Masayang Mundo ng Filipino - Preparatory
•Activities are designed to motivate pre-schoolers to express themselves using short, simple sentences in Filipino
•There will be songs, rhymes, poems and stories for children
2. Masayang Mundo ng Filipino
Preparatory
Batayang Aklat
Karapatang-ari 2010 ng DIWA LEARNING SYSTEMS INC
Reserbado ang lahat ng karapatan
Ang pangangasiwa sa editoryal, layout, at disenyo ay isinagawa ng
Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring gamitin o sipiin sa anumang anyo at pamamaraan nang
walang
nakasulat na pahintulot mula sa tagapaglathala.
Tanging tagapamahagi ang
DIWA LEARNING SYSTEMS INC
4/F SEDCCO 1 Bldg.
120 Thailand corner Legazpi Streets
Legaspi Village, Makati City, Philippines
Tel. Nos.: (632) 893-8501
FAX: (632) 817-8700
ISBN 978-971-46-0143-7
Raquel B. Bunag (May-akda)
Si Raquel B. Bunag ay kasalukuyang kumukuha ng Doctor of Education major in Educational
Management sa De La Salle University–Dasmariñas, Cavite. Nagtapos naman siya ng kanyang Master
of Education major in Educational Management sa nabanggit ding unibersidad at ng kanyang Bachelor
of Elementary Education (cum laude) sa Philippine Normal University (PNU). Siya ay kasalukuyang
nagtuturo sa Don Bosco Technical Institute–Makati.
Mona R. Alagar (Konsultant)
Nagtapos si Mona R. Alagar ng kursong Bachelor of Science in Psychology sa St. Paul College–Quezon
City. Siya ay kasalukuyang Preschool area coordinator sa Poveda Learning Center.
3. Paunang Salita
Narito ang bagong aklat sa Filipino na sadyang inihanda para
sa inyo. Layunin ng aklat na ito na malinang ang inyong kakayahan
at kasanayan sa mabisang pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at
pagsusulat.
Hinati-hati sa apat na yunit ang aklat na ito. Ang bawat yunit ay
binubuo ng mga kawili-wiling tugma, awit, diyalogo, at kwento. Maging
ang mga pagsasanay ay inihanda na tiyak na inyong kasisiyahan. Ang
mga ito ay makatutulong upang malinang sa inyo ang kahalagahan ng
katangian ng tunay na Pilipino tulad ng mabuting pakikipag-ugnayan sa
inyong mag-anak, pagmamalasakit sa inyong mga kaibigan sa paaralan,
at mahusay na pakikitungo sa mga namumuno sa pamayanan.
Inaasahang mapahahalagahan ninyo ang bawat aralin na
makatutulong sa inyong pag-unlad bilang isang mabuting mamamayan.
Gawin ninyong kawili-wili ang inyong pagtuklas sa mga bagay na nasa
inyong paligid sa tulong ng aklat na ito.
Mahalin at ingatan sana ninyo ang aklat na ito. Ugaliin ang
pagiging palabasa dahil ito ang magpapayaman sa inyong kaalaman.
Mabuhay ka!
Halinang magbasa!
4. Para sa mga Guro
Ang makabagong aklat na ito para sa mga preschooler ay
sadyang inihanda upang mabigyan ng makabuluhan at kawili-wiling
pagsasanay ang mga mag-aaral. Layunin ng aklat na ito na malinang
sa mga bata ang kanilang kasanayan at kakayahan sa pakikinig,
pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat. Isinasaalang-alang din na sa
tulong ng mga larawan, awitin, tugma, diyalogo, at kwento sa aklat na
ito ay malilinang sa mga mag-aaral ang kawilihan sa pagtuklas ng mga
bagay sa kanyang paligid
Inaasahan na huhubugin ang kakayahan ng mga bata ng mga
aralin na kinakailangan upang maging handa sila sa susunod na antas
at tungo sa mas malawak pang gawain.
Nakapaloob sa aklat na ito ang mga sumusunod na kasanayan:
Pagtukoy sa pagkakaiba at pagkakatulad ng mga hugis at anyo;
Pagkilala at pagbasa sa Alpabetong Filipino;
Pagbasa sa mga pantig, salita, parirala tungo sa pangungusap;
Pagsasagawa ng mga gawaing humuhubog sa kabutihang asal;
Pagkagiliw sa mga tula, awit, at kwento.
Inaasahan na sa masusing pagsubaybay ng guro ay makakamit ng
mga mag-aaral ang mga kinakailangang kasanayan. Gawing kawili-wili
ang pagtuturo ng mga aralin upang ito‛y maging matibay na sandigan
sa pagkatuto ng mga kinakailanagang aralin sa pakikinig, pagsasalita,
pagbabasa, at pagsusulat.
Maligayang pagtuturo!
