SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 117
3
Mother Tongue
Learner’s Materials
Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng
mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon
na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
action@deped.gov.ph.
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Mother Tongue- Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang Kagamitan
ng Mag-aaral
Unang Edisyon, 2013 ISBN: 978-
971-9601-31-9
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty
bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, Ph.D.
BEE – Director: Marilyn D. Dimaano, Ed.D.
Inilimbag
sa
Pilipinas
ng MGO
Enterprises
Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address: 2nd
Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue,
Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com
Development Team of the Learner’s Module
Consultant and Editor: Dr. Felicitas Pado
Dr.Rosalina J. Villaneza
Ms. Editha Macayaon
Authors: Ms. Nelia D. Bamba Ms. Lilibeth A. Magtang
Ms. Claire B. Barcelona Ms. Florita R. Matic
Ms. Edelyn B. Briones Ms. Irene T. Pilapil
Ms. Grethel Laura M. Cadiong Ms. Robina B. delos Reyes
Ms. Franlyn R. Corporal Ms. Raquel C. Solis
Ms. Florinda Dimansana Ms. Arabella May Z. Soniega
Dr. Victoria D. Mangaser Ms. Dina F. Bazan
Graphic Artist:
Layout Artist:
Table of Contents
Quarter1: Knowing Myself and My Family
Lesson 1:
My Family and I ………………………………………………….
Lesson 2:
My Family and I: Healthy Habits ……………………………...
Lesson 3:
Things I Enjoy and People I Like1……………………………....
Lesson 4:
My Favorite Animals and Plants .............................................
Lesson 5:
Things I Love t Do – Favorite Activities, Hobbies, Sports ……
Lesson 6:
Care for the Environment …………………………………………
Lesson 7:
My Family and Our Roles …………………………………………
Lesson 8:
Members of the Family, Pride of My Family …………………..
Lesson 9:
My Family and Our Roles …………………………………………
Summative TEST ……………………………………………………..
Unang Kuwarter
Unang Linggo
Gawain 1
Ang kuwento ay binubuo ng mga elemento.
Buuin ang hinihinging detalye upang mabuo ang talaan tungkol sa
kuwentong “Aking Alaga”
Talaan ng Tagpuan
Talaan ng Tauhan
Sabihin at Alamin
Ang kuwento ay may tatlong elemento: ito ay ang
tagpuan, tauhan at mga pangyayari.
Ang tagpuan ay nagsasaad kung saan at kailan
nangyari ang kuwento.
Ang tauhan ay ang mga tao na gumanap sa
kuwento.
Ang mga pangyayari naman ang nagpapakita ng
mga naging suliranin at kalutasan sa kuwento.
Talaan ng mga Pangyayari
Tandaan
Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay lugar o
pangyayari.
Gawain 2
Basahin ang mga pangungusap mula sa ating kuwento:
“ Halina sa Bukid”
a. Nakakita ng kuting si Tatay sa damuhan.
b. Nasiyahan si Greg sa pagmamasid ng mga tutubi sa
paligid.
Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa kuwentong “
Halina Sa Bukid”
A. Nakakita ng kuting si Tatay sa damuhan.
B. Nasiyahan si Greg sa mga tutubi sa paligid.
Sa pangungusap A, sino ang nakakita ng kuting? Ano ang nakita ng
tatay? Nasaan ang kuting?
Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit?
Sa pangungusap B, sino ang nasiyahang magmasid ng mga tutubi
sa paligid? Ano ang kaniyang namasid? Nasaan ang mga tutubi?
Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit?
Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?
Ano ang pangngalan?
Tandaan
Gawain 3:
Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno. Isulat ang pangngalan sa
angkop na kahon.
Pangngalan
Tao Lugar Bagay
ate upuan walis
pambura silid -aklatan aklat
bag tatay
Tiya Rose
Subukin
Basahin ang kuwento. Basahin nang wasto ang mga salita at may
angkop na damdamin.
Basahin at Alamin
“Ang Pag-uwi ni Sally”
Ni: Nelia D. Bamba
“Uuwi si Sally ngayon!” sabi ni nanay. Pumunta na tayo sa terminal ng bus upang
salubungin siya. “Isasama ko si Tatay at Ben upang magbuhat ng mga bagahe ni
Sally”Nagpaiwan na si tiya Rosa upang maghanda ng masarap at paboritong pagkain ni Sally.
“Hindi na ako makapaghintay, nanay.! Pagkatapos ng dalawang buwang pagtatrabaho ay uuwi
na siya” ang sabi ni Ben “ Ano kaya ang pasalubong niya sa akin?
“ Dumating at umalis na ang mga bus. Nasaan na kaya si Sally?” tanong ni Tatay.
Malapit nang lumubog ang araw, hintayin na lang natin ang susunod na bus, baka naman
doon sakay si Sally, nag-aalalang sabi ni Nanay.
Uminom ng tubig si Ben at itinago ang kanyang luha. “Nanay, huwag kang mag alala,
sigurado akong nsaa susunod na bus na si Sally”.
“Heto na ang huling bus mula sa lungsod”! wika ng Tatay. Umasa tayong diyan na
nakasakay si Sally. Nang bumukas ang pinto, patakbo at masayang bumaba si Sally at sabay
sabing, “sa wakas! Nanay, Tatay nandito na ako!”.
“ Nag-alala kaming lahat sa iyo” wika ni Tatay. Halika na, naghihintay na ang paborito mong
pagkain sa bahay sabi ni Nanay.
Tinulungan ni Tatay at ni Ben si Sally upang buhatin ang kaniyang bag, nang mapansin ni Ben
na may isa pang bag na dala si Sally. “Ben, ibinili kita ng tatlong bagong t-shirts at back pack”,
wika ni Sally. “Maraming salamat, pero ang mas importante ay magkakasama na ulit tayong
lahat.”
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang uuwi?
2. Sino ang susundo sa kaniya sa istasyon ng bus?
3. Sa palagay mo, ano ang nararamdaman ng pamilya?
4. Ganoon din kaya ang pakiramdam ni Sally?
5. Bakit nagpaiwan sa bahay si Tiya Rosa?
6. Bakit nag-aala si nanay?
7. Ano ang naramdaman ng pamilya? Isadula.
8. Ano ang naramdaman ni Ben? Isadula.
Isipin
Lingguhang Pagtataya
Gawain # 1:
Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno. Punan ng tamang sagot ayon
sa kanilang mga uri. Isulat kung ang mga ito ay tao, lugar o bagay.
1.
pambura
guro opisina lapis sabon entablado
tiya silid- aklatan tsokolate ina
Gawain # 2:
Basahin ang pangungusap, Isulat ang nga pangngalang may
salungguhit sa tamang kahon.
a. Nilibot ni Julie ang kulungan ng manok at nakita niya
ang mga manok.
b. Ang pusa ay kasabay na tumatakbo ng mga aso.
c. Inutusan sila ng Nanay na makipaglaro ng holen sa iyo.
d. Makikita sa dalampasigan ang makukulay na
payong.
e. hindi ko siya mapabangon sa kama.
f. Bumili si Jim ng isang kahon na may lamang dalawang
paso.
Pangngalan
Isahan Maramihan
Unang Kuwarter
Ikalawang Linggo
Gawain 1:
Basahin ang mga pangungusap mula sa kuwentong “Lipad! Lipad!
1. May bagong saranggola si Tatay.
May mga batang lalaki na nagpapalipad ng saranggola sa
bukid.
Sabihin at Alamin
Ang pangngalang isahan ay nagbibigay ngalan sa
iisang bagay.
(Singular nouns are used to name one thing)
Ang maramihang pangngalan, ay nagbibigay ngalan sa
dalawa o higit pang mga bagay.
(Plural nouns are used to name two or more things)
2. Iniabot ng Nanay kay Marlon ang isang plato na may isang
nilagang itlog, tatlong pirasong keso at dalawang piraso ng
bilog na tinapay.
Ano ang napansin ninyo sa mga salitang may salungguhit sa
pangungusap? Paano sila nagkakaiba?
Ano ang isahang pangngalan??
Ano ang maramihang pangalan?
Gawain 2:
Pakinggan ang panuto na sasabihin ng guro. Sipiin ang tsart at
ilagay dito ang inyong sagot.
Pangngalan
Tandaan
Subukin
Isahan Maramihan
Basahin ang kuwento nang wasto,may tamang diin at ekspresyon.
Prutas na Makatas
ni: Nelia D. Bamba
“Beep, beep, beep!” Narito ang bus! Nagkagulo ang
mga bata sa pagkuha ng kani- knilang bag. “Uuwi na tayo,
Biyernes na rin sa wakas” ang sabi ng mga bata.
“ Narito na ba ang lahat?” tanong ni Mang Peping.
“Hintay!” ang sabi ni Miguel. “ Naiwan ko ang aking
lagayan ng tubig, uhaw na uhaw ako, kailangan kong uminom,
napagod ako sa aming praktis ng balibol”.
“Wow! Tumingin kayong lahat sa labas!” “Nakikita ninyo
ba ang mga tindahan ng prutas sa gilid ng kalsada?” Maraming
melon,suha, pinya at bayabas, mukhang makatas at sariwa” ang
wika ni Marie.
“Oo nga, wala ang mga iyan kahapon” ang sabi ni
Miguel.
Basahin at Alamin
“ Panahon ngayon ng anihan” ang sabi ni Mang Peping.
“Ang mag prutas na iyan ay kaani lamang ng mga magsasaka
sa kanilang bukid”
“ Sana ay nakita ni Nanay ang mga prutas, sigurado ako,
bibili siya” ang sabi ni Miguel. Mahilig akong kumain ng mga
prutas, ang sabi niya mabuti ito sa kalusugan.”
“Nais ko, nais ko, makatas na prutas. Oo nga, tayo na!
Tayo nang uminom ng katas ng prutas”, wika ng mga bata.
Bahagyang sinimulan ng mga bata ang pagpalakpak
hanggang nakalikha sila ng isang ritmo na naging rap.
“Suha, suha, makatas na suha
Kainin, katasin tayo ay palulusugin.
Melon, melon,makatas na melon
Masarap lalo na kung mainit ang panahon
Pinya, pinya makatas na pinya
Maasim, matamis talagang masustansiya.
Sagutin ang tanong.
1. Sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Ano ang kanilang ginagawa sa loob ng bus? Bakit?
3. Ano ang kanilang ginagawa habang sila ay nasa loob ng bus?
Basahin ang pangungusap mula sa “Lipad! Lipad!”
1. Binigyan ng Nanay si Marlon ng isang plato na may kanin,
itlog at isang tasa ng sopas.
Isipin
2. Magdadala si Nanay ng mga nasa latang juice at mga
piraso ng tinapay.
Alin ang mga pangngalan sa pangungusap?
Alin ang mga pangngalan na maaaring bilangin?
Alin ang mga pangngalan na hindi nabibilang?
Alin ang pangngalang pamilang?
Alin ang pangngalang di pamilang?
Ano ang ibig sabihin ng pangngalang pamilang??
Ano ang ibig sabihin ng pangngalang di pamilang?
Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalan
nabibilang.
Ang pangngalang di pamilang ay ang mga pangngalang
di nabibilang.
Gawain 1
Sipiin ang tsart at isulat ang pangngalan sa angkop na kahon.
Tandaan
ice cream carrot
saging sopas
bayabasasukal
Sabihin at Alamin
Gawain 2
(Pangngalang Pamilang) (Pangngalang Di
Pamilang)
Pangngalang
pamilang
Isulat ang pangngalan sa tamang kahon.
a. bote ng mantika
b. bibingka
c. isang mansanas
d. isang tasang asukal
e. sampung mangga
f. mantekilya
g. isang pirasong saging
h. garapon ng asin
i. isang basong juice
j. tatlong kahel
Basahin ang pangyayari mula sa “ Makatas na Prutas”
Nalimutan ni Miguel ang kaniyang tubig sa silid-aralan.
Nakiusap siya sa drayber ng bus na hintayin siya sandali upang kunin
niya iyon para makainom.
Alin sa palagay mo ang naging suliranin sa kuwento?
N
O
U
N
Pangngalang
di pamilang
Ang suliranin ang nagsasaad kung ano ang ipinag- aalala
ng isang tauhan sa kuwento.
Ang kalutasan ang nagsasaad ng solusyon sa isang
kuwento.
Bakit nag-alala si Miguel?
Ano ang naisip niyang kalutasan ?
Ano ang tawag sa bahagi ng kuwento na nagpapakita ng pag-
aalala ng tauhan?
Ano ang bahagi na nagpapakita ng solusyon?
Ang suliranin ang nagsasaad kung ano ang ipinag- aalala ng isang
tauhan sa kuwento.
Ang kalutasan ang nagsasaad ng solusyon sa isang kuwento.
Gawain 4:
Pangkatang Gawain:
Pangkat 1
Basahin ang suliranin. Subuking bigyan ng kalutasan.
Nalimutan ni Sonia ang kaniyang baon. Oras na ng recess.
Kalutasan: ____________________________
Tandaan
Pangkat 2
Suriin ang larawan. Magbigay ng isang suliranin at isang kalutasan.
Suliranin: ______________________________________
Kalutasan: ______________________________________
Pangkat 3:
Batay sa iyong karanasan, gumawa ng isang suliranin at bigyan ito
ng solusyon.
Basahin ang talata mula sa kuwentong “Lipad! Lipad!”
Isang sabado, magkasamang binaybay nina Tatay at Marlon
ang taniman ng palay at mabatong daan bago nila narrating ang
malawak na bahagi ang bukid. Masayang masaya sa pangyayari si
Marlon.
Ang suliranin ay: _____________________________________
Ang Kalutasan ay:___________________________________
Ang pinangyarihan ng kuwento o setting ay:
• lugar kung saan nangyari ang kuwento at
• ang oras kung kailan nangyari ang kuwento
Sinasagot nito ang mga tanong na saan at kailan.
Saan nangyari ang kuwento?
Kailan ito nangyari?
Anong bahagi ng kuwento ang nagsasaad kung saan at kailan
nangyari ang kuwento?
Gawain 5:
Piliin ang tamang lugar na pinangyarihan ng kuwento. Isulat ang titik
ng tamang sagot.
1. Pasasalamat
Saan ito nangyari? ________________
a. sa bahay b. sa kantina c. sa dagat
Kalian ito nagaganap? _____________________________
a. Araw ng Pasko b. Araw ng mga Kaluluwa
c. swimming
2. Kuwento tungkol sa mga diwata
Saan ito nangyari?___________________________
a. paaralan b. palasyo c. zoo
Tandaan!
saan ito naganap? _____________________________
a. noong unang panahon b. kasalukuyan
c. sa darating na panahon
3. Mga katatakutang kuwento
Saan ito nanyari?___________________________
a. sa party b. Nakakatakot n bahay c. palasyo
Kailan ito nangyari? _____________________________
a. gabi b. tanghali c. madaling araw
Gawain 6:
Punuan ng mga titik upang mabuo ang puzzle.Makinig sa ididiktang
salita mula sa kuwentong narinig.
Saranggola
Bukid
Prutas
Sabado
Tatay
Gawain 7:
Subukin
s
p
ds
T
y
Isulat ang P kung ang salita ay Pangngalang Pamilang at
DP kung Di Pamilang.
a. isang kutsaritang toyo
b. isang boteng suka
c. isang labanos
d. isang sibuyas
e. mga kamatis
f. isang bandehadong pansit
g. pinya
h. isang boteng patis
i. mangga
h. mantekilya
i. isang boteng mantika
Basahin at Alamin
Gawain 8:
Basahin ang kuwento. Hanapin ang suliranin at kalutasan, gamit ang
porma sa ibaba.
Ang suliranin ay: _______________________________________
Ang kalutasan ay: _______________________________________
Bumisita sina Jenny at Joyce sa bukid ng kanilang lolo.
“Gustong - gusto ko ang lugar na ito” ang sabi ni Jenny.
“Kahanga-hanga ang mga puno halika na sa paborito kong
puno” ang sabi ni Joyce. “Hitik ang mga bunga!” “ Gusto kong
makakuha ng ilan pero hindi ko kayang abutin”.
“Ito ang panungkit, gamitin natin” sabi ni Jenny. “Isa,
dalawa, hayan nakakuha na tayo ng dalawang mangga”,
sabi naman ni Joyce.
“Tingnan mo ang mga bibe sa sapa, nakahahalina sila”,
ang sabi ni Jenny. Lumapit siya, ngunit nahulog ang kaniyang
isang tsinelas at naanod ito. “Naku! ang tsinelas ko!” sigaw ni
Jenny.
“ Hayaan mo na Jenny, mayroon akong isang pares na
tsinelas sa aking bag”, ang sabi ni Joyce.
Talata 1
Ano ang suliranin? ____________________________________
Ano ang kalutasan ? ______________________________________
Talata 2
Ano ang suliranin? ____________________________________
Ano ang kalutasan ? ______________________________________
Gawain 9:
Punan ng mga kinakailangang impormasyon.
Lingguhang Pagtataya
Pangalan:________________________________________
Ama: ______________________________________
Trabaho: __________________________________
Ina: _____________________________________
Trabaho: __________________________________
Tirahan:
____________ _______________ _____________
Barangay Bayan Probinsiya
Gawain # 1:
Punan ng angkop na pangngalan ang kahon.
1. isang boteng
catsup
2. itlog
3. isang kilong harina
4. karne
5. jelly
6. pipino
7. isang tasang suka
8. mansanas
9. carrot
10. kahel
Unang Kuwarter
Ikatlong Linggo
P
A
N
G
N
G
A
L
A
N
an
Pangngalang Pamilang
Pangngalang di-Pamilang
Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang
nabibilang.
Ang pangngalang di pamilang ay ang mga
pangngalang di nabibilang.
Basahin ang pangugusap mula sa teksto
a. Sinimulan ni Nana yang paghuhugas ng plato, kawali at
kaldero.
b. Naglagay ng isang basong gatas si Louie sa mesa.
Alin ang pangngalang pamilang at di pamilang sa pangungusap?
Aling pangalan ang maaaring mabilang at hindi mabibilang?
Ano ang mga pangngalang nabibilang?
Ano ang pangngalang di nabibilang?
Tandaan
Sabihin at Alamin
Gawain 1:
Isulat ang mga pangngalan sa angkop na pamagat sa ibaba.
Pangngalang Pamilang Pangngalang Di pamilang
mantika harina kahel
tsinelas
mangga suka asin
kamatis sibuyas kape
coffee
mantika harina kahel
tsinelas
mangga suka asin
kamatis sibuyas kape
coffee
Gawain 2
Piliin ang angkop na tandang pamilang na ginagamit sa
pangngalang di-pamilang at ilagay ito sa patlang.
1. ______________ bigas
2. ______________ manok
3. ______________ tubig
4. ______________ kape
5. ______________ pasas
Gawain 3
Ilagay sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga gawain ni Gina
pagkaawas sa paaralan. Lagyan ng tamang bilang sa patlang.
Ikinuwento ni Gina kay Annie kuna ano-ano ag kanyang ginagawa
pagkagaling sa paaralan.
________Pagkatapos, pupunta siya sa kusina upang tulungan
ang Nanay sa paghuhugas ng mga kasangkapan.
Subukin
isang basong isang platong
isang timbang isang tasang
isang kahong isang kilong
Ang mga pangyayari sa isang kuwento ay may tamang
pagkakasunod -sunod.
Upang maisaayos ang mga pangyayari, makikita ang
mga panandang una, sumunod, bago, pagtapos, sa
wakas o iba pang salita na makapagsasabi ng
pagkakasunod -sunod.
________Kapag natapos na niya ang kanyang mga gawaing-
bahay, katabi niyang nanonood ng paborito nilang
palabas sa telebisyon ang kaniyang nanay.
________Tapos, kukuhanin niya ang kanyang mga kuwaderno
at gagawa na siya ng gawaing bahay.
________Sa huli, hahalik siya sa kanyang nanay athihiga na
upang matulog.
_______Pagdating ni Gina sa kanilang bahay, tutuloy agad siya
sa kusina upang kumain ng meryenda.
Gawain 4
Hanapin ang mga salitang galing sa tula. Bilugan ang mga ito.
Tandaan
Gawain 5
Piliin mula sa kahon ang angkop na tandang pamilang na
ginagamit sa Pangngalang di pamilang at ilagay ito sa patlang.
b t u n a y l s
i A t e w a l o
y T m a s a y a
a A p a r k r d
y y a y t p t y
a i e s i d s t
k a i b i g a n
isang tasa ng isang baso ng isang plato ng isang garapon ng
isang bote ng isang dakot na isang patak ng isang sako ng
sopas pasas juice
gamot
jam kanin
Gawain 6
Pagsunod-sunurin ang ang mga hakbang sa pagkuha ng pagsusulit.
Lagyan ng tamang bilang sa patlang.
_______ Basahin at unawain ang panuto.
_______ Isulat ang pangalan,baitang at pangkat.
_______ Tingnan kung gaano katagal ang pagsusulit.
_______ Magbalik-aral sa iyong mga sagot.
_______Basahin at maingat na sagutan ang pagsusulit.
Gawain 7
1. Punan ng pangngalan ang tsart. Piliin ang
sagot mula sa bag sa ibaba.
mangga asukal
lapis cake
mansanas
bigas asin
mantikilya aklat
mangga asukal
lapis cake
mansanas
bigas asin
mantikilya aklat
Pangngalan
Pangngalang Nabibilang Pangngalang Di- nabibilang
Gawain 8:
Piliin ang tanda ng pangngalang pamilang.
Pangngalan
garapon ng piraso ng isang basket na
plato ng bote ng tasa ng
isant patak na baso na puno ng
garapon ng piraso ng isang basket na
plato ng bote ng tasa ng
isant patak na baso na puno ng
________ tubig
________ jelly
________ kanin
_ca_______ c cake
_____ cake
cake
Unang Kuwarter
Ikaapat na Linggo
Gawain 1
Punan ang patlang ng salitang umaasa o gusto upang mabuo ang
pangungusap.
1. _______ akong hindi uulan sa aking karawan.
2. _______ nina Maria at Carla na maging diwata.
3. _______ akong bibisita ang aking mga lolo at lola ngayon.
4. ________ ng aking kapatid na makakita ng taga-ibang planeta.
5. ________si Norman na manalo siya sa paligsahan.
Tandaan
Sabihin at Alamin
_________ prutas
________ fruits
__________buhangin
________ raisins
Ang mga salitang umaasa at gusto ay ginagamit upang
maipahayag ang iyong nais.
Umaasa ang ginagamit kung ang nais ay maaaring
mangyari o makatotohanan.
Ang salitang gusto ay ginagamit kung ang kaisipang
ipinahahayag ay hindi maaaring mangyari o hindi
makatotohanan.
Gawain 2
Basahin ang mga pangngalang ginamit sa kuwentong “Papasukin
Po Ninyo Ako!”
pag-ibig hardin kaligayahan
kagalakan kapatid kagandahan
takot panlilinlang palumpong
puno pagdaralita pagsuway
Alin sa mga pangngalan ang nakikita, naririnig, nahahawakan,
nalalasahan o naaamoy?
Alin naman ang HINDI?
Anong uri ng pangngalan ang mga ito?
Sabihin at Alamin
Tandaan
Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga
bagay na maaaring mahawakan o makita gamit ang ating
limang pandama.
Ang di -kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga
bagay na hindi maaaring mahawakan o makita katulad ng
katangian o damdamin.
Ano sa palagay mo ang maaaring maibigay ng kuting sa atin?
Ano kaya ang nararamdaman ng kuting tuwing mayroon siyang
bagong kalaro?
Pakinggan ang guro habang binabasa niya ang tula.
Pagkatapos, basahin ang tula nang may angkop na bilis, tono at
damdamin.
Ang Kuting na si Pussy
ni: Florita R. Matic
Ako ay isang kuting
Pussy kung ako’y ituring
Ang nakatutuwang kuting na ito
Nagbibigay ng pagmamahal sa inyo.
Basahin at Alamin
Ang pagmamahal na dulot ko
Nagdadala ng kagalakan sa inyo
Ang kalituhan at kalungkutan
Ay wala sa aking kapakinabangan.
Pagkasabik at kagalalakan
Ang aking nararamdaman
Sa tuwing ako’y makakikilala
Ng bagong mga kasama.
Sagutin ang mga tanong.
1. Tungkol saan ang tula?
2. Paano mo ilalarawan ang kuting ayon sa tula?
3. Masayahin ba ang kuting? Basahin ang saknong sa tula na
nagpapahayag nito.
4.Aling saknong ang nagsasaad na palakaibigan ang kuting?
Basahin ito.
5. Ano sa palagay mo ang naidudulot ng kuting sa nag-aalaga sa
kaniya? Ipaliwanag.
Sabihin at Alamin
Isipin
Kaya mo bang sabihin ang salitang ugat ng bawat salita?
1. madaya
2. kasama
3. nasabi
4. makulay
5. malungkot
Ano-anong panlapi ang idinagdag sa bawat salitang-ugat?
Nagbago ba ang kahulugan ng salitang nilagyan ng panlapi?
Ano ang panlapi?
Ang panlapi ay mga kataga o pantig na ikinakabit sa unahan, sa
gitna o sa hulihan ng salitang- ugat upang makabuo ng bagong
salita.
Unlapi ang tawag sa pantig na idinadagdag sa unahan ng salitang-
ugat tulad ng ma-, na- , pag- at ka-
Hulapi naman ang tawag sa kataga o pantig na idinadagdag sa
hulihan ng salitang- ugat tulad ng –an at -han
Gawain 1:
Basahin ang mga salitang ginamit sa tulang “Ang Kuting
na si Pussy. Salungguhitan ang mga panlaping ginamit.
Subukin
Tandaan
pagmamahal kalituhan
kagalakan pagkasabik
kalungkutan
Basahin nang malakas ang mga salita.
tauhan pinangyarihan pangyayari
talata saknong taludtod
tugma tula kuwento
Paano natin pagbubukud-bukurin ang mga salita?
Aling mga salita ang tumutukoy sa isang kuwento?
Alin ang tumutukoy sa tula?
Ang kuwento ay binubuo ng talata. Ito ay naglalaman ng
tauhan, pinangyarihan at pangyayari sa kuwento.
Ang tula ay binubuo ng mga saknong. Ang bawat saknong
ay mga taludtod na may salitang makakatugma.
Gawain 2:
Isulat ang loob ng kahon ang mga salitang magpapakilala ng
kaibahan ng kuwento sa tula.
Sabihin at Alamin
Tandaan
Gawain 3:
Sumulat ng tula na may isang saknong tungkol sa iyong alaga.
Sagutin ang mga tanong bilang gabay sa pagsulat mo ng tula
1. Ano ang inaalagaan mo?
2. Ano ang pangalan ng iyong alaga?
3. Ano-ano ang katangian ng iyong alaga?
4. Ano ang mga bagay na sabay ninyong ginagawa ng
iyong alaga?
5. Mahal mo ba ang iyong alaga?
6. Paano mo ipinakikita ang iyong pagmamahal sa iyong
alaga?
Gawain 4:
saknong
pangyayari tugma
tauhan
pinangyarihan talata
taludtod
kuwento tula
Bilugan ang mga di kongkretong pangngalang makikita sa loob ng
kahon.
pagdamay luha isipan
bayani telebisyon kabayanihan
kamalayan masaya kahirapan
usapan pagmamahal pagmamalaki
pagkilala sulat paniniwala
Gawain 5:
Isulat ang wastong panlapi upang mabuo ang mga salita.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
ka- -an -han -ran
1. ___seryoso___ 4. usap ______
2. ___tapang___ 5. ____tupa___
3. ____malay___
Lingguhang Pagtataya
Pagsasanay 1:
Salungguhitan ang di kongkretong pangngalan.
kapakumbabaan kamalayan
pamilihan kaunlaran
pagpapaubaya silid-aklatan
silid-dalanginan pinag-aralan
Pagsasanay 2:
Punan ng panlapi ang bawat patlang upang mabuo ang salita.
1. ___ganda___- loob
2. ____api____
3. ___mali____
4. ____malay____
5. ____siya____
Pagsasanay 3:
Piliin ang kahulugan ng bawat salita.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel.
1. katapangan
a. hindi matapang
b. pagiging matapang
c. walang tapang
2. katuparan
a. natamo ang nais
b. hindi natamo ang nais
c. hindi natupad ang nais
3. kahirapan
a. mayaman
b. mahirap
c. pagiging mahirap
4. pagkayamot
a. hindi naiinip
b. pagpapakita ng inip
c. naaaliw
5. kalungkutan
a. hindi nalulungkot
b. walang nadaramang lungkot
c. nakakaramdam ng lungkot
Unang Kuwarter
Ikalimang Linggo
Kaya mo ba magbigay ng mga kilalang tao, lugar at pagdiriwang
sa inyong pamayanan?
Sino-sino ang kilalang tao sa inyong lugar?
Saang lugar mo ipapasyal ang iyong mga kaibigang dadalaw sa
iyo?
Sa anong pagdiriwang kilala ang inyong lugar?
Tandaan
Sabihin at Alamin
Ang iba’t ibang pamayanan ay may kani-kaniyang
kilalang tao, lugar at pagdiriwang .
Igalang natin ang mga ito
Gawain 1
Gamitin ang graphic organizer upang ipakita ang mga kilalang
tao, lugar at pagdiriwang sa inyong lugar.
Idikit ang larawang inihanda ayon sa tamang bahagi ng katawan:
ulo- sikat na tao, kamay- kilalang pagdiriwang at paa- kilalang
lugar.
Subukin
Basahin ang sumusunod na salitang ginamit sa kuwentong “ Isang
Kahilingan.”
Paghambingin ang mga salita sa hanay A at B. Sagutin ang mga
tanong kaugnay nito.
A B
Basahin at Alamin
kagalakan ngiti
pagkagulat regalo
kalungkutan luha
kasigasigan handaan
pagkasabik mag-anak
Aling hanay ng mga salita ang ginagamitan ng limang
pandama?
Anong uri ng pangngalan ito?
