2. mayroong 30 kabanata
sumasalamin sa mga istoryang pumapailanlang
sa ating lipunan na alam nating tunay na
nagaganap pa hanggang sa ngayon.
Si Nyora Tentay, may kaya sa buhay at tanging
siya ang nilalapitan ng karamihan upang mangutang,
ngunit nay maruming katauhan. Si Caridad de los
Angeles, ang anak na si Junior at ang pamilya ay
nagbalik sa Canal de la Reina, upang muling makita
ang lupang ipinamana sa kanya.
3. Nagakaroon ng isang malaking
pagbaha sa .
Ang malaking sakunang ito ay
naging hudyat para sa pagbabago
ng bulok na sistema ng lipunan
rito.
4. Isinulat noong 1969, isang mahabang salaysaying
hinahangad ang pagbabago at pagaangat ng kalayaang
lipunan.
Si Mando “Andoy” Plaridel ang pangunahing
tauhan sa nobelang ito. Alejandro Pamintuan ang
kanyang tunay na pangalan, ngunit ng sumapi siya
sa kilusan ay ginamit niya ang pangalang Mando. Si
Don Segundo Montero, bilang mayamang may lupa
at may pagpapahalaga sa pagpapanatili ng
katayuan sa lipunan.
5. Binuksan ang nobela sa pagsiklab ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Si Mando, na kilala rin sa
palayaw na Andoy, ay katulong sa tahanan ng
pamilyang Montero. Lilisanin ni Mando ang
kaniyang bayan upang ipaglaban ang kalayaan ng
bansang sinakop ng Hapones, at pagkaraan ay
magbabalik na taglay ang kayamanang mula sa
itinapon sa dagat ni Padre Florentino na tauhan
sa El Filibusterimo. Isusulong ni Mando ang
dalawang mithi. Una, ang pagtatatag ng malayang
pamantasan, at ikalawa, ang pagbubunsod ng
malayang pahayagang tinawag na Kampilan.
6. Inilathala noong 1909.
ito’y masalimuot at mabalasik ang na mga tagpo ng pag-aaklas
ng mga manggagawa.
paghihimagsik ni Juan Galit laban sa mga Amerikano na ang
sukdulan ay ang pagpatay kay kabisang Leon na tuta ng
Imperyalista.
Sa katapusan, nagpaliwanag si Galit na ang kamatayan ni
Kabisang Leon ay hudyat ng pagtatapos ng kadilimang dinadanas
ng bansa ngunit hindi nangangahulugang lubusan na itong lumaya.
Para sa kanya, nasa “madaling araw” o maagang yugto pa
lamang ang tinatamasang kahirapan at maaari pang kailangang
gawin upang masigurong magtutuloy-tuloy ito.
7. isa sa mga isinaunang mahabang salaysaying
pampanitikan na isinulat sa wikang Tagalog noong 1906,
bilang isang aklat na tinaguriang “bibliya“ ng mga
manggagawang Pilipino.
umiinog ang mga dahon ng nobelang ito sa buhay
ni Delfin, sa kaniyang pag-ibig sa isang dalagang anak ng
mayamang nagmamay-ari ng lupa, habang tinatalakay din
ni Lope K. Santos ang mga paksang panlipunan :
ang sosyalismo ,kapitalismo , at mga gawain ng mga
nagkakaisang-samahan ng mga liping manggagawa.
8. Ang salin sa Ingles ng pamagat
na Banaag at Sikat ay kumakatawan
sa katagang “mula sa maagang
pagbubukang-liwayway hanggang sa
ganap na pagkalat ng liwanag” ng
araw (From Early Dawn to Full Light),
na nagmula sa isang pagsusuri nina
Patricio N. Abinales at Donna J.
Amoroso.
9. Si Rafael ang sentro ng kuwento. Mayaman, edukado,
ophthalmologist, tomador, at higit sa lahat, babaero.