May-akda
5. Talaan ng Nilalaman
Yunit 1 Ang Aking Sarili
Aralin 1 Ako ay Natatangi........................................................................2
Aralin 2 Ako ay Batang Magalang ...........................................................7
Aralin 3 Mga Bahagi ng Aking Katawan ...............................................12
Aralin 4 Mga Bagay sa Aking Paligid ................................................... 20
Aralin 5 Sari-saring Tunog sa Aking Paligid...................................... 29
Aralin 6 Ang Aking Tito at Tita ........................................................... 40
Aralin 7 Mga Regalo sa Aking Kaarawan ............................................ 47
Aralin 8 Ang Aking Lolo ......................................................................... 52
Yunit 2 Ako at ang Aking Mag-anak
Aralin 1 Ang Aming Masayang Mag-anak ........................................... 58
Aralin 2 Tumutulong Ako sa Aking Mag-anak ................................... 65
Aralin 3 Mga Bahagi sa Loob ng Aming Tahanan .............................. 73
Aralin 4 Halina at Maglinis ng Ating Tahanan .................................. 80
Aralin 5 Sa Loob ng Aming Tahanan ................................................... 87
Aralin 6 Hiram na Salita ........................................................................ 94
Aralin 7 Sa Tahanan Simulan ang Pag-aaral .................................... 108
Aralin 8 Mga Regalo Namin Kina Nanay at Tatay ........................... 112
6. Yunit 3 Ang Aking Paaralan
Aralin 1 Sa Silid-aralan ........................................................................ 118
Aralin 2 Ang Aking Guro ...................................................................... 125
Aralin 3 Ang Aking mga Kamag-aral .................................................. 133
Aralin 4 Sa Paaralan .............................................................................. 141
Aralin 5 Tayo nang Magkulay .............................................................. 148
Aralin 6 Tayo nang Magbilang ............................................................ 154
Aralin 7 Mga Ngalan ng Araw ............................................................. 160
Aralin 8 Tayo nang Umawit ................................................................. 165
Yunit 4 Ako ay Bahagi ng Magandang Pamayanan
at Daigdig
Aralin 1 Sa Aming Pamayanan .................................................... 172
Aralin 2 Gusto Ko Maging ..................................................................... 181
Aralin 3 Ang Paborito Kong Pook-pasyalan ..................................... 188
Aralin 4 Ikaw, Ako, at ang Ating mga Bayani ................................ 196
Aralin 5 Handa Akong Tumulong sa Aking Kapwa! .........................205
Aralin 6 Si Maria Makiling .................................................................. 214
Aralin 7 Ang Buwaya at ang Manok .................................................. 219
Aralin 8 Si Haring Kalikasan ..............................................................227
8. Aralin
Ako ay Natatangi
1
Makinig nang mabuti sa pagpapakilala ng
dalawang bata sa kanilang mga sarili.
Ako po si Nica Alcantara.
Ako po si Jesus Delgado. Limang taong gulang na po ako.
Anim na taong gulang na po Ang aking mga magulang ay
ako. Ang aking mga magulang sina Lito Alcantara at Marivic
ay sina Raul Delgado at Alcantara. Ako po ay nakatira
Teresa Delgado. Ako po ay sa Lungsod ng Parañaque.
nakatira sa Cavite. Mahilig po Magaling po akong kumanta.
akong sumayaw.
Pagpapahalagang Pilipino: Dapat na maging magalang sa kamag-aral na nakikipagkilala o
nagpapakilala ng kanyang sarili.
Sa mga Magulang: Gabayan pa ang inyong anak sa wastong pagpapakilala ng kanyang sarili.
2 Masayang Mundo ng Filipino–Preparatory
9. Magkwento ka tungkol sa iyong sarili. Sagutin
ang mga sumusunod na tanong.
Ano ang pangalan mo?
Ilang taon ka na?
Ano ang pangalan ng iyong ama?
Ano ang pangalan ng iyong ina?
Ano ang hilig mong gawin?
Ang Aking Sarili 3
10. Basahin ang mga usapan ng mga bata.
Liza, anong Siya si Mina.
ginagawa mo Kinukulayan Kamag-aral ko
rito? ko ang aking siya. Mahilig
aklat. siyang magbasa.
Kaninong
payong ito? Sa akin ang Siya si Russell.
payong na iyan. Binigyan niya
Maraming ako kanina ng
salamat sa iyo. tinapay.
4 Masayang Mundo ng Filipino–Preparatory
11. Sundin ang mga pamantayan sa wastong pagsusulat
o pagkukulay.
Umupo nang tuwid.
Ilatag nang maayos ang
papel kung magsusulat o
magkukulay.
Hawakan nang wasto ang
lapis kapag nagsusulat at ang
krayola kapag nagkukulay.
Ang Aking Sarili 5
12. Pagsunud-sunurin ang mga larawan gamit ang
mga titik a hanggang c.
1. pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki
____ ____ ____
2. pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit
____ ____ ____
3. pinakakaunti hanggang sa pinakamarami
____ ____ ____
4. pinakamatangkad hanggang sa pinakamaliit
____ ____ ____
6 Masayang Mundo ng Filipino–Preparatory