Alin namang hanay ang hindi nakikita, naririnig, nahahawakan,
nalalasahan o naamoy?
Ano ang tawag sa uri ng pangngalang ito?
Gawain 2
Punan ang patlang ng kongkretong pangngalan na
kakatawan sa nakasaad na di kongkretong pangngalan.
Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon.
Halimbawa:
pagmamahal – bulaklak , tsokolate
1. pananampalataya - ________ ________
2. katarungan -_________ _________
3. karunungan -_________ __________
4. kalinangan -_________ __________
5. kaunlaran -_________ __________
Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa salitang
maaari nating madama samantalang ang di kongkretong
pangngalan ay tumutukoy sa bagay na hindi nakikita,
naririnig, nahahawakan, nalalasahan o naaamoy.
pamilihan silid-dalanginan
pulis paaralan
sayaw gawang-kamay
aklat kulungan
daan bibliya
Basahin at Alamin
Tandaan
May mga kaibigan ka ba?
Paano mo ilalarawan ang iyong mga kaibigan?
Maihahambing mo ba ang iyong mga kaibigan sa mga
bagay sa iyong paligid?
Basahin ang tula upang malaman kung paano inilarawan
ang kaibigan.
Bigkasin ang tula nang may wastong bilis, tono at
damdamin.
Ang Kaibigan ay Tulad ng Brilyante
ni: Florita R. Matic
Ikaw at ako’y kailangan ng kaibigan
Tunay na taong mapagkakatiwalaan
Tulad ng bato, matatag at matibay
May lakas at tibay na walang kapantay.
Sa sandaling tayo ay naliligaw
Mga kaibiga’y nakaagapay
Tulad ng isang matuwid na daan
Tunay na kaibigan’y di ka bibitawan
Totoong kaibiga’y tulad ng kayaman
Gaya ng gintong may kinang na taglay
Walang katumbas, di kayang bayaran
Kabutihan ng kaibigang panghabang-buhay.
Kahalagahan ng kaibiga’y di kayang sukatin
Ang halaga nito’y hindi sukat akalain
Pagmamahal ng kaibiga’y brilyanteng maningning
Magpakailanma’y mananatili ang kinang na angkin.
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Bakit inihalintulad ang isang kaibigan sa bato? Ano ang
katangian mayroon ang baton a tulad ng isang kaibigan?
2. Bakit inihambing ang kaibigan sa isang daan? Paanong ang
daan ay katulad ng isang kaibigan?
3. Bakit sinabing ang kaibigan ay tulad ng kayamanan? Anong
katangian magkatulad ang dalawa?
4. Bakit inihambing ang kaibigan sa brilyante? Anong katangian
ang magkapareho sa kanila?
5. Aling paghahambing ang pinakagusto mo? Bakit?
Isipin
Gawain 3
Basahing muli ang tula.
Ano ang ibig sabihin ng tula?
Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula.
1. Ang kaibigan ay tulad ng bato na may lakas at tibay na
walang kapantay.
2. Tulad ng isang matuwid na daan, tunay na kaibigan’y di ka
bibitawan.
3. Ang pagmamahal ng kaibigan ay brilyanteng maningning.
4. Ang totoong kaibigan ay tulad ng kayamanan.
5. Ang kaibigan ay gaya ng gintong may kinang na taglay.
Ano-anong bagay ang ginamit sa tula upang ilarawan
Basahin at Alamin
ang isang kaibigan?
Puwede bang ihambing ang tao sa bagay?
Magkapareho ba ang katangian ng tao at bagay?
Ano ang tawag sa paraan ng paghahambing ng
dalawang magkaibang bagay?
Anong mga salita ang ginagamit sa paghahambing?
Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na
nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay.
Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng at gaya ng.
Halimbawa:
sintamis ng kendi
tulad ng rosas
Gawain 4
Salungguhitan ang simile o pagtutulad na ginamit sa bawat
pangungusap.
Halimbawa:
Ang dalaga ay tulad ng isang bulaklak.
1. Nagningning tulad ng araw ang kanyang mga mata nang
makita niya si Leah.
Tandaan
Subukin
2. Nagsasalita siyang simbanayad ng hangin.
3. Singgaan ng balahibo ang papel.
4. Ang hanging amihan ay tulad ng malambot na tela sa aking
balat.
5. Tulad ng bituin ang kislap ng kanyang mga mata.
6. Lumangoy siyang simbilis ng isda.
Gawain 5
Ayusin ang sumusunod na salita upang makabuo ng pangungusap
na may simile o pagtutulad.
Isulat ang sagot sa patlang.
1. kahon, singgaan, ang, balahibo, ay, ng
___________________________________________
2. ang, singsipag, manggagawa, ng, isang, bubuyog
gumawa , ay
__________________________________________
3. mangagawa, ang, nagtatrabaho, tulad ng, isang, ay,
langgam
__________________________________________
4. isip, ang, kanyang, sing-liwanag, ng , ay , araw
__________________________________________
5. tinapay, ang, ay sintigas, bato, ng
__________________________________________
6. ang, palagay, ay , umaagos, tulad, kanyang, ng, ilog
__________________________________________
Basahin ang liham-pangkaibigan.
Tingnan kung paano ito isinusulat.
18-B. Chico St. Marulas
Valenzuela City
Ika- 23 ng Hulyo, 2013
Mahal kong Ellaine,
Ang aking lola’y magdiriwang ng kanyang ika-89 na kaarawan sa ika-10 ng
Agosto. Gusto kong gumawa ng isang malaking chocolate cake bilang isang
sorpresa.
Maaari mo ba akong tulungang gumawa ng cake? Pakilakip sa sulat na ito ang
paraan ng paggawa ng chocolate cake.
Tiyak na matutuwa nag aking lola kung makadadalo ka sa kaniyang kaarawan.
Maraming salamat at umaasa akong ika’y darating.
Ang iyong kaibigan,
Eunice
A. Sagutin ang mga tanong.
Sino ang sumulat ng liham?
Saan nakatira si Eunice?
Kailan niya isinulat ang liham?
Kanino niya ipinadala ang liham?
Tungkol saan ang liham?
Basahin at Alamin
Isipin
B. Paano isinulat ang katawan ng liham?
Sagutin ang mga tanong ng opo o hindi po.
1. Nakapasok ba ang unang salita sa bawat talata ng
liham?
2. Nagsisimula ba sa malaking letra ang unang salita sa
bawat pangungusap?
3. Mayroon bang tuldok, kudlit, kuwit at iba pang bantas
na ginamit?
4. Tama ba ang pagbabaybay ng mga salita?
5. May wastong palugit ba sa magkabilang panig ng
papel?
Gawain 6
Sipiin nang patalata ang paraan ng paggawa ng chocolate cake.
Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata.
Paraan ng Paggawa ng Chocolate Cake:
1. Painitin muna ang oven sa temperatureng 350 degrees F (175
degrees C).
2. Sa isang katamtamang laking lalagyan, paghalo-haluin ang
mga sangkap ng tatlong minuto gamit ang de kuryenteng
panghalo.
3. Lagyan ng kumukulong tubig at haluin.
4. Ihurno ng mula 30 hanggang 35 minuto gamit ang pinainitang
oven.
5. Palamigin ng 10 minuto bago tanggalin sa lalagyan.
6. Sa paggawa ng icing, haluin ang mantikilya hanggang
lumapot at ilagay ang cocoa, asukal, gatas at vanilla nang
salit-salit.
7. Hati-hatiin ang bawat patong ng cake nang pahalang at
lagyan ng icing ang bawat patong.
Lingguhang Pagtataya
Pagsasanay 1:
Sulatan ng mga salita ang kahon ayon sa pamagat.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
tagumpay medalyang ginto pagmamahal
pagtitiyaga kaalaman aklat computer
paaralan kapayapaan watawat
Pagsasanay 2:
Buuin ang simile o pagtutulad gamit ang mga salita sa kahon.
sindilim ng sintamis ng
isang anghel isang araw
isang ilog
1. Ang kaniyang luha ay dumaloy tulad ng ______.
2. Ang kaniyang buhok ay ______ gabi.
3. Tulad ng ________kung siya ay magsalita.
4. Ang aming pagkakaibigan ay _________ng jam.
5. Ang kaniyang ngiti ay tulad ng _____ na nagbibigay
liwanag.
Pagsasanay 3:
Isulat nang patalata ang sumusunod na hakbang sa pagpiprito ng
isda.
Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata.
a. Linisin ang isda.
b. Ibalot ang isda sa harinang may asin at paminta.
c. Ilagay ang isda sa kumukulong mantika.
d. Iprito ang isda hanggang sa maluto.
e. Hanguin ang isda at ilagay sa lalagyang may sapin upang
tumulo ang mantika.
f. Ilagay ang isda sa isang pinggan na may hiniwang kamatis.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______________________________.
Unang Kuwarter
Ikaanim na Linggo
May hardin ba kayo sa bahay?
Paano mapagkukunan ng pagkain ang hardin?
Ano pa ang maidudulot sa atin ng hardin?
Bigkasin ang tula.
Basahin at Alamin
Hardin Ko…Pinggan Ko!
ni: Florita R. Matic
Isang araw, sa aking paggising
Aking nasilayan pagsikat ng araw
Ngiting kaytamis ang sa aki’y bumati
Tila isang dalagang mayumi.
Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy
At doon ang trabaho’y agad na itinuloy
Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran
At hindi isang pagong na may kakuparan.
Aking mga tanim ay agad nagsilaki
Kawangis ng isang higanteng kaylaki
Kay gandang tingnan halamang luntian
Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan.
Kung ikaw ma’y nalulungkot
Pakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot
Magpunta ka lamang sa aking hardin
Tiyak ang kalungkuta’y papawiin.
Ang hardin ko ay aking pinggan
Na nagpapalusog sa aking katawan
Dahil sa alaga kong anong inam
Puno ng pagmamahal na iningatan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Tungkol saan ang tula?
2. Sino ang tagapagsalaysay sa tula?
3. Saan iwinangis ang araw?
4. Saan iwinangis ng tagapagsalaysay ang kanyang sarili?
5. Ano-ano pang pagwawangis ang ginamit sa tula?
Gawain 1: Pagkuha ng Pangunahing Diwa ng bawat saknong
Ang pangunahing diwa o kaisipan ay nagpapahayag kung
tungkol saan ang saknong.
Isipin
Subukin
Basahin ang bawat saknong. Piliin ang pangungusap na
nagsasaad ng pangunahing diwa nito. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa iyong papel.
Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy
At doon ang trabaho’y agad na itinuloy
Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran
At hindi isang pagong na may kakuparan.
Pangunahing Diwa:
a. Inaalagaan ng tagapagsalita ang kalabaw.
b. Nagtatrabaho nang mabuti ang tagapagsalita
sa kanyang hardin .
c. Maraming pagong sa kanyang hardin.
Aking mga tanim ay agad nagsilaki
Kawangis ng isang higanteng kaylaki
Kay gandang tingnan halamang luntian
Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan.
Pangunahing Diwa:
a. Magandang pagmasdan ang mga tanim.
b. May mga bituin sa halamanan.
c. Higante ang mga halaman.
Kung ikaw may nalulungkot
Pakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot
Magpunta ka lamang sa aking hardin
Tiyak ang kalungkuta’y papawiin.
Pangunahing Diwa:
a. Nagdudulot ng kalungkutan ang aking hardin.
b. Nagbibigay saya ang aking hardin.
c. Ang lahat ng bagay ay kinukuha ng aking hardin.
Gawain 2
Gumuhit ng hardin na gusto mo sa loob ng kahon.
Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula.
1. Ako’y isang kalabaw sa bukid.
2. Hindi ako isang pagong na may kakuparan.
3. Mga higante ang halaman.
4. Bituin sa paningin ang mga halaman na kaysarap pagmasdan.
5. Ang hardin ko ay aking pinggan.
Paano pinaghambing ang mga bagay sa bawat pangungusap?
Anong anyo ng pananalita ang ginamit?
Ang paghahambing na ginamit sa pangungusap ay tinatawag na
metapora o pagwawangis.
Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita
na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis
sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing-o tulad ng.
Gawain 3
Gumuhit ng bituin ( ) sa linya kapag ang pangungusap ay
gumamit ng metapora.
Basahin at Alamin
Tandaan
______ 1. Ang karagatan ay galit na toro kapag may
bagyo.
______2. Singgaan ng balahibo ang papel.
______3. May pambihirang panlasa sa kasuotan ang mga modelo.
______4.Hindi nakatatapos ng anumang gawain si Mary sapagkat
parang pagong kung siya ay kumilos.
______5. Siya ay bituin sa paningin ng kanyang ama.
Gawain 4
Buuin ang pangungusap gamit ang metapora sa loob ng
kahon.
1. Madaling mawala ang galit ni Bing.
Siya ay may __________________________________.
2. Hindi marunong magpatawad si Rene.
Mayroon siyang ______________________________ .
3. May _____________________ang pamilya nila Mark.
dilang- anghel pusong mamon
dugong-bughaw pusong bato
isang kahig, isang tuka
Mayaman at kilala ang pamilya nila sa kanilang
lugar.
4. Kung minsan, nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi ni
Susan.
Siya ay may ___________________________________.
5. Wala halos makain ang pamilya nila Jose dahil
walang trabaho ang magulang niya.
Sila ay________________________________________.
Mayroon ka bang talaarawan?
Ano ang isinusulat mo sa iyong talaarawan?
Basahin ang talaarawan ni Ronel at alamin natin ang ginagawa
niya araw-araw.
Ako po si Ronel, walong taong gulang. Paghahardin,
pangongolekta ng halaman at pagtatanim ng mga puno ang
aking mga paboritong libangan. Mahal ko ang kalikasan.
Lahat ng karanasan ko tungkol sa kalikasan ay isinusulat ko sa
aking talaarawan tuwing gabi pagkatapos kong gawin ang
aking takdang- aralin.
Lunes, Ika-22 ng Hulyo 2013, ika-7:00 ng gabi
Basahin at Alamin
Dinala kami ng aming guro sa Science na si Bb. Santos sa
hardin ng paaralan upang pagmasdan ang mga halaman.
Namangha ako sa dami ng makukulay na halaman sa aming
hardin. Nakahahanga ang galing ng aming hardinero sa pag-
aalaga ng halaman.
Martes, Ika- 23 ng Hulyo, 2013, ika-7:30 ng gabi
Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang
hardinero ng aming paaralan na si Mang Carding. Sinabi niya
sa akin na kinakausap niya ang kanyang mga tanim sa tuwing
siya ay magdidilig. Marahil, ang hardin ay mansanas sa
kanyang paningin.
Miyerkules, ika- 24 ng Hulyo, 2013, ika- 7:00 ng gabi
Habang ako’y pauwi galing sa paaralan, nakita kong muli
si Mang Carding. Ikinagulat ko ang ibinigay niya sa aking mga
punlang halaman. Sobra raw iyon sa hardin
ng aming paaralan. Nagpasalamat ako sa kanya. Alam
niyang mahilig akong magtanim.
Huwebes, ika- 25 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi
Maaga akong gumising upang itanim ang mga punla sa aking
hardin. Diniligan ko nang bahagya ang itinanim kong punla.
Inilagay ko rin ang mga tanim malayo sa sinag na araw upang
hindi malanta. Gusto ko nang makitang lumaki ang aking mga
tanim.
Biyernes, ika- 26 ng Hulyo, 2013, ika- 7:15 ng gabi
Umuwi ako nang maaga upang tingnan ang aking
hardin. Binunot ko ang mga damo at pinulot ko ang mga
tuyong dahon. Nakatutuwang pagmasdan ang mga
buko ng aking mga halamang namumulaklak.
Sabado, ika- 27 ng Hulyo, 2013, ika- 8:00 ng gabi
Kahit walang pasok, maaga akong gumising dahil hindi
ako upuang patatas. Pagkatapos kong linisin ang aking
silid-tulugan, agad akong pumunta sa aking hardin.
Nagulat ako nang makita kong umuusbong na ang aking
mga itinanim.
Linggo, ika- 28 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi
Inimbitahan ko ang aking mga kamag-aral na tingnan
ang aking hardin. Nakita nila roon ang iba’t ibang
namumulaklak na halaman na naging kanlungan ng
makukulay na paruparo. Gusto rin ng aking mga
kamag-aral na magkaroon ng kanilang sariling hardin!
Gawain 5
Aling bahagi ng talaarawan ni Ronel ang iyong labis na
nagustuhan?
Iguhit ito sa loob ng kuwadro at sumulat ng 2-3 pangungusap
tungkol dito.
________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________________________________.
Gawain 6
Isulat sa iyong talaarawan ang isang araw na karanasan mo
tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran.
Gamitin ang mga tanong bilang iyong gabay sa pagsulat.
Sundin ang wastong paraan sa paggawa ng talaarawan.
1. Paano mo ilalarawan ang iyong sarili?
2. Anong kapana-panabik na karanasan ang nais mong
ibahagi?
3. Kailan at saan ito nangyari?
4. Ano ang nangyari noong araw na iyon?
Mahilig ka bang magbasa?
Alam mo ba ang iba’t ibang bahagi ng aklat?
Kaya mo bang tukuyin ng lima sa mga bahagi nito?
Salunguhitan ang mga ito.
Isipin
pabalat ng aklat katawan ng aklat
pahinag pang-isports pamagat
pang-ulong tudling talaan ng
nilalaman
Ang aklat ay may iba’t ibang bahagi. Ito ay ang pabalat
ng aklat, pahinang pamagat, talaan ng pagpapalimbag
ng aklat, paunang salita, talaan ng nilalaman, katawan ng
aklat, talatuntunan o indise, glosari, at bibliyograpiya.
Lingguhang Pagtataya
Pagsasanay 1
Pagtambalin ang metapora sa kahulugan nito.
Isulat ang letra ng tamang sagot.
A B
_____ 1. tinik sa lalamunan a. sobrang trabaho
_____2. mabangis na hayop b. walang pakiramdam
Tandaan
_____3. basang-sisiw c. masama ang ugali
_____4. kayod-kabayo d. problema
_____5. pusong bato e. inaapi
Pagsasanay 2
Salungguhitan ang bahagi ng aklat sa talaan sa ibaba.
glosari bibliyograpiya
pabalat ng aklat pahinang pang-isports
indise o indeks pamagat
pahinang pamagat talaan ng nilalaman
paunang salita katawan ng aklat
talaan ng pagpapalimbag ng aklat
Pagsasanay 3
Piliin ang letra na nagpapahayag ng pangunahing diwa ng tula.
Isulat ito sa patlang.
_____1. Ang mag-anak nina Rico ay nakatira sa
lungsod. Wala silang bakuran upang pagtaniman
ng mga puno ngunit mayroon silang gulayan.
Tinuruan siya ng kaniyang mga magulang na
magtanim ng gulay tulad ng petsay, kamatis, at
talong sa mga lata at boteng lalagyan ng tubig.
a. Ang mag-anak nina Rico ay nagtatanim ng
mga gulay.
b. Ang mag-anak nina Rico ay nangangarap
magkaroon ng bakuran.
c. Ang mag-anak nina Rico ay may gulayan
kahit sila’y nakatira sa lungsod.
_____2. Si Ana at ang iba pang babaeng iskawt ay
sumali sa isang proyekto sa kanilang pamayanan
na tinawag na “Tayo nang Maglinis.” Araw-araw
pagtapos ng klase, nagwawalis sila ng kalsada.
Nagtatanim din sila ng mga puno upang
mapanatiling luntian ang paligid. Naniniwala silang
ang pamayanang malinis ay ligtas sa sakit.
a. Si Ana at ang iba pang babaeng iskawt ay
naglilinis ng paligid araw-araw.
b. Si Ana at ang iba pang babaeng iskawt ay
sumali sa proyektong “Tayo nang Maglinis”
upang maging ligtas sa sakit ang kanilang
pamayanan.
c. Nakatutuwang maging babaeng iskawt dahil
maaari kang sumali sa proyekto ng
Unang Kuwarter
Ikapitong Linggo
Paunang Pagtataya:
Lagyan ng tsek (/) kung ikaw ay sang-ayon o hindi sang-ayon sa
isinasaad ng bawat pangungusap.
Pangungusap Sang-
ayon
Hindi
Sang-
ayon
1. Ang simile o pagtutulad ay anyo ng
pananalita na nagpapahayag ng
paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay.Ginagamitan ito ng
katagang sing-, tulad ng at gaya ng.
2. Ang tatay ko’y kawangis ng toro
kapag nagbubuhat siya ng mabigat na
karga. Ito ay halimbawa ng metapora.
3. Ang susing pangungusap ay
nagsasaad ng pangunahing diwa ng
talata.
4. Gumamit ng wastong bantas tulad ng
tuldok , tandang pananong o
padamdam sa hulihan ng
pangungusap.
5. Ang payak na pangungusap ay
nagpapahayag ng isang buong diwa.
Basahin at Alamin
Basahin ang pangungusap tungkol sa bawat larawan.
Ang bituin ay tulad ng brilyante sa langit.
Ang uling ay sing-itim ng hatinggabi.
Ang sanggol ay anghel ng pamilya.
Siya ay gutom na leon kung kumain.
o Ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang
litrato?
o Saan inihalintulad o iwinangis ang mga larawan?
o Ang ginamit bang mga salitang panlarawan ay angkop
na gamitin sa paghahalintulad o pagwawangis
o Anong mga salita ang ginamit upang ipakita ang
pagkakapareho ng mga bagay?
o Alin ang halimbawa ng simile o pagtutulad? metapora o
pagwawangis?
o Paanong nagkaiba ang simile at metapora?
Simile at Metapora
Ano ang simile?
Ano ang metapora?
Ilarawan ang mga litrato gamit ang simile o metapora.
Isulat ang pangungusap sa patlang.
1. ______________________________________
Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na
nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang
sing-, tulad ng at gaya ng.
Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita
na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis
sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing-o tulad
ng.
Tandaan
Isipin
2. ______________________________________
3. ____________________________________
4. ___________________________________
5. ___________________________________
Basahin ang sumusunod na pangungusap hango sa
kuwentong “Tulad ng Langgam.”
a. Nagwawalis ng bakuran si Athena.
Basahin at Alamin
b. Nagdidilig ng halaman si Brigette.
c. Nagbubungkal ng lupa si Rose.
d. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa
hukay na gagawing abono.
e. Nagdadamo ang bunsong si Mark.
f. Nilalagyan ni Mang Jose ng abono ang mga tanim.
Pag-aralan ang tsart na nagpapakita ng mga bahagi ng payak na
pangungusap.
Simuno Panaguri
Athena nagwawalis ng bakuran
Brigette nagdidilig ng halaman
Rose nagbubungkal ng lupa
Kuya Anton hinahakot ang mga tuyong dahon sa
hukay na gagawing abono
Mark nagdadamo
Mang Jose nilalagyan ng abono ang mga tanim
Ano ang mga bahagi ng pangungusap?
Mayroon bang buong diwa ang bawat bahagi? Bakit?
Anong uri ng pangungusap ang nagpapahayag ng isang
buong diwa o kaisipan lamang?
Anong bantas ang ginagamit sa hulihan ng
pangungusap?
Ano ang payak na pangungusap?
Ang payak na pangungusap ay
nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan
lamang.
Ito ay may dalawang bahagi: ang simuno
at ang panaguri.
Tandaan
Simuno ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa
pangungusap. Ito ang tagaganap ng kilos sa pangungusap.
Panaguri naman ang bahaging nagsasabi tungkol sa ginawa o
ikinilos ng simuno.
Gumagamit tayo ng bantas tulad ng tuldok (.), tandang
pananong (?) o padamdam (!) sa hulihan ng pangungusap.
Gawain 1
Sumulat ng payak na pangungusap tungkol sa bawat larawan.
Lagay ang sagot sa loob ng bilog.
Subukin
Tulad ng Langgam
ni: Claire B. Barcelona
“Tingnan mo ang mga langgam, Kuya Anton. Bakit kaya sila
masyadong abala?” tanong ni Brigette.
“Nagtutulungan silang humanap ng pagkain bilang
paghahanda sa tag-ulan,” sagot ng kaniyang kuya.
Habang pinagmamasdan nilang dalawa ang mga langgam
na nakapilang gumagapang, narinig nila ang tawag ng kanilang
tatay.
“Athena, Brigette at Rose, halika kayo rito. Tulungan ninyo
akong linisin ang ating bakuran,” pakiusap ni Mang Jose sa mga
anak.
Dali-daling lumapit ang mga bata sa kanilang tatay. Maya-
maya’y naging abala na ang lahat.
Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si
Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo ang
bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon
sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si Mang Jose
Basahin at Alamin
sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-tulong sa
paglilinis ng kanilang gulayan.
Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at
nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay may
kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang gawaing kaya
na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang tatay at nanay.
Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng gawain.
Nakangiting pinagmamasdan ng Nanay ang kaniyang mga
anak. “ Para kayong mga langgam na abalang tinatapos ang
gawaing bahay,” sambit ng kanilang ina.
Sagutin ang mga tanong.
 Ano-ano ang gawaing bahay ng mga kasapi ng pamilya?
 Ano ang kanilang natuklasan sa sama-samang pagtatrabaho?
 Sa anong insekto inihambing ng nanay ang kanyang mga
anak?
 Bakit kaya sa langgam inihambing ng nanay ang mga bata?
 Ano ang kahulugan ng sinabi ni Anton na nag-iipon ang mga
langgam para sa tag-ulan?
 Anong katangian ng langgam mayroon ang mga bata?
 Anong ugali ng mga tauhan ang dapat na gayahin?
Gawain 2
Ano-ano ang mahalagang pangyayari na ginawa ninyo ng iyong
pamilya sa mga espesyal na okasyon?
Isulat sa loob ng banderitas ang iyong karanasan sa bawat
pangyayaring nakasulat sa kahon gamit ang payak na
pangungusap.
Gumamit ng ibang papel para sa iyong sagot.
Basahin ang mga talata tungkol sa pamilya ni Mang Jose.
Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si
Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo ang
bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon
sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si Mang Jose
sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-tulong sa
paglilinis ng kanilang gulayan.
Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at
nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay may
kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang gawaing kaya
na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang tatay at nanay.
Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng gawain.
o Ano ang isinasaad sa bawat talata?
o Ano ang pangunahing diwa ng unang talata? Ikalawa?
o Ano-anong pangungusap sa talata ang sumusuporta sa
pangunahing diwa?
o Ano ang tawag natin sa mga pangungusap na ito?
bakasyon kaarawan Pasko pista Araw ng mga Puso
Sabihin at Alamin
o Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng bawat
talata?
o Saan makikita sa talata ang susing pangungusap?
 Ano ang susing pangungusap?
 Ano ang pangunahing diwa?
Gawain 3
Basahin ang maikling kuwento at buuin ang kaisipan.
Isulat ang nawawalang impormasyon.
 Ang susing pangungusap ay nagsasaad ng
pangunahing diwa ng talata. Ito ay
maaaring matagpuan sa unahan, sa gitna o
sa hulihan ng talata.
Lahat ng pangungusap sa talata ay
sumusuporta sa susing pangungusap.
 Ang pangunahing diwa ay naglalaman
ng mahalagang impormasyon na
nagsasaad ng kabuuang layunin ng
Tandaan
Basahin ang diyalogo hango sa isang paalala sa radyo.
Tagapagsalita 1 : Ang DCBB Balita Nagyon ay magbabalik
pagkaraan ng paalalang ito.
Joseph : Mark, saan ka galing?
Mark : Pumunta ako sa silid-aklatan. Doon ako
gumawa ng aking takdang aralin at
humiran na rin ako ng aklat.
Joseph : Bakit ka pa nagbabasa? Maglaro na lang
tayo sa computer.
Mark : Mabuti raw na libangan ang pagbabasa,
