1. Isang Pananaliksik ukol sa
“Isang Kondisyon ng katawan na kulang
sa bitamina o maling pagpili ng
pagkain”
Na Iniharap kay
GNG. CHERRY B. DINAMPO
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga
Pangangailangan ng Asignaturang
Filipino III
Mga Mananaliksik
1
3. I-PAUNANG SALITA:
Sa sistema nang buhay natin ngayon marami nang mga taong naghihirap
sakani-kanilang buhay gaya ng mga skwater at iba pa. Kaya may ibang
pamilya ditto saatin na hindi na natutugunan ang mga tamang pagkain na
dapat kainin para sa atingkatawan, ang iba ay kung ano lang ang
makakaya sa kanilang bulsa ay yon naangmagiging pang almusal,
tanghalian at haponan sa kanila. Ang iba ring pamilya ay isangbeses
nalang kumakain sa isang araw ito ay dahil walang pera o kulang sa
budget.Maraming mga magulang ngayon na ang ipinakain nila sa kanilang
mga anak ay galingsa mga basurang napupulot nila sa mga kalye na
galing sa mga restaurant naitinatapon ang mga tiring pagkain na mula
sa mga mamimili.Ito ang kinuha o hinihingi nang mga pamilyang umaasa
sa mga pagkaing yon.Ang mga ginagawa nila sa mga pagkaing napulot ay
iniluluto ulit at yun na angipapakain nila sa mga maliliit na anak. Na
kung saan nag eenjoy silang kumain sapagkaing galing sa basura na
kahit iniluto man nila ito ulit, may mga germs paring nakadikit sa mga
pagkaing yon at nagdudulot ito ng masama sa katawan at nagkakasakit
atkung hindi naman nagkakasakit nag lalakihan ang mga tiyan ng mga
bata kahit hindisila mataba.May iba ding pamilya na masagana sa mga
pagkaing dapat sa ating katawanngunit kapag nasosobrahan naman ito ay
nakaka sama rin sa isang tao. Gaya ng isang“Obese” o sobra sa katabaan
na nag dudulot rin nang kasamaan sa kalusugan ng isangtao. Na nag
dudulot ng ibat-ibang klase na sakit. Hindi kasi lahat nang mga
matatabangtao ay malulusog, hindi natin alam na ang likod sa kanilang
katabaan ay may mga sakitpala silang dinaramdam, gaya ng highblood,
diabetes at iba pang klase na sakit na nagmumula sa malnutrisyon.
Ang malnutrisyon ay nagaganap kapag ang katawan nang isang tao ay
hindinakakakuha nang sapat na sustansiyang kinakailangan upang
3
4. makaligtas sa mga sakitat mabuhay nang malusog sinasabing ang isang
tao na napakahina kumain o maliitlamanga porsiyento kung kumain ay
matatawag na malnourished at ang “gutom” ay isaring anyo ng
malnutrisyon. May mga palatandaan upang malaman kung ang inyonganak o
sinuman na inyong kasambahay ay isang malnourished, gaya ng
nagbabawassiya ng timbang; mahirap siyang kumain, at malimit walang
gana; mukha siyangpalaging pagod at nanghihina; hindi siya
nakakatulog; namumutla; may pagsusugat nanakikita sa mga gilid ng
labi; Malabo ang kaniyang paningin lalo sa mga lugar na medyomadilim.
Yan ang mga palatandaan ng isang malnourished.May mga anyo rin ng
malalang malnutrisyon ito ay ang marasmus, kwashiorkor,at
Xerophthalmia. Kung ang pag-uusapan natin ang marasmus ito ay sanhi
ngkakulangan ng kaloriya sa katawan o nang hindi sapat na bilang o
dami ng kinakain.Ang marasmus ay karaniwang nararanasan ng mga batang
nasa mga mahihirap atunder-developed na mga bansa. Ang pasyente ng
marasmus ay nagiging buto at balat,natutuyo at nangungulubot ang mukha
na parang matanda. Ang kwashiorkor naman ayang malabis na kakulangan
sa protina. Ang mga sintomas nito ay ang pamamaga samukha, mga braso
at binti, nangungubot na balat na mayroong taba, buhok na
nagigingmanipis at mahinang resistensiya.
