the presentation wants to encourage international communities to help the people of Jomalig. In the first place, it also encourages the sons and daughters of Jomalig who found greener pastures in other countries to become investors to invest in Jumalig, Quezon.
1. The Quest for Food Security
and Sustainable Livelihoods
Inilahad ni :
G. Honorio A. Roldan
Pangulo
Mangrove Protectors
Brgy. Casuguran, Jumalig, Quezon
at
G. Alfredo N. Darag Jr.
Advocacy and Communications Officer
SAC Northern Quezon
2. Jumalig
•Maliit at malayong islang komunidad
sa Karagatang Pasipiko. 5 hanggang 8
oras na paglalakbay hanggang Real. 7
hanggang 12 oras hanggang Atimonan
•Ang layo ng isla ang naglilimita sa
opurtunidad- pangkabuhayan
•Ang mga pinagkakakitaan
(Livelihoods) ay halos nakabatay sa
likas yaman
•Pampanahunang Pinagkakakitaan JUMALIG, QUEZON
(Seasonality of livelihoods)
3. Jumalig
•Ang pampanahunang
pagkalantad sa malalakas na
hangin sa panahon ng Amihan
Nalilimitahan ang pagpasok at
paglabas ng mga kalakal sa
kalupaan (mainland) gaya ng
pagkain, gamot at iba pang mga
serbisyo.
•Kahirapan
Mababa at hindi palagian
(regular) na kita o income
Mababang suplay ng pagkain
tuwing Amihanin (lean months)
4. Mga Suliranin o Problema
• Kakulangan ng likas yaman sa isla. Walang bundok kaya
walang buhay na ilog. Walang mapagkukunan ng tubig para sa
irigasyon para sa mga palayan. Kaya ang ani ng buong Jumalig
ay kulang para sa mamamayan nito.
• Maituturing na karupukan o kahinaan ng maliit na isla ang
kahinaan/bulnerabilidad sa gawaing pangkabuhayan gaya ng
maling paraan ng pangingisda, pagkakaingin, pag-uuling at
ilang pamumutol ng kahoy.
• Nagpapalala ito sa risgo ng sakuna sa maliit na isla dahil
madaling nauubos ang kaunting likas –yaman.
5. Kalagayan ng Isla sa Panahon ng
Amihanin
• Ang Amihanin ay nararanasan sa loob ng halos anim
(6) na buwan mula Oktubre hanggang Pebrero at
maagang bahagi ng Marso
• Ang mga maliliit na mangingisda ay hindi
makapangisda sa laot dahil malalaki ang alon kaya
wala silang kita at wala halos makain
• Sa panahong ito , malakas ang silig sa ilalim ng
dagat at lumalabo ang tubig
6. Kalagayan ng Isla sa Panahon ng
Habagatin
KARAGATANG PASIPIKO
• Tumatagal ng mahigit limang (5) buwan
mula Buwan ng Mayo hanggang
Setyembre.
• Ang mga maliliit na mangingisda ay hindi
rin makalaot dahil hindi kayang sagwanan
pabalik ng Brgy. Casuguran.
• Nagdudulot ng dunlok o daluyong kaya
hindi makalaot ang maliliit na mangingisda
kaya wala silang kita at wala halos makain.
HANGING HABAGAT
HANGING HABAGAT
7. Ang Paghahanap sa Katiyakan sa Pagkain (Food Security) at
Likas- Kayang Kabuhayan (sustainable livelihoods)
•Ang Likas Kayang Pagsasaka (Sustainable Agriculture)
ay proyektong isinagawa sa pamamagitan ng SAC-NQ:
Nag-organisa ng mga samahan ng mga magsasaka
sa 5 barangay ng Jumalig.
Nagbigay ng mga pagsasanay sa Sustainable Agriculture,
rice breeding, seed banking, paggawa ng organikong
pataba at alternatibong pangangasiwa sa peste.
Nagtayo ng mga Trial Farms para sa katutubong o
organikong palay upang makita ang aangkop sa lugar.
Namahagi ng mga kalabaw, mga binhi, mga kagamitan sa
pagsasaka at iba pang kailangan ng mga magsasaka.
8. Hakbang upang tahakin ang landas ng Sustainable
Livelihoods
• Ang Likas Kayang Pagsasaka ay tumutugon
hindi lamang sa pangkabuhayan kundi
nagsusulong sa DRR at CCA
• Kahit tapos na ang proyekto ng SAC, ang
mga magsasaka ay patuloy na
sinusuportahan ng Pamahalaang Munisipal
ng Jumalig
• Ang Jumalig ay nagtatag ng Demonstration
Farm na nagtataguyod sa Likas Kayang
Pagsasaka
• Sa ika-50 anibersayo ng Jumalig, kinilala
ang mga nagtataguyod sa likas kayang
pagsasaka at ulirang mangingisda kalakip
ng gantimpala sa kanilang pagsisikap
9. Bakit Mangrove Aquasilviculture?
• Ang Likas Kayang Pagsasaka (S.A.) ay
nakatuon sa palay, mais, at gulay.
Mapupunan naman ng aqua silviculture
ang kakulangan ng isla sa pang-ulam
• Ito ang produksiyon ng pagkain sa
panahon ng Amihanin (Midyad, Lapu
Lapu, Alimango)
• Pagkakakitaan (income generation)
tuwing Habagatin at lalo na sa Amihanin
• Nagsusulong ito sa Pangangalaga sa
Pakatan:
Nursery ground for fishery resources
Pinagkukunan ng pang-ulam tuwing
Amihanin
10. Sa konteksto ng pag-unlad, ano ang gampanin ng
Mangrove Conservation at Aquasilvi Cuture?
• Ang pangangalaga ng pakatan ay dati
ng ginagawa ng mga mamamayan ng
Jumalig.
• Affirmation ang dulot ng Proyektong
ASCEND upang mas mapalalim sa
mamamayan na tama ang kanilang
ginagawang pangangalaga.
• Ang Aqua silvi culture ang napiling
angkop na hakbang na kikita ang mga
mamamayan na hindi masisira ang
pakatan
11. Paano pinadaloy (facilitate) ng Pamahalaang Lokal ng
Jumalig ang mga estratehiyang pangkabuhayan?
• Ang Munisipyo ng Jumalig ay nagsagawa
ng Talakayan-Ugnayan sa Punumbayan
upang dinggin ang mga proyekto ng
komunidad bunga ng PCVA
• Isa sa inilahad ng Mangrove Protectors
ang pormal na kahilingan na laanan ng
pondo ang pangangalaga sa pakatan
• Inaprubahan ni Mayor Rodelo Tena na
laanan ng pondong P50,000.00 ang
Proyektong Mangrove Protection sa
pakatan ng Ilog Sadong
12. Susing Mensahe
Ang pagpili po at disenyo ng pagkakakitaan o pangkabuhayan
(livelihoods) upang matugunan ang limitadong yaman ng isla at
Disaster Risk Reduction (DRR) ay hindi lamang nakatuon sa
kita at pang-ulam sa kasalukuyan panahon.
Pinakamainam na kaalinsabay nito ang pangangalaga sa likas
yaman para sa susunod pang henerasyon at pag angkop sa
nagbabagong klima (CCA).
Kailangan po ng aming komunidad ang gabay at tulong ng Civil
Society Organization (CSO) , gayundin ang suporta ng ating
pamahalaan upang patuloy na matamo ang katiyakan sa
pagkain at likas kayang kabuhayan.