sabi ni Tatay.Halika at ipakikita ko sa iyo
ang aking paboritong kuwento dito sa
aklat na hiniram ko.
Pamagat ng Kuwento
Pagbabasa
ng Diyaryo
Pag-iipon
ng mga
Larawan
liba-
ngan
pagbab
a-sa ng
aklat at
diyaryo
pagtata
-nim ng
halama
n
Basahin at Alamin
Joseph : Uy , kay bilis mong nahanap ang pahina
ng kuwento!
Mark : Dahil alam kong lahat ang mga bahagi
ng aklat, mabilis kong nakikita ang aking
hinahanap.
Joseph : Siguro, kailangan ko nang sumama sa
iyong magbasa.
Mark : Tama! Nakalilibang ang magbasa at
marami kang matututuhan.
Tagapagsalita 2 : Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng
AKLAT Foundation at ng istasyong ito.
o Tungkol saan ang paalala sa radyo?
o Paano nahikayat ni Mark si Joseph na makiisa sa kaniyang
libangan?
o Bakit namangha si Joseph sa paraan ng paghahanap ni Mark
ng kuwento sa aklat?
Gawain 4
Pag-aralan ang datos na nakatala sa talahanayan na
nagbibigay ng impormasyon ng iba’t ibang bahagi ng aklat.
Bahagi ng Aklat Kahulugan
1. Pabalat
ng aklat
nagpapakita ng pamagat ng aklat,
may-akda at gumuhit ng mga
larawan.
2. Talaan ng
pagpapalimbag
ng aklat
nagsasaad kung kailan inilimbag ang
aklat
3. Talaan ng
nilalaman
nagpapakita ng paksa o aralin at
pahina kung saan ito mababasa
4. Katawan ng
aklat
nilalaman ng aklat
5. Glosari nagsasaad ng kahulugan ng mga
salitang ginamit
 Ano-ano ang bahagi ng aklat?
 Anong impormasyon ang makikita sa bawat bahagi nito?
Gawain 5
Itambal ang hanay A sa bahagi ng aklat na nasa hanay B kung
saan ito makikita. Isulat ang letra ng sagot sa isang papel.
A B
1. Landas sa Pagbasa a. talaan ng pagpapalimbag
ni Paz M. Belvez
2. EduResources Publishing, Inc. b. pabalat ng aklat
Visayas Avenue, Quezon City
3. Aralin 1- Mga Tugmang- bayan c. glosari
(Salaysay)………….2
4. malumbay , 24
5. Antonio Basilla, tagapagguhit d. talaan ng nilalaman
Lingguhang Pagtataya
Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng linggong
ito.
Subuking sagutin nang wasto ang bawat aytem.
A. Pakinggan ang kuwento at sagutin ang mga tanong.
“Nanay, nasaan po kayo?” tawag ni Mark. Hinanap niya
ang kaniyang ina sa loob ng bahay ngunit walang tao roon.
Lumabas siya ng bahay at nakita niyang ang lahat ay abala.
Nakita niyang naglilinis ng kanal ang kaniyang Tatay.
Inilalagay naman ng kaniyang Kuya Anton ang mga basyong
boteng lalagyan ng tubig. Si Athena at ang kaniyang Nanay ay
nagwawalis. Dala ni Brigette ang plastik bag na lalagyan ng basura
habang inihihiwalay ni Rose ang mga di nabubulok na basura.
Lumapit si Mark sa mga kapatid at tumulong.
“Bukas na ang magarbong parada. Handa na halos ang lahat
para sa ating pista,” sambit ng kanilang Punong Baranggay na
tuwang-tuwa.
“Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa-hiwalay,”
puna ni Mark .
1. Ano ang magandang pamagat para sa kuwento?
a. Ang Pista
b. Oras ng Maglinis
c. Pagtutulungan ng Mag-anak
d. Paghahanda sa Pista
2. Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng
binasa?
a. Ang lahat ay abala sa paglilinis ng daan.
b. Hiniling ng Punong Baranggay ang bawat
mag-anak na maglinis.
c. Tumutulong ang mga bata sa pagpapanatili
ng kalinisan sa pamayanan.
d. Hinihimok ng mga magulang ang kanilang
mga anak na maging responsable.
3. Aling pangungusap sa ibaba ang tumutugon sa
diwang “Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa-
hiwalay?”
a. Hinihikayat ang mga batang maglinis ng daan.
b. Ang matatanda lamang ang dapat na
tumulong sa paghahanda para sa pista.
c. Iniutos ng Punong Baranggay ang bawat mag-
anak na maglinis ng daan.
d. Bawat kasapi ng mag-anak ay sama-samang
tumutulong sa paghahanda para sa pista.
B. Salungguhitan ang anyo ng pananalitang ginamit sa bawat
pangungusap.
Isulat ang S kung simile ang ginamit at M kung metapora.
_____4. Gutom na gutom ang mga biyahero kaya kumain
silang tulad ng baboy.
_____5. Galit na leon si Gng. Tuazon nang makita niyang
nabasag ang kaniyang paboritong plorera.
_____6. Hindi mabango ang durian ngunit ang lasa ay tulad ng
langit kapag iyong natikman.
_____7. Ang nanalo’y isang kabayong hindi patatalo sa karera.
C. Basahin at bilugan ang letra ng tamang sagot.
Sabado ng umaga, gumagayak ang magkakapatid para
dalawin ang kanilang mga lolo at lola. Maagang gumising si
Athena at nagluto. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa
kanilang lolo. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa
kanilang lola. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para
sa kanilang lolo at lola. Nagsasanay naman ng sayaw sina
Anton at Joseph para sa kanilang paaralan. Lahat sila’y
nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola.
8. Ano ang susing pangungusap?
a. Umaga ng Sabado.
b. Lahat sila’y nananabik na makarating sa bukid
ng kanilang lolo at lola.
c. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para
sa kanilang lolo at lola.
d. Gumagayak ang magkakapatid para dalawin
ang kanilang mga lolo at lola.
9. Aling pangungusap ang HINDI sumusuporta sa
pangunahing diwa?
a. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa kanilang
lolo.
b. Nagsasanay naman ng sayaw sina Anton at Joseph
para sa kanilang paaralan.
c. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa
kanilang lola.
d. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa
kanilang lolo at lola.
10. Ano ang kaisipang diwa ng talata?
a. Ang mga Batang Abala
b. Katapusan ng linggo sa Lolo at Lola
c. Kapana-panabik na Araw sa Bukid
d. Paghahanda sa Pagbisita sa Lolo at Lola
11. Gustong malaman ni Rose ang sumulat, tagapagguhit at
naglimbag ng aklat, aling bahagi ng aklat ang kanyang titingnan?
a. indeks o indise
b. glosari
c. pabalat ng aklat
d. talaan ng nilalaman
12. Pag-aralan ang pangkat ng mga salita sa ibaba.
Ali ang halimbawa ng payak na pangungusap?
a. Tumutulong ang mga bata sa kanilang Nanay na
magluto ng tanghalian.
b. Tatlongmakukulay na paruparo sa isang
magandang hardin
c. Pumunta si Ramil sa Maynila at dinalaw niya ang
kaniyang asawang si Joyce.
d. Umiyak si Anjelie dahil nawala ang kanyang
computer sa paaralan.
D. Sumulat ng tatlong (3) payak na pangungusap tungkol sa
larawan. Gumamit ng anyo ng pananalita sa paglalarawan.
Isulat ito sa papel. (13-15)
Unang Kuwarter
Ikawalong Linggo
Paunang Pagtataya:
Lagyan ng tsek (/) ang hanay na kakatawan sa iyong
pansariling palagay sa nakahayag na konsepto.
Lagyan ng sagot ang huling dalawang hanay kung alam mo
ito.
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
____________________
Konsepto
Ala
m
na
ala
m
ko
Ito
Narini
g ko
na Ito
Wala
Palatandaa
n
Halimbaw
a
Kahuluga
n
tambalang
pangungusap
salitang may
iba’t ibang
kahulugan
nakapagbibiga
y- hinuha sa
nararamdaman
ng tauhan
talaan ng
nilalaman
Tara Na!
ni Florita R. Matic
Ang lahat ng kasama’y abala
Ang pakiramdam ay masaya
Dahil lahat ay tiyak na sasama
Sa lakbay-aral na kay saya
Tiyak na magdudulot ng ligaya.
Tara na at maglakbay
Ingat lang at alalay
Sa paanan ng burol
Hakbang mo’y ingatan
Talampakan ay tatagan.
Mga puno sa burol
Puno ng sangang madahon
Sa tabi naman nito’y
May tubo na nakabaon.
Doon sa di kalayuan
Iyong masisilayan
Mga tanim na tubo
Tubo na ang ilan
Kay sarap tikman.
Paso at lapnos ang aming balat
Sa init ng araw na matingkad.
Dahil sa layo ng aming nilakad
Katawang pagod ay agad napaupo
Sa tabi ng paso dahil sa hapo.
Basahin at Alamin
o Anong mga salita ang ginamit nang dalawa o higit pang
beses sa rap na binasa?
o Ano-ano ang kahulugan ng salitang puno? tubo? paso?
o Magkakapareho ba ang kahulugan ng bawat salita?
o Paano natin malalaman ang angkop na kahulugan ng salitang
magkapareho ang baybay?
Mga Salitang may Iba’t Ibang Kahulugan
Pag-aralan ang mga kahulugan ng mga salita sa loob ng tsart.
Salita Kahulugan
puno tanim o punong-
kahoy
maraming laman
tubo daluyan ng tubig isang uri ng pananim
na ginagawang
asukal
usbong ng halaman
na lalaki pa lamang
paso lapnos sa balat dahil
sa init
lalagyan ng halaman
 Ano ang tawag sa mga salitang nasa loob ng tsart?
 Ano ang ibig sabihin ng salitang may iba’t ibang
kahulugan?
 Paano mo malalaman kung ano ang angkop na
kahulugan ng salitang may magkaparehong
baybay na ginamit sa pangungusap?
Sabihin at Alamin
Pag-aralan ang bawat pangungusap at itambal ito sa larawang
nagpapahayag ng kahulugan nito. Ibigay ang letra ng tamang
sagot.
a. Bumili ng bagong saya si Ana.
1.
2. b. Makikita sa mukha ng mga bata ang saya
na kanilang nararamdaman.
3. c.Malakas ang tunog ng pito.
 Ang mga salita’y maaaring magkaroon ng isa o higit pang
kahulugan.
 Ang kahulugan ng salita’y nakabatay sa kung paano ito
ginamit sa pangungusap.
Tandaan
Isipin
4. d. Alam kong isulat ang simbolo ng bilang na
pito.
5. e. Magtanim tayo ng puno.
f. Puno ng kape ang tatlong tasa.
6.
Pagbibigay ng Hinuha sa Nararamdaman ng Tauhan
Basahin ang usapan ng mga tauhan sa kuwento. Ibigay ang iyong
hinuha sa kanilang nararamdaman.
o Sino-sino ang tauhan sa usapan?
Athena: Hindi ko makuha ang tamang sagot.
Brigette: Patulong kaya tayo kay Kuya Anton.
Anton:Madali lang yan. Tutulungan kita.
Ano ang sinabi?
Mang Jose: Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.
Ano ang nararamdaman?
Sabihin at Alamin
o Ano ang nararamdaman ni Athena?
o Ano ang iniisip ni Brigette?
o Ano ang sagot ni Anton?
o Ano ang naramdaman ni Mang Jose sa kaniyang mga anak?
o Ano kaya ang nararamdaman ni Athena? ni Brigette? ni Anton?
ni Mang Jose?
Basahin ang nilalaman ng tsart. Isulat ang iyong hinuha tungkol sa
naramdaman ng mga tauhan batay sa kanilang usapan.
Tauhan Nararamdama
n
Iniisip Ginawa Usapan Ugali
Athena
Brigette
Anton
Mang
Jose
Ano ang ating binibigyan ng pansin kapag tayo ay nagsasabi
ng hinuha tungkol sa nararamdaman ng tauhan?
 Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
 Paano mo masasabi kung ano nararamdaman
ng tauhan sa kuwento?
Ang tauhan ay maaaring tao o hayop na gumaganap
sa kuwento. Masasabi natin kung ano ang nararamdaman ng
tauhan batay sa kaniyang sinasabi, ginagawa o iniisip.
Tandaan
Gawain 1
Pakinggan ang talatang babasahin ng guro tungkol kay Dino.
Isipin kung kailan naramdaman ni Dino ang sumusunod na
damdamin.
Paano mo ito nalaman?
Damdamin Sitwasyon
kinakabahan
kawalan ng
tiwala sa sarili
maiyak-iyak
matapang
Ako po si Dino.
Ako po si
Angela. Ano po
ang ugali ko?
Subukin
Gawain 2
Ibigay ang nararamdaman ng pangunahing tauhan.
Ugali Ginawa at Sinabi ng
Tauhan
“Hindi ko halos narinig
kung kailan ka
nagkamali. Lahat ay
pumalakpak pagkatapos
mong tumugtog.”
“Narinig kitang
tumugtog. Ang husay
mo!” Niyakap niya ang
kapatid.
“Bakit, Dino?” bulong
niya sa kapatid.
Ako po si _______
___________.
Magandang Ideya
ni: Claire B. Barcelona
“Tapos na halos ang aking takdang-aralin, Ate Athena,”
sambit ni Brigette sa kapatid.
“Talaga, paano mo ito nagawa?” tanong ni Athena.
“Nahihirapan akong makuha ang sagot. Sinubukan kong
sagutin nang maraming beses pero hindi ko talga makuha,”
sagot ni Brigette sabay lapit sa kanyang kapatid.
Tiningnan niya ang sagot ni Brigette sa Math.
Name of
the
character
thinks
does
feels
says
Basahin at Alamin
“Ano kaya ang mali sa sagot mo?” nakakunot-noong
tanong ni Athena.
“ Mayroon akong magandang ideya. Patulong tayo kay
Kuya Anton. Isa siyang Math wizard,” giit ni Brigette sa kapatid.
Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano
ang gagawin. Humanga ang magkapatid sa husay ng
kanilang Kuya Anton sa Math.
“ Sa tuwing kakailanganin ninyo ng tulong sa Math, lagi
akong nandito para tumulong. Huwag ninyong isiping mahirap
ang Math. Kailangan lang na ilagay ninyo ito sa inyong
puso,”mababang-loob na paliwanag ng kanilang Kuya Anton.
Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at sinabing
“Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.”
Niyakap ni Mang Jose ang mga anak at sabay-sabay
silang tumungo sa hapag-kainan.
Sagutin ang mga tanong.
o Paano ibinahagi ni Anton ang talino niya sa kaniyang mga
kapatid?
o Bakit siya tinawag na Math wizard ng kaniyang mga
kapatid?
o Ano ang ginagawa ni Anton upang mas mapaghusay pa
niya ang kaniyang galing sa Math?
o Anong talento ang mayroon ka na kailangan mong
ipagmalaki?
o Ibinabahagi mo sa iyong pamilya ang iyong talento?
Paano?
o Anong ugali ni Anton ang dapat mong gayahin?
Tambalang Pangungusap
Basahin
ang mga pangungusap tungkol sa kuwento.
a. Ngumiti si Anton sa kanyang mga kapatid at ipinaliwanag
niyang mabuti ang gagawin.
b. Nangamba si Brigette at humingi siya ng tulong sa kapatid
na si Athena.
c. Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at binati niya si
Anton.
d. Niyakap nila ang isa’t isa at sama-sama silang tumungo sa
hapag-kainan.
Ano-anong kaisipan ang ipinahahayag sa bawat
pangungusap?
Pag-aralang mabuti ang unang pangungusap.
Ngumiti si Anton sa kanyang mga kapatid at
unang kaisipan
ipinaliwanag niyang mabuti ang gagawin.
ikalawang kaisipan
o Ilang buong kaisipan ang ipinahahayag sa pangungusap?
o Ano-ano ang lipon o grupo ng mga salitang makatatayong mag-
isa dahil may buong kaisipang ipinahahayag?
o Anong salita ang ginamit upang pag-ugnayin ang dalawang
sugnay na nakapag-iisa?
o Ano ang tawag sa katagang ginamit sa pangungusap upang
pag-ugnayin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa?
Tukuyin ang mga sugnay na nakapag-iisa sa ibang pangungusap
na ginamit sa kuwento.
Basahin at Alamin
 Ano ang tambalang pangungusap?
 Ano ang tinatawag na sugnay na nakapag-iisa?
 Ano ang pang-ugnay?
 Ano-anong pang-ugnay ang ginagamit sa tambalang
pangungusap?
 Anong bantas ang ginagamit sa tambalang pangungusap?
Gawain 3
A. Nasaan ang aking kaparis?
Pagtambalin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa upang
makabuo ng tambalang pangungusap. Gumamit ng wastong
pang-ugnay. Isulat ang sagot sa isang papel.
A
1. Pagpipinta ang gusto ni Mark.
2. Tumutugtog ng gitara siJoseph.
3. Lumalangoy si Erick na tulad ng isda.
4. Mahusay sumayaw si Grace.
5. Simbilis ng kabayo kung tumakbo si Ramil.
B
a. Araw-araw siyang nagsasanay.
b. Siya ang lider ng cheering squad.
• Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng
dalawang sugnay na nakapag-iisa.
• Pinag-uugnay ito ng pang-ugnay na at, o, ngunit at
saka.
Tandaan
c. Kumakanta ang banda nila sa handaan.
d. Sumasali siya sa paligsahan ng pagguhit.
e. Nakatatanggap siya ng gintong medalya sa paligsahan.
Gawain 4
Talaan ng Nilalaman ng Aklat
Pag-aralan ng talaan ng nilalaman. Sagutin ang mga tanong.
o Ilang aralin mayroon sa talaan?
o Ano ang pamagat ng huling aralin?
o Saang pahina mo makikita ang impormasyon tungkol sa
pagtuklas ng iyong lakas?
o Anong impormasyon ang makikita sa pahina 98?
o Aling aralin ang nagbibigay ng pangkalahatang ideya ng
libangan?
o Ibinabahagi ni Anton ang kaniyang talento sa kaniyang mga
kapatid. Sa anong aralin maiuugnay ang karanasang ito?
o Anong aralin ang tumatalakay sa ugnayan ng libangan at
priyoridad?
o Kung bago mo lamang natutuklasan ang iyong talento, aling
aralin ang babasahin mo?
Mga Libangan Mo
Aralin 1 Pag-usapan ang mga Libangan…………………1-7
Aralin 2 Pagtuklas sa iyong Lakas……………………... 8-39
Aralin 3 Pagyamanin ang Galing….………………….. 40-76
Aralin 4 Ibahagi sa Iba………… ……………………… 77-99
Aralin 5 Pagpapaunlad sa Sarili…..…………………100-124
Aralin 6 Libangan laban sa Priyoridad…………….125-150
Tandaan
 Ano-anong impormasyon ang makikita sa talaan ng
nilalaman ng aklat?
 Paano mo magagamit ang talaan ng nilalaman ng aklat?
Lingguhang Pagtataya
Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng linggong
ito.
Subuking sagutin ang bawat aytem nang wasto.
A. Pakinggan ang kuwento.
Sagutin ang mga tanong. Piliin ang wastong letra.
Kambal sina Myko at Myka. Nakatanggap sila ng regalo
galing sa kanilang Tito Bobby. Iginiit ni Myko na sa kaniya ang
bisikleta. Kahit basketbol ang kaniyang pinaglalaruan, ayaw
niyang ipagamit ang bisikleta sa kaniyang kakambal ni si Myka.
“Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta. Maaari bang
pahiramin mo ako ng iyong bola,” pakiusap ni Myka.
“Ayoko, bola ko ito. Mayroon ka namang manika,” galit
na tugon ni Myko sa kakambal.
Tinawag silang dalawa ng kanilang Nanay.
1. Alin sa mga salita ang maaari mong masabi na ugali
ni Myko?
a. makasarili
b. mapagtiwala
• Ang talaan ng nilalaman ng aklat ay makikita
sa unahang bahagi ng aklat.
 Nakasaad dito ang yunit, aralin o kuwento at
kung saan pahina ang mga ito matatagpuan .
c. palakaibigan
d. matigas ang ulo
2. Ano ang naramdaman ni Myka sa ugali ng kaniyang
kakambal?
a. natakot
b. nalungkot
c. nagalit
d. humingi ng paumanhin
3. Aling pangungusap ang nagsasaad na makasariling
bata si Myko?
a. Hindi mo puwedeng gamitin ang aking laruan.
b. Mayroon kang sariling manika.
c. Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta.
d. Maaari bang mahiram ang iyong bola?
B. Basahin at piliin ang letra ng tamang sagot.
_____5. Alin ang tambalang pangungusap?
a. Nakiusap si Myka kay Myko na pahiramin siya ng
bola.
b. Nakatanggap ng regalo sina Myko at Myka sa
kanilang Tito Bobby.
c. Nang hindi pinahiram ni Myko ng laruan si
Myka, umalis siyang maluha-luha.
d. Nagpasalamat ang kambal sa kanilang Tito Bobby
at ikinatuwa nila ang regalo.
6. Bumili ng tatlong kilong karne si Athena upang
gawing hamon. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
a. karneng manamis-namis ang luto
b. paghingi ng tawad
c. pag-aanyaya ng away
d. pagkaing gawa sa isda
7. Pagsamahin ang payak na pangungusap gamit ang
wastong pang-ugnay.
Tumula ang mga batang babae.
Nagsayaw ang mga batang lalaki.
Alin ang tama?
a. Tumula ang mga batang babae kaya nagsayaw
ang mga batang lalaki.
b. Tumula ang mga batang babae ngunit
nagsayaw ang mga batang lalaki.
c. Tumula ang mga batang babae at nagsayaw
ang mga batang lalaki.
d. Tumula ang mga batang babae nang sumayaw
ang mga batang lalaki.
8. Pag-aralan ang larawan. Aling kahulugan ng salitang saya ang
angkop na ginamit sa pangungusap batay sa larawan?
a. Nakadamit ng saya ang mga bata.
b. Saya ang dulot ng sanggol sa
pamilya.
c. Baro at saya ang kasuotan ng mga
ninuno nating Pilipino.
d. Ang saya ng mga bata ay makikita
sa kanilang mga ngiti.
Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit
na ginamit sa pangungusap.
a. taniman ng halaman
b. lapnos ang balat dahil sa init
c. lagpas na sa itinakdang araw
9. Nabasag ang paso dahil nabunggo ng pusa. ______
10. Ginamot ng Nanay ang mga paso ni Mark sa braso. ______
11. Nagpagawa si Anton ng bagong I.D. dahil paso na ito. ______
C. Pag-aralan ang talaan ng nilalaman ng aklat.
12. Aling aralin ang kailangan mong basahin kung gusto mong
malaman ang ehersisyong bagay sa iyo?
a. aralin 1 b. aralin 2 c. aralin 3 d. aralin 4
13. Anong impormasyon ang nasa pahina 32?
a. Tamang Ehersisyo
b. Gabay sa Pagkain
c. Mabuti sa Katawan
d. Pag-iingat na Kailangan
D. Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng dalawang tambalang
pangungusap tungkol dito.
Malusog na Pamumuhay
Aralin 1 Ano ang Mabuti sa Katawan?................... 1-18
Aralin 2 Pag-iingat na Kailangan…...…………….. 19-36
Aralin 3 Mag-exercise Tayo……………..………… 37-54
Aralin 4 Pagkaing Tama sa Iyo…………............... 55-75
14.________________________________________________
15. ________________________________________________
Unang Kuwarter
Ikasiyam na Linggo
Pagpapayaman ng Bokabularyo
Basahin nang mabuti ang pangungusap. Piliin kung alin sa mga
sagot ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap.
1. Ibinalik ni Mia ang tapon upang hindi sumingaw ang amoy ng
alcohol.
a. Inutusan ko si Mia na ilagay muli ang tapon ng bote ng
alcohol.
b. Tapon nang tapon ng basura ang mga bata sa baybay
kalsada.
2. Mahahalagang tala ng kasaysayan ang matatagpuan mo sa
Corregidor.
a. Kapakipakinabang ang mga tala mula sa mga
makasaysayang lugar ng ating bansa.
b. Maliwanag ang tala kung gabi.
3. Laging bukas ang aming tindahan araw-araw.
a. Pakiusap,iwanan mo na bukas ang pinto, may dadating na
panauhin.
b. Bukas aalis na ang iyong pinsan.
4.
 Paano mo nakilala ang mga slitang maraming kahulugan.
Tandaan
• May mga salita na maraming kahulugan.
• Nagbabago ang kahulugan ng mga salita ayon sa gamit
nito sa pangungusap.
Basahin at Alamin
Gawain 1
Hanap larawan: Lagyan ng tsek ang tamang larawan.
1. Kulay ube ang puso sa puno ng saging.
2. Si Mimi ay nagdiwang na ng ika-pito niyang kaarawan.
3. Ang baso ay puno ng gatas.
4. Saya ang nais isuot ni ate sa Linggo ng Wika.
5. Kulay berde ang upo.
Tandaan
Balikan ang detalye ng kuwento. Piliin ang katangian ng tauhan
ang inilalarawan sa pangungusap.
a. Iniwan ni Monita kay Monina ang mga kasangakapan na hindi
nahuhugasan sa gabi. Si Monita ay__________.
mapagbigay bastos tamad
b. Hinigasan ni Monina ng mga pinggan ng walng reklamo.
Monina ay __________.
mabait mapagbigay matulungin
c. “Monita, ibigay na lang natin sa matndang nagugutom an gating
baon.
Si Monina ay__________.
malungkot galit mapagbigay
d. “ Ibigay mo ang iyong baon, pero ang sa akin ay hindi ko
ibibgay, “ wika ni Monita.
Siya ay _________.
Makasarili maalalahanin palakaibigan
e. Nararamdaman niyang siya ay __________.
masaya malungkot mainitin ang ulo
Sabihin at Alamin
Ano pa ang maaaring pagkakilanlan o clue ng isang tauhan
sa kuwento upang malaman natin ang kanyang ugali.
Basahin ang mga payak na pangungusap. Pagsamahin ang
dalawang na pangubgusap sa pamamagitan ng pagdadagdag
ng salitang dahil o habang.
1. Masaya ako. Nakapasa ako sa pagsusulit.
__________________________________________________
2. Nilinis ni maria ag kuwato. Naghihintay si Mario sa labas.
__________________________________________________
3. Umawit si Paolo. Matamang naking ang kaniyang mga kaklase.
__________________________________________________
4. Umuwi kami nang maaga. Nagpatawag ng pagpupulong ang
punong guro.
__________________________________________________
5. Tumatahol ang aso. Maraming tao sa likod bahay.
Ano ang hugnayang pangungusap?
Paano nabubuo ang hugnayang pangungusap?
Tandaan:
Kung ano ang sinasabi, ginagawa, inisip at nararamdan ng
tauhan ay ngpapakita kung anong ugali siya mayroon.
Basahin at Alamin
Tandaan
A. Basahing mabuti ang pangungusap. Sahin kung ang
pangungusap ay tambalan o hugnayang pangungusap.
1. Pumunta kami sa hardin ngunit wala naman kaming ginawa doo
kahapon.
2. May sakit si Alice at kailanagn niyang tumigil muna sa bahay
3. Nagpunta ang pamilya Montemayor sa evacuation center dahil
nangangailangan sila ng tulong.
4. Hindi magamit nina Lina at Sarah ang bisikleta dahil sira ito.
5. Nagbasa ang nanay ng magasin habang naghihintay siya ng
bus.
B. Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng pag
ugnay na dahil o habang.
1. Nakapunta kami sa marming lugar _____ kami ay nasa Cebu.
2. Kailangan ni Marta na magsuot ng tsinelas ______ maga ang
kanyang paa.
 Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng dalawang
payak na pangungusap. Nagpapahayag ito dalawang
kaisipan at pinagsasama ng mga pang ugnay na
 dahil o habang.
Subukin
3. Sikat ang pamilya Garrara ________lahat ng kanilang mga anak
ay nasa honor roll.
4. Dapat tayo ay palaging magbasa _______ tayo ay bata pa.
5. Pumunta muna kami sa silid-aklatan ______ naglilinis ang mga
lalaki sa silid-aralan.
Basahin ang talaarawan. Sagutin ang tanong.
Tanong:
1. Sino ang sumulat ng talaarawan?
April 25,
2012
Ibinili ako ng Tatay ng asul na
bisikleta.sa darating na bakasyon mag-aaral
akong mag drive. Natutuwa talaga ako!
Bert
April
27, 2012
Marunong na akong mag drive ng
bisikleta. Tinuruan ako ng Tatay. Ngunit
dahil madulas ang kalsada
kahapon,natumba ako. Nasaktan ang aking
tuhod. Napakasakit.
Bert
;’
Basahin at Alamin
2. Ano ano ang mahahalagang detalye mula sa talaarawan?
3. Ano ang sinasabi ng talaarawan tungkol kay Bert?
Subukin:
Pagsulat ng talaarawan
Sagutin ang tanong:
1. Ano ang mahalagang nagyari sa iyo noong Sabado?
Sumulat ng dalawang pangungusap.
2. Bakit nangyari iyon?
3. Ano ang naramdaman tungkol dito??
Gamit ang inyong mga sagot, isulat sa talaarawan ang
inyong karanasan
Sa talaarawan karaniwang isinusulat ang mga bagay
tungkol sa ating sarili.Mga pangyayari na gusto at hindi natin
gusto. Nakatutulong ito upang matandaan o mabalikan natin ang
mahahalagang pangyayari sa ating buhay.
Ang Aking Talaarawan
_________________________
Petsa
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
Tandaan
Pagpapayamang Gawain
Iguhit ang inyong isinulat sa inyong talaarawan. Gawin itong
kawili-wili sa paningin sa pamamagitan ng pagkukulay. Isalaysay sa
buong klase ang iyong nabuo.
Suriin ang inyong sariling.Lagyan ng tsek ang nagpapakita ng bahagi o
kapareha ng inyong sagot.
Nilalaman at Kaayusan Nakuha
1. Ang mga pangungusap ay naisulat nang
angkop, kumpleto at nauunawaan
(my tamang bigkas))
2. Ang mga pangungusap ay maliwanag at
kumpleto.
3. Sentences hindi kumplteto pero maliwanag
Katangian
1. Ang mga nakasulat ay nagbabahagi ng buhay
ng isang mag-aaral.
2. Ibang kamag-aral
3. Kulang ng mg detalye

