1. +
JMJ
Jewel Mae P. Leonidas 11B
Gng. Zenaida Guotana 10/18/12
Pagsusuri ng Pelikula
I. Pamagat: The Healing
Director: Chito S. Roño
II. Mga Tauhan:
1. Vilma Santos - Seth – pangunahing tauhan
2. Kim Chiu - Cookie – kapatid ni Jed sa parehong tatay
3. Martin del Rosario- Jed – anak ni Seth at kapatid ni Cookie
4. Daria Ramirez - Manang Elsa – ang tagagamot o “faith healer”
5. Jhong Hilario - Dario – ang binuhay at ginamot ni Manang Elsa at siya rin
ang puno’t dulo ng kamatayan ng mga tao sa pelikula.
III. Kwento/ Buod
Sa simula pa lamang ng pelikula ay marami na ang dumarayo sa bahay ni Manang
Elsa para magpa “healing”. Marami kasi sa mga tao ang naniniwala sa panggagamot ni
Manang Elsa na tinatawag na faith healing. Dahil sa marami nang tao ang nagamot ay
dinala ni Seth ang kanyang tatay at pinasubok ang nasabing panggagamot. Gumaling
naman ito at bumuti rin ang pakiramdam. Nang nalaman na gumaling ang tatay niya’y
dinala din niya ang ibang kasamahan para malunasan ang kanilang karamdaman.
Sa kabila ng kagalingan ng iba’t ibang karamdaman ay kasawian at kamatayan
ang naging kapalit nito. Ito’y dahil kay Dario, ang binuhay ni Manang Elsa mula sa
kamatayan. Siya ang sanhi ng lahat-lahat ng mga problema at kinailangan putulin ang
sumpang ito. Tanging kamatayan lamang ni Dario ang magiging lunas sa lahat-lahat ng
2. mga pangyayari.
Sa dulo ng kwento ay natigil ang sumpa dahil sa pagpatay ni Melchor- kapatid ni
Manang Elsa- kay Dario. Tanging si Cookie lamang ang nabuhay at nakaligtas sa
kamatayan sa lahat ng nagpa healing kay Manang Elsa.
IV. Banghay ng mga Pangyayari
Ang pangunahing tauhan sa pelikula na si Seth ang nagdala ng mga kasamahan
niya kay Manang Elsa para magpa-healing. Lahat ng mga kasamahan niya’y bumuti ang
kalagayan ngunit higit pa sa pagiging mabuti ang naging kapalit sa kanila. Isa-isa silang
namatay tuwing nakikita nila ang kanilang “doppleganger”, simula sa unang
nagpahealing at sunod-sunod na. Ang tanging sagot sa problemang ito ay ang
pagkakamatay muli ni Dario.
Ang pagkakabuo ng pelikula ay mahusay at maganda dahil madaling
naiintindihan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, at meron talagang parte na
epektibo ang paggulat sa mga manonood.
V. Paksa/ Tema
Tayo mismo ang haharap sa magiging bunga ng ating mga aksyon.
Ang pinahihiwatig ng temang ito ay kung may papasukin tayong sitwasyon ay
dapat handa natin itong harapin. Dapat din nating siguraduhin na kakayanin natin ito at
kung nasimulan na ay dapat din itong tapusin.
Katulad sa pelikula, ang mga taong nagpahealing mismo ang nagdusa dahil hindi muna
nila inalam kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanilang pagpapagamot.
VI. Cinematograpi
Ang uri ng pelikula na aming napanood ay suspense thriller.
Ang pagkagawa ng pelikula ay sinadya para takutin o gulatin ang mga manonood
3. ngunit meron talagang ibang parte na hindi masyadong kumbinsing at hindi
makatotohanan. Sa kabila nito ay mabisa pa rin ang pelikula dahil maiintindihan
talaga ang bawat pangyayari at ang pokus sa bawat tauhan ay pantay at nababagay
sa nangyayaring eksena. Ang ginamit din na mga tunog ay talagang epektibo
dahil angkop sa dapat mangyari o nangyayari na.
VII. Mensahe
“Huwag magpadalos-dalos sa anumang gagawing desisyon. Alamin muna ang
sanhi at magiging bunga nito hindi lamang sa ikabubuti ng iyong sarili kung hindi pati
na rin sa kabutihan ng ibang tao ”
VIII. Konlusyon at Rekomendasyon
Sa kabuuan, ang pelikula ay naghatid ng iba’t ibang mensahe na mahalaga at mga
impormasyon kailangang malaman. Kung kaya’y maiirekomenda ko ito sa iba na hindi
pa nakapanood lalo na sa mga estudyante para alam din nila ang mga nangyayari sa
kanilang paligid at para na rin sa kanilang pag-aaral na hindi lamang dapat hanggang sa
apat na sulok ng silid-aralan. Makakatulong din ang pelikulang ito sa pagsagot sa mga
hinuha o kaisipan ng ibang tao katulad sa tamang paraan ng pagpapagamot.