Si Ligaya, ang bulag, di-nakapag-aral, at biktima ng
gahasa. Sa dulo’y mababatid na ang pisikal na
pagkabulag ni Ligaya ang siyang nagbigay liwanag sa
katauhang-dilim ni Rafael. Nagwakas lamang ang siklo
nang kapwa luminaw ang paningin nina Rafael (dahil sa
pag-ibig) at Ligaya (dahil sa matagumpay na operasyon).
Samantala’y nagsanib din ang dalawang lunan na
kinakatawanan nina Rafael (maykaya) at Ligaya (maralita)
at nagluwal iyon ng bagong pag-asa sa dalawang tauhan.
10. Tungkol kay
Taong 1953 ay inilabas ang kanyang maikling kwentong
pinamagatang “Ang kalupi” o tinatawag ngayong “pitaka”,
madalas ito mapabilang sa mga textbook o antolohiya. Tungkol
ito sa batang napagkamalang nagnakaw ng kalupi. Madami ng
librong nagawa si Benjamin Pascual tulad ng “Lamok sa Loob
ng Kulambo” (1984) , “Babaeng Misteryosa”, “Landas ng
Bahaghair” (1965), “Di ko Masilip ang Langit” (1981), “Tuta
ng Tuta” (1972).
Dahil sa talento at talino ni Pascual sa pag sulat, napabilang na
siya bilang isang manunulat at naging editor ng Liwayway.
Naging Filipino seksiyon editor si Pascual sa People’s Journal
Tonight noong 1981, at ngayon ay editor ng popular
na Valentine Romances.
11. Ang nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag ni
Edgardo M. Reyes ay unang lumabas
bilang isang serye sa mga pahina ng
Liwayway Magazine. Isinasalaysay nito
ang kuwento nina Julio at Ligaya, kapwa
galing sa probinsiya. kinakatawan nila ang
libong kapuspalad na nakikipagsapalaran
sa lungsod, maynila araw-araw.
12. Simon - may pagmamahal sa sariling bayan, masigasig,
naging mayaman dahil sa tiyaga at pagpupursige.
Duardo – kakikitaan ng kahinaan ng loob, tahimik at minsa’y
napapagkamalang duwag, totoong kaibigan kay Simon, ngunit
naniniwala siyang sina Ador at Simon lamang ang pagasa ng
kanilang nayon at hindi siya.
Ador – nagsilbi sa kanilang nayon sa paniniwalang
matutulungan niya ang karamihan subalit nabigo siya.,
nalugmok at nawalan ng pagasa. Subalit nanumbalik ang
kanyang determinasyon dahil kay Simon.
Elena Regente – kapareha ni Simoun
Alejandro Borja – kaaway ni Simon
Tano at Melang – mga magulang ni Simon
13. Ang “Dugo sa Bukang Liwayway: ni Rogelio R. Sikat ay
nagsasalaysay ng daigdig na kanyang kinamulatan.
Nailathala sa University of the Philippines Press noong 1989
Haligi ng Panitikang Pilipino ang nobelistang si Rogelio R.
Sikat
Isang persodista, sumulat ng mga kolum sa Malaya at
Diyaryong Filipino
Nagsilbi bilang isang Dean ng Kolehiyo ng Arte at Literatura
sa University of the Philippines.
Ito rin ay isang nobelang agraryo sa pagtalakay ng suliraning
agraryo dli kaya'y ng kasaysayan ng lipunang agraryo.
Samantalang wari'y namamaybay ang nobela sa kamulatan at
sensibilidad ng bayan, na ang pangunahing motibo'y matuwid
at maglinis, lubid man o isip ang pinag-uusapan.
14. isang nobela ni Faustino Aguilar na may
temang pag-ibig at iniluwal noong 1907. Ngunit
piksyonal man, ang nobelang ito ay mayroong
makatotohanan na pagsusuri sa lipunang Pilipino
noong panahong iyon.