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Pariralang Pang- abay na Pamanahon
Pariralang Pang-  abay na PamanahonPariralang Pang-  abay na Pamanahon
Pariralang Pang- abay na PamanahonMAILYNVIODOR1
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q2)LiGhT ArOhL
 
lesson plan pang-uring panlarawan
lesson plan pang-uring panlarawan lesson plan pang-uring panlarawan
lesson plan pang-uring panlarawan Mhelane Herebesi
 
Ang Kwento ng Aking Pamilya
Ang Kwento ng Aking PamilyaAng Kwento ng Aking Pamilya
Ang Kwento ng Aking PamilyaLea Perez
 
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwa
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwaFilipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwa
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwaDesiree Mangundayao
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)LiGhT ArOhL
 
Pang-uri (paglalarawan)
Pang-uri (paglalarawan)Pang-uri (paglalarawan)
Pang-uri (paglalarawan)RitchenMadura
 
k to 12 Filipino Grade 2 lm
k to 12 Filipino Grade 2 lm k to 12 Filipino Grade 2 lm
k to 12 Filipino Grade 2 lm Ahtide Agustin
 
Uri ng Pangngalan
Uri ng PangngalanUri ng Pangngalan
Uri ng PangngalanJohdener14
 

Was ist angesagt? (20)

Pariralang Pang- abay na Pamanahon
Pariralang Pang-  abay na PamanahonPariralang Pang-  abay na Pamanahon
Pariralang Pang- abay na Pamanahon
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN HEALTH (Q1-Q2)
 
Visual and multimedia Elements
Visual and multimedia ElementsVisual and multimedia Elements
Visual and multimedia Elements
 
Kasarian ng Pangngalan
Kasarian ng PangngalanKasarian ng Pangngalan
Kasarian ng Pangngalan
 
Panghalip Panao
Panghalip Panao Panghalip Panao
Panghalip Panao
 
Pagsunod sa Panuto
Pagsunod sa PanutoPagsunod sa Panuto
Pagsunod sa Panuto
 
lesson plan pang-uring panlarawan
lesson plan pang-uring panlarawan lesson plan pang-uring panlarawan
lesson plan pang-uring panlarawan
 
Ang Kwento ng Aking Pamilya
Ang Kwento ng Aking PamilyaAng Kwento ng Aking Pamilya
Ang Kwento ng Aking Pamilya
 
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwa
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwaFilipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwa
Filipino 3 yunit iii aralin 3 paggamit nang tama ng salitang kilos o pandiwa
 
Panghalip pananong
Panghalip pananongPanghalip pananong
Panghalip pananong
 
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MOTHER TONGUE BASE (Q3-Q4)
 
Pang-uri (paglalarawan)
Pang-uri (paglalarawan)Pang-uri (paglalarawan)
Pang-uri (paglalarawan)
 
k to 12 Filipino Grade 2 lm
k to 12 Filipino Grade 2 lm k to 12 Filipino Grade 2 lm
k to 12 Filipino Grade 2 lm
 
Panghalip pamatlig
Panghalip pamatligPanghalip pamatlig
Panghalip pamatlig
 
Uri ng Pangngalan
Uri ng PangngalanUri ng Pangngalan
Uri ng Pangngalan
 
Pandiwa
PandiwaPandiwa
Pandiwa
 
English 3 lm quarter 1
English 3 lm quarter 1English 3 lm quarter 1
English 3 lm quarter 1
 
Pang uring panlarawan
Pang  uring panlarawanPang  uring panlarawan
Pang uring panlarawan
 
Mga naglilingkod sa pamayanan
Mga naglilingkod sa pamayananMga naglilingkod sa pamayanan
Mga naglilingkod sa pamayanan
 

Andere mochten auch

AccuThermo AW 820V Vacuum Rapid Thermal Anneal Equipment
AccuThermo AW 820V Vacuum  Rapid Thermal Anneal EquipmentAccuThermo AW 820V Vacuum  Rapid Thermal Anneal Equipment
AccuThermo AW 820V Vacuum Rapid Thermal Anneal EquipmentPeter Chen
 
Social Branding 2.0 - 3.0
Social Branding 2.0 - 3.0Social Branding 2.0 - 3.0
Social Branding 2.0 - 3.0AranBB
 
Hitechled integrated solar led street light vs other street lights
Hitechled integrated solar led street light vs other street lightsHitechled integrated solar led street light vs other street lights
Hitechled integrated solar led street light vs other street lightsJames Chen
 
Pierre-André Pochon, Leadformance - Solocal Group UK Event Fashion, Luxury & ...
Pierre-André Pochon, Leadformance - Solocal Group UK Event Fashion, Luxury & ...Pierre-André Pochon, Leadformance - Solocal Group UK Event Fashion, Luxury & ...
Pierre-André Pochon, Leadformance - Solocal Group UK Event Fashion, Luxury & ...Solocal Group UK
 
Herramientas de seguridad en ti
Herramientas de seguridad en tiHerramientas de seguridad en ti
Herramientas de seguridad en tiJosh Nickols Efren
 
Neuquén - Aluhe G.
Neuquén - Aluhe G.Neuquén - Aluhe G.
Neuquén - Aluhe G.paulina139
 
Anskaffelsesforum 11. november 2016
Anskaffelsesforum 11. november 2016Anskaffelsesforum 11. november 2016
Anskaffelsesforum 11. november 2016Arntzen de Besche
 
Revolverblatt | März - Mai 2015
Revolverblatt | März - Mai 2015Revolverblatt | März - Mai 2015
Revolverblatt | März - Mai 2015Piper Verlag
 
Lets keep it simple, quick and easy! (1)
Lets keep it simple, quick and easy! (1)Lets keep it simple, quick and easy! (1)
Lets keep it simple, quick and easy! (1)Steven Daniels
 
Gestión de calidad en el departamento TI. El ingrediente indispensable
Gestión de calidad en el departamento TI. El ingrediente indispensableGestión de calidad en el departamento TI. El ingrediente indispensable
Gestión de calidad en el departamento TI. El ingrediente indispensableGlobe Testing
 
Microscopio digital uso didactico tere santos
Microscopio digital uso didactico tere santosMicroscopio digital uso didactico tere santos
Microscopio digital uso didactico tere santosnaturzientziak1
 
Ang populasyon ng urban at populasyong rural
Ang populasyon ng urban at populasyong ruralAng populasyon ng urban at populasyong rural
Ang populasyon ng urban at populasyong ruralDen Zkie
 
Flexible Arbeitswelt - Bericht an die Expertenkommission
Flexible Arbeitswelt - Bericht an die ExpertenkommissionFlexible Arbeitswelt - Bericht an die Expertenkommission
Flexible Arbeitswelt - Bericht an die ExpertenkommissionBertelsmann Stiftung
 

Andere mochten auch (20)

Mt lm q1 tagalog
Mt   lm q1 tagalogMt   lm q1 tagalog
Mt lm q1 tagalog
 
AccuThermo AW 820V Vacuum Rapid Thermal Anneal Equipment
AccuThermo AW 820V Vacuum  Rapid Thermal Anneal EquipmentAccuThermo AW 820V Vacuum  Rapid Thermal Anneal Equipment
AccuThermo AW 820V Vacuum Rapid Thermal Anneal Equipment
 
Social Branding 2.0 - 3.0
Social Branding 2.0 - 3.0Social Branding 2.0 - 3.0
Social Branding 2.0 - 3.0
 
NewEnergy
NewEnergyNewEnergy
NewEnergy
 
Hitechled integrated solar led street light vs other street lights
Hitechled integrated solar led street light vs other street lightsHitechled integrated solar led street light vs other street lights
Hitechled integrated solar led street light vs other street lights
 
Pierre-André Pochon, Leadformance - Solocal Group UK Event Fashion, Luxury & ...
Pierre-André Pochon, Leadformance - Solocal Group UK Event Fashion, Luxury & ...Pierre-André Pochon, Leadformance - Solocal Group UK Event Fashion, Luxury & ...
Pierre-André Pochon, Leadformance - Solocal Group UK Event Fashion, Luxury & ...
 