Ang Xerophthalmia ay ang kakulangan sa Bitamina A, tinatayang
maaaringpagmulan ng pagiging bulag kapag may nakitang ganitong
palatandaan sa isang taodapat ay dalhin ito agad sa hospital upang
mabigyan ng atensyong medikal.Ang isang tao naman na malabis naming
kumain ay matatawag dingmalnourished kahit na kumakain siya nang mga
tamang pagkain ngunit na sobrahan aynagiging sanhi nang pagdagdag nang
sobrang kaloriya sa kanyang katawan aynadadaragdagan rin ang kaniyang
timbang at ang kanyang pagkilos ay tumatagal atbumabagal at siya mismo
sa kanyang sarili ay nahihirapang gumawa ng mga bagay nagaya ng
simpleng pag-eehersisyo at minsan ay nagiging tamad ito kung kumilos
4
5. atmedaling mahirapan, misan ang isang tao na napakataba, habang
tumataas angkaniyang edad ay nahaharap din siya sa malaking panganib
dahil sa posibilidad namaaari siyang magkaroon nga mga pagkakasakit na
gaya ng mataas na presyon ngdugo, sakit sa puso, diabetes o hindi
maginhawang paghinga. Ang mga sakit na ito aydulot nang masasamang
nutrisyon na napasobra sa pagkain ng isang tao.Ang mga mapapayat na
tao namanna kulang sa mga bitamina at mga mineral aynag dudulot nang
matinding kapayatan na nagiging buto’t balat ang nakikita natinatawag
sa ingles ay “Marasmus”.Ang iba sa kanila ay namamatay na dahil sa
sobrang gutom at wala nang mganutrisyon na dumadaloy sa kanilang
katawan at yun ang dulot nang kanilang matindingpaghihina at walang
ganang kumilos.
Ang malnutrisyon ay ang pinagmulan ng lahat ng sakit at isa rin ito
sapinakamatinding problema ng bansang india at ibang mahihirap na
bansa. Dito rin saPilipinas may makikita rin tayong matatawag na mga
marasmus. Ang pagiging isangmalnourished ay labis-labis na nakakasira
sa ating kinbukasan dahil ikay mag titiis nangmaraming panahon
hanggang sa bawian ka ng buhay. Kaya marapatin gawin habangbata pa ay
ang pag-aalaga ng resistensiya wastong diet, upang mabawas-bawasan
angbilang ng taon nabibilang sa Malnutrisyon.
5
6. II-LAYUNIN NG PAG-AARAL:
a. nalalaman kung gaano ba kahalaga ang mga bitamina sa ating
katawan?
b. nahihinuha kung bakit nakakasama sa ating katawan ang sobrasa
pagkain ng mga carbohydrates?
c. nakakaantig damdamin kung bakit itinuturing ang malnutrisyon
bilang isa samga pinakamalaking problema sa lipunannatin ngayon?
III- Pamaraan:
1.1 Ang paraan na ginamit ko ay Deductive Method”, dahil bago
kobinigyan ng kahulugan ang Malnutrisyon ay inilahad ko ang
ibat-ibang ideya na nalaman buhat dito. Marami akong
pinuntahang silid-aklatan, nagsaliksik rin ako sa internet
at nagtanong-tanong sa mgataong may kinalaman dito.
1.2 Sa isinagawa kung pagsusuri tungkol sa malnutrisyon,
nalamanko na ang pangangailangan para sa nutrisyon ay
nagkakilala sapamamagitan ng patuloy na supply ng pagkain
at ang pisyolohiyangpag proseso ng paglunok at panunaw. Ang
pagkaing nagmula saapat na pangunahing pagkain ay
nagbibigay ng mga protina,carbohydrates, taba, bitamina at
mineral na kailangan para sa paglago ng cellular.