Tampok sa nobela ang maigting na pakikibaka ni
Luis Gatbuhay, na nagkataong lider obrero, laban sa
makapangyarihang si Don Nicanor. Kailangang
ipaglaban ni Luis hindi lamang ang usapin ng
manggagawa kundi maging ang itinitibok ng
kaniyang puso: si Danding.
15. Muling inilathala ng
Ateneo de Manila
University Press ang
nasabing nobela, at
kasalukuyang ginagamit
ngayong sangguniang
babasahin sa mga
paaralan.
16. Naglalahad sa buhay ni Lino Rivera. Si Lino ay anak ng magsasaka at
dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal. Nagbalik siya sa Pinyahan
makaraan ang digmaan, at hinanap ang kaniyang anak na si Ernesto.
Nakikilala niya si Kumander Hantik na hinimok siyang sumama sa kilusan
upang wakasin ang bulok na sistemang agraryo. Tumanggi si Lino.
Dumating sa buhay niya si Pari Amando na nag-aari ng malalawak na
lupain at magpapanukala ng pagbabago. Tahimik na sana ang
pamumuhay ni Lino, lalo na't napaibig siya kay Bb. Sanchez. Ngunit
dimating ang sandali na masasangkot siya sa gulo, at pagbibintangang
pumatay sa isang lalaki. Nabilanggo siya, ngunit nakatakas, kasama ang
iba pang bilanggo, at nagbabalik sa kaniyang lalawigan. Ang pangkat ni
Lino angnmagsisilbing tagapagtanggol ng naaaping magsasaka. Sumapi
rin siya sa pangkat ni Don Tito, na isang makapangyarihang panginoong
maylupa. Nagwakas ang nobela sa bakbakan ng mga rebelde at tropa ng
pamahalaan. Pagkaraan, naihayag na walang sala si Lino na taliwas sa
paratang na siya'y mamamatay-tao.
17. Si Lazaro Francisco ay primyadong manunulat mula dekada
’30 hanggang ’60, sinusubaybayang kontribyutor ng
Liwayway Magazine, at kinikilalang ama ng Kapatiran ng
mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA)
Nabibilang ang mga akda ni Francisco sa tinatawag na
romantic realism o panitikang tradisyunal ang pagkakalahad
pero pumapaksa sa mga isyung panlipunan.
Isa sa pinakasikat na nobela ni “Ka Soro” ang “Maganda Pa
Ang Daidig”, na seryalisadong inilathala sa Liwayway noong
1955 at talaga namang pumatok sa mga tagapagtangkilik
ng naturang babasahin. Sinundan ito ng “Daluyong”
noong 1962, isang pagpapatuloy ng “Maganda Pa Ang
Daigdig” at pinakahuling akda ni Francisco.
18. •Matapos ang digmaan ay nanatili pa rin si Pineda sa pagsusulat sa
wikang Filipino habang nagtratrabaho bilang ingat-yaman sa
Bulacan. Ang kanyang mga kwento at nobela ay nailathala o
ginawang serye sa mga magasin tulad ng Malaya (na
pinamatnugutan ni Teodoro A. Agoncillo), Liwayway,
Tagumpay, at Aliwan.
•Ngunit lumala ang kanyang tuberkulosis, at pagdating ng 1947 ay
napilitan siyang magbitiw sa kanyang trabaho dahil sa naturang
sakit. Ang pagsusulat na lamang ang kanyang naging hanapbuhay,
at siya ay nagsulat pa nang nagsulat para sa iba't ibang magasin,
gaya ng kolum na, “Sabi ni Ingkong Terong” sa magasin na
Daigdig, at ang horoscope na “Ang Iyong Kapalaran Sang-ayon
sa mga Bituin,” para sa Liwayway. Dahil dito ay binansagan siya
ni Agoncillo na nagtayo ng pabrika ng mga kwento sa kanyang
bahay.
•Tuluyan pang nanghina sa sakit si Pineda, at pumanaw noong
Agosto 2, 1950.