Pd t 30
Pd t 30Pd t 30
Pd t 30
 
Herramientas de seguridad en ti
Herramientas de seguridad en tiHerramientas de seguridad en ti
Herramientas de seguridad en ti
 
Neuquén - Aluhe G.
Neuquén - Aluhe G.Neuquén - Aluhe G.
Neuquén - Aluhe G.
 
Marca
MarcaMarca
Marca
 
Telesales is dead, long live telesales!
Telesales is dead, long live telesales!Telesales is dead, long live telesales!
Telesales is dead, long live telesales!
 
Anskaffelsesforum 11. november 2016
Anskaffelsesforum 11. november 2016Anskaffelsesforum 11. november 2016
Anskaffelsesforum 11. november 2016
 
Revolverblatt | März - Mai 2015
Revolverblatt | März - Mai 2015Revolverblatt | März - Mai 2015
Revolverblatt | März - Mai 2015
 
Rosa Masriera - Jornada ccyc 14/05/2015
Rosa Masriera - Jornada ccyc 14/05/2015Rosa Masriera - Jornada ccyc 14/05/2015
Rosa Masriera - Jornada ccyc 14/05/2015
 
Lets keep it simple, quick and easy! (1)
Lets keep it simple, quick and easy! (1)Lets keep it simple, quick and easy! (1)
Lets keep it simple, quick and easy! (1)
 
Gestión de calidad en el departamento TI. El ingrediente indispensable
Gestión de calidad en el departamento TI. El ingrediente indispensableGestión de calidad en el departamento TI. El ingrediente indispensable
Gestión de calidad en el departamento TI. El ingrediente indispensable
 
Microscopio digital uso didactico tere santos
Microscopio digital uso didactico tere santosMicroscopio digital uso didactico tere santos
Microscopio digital uso didactico tere santos
 
Ang populasyon ng urban at populasyong rural
Ang populasyon ng urban at populasyong ruralAng populasyon ng urban at populasyong rural
Ang populasyon ng urban at populasyong rural
 
Donkixoti1
Donkixoti1Donkixoti1
Donkixoti1
 
Flexible Arbeitswelt - Bericht an die Expertenkommission
Flexible Arbeitswelt - Bericht an die ExpertenkommissionFlexible Arbeitswelt - Bericht an die Expertenkommission
Flexible Arbeitswelt - Bericht an die Expertenkommission
 

Ähnlich wie Mt lm q1 tagalog

Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyHiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyCarlo Precioso
 
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptxQ3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptxJasminLabutong3
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
power point presentation. for grade- 2
power point presentation.  for grade-  2power point presentation.  for grade-  2
power point presentation. for grade- 2JonilynUbaldo1
 
Science 3 - Animals in the Environment.pptx
Science 3 - Animals in the Environment.pptxScience 3 - Animals in the Environment.pptx
Science 3 - Animals in the Environment.pptxCELESTEMENDOZA20
 
ESP5-Q2-W2.docx- self learning kit for elementary
ESP5-Q2-W2.docx- self learning kit for elementaryESP5-Q2-W2.docx- self learning kit for elementary
ESP5-Q2-W2.docx- self learning kit for elementaryMICHAELVINCENTBUNOAN2
 
Gr.2 mtb mle lm-revised
Gr.2 mtb mle lm-revisedGr.2 mtb mle lm-revised
Gr.2 mtb mle lm-revisedDuper Maldita
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)LiGhT ArOhL
 
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdfESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdfMaCatherineMendoza
 
Week 3 ang lipunan
Week 3 ang lipunanWeek 3 ang lipunan
Week 3 ang lipunanIzzat Syahir
 

Ähnlich wie Mt lm q1 tagalog (20)

Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyHiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
 
Mt lm q4 tagalog
Mt   lm q4 tagalogMt   lm q4 tagalog
Mt lm q4 tagalog
 
Mt lm q4 tagalog
Mt   lm q4 tagalogMt   lm q4 tagalog
Mt lm q4 tagalog
 
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptxQ3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
Q3- FILIPINO MODULE 1-ARALIN 1.1.pptx
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
 
Mt lm q 2 tagalog (1)
Mt   lm q 2 tagalog (1)Mt   lm q 2 tagalog (1)
Mt lm q 2 tagalog (1)
 
FILIPINO-3-WEEK-1-22-23.pptx
FILIPINO-3-WEEK-1-22-23.pptxFILIPINO-3-WEEK-1-22-23.pptx
FILIPINO-3-WEEK-1-22-23.pptx
 
PPT
PPTPPT
PPT
 
Fil-week-7-Day-1-5.ppt
Fil-week-7-Day-1-5.pptFil-week-7-Day-1-5.ppt
Fil-week-7-Day-1-5.ppt
 
NOV-16.pptx
NOV-16.pptxNOV-16.pptx
NOV-16.pptx
 
power point presentation. for grade- 2
power point presentation.  for grade-  2power point presentation.  for grade-  2
power point presentation. for grade- 2
 
Science 3 - Animals in the Environment.pptx
Science 3 - Animals in the Environment.pptxScience 3 - Animals in the Environment.pptx
Science 3 - Animals in the Environment.pptx
 
ESP5-Q2-W2.docx- self learning kit for elementary
ESP5-Q2-W2.docx- self learning kit for elementaryESP5-Q2-W2.docx- self learning kit for elementary
ESP5-Q2-W2.docx- self learning kit for elementary
 
MTB-COT Q1 WEEK 5.pptx
MTB-COT Q1 WEEK 5.pptxMTB-COT Q1 WEEK 5.pptx
MTB-COT Q1 WEEK 5.pptx
 
Gr.2 mtb mle lm-revised
Gr.2 mtb mle lm-revisedGr.2 mtb mle lm-revised
Gr.2 mtb mle lm-revised
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN Mother Tongue Based (MTB-MLE)
 
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdfESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
 
Week 3 ang lipunan
Week 3 ang lipunanWeek 3 ang lipunan
Week 3 ang lipunan
 
1 ap lm tag u2
1 ap lm tag u21 ap lm tag u2
1 ap lm tag u2
 
FILIPINO.pptx
FILIPINO.pptxFILIPINO.pptx
FILIPINO.pptx
 

Mehr von EDITHA HONRADEZ

Mehr von EDITHA HONRADEZ (20)

Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awitFilipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
Filipino q4 week 3 naisakikilos ang napakinggang awit
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]Mapeh quarter 2 [autosaved]
Mapeh quarter 2 [autosaved]
 
Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1Health quarter 2 aralin 1
Health quarter 2 aralin 1
 
Epp he aralin 20
Epp he aralin 20Epp he aralin 20
Epp he aralin 20
 
Epp he aralin 19
Epp he aralin 19Epp he aralin 19
Epp he aralin 19
 
Epp he aralin 15
Epp he aralin 15Epp he aralin 15
Epp he aralin 15
 
Epp he aralin 13
Epp he aralin 13Epp he aralin 13
Epp he aralin 13
 
Epp he aralin 12
Epp he aralin 12Epp he aralin 12
Epp he aralin 12
 
Epp he aralin 10
Epp he aralin 10Epp he aralin 10
Epp he aralin 10
 
Epp he aralin 9
Epp he aralin 9Epp he aralin 9
Epp he aralin 9
 
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindigEpp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
 
Epp he aralin 6
Epp he aralin 6Epp he aralin 6
Epp he aralin 6
 
Epp he aralin 5
Epp he aralin 5Epp he aralin 5
Epp he aralin 5
 
Epp he aralin 4
Epp he aralin 4Epp he aralin 4
Epp he aralin 4
 
Epp he aralin 3
Epp he aralin 3Epp he aralin 3
Epp he aralin 3
 
EPP HE ARALIN 2
EPP HE  ARALIN 2EPP HE  ARALIN 2
EPP HE ARALIN 2
 
Ap aralin 6
Ap aralin 6Ap aralin 6
Ap aralin 6
 
Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2Ap yunit iii aralin 2
Ap yunit iii aralin 2
 
Ap yunit iii aralin 1
Ap yunit iii aralin 1Ap yunit iii aralin 1
Ap yunit iii aralin 1
 