6
7. IV- KATAWAN/ NILALAMAN:
Pagsusuring Halaga
Ang malnutrisyon ay tinutukoy bilang isang mahinang nutrisyon sa
mga cells.Ang mga pangunahing sanhi ng malnutrisyon ay ang
paggamit ng mga nutrients nahindi sapat na supply na
pangangailangan ng metabolic system. Ito ay maaaringmaging sanhi
n gating pagkain na may sapat na halaga sa ikinakaing
pagkain.Maraming mga bagay na maaaring ma impluwensyahan ang
pagkain sa mga pagkain isang direktang pinagkukunanng pagkain ay
maaaring hindi magagamit sa mga lugar na sobra sa populasyon.
Nakakain lang sila ng mga pagkaing hindi sapat sa
kanilangkatawan. (“Adult and child Care”, Janet Miller Barber,
1977)Sa mga batang may malnutrisyon maaaring maging isang
pagpapatuloy ito ng mgakulang sa pagkaing kinakain ng mga anak.
Ang malnutrisyon bilang kawalan ng sapatna sustansya upang
mapanatili ang malusog ng katawan ay karaniwang kalakip ito
nglubhang kahirapan sa mga bansang umuunlad habang ang
malnutrisyon na bunga ngmaling pagkain, sobrang pagkain o
kakulangan ng isang balanseng pagkain aymasusumpungan sa mga
bansang maunlad. (“History of Philippine Medicine”, ConradoS.
Dayrit, 2002)Ang mga taong nag-aabuso sa pag iinom ng mga alak
ay nasa mataas ng panganibpara sa sakit na malnutrisyon ito ay
dahil sa parehong mga mahihirap na mga pagkainat sobrang pag-
iinom ng mga alak ay isa sa mga dahilan sa pagkakaroon
ngmalnutrisyon (“Introductory Nutrition and Diet Therapy, Marian
Maltese Eschleman,1991)Ang Malnutrisyon ay nagaganap kapag ang
katawan ng tao ay hindi nakakakuha nangsapat na sustansiyang
kinakailangan upang makaligtas sa mga sakit at mabuhay
7
8. nangmalusog. Ang pagdadiet at an gating kalusugan ay may
kaugnayan.kapag ang tao aymay hindi magandang pagdadiet sa isang
mahabang panahon ay maaaring magingsanhi ng pagkakasakit niya ng
malnutrisyon. (“Modern Meals”, Roberta L.Duyff, DorisHasler,
Suzanne Sickler oh1, 1990) Ang malnutrisyon ay isang palansak na
kataga sakondisyong medical sanhi ng mali o kakulangan sa
pagkain. Karaniwang ginagamit itosa kakulangan ng nutrisyon
bunga ng hindi sapat na pagkain. Mababang pagkatunaw, o labis na
pagkawala ng sustansiya. Ang katagang ito ay lumalagom din sa
labis nanutrisyon na bunga ng sobrang pagkain ng tiyak na
sustansiya. (“Being Healthy”, 1990)Ang malnutrisyon bilang
kawalan ng sapat ng sustansya upang mapanatili ang malusogng
katawan ay karaniwang kalakip ng lubhang kahirapan sa mga
bansang umuunladhabang ang malnutrisyon na bunga ng maling
pagkain, sobrang pagkain o kakulanganng isang balanseng pagkain
ay masusumpungan sa mga bansang maunlad nakaraniwang ipinakikita
sa pagdami ng mga matataba (“Teen Health”, Mary BronsonMerki,
1999) Ayon sa National nutrisyon Council (NNC),Ang malnutrisyon
ay isang kondisyon kung saan ang katawan ay kulang o sobra ngmga
mahahabang sangkap na naangkop sa tamang paglaki
(www.scribd.com) Angmalnutrisyon ay galing sa mahinang nutrisyon
at ang interpretasyon ay galing samahinang nutrisyon at ang
interpretasyon nito ay sumusunod sa kawalan ng isangbalanseng
pagkain, o ang kakulangan ng mga bitamina sa katawan, na kung
saan angkatawan ng tao ay humahantong sa paghihirap sa kanyang
kalusugan. (“BiologyPrinciples and Explorations, George B.
