2. Ezekiel 46:9-10
9 Nguni't pagka ang bayan ng lupain ay
haharap sa Panginoon sa mga takdang
kapistahan, siyang pumapasok sa daan ng
pintuang-daang hilagaan upang sumamba ay
lalabas sa daan ng pintuang-daang timugan
ay lalabas sa daan ng pintuang-daang
hilagaan; hindi siya babalik sa daan ng
pintuang-daan na kaniyang pinasukan, kundi
lalabas na matuwid sa harap niya.
3. 10 At ang prinsipe, pagka sila'y
magsisipasok, ay magsisipasok sa gitna ng
mga yaon; at pagka sila'y magsisilabas ay
magsisilabas na magkakasama.
4. Luke 6:17-19
17 At bumaba siya na kasama nila, at tumigil sa
isang patag na dako, at ang lubhang marami sa
mga alagad niya, at ang lubhang malaking bilang
ng mga tao mula sa buong Judea at sa Jerusalem,
at sa pangpangin ng dagat ng Tiro at Sidon, na
nangagsidalo upang magsipakinig sa kaniya, at
upang pagalingin sa kanilang mga sakit;
18 Ang mga pinahihirapan ng mga espiritung
karumaldumal ay pinagagaling.
5. 19 At pinagpipilitan ng buong karamihan na
siya'y mahipo; sapagka't lumalabas sa kaniya
ang makapangyarihang bisa, at nagpapagaling
sa lahat.
6. Matthew 15:21-28
21 At umalis doon si Jesus, at lumigpit sa
mga sakop ng Tiro at Sidon.
22 At narito, ang isang babaing Cananea na
lumabas sa mga hangganang yaon, at
nagsisigaw, na nagsasabi, Kahabagan mo ako,
Oh Panginoon, ikaw na Anak ni David; ang
aking anak na babae ay pinahihirapang lubha
ng isang demonio.
7. 23 Datapuwa't siya'y hindi sumagot ng
anomang salita sa kaniya. At nilapitan siya ng
kaniyang mga alagad at siya'y pinamanhikan,
na nangagsasabi, Paalisin mo siya; sapagka't
nagsisisigaw siya sa ating hulihan.
24 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi,
Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang
nangaligaw sa bahay ni Israel.
8. 25 Datapuwa't lumapit siya at siya'y sinamba
niya, na nagsasabi, Panginoon, saklolohan mo
ako.
26 At siya'y sumagot at sinabi, Hindi marapat
na kunin ang tinapay sa mga anak at itapon
sa mga aso.
9. 27 Datapuwa't sinabi niya, Oo, Panginoon:
sapagka't ang mga aso man ay nagsisikain ng
mga mumo na nangalalaglag mula sa dulang
ng kanilang mga panginoon.
28 Nang magkagayo'y sumagot si Jesus at
sinabi sa kaniya, Oh babae, malaki ang
pananampalataya mo: mangyari sa iyo ayon
sa ibig mo. At gumaling ang kaniyang anak
mula sa oras na yaon.
10. Acts 3:1-9
1 Si Pedro at si Juan nga ay nagsisipanhik sa
templo nang oras ng pananalangin, na
ikasiyam.
2 At isang lalake na pilay buhat pa sa tiyan
ng kaniyang ina ay dinadala roon, na siya'y
inilalagay nila araw-araw sa pintuan ng
templo na tinatawag na Maganda, upang
manghingi ng limos sa nagsisipasok sa
templo;
11. 3 Ito, pagkakita kay Pedro at kay Juan na
magsisipasok sa templo, ay namanhik upang
tumanggap siya ng limos.
4 At pagtitig sa kaniya ni Pedro, na kasama si
Juan, ay sinabi, Tingnan mo kami.
5 At kaniyang pinansin sila, na umaasang
tatanggap sa kanila ng anomang bagay.
12. 6 Datapuwa't sinabi ni Pedro, Pilak at ginto
ay wala ako; datapuwa't ang nasa akin, ay
siya kong ibinibigay sa iyo. Sa pangalan ni
Jesucristo ng taga Nazaret, lumakad ka.
7 At kaniyang hinawakan siya sa kanang
kamay, at siya'y itinindig: at pagdaka'y
nagsilakas ang kaniyang mga paa at mga
bukong-bukong.
13. 8 At paglukso, siya'y tumayo, at
nagpasimulang lumakad; at pumasok na
kasama nila sa templo, na lumalakad, at
lumulukso, at nagpupuri sa Dios.
9 At nakita ng buong bayang siya'y
lumalakad, at nagpupuri sa Dios: