It is an excessive desire for something you don’t have. There’s nothing wrong w/ wanting certain things, like something better for your family, etc. But this is an excessive desire that compromises convictions to gain something you want. It is also an envious desire for what someone else has...desiring what they have to be yours.
2. 1 Timothy 6:9-10
9 Datapuwa't ang mga
nagsisipagnasang yumaman, ay
nangahuhulog sa tukso at sa silo at
sa maraming mga pitang hangal at
nakasasama, na siyang naglulubog sa
mga tao sa kapahamakan at
kamatayan.
3. 10 Sapagka't ang pagibig sa salapi
ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan;
na sa pagnanasa ng iba ay
nangasinsay sa pananampalataya, at
tinuhog ang kanilang sarili ng
maraming mga kalumbayan.
4. Mark 7:21-23
21 Sapagka't mula sa loob, mula sa
puso ng mga tao, lumalabas ang
masasamang pagiisip, ang mga
pakikiapid, ang mga pagnanakaw,
ang mga pagpatay sa kapuwa-tao,
ang mga pangangalunya,
5. 22 Ang mga kasakiman, ang mga
kasamaan, ang pagdaraya, ang
kalibugan, ang matang masama, ang
kapusungan, ang kapalaluan, ang
kamangmangan:
23 Ang lahat ng masasamang bagay
na ito ay sa loob nagsisipanggaling,
at nangakakahawa sa tao.
6. Luke 12:15-25
15 At sinabi niya sa kanila,
Mangagmasid kayo, at kayo'y
mangagingat sa lahat ng kasakiman:
sapagka't ang buhay ng tao ay hindi
sa kasaganaan ng mga bagay na
tinatangkilik niya.
16 At nagsaysay siya sa kanila ng
isang talinghaga, na sinasabi, Ang
lupa ng isang taong mayaman ay
namumunga ng sagana:
7. 17 At iniisip niya sa sarili na sinasabi,
Ano ang gagawin ko, sapagka't wala
akong mapaglalagyan ng aking mga
inaning bunga?
18 At sinabi niya, Ito ang gagawin
ko: igigiba ko ang aking mga bangan,
at gagawa ako ng lalong malalaki; at
doon ko ilalagay ang lahat ng aking
butil at aking mga pag-aari.
8. 19 At sasabihin ko sa aking kaluluwa,
Kaluluwa, marami ka nang pag-aaring
nakakamalig para sa maraming taon;
magpahingalay ka, kumain ka,
uminom ka, matuwa ka.
20 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng
Dios, Ikaw na haling, hihingin sa iyo
sa gabing ito ang iyong kaluluwa; at
ang mga bagay na inihanda mo, ay
mapapa sa kanino kaya?
9. 21 Gayon nga ang nagpapakayaman
sa ganang kaniyang sarili, at hindi
mayaman sa Dios.
22 At sinabi niya sa kaniyang mga
alagad, Kaya nga sinasabi ko sa inyo,
Huwag kayong mangabalisa sa
inyong pamumuhay, kung ano ang
inyong kakanin; kahit sa inyong
katawan, kung ano ang inyong
daramtin.
10. 23 Sapagka't ang buhay ay higit kay
sa pagkain, at ang katawan kay sa
damit.
24 Wariin ninyo ang mga uwak, na
hindi sila nangaghahasik, ni
nagsisigapas man; na walang bangan
ni kamalig man; at sila'y pinakakain
ng Dios: gaano ang kahigtan ng
kahalagahan ninyo kay sa mga ibon!
11. 25 At sino sa inyo ang sa pagkabalisa
ay makapagdaragdag ng isang siko sa
sukat ng kaniyang buhay?
12. Matthew 6:19-21
19 Huwag kayong mangagtipon ng
mga kayamanan sa lupa, na dito'y
sumisira ang tanga at ang kalawang,
at dito'y nanghuhukay at
nagsisipagnakaw ang mga
magnanakaw:
13. 20 Kundi mangagtipon kayo ng mga
kayamanan sa langit, na doo'y hindi
sumisira kahit ang tanga kahit ang
kalawang, at doo'y hindi
nanghuhukay at hindi
nagsisipagnakaw ang mga
magnanakaw:
21 Sapagka't kung saan naroon ang
iyong kayamanan, doon naman
doroon ang iyong puso.
14. 2 Chronicles 21:1-20
1 At si Josaphat ay natulog na
kasama ng kaniyang mga magulang,
at nalibing na kasama ng kaniyang
mga magulang sa bayan ni David: at
si Joram na kaniyang anak ay naghari
na kahalili niya.
15. 2 At siya'y nagkaroon ng mga
kapatid, na mga anak ni Josaphat, na
si Azarias, at si Jehiel, at si Zacharias,
at si Azarias, at si Michael, at si
Sephatias: lahat ng ito ay mga anak
ni Josaphat na hari sa Israel.