Johson,)Ang anim na pangunahing uri ng mga nutrients na
kinakailangan sa ating katawan aycarbohydrates, taba, protina,
bitamina, mineral at tubig. Ang mga malnoris na tao aywalang
8
9. sapat na kalorya sa kanilang pagkain o kumakain ng pagkain na
kulang sakailangang protina, bitamina o mineral. (“ Health for
Life”, 1990)Ang malnutrisyon ay isang kondisyon sa katawan na
may hindi magandang pakanin sakatawan dahil sa and indibidwal ay
hindi nakakakuha ng isa o higit pang mgamahahalagang sankap ng
nutritional sa kanyang pagkain, madalas ay nagreresulta rinito
sa kahirapan o ng hindi sapat na kaalaman sa pandiyeta na kina
kailangan sa katawan, maraming mga taong madalas na gastusin ang
kanilang pera sa mga pagkainna mataas sa taba, asukal at arina,
ngunit nagpapabaya sila sa pagbibili ng mgasariwang gulay,
prutas, gatas at karne na kung saan nag susuply ito ng lahat
namahahalagang bitamina, mineral at protina sa ating katawan
(“Family Health Guide andMedical Encylopedia, Benjamin F.
Miller, 1976)Palatandaan ng mas malubhang malnutrisyon ay
lalabas kapag ang nutritional nataglay ay mauubos at ang
paggamit ng enerhiya ay hindi sapat upang matugunan angpag-araw-
araw na pangangailangan. Maraming mga malnourished na tao
nananinirahan sa mahirap na lugar. (Basic Principle of
Nutritional Science”, 1995)Ang malnutrisyon ay isang disorder na
resulta kapag ang katawan ang nagtatanggap ngmasyadong maliit na
pagkain og masyadong maraming pagkain o pagkain na kulang samga
nutrients na kinakailangan sa ating katawan. Ang pinaka-
karaniwang nutritional ayhigit sa paggamit ng mataas na kalorya
sa pagkain na nagiging sanhi ng labis nakatabaan. (“Encyclopedia
Americana”, 2003)Mahinang nutrisyon o malnutrisyon ibig sabihin
nito ay hindi nakakakuhang sapat nglahat ng mahahalagang
nutrients o pagkuhang masyadong marami ng ilang nutrients.Gusto
mo hindi magandang sawang ay isang kakulangan ng enerhiya at mga
protina atmagkaroon sila ng maraming bitamina at mineral. (“Food
9
10. and Marketing”, David J.Schaffner, 1998)Malnutrisyon ay isang
kalagayan na resulta mula sa isang hindi sapat o labis
napaggamit ng nutrients, kahirapan sa pagtunaw, kawalan ng
kakayahan upang mametabolize o ma obsorb ang mga nutrients, at
iba pang mga medical na kalagayan. Anglabis na katabaan ay dulot
ng labis napaggamit ng mga carbohydrates o matatabangpagkain na
kung saan parehong mahirap sa pinagmumulan ng mga nutrients, isa
itongkaraniwang sanhi ng malnutrisyon sa isang
industriyalisadong bansa. Ang dalawangsanhi ng malnutrisyon sa
isang indutriyalisadong bansa. Ang dalawang uri ngmalnutrisyon
ay kwashiorkor at marasmus. Ang kwashiorkor ay isang
pangkaraniwanguri ng mga pangunahing malnutrisyon na dulot ng
isang diyeta na mababa sa protina atilan pang mg nutrients
ngunit ay naglalaman ng sapat na calories na nagmula sakalakhay
mula sa carbohydrates. Ang kwashiorkor ay karaniwang nag mula sa
lugar namay mababang antas ng edukasyon at sa mga lugar na ito
makikita ang mga gutom natao. Ang pangalawang uri ng
malnutrisyon ay ang marasmus na mababa sa parehongprotina at
calories ito ay nagpapakilala ng kakulangan ng lakas. Ang bigat
ng bata namay marasmus ay maaaring mabawasan sa mas mababa kaysa
80% ng normal natimbang. (“Perspective in Nutrition”, 1996)Ang
malnutrisyon ay mapanganib sa mga buntis na kababaihan at sa mga
bata maaariitong humantong sa disorder, paglago sa parehong
pisikal at mental, mababawasanang kanilang paglaban sa sakit.