Mt lm q1 tagalog

  • 1. 3 Mother Tongue Learner’s Materials Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
  • 2. Mother Tongue- Based Multilingual Education – Ikatlong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon, 2013 ISBN: 978- 971-9601-31-9 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, Ph.D. BEE – Director: Marilyn D. Dimaano, Ed.D. Inilimbag sa Pilipinas ng MGO Enterprises Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com Development Team of the Learner’s Module Consultant and Editor: Dr. Felicitas Pado Dr.Rosalina J. Villaneza Ms. Editha Macayaon Authors: Ms. Nelia D. Bamba Ms. Lilibeth A. Magtang Ms. Claire B. Barcelona Ms. Florita R. Matic Ms. Edelyn B. Briones Ms. Irene T. Pilapil Ms. Grethel Laura M. Cadiong Ms. Robina B. delos Reyes Ms. Franlyn R. Corporal Ms. Raquel C. Solis Ms. Florinda Dimansana Ms. Arabella May Z. Soniega Dr. Victoria D. Mangaser Ms. Dina F. Bazan Graphic Artist: Layout Artist:
  • 3. Table of Contents Quarter1: Knowing Myself and My Family Lesson 1: My Family and I …………………………………………………. Lesson 2: My Family and I: Healthy Habits ……………………………... Lesson 3: Things I Enjoy and People I Like1…………………………….... Lesson 4: My Favorite Animals and Plants ............................................. Lesson 5: Things I Love t Do – Favorite Activities, Hobbies, Sports …… Lesson 6: Care for the Environment ………………………………………… Lesson 7: My Family and Our Roles ………………………………………… Lesson 8: Members of the Family, Pride of My Family ………………….. Lesson 9: My Family and Our Roles ………………………………………… Summative TEST ……………………………………………………..
  • 4. Unang Kuwarter Unang Linggo Gawain 1 Ang kuwento ay binubuo ng mga elemento. Buuin ang hinihinging detalye upang mabuo ang talaan tungkol sa kuwentong “Aking Alaga” Talaan ng Tagpuan Talaan ng Tauhan Sabihin at Alamin
  • 5. Ang kuwento ay may tatlong elemento: ito ay ang tagpuan, tauhan at mga pangyayari. Ang tagpuan ay nagsasaad kung saan at kailan nangyari ang kuwento. Ang tauhan ay ang mga tao na gumanap sa kuwento. Ang mga pangyayari naman ang nagpapakita ng mga naging suliranin at kalutasan sa kuwento. Talaan ng mga Pangyayari Tandaan
  • 6. Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay lugar o pangyayari. Gawain 2 Basahin ang mga pangungusap mula sa ating kuwento: “ Halina sa Bukid” a. Nakakita ng kuting si Tatay sa damuhan. b. Nasiyahan si Greg sa pagmamasid ng mga tutubi sa paligid. Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa kuwentong “ Halina Sa Bukid” A. Nakakita ng kuting si Tatay sa damuhan. B. Nasiyahan si Greg sa mga tutubi sa paligid. Sa pangungusap A, sino ang nakakita ng kuting? Ano ang nakita ng tatay? Nasaan ang kuting? Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit? Sa pangungusap B, sino ang nasiyahang magmasid ng mga tutubi sa paligid? Ano ang kaniyang namasid? Nasaan ang mga tutubi? Salungguhitan ang mga pangalan na inyong binanggit? Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit? Ano ang pangngalan? Tandaan
  • 7. Gawain 3: Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno. Isulat ang pangngalan sa angkop na kahon. Pangngalan Tao Lugar Bagay ate upuan walis pambura silid -aklatan aklat bag tatay Tiya Rose Subukin
  • 8. Basahin ang kuwento. Basahin nang wasto ang mga salita at may angkop na damdamin. Basahin at Alamin “Ang Pag-uwi ni Sally” Ni: Nelia D. Bamba “Uuwi si Sally ngayon!” sabi ni nanay. Pumunta na tayo sa terminal ng bus upang salubungin siya. “Isasama ko si Tatay at Ben upang magbuhat ng mga bagahe ni Sally”Nagpaiwan na si tiya Rosa upang maghanda ng masarap at paboritong pagkain ni Sally. “Hindi na ako makapaghintay, nanay.! Pagkatapos ng dalawang buwang pagtatrabaho ay uuwi na siya” ang sabi ni Ben “ Ano kaya ang pasalubong niya sa akin? “ Dumating at umalis na ang mga bus. Nasaan na kaya si Sally?” tanong ni Tatay. Malapit nang lumubog ang araw, hintayin na lang natin ang susunod na bus, baka naman doon sakay si Sally, nag-aalalang sabi ni Nanay. Uminom ng tubig si Ben at itinago ang kanyang luha. “Nanay, huwag kang mag alala, sigurado akong nsaa susunod na bus na si Sally”. “Heto na ang huling bus mula sa lungsod”! wika ng Tatay. Umasa tayong diyan na nakasakay si Sally. Nang bumukas ang pinto, patakbo at masayang bumaba si Sally at sabay sabing, “sa wakas! Nanay, Tatay nandito na ako!”. “ Nag-alala kaming lahat sa iyo” wika ni Tatay. Halika na, naghihintay na ang paborito mong pagkain sa bahay sabi ni Nanay. Tinulungan ni Tatay at ni Ben si Sally upang buhatin ang kaniyang bag, nang mapansin ni Ben na may isa pang bag na dala si Sally. “Ben, ibinili kita ng tatlong bagong t-shirts at back pack”, wika ni Sally. “Maraming salamat, pero ang mas importante ay magkakasama na ulit tayong lahat.”
  • 9. Sagutin ang mga tanong. 1. Sino ang uuwi? 2. Sino ang susundo sa kaniya sa istasyon ng bus? 3. Sa palagay mo, ano ang nararamdaman ng pamilya? 4. Ganoon din kaya ang pakiramdam ni Sally? 5. Bakit nagpaiwan sa bahay si Tiya Rosa? 6. Bakit nag-aala si nanay? 7. Ano ang naramdaman ng pamilya? Isadula. 8. Ano ang naramdaman ni Ben? Isadula. Isipin
  • 10. Lingguhang Pagtataya Gawain # 1: Sipiin ang tsart sa inyong kuwaderno. Punan ng tamang sagot ayon sa kanilang mga uri. Isulat kung ang mga ito ay tao, lugar o bagay. 1. pambura guro opisina lapis sabon entablado tiya silid- aklatan tsokolate ina
  • 11. Gawain # 2: Basahin ang pangungusap, Isulat ang nga pangngalang may salungguhit sa tamang kahon. a. Nilibot ni Julie ang kulungan ng manok at nakita niya ang mga manok. b. Ang pusa ay kasabay na tumatakbo ng mga aso. c. Inutusan sila ng Nanay na makipaglaro ng holen sa iyo. d. Makikita sa dalampasigan ang makukulay na payong. e. hindi ko siya mapabangon sa kama. f. Bumili si Jim ng isang kahon na may lamang dalawang paso. Pangngalan Isahan Maramihan
  • 12. Unang Kuwarter Ikalawang Linggo Gawain 1: Basahin ang mga pangungusap mula sa kuwentong “Lipad! Lipad! 1. May bagong saranggola si Tatay. May mga batang lalaki na nagpapalipad ng saranggola sa bukid. Sabihin at Alamin
  • 13. Ang pangngalang isahan ay nagbibigay ngalan sa iisang bagay. (Singular nouns are used to name one thing) Ang maramihang pangngalan, ay nagbibigay ngalan sa dalawa o higit pang mga bagay. (Plural nouns are used to name two or more things) 2. Iniabot ng Nanay kay Marlon ang isang plato na may isang nilagang itlog, tatlong pirasong keso at dalawang piraso ng bilog na tinapay. Ano ang napansin ninyo sa mga salitang may salungguhit sa pangungusap? Paano sila nagkakaiba? Ano ang isahang pangngalan?? Ano ang maramihang pangalan? Gawain 2: Pakinggan ang panuto na sasabihin ng guro. Sipiin ang tsart at ilagay dito ang inyong sagot. Pangngalan Tandaan Subukin
  • 14. Isahan Maramihan Basahin ang kuwento nang wasto,may tamang diin at ekspresyon. Prutas na Makatas ni: Nelia D. Bamba “Beep, beep, beep!” Narito ang bus! Nagkagulo ang mga bata sa pagkuha ng kani- knilang bag. “Uuwi na tayo, Biyernes na rin sa wakas” ang sabi ng mga bata. “ Narito na ba ang lahat?” tanong ni Mang Peping. “Hintay!” ang sabi ni Miguel. “ Naiwan ko ang aking lagayan ng tubig, uhaw na uhaw ako, kailangan kong uminom, napagod ako sa aming praktis ng balibol”. “Wow! Tumingin kayong lahat sa labas!” “Nakikita ninyo ba ang mga tindahan ng prutas sa gilid ng kalsada?” Maraming melon,suha, pinya at bayabas, mukhang makatas at sariwa” ang wika ni Marie. “Oo nga, wala ang mga iyan kahapon” ang sabi ni Miguel. Basahin at Alamin
  • 15. “ Panahon ngayon ng anihan” ang sabi ni Mang Peping. “Ang mag prutas na iyan ay kaani lamang ng mga magsasaka sa kanilang bukid” “ Sana ay nakita ni Nanay ang mga prutas, sigurado ako, bibili siya” ang sabi ni Miguel. Mahilig akong kumain ng mga prutas, ang sabi niya mabuti ito sa kalusugan.” “Nais ko, nais ko, makatas na prutas. Oo nga, tayo na! Tayo nang uminom ng katas ng prutas”, wika ng mga bata. Bahagyang sinimulan ng mga bata ang pagpalakpak hanggang nakalikha sila ng isang ritmo na naging rap. “Suha, suha, makatas na suha Kainin, katasin tayo ay palulusugin. Melon, melon,makatas na melon Masarap lalo na kung mainit ang panahon Pinya, pinya makatas na pinya Maasim, matamis talagang masustansiya. Sagutin ang tanong. 1. Sino ang mga tauhan sa kuwento? 2. Ano ang kanilang ginagawa sa loob ng bus? Bakit? 3. Ano ang kanilang ginagawa habang sila ay nasa loob ng bus? Basahin ang pangungusap mula sa “Lipad! Lipad!” 1. Binigyan ng Nanay si Marlon ng isang plato na may kanin, itlog at isang tasa ng sopas. Isipin
  • 16. 2. Magdadala si Nanay ng mga nasa latang juice at mga piraso ng tinapay. Alin ang mga pangngalan sa pangungusap? Alin ang mga pangngalan na maaaring bilangin? Alin ang mga pangngalan na hindi nabibilang? Alin ang pangngalang pamilang? Alin ang pangngalang di pamilang? Ano ang ibig sabihin ng pangngalang pamilang?? Ano ang ibig sabihin ng pangngalang di pamilang? Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalan nabibilang. Ang pangngalang di pamilang ay ang mga pangngalang di nabibilang. Gawain 1 Sipiin ang tsart at isulat ang pangngalan sa angkop na kahon. Tandaan ice cream carrot saging sopas bayabasasukal Sabihin at Alamin
  • 17. Gawain 2 (Pangngalang Pamilang) (Pangngalang Di Pamilang) Pangngalang pamilang
  • 18. Isulat ang pangngalan sa tamang kahon. a. bote ng mantika b. bibingka c. isang mansanas d. isang tasang asukal e. sampung mangga f. mantekilya g. isang pirasong saging h. garapon ng asin i. isang basong juice j. tatlong kahel Basahin ang pangyayari mula sa “ Makatas na Prutas” Nalimutan ni Miguel ang kaniyang tubig sa silid-aralan. Nakiusap siya sa drayber ng bus na hintayin siya sandali upang kunin niya iyon para makainom. Alin sa palagay mo ang naging suliranin sa kuwento? N O U N Pangngalang di pamilang
  • 19. Ang suliranin ang nagsasaad kung ano ang ipinag- aalala ng isang tauhan sa kuwento. Ang kalutasan ang nagsasaad ng solusyon sa isang kuwento. Bakit nag-alala si Miguel? Ano ang naisip niyang kalutasan ? Ano ang tawag sa bahagi ng kuwento na nagpapakita ng pag- aalala ng tauhan? Ano ang bahagi na nagpapakita ng solusyon? Ang suliranin ang nagsasaad kung ano ang ipinag- aalala ng isang tauhan sa kuwento. Ang kalutasan ang nagsasaad ng solusyon sa isang kuwento. Gawain 4: Pangkatang Gawain: Pangkat 1 Basahin ang suliranin. Subuking bigyan ng kalutasan. Nalimutan ni Sonia ang kaniyang baon. Oras na ng recess. Kalutasan: ____________________________ Tandaan
  • 20. Pangkat 2 Suriin ang larawan. Magbigay ng isang suliranin at isang kalutasan. Suliranin: ______________________________________ Kalutasan: ______________________________________ Pangkat 3: Batay sa iyong karanasan, gumawa ng isang suliranin at bigyan ito ng solusyon. Basahin ang talata mula sa kuwentong “Lipad! Lipad!” Isang sabado, magkasamang binaybay nina Tatay at Marlon ang taniman ng palay at mabatong daan bago nila narrating ang malawak na bahagi ang bukid. Masayang masaya sa pangyayari si Marlon. Ang suliranin ay: _____________________________________ Ang Kalutasan ay:___________________________________
  • 21. Ang pinangyarihan ng kuwento o setting ay: • lugar kung saan nangyari ang kuwento at • ang oras kung kailan nangyari ang kuwento Sinasagot nito ang mga tanong na saan at kailan. Saan nangyari ang kuwento? Kailan ito nangyari? Anong bahagi ng kuwento ang nagsasaad kung saan at kailan nangyari ang kuwento? Gawain 5: Piliin ang tamang lugar na pinangyarihan ng kuwento. Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Pasasalamat Saan ito nangyari? ________________ a. sa bahay b. sa kantina c. sa dagat Kalian ito nagaganap? _____________________________ a. Araw ng Pasko b. Araw ng mga Kaluluwa c. swimming 2. Kuwento tungkol sa mga diwata Saan ito nangyari?___________________________ a. paaralan b. palasyo c. zoo Tandaan!
  • 22. saan ito naganap? _____________________________ a. noong unang panahon b. kasalukuyan c. sa darating na panahon 3. Mga katatakutang kuwento Saan ito nanyari?___________________________ a. sa party b. Nakakatakot n bahay c. palasyo Kailan ito nangyari? _____________________________ a. gabi b. tanghali c. madaling araw Gawain 6: Punuan ng mga titik upang mabuo ang puzzle.Makinig sa ididiktang salita mula sa kuwentong narinig. Saranggola Bukid Prutas Sabado Tatay Gawain 7: Subukin s p ds T y
  • 23. Isulat ang P kung ang salita ay Pangngalang Pamilang at DP kung Di Pamilang. a. isang kutsaritang toyo b. isang boteng suka c. isang labanos d. isang sibuyas e. mga kamatis f. isang bandehadong pansit g. pinya h. isang boteng patis i. mangga h. mantekilya i. isang boteng mantika Basahin at Alamin
  • 24. Gawain 8: Basahin ang kuwento. Hanapin ang suliranin at kalutasan, gamit ang porma sa ibaba. Ang suliranin ay: _______________________________________ Ang kalutasan ay: _______________________________________ Bumisita sina Jenny at Joyce sa bukid ng kanilang lolo. “Gustong - gusto ko ang lugar na ito” ang sabi ni Jenny. “Kahanga-hanga ang mga puno halika na sa paborito kong puno” ang sabi ni Joyce. “Hitik ang mga bunga!” “ Gusto kong makakuha ng ilan pero hindi ko kayang abutin”. “Ito ang panungkit, gamitin natin” sabi ni Jenny. “Isa, dalawa, hayan nakakuha na tayo ng dalawang mangga”, sabi naman ni Joyce. “Tingnan mo ang mga bibe sa sapa, nakahahalina sila”, ang sabi ni Jenny. Lumapit siya, ngunit nahulog ang kaniyang isang tsinelas at naanod ito. “Naku! ang tsinelas ko!” sigaw ni Jenny. “ Hayaan mo na Jenny, mayroon akong isang pares na tsinelas sa aking bag”, ang sabi ni Joyce. Talata 1 Ano ang suliranin? ____________________________________ Ano ang kalutasan ? ______________________________________ Talata 2 Ano ang suliranin? ____________________________________
  • 25. Ano ang kalutasan ? ______________________________________ Gawain 9: Punan ng mga kinakailangang impormasyon. Lingguhang Pagtataya Pangalan:________________________________________ Ama: ______________________________________ Trabaho: __________________________________ Ina: _____________________________________ Trabaho: __________________________________ Tirahan: ____________ _______________ _____________ Barangay Bayan Probinsiya
  • 26. Gawain # 1: Punan ng angkop na pangngalan ang kahon. 1. isang boteng catsup 2. itlog 3. isang kilong harina 4. karne 5. jelly 6. pipino 7. isang tasang suka 8. mansanas 9. carrot 10. kahel Unang Kuwarter Ikatlong Linggo P A N G N G A L A N an Pangngalang Pamilang Pangngalang di-Pamilang
  • 27. Ang pangngalang pamilang ay mga pangngalang nabibilang. Ang pangngalang di pamilang ay ang mga pangngalang di nabibilang. Basahin ang pangugusap mula sa teksto a. Sinimulan ni Nana yang paghuhugas ng plato, kawali at kaldero. b. Naglagay ng isang basong gatas si Louie sa mesa. Alin ang pangngalang pamilang at di pamilang sa pangungusap? Aling pangalan ang maaaring mabilang at hindi mabibilang? Ano ang mga pangngalang nabibilang? Ano ang pangngalang di nabibilang? Tandaan Sabihin at Alamin
  • 28. Gawain 1: Isulat ang mga pangngalan sa angkop na pamagat sa ibaba. Pangngalang Pamilang Pangngalang Di pamilang mantika harina kahel tsinelas mangga suka asin kamatis sibuyas kape coffee mantika harina kahel tsinelas mangga suka asin kamatis sibuyas kape coffee
  • 29. Gawain 2 Piliin ang angkop na tandang pamilang na ginagamit sa pangngalang di-pamilang at ilagay ito sa patlang. 1. ______________ bigas 2. ______________ manok 3. ______________ tubig 4. ______________ kape 5. ______________ pasas Gawain 3 Ilagay sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga gawain ni Gina pagkaawas sa paaralan. Lagyan ng tamang bilang sa patlang. Ikinuwento ni Gina kay Annie kuna ano-ano ag kanyang ginagawa pagkagaling sa paaralan. ________Pagkatapos, pupunta siya sa kusina upang tulungan ang Nanay sa paghuhugas ng mga kasangkapan. Subukin isang basong isang platong isang timbang isang tasang isang kahong isang kilong
  • 30. Ang mga pangyayari sa isang kuwento ay may tamang pagkakasunod -sunod. Upang maisaayos ang mga pangyayari, makikita ang mga panandang una, sumunod, bago, pagtapos, sa wakas o iba pang salita na makapagsasabi ng pagkakasunod -sunod. ________Kapag natapos na niya ang kanyang mga gawaing- bahay, katabi niyang nanonood ng paborito nilang palabas sa telebisyon ang kaniyang nanay. ________Tapos, kukuhanin niya ang kanyang mga kuwaderno at gagawa na siya ng gawaing bahay. ________Sa huli, hahalik siya sa kanyang nanay athihiga na upang matulog. _______Pagdating ni Gina sa kanilang bahay, tutuloy agad siya sa kusina upang kumain ng meryenda. Gawain 4 Hanapin ang mga salitang galing sa tula. Bilugan ang mga ito. Tandaan
  • 31. Gawain 5 Piliin mula sa kahon ang angkop na tandang pamilang na ginagamit sa Pangngalang di pamilang at ilagay ito sa patlang. b t u n a y l s i A t e w a l o y T m a s a y a a A p a r k r d y y a y t p t y a i e s i d s t k a i b i g a n isang tasa ng isang baso ng isang plato ng isang garapon ng isang bote ng isang dakot na isang patak ng isang sako ng
  • 32. sopas pasas juice gamot jam kanin Gawain 6 Pagsunod-sunurin ang ang mga hakbang sa pagkuha ng pagsusulit. Lagyan ng tamang bilang sa patlang. _______ Basahin at unawain ang panuto. _______ Isulat ang pangalan,baitang at pangkat. _______ Tingnan kung gaano katagal ang pagsusulit. _______ Magbalik-aral sa iyong mga sagot. _______Basahin at maingat na sagutan ang pagsusulit. Gawain 7 1. Punan ng pangngalan ang tsart. Piliin ang sagot mula sa bag sa ibaba. mangga asukal lapis cake mansanas bigas asin mantikilya aklat mangga asukal lapis cake mansanas bigas asin mantikilya aklat Pangngalan
  • 33. Pangngalang Nabibilang Pangngalang Di- nabibilang Gawain 8: Piliin ang tanda ng pangngalang pamilang. Pangngalan garapon ng piraso ng isang basket na plato ng bote ng tasa ng isant patak na baso na puno ng garapon ng piraso ng isang basket na plato ng bote ng tasa ng isant patak na baso na puno ng ________ tubig ________ jelly ________ kanin _ca_______ c cake _____ cake cake
  • 34. Unang Kuwarter Ikaapat na Linggo Gawain 1 Punan ang patlang ng salitang umaasa o gusto upang mabuo ang pangungusap. 1. _______ akong hindi uulan sa aking karawan. 2. _______ nina Maria at Carla na maging diwata. 3. _______ akong bibisita ang aking mga lolo at lola ngayon. 4. ________ ng aking kapatid na makakita ng taga-ibang planeta. 5. ________si Norman na manalo siya sa paligsahan. Tandaan Sabihin at Alamin _________ prutas ________ fruits __________buhangin ________ raisins
  • 35. Ang mga salitang umaasa at gusto ay ginagamit upang maipahayag ang iyong nais. Umaasa ang ginagamit kung ang nais ay maaaring mangyari o makatotohanan. Ang salitang gusto ay ginagamit kung ang kaisipang ipinahahayag ay hindi maaaring mangyari o hindi makatotohanan. Gawain 2 Basahin ang mga pangngalang ginamit sa kuwentong “Papasukin Po Ninyo Ako!” pag-ibig hardin kaligayahan kagalakan kapatid kagandahan takot panlilinlang palumpong puno pagdaralita pagsuway Alin sa mga pangngalan ang nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan o naaamoy? Alin naman ang HINDI? Anong uri ng pangngalan ang mga ito? Sabihin at Alamin Tandaan
  • 36. Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga bagay na maaaring mahawakan o makita gamit ang ating limang pandama. Ang di -kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa mga bagay na hindi maaaring mahawakan o makita katulad ng katangian o damdamin. Ano sa palagay mo ang maaaring maibigay ng kuting sa atin? Ano kaya ang nararamdaman ng kuting tuwing mayroon siyang bagong kalaro? Pakinggan ang guro habang binabasa niya ang tula. Pagkatapos, basahin ang tula nang may angkop na bilis, tono at damdamin. Ang Kuting na si Pussy ni: Florita R. Matic Ako ay isang kuting Pussy kung ako’y ituring Ang nakatutuwang kuting na ito Nagbibigay ng pagmamahal sa inyo. Basahin at Alamin
  • 37. Ang pagmamahal na dulot ko Nagdadala ng kagalakan sa inyo Ang kalituhan at kalungkutan Ay wala sa aking kapakinabangan. Pagkasabik at kagalalakan Ang aking nararamdaman Sa tuwing ako’y makakikilala Ng bagong mga kasama. Sagutin ang mga tanong. 1. Tungkol saan ang tula? 2. Paano mo ilalarawan ang kuting ayon sa tula? 3. Masayahin ba ang kuting? Basahin ang saknong sa tula na nagpapahayag nito. 4.Aling saknong ang nagsasaad na palakaibigan ang kuting? Basahin ito. 5. Ano sa palagay mo ang naidudulot ng kuting sa nag-aalaga sa kaniya? Ipaliwanag. Sabihin at Alamin Isipin
  • 38. Kaya mo bang sabihin ang salitang ugat ng bawat salita? 1. madaya 2. kasama 3. nasabi 4. makulay 5. malungkot Ano-anong panlapi ang idinagdag sa bawat salitang-ugat? Nagbago ba ang kahulugan ng salitang nilagyan ng panlapi? Ano ang panlapi? Ang panlapi ay mga kataga o pantig na ikinakabit sa unahan, sa gitna o sa hulihan ng salitang- ugat upang makabuo ng bagong salita. Unlapi ang tawag sa pantig na idinadagdag sa unahan ng salitang- ugat tulad ng ma-, na- , pag- at ka- Hulapi naman ang tawag sa kataga o pantig na idinadagdag sa hulihan ng salitang- ugat tulad ng –an at -han Gawain 1: Basahin ang mga salitang ginamit sa tulang “Ang Kuting na si Pussy. Salungguhitan ang mga panlaping ginamit. Subukin Tandaan
  • 39. pagmamahal kalituhan kagalakan pagkasabik kalungkutan Basahin nang malakas ang mga salita. tauhan pinangyarihan pangyayari talata saknong taludtod tugma tula kuwento Paano natin pagbubukud-bukurin ang mga salita? Aling mga salita ang tumutukoy sa isang kuwento? Alin ang tumutukoy sa tula? Ang kuwento ay binubuo ng talata. Ito ay naglalaman ng tauhan, pinangyarihan at pangyayari sa kuwento. Ang tula ay binubuo ng mga saknong. Ang bawat saknong ay mga taludtod na may salitang makakatugma. Gawain 2: Isulat ang loob ng kahon ang mga salitang magpapakilala ng kaibahan ng kuwento sa tula. Sabihin at Alamin Tandaan
  • 40. Gawain 3: Sumulat ng tula na may isang saknong tungkol sa iyong alaga. Sagutin ang mga tanong bilang gabay sa pagsulat mo ng tula 1. Ano ang inaalagaan mo? 2. Ano ang pangalan ng iyong alaga? 3. Ano-ano ang katangian ng iyong alaga? 4. Ano ang mga bagay na sabay ninyong ginagawa ng iyong alaga? 5. Mahal mo ba ang iyong alaga? 6. Paano mo ipinakikita ang iyong pagmamahal sa iyong alaga? Gawain 4: saknong pangyayari tugma tauhan pinangyarihan talata taludtod kuwento tula
  • 41. Bilugan ang mga di kongkretong pangngalang makikita sa loob ng kahon. pagdamay luha isipan bayani telebisyon kabayanihan kamalayan masaya kahirapan usapan pagmamahal pagmamalaki pagkilala sulat paniniwala Gawain 5: Isulat ang wastong panlapi upang mabuo ang mga salita. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. ka- -an -han -ran 1. ___seryoso___ 4. usap ______ 2. ___tapang___ 5. ____tupa___ 3. ____malay___ Lingguhang Pagtataya Pagsasanay 1: Salungguhitan ang di kongkretong pangngalan. kapakumbabaan kamalayan pamilihan kaunlaran pagpapaubaya silid-aklatan
  • 42. silid-dalanginan pinag-aralan Pagsasanay 2: Punan ng panlapi ang bawat patlang upang mabuo ang salita. 1. ___ganda___- loob 2. ____api____ 3. ___mali____ 4. ____malay____ 5. ____siya____ Pagsasanay 3: Piliin ang kahulugan ng bawat salita. Isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel. 1. katapangan a. hindi matapang b. pagiging matapang c. walang tapang 2. katuparan a. natamo ang nais b. hindi natamo ang nais c. hindi natupad ang nais 3. kahirapan a. mayaman b. mahirap c. pagiging mahirap 4. pagkayamot a. hindi naiinip b. pagpapakita ng inip
  • 43. c. naaaliw 5. kalungkutan a. hindi nalulungkot b. walang nadaramang lungkot c. nakakaramdam ng lungkot
  • 44. Unang Kuwarter Ikalimang Linggo Kaya mo ba magbigay ng mga kilalang tao, lugar at pagdiriwang sa inyong pamayanan? Sino-sino ang kilalang tao sa inyong lugar? Saang lugar mo ipapasyal ang iyong mga kaibigang dadalaw sa iyo? Sa anong pagdiriwang kilala ang inyong lugar? Tandaan Sabihin at Alamin
  • 45. Ang iba’t ibang pamayanan ay may kani-kaniyang kilalang tao, lugar at pagdiriwang . Igalang natin ang mga ito Gawain 1 Gamitin ang graphic organizer upang ipakita ang mga kilalang tao, lugar at pagdiriwang sa inyong lugar. Idikit ang larawang inihanda ayon sa tamang bahagi ng katawan: ulo- sikat na tao, kamay- kilalang pagdiriwang at paa- kilalang lugar. Subukin
  • 46. Basahin ang sumusunod na salitang ginamit sa kuwentong “ Isang Kahilingan.” Paghambingin ang mga salita sa hanay A at B. Sagutin ang mga tanong kaugnay nito. A B Basahin at Alamin
