2. Matthew 14:19
At ipinagutos niya sa mga karamihan na sila'y
magsiupo sa damuhan; at kinuha niya ang
limang tinapay at ang dalawang isda, at
pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at
pinagputolputol at ibinigay ang mga tinapay sa
mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad
sa mga karamihan.
3. Matthew 14:13-21
13 Nang marinig nga ito ni Jesus, ay lumigpit
sila mula roon, sa isang daong na nasa isang
dakong ilang na bukod: at nang mabalitaan ito
ng mga karamihan, ay nangaglakad sila na
sumunod sa kaniya mula sa mga bayan.
14 At siya'y lumabas, at nakita ang isang
malaking karamihan, at nahabag siya sa kanila,
at pinagaling niya ang sa kanila'y mga may
sakit.
4. 15 At nang nagtatakipsilim na, ay nagsilapit sa
kaniya ang kaniyang mga alagad, na
nangagsasabi, Ilang ang dakong ito, at lampas
na sa panahon; paalisin mo na ang mga
karamihan, upang sila'y magsiparoon sa mga
nayon, at sila'y mangakabili ng kanilang
makakain.
16 Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Hindi
kailangang sila'y magsialis; bigyan ninyo sila
ng makakain.
5. 17 At sinasabi nila sa kaniya, Wala tayo rito
kundi limang tinapay at dalawang isda.
18 At sinabi niya, Dalhin ninyo rito sa akin.
6. 19 At ipinagutos niya sa mga karamihan na
sila'y magsiupo sa damuhan; at kinuha niya ang
limang tinapay at ang dalawang isda, at
pagtingala sa langit, ay kaniyang pinagpala, at
pinagputolputol at ibinigay ang mga tinapay sa
mga alagad, at ibinigay naman ng mga alagad
sa mga karamihan.
7. 20 At nagsikain silang lahat, at nangabusog: at
kanilang pinulot ang lumabis na
pinagputolputol, na labingdalawang bakol na
puno.
21 At ang mga nagsikain ay may limang libong
lalake, bukod pa ang mga babae at ang mga
bata.
8. John 6:28-36
28 Sinabi nga nila sa kaniya, Ano ang
kinakailangan naming gawin, upang aming
magawa ang mga gawa ng Dios?
29 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Ito
ang gawa ng Dios, na inyong sampalatayanan
yaong kaniyang sinugo.
9. 30 Sinabi nga nila sa kaniya, Ano nga ang
inyong ginagawa na pinakatanda, upang aming
makita, at sampalatayanan ka namin? ano ang
ginagawa mo?
31 Nagsikain ang aming mga magulang ng
mana sa ilang; gaya ng nasusulat, Tinapay na
galing sa langit ang sa kanila'y kaniyang
ipinakain.
10. 32 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan,
katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi si
Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na
galing sa langit; kundi ang aking Ama ang
nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na
galing sa langit.
33 Sapagka't ang tinapay ng Dios ay yaong
bumababang mula sa langit, at nagbibigay
buhay sa sanglibutan.
11. 34 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Panginoon,
bigyan mo kaming palagi ng tinapay na ito.
35 Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay
ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi
magugutom, at ang sumasampalataya sa akin
kailan ma'y hindi mauuhaw.
36 Datapuwa't sinabi ko sa inyo, na nakita
ninyo ako, at gayon ma'y hindi kayo
nagsisampalataya.
12. John 6:48-51
48 Ako ang tinapay ng buhay.
49 Ang inyong mga magulang na mga patay na,
ay kumain ng mana sa ilang.
50 Ito ang tinapay na bumabang mula sa langit.
Maaaring kumain nito ang sinuman at hindi
mamamatay.
13. 51 Ako ang tinapay na buhay na bumabang
mula sa langit. Ang sinumang makakain ng
tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.
Ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking
laman. Ito ang aking ibibigay para sa buhay ng
sanlibutan.
14. I Corinthians 15:1-4
1 Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga
kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking
ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya
naman ninyong pinananatilihan,
2 Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo
kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang
ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y
nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.
15. 3 Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang
akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay
dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga
kasulatan,
4 At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay
nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan;