4. Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
MGA UNANG RUTA NG KALAKALAN
Tatlong Ruta o daan:
1. Hilagang Ruta- mula Peking(Beijing), papuntang disyerto ng
Gitnang Asya, dumaraan sa mga lungsod ng Samarkand at
Bokhara, tinatawid ang Caspian Sea at ang Black Sea, at
nagtatapos sa lungsod ng Constantinople.
2. Panggitnang Ruta- mula sa India, ang mga kalakal ay dinadala
ng mga sasakyang pandagat hanggang sa Ormuz sa Persian
Gulf. Bumabiyahe patungo sa mga lungsod ng
Antioch, Aleppo, at Damascus.
3. Timog na Ruta- mula sa India babagtasin ang Indian
Ocean, babaybayin ang Arabia tuloy sa Red Sea hanggang sa
Cairo at Alexandria sa Egypt.
5. Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
LIMITADONG KAALAMAN NG MGA
KANLURANIN TUNGKOL SA ASYA
Kaunti lamang ang alam ng mga kanluranin tungkol sa mga
lugar na may produktong kinasasabikan nila.
Ilan sa mga Akda tungkol sa Asya:
1.Krusada o Crusades (1096-1273)
Serye ng kampanya ng mga Kristianong Kabalyero na ang
layunin ay bawian ang Jerusalem mula sa Muslim.
2.Ang Paglalakbay ni Marco Polo o The Travels of Marco Polo
Tinawid niya ang Gitnang asya hanggang China. Nanirahan at
naging tagapayo ng Emperador ng Dinastiyang Yuan.
Isinulat niya ang aklat na ito at sa tulong na ito maraming nabatid
ang kanluranin mula tungkol sa Asya.
6. Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
o PAGSASARA NG MGA RUTANG PANGKALAKALAN
Ang tatlong rutang naguuganay sa Asya at Kanluranin ay laging bukas
sa kalakalan.
Noong ika-14 hanggang ika-15 siglo, sinalakay ang Silangang
Rehiyon ng Mediterranean Sea ng mga Seljuk Turk. Sa
pagtatagumpay na ito, sila ay nabigyan ng kapangyarihan sa mga
rutang pangkalakalan sa Asya.
o MONOPLYO NG ITALIAN
Ang mga lungsod estado ng Venice, Genoa, at Florence sa Italy, ang
pinayagan ng mga Seljuk Turk na mamili sa daungan nila.
Kapakipakinabang sa mga Italian ang pamamalakad na ito, dinadala
nila ang mga kalakal ng Asya sa Kanlurang Europa at ipinagbibili sa
mataas na halga dahil kinasasabikan nila ito, isa na dito ang rekado
na mahalaga na pampalasa sa pagkain, gamot at pampreserba.
7. Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
PAGHAHANAP NG BAGONG RUTA
Dahil hindi sang-ayon ang mga Kanlurang Europa na bumili na
mataas na presyo ng mga Italian at upang sirain ang monoployo ng
Italian, sila ay naghanap ng bagong ruta patungong India at china
upang maiwasan na din ang dating ruta na noon ay sakop ng mga
Seljuk Turk.
MGA PAGBABAGO SA PAGLALAYAG
Mula ika -12 na siglo, mas malalaki na ang mga barko sa paglalayag
at may mga bagong tuklas na instrumento, ito ay ang compass at
astrolabe kaya mas higit na madaliang paghahanap ng bagong ruta.
Compass- kagamitan na malalaman kung saan patungo ang barko.
Astrolabe- gingamit upang malaman ang latitude ng barko pahilaga o
patimog mula sa equator.
8. Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
PANAHON NG PAGGALUGAD AT PAGTUKLAS
Panahon ng Pagtuklas (1450-1650)
Pinasigla ng paghahanap ng mga bagong ruta patungong
Asya, maraming bagong lupain ang ang natuklasan ng Kanluranin
sa kauna-unahang pagkakataon.
Higit na naging mahalaga ang mga lupaing ito kasya sa mga ruta
na siyang unang layunin ng mga Kanluranin.
MGA BAGONG RUTA PATUNGONG ASYA
Sa pangunguna ni Prisipe Henry, nagalugad ang mga baybayin ng
Africa.
Natuklasan ang mga pulo ng Azores, Canary, at Cape Verde.
Bartolomeu Diaz (1488)- narating niya ang dulo ng Africa, na
tinawag ng hari ng Portugal na, “Cape of Good Hope”, pangalan
na pinapahiwatig ng matas na pag-asa na makakamit nila ng
kanilang layunin.
Vasco de Gama(1498)- natagpuan niya ang bagong ruta
patungong Asya. Narating niya ang Calicut sa kanlurang India.
9. Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
• MERKANTILISMO
Noong ika-16 siglo , ang mga bansa sa Europa ay naniniwala
sa prinsipyong pang-ekonomiya na maaaring maging
instrumento upang mapataas ang pambansang kapangyarihan
na kung tawagin ay merkantilismo.
Ang Merkantilismo ay ang kabuuang dami ng ginto’t pilak sa
isang bansa .
Dalawang silbi ng kolonya sa bansa:
1. Una , ang pinagkukunan ng hilaw na sangkap o materyales .
2. Ikalawa , ang mga taga-bili ng produkto.
Nais ding palawigin ng mga Spain at Portugal ang
kristiyanismo sa mga kolonya nito .
10. Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
• MGA SAKOP NG PORTUGAL
Ang mga bansang napili ng Portugal sa Asya ay ang Hormuz sa
Persian Gulf, Aden sa Red Sea, Cochin at Goa sa India, Malacca sa
Malaya , Ternate sa Moluccas, at Macao sa China .
Karaniwan sa mga sinakop ng mga Portugal ay ang mga daungan
upang makontrol ang daanan ng kalakalan.
Dalawang taong nanguna sa pamumuno sa piling lugar :
1. Fransisco de Almeida – ang viceroy ng Portugal.
2. Alfonso de Albuquerque – ang nagtalaga sa Goa bilang kapitolyo ng
imperyo ng Portugal sa Asya .
Noong 1580 nasakop ng Spain ang Portugal at nanatili na lupang-
sakop ng Spain ang Portugal ng 60 taon. At naglaho ang imperyo ng
portugal .
Noong 1640 ay nakamit ng Portugal ang kalayaan ngunit ang mga
nasakop nitong mga bansa ay nasakop na rin sila tulad ng
Netherlands at England.
11. Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
MGA SAKOP NG SPAIN
Matagumpay na nakamit ni Ferdinand Magellan ang paggalugad sa
mga bagong ruta sa asya .
Naglayag siya pakanluran upang makarating ng Silangan .
Tinawid ang Atlantic Ocean, binaybay ang South
America.Natagpuan niya ang dulo ng South America at tinawid ang
Pacific Ocean.
Noong 1521 narating ni Magellan ang Pilipinas .
Kasalungat naman ng natagpuang ruta na natuklasan ni Magellan
ang rutang dinaanan ni Vasco da Gama.
Ang ibang kapuluan ay kanyang inangkin para sa Spain, ngunit hindi
siya nakapagtatag ng pamayanan sa pilipinas.
Noong 1565, pormal na sinakop ng Spain ang Pilipinas sa
pangunguna ni Miguel Lopez de Legazpi .
Sa pagtatapos ng ika-16 siglo, ang soberanya ng Spain ay napalawig
sa buong pilipinas .
12. Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
MGA SAKOP NG NETHERLANDS
Noong ika-17 siglo nagsimula ang pakikipagsapalaran ng Netherlands.
Naantala ang Netherlands dahil sa pakikibaka nila upang makalaya sa
mga kamay ng Spain.
Nakamit ng Netherlands ang kalayaan noong 1648.
Binuo ng Netherlands ang Dutch East India Company upang maging
unang hakbang para makasakop ng lupain .
Dutch East India Company - isang kompanya ng mga namumuhunan na
binuo upang mapalawig ang kalakalan sa pamamagitang ng pagsakop sa
mga lupain .
Sinimulan ng Netherlands ang pagkakaroon ng sakop na lupain sa Asya.
Pakay ng mga Neterlands na sakupin ang molluccas.
Noong 1619, itinatag nila ang Batavia (Jakarta) sa Java bilang sentro ng
kanilang imperyo .
Noong 1635, sinakop nila ang Formosa. Naagaw nila ang Malacca sa
Portugese .
Ang pagkakuha ng Netherlands sa Malacca ang nagbigay kapangyarihan
sa komersyo sa Timog Silangang Asya .
13. Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
MGA SAKOP NG ENGLAND
Nagsimula ang pagsakop ng mga lupain ng mga England ng itatag ang
English East India Company noong 1600.
Ang pakay ng mga ito ang ay magtatag ng ugnayang pangkalakalan sa
Sumatra, Moluccas, at Java.
Ngunit hindi pinahintulutan ng Dutch na manatili sila sa mga lugar na
iyon kaya nilisan ng mga English ang Moluccas matapos ang Amboina
Massacre.
Sa India, matagumpay na nagkaroong ng mga sakop na lupain ang
England .
Ang pamayanang pangkalakalan na itinatag ng English sa India ay ang
Surat (Kanlurang Baybayin).Sinundan ang Surat ng Bombay, Madras at
Calcutta .
At nakapagtatag ng palagiang pamayanan ng pangkalakalan.
14. Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
MGA SAKOP NG FRANCE
Katulad ng ginawa ng mga English, tinangka ring magkaroon ng sakop
ng France sa India at nagtatag rin ng French East India Company
noong 1664.
At nakapagtatag ang mga French sa India tulad ng
Chandarnagore, Mahe at Karikal .
• PAG-AAKIN NG INDIA
Naging magkaagaw ang France at England sa India.
Noong 1756, napahayag ng digmaan ang hari ng Bengal laban sa
English. Pumanig sa kanya ang French.
Isang makapangyarihang hukbo ang ipinadala sa Madras sa
pamumuno ni Robert Clive upang mapalaya ang Calcutta.
Tinalo ni Clive ang Laban ng Plassey ang hukbo ng hari ng Bengal .
Hinangad ng France na magibabaw sa India, ngunit napasailalim ang
India sa England.
16. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
INDUSTRIYALISASYON
Nagsimula sa panahon ng Industriyalisasyon ang pangangailangan ng
hilaw na materyales o sangkap tulad ng mga produktong :
• Mineral (langis at uling)
• Agrikultural (kape, asukal, bulak, tsaa, at tabako)
• Gubat (teak at goma)
Ang mga produktong ito ay matatagpuan sa asya.
Merkantilismo ang namayani sa unang yugto ng imperyalismo, sa
ikalawang yugto ay Kapitalismo ang naging prinsipyong pang-
ekonomiya.
Ang paghahanap ng mga bagong pagkukunan ng mga hilaw na
sangkap ang naging tunggalian ng mga Kanluranin.
17. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
PAMUMUHUNAN
Itinuring ng mga Kanluranin ang bansang Asyano na mapagkukunan
ng pakinabang o tubo sa panahon ng kapitalismo.
Marami sa kanila ang may labis na kapital, kaya naakit sila sa
posibilidad na mapalago ang kanilang pera sa pamamagitan ng
pagkakagay ng kapital sa mga pataniman at minahan na sagana ang
Asya.
• WHITE MAN’S BURDEN
Naniniwala ang mga Kanluranin na mas nakahihigit ang kabihasnan
nila kaysa sa mga Asyano.
Sa palagay nila ay kailangan nilang turuan ang mga asyano , ang mga
pari, manggagamot, guro, at tagapangasiwa ay nagtungo sa asya
upang tuparin ang tungkuling tinawag na “white man’s burden” .
Ito ay ang pagbibigay-katwiran ng mga Kanluranin sa ginawa nilang
pananakop sa Asyano .
18. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
TAGUMPAY NG IMPERYALISMO SA INDIA
Noong 1784, sinubaybayan ng England ang pamamahala sa India ng Engish East
India Company.
Ang opisyal nito ay ang umuupong gobernador heneral ngunit ang pamahalaan ng
England ang pumipili sa kanya.
• ANG REBELYONG SEPOY (1857)
Noong 1857 nag-alsa ang mga sundalong Indian o Sepoy.
Dahil sa mga balita na ang bagong cartridge ay ipinagagamit sa kanila ay
nilangisan ng mantika mula sa hayop. Tutol dito ang Hindu at Muslim dahil bawal sa
kanila ang baka at baboy.
Matindi rin ang hinaing ng Sepoy sa English dahil sa diskriminasyon ng lahi o
racism .
Tumindi ang paghihimagsik sa pamumuno ng mga pinuno ng India. Nakuhang muli
ng English ang Delhi mula sa pagkakabawi nito sa kanila ng Indian.
Ang pagkabigo ng rebelyon ay ang ginamit na dahilan para tuluyang sirain ang
English East India Company.
Noong 1858,nabuwag ang English East India Company.
Isang viceroy ang hiniang upang mamahala sa India sa ngalan nghari ng England
19. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
• TAGUMPAY NG IMPERYALISMO SA BURMA
Ninais na noon pa ng England na msakop ang Burma (Myanmar). Dahil ito
ang inaasahan nilang magtatanggol sa kanila sa mga nakasakop sa India.
Sa ika-19 siglo, Ang England ay ipinasailalim sa hari ng Burma sa isang
mapagsilbing ugnayan o dependent relations, tulad ng ginawa nito sa mga
hari sa India.
• DIGMAANG ANGLO-BURMESE
Ang paglusob ng Burma sa estado ng Assam, Arakan, at Manipur ang
naging sanhi ng Unang Digmaang Anglo-Burmese (1824-1826)
Ngunit natalo ang Burma dahil sa natamong pinsala at sa malakas na
pwersa ng Arakan at Tenasserim.
Ng sila ay mtalo, sapilitan silang pinapirma sa kasunduan ng England na
Kasunduang Yandabo (Treaty of Yandabo).
Pumayag itong magbigay ng bayad-pinsala at tinanggap ang British
Resident.
