .
2. Mambabasa
Walang sinuman ang sumulat ng para lamang
sa kanyang sarili. Layunin o pangarap ng bawat
manunulat na malathala o mabasa man lamang
ng iba ang kanyang mga naisulat. Kaya naman
isa sa pangunahing konsiderasyon na dapat
isaalang-alang sa pagsulat ay kung sino ang
babasa ng teksto.
3. Pangunahing Ideya/Kaisipan
(Thesis Statement)
Ito ang pinaka-esensiya at sustansiya na
maaring mapiga ng mga mambabasa mula sa
isang sulatin. Ito ay isang maiksing pahayag na
binubuo lamang ng isa o dalawang
pangungusap.
4. Organisasyon
Ang manunulat upang makatiyak na
makatutugon ayon sa kahingian ng kanyang
pangunahing ideya ay kinakailangan
magbalangkas (outlining) upang matiyak na
ang nilalaman ng bawat talata ay sumusuporta
rito at hindi lumilihis sa paksang tinatalakay.
Mahalaga ito para maging lohikal ang daloy ng
mga ideya at impormasyon at hindi malito ang
mga mambabasa.
5. Debelopment
Tiyaking sapat ang mga detalye tulad ng pantulong na
ebidensya at impormasyon na sumusuporta sa
pangunahing ideya (thesis statement). Dito ay
maaaring magtanggal ng mga materyales na wala
namang direktang kinalaman sa paksa o ‘di naman
kaya ay magdagdag ng mga panibagong konsepto na
lalo pang magpapalakas sa pangunahing ideya na
makatutulong sa pagtamo ng layunin sa pagsulat.
6. Haba ng Bawat Talata
Dapat ay magkakatulad ang haba ng halos lahat
ng talata sa buong komposisyon at hindi dapat
na ito ay umabot o omukupa ng isang buong
pahina. Ang masyadong mahabang talata ay
sadyang kinababa-gutang basahin ng mga
mambabasa.
7. Transisyon sa Pagitan ng mga
Pangungusap at Tala
Kinakailangan na maging maayos ang ugnayan sa
pagitan ng bawat talata. Ang transisyong pangungusap
ang siyang nagpapakita ng kaugnayan ng isang talata sa
sinusundan nitong talata. Isa itong mahalagang
konsidirasyon na dapat bigyang pansin ng mga
manunulat dahil hindi lamang nito maaaring iligaw ang
mga mambabasa kundi maaari rin itong
makapagpahina sa nilalaman ng isang komposisyon o
teksto.
8. Introduksyon (Panimula) at Kongklusyon
(Wakas)
Ang introduksyon ay dapat na nagbibigay ng motibasyon sa
mga mambabasa sa simula pa lamang upang makumbinsi
itong ipagpatuloy ang pagbabasa. Ang bahaging ito ay dapat
na maging kawili-wili at interesante upang makaakit ng mga
mambabasa.
Ang konklusyon ang nagbibigay hudyat na papalapit na ang
wakas at kinokondisyon ang isipan ng mga mababasa hinggil
sa nalalapit na wakas. Ang konklusyon ay maaring
maglaman ng mga mungkahi na gabay sa pagkilos o
pagpapasya ng mga mambabasa ayon sa mga inihaing
impormasyon o mga datos.
Mga Epektibong Istratehiya sa Muling
Pagsulat ng Burador
1. Ipabasa ang burador sa isang taong
mapagkakatiwalaan tulad ng guro, kaibigan,
magulang at maging bukas ang isipan para sa
kanilang mga mungkahi o puna.
2. Ilagay ang iyong sarili sa posisyon ng mga
mambabasa. Isaalang-alang ang mga nais nilang
malaman.
3. Bagalan lamang ang pagbabasa (Proof Reading) nang
sa gayon ay maitanghal ang lahat ng mga posibleng
kamalian. Iwasan ang pagmamadali upang makita ang
maling bantas, baybay at kapitalisasyon.
4. Huwag lamang basta umasa o dumepende sa
“Thessaurus” ng kompyuter para sa awtomatikong
pagwawasto ng mga pagkakamali sa ispeling.
5. Itala ang lahat ng nakitang kamalian upang maging
batayan sa pagwawasto sa pangwakas na pagsulat.

More Related Content

What's hot

ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptxARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
RenanteNuas1
 
Mga Estratehiya Batay sa Dulog Integratibo
Mga Estratehiya Batay sa Dulog IntegratiboMga Estratehiya Batay sa Dulog Integratibo
Mga Estratehiya Batay sa Dulog Integratibo
Mckoi M
 
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYONDULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
Emma Sarah
 
Kaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uriKaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uri
Elvin Junior
 
Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)
Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)
Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)
alona_
 

What's hot (20)

Mga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipinoMga istratehiya safilipino
Mga istratehiya safilipino
 
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptxARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
ARALIN 3.4 KILOS, GAWI AT KARAKTER.pptx
 
Mga Estratehiya Batay sa Dulog Integratibo
Mga Estratehiya Batay sa Dulog IntegratiboMga Estratehiya Batay sa Dulog Integratibo
Mga Estratehiya Batay sa Dulog Integratibo
 
Filipino 10 - Analohiya
Filipino 10 - AnalohiyaFilipino 10 - Analohiya
Filipino 10 - Analohiya
 
Filipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o Pananaw
Filipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o PananawFilipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o Pananaw
Filipino 9 Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Opinyon o Pananaw
 
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyonAng pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
Ang pagtuturo ng filipino sa batayang edukasyon
 
katuturan ng tula at sangkap
katuturan ng tula at sangkapkatuturan ng tula at sangkap
katuturan ng tula at sangkap
 
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYONDULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
DULOG AT ISTRATEHIYA SA PAGLINANG NG KOMPREHENSYON
 
Pagsulat ng maikling kwento
Pagsulat ng maikling kwentoPagsulat ng maikling kwento
Pagsulat ng maikling kwento
 
Kaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uriKaantasan ng pang uri
Kaantasan ng pang uri
 
Filipino 9 Ponemang Suprasegmental
Filipino 9 Ponemang SuprasegmentalFilipino 9 Ponemang Suprasegmental
Filipino 9 Ponemang Suprasegmental
 
Modyul 9 DLP.pdf
Modyul 9 DLP.pdfModyul 9 DLP.pdf
Modyul 9 DLP.pdf
 
Tula g10
Tula g10Tula g10
Tula g10
 
INTERAKTIBONG PAGTUTURO NG PANITIKAN
INTERAKTIBONG PAGTUTURO NG PANITIKANINTERAKTIBONG PAGTUTURO NG PANITIKAN
INTERAKTIBONG PAGTUTURO NG PANITIKAN
 
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipinoMga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
Mga estratehiya sa pagtuturo ng filipino
 
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang FilipinoPamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
Pamaraan, Dulog, Teknik ng Pagtuturo ng Wikang Filipino
 
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling KuwentoAng Kasaysayan ng Maikling Kuwento
Ang Kasaysayan ng Maikling Kuwento
 
Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)
Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)
Kabanata i (ang pagtatamo at pagkatuto sa wika)
 
Powerpoint!!
Powerpoint!!Powerpoint!!
Powerpoint!!
 
Anekdota
AnekdotaAnekdota
Anekdota
 

Similar to Filipino

Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng tekstoFilipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Apolinario Encenars
 
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKXPPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
MyBrightestStarParkJ
 

Similar to Filipino (20)

Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng tekstoFilipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
Filipino 8: Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga uri ng teksto
 
Diskurso-Unang-bahagi.pptx
Diskurso-Unang-bahagi.pptxDiskurso-Unang-bahagi.pptx
Diskurso-Unang-bahagi.pptx
 
Pagbasa
PagbasaPagbasa
Pagbasa
 
Document 2
Document 2Document 2
Document 2
 
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng kemePagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
Pagbasa ng teksto at pagsuri ng keme
 
Kahulugan ng pagbasa
Kahulugan ng pagbasaKahulugan ng pagbasa
Kahulugan ng pagbasa
 
FIL4 Aralin 2.pptx
FIL4 Aralin 2.pptxFIL4 Aralin 2.pptx
FIL4 Aralin 2.pptx
 
fil10.pptx
fil10.pptxfil10.pptx
fil10.pptx
 
Anu ang Talata.ppt
Anu ang Talata.pptAnu ang Talata.ppt
Anu ang Talata.ppt
 
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasaBatayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
Batayang kaalaman sa mapanuring pagbasa
 