  • 47. kagalakan ngiti pagkagulat regalo kalungkutan luha kasigasigan handaan pagkasabik mag-anak Aling hanay ng mga salita ang ginagamitan ng limang pandama? Anong uri ng pangngalan ito? Alin namang hanay ang hindi nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan o naamoy? Ano ang tawag sa uri ng pangngalang ito? Gawain 2 Punan ang patlang ng kongkretong pangngalan na kakatawan sa nakasaad na di kongkretong pangngalan. Piliin ang mga sagot sa loob ng kahon. Halimbawa: pagmamahal – bulaklak , tsokolate 1. pananampalataya - ________ ________ 2. katarungan -_________ _________ 3. karunungan -_________ __________ 4. kalinangan -_________ __________ 5. kaunlaran -_________ __________
  • 48. Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa salitang maaari nating madama samantalang ang di kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa bagay na hindi nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan o naaamoy. pamilihan silid-dalanginan pulis paaralan sayaw gawang-kamay aklat kulungan daan bibliya Basahin at Alamin Tandaan
  • 49. May mga kaibigan ka ba? Paano mo ilalarawan ang iyong mga kaibigan? Maihahambing mo ba ang iyong mga kaibigan sa mga bagay sa iyong paligid? Basahin ang tula upang malaman kung paano inilarawan ang kaibigan. Bigkasin ang tula nang may wastong bilis, tono at damdamin. Ang Kaibigan ay Tulad ng Brilyante ni: Florita R. Matic Ikaw at ako’y kailangan ng kaibigan Tunay na taong mapagkakatiwalaan Tulad ng bato, matatag at matibay May lakas at tibay na walang kapantay. Sa sandaling tayo ay naliligaw Mga kaibiga’y nakaagapay Tulad ng isang matuwid na daan Tunay na kaibigan’y di ka bibitawan Totoong kaibiga’y tulad ng kayaman Gaya ng gintong may kinang na taglay Walang katumbas, di kayang bayaran Kabutihan ng kaibigang panghabang-buhay. Kahalagahan ng kaibiga’y di kayang sukatin Ang halaga nito’y hindi sukat akalain Pagmamahal ng kaibiga’y brilyanteng maningning Magpakailanma’y mananatili ang kinang na angkin.
  • 50. Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. Bakit inihalintulad ang isang kaibigan sa bato? Ano ang katangian mayroon ang baton a tulad ng isang kaibigan? 2. Bakit inihambing ang kaibigan sa isang daan? Paanong ang daan ay katulad ng isang kaibigan? 3. Bakit sinabing ang kaibigan ay tulad ng kayamanan? Anong katangian magkatulad ang dalawa? 4. Bakit inihambing ang kaibigan sa brilyante? Anong katangian ang magkapareho sa kanila? 5. Aling paghahambing ang pinakagusto mo? Bakit? Isipin
  • 51. Gawain 3 Basahing muli ang tula. Ano ang ibig sabihin ng tula? Isulat ang sagot sa loob ng kahon. Basahin at suriin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula. 1. Ang kaibigan ay tulad ng bato na may lakas at tibay na walang kapantay. 2. Tulad ng isang matuwid na daan, tunay na kaibigan’y di ka bibitawan. 3. Ang pagmamahal ng kaibigan ay brilyanteng maningning. 4. Ang totoong kaibigan ay tulad ng kayamanan. 5. Ang kaibigan ay gaya ng gintong may kinang na taglay. Ano-anong bagay ang ginamit sa tula upang ilarawan Basahin at Alamin
  • 52. ang isang kaibigan? Puwede bang ihambing ang tao sa bagay? Magkapareho ba ang katangian ng tao at bagay? Ano ang tawag sa paraan ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay? Anong mga salita ang ginagamit sa paghahambing? Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng at gaya ng. Halimbawa: sintamis ng kendi tulad ng rosas Gawain 4 Salungguhitan ang simile o pagtutulad na ginamit sa bawat pangungusap. Halimbawa: Ang dalaga ay tulad ng isang bulaklak. 1. Nagningning tulad ng araw ang kanyang mga mata nang makita niya si Leah. Tandaan Subukin
  • 53. 2. Nagsasalita siyang simbanayad ng hangin. 3. Singgaan ng balahibo ang papel. 4. Ang hanging amihan ay tulad ng malambot na tela sa aking balat. 5. Tulad ng bituin ang kislap ng kanyang mga mata. 6. Lumangoy siyang simbilis ng isda. Gawain 5 Ayusin ang sumusunod na salita upang makabuo ng pangungusap na may simile o pagtutulad. Isulat ang sagot sa patlang. 1. kahon, singgaan, ang, balahibo, ay, ng ___________________________________________ 2. ang, singsipag, manggagawa, ng, isang, bubuyog gumawa , ay __________________________________________ 3. mangagawa, ang, nagtatrabaho, tulad ng, isang, ay, langgam __________________________________________ 4. isip, ang, kanyang, sing-liwanag, ng , ay , araw __________________________________________ 5. tinapay, ang, ay sintigas, bato, ng __________________________________________ 6. ang, palagay, ay , umaagos, tulad, kanyang, ng, ilog __________________________________________
  • 54. Basahin ang liham-pangkaibigan. Tingnan kung paano ito isinusulat. 18-B. Chico St. Marulas Valenzuela City Ika- 23 ng Hulyo, 2013 Mahal kong Ellaine, Ang aking lola’y magdiriwang ng kanyang ika-89 na kaarawan sa ika-10 ng Agosto. Gusto kong gumawa ng isang malaking chocolate cake bilang isang sorpresa. Maaari mo ba akong tulungang gumawa ng cake? Pakilakip sa sulat na ito ang paraan ng paggawa ng chocolate cake. Tiyak na matutuwa nag aking lola kung makadadalo ka sa kaniyang kaarawan. Maraming salamat at umaasa akong ika’y darating. Ang iyong kaibigan, Eunice A. Sagutin ang mga tanong. Sino ang sumulat ng liham? Saan nakatira si Eunice? Kailan niya isinulat ang liham? Kanino niya ipinadala ang liham? Tungkol saan ang liham? Basahin at Alamin Isipin
  • 55. B. Paano isinulat ang katawan ng liham? Sagutin ang mga tanong ng opo o hindi po. 1. Nakapasok ba ang unang salita sa bawat talata ng liham? 2. Nagsisimula ba sa malaking letra ang unang salita sa bawat pangungusap? 3. Mayroon bang tuldok, kudlit, kuwit at iba pang bantas na ginamit? 4. Tama ba ang pagbabaybay ng mga salita? 5. May wastong palugit ba sa magkabilang panig ng papel? Gawain 6 Sipiin nang patalata ang paraan ng paggawa ng chocolate cake. Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata. Paraan ng Paggawa ng Chocolate Cake: 1. Painitin muna ang oven sa temperatureng 350 degrees F (175 degrees C). 2. Sa isang katamtamang laking lalagyan, paghalo-haluin ang mga sangkap ng tatlong minuto gamit ang de kuryenteng panghalo. 3. Lagyan ng kumukulong tubig at haluin. 4. Ihurno ng mula 30 hanggang 35 minuto gamit ang pinainitang oven. 5. Palamigin ng 10 minuto bago tanggalin sa lalagyan. 6. Sa paggawa ng icing, haluin ang mantikilya hanggang lumapot at ilagay ang cocoa, asukal, gatas at vanilla nang salit-salit. 7. Hati-hatiin ang bawat patong ng cake nang pahalang at lagyan ng icing ang bawat patong.
  • 56.
  • 57. Lingguhang Pagtataya Pagsasanay 1: Sulatan ng mga salita ang kahon ayon sa pamagat. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. tagumpay medalyang ginto pagmamahal pagtitiyaga kaalaman aklat computer paaralan kapayapaan watawat Pagsasanay 2: Buuin ang simile o pagtutulad gamit ang mga salita sa kahon. sindilim ng sintamis ng isang anghel isang araw
  • 58. isang ilog 1. Ang kaniyang luha ay dumaloy tulad ng ______. 2. Ang kaniyang buhok ay ______ gabi. 3. Tulad ng ________kung siya ay magsalita. 4. Ang aming pagkakaibigan ay _________ng jam. 5. Ang kaniyang ngiti ay tulad ng _____ na nagbibigay liwanag. Pagsasanay 3: Isulat nang patalata ang sumusunod na hakbang sa pagpiprito ng isda. Sundin ang wastong paraan ng pagsulat ng talata. a. Linisin ang isda. b. Ibalot ang isda sa harinang may asin at paminta. c. Ilagay ang isda sa kumukulong mantika. d. Iprito ang isda hanggang sa maluto. e. Hanguin ang isda at ilagay sa lalagyang may sapin upang tumulo ang mantika. f. Ilagay ang isda sa isang pinggan na may hiniwang kamatis. __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________ __________________________________________________________________
  • 60. Hardin Ko…Pinggan Ko! ni: Florita R. Matic Isang araw, sa aking paggising Aking nasilayan pagsikat ng araw Ngiting kaytamis ang sa aki’y bumati Tila isang dalagang mayumi. Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy At doon ang trabaho’y agad na itinuloy Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran At hindi isang pagong na may kakuparan. Aking mga tanim ay agad nagsilaki Kawangis ng isang higanteng kaylaki Kay gandang tingnan halamang luntian Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan. Kung ikaw ma’y nalulungkot Pakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot Magpunta ka lamang sa aking hardin Tiyak ang kalungkuta’y papawiin.
  • 61. Ang hardin ko ay aking pinggan Na nagpapalusog sa aking katawan Dahil sa alaga kong anong inam Puno ng pagmamahal na iningatan. Sagutin ang mga tanong. 1. Tungkol saan ang tula? 2. Sino ang tagapagsalaysay sa tula? 3. Saan iwinangis ang araw? 4. Saan iwinangis ng tagapagsalaysay ang kanyang sarili? 5. Ano-ano pang pagwawangis ang ginamit sa tula? Gawain 1: Pagkuha ng Pangunahing Diwa ng bawat saknong Ang pangunahing diwa o kaisipan ay nagpapahayag kung tungkol saan ang saknong. Isipin Subukin
  • 62. Basahin ang bawat saknong. Piliin ang pangungusap na nagsasaad ng pangunahing diwa nito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong papel. Agad akong tumayo, sa likod-bahay tumuloy At doon ang trabaho’y agad na itinuloy Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran At hindi isang pagong na may kakuparan. Pangunahing Diwa: a. Inaalagaan ng tagapagsalita ang kalabaw. b. Nagtatrabaho nang mabuti ang tagapagsalita sa kanyang hardin . c. Maraming pagong sa kanyang hardin. Aking mga tanim ay agad nagsilaki Kawangis ng isang higanteng kaylaki Kay gandang tingnan halamang luntian Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan.
  • 63. Pangunahing Diwa: a. Magandang pagmasdan ang mga tanim. b. May mga bituin sa halamanan. c. Higante ang mga halaman. Kung ikaw may nalulungkot Pakiramdam ang lahat sa’yo’y hinakot Magpunta ka lamang sa aking hardin Tiyak ang kalungkuta’y papawiin. Pangunahing Diwa: a. Nagdudulot ng kalungkutan ang aking hardin. b. Nagbibigay saya ang aking hardin. c. Ang lahat ng bagay ay kinukuha ng aking hardin. Gawain 2 Gumuhit ng hardin na gusto mo sa loob ng kahon.
  • 64. Basahin ang sumusunod na pangungusap mula sa tula. 1. Ako’y isang kalabaw sa bukid. 2. Hindi ako isang pagong na may kakuparan. 3. Mga higante ang halaman. 4. Bituin sa paningin ang mga halaman na kaysarap pagmasdan. 5. Ang hardin ko ay aking pinggan. Paano pinaghambing ang mga bagay sa bawat pangungusap? Anong anyo ng pananalita ang ginamit? Ang paghahambing na ginamit sa pangungusap ay tinatawag na metapora o pagwawangis. Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing-o tulad ng. Gawain 3 Gumuhit ng bituin ( ) sa linya kapag ang pangungusap ay gumamit ng metapora. Basahin at Alamin Tandaan
  • 65. ______ 1. Ang karagatan ay galit na toro kapag may bagyo. ______2. Singgaan ng balahibo ang papel. ______3. May pambihirang panlasa sa kasuotan ang mga modelo. ______4.Hindi nakatatapos ng anumang gawain si Mary sapagkat parang pagong kung siya ay kumilos. ______5. Siya ay bituin sa paningin ng kanyang ama. Gawain 4 Buuin ang pangungusap gamit ang metapora sa loob ng kahon. 1. Madaling mawala ang galit ni Bing. Siya ay may __________________________________. 2. Hindi marunong magpatawad si Rene. Mayroon siyang ______________________________ . 3. May _____________________ang pamilya nila Mark. dilang- anghel pusong mamon dugong-bughaw pusong bato isang kahig, isang tuka
  • 66. Mayaman at kilala ang pamilya nila sa kanilang lugar. 4. Kung minsan, nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi ni Susan. Siya ay may ___________________________________. 5. Wala halos makain ang pamilya nila Jose dahil walang trabaho ang magulang niya. Sila ay________________________________________. Mayroon ka bang talaarawan? Ano ang isinusulat mo sa iyong talaarawan? Basahin ang talaarawan ni Ronel at alamin natin ang ginagawa niya araw-araw. Ako po si Ronel, walong taong gulang. Paghahardin, pangongolekta ng halaman at pagtatanim ng mga puno ang aking mga paboritong libangan. Mahal ko ang kalikasan. Lahat ng karanasan ko tungkol sa kalikasan ay isinusulat ko sa aking talaarawan tuwing gabi pagkatapos kong gawin ang aking takdang- aralin. Lunes, Ika-22 ng Hulyo 2013, ika-7:00 ng gabi Basahin at Alamin
  • 67. Dinala kami ng aming guro sa Science na si Bb. Santos sa hardin ng paaralan upang pagmasdan ang mga halaman. Namangha ako sa dami ng makukulay na halaman sa aming hardin. Nakahahanga ang galing ng aming hardinero sa pag- aalaga ng halaman. Martes, Ika- 23 ng Hulyo, 2013, ika-7:30 ng gabi Nagkaroon ako ng pagkakataong makausap ang hardinero ng aming paaralan na si Mang Carding. Sinabi niya sa akin na kinakausap niya ang kanyang mga tanim sa tuwing siya ay magdidilig. Marahil, ang hardin ay mansanas sa kanyang paningin. Miyerkules, ika- 24 ng Hulyo, 2013, ika- 7:00 ng gabi Habang ako’y pauwi galing sa paaralan, nakita kong muli si Mang Carding. Ikinagulat ko ang ibinigay niya sa aking mga punlang halaman. Sobra raw iyon sa hardin ng aming paaralan. Nagpasalamat ako sa kanya. Alam niyang mahilig akong magtanim. Huwebes, ika- 25 ng Hulyo, 2013, ika-8:00 ng gabi Maaga akong gumising upang itanim ang mga punla sa aking hardin. Diniligan ko nang bahagya ang itinanim kong punla. Inilagay ko rin ang mga tanim malayo sa sinag na araw upang hindi malanta. Gusto ko nang makitang lumaki ang aking mga tanim. Biyernes, ika- 26 ng Hulyo, 2013, ika- 7:15 ng gabi Umuwi ako nang maaga upang tingnan ang aking hardin. Binunot ko ang mga damo at pinulot ko ang mga tuyong dahon. Nakatutuwang pagmasdan ang mga buko ng aking mga halamang namumulaklak. Sabado, ika- 27 ng Hulyo, 2013, ika- 8:00 ng gabi Kahit walang pasok, maaga akong gumising dahil hindi
  • 68. ako upuang patatas. Pagkatapos kong linisin ang aking silid-tulugan, agad akong pumunta sa aking hardin. Nagulat ako nang makita kong umuusbong na ang aking mga itinanim. Linggo, ika- 28 ng Hulyo, 2013, ika-7:00 ng gabi Inimbitahan ko ang aking mga kamag-aral na tingnan ang aking hardin. Nakita nila roon ang iba’t ibang namumulaklak na halaman na naging kanlungan ng makukulay na paruparo. Gusto rin ng aking mga kamag-aral na magkaroon ng kanilang sariling hardin! Gawain 5 Aling bahagi ng talaarawan ni Ronel ang iyong labis na nagustuhan? Iguhit ito sa loob ng kuwadro at sumulat ng 2-3 pangungusap tungkol dito.
  • 69. ________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ _______________________________________________________. Gawain 6 Isulat sa iyong talaarawan ang isang araw na karanasan mo tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran. Gamitin ang mga tanong bilang iyong gabay sa pagsulat. Sundin ang wastong paraan sa paggawa ng talaarawan. 1. Paano mo ilalarawan ang iyong sarili? 2. Anong kapana-panabik na karanasan ang nais mong ibahagi? 3. Kailan at saan ito nangyari?
  • 70. 4. Ano ang nangyari noong araw na iyon? Mahilig ka bang magbasa? Alam mo ba ang iba’t ibang bahagi ng aklat? Kaya mo bang tukuyin ng lima sa mga bahagi nito? Salunguhitan ang mga ito. Isipin pabalat ng aklat katawan ng aklat pahinag pang-isports pamagat pang-ulong tudling talaan ng nilalaman
  • 71. Ang aklat ay may iba’t ibang bahagi. Ito ay ang pabalat ng aklat, pahinang pamagat, talaan ng pagpapalimbag ng aklat, paunang salita, talaan ng nilalaman, katawan ng aklat, talatuntunan o indise, glosari, at bibliyograpiya. Lingguhang Pagtataya Pagsasanay 1 Pagtambalin ang metapora sa kahulugan nito. Isulat ang letra ng tamang sagot. A B _____ 1. tinik sa lalamunan a. sobrang trabaho _____2. mabangis na hayop b. walang pakiramdam Tandaan
  • 72. _____3. basang-sisiw c. masama ang ugali _____4. kayod-kabayo d. problema _____5. pusong bato e. inaapi Pagsasanay 2 Salungguhitan ang bahagi ng aklat sa talaan sa ibaba. glosari bibliyograpiya pabalat ng aklat pahinang pang-isports indise o indeks pamagat pahinang pamagat talaan ng nilalaman paunang salita katawan ng aklat talaan ng pagpapalimbag ng aklat Pagsasanay 3 Piliin ang letra na nagpapahayag ng pangunahing diwa ng tula. Isulat ito sa patlang. _____1. Ang mag-anak nina Rico ay nakatira sa lungsod. Wala silang bakuran upang pagtaniman ng mga puno ngunit mayroon silang gulayan. Tinuruan siya ng kaniyang mga magulang na magtanim ng gulay tulad ng petsay, kamatis, at talong sa mga lata at boteng lalagyan ng tubig. a. Ang mag-anak nina Rico ay nagtatanim ng mga gulay. b. Ang mag-anak nina Rico ay nangangarap magkaroon ng bakuran. c. Ang mag-anak nina Rico ay may gulayan kahit sila’y nakatira sa lungsod. _____2. Si Ana at ang iba pang babaeng iskawt ay sumali sa isang proyekto sa kanilang pamayanan na tinawag na “Tayo nang Maglinis.” Araw-araw pagtapos ng klase, nagwawalis sila ng kalsada. Nagtatanim din sila ng mga puno upang mapanatiling luntian ang paligid. Naniniwala silang ang pamayanang malinis ay ligtas sa sakit. a. Si Ana at ang iba pang babaeng iskawt ay naglilinis ng paligid araw-araw. b. Si Ana at ang iba pang babaeng iskawt ay sumali sa proyektong “Tayo nang Maglinis” upang maging ligtas sa sakit ang kanilang pamayanan. c. Nakatutuwang maging babaeng iskawt dahil maaari kang sumali sa proyekto ng
  • 73. Unang Kuwarter Ikapitong Linggo Paunang Pagtataya: Lagyan ng tsek (/) kung ikaw ay sang-ayon o hindi sang-ayon sa isinasaad ng bawat pangungusap. Pangungusap Sang- ayon Hindi Sang- ayon
  • 74. 1. Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng at gaya ng. 2. Ang tatay ko’y kawangis ng toro kapag nagbubuhat siya ng mabigat na karga. Ito ay halimbawa ng metapora. 3. Ang susing pangungusap ay nagsasaad ng pangunahing diwa ng talata. 4. Gumamit ng wastong bantas tulad ng tuldok , tandang pananong o padamdam sa hulihan ng pangungusap. 5. Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang buong diwa. Basahin at Alamin
  • 75. Basahin ang pangungusap tungkol sa bawat larawan. Ang bituin ay tulad ng brilyante sa langit. Ang uling ay sing-itim ng hatinggabi. Ang sanggol ay anghel ng pamilya. Siya ay gutom na leon kung kumain. o Ano-anong salita ang ginamit upang ilarawan ang litrato? o Saan inihalintulad o iwinangis ang mga larawan? o Ang ginamit bang mga salitang panlarawan ay angkop na gamitin sa paghahalintulad o pagwawangis o Anong mga salita ang ginamit upang ipakita ang pagkakapareho ng mga bagay? o Alin ang halimbawa ng simile o pagtutulad? metapora o pagwawangis? o Paanong nagkaiba ang simile at metapora?
  • 76. Simile at Metapora Ano ang simile? Ano ang metapora? Ilarawan ang mga litrato gamit ang simile o metapora. Isulat ang pangungusap sa patlang. 1. ______________________________________ Ang simile o pagtutulad ay anyo ng pananalita na nagpapahayag ng paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng katagang sing-, tulad ng at gaya ng. Ang metapora o pagwawangis ay anyo ng pananalita na ang tao o bagay ay inihahambing o iwinawangis sa ibang bagay na hindi ginagamitan ng sing-o tulad ng. Tandaan Isipin
  • 77. 2. ______________________________________ 3. ____________________________________ 4. ___________________________________ 5. ___________________________________ Basahin ang sumusunod na pangungusap hango sa kuwentong “Tulad ng Langgam.” a. Nagwawalis ng bakuran si Athena. Basahin at Alamin
  • 78. b. Nagdidilig ng halaman si Brigette. c. Nagbubungkal ng lupa si Rose. d. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono. e. Nagdadamo ang bunsong si Mark. f. Nilalagyan ni Mang Jose ng abono ang mga tanim. Pag-aralan ang tsart na nagpapakita ng mga bahagi ng payak na pangungusap. Simuno Panaguri Athena nagwawalis ng bakuran Brigette nagdidilig ng halaman Rose nagbubungkal ng lupa Kuya Anton hinahakot ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono Mark nagdadamo Mang Jose nilalagyan ng abono ang mga tanim Ano ang mga bahagi ng pangungusap? Mayroon bang buong diwa ang bawat bahagi? Bakit? Anong uri ng pangungusap ang nagpapahayag ng isang buong diwa o kaisipan lamang? Anong bantas ang ginagamit sa hulihan ng pangungusap? Ano ang payak na pangungusap? Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan lamang. Ito ay may dalawang bahagi: ang simuno at ang panaguri. Tandaan
  • 79. Simuno ang tawag sa bahaging pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ang tagaganap ng kilos sa pangungusap. Panaguri naman ang bahaging nagsasabi tungkol sa ginawa o ikinilos ng simuno. Gumagamit tayo ng bantas tulad ng tuldok (.), tandang pananong (?) o padamdam (!) sa hulihan ng pangungusap. Gawain 1 Sumulat ng payak na pangungusap tungkol sa bawat larawan. Lagay ang sagot sa loob ng bilog. Subukin
  • 80. Tulad ng Langgam ni: Claire B. Barcelona “Tingnan mo ang mga langgam, Kuya Anton. Bakit kaya sila masyadong abala?” tanong ni Brigette. “Nagtutulungan silang humanap ng pagkain bilang paghahanda sa tag-ulan,” sagot ng kaniyang kuya. Habang pinagmamasdan nilang dalawa ang mga langgam na nakapilang gumagapang, narinig nila ang tawag ng kanilang tatay. “Athena, Brigette at Rose, halika kayo rito. Tulungan ninyo akong linisin ang ating bakuran,” pakiusap ni Mang Jose sa mga anak. Dali-daling lumapit ang mga bata sa kanilang tatay. Maya- maya’y naging abala na ang lahat. Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si Mang Jose Basahin at Alamin
  • 81. sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan. Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng gawain. Nakangiting pinagmamasdan ng Nanay ang kaniyang mga anak. “ Para kayong mga langgam na abalang tinatapos ang gawaing bahay,” sambit ng kanilang ina. Sagutin ang mga tanong.  Ano-ano ang gawaing bahay ng mga kasapi ng pamilya?  Ano ang kanilang natuklasan sa sama-samang pagtatrabaho?  Sa anong insekto inihambing ng nanay ang kanyang mga anak?  Bakit kaya sa langgam inihambing ng nanay ang mga bata?  Ano ang kahulugan ng sinabi ni Anton na nag-iipon ang mga langgam para sa tag-ulan?  Anong katangian ng langgam mayroon ang mga bata?  Anong ugali ng mga tauhan ang dapat na gayahin? Gawain 2 Ano-ano ang mahalagang pangyayari na ginawa ninyo ng iyong pamilya sa mga espesyal na okasyon? Isulat sa loob ng banderitas ang iyong karanasan sa bawat pangyayaring nakasulat sa kahon gamit ang payak na pangungusap. Gumamit ng ibang papel para sa iyong sagot.
  • 82. Basahin ang mga talata tungkol sa pamilya ni Mang Jose. Nagwawalis ng bakuran si Athena. Nagdidilig ng halaman si Brigette. Nagbubungkal ng lupa si Rose. Nagbubunot ng damo ang bunsong si Mark. Hinahakot ni Kuya Anton ang mga tuyong dahon sa hukay na gagawing abono. Naglalagay ng abono si Mang Jose sa mga halaman. Bawat kasapi ng pamilya ay tulung-tulong sa paglilinis ng kanilang gulayan. Ang sama-samang pagtatrabaho ay nagpapabilis at nagpapadali ng gawaing bahay. Bawat kasapi ng pamilya ay may kani-kaniyang gawain. Ginagawa ng mga bata ang gawaing kaya na nilang gawin sa tulong at gabay ng kanilang tatay at nanay. Bawat maliit na tulong ay nakapagpapabilis ng gawain. o Ano ang isinasaad sa bawat talata? o Ano ang pangunahing diwa ng unang talata? Ikalawa? o Ano-anong pangungusap sa talata ang sumusuporta sa pangunahing diwa? o Ano ang tawag natin sa mga pangungusap na ito? bakasyon kaarawan Pasko pista Araw ng mga Puso Sabihin at Alamin
  • 83. o Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng bawat talata? o Saan makikita sa talata ang susing pangungusap?  Ano ang susing pangungusap?  Ano ang pangunahing diwa? Gawain 3 Basahin ang maikling kuwento at buuin ang kaisipan. Isulat ang nawawalang impormasyon.  Ang susing pangungusap ay nagsasaad ng pangunahing diwa ng talata. Ito ay maaaring matagpuan sa unahan, sa gitna o sa hulihan ng talata. Lahat ng pangungusap sa talata ay sumusuporta sa susing pangungusap.  Ang pangunahing diwa ay naglalaman ng mahalagang impormasyon na nagsasaad ng kabuuang layunin ng Tandaan
  • 84. Basahin ang diyalogo hango sa isang paalala sa radyo. Tagapagsalita 1 : Ang DCBB Balita Nagyon ay magbabalik pagkaraan ng paalalang ito. Joseph : Mark, saan ka galing? Mark : Pumunta ako sa silid-aklatan. Doon ako gumawa ng aking takdang aralin at humiran na rin ako ng aklat. Joseph : Bakit ka pa nagbabasa? Maglaro na lang tayo sa computer. Mark : Mabuti raw na libangan ang pagbabasa, sabi ni Tatay.Halika at ipakikita ko sa iyo ang aking paboritong kuwento dito sa aklat na hiniram ko. Pamagat ng Kuwento Pagbabasa ng Diyaryo Pag-iipon ng mga Larawan liba- ngan pagbab a-sa ng aklat at diyaryo pagtata -nim ng halama n Basahin at Alamin