Nasundan ito ng Ikalawang at Ikatlong Digmaang Anglo-Burmese, nabigo
parin ang Burma na panatilihin ang kanilang kalayaan.
Dahil sa sunod sunod na pagkatalo, ginawa na lamang ng England ang
Burma na isang lalawigan ang India.
20. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
TAGUMPAY NG IMPERYALISMO SA SINGAPORE
Dahil sakop ng dutch ang India, hindi pinahintulutan ng Dutch na
makipagkalakalan ang England sa Indonesia maliban sa Batavia, Upang
mapanatili ang monopolyo ng kalakalan sa lugar.
• PAGTATATAG NG SINGAPORE
Thomas Stamford Raffles- gobernador ng isang hipilan sa Sumatra.
Iminungkahi niya ang pagtatag ng isang daungan sa timog ng Malaya.
Ang Singapore ang napiling lugar ni Raffles, dahil sa estratehikong
lokasyon nito.
At dahil narin sa matatagpuan ito sa timog na dulo ng Malaya, at madali
itong maipagtatanggol ang daungan.
• TAGUMPAY NG IMPERYALISMO SA MALAYA
Noong ika-19 siglo, umiwas sa anunmang pakikialam ang England sa
Malaya na ang kahihinatnan ay ang pagtatag ng pulitikal na pamamahala.
Dahil malayang nakakalahok ang mga mangangalakal ng England kaya
sapat na sa kanila ang ganong kalakalan.
21. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
STRAITS SETTLEMENTS
Noong 1826, ang sakop na lupain ng England sa Malaya ay may
tatlong daungan na matatagpuan sa Straits of Malacca.
Ang Penang, Singapore, at Malacca ay pinagsama-sama at tinawag na
Straits Settlemets.
Ang tatlong daungan na ito ay ang naging sentro ng distribusyon ng
mga produkto ng England at India, na humikayat sa iba pang
mangangalakal na tumungo rito mula sa ibang bahagi ng Timog
Silangang Asya.
• RESIDENT SYSTEM
Pinangangambahan ng Malaya na kapag hindi na nakialam ang
England sa pagsubaybay sa kanilang pamahalaan ay hindi na
maipagtatanggol ang kanilang karapatan, at makikialam na naman ang
ibang bansa sa Kanluran, tulad ng Germany. Dahil dito binuo ang
Resident System.
Sa ilalim ng sistemang ito ay tutuparin ang sultan at Resident.
22. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Federated Malay States
Apat na estado sa Malaya ang pumayag tumanggap ng Resident.
Perak, Selangor, Pahang, Negri Sembilan
Federated Malay States- pinagsama-sama ng apat na estado na
pinamumunuan ng isang Resident-General na nakatira sa Kuala
Lumpur.
Unfederated Malay States
Noong 18,binuo ng apat na karagdagang estado ang Unfederated
Malay States :
Kedah
Perlis
Kelantan
Trengganu
23. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
UNANG DIGMAANG OPYO
Noong 1839 nagsimula ang digmaan ng China at England. Sanhi ng
digmaan ay ang ginagawang pagsira ng mga opisyal ng adwana ng
Canton sa opyo na nais ipagbili ng mga English. Naging mahalaga
ang opyo para sa mga Tsino na imporatanteng sangkap ng medisina
na kalaunan ay maraming nalulong dito.
Tumagal ang digmaan ng 3 taon.Natalo ang China sa kawalan ng
hukbong pandagat.
Treaty of Nanking(Kasunduang Nanking)-Agosto 29, 1842
Pumayag ang China na magbukas ng limang daungan para sa
kalakalan ng mga Kanluranin
Isalin ang pamamahala ng Hong Kong sa England.
Magbigay bayad-pinsala para sa opyo na nasira ng mga opisyal ng
adwana
Pairalin ang isang katamtaman na buwis sa mga kalakal ng mga
Kanluranin.
24. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Ikalawang Digmaang Opyo
Muling sumiklab ang ang digmaang China at England noong 1856.
Sanhi ng digmaan ay ang pagpigil ng mga opisyal ng adwana sa isang
barkong nangangalakal ng opyo.
Sumali ang mga Frances sa digmaan dahil sa pagtrato ng mga Tsino sa
misyonerong French. Pinilit nilang palayasin ang emperador at sinunog
ang magandang palasyo.
Ang Kasunduang Tianjin
Kasunduang Tianjin- pumayag ang China na magbukas ng 11
karagdagang daungan para sa mga kanluranin, gaing legal ang
opyo, tumanggap ng mga diplomatikong Kanluranin, ipagtanggol ang
mga misyonerong Kristyano, at bigyan ng pribilehiyong extraterritorry.