(“Webster International Encyclopedia”, 1991)Ang malnutrisyon ay
kondisyon na nangyayari kapag an iyong katawan ay hindimakakain
ng sapat na pagkain, an gutom ay isang anyo ng malnutrisyon.Ang
sobra sa katabaan ay isang anyo ng malnutrisyon sa nutrients na
kung saan aymasagana ito sa pagsusuply ng mga nutrients sa
10
11. katawan ng tao, na nakukuha sa mgapagkaing masagana sa
carbohydrates. (“You and Your Health”, 1970)
V-Konklusyon:
Sa aking pagsusuri nalaman ko naang kakulangan ng bitamina sa
katawanng dulot ng maling pagpili ng pagkain aymatutugunan sa
pamamagitan ngpagbabalance diet at kumain ng mga wastong
pagkaing sagana sa protina,minerals at mga bitamina.
VI- Katuturan ng mga Terminolohiya:
Cells – ang cells o selula ay ang pinakapayak na kayarianng
isang organism
Nutrients – ay ang mga sangkap na makapagpapabuti saating
katawan.
Diet – pagkokontrol sa mga kinakain
Carbohydrates– isang grupo ng organic compounds nakinabibilangan
ng sugars, starches, celluloses.
Vitamins– mga sustansyang kailangan para sakalusugan ng katawan.
Metabolism- ang hanay ng mga reaksyong kemikal nanangyayari sa
mga buhay na organism upang mapanatiliang buhay.
11
12. VII- Sanggunian:
1.“Adult and Child care”, Janet Miller Barber, C.V Mas
Incorporation, 19772.
“Current Medical Diagnosis and Treatment”, Marcus A. Krupo M.D,
TangeMedical Publications, 19823.
“History of Philippine Medicine”, Conrado S. Dayrit, Anvil Pub.
Inc. , 20024.
“Introductory Nutrition and Diet Theraphy”, Marian Maltese
Eschleman, 19915.
“Modern Meals”, Roberto L. Duyff, Doris Hasler, Suzanne Sickler
Ohl,Mc Graw-hill, 19906.
“Being Healthy”, Harcout Brace Jovanich Inc. , 19907.
“Teen Health”, Mary Bronson Merki, Glencoe/McGraw-hill, 19998.
“Glenco Health”, Harcout Brace Jovanich Inc. , 1994
“Biology Principles and Explorations “, George B. Johson, Holt
Rinehart andWinston Inc. , 199810.
“Health for life”, Scott, Foresman and company, Glenview
Illnois, 199011.
“Family Health Guide and Medical Encyclopedia”, Benjamin F.
Miller, ReadersDigest Association Inc. , 197612.
“Health for Life”, Julius B. RIchmand, Scott Foresman and
Company Glenview,199013.
“Basic Principles of Nutritional Science, 199514.
“Encyclopedia Americana”, Grolier Inc. 200315.
“Food and Marketing”, David J. Schaffner, McGraw-Hill Comp. Inc.
199816.
“Perpective in Nutrition”, 199617.
“Growing Up”, Merlion Publishing, 199318.
“People (Caring, Deciding,Growing)”, Helen Mcginley, Ginn and
Company, 198019.
“Webster International Encyclopedia”, Uitgeverij Het Spectrum
B.V Utrect, 199120.
“The Visual Food Encyclopedia”, 199621.
“On Food and Cooking”, Harold McGee, 199122.
12