  • 85. Joseph : Uy , kay bilis mong nahanap ang pahina ng kuwento! Mark : Dahil alam kong lahat ang mga bahagi ng aklat, mabilis kong nakikita ang aking hinahanap. Joseph : Siguro, kailangan ko nang sumama sa iyong magbasa. Mark : Tama! Nakalilibang ang magbasa at marami kang matututuhan. Tagapagsalita 2 : Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng AKLAT Foundation at ng istasyong ito. o Tungkol saan ang paalala sa radyo? o Paano nahikayat ni Mark si Joseph na makiisa sa kaniyang libangan? o Bakit namangha si Joseph sa paraan ng paghahanap ni Mark ng kuwento sa aklat? Gawain 4 Pag-aralan ang datos na nakatala sa talahanayan na nagbibigay ng impormasyon ng iba’t ibang bahagi ng aklat. Bahagi ng Aklat Kahulugan 1. Pabalat ng aklat nagpapakita ng pamagat ng aklat, may-akda at gumuhit ng mga larawan. 2. Talaan ng pagpapalimbag ng aklat nagsasaad kung kailan inilimbag ang aklat
  • 86. 3. Talaan ng nilalaman nagpapakita ng paksa o aralin at pahina kung saan ito mababasa 4. Katawan ng aklat nilalaman ng aklat 5. Glosari nagsasaad ng kahulugan ng mga salitang ginamit  Ano-ano ang bahagi ng aklat?  Anong impormasyon ang makikita sa bawat bahagi nito? Gawain 5 Itambal ang hanay A sa bahagi ng aklat na nasa hanay B kung saan ito makikita. Isulat ang letra ng sagot sa isang papel. A B 1. Landas sa Pagbasa a. talaan ng pagpapalimbag ni Paz M. Belvez 2. EduResources Publishing, Inc. b. pabalat ng aklat Visayas Avenue, Quezon City 3. Aralin 1- Mga Tugmang- bayan c. glosari (Salaysay)………….2 4. malumbay , 24 5. Antonio Basilla, tagapagguhit d. talaan ng nilalaman Lingguhang Pagtataya Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng linggong ito.
  • 87. Subuking sagutin nang wasto ang bawat aytem. A. Pakinggan ang kuwento at sagutin ang mga tanong. “Nanay, nasaan po kayo?” tawag ni Mark. Hinanap niya ang kaniyang ina sa loob ng bahay ngunit walang tao roon. Lumabas siya ng bahay at nakita niyang ang lahat ay abala. Nakita niyang naglilinis ng kanal ang kaniyang Tatay. Inilalagay naman ng kaniyang Kuya Anton ang mga basyong boteng lalagyan ng tubig. Si Athena at ang kaniyang Nanay ay nagwawalis. Dala ni Brigette ang plastik bag na lalagyan ng basura habang inihihiwalay ni Rose ang mga di nabubulok na basura. Lumapit si Mark sa mga kapatid at tumulong. “Bukas na ang magarbong parada. Handa na halos ang lahat para sa ating pista,” sambit ng kanilang Punong Baranggay na tuwang-tuwa. “Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa-hiwalay,” puna ni Mark . 1. Ano ang magandang pamagat para sa kuwento? a. Ang Pista b. Oras ng Maglinis c. Pagtutulungan ng Mag-anak d. Paghahanda sa Pista 2. Aling pangungusap ang nagsasaad ng buod ng binasa? a. Ang lahat ay abala sa paglilinis ng daan. b. Hiniling ng Punong Baranggay ang bawat mag-anak na maglinis. c. Tumutulong ang mga bata sa pagpapanatili ng kalinisan sa pamayanan. d. Hinihimok ng mga magulang ang kanilang mga anak na maging responsable.
  • 88. 3. Aling pangungusap sa ibaba ang tumutugon sa diwang “Matatag kung sama-sama, marupok kapag hiwa- hiwalay?” a. Hinihikayat ang mga batang maglinis ng daan. b. Ang matatanda lamang ang dapat na tumulong sa paghahanda para sa pista. c. Iniutos ng Punong Baranggay ang bawat mag- anak na maglinis ng daan. d. Bawat kasapi ng mag-anak ay sama-samang tumutulong sa paghahanda para sa pista. B. Salungguhitan ang anyo ng pananalitang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang S kung simile ang ginamit at M kung metapora. _____4. Gutom na gutom ang mga biyahero kaya kumain silang tulad ng baboy. _____5. Galit na leon si Gng. Tuazon nang makita niyang nabasag ang kaniyang paboritong plorera. _____6. Hindi mabango ang durian ngunit ang lasa ay tulad ng langit kapag iyong natikman. _____7. Ang nanalo’y isang kabayong hindi patatalo sa karera. C. Basahin at bilugan ang letra ng tamang sagot. Sabado ng umaga, gumagayak ang magkakapatid para dalawin ang kanilang mga lolo at lola. Maagang gumising si Athena at nagluto. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa kanilang lolo. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa kanilang lola. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo at lola. Nagsasanay naman ng sayaw sina
  • 89. Anton at Joseph para sa kanilang paaralan. Lahat sila’y nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola. 8. Ano ang susing pangungusap? a. Umaga ng Sabado. b. Lahat sila’y nananabik na makarating sa bukid ng kanilang lolo at lola. c. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo at lola. d. Gumagayak ang magkakapatid para dalawin ang kanilang mga lolo at lola. 9. Aling pangungusap ang HINDI sumusuporta sa pangunahing diwa? a. Gumagawa ng biskuwit si Brigette para sa kanilang lolo. b. Nagsasanay naman ng sayaw sina Anton at Joseph para sa kanilang paaralan. c. Pumipitas ng mga gumamela si Rose para sa kanilang lola. d. Nagsasanay umawit ang bunsong si Mark para sa kanilang lolo at lola. 10. Ano ang kaisipang diwa ng talata? a. Ang mga Batang Abala b. Katapusan ng linggo sa Lolo at Lola c. Kapana-panabik na Araw sa Bukid d. Paghahanda sa Pagbisita sa Lolo at Lola 11. Gustong malaman ni Rose ang sumulat, tagapagguhit at naglimbag ng aklat, aling bahagi ng aklat ang kanyang titingnan? a. indeks o indise b. glosari c. pabalat ng aklat d. talaan ng nilalaman 12. Pag-aralan ang pangkat ng mga salita sa ibaba.
  • 90. Ali ang halimbawa ng payak na pangungusap? a. Tumutulong ang mga bata sa kanilang Nanay na magluto ng tanghalian. b. Tatlongmakukulay na paruparo sa isang magandang hardin c. Pumunta si Ramil sa Maynila at dinalaw niya ang kaniyang asawang si Joyce. d. Umiyak si Anjelie dahil nawala ang kanyang computer sa paaralan. D. Sumulat ng tatlong (3) payak na pangungusap tungkol sa larawan. Gumamit ng anyo ng pananalita sa paglalarawan. Isulat ito sa papel. (13-15) Unang Kuwarter Ikawalong Linggo Paunang Pagtataya: Lagyan ng tsek (/) ang hanay na kakatawan sa iyong pansariling palagay sa nakahayag na konsepto. Lagyan ng sagot ang huling dalawang hanay kung alam mo ito. _________________________________________ _________________________________________ _________________________________________ _________________________________________ _________________________________________ _________________________________________ ____________________
  • 91. Konsepto Ala m na ala m ko Ito Narini g ko na Ito Wala Palatandaa n Halimbaw a Kahuluga n tambalang pangungusap salitang may iba’t ibang kahulugan nakapagbibiga y- hinuha sa nararamdaman ng tauhan talaan ng nilalaman
  • 92. Tara Na! ni Florita R. Matic Ang lahat ng kasama’y abala Ang pakiramdam ay masaya Dahil lahat ay tiyak na sasama Sa lakbay-aral na kay saya Tiyak na magdudulot ng ligaya. Tara na at maglakbay Ingat lang at alalay Sa paanan ng burol Hakbang mo’y ingatan Talampakan ay tatagan. Mga puno sa burol Puno ng sangang madahon Sa tabi naman nito’y May tubo na nakabaon. Doon sa di kalayuan Iyong masisilayan Mga tanim na tubo Tubo na ang ilan Kay sarap tikman. Paso at lapnos ang aming balat Sa init ng araw na matingkad. Dahil sa layo ng aming nilakad Katawang pagod ay agad napaupo Sa tabi ng paso dahil sa hapo. Basahin at Alamin
  • 93. o Anong mga salita ang ginamit nang dalawa o higit pang beses sa rap na binasa? o Ano-ano ang kahulugan ng salitang puno? tubo? paso? o Magkakapareho ba ang kahulugan ng bawat salita? o Paano natin malalaman ang angkop na kahulugan ng salitang magkapareho ang baybay? Mga Salitang may Iba’t Ibang Kahulugan Pag-aralan ang mga kahulugan ng mga salita sa loob ng tsart. Salita Kahulugan puno tanim o punong- kahoy maraming laman tubo daluyan ng tubig isang uri ng pananim na ginagawang asukal usbong ng halaman na lalaki pa lamang paso lapnos sa balat dahil sa init lalagyan ng halaman  Ano ang tawag sa mga salitang nasa loob ng tsart?  Ano ang ibig sabihin ng salitang may iba’t ibang kahulugan?  Paano mo malalaman kung ano ang angkop na kahulugan ng salitang may magkaparehong baybay na ginamit sa pangungusap? Sabihin at Alamin
  • 94. Pag-aralan ang bawat pangungusap at itambal ito sa larawang nagpapahayag ng kahulugan nito. Ibigay ang letra ng tamang sagot. a. Bumili ng bagong saya si Ana. 1. 2. b. Makikita sa mukha ng mga bata ang saya na kanilang nararamdaman. 3. c.Malakas ang tunog ng pito.  Ang mga salita’y maaaring magkaroon ng isa o higit pang kahulugan.  Ang kahulugan ng salita’y nakabatay sa kung paano ito ginamit sa pangungusap. Tandaan Isipin
  • 95. 4. d. Alam kong isulat ang simbolo ng bilang na pito. 5. e. Magtanim tayo ng puno. f. Puno ng kape ang tatlong tasa. 6. Pagbibigay ng Hinuha sa Nararamdaman ng Tauhan Basahin ang usapan ng mga tauhan sa kuwento. Ibigay ang iyong hinuha sa kanilang nararamdaman. o Sino-sino ang tauhan sa usapan? Athena: Hindi ko makuha ang tamang sagot. Brigette: Patulong kaya tayo kay Kuya Anton. Anton:Madali lang yan. Tutulungan kita. Ano ang sinabi? Mang Jose: Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya. Ano ang nararamdaman? Sabihin at Alamin
  • 96. o Ano ang nararamdaman ni Athena? o Ano ang iniisip ni Brigette? o Ano ang sagot ni Anton? o Ano ang naramdaman ni Mang Jose sa kaniyang mga anak? o Ano kaya ang nararamdaman ni Athena? ni Brigette? ni Anton? ni Mang Jose? Basahin ang nilalaman ng tsart. Isulat ang iyong hinuha tungkol sa naramdaman ng mga tauhan batay sa kanilang usapan. Tauhan Nararamdama n Iniisip Ginawa Usapan Ugali Athena Brigette Anton Mang Jose Ano ang ating binibigyan ng pansin kapag tayo ay nagsasabi ng hinuha tungkol sa nararamdaman ng tauhan?  Sino-sino ang tauhan sa kuwento?  Paano mo masasabi kung ano nararamdaman ng tauhan sa kuwento? Ang tauhan ay maaaring tao o hayop na gumaganap sa kuwento. Masasabi natin kung ano ang nararamdaman ng tauhan batay sa kaniyang sinasabi, ginagawa o iniisip. Tandaan
  • 97. Gawain 1 Pakinggan ang talatang babasahin ng guro tungkol kay Dino. Isipin kung kailan naramdaman ni Dino ang sumusunod na damdamin. Paano mo ito nalaman? Damdamin Sitwasyon kinakabahan kawalan ng tiwala sa sarili maiyak-iyak matapang Ako po si Dino. Ako po si Angela. Ano po ang ugali ko? Subukin
  • 98. Gawain 2 Ibigay ang nararamdaman ng pangunahing tauhan. Ugali Ginawa at Sinabi ng Tauhan “Hindi ko halos narinig kung kailan ka nagkamali. Lahat ay pumalakpak pagkatapos mong tumugtog.” “Narinig kitang tumugtog. Ang husay mo!” Niyakap niya ang kapatid. “Bakit, Dino?” bulong niya sa kapatid. Ako po si _______ ___________.
  • 99. Magandang Ideya ni: Claire B. Barcelona “Tapos na halos ang aking takdang-aralin, Ate Athena,” sambit ni Brigette sa kapatid. “Talaga, paano mo ito nagawa?” tanong ni Athena. “Nahihirapan akong makuha ang sagot. Sinubukan kong sagutin nang maraming beses pero hindi ko talga makuha,” sagot ni Brigette sabay lapit sa kanyang kapatid. Tiningnan niya ang sagot ni Brigette sa Math. Name of the character thinks does feels says Basahin at Alamin
  • 100. “Ano kaya ang mali sa sagot mo?” nakakunot-noong tanong ni Athena. “ Mayroon akong magandang ideya. Patulong tayo kay Kuya Anton. Isa siyang Math wizard,” giit ni Brigette sa kapatid. Nakangiting ipinaliwanag ni Anton sa kapatid kung ano ang gagawin. Humanga ang magkapatid sa husay ng kanilang Kuya Anton sa Math. “ Sa tuwing kakailanganin ninyo ng tulong sa Math, lagi akong nandito para tumulong. Huwag ninyong isiping mahirap ang Math. Kailangan lang na ilagay ninyo ito sa inyong puso,”mababang-loob na paliwanag ng kanilang Kuya Anton. Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at sinabing “Ipinagmamalaki ka ng ating pamilya.” Niyakap ni Mang Jose ang mga anak at sabay-sabay silang tumungo sa hapag-kainan. Sagutin ang mga tanong. o Paano ibinahagi ni Anton ang talino niya sa kaniyang mga kapatid? o Bakit siya tinawag na Math wizard ng kaniyang mga kapatid? o Ano ang ginagawa ni Anton upang mas mapaghusay pa niya ang kaniyang galing sa Math? o Anong talento ang mayroon ka na kailangan mong ipagmalaki? o Ibinabahagi mo sa iyong pamilya ang iyong talento? Paano? o Anong ugali ni Anton ang dapat mong gayahin?
  • 101. Tambalang Pangungusap Basahin ang mga pangungusap tungkol sa kuwento. a. Ngumiti si Anton sa kanyang mga kapatid at ipinaliwanag niyang mabuti ang gagawin. b. Nangamba si Brigette at humingi siya ng tulong sa kapatid na si Athena. c. Tinapik ni Mang Jose sa balikat si Anton at binati niya si Anton. d. Niyakap nila ang isa’t isa at sama-sama silang tumungo sa hapag-kainan. Ano-anong kaisipan ang ipinahahayag sa bawat pangungusap? Pag-aralang mabuti ang unang pangungusap. Ngumiti si Anton sa kanyang mga kapatid at unang kaisipan ipinaliwanag niyang mabuti ang gagawin. ikalawang kaisipan o Ilang buong kaisipan ang ipinahahayag sa pangungusap? o Ano-ano ang lipon o grupo ng mga salitang makatatayong mag- isa dahil may buong kaisipang ipinahahayag? o Anong salita ang ginamit upang pag-ugnayin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa? o Ano ang tawag sa katagang ginamit sa pangungusap upang pag-ugnayin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa? Tukuyin ang mga sugnay na nakapag-iisa sa ibang pangungusap na ginamit sa kuwento. Basahin at Alamin
  • 102.  Ano ang tambalang pangungusap?  Ano ang tinatawag na sugnay na nakapag-iisa?  Ano ang pang-ugnay?  Ano-anong pang-ugnay ang ginagamit sa tambalang pangungusap?  Anong bantas ang ginagamit sa tambalang pangungusap? Gawain 3 A. Nasaan ang aking kaparis? Pagtambalin ang dalawang sugnay na nakapag-iisa upang makabuo ng tambalang pangungusap. Gumamit ng wastong pang-ugnay. Isulat ang sagot sa isang papel. A 1. Pagpipinta ang gusto ni Mark. 2. Tumutugtog ng gitara siJoseph. 3. Lumalangoy si Erick na tulad ng isda. 4. Mahusay sumayaw si Grace. 5. Simbilis ng kabayo kung tumakbo si Ramil. B a. Araw-araw siyang nagsasanay. b. Siya ang lider ng cheering squad. • Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawang sugnay na nakapag-iisa. • Pinag-uugnay ito ng pang-ugnay na at, o, ngunit at saka. Tandaan
  • 103. c. Kumakanta ang banda nila sa handaan. d. Sumasali siya sa paligsahan ng pagguhit. e. Nakatatanggap siya ng gintong medalya sa paligsahan. Gawain 4 Talaan ng Nilalaman ng Aklat Pag-aralan ng talaan ng nilalaman. Sagutin ang mga tanong. o Ilang aralin mayroon sa talaan? o Ano ang pamagat ng huling aralin? o Saang pahina mo makikita ang impormasyon tungkol sa pagtuklas ng iyong lakas? o Anong impormasyon ang makikita sa pahina 98? o Aling aralin ang nagbibigay ng pangkalahatang ideya ng libangan? o Ibinabahagi ni Anton ang kaniyang talento sa kaniyang mga kapatid. Sa anong aralin maiuugnay ang karanasang ito? o Anong aralin ang tumatalakay sa ugnayan ng libangan at priyoridad? o Kung bago mo lamang natutuklasan ang iyong talento, aling aralin ang babasahin mo? Mga Libangan Mo Aralin 1 Pag-usapan ang mga Libangan…………………1-7 Aralin 2 Pagtuklas sa iyong Lakas……………………... 8-39 Aralin 3 Pagyamanin ang Galing….………………….. 40-76 Aralin 4 Ibahagi sa Iba………… ……………………… 77-99 Aralin 5 Pagpapaunlad sa Sarili…..…………………100-124 Aralin 6 Libangan laban sa Priyoridad…………….125-150 Tandaan
  • 104.  Ano-anong impormasyon ang makikita sa talaan ng nilalaman ng aklat?  Paano mo magagamit ang talaan ng nilalaman ng aklat? Lingguhang Pagtataya Ito ay isang pagsusuri ng iyong kaalaman sa mga aralin ng linggong ito. Subuking sagutin ang bawat aytem nang wasto. A. Pakinggan ang kuwento. Sagutin ang mga tanong. Piliin ang wastong letra. Kambal sina Myko at Myka. Nakatanggap sila ng regalo galing sa kanilang Tito Bobby. Iginiit ni Myko na sa kaniya ang bisikleta. Kahit basketbol ang kaniyang pinaglalaruan, ayaw niyang ipagamit ang bisikleta sa kaniyang kakambal ni si Myka. “Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta. Maaari bang pahiramin mo ako ng iyong bola,” pakiusap ni Myka. “Ayoko, bola ko ito. Mayroon ka namang manika,” galit na tugon ni Myko sa kakambal. Tinawag silang dalawa ng kanilang Nanay. 1. Alin sa mga salita ang maaari mong masabi na ugali ni Myko? a. makasarili b. mapagtiwala • Ang talaan ng nilalaman ng aklat ay makikita sa unahang bahagi ng aklat.  Nakasaad dito ang yunit, aralin o kuwento at kung saan pahina ang mga ito matatagpuan .
  • 105. c. palakaibigan d. matigas ang ulo 2. Ano ang naramdaman ni Myka sa ugali ng kaniyang kakambal? a. natakot b. nalungkot c. nagalit d. humingi ng paumanhin 3. Aling pangungusap ang nagsasaad na makasariling bata si Myko? a. Hindi mo puwedeng gamitin ang aking laruan. b. Mayroon kang sariling manika. c. Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta. d. Maaari bang mahiram ang iyong bola? B. Basahin at piliin ang letra ng tamang sagot. _____5. Alin ang tambalang pangungusap? a. Nakiusap si Myka kay Myko na pahiramin siya ng bola. b. Nakatanggap ng regalo sina Myko at Myka sa kanilang Tito Bobby. c. Nang hindi pinahiram ni Myko ng laruan si Myka, umalis siyang maluha-luha. d. Nagpasalamat ang kambal sa kanilang Tito Bobby at ikinatuwa nila ang regalo. 6. Bumili ng tatlong kilong karne si Athena upang gawing hamon. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? a. karneng manamis-namis ang luto b. paghingi ng tawad c. pag-aanyaya ng away
  • 106. d. pagkaing gawa sa isda 7. Pagsamahin ang payak na pangungusap gamit ang wastong pang-ugnay. Tumula ang mga batang babae. Nagsayaw ang mga batang lalaki. Alin ang tama? a. Tumula ang mga batang babae kaya nagsayaw ang mga batang lalaki. b. Tumula ang mga batang babae ngunit nagsayaw ang mga batang lalaki. c. Tumula ang mga batang babae at nagsayaw ang mga batang lalaki. d. Tumula ang mga batang babae nang sumayaw ang mga batang lalaki. 8. Pag-aralan ang larawan. Aling kahulugan ng salitang saya ang angkop na ginamit sa pangungusap batay sa larawan? a. Nakadamit ng saya ang mga bata. b. Saya ang dulot ng sanggol sa pamilya. c. Baro at saya ang kasuotan ng mga ninuno nating Pilipino. d. Ang saya ng mga bata ay makikita sa kanilang mga ngiti. Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may salungguhit na ginamit sa pangungusap. a. taniman ng halaman b. lapnos ang balat dahil sa init c. lagpas na sa itinakdang araw
  • 107. 9. Nabasag ang paso dahil nabunggo ng pusa. ______ 10. Ginamot ng Nanay ang mga paso ni Mark sa braso. ______ 11. Nagpagawa si Anton ng bagong I.D. dahil paso na ito. ______ C. Pag-aralan ang talaan ng nilalaman ng aklat. 12. Aling aralin ang kailangan mong basahin kung gusto mong malaman ang ehersisyong bagay sa iyo? a. aralin 1 b. aralin 2 c. aralin 3 d. aralin 4 13. Anong impormasyon ang nasa pahina 32? a. Tamang Ehersisyo b. Gabay sa Pagkain c. Mabuti sa Katawan d. Pag-iingat na Kailangan D. Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng dalawang tambalang pangungusap tungkol dito. Malusog na Pamumuhay Aralin 1 Ano ang Mabuti sa Katawan?................... 1-18 Aralin 2 Pag-iingat na Kailangan…...…………….. 19-36 Aralin 3 Mag-exercise Tayo……………..………… 37-54 Aralin 4 Pagkaing Tama sa Iyo…………............... 55-75 14.________________________________________________ 15. ________________________________________________
  • 108. Unang Kuwarter Ikasiyam na Linggo Pagpapayaman ng Bokabularyo
  • 109. Basahin nang mabuti ang pangungusap. Piliin kung alin sa mga sagot ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap. 1. Ibinalik ni Mia ang tapon upang hindi sumingaw ang amoy ng alcohol. a. Inutusan ko si Mia na ilagay muli ang tapon ng bote ng alcohol. b. Tapon nang tapon ng basura ang mga bata sa baybay kalsada. 2. Mahahalagang tala ng kasaysayan ang matatagpuan mo sa Corregidor. a. Kapakipakinabang ang mga tala mula sa mga makasaysayang lugar ng ating bansa. b. Maliwanag ang tala kung gabi. 3. Laging bukas ang aming tindahan araw-araw. a. Pakiusap,iwanan mo na bukas ang pinto, may dadating na panauhin. b. Bukas aalis na ang iyong pinsan. 4.  Paano mo nakilala ang mga slitang maraming kahulugan. Tandaan • May mga salita na maraming kahulugan. • Nagbabago ang kahulugan ng mga salita ayon sa gamit nito sa pangungusap. Basahin at Alamin
  • 110. Gawain 1 Hanap larawan: Lagyan ng tsek ang tamang larawan. 1. Kulay ube ang puso sa puno ng saging. 2. Si Mimi ay nagdiwang na ng ika-pito niyang kaarawan. 3. Ang baso ay puno ng gatas. 4. Saya ang nais isuot ni ate sa Linggo ng Wika. 5. Kulay berde ang upo. Tandaan
  • 111. Balikan ang detalye ng kuwento. Piliin ang katangian ng tauhan ang inilalarawan sa pangungusap. a. Iniwan ni Monita kay Monina ang mga kasangakapan na hindi nahuhugasan sa gabi. Si Monita ay__________. mapagbigay bastos tamad b. Hinigasan ni Monina ng mga pinggan ng walng reklamo. Monina ay __________. mabait mapagbigay matulungin c. “Monita, ibigay na lang natin sa matndang nagugutom an gating baon. Si Monina ay__________. malungkot galit mapagbigay d. “ Ibigay mo ang iyong baon, pero ang sa akin ay hindi ko ibibgay, “ wika ni Monita. Siya ay _________. Makasarili maalalahanin palakaibigan e. Nararamdaman niyang siya ay __________. masaya malungkot mainitin ang ulo Sabihin at Alamin
  • 112. Ano pa ang maaaring pagkakilanlan o clue ng isang tauhan sa kuwento upang malaman natin ang kanyang ugali. Basahin ang mga payak na pangungusap. Pagsamahin ang dalawang na pangubgusap sa pamamagitan ng pagdadagdag ng salitang dahil o habang. 1. Masaya ako. Nakapasa ako sa pagsusulit. __________________________________________________ 2. Nilinis ni maria ag kuwato. Naghihintay si Mario sa labas. __________________________________________________ 3. Umawit si Paolo. Matamang naking ang kaniyang mga kaklase. __________________________________________________ 4. Umuwi kami nang maaga. Nagpatawag ng pagpupulong ang punong guro. __________________________________________________ 5. Tumatahol ang aso. Maraming tao sa likod bahay. Ano ang hugnayang pangungusap? Paano nabubuo ang hugnayang pangungusap? Tandaan: Kung ano ang sinasabi, ginagawa, inisip at nararamdan ng tauhan ay ngpapakita kung anong ugali siya mayroon. Basahin at Alamin Tandaan
  • 113. A. Basahing mabuti ang pangungusap. Sahin kung ang pangungusap ay tambalan o hugnayang pangungusap. 1. Pumunta kami sa hardin ngunit wala naman kaming ginawa doo kahapon. 2. May sakit si Alice at kailanagn niyang tumigil muna sa bahay 3. Nagpunta ang pamilya Montemayor sa evacuation center dahil nangangailangan sila ng tulong. 4. Hindi magamit nina Lina at Sarah ang bisikleta dahil sira ito. 5. Nagbasa ang nanay ng magasin habang naghihintay siya ng bus. B. Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay ng pag ugnay na dahil o habang. 1. Nakapunta kami sa marming lugar _____ kami ay nasa Cebu. 2. Kailangan ni Marta na magsuot ng tsinelas ______ maga ang kanyang paa.  Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap. Nagpapahayag ito dalawang kaisipan at pinagsasama ng mga pang ugnay na  dahil o habang. Subukin
  • 114. 3. Sikat ang pamilya Garrara ________lahat ng kanilang mga anak ay nasa honor roll. 4. Dapat tayo ay palaging magbasa _______ tayo ay bata pa. 5. Pumunta muna kami sa silid-aklatan ______ naglilinis ang mga lalaki sa silid-aralan. Basahin ang talaarawan. Sagutin ang tanong. Tanong: 1. Sino ang sumulat ng talaarawan? April 25, 2012 Ibinili ako ng Tatay ng asul na bisikleta.sa darating na bakasyon mag-aaral akong mag drive. Natutuwa talaga ako! Bert April 27, 2012 Marunong na akong mag drive ng bisikleta. Tinuruan ako ng Tatay. Ngunit dahil madulas ang kalsada kahapon,natumba ako. Nasaktan ang aking tuhod. Napakasakit. Bert ;’ Basahin at Alamin
  • 115. 2. Ano ano ang mahahalagang detalye mula sa talaarawan? 3. Ano ang sinasabi ng talaarawan tungkol kay Bert? Subukin: Pagsulat ng talaarawan Sagutin ang tanong: 1. Ano ang mahalagang nagyari sa iyo noong Sabado? Sumulat ng dalawang pangungusap. 2. Bakit nangyari iyon? 3. Ano ang naramdaman tungkol dito?? Gamit ang inyong mga sagot, isulat sa talaarawan ang inyong karanasan Sa talaarawan karaniwang isinusulat ang mga bagay tungkol sa ating sarili.Mga pangyayari na gusto at hindi natin gusto. Nakatutulong ito upang matandaan o mabalikan natin ang mahahalagang pangyayari sa ating buhay. Ang Aking Talaarawan _________________________ Petsa ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ Tandaan
  • 116. Pagpapayamang Gawain Iguhit ang inyong isinulat sa inyong talaarawan. Gawin itong kawili-wili sa paningin sa pamamagitan ng pagkukulay. Isalaysay sa buong klase ang iyong nabuo. Suriin ang inyong sariling.Lagyan ng tsek ang nagpapakita ng bahagi o kapareha ng inyong sagot. Nilalaman at Kaayusan Nakuha 1. Ang mga pangungusap ay naisulat nang angkop, kumpleto at nauunawaan (my tamang bigkas))
  • 117. 2. Ang mga pangungusap ay maliwanag at kumpleto. 3. Sentences hindi kumplteto pero maliwanag Katangian 1. Ang mga nakasulat ay nagbabahagi ng buhay ng isang mag-aaral. 2. Ibang kamag-aral 3. Kulang ng mg detalye