Extraterritorry-pagpapairal sa batas ng dayuhang bansa sa hurisdiksyon
ng isang bansa
25. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Paghahati ng China sa mga Spheres of Influence
Digmaang Opyo- isa sa mga kinahinatnan ay ang pagkawala
ng kapangyarihan ng China sa mga lugar sa kanyang paligid
kabilang sa mga kinuha ng mga French ay ang IndoChina at
ng British ay ang Burma.
Treaty of Shimonoseki- inilipat sa Japan ang lahat ng
karapatan ng China sa Korea, Formosa, at mga Pulo ng
Pescadores.
Isa-isang nagtayo ang mga kanluranin ng kanilang Spheres of
infuence sa China.
Sphere of Influence- ang isang bansang Kanluranin ay may
karapatan sa mga lupain kung tawagin ay concesssion.
26. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Concession- ang bansang Kanluranin ay nakatatamasa ang
extraterritoriality.
Ang sphere of influence ng Britain ay sa lambak ng Yangtze River, ang
Germany ay sa Shantung at ang French ay sa Timog.
Open Door- papayagan ng mga bansang may sphere of influence ang
mga mangangalakal ng ibang bansa na makipagkalakalan sa pantay na
katayuan. Maraming sumang-ayon sa patakarang ito at nakatulong na
mapantili ng China ang kanilang teritoryo.
Tagumpay ng Imperyalismo sa East Indies
Umiwas ang mga Dutch sa direksyong pamamahala sa Esat Indies
hanggang sa kalagitnaan ng 18 siglo.
Mas pinili nilang pumasok sa mga kasunduan kung saan ang mga
lupaing nasakop nila ay ipinamamahala na lamang sa mga
katutubong pinuno kapalit ng pangakong ay sa mga Dutch
mapupunta.
27. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Tagumpay ng Imperyalismo sa Pilipinas
Dahil sa mahigit na 300 taon na pananakop ng mga Espanyol
sa Pilipinas,ilan sa mga patakaran nila ay ang pagbabayad ng
mabigat na buwis, pagpapatupad ng sapilitang paggawa at
diskriminasyon.
Maraming rebelyon ang ipinadama ng Pilipinas sa
Spain, ngunit ang ganitong pagkilos ay madaling nasupil ng
mga Espanyol.
Sa pagtatapos ng pananakop ng Spain ay pumasok ang higit
na malakas na bansa, ang United States. Sinakop ang
Pilipinas sa kabila ng pagtutol ng nanghihimagsik na mga
Pilipino.
28. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Ang Culture System
19 siglo- humina ang katayuang pananalapi ng Netherlands
dulot ng Digmaang Napoleon(Napolenic Wars) sa Europa.
Johannes van den Bosch- nagmukahi tugkol sa produksyon
ng mga pananim na maaring ipagbili sa pandaigdigang
pamilihan na tinawag na culture system o cultivation system.
Sa ilalim nito, kailangang ilaan ng bawat isang magsasaka
ang sanlimang saklaw ng kanyang bukid. Ang pagluluwas ay
pamamahalaan ng mga Dutch at ipagbibili sa Netherlands.
Masahol ang dinanas ng mga Indonesian sa pagtatanim sa
ilalim ng sistemang ito.
29. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Tagumpay ng Imperyalismo sa Indochina
Ang orihinal na dahilan ng panghihimasok ng France sa
Vietnam ay ang pagpapalaganap ng Katolisismo.
Pagsakop ng Cochin sa China
Ginamit ng pamahalaan ni Emperador napoleon III ang mga ulat ng
pangaapi ng mga Katoliko sa Vietnam bilang pagkakataon upang
makialam at kumuha ng lupain sa timog Vietnam.
1862- pumirma ng kasunduan ang emperador ng Vietnam kung saan
inilipat sa France ang tatlong lalawigan na kung tawagin ay Cochin
China. Pumayag din magbukas ng daungan na gagamitin ng mga
mangangalakal na french, magbigay ng bayad-pinsala at bigyan ng
France na maglayag sa Mekong River.
30. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Protektorado sa Vietnam
1882- isang misyong pangmilitar ng France ang nagpunta sa
hanoi. Marring tinutulan ng China ang panghihimasok ng
France ngunit madaling nagapi ito ng mga French.
1884- pumayag ang china na ilagay ang Vietnam sa ilalim ng
proteksyon ng France.
Protektorado sa Cambodia
Kasabay ng pagsakop ng Cochin China noong 1862,
ipinagbunyi ng France ang kanyang pagiging
makapangyarihan sa Cambodia. Nagmungkahi ang France na
gawing protektorado ang Cambodia at wala ng nagawa ang
Cambodia dito.
31. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Protektorado ng Laos
Ginamit ng mga French ang pagpapatalsik sa dalawang
kababayan sa Siam bilang dahilan upang humingi ng bayad-
pinsala. Hiniling ng mga French nag buong kaliwang pampang
ng mekong River, lugar na kinatatayuan ng Laos. Sa harap na
pagsasara na ginawa ng French sa daloy ng mga barko sa
Menam River wlang nagawa ang Siam at isinuko ang Laos.
Kasunduang Kanagawa
Sumang-ayon na rin ang Japan na lumagda sa Kasunduang
Kanagawa(Traety of Kanagawa) sa pagitan nila ng Estados
Unidos noong 1854. Sa ilalim ng kasunduang ito, pumayag
ang Japan na magbukas ng dalawang daungan, Shimoda at
Hakodate, at magpakita ng mabuting pakikitungo sa mga
nasisiraan ng barko.
32. Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Tagumpay ng Imperyalismo sa Japan
Kakaiba ang naging reaksiyon ng Japan sa China nang
manghimasok ang mga Kanluranin. Noong ika-19
siglo, madalas maglayag sa hilagang Pacific Ocean ang mga
barko ng United States. Dahil sa haba ng kanilang mga
paglalayag, kailangan nila ang mga lugar kung saan maaaring
tumigil ang kanilang mga barko upang kumuha ng
pagkain, tubig, at fuel.
• Si Commodore Matthew Perry
• Ipinadala ni President Millard Fillmore(United States), sa
Japan noong 1853. Ang pakay niya ay hilingin sa Japan ang
pagbubukas ng kanilang bansa sa kalakalan ng mga ng mga
banyaga. Bumalik si Perry nang sumunod na taon upang
magdala ng ragalo sa pinuno ng Japan, tulad ng aklat, baril at
iba pa.
33. MGA EPEKTO
NG
IMPERYALISMO AT
KOLONYALISMO
SA ASYA
34. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
Unang Yugto ng Kolonyalismo
Ang Timog at Timog Silangang Asya ang unang nakaranas ng
Kolonyalismo sa Asya sa ilalim ng Portuguese at Espanyol.
Tumungo ang mga Kanluranin sa lugar na ito dahil sagana ito
sa rekado.
Mga Epekto ng Pananakop ng mga Portuguese
Ang Timog Asya ang unang narating ng mga Portuguese.
Noong 1510, ang Goa ang unang nasakop ng Portuguese, na
nang lumaon ay naging isang malaking lungsod. Sinakop din
ang Mallaca upang maging ganap na monoployo ng mga
Portuguese ang kalakalan sa pampalasa. Sinukap din nilang
mapahinuhod ang mga Moluccas upang mapasakamay nila
ang kinikilalang pangunahing pinagmumulan ng pampalasa.
35. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
Maging sa China ay nagpadala ng ekspidisyon ang mga
Portuguese. Narating nila ang Macao, malapit sa daungan ng
Canton at nagtatag dito ng isang daungang pangkalakalan.
Ikinalat din nila ang Katolisismo na naging bunga ng alitan sa
mga Hindu o Muslim. Ang alitang ito ay humantong sa
pagpatay ng lokal sa populasyon. Isa din sa patakaran nila ay
pagkakasundo sa lalaking Poruguese at babaeng Hindu.
Upang maging ganap na monoployo ng kalakalan, mahigpit
nilang binantayan ang Indian Ocean. Lahat ng produkto na
kinakalakal ay kailangang may permiso. Ang negatibong
epekto nito ay pagtataboy o displacement sa mga dati ng
nangangalakal.
36. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
Mga Epekto ng Pananakop ng Espanyol sa Pilipinas
Ginawang sentro ang Maynila bilang entrepot.
Dalawang uri ng lamang sa pamayanan:
1. Nakahilera sa anyong tubig
2. Nakapulutong sa mga kagubatan
Maghatid ng “sibilisasyon”sa pamamagitan ng pagtatatag ng
mga lungsod at ipakilala ang Kanluraning Katolisismo.
Ipinatupad ang “reduccion”- ang pagtitipon ng mga tao sa isang
lugar na pinili ng mga prayle upang doon sila gawarang ng
edukasyong ispiritwal.
Nakapaloob sa gawain na ito na dapat silang panatilihin sa ilalim
ng kampana(bajo las campana).
37. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
Pagtatatag ng “pueblo” na katumbas ng bayan sa wikang
Espanyol.
Makikita dito ang direktang impormasyon ng pilosopiyang
Kanluranin.
Nakabatay ang layout ng mga kalye sa cuadricula at nakaayos sa
loob ng plaza complex.