Pagbasa
PagbasaPagbasa
Pagbasa
 
FILIPINO 10_Suring-basa.pptx
FILIPINO 10_Suring-basa.pptxFILIPINO 10_Suring-basa.pptx
FILIPINO 10_Suring-basa.pptx
 
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKXPPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
PPT-PAGBASA-WKDJCDXFHDJKVCNJFGKGHFNKFJFJKX
 
Mga-Makrong-Kasanayan-slide.pptx
Mga-Makrong-Kasanayan-slide.pptxMga-Makrong-Kasanayan-slide.pptx
Mga-Makrong-Kasanayan-slide.pptx
 
Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx
Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptxAralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx
Aralin-3.2-MGA-KASANAYAN-SA-MAPANURING-PAGBABASA.pptx
 
Ang Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang Pagbasa
Ang Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang PagbasaAng Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang Pagbasa
Ang Pagbasa ng mga Tekstong Akademiko at Iskema bilang Pagbasa
 
Kahulugan at kahalagahan ng wika
Kahulugan at kahalagahan ng wikaKahulugan at kahalagahan ng wika
Kahulugan at kahalagahan ng wika
 
pagbasa-191116230914.pptx
pagbasa-191116230914.pptxpagbasa-191116230914.pptx
pagbasa-191116230914.pptx
 
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng tekstoMga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
Mga batayang kasanayan sa pagbasa at pagsusuri ng mga Uri ng teksto
 
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASAMAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSULAT AT PAGBASA
 