16. 3 At binigyan sila ng kanilang ama
ng mga dakilang kaloob, na pilak, at
ginto, at mga mahalagang bagay, pati
ng mga bayang nakukutaan ng Juda:
nguni't ang kaharian ay ibinigay niya
kay Joram, sapagka't siya ang
panganay.
17. 4 Nang si Joram nga ay bumangon
sa kaharian ng kaniyang ama, at
lumakas, ay kaniyang pinatay ng
tabak ang lahat niyang mga kapatid,
at gayon din ang iba sa mga prinsipe
ng Israel.
18. 5 Si Joram ay tatlongpu't dalawang
taon nang siya'y magpasimulang
maghari; at siya'y nagharing walong
taon sa Jerusalem.
6 At siya'y lumakad ng lakad ng mga
hari sa Israel, gaya ng ginawa ng
sangbahayan ni Achab; sapagka't
siya'y nagasawa sa anak ni Achab: at
siya'y gumawa ng kasamaan sa
paningin ng Panginoon.
19. 7 Gayon ma'y hindi nilipol ng
Panginoon ang sangbahayan ni
David, dahil sa tipan na kaniyang
ginawa kay David, at yamang siya'y
nangako na bibigyan siya ng ilawan
at ang kaniyang mga anak
magpakailan man.
8 Sa kaniyang mga kaarawan ay
nanghimagsik ang Edom na mula sa
kapangyarihan ng Juda, at naghalal
ng hari sa kanilang sarili.
20. 9 Nang magkagayo'y nagdaan si
Joram na kasama ang kaniyang mga
punong kawal, at dala ang lahat
niyang mga karo: at siya'y bumangon
ng kinagabihan at sinaktan ang mga
Idumeo na kumubkob sa kaniya, at
ang mga pinunong kawal sa mga
karo.
21. 10 Sa gayo'y nanghimagsik ang
Edom na mula sa kapangyarihan ng
Juda, hanggang sa araw na ito: nang
magkagayo'y nanghimagsik ang Libna
nang panahong yaon na mula sa
kaniyang kapangyarihan: sapagka't
kaniyang pinabayaan ang Panginoon,
ang Dios ng kaniyang mga magulang.
22. 11 Bukod dito'y kaniyang ginawa ang
mga mataas na dako sa mga bundok
ng Juda, at pinasamba sa diosdiosan
ang mga taga Jerusalem, at iniligaw
ang Juda.
23. 12 At dumating ang isang sulat sa
kaniya na mula kay Elias na propeta,
na sinasabi, Ganito ang sabi ng
Panginoon, ng Dios ni David na iyong
ama, sapagka't hindi ka lumakad ng
mga lakad ni Josaphat na iyong ama,
o ng mga lakad man ni Asa na hari sa
Juda:
24. 13 Kundi ikaw ay lumakad ng mga
lakad ng mga hari sa Israel, at iyong
pinasamba sa diosdiosan ang Juda at
ang mga nananahan sa Jerusalem,
gaya ng ginawa ng sangbahayan ni
Achab; at iyo rin namang pinatay ang
iyong mga kapatid sa sangbahayan
ng iyong ama, na lalong mabuti kay
sa iyo:
25. 14 Narito, ang Panginoon ay
mananalot ng malaki sa iyong bayan,
at sa iyong mga anak, at sa iyong
mga asawa, at sa lahat ng iyong pag-
aari:
26. 15 At ikaw ay magkakasakit ng
mabigat, na sakit ng iyong tiyan,
hanggang sa lumabas ang loob ng
iyong tiyan dahil sa sakit araw-araw.
16 At inudyukan ng Panginoon laban
kay Joram ang diwa ng mga Filisteo,
at ng mga taga Arabia na nangasa
siping ng mga taga Etiopia:
27. 17 At sila'y nagsiahon laban sa Juda,
at nagpumilit doon, at dinala ang
lahat na pag-aari na nasumpungan sa
bahay ng hari, at pati ang mga anak
niya, at ang mga asawa niya; na
anopa't walang naiwang anak sa
kaniya, liban si Joachaz na bunso sa
kaniyang mga anak.
28. 18 At pagkatapos ng lahat na ito ay
sinaktan siya ng Panginoon sa
kaniyang tiyan ng walang
kagamutang sakit.
29. 19 At nangyari, sa lakad ng panahon
sa katapusan ng dalawang taon, na
ang loob ng kaniyang tiyan ay
lumabas dahil sa kaniyang sakit, at
siya'y namatay sa mabigat na sakit.
At hindi ipinagsunog siya ng kaniyang
bayan, na gaya ng pagsusunog sa
kaniyang mga magulang.
30. 20 May tatlongpu't dalawang taon
siya nang siya'y magpasimulang
maghari, at siya'y naghari sa
Jerusalem na walong taon: at siya'y
nanaw na walang nagnasang pumigil;
at inilibing nila siya sa bayan ni David,
nguni't hindi sa mga libingan ng mga
hari.