Mahalagang bahagi ng Plaza Complex
Plaza Mayor- nakalaang bukas na espasyo
Simbahan at kumbento
Casa Tribunal- sentro ng kapangyarihang lokal
Kabahayan sa Elite o uring principalia
38. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
Bagong pamumuhay ng mamamayan sa paglikha ng mga
pueblo
Nalayo ang mga tao sa kanilnang pinagkukunan ng pagkain
Lumipat na ang sentro ng ng pang araw-araw na pamumuhay at
libangan patungo sa loob ng pueblo
Dito din nagaganap ang proseso ng alkulturasyon
Ito ay tumutukoy sa proseso kung saan ang isang lipunan ay
nakatanggap ng elemento, katangian o impluwensiya ng kultura
ng isa pang lipunan.
Nagwakas ang masiglang ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas
sa Asya.
Ipinatupad ang kalakalang galyon
Epekto nito ay ang subsistence farming
Sapilitang pag gawa
39. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
Mga Epekto ng Pananakop ng mga Dutch sa Moluccas
1. Nang tuluyang lumaya ang Netherlands sa kamay ng Spain, Sinikap nilang
maging makapangyarihang mangangalakal na hahalili sa mga Portugues
sa pananaig ng Asya-Europa. Malaki ang pagtatagumpay ng mga Dutch
sa pagnenegosyo Kaysa misyonaryo.
2. Hindi naging interesado ang mga Dutch na Direktang pamunuan ang
kanilang kolonya , dahil ginamit lamang ang lokal na pinuno na syang
naguutos na magtanim ng mga rekado at binigyang karapatan pa nito ang
mangulekta ng na buwis .
3. Naging mahigpit ang kalakalan at pagtatanim, ang produksyon ay
palaging tama lang, hindi n a pinahihintulutan na sumubra upang ang
suplay ay hindi na magbagsak-presyo. At ang pampalasa ay tanging
ibinibenta lamang sa DUTCH EAST INDIA COMPANY(DEIC). Labis na
naapektuhan ang kalakalan dahil di naatupag ang pagtatanim ng
produktong pangangalakal.
4. Mga Hamon kinaharap ng mga Dutch ay:
1620 , 36 na kababaihan ang ipinadala sa Asya upang magtatag ng
pamayanang Dutch, nang lumaon, itoy hindi nagtagumpay
1652 , ipinatigil ang imigrasyon at tanging lalaking DEIC na lamang, isang
kondisyon ang dapat tuparin at iyon ang: maging Kristiano ang mga
babaeng Asyano at ang anak nito.
40. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
IKALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO
Ang Rebolusyong Industriyalna naganap sa England
noong ika-18 siglo ay nagbigay-daan sa pag-igting ng
kapitalismo. Ang dating industriya na yaring-kamay ay
napalitan ng mekanisadong produksyon na bunga ng
paggamit ng mga makinarya sa pabrika. Ang Engalnd,
France, United States at Russia ay nagunahan upang
magparami ng kani-kanilang mga kolonya.
41. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
MGA EPEKTO NG PANANAKOPNG ENGLISH SA INDIA
Naging isang malakas na bansa ang England sa ilalim ng
pamumuno ni Elizabeth I. Itinatag ang English East India
Company(EEIC) at ginawaran ng karapatang makipagkalakalan sa
malayong teritoryo.
Natalo ng mga English ang mga Portuguese at ang mga French
kung kaya nilang pasukin ang India. Tatlo ang pinakamahalagang
daungan ng mga English sa India: Madras, Calcutta, at Bombay.
Ang mga magsasakang Indian ay sapilitang pinagtanim ng opyo at
malaki ang kinita nila sa kalakalan ng opyo.
Unti-unting nagpalaganap ng isang sistema ng edukasyon na
nakabatay sa pamantayang English na nagbigay daan sa proseso
ng akulturasyon ng mga Indian. Sa unibersidad na itinayo ng mga
English ang naging daan upang magkaroon ng mga gradweyt na
may impluwensiyang English at manatiling tapat sa England.
42. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
English ang wika na kanilang ginagamit sa mga pamntasa at
hukuman. Bahagi rin ng “pagsisibilisa” sa mga Indian ang pakikialam
sa mga taal na kaugaliang Indian. Halimbawa ang pagbabawal sa
sati o sutee at ang batas na nagpapahintulot na muling
makakapagasawa ang mga balo.
Naging prayoridad ang mga linya ng transportasyon at
komunikasyon tulad ng pagpapagawa ng riles ng tren na nagbigay
daan sa komersyalisasyon ng agrikultura. Napadali ang pagluwas ng
mga produkto at direktang inululan ang mga hilaw na materyales sa
England. Muli ding binalik ang yaring produkto ng India na ibinibenta
sa murang halaga, dahil dito labis na naapektuhan ang industriya ng
India.
Ipinakilala ang telegraph na nagkaroon ng ugnayan ang India at
Europa noong 1865.
43. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
Naging prayoridad ang mga linya ng transportasyon at
komunikasyon tulad ng pagpapagawa ng riles ng tren na
nagbigay daan sa komersyalisasyon ng agrikultura. Napadali
ang pagluwas ng mga produkto at direktang inululan ang mga
hilaw na materyales sa England. Muli ding binalik ang yaring
produkto ng India na ibinibenta sa murang halaga, dahil dito
labis na naapektuhan ang industriya ng India.
Ipinakilala ang telegraph na nagkaroon ng ugnayan ang India
at Europa noong 1865.
44. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
EPEKTO NG IMPERYALISMO SA CHINA
1. Sa pagnanais ng China na pigilan ang kalakalan ng opyo
nagkaroon ng dalawang Digmaang Opyo.
2. Nang maganap ang Digmaang Opyo, nakakita ng
pagkakataon ang United States na pwersahin ang hina na
magbukas ng mga karagdagang daungan para sa
mangangalakal na amerikano.
3. Napilitang makipagkasundo ang China sa Kasunduan ng
Wanghsia(Treaty of Wanghsia) na nagpapahintulot na
dumaong ang barkong pandigma ng mga Amerikano sa
alinmang daungan at ang pagbibigay ng karapatang
magtatag ng mga simbhan sa ilang lalawigan ng China.
45. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
4. Maging ang France ay sapilitang pinalagda ng Kasunduan ng
Whampoa(Treaty of Whampoa, Oktubre 1844) na nasasaad nag
pagpayag na magpadala ng misyenerong French sa malalayong
lalawigan ng China na labis na naging makapangyarihan sa timog
China.
5. Sa papamagitan ng Kasunduan ng Peking(1860) malaking bahagi
ng Manchuria ang napasakamay ng pamahalaang China.
6. Sa pagkatalo ng China sa digmaan, naging dahilan ito upang
mahati ito sa Spheres of Influence.
7. Napilitang lumagda ang China sa Unequal Treaties.
8. Dumagsa din ang mga misyonero kasabay ng paglaganap ng
Katolisismo.
9. Nawalan din ng hurisdiksyon ang mga Tsino sa mga dayuhan na
gumagawa ng krimen o katiwalian sa bansa.
46. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
PAGSIDHI NG IMPERYALISMO SA TIMOG
SILANGANG ASYA AT NAGING EPEKTO NITO
1824- nagkasundo ang English at Dutch na paghatian ang
kapuluang Timog Silangang Asya.
1858- inukopa ng mga French ang Saigon sa Vietnam upang
gamiting itong daungan.
Nahati ang buong Timog Silangang Asya maliban sa Thailand(Siam)
at nagbago din ang anyo ng kanilang rehiyon.
Nagkaroon ng ng permanenteng hangganan ang bawat bansa at
umusbong din ang mga kolonyal na lungsod tulad ng Maynila.
Natali ang mga lokal na ekonomiya at ang etniko ng mga taga-Timog
Silangang Asya.
47. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
ANG MGA EUROPEO SA KANLURANG ASYA
Ang kanlurang Asya ang pinakahuling rehiyon ng bumagsak sa kamay
ng mga Europeo.Dahil sa unti-uniting paghina ng Islam na dati ay
malakas, naagaw ng mga Russian ang ilan sa kanilang mahahalagang
teritoryo. Sunod-sunid ang pagkatalo ng mga Muslim mula sa kamay
ng mga english at French.
Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig(1918), bumagsak na ang
Imperyong Ottoman. Sumailalaim ang Kanlurang Asya sa mga
Kanluranin. Ipinairal sa rehiyon ang mandate system na isang konsepto
ng imperial trusteeship. Nangangahulugan ito na ang isang bansa na
naghahanda sa pagsasarili at pagiging makaya ay kailangang
sumailalim muna sa patnubay ng Europeo.
48. Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya
Makabagong Anyo ng Imperyalismong Kanluranin
Bagamat lumaya ang mga Asyano mula sa pagsakop ng mga
Kanluranin, naisakatuparan din ang panghihimasok sa maraming
bansa sa Asya sa pamagitan ng neokolonyalismo o makabagong
anyo ng kolonyalismo.
Tahasang sinakop ng mga Kanluranin amg mga Asyano sa
pamamagitan ng pwersang militar. Sa pagkakaloob ng tulong
pinansiyal at militar ng mga Kanluranin sa maraming bansa sa
Asya, naimpluwensyahan nila ang mga patakaran at pamamlakad
dito.
Nilusob ng mga Amerikano at mga kaalyadong bansa si Saddam
Hussein at maprotektahan ang interes nila, partikular na sa langis.
Nilusob din nila ang Afghanistan upang pabagsakin ang mga Taliban
na namumuno. Ginamit ng mga Kanluranin ang katwiran na dapat
labanan ang terorismo at gaing ligtas ang daigdig.