Filipino

  • 1. Kolokyal Sinasaklaw lamang nito ang isang tiyak na bilang o grupo at lugar kung saan ginagamit ang isang tiyak na lenggwahe. Tumutukoy ito sa baryasyon ng isang lenggwahe na ginagamit sa isang lugar subalit maaaring hindi maunawaan sa ibang lugar dahil sa pagkakaroon nito ng ilang modipikasyon dala na rin ng interpretasyon ng mga taong nagsasalita nito.
  • 2. Balbal Madalas ipinagpapalgay na ang balbal ay kauri rin ng kolokyal. Subalit may magkaibang distinksyon ang dalawang ito. Bagamat umiiral din ang balbal sa isang tiyak na lugar at may mga tiyak na grupo na gumagamit nito,posibleng hindi lahat ng nasa isang lugar ay nakauunawa ng mga balbal na mga salita. Halimbawa’y ang mga naninirahan sa “Tondo” na bagamat iisa lamang ang komunidad na kanilang ginagalawan, hindi lahat ng naninirahan dito ay nakauunawa sa lenggwahe ng mga Bakla o Kanto Boys.
  • 3. Kahulugang Konotatibo at Denotatibo Ang kahulugang Denotatibo ay ang literal na kahulugan ng isang salita na matatagpuan sa diksyunaryo. Habang ang Konotatibo naman ay tumutukoy sa ekstrang kahulugan na ikinakabit sa isang salita depende sa intensyon (agenda) ng nagsasalita o sumusulat. May mga salitang maaaring wasto ang pagkakagamit sa usaping denotatibo subalit maaaring lumikha ng tunggalian o kalituhan sa loob ng isang teksto.
  • 4. Halimbawa’y ang salitang “ahas” na ang kahulugang denotatibo ay isang makamandag na hayop na gumagapang. Subalit kung gagamitin ito sa pangungusap sa loob ng isang teksto tulad ng “Inahas ni Florintino ang nobya ni Dave na matalik niyang kaibigan”, ay ganap na nawala ang kahulugang denotatibo sapagkat iba na naging konotasyon ng salitang inahas sa ahas.
  • 5. Mga Tayutay Isa sa mahalagang sangkap sa isang matalino, maganda at epektibong pagsulat ay ang kasanayan sa paggamit ng tayutay. Ayon kay Derrida, ang isang sulatin ay walang permanenteng kahulugan sa kanyang sarili dahil depende ito sa magiging interpretasyon ng mga mambabasa. Sa puntong ito ay masasabing nawawala ang literal na kahulugan ng isang salita.
  • 6. Epektibong Pagsulat Sa aklat ni Murrel Harris (2000) ay may inihain siyang mga pamantayan upang maging gabay sa epektibong pagsulat na nakapaloob sa tinatawag niyang HOCs (Higher Order Concerns)
  • 7. 1. Layunin Ang bawat manunulat ay may kaukulang layunin sa kanilang pagsulat ng isang sulatin. Maaaring ito ay upang mang-aliw, magbigay ng impormasyon at mangumbinse, magturo at magpaganap o magpatupad .
  • 8. 2. Mambabasa Walang sinuman ang sumulat ng para lamang sa kanyang sarili. Layunin o pangarap ng bawat manunulat na malathala o mabasa man lamang ng iba ang kanyang mga naisulat. Kaya naman isa sa pangunahing konsiderasyon na dapat isaalang-alang sa pagsulat ay kung sino ang babasa ng teksto.
  • 9. 3. Pangunahing Ideya/Kaisipan (Thesis Statement) Ito ang pinaka-esensiya at sustansiya na maaring mapiga ng mga mambabasa mula sa isang sulatin. Ito ay isang maiksing pahayag na binubuo lamang ng isa o dalawang pangungusap.
  • 10. 4. Organisasyon Ang manunulat upang makatiyak na makatutugon ayon sa kahingian ng kanyang pangunahing ideya ay kinakailangan magbalangkas (outlining) upang matiyak na ang nilalaman ng bawat talata ay sumusuporta rito at hindi lumilihis sa paksang tinatalakay. Mahalaga ito para maging lohikal ang daloy ng mga ideya at impormasyon at hindi malito ang mga mambabasa.
  • 11. 5. Debelopment Tiyaking sapat ang mga detalye tulad ng pantulong na ebidensya at impormasyon na sumusuporta sa pangunahing ideya (thesis statement). Dito ay maaaring magtanggal ng mga materyales na wala namang direktang kinalaman sa paksa o ‘di naman kaya ay magdagdag ng mga panibagong konsepto na lalo pang magpapalakas sa pangunahing ideya na makatutulong sa pagtamo ng layunin sa pagsulat.
  • 12. 6. Haba ng Bawat Talata Dapat ay magkakatulad ang haba ng halos lahat ng talata sa buong komposisyon at hindi dapat na ito ay umabot o omukupa ng isang buong pahina. Ang masyadong mahabang talata ay sadyang kinababa-gutang basahin ng mga mambabasa.
  • 13. 7. Transisyon sa Pagitan ng mga Pangungusap at Tala Kinakailangan na maging maayos ang ugnayan sa pagitan ng bawat talata. Ang transisyong pangungusap ang siyang nagpapakita ng kaugnayan ng isang talata sa sinusundan nitong talata. Isa itong mahalagang konsidirasyon na dapat bigyang pansin ng mga manunulat dahil hindi lamang nito maaaring iligaw ang mga mambabasa kundi maaari rin itong makapagpahina sa nilalaman ng isang komposisyon o teksto.
  • 14. 8. Introduksyon (Panimula) at Kongklusyon (Wakas) Ang introduksyon ay dapat na nagbibigay ng motibasyon sa mga mambabasa sa simula pa lamang upang makumbinsi itong ipagpatuloy ang pagbabasa. Ang bahaging ito ay dapat na maging kawili-wili at interesante upang makaakit ng mga mambabasa. Ang konklusyon ang nagbibigay hudyat na papalapit na ang wakas at kinokondisyon ang isipan ng mga mababasa hinggil sa nalalapit na wakas. Ang konklusyon ay maaring maglaman ng mga mungkahi na gabay sa pagkilos o pagpapasya ng mga mambabasa ayon sa mga inihaing impormasyon o mga datos.
  • 15. Mga Epektibong Istratehiya sa Muling Pagsulat ng Burador 1. Ipabasa ang burador sa isang taong mapagkakatiwalaan tulad ng guro, kaibigan, magulang at maging bukas ang isipan para sa kanilang mga mungkahi o puna. 2. Ilagay ang iyong sarili sa posisyon ng mga mambabasa. Isaalang-alang ang mga nais nilang malaman.
  • 16. 3. Bagalan lamang ang pagbabasa (Proof Reading) nang sa gayon ay maitanghal ang lahat ng mga posibleng kamalian. Iwasan ang pagmamadali upang makita ang maling bantas, baybay at kapitalisasyon. 4. Huwag lamang basta umasa o dumepende sa “Thessaurus” ng kompyuter para sa awtomatikong pagwawasto ng mga pagkakamali sa ispeling. 5. Itala ang lahat ng nakitang kamalian upang maging batayan sa pagwawasto sa pangwakas na pagsulat.