SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 2
Ang Noo’y Pangit na Mukha
Isang araw sa di kalayuang pamayanan ay may nakatirang bata; ang pangalan niya ay si Don-don. Si Don-don
ay pinanganak na pangit. Maliban dito siya ay masungit. Si Don-don ay pitong taong gulang noon, higit sa
tatlong talampakan ang taas, may bilugang pisngi, makakapal na kilay, malalaking mata, sarat at bilugang
ilong na namumula twing siya’y napapahiya at may makakapal at mala-abong kulay na mga labi. Bata pa lang
ay marami nang nakapuna ng kanyang kapangitan, at dahil doon ay naging mailap na siya at naging
masungit sa kanyang mga kanayon. Hindi siya namamansin, laging nakasimangot na tila pasan niya ang
mundo. Bihira lang siyang masilayan ng mga tao at kapag lumabas naman siya hindi mapigilang mapatigil at
mapatingin ang mga tao sa kanya.
Hindi alam ni Aling Fe kung anong klaseng payo at pagdamay ang gagawin niya sa kanyang anak para lang
siya’y maging palakaibigan. Sa kabila noon, mahal na mahal naman ni Don-don ang kanyang ina, pati na ang
kanyang ninang Julie. Mabait ang ninang ni Don-don, kasing bait ng nanay niya.
Isang araw, binisita si Don-don ng paborito niyang ninang. Napangiti siya nang masilayan niya ang kanyang
ninang. Sa ganoon paraan lang napapangiti at napapasaya si Don-don. Kaya naman, binigyan siya ng munting
kaloob ng kanyang ninang Julie. At alam niyo ba kung ano iyon? Isang mahiwagang singsing. Sinabi ng
kanyang ninang na ang singsing ay mahiwaga dahil kapag sinuot raw niya ang singsing ay magiging gwapo
siya. Tuwang tuwa si Don-don sa natuklasan niya at dahan dahan niyang sinuot ang mahiwagang singsing.
Umiba ang kanyang pakiramdam nung masuot na niya ang singsing – para bang may kumot ng alitaptap ang
bumalot sa kanya. Pumikit siya at pagdilat niya ng kanyang mga mata ay nakita niyang nakangiti ang
kanyang ninang at ang kanyang ina. “Aba, ang gwapo naman ng anak ko,” sabi ng nanay. Sa sobrang
kaligayahan ay napatalon si Don-don. Bago umalis ang ninang ay pinaalalahanan niya si Don-don na huwag
huhubarin ang singsig at huwag din titingin sa mga salamin dahil kung hindi ay babalik siya sa tunay niyang
anyo. Sa saya ay nagmadaling bumaba ng kawayan na hagdan si Don-don upang ipagmalaki niya ang
kanyang kagwapuhan.
“Kamusta po Aling Martha,” bati ni Don-don sa kapitbahay habang dumadaan sa kalye at sumisipol sipol pa.
“Mabuti naman… aba teka, hindi ba ako minamalikmata, si Don-don nga ba ang nakita ko”? Lahat ng tao sa
kanilang lugar ay nagtaka sa pagbabagong nangyari kay Don-don. Simula noon naging palabati na si Don-don
at naging palakaibigan. Marami siyang naging kalaro at naging paborito rin siya ng kanyang mga kanayon.
Isang araw ay mag-isa siyang napadaan sa isang kristal na tiyangge at di sinadyang nakita niya ang kanyang
sarili. Nasilayan niya ang histura ng batang pangit, malungkutin at masungit. Tumakbo siya papalayo at
paiyak na umuwi sa kanilang bahay na nakatakip sa mukha ang mga palad. Nagulat ang nanay at tinanong
siya kung ano ang nangyari. “Nanay, tignan po ninyo ang pangit kong mukha. Di ko po naiwasan ang salamin
at nakita ko po ang aking sarili,” paliwanag ng anak. “Don-don, anak, taha na. Walang naging pagbabago
sa’yo. Gwapo ka pa rin naman. Walang bisa ang singsing kapag tiningnan mo ang sarili mo sa salamin, pero
kapag hindi ka na nakatingin bumabalik ka sa dati. Kaya’t taha na anak”. Huminto at kumalma si Don-don
hanggang siya’y nakatulog.
Pasukan na noon at si Don-don ang nangunguna sa klase. Paborito din siya ng kanyang guro dahil sa kanyang
kabaitan. Sa katunayan ay si Don-don ang may pinakamaraming kaibigan sa paaralan. Uwian na nang ayain
siyang maglaro ng kanyang mga kaklase. Naglaro sila ng luksong baka, patintero, tagu-taguan at marami
pang iba. Sa kanilang paglalaro ay aksidenteng natanggal ang kanyang singsing. Natanggal ang kanyang
singsing at napaliligiran siya ng kanyang mga kalaro. Natanggal ang singsing at nakita niyang gumulong ito
sa malayo. Pinilit niyang habulin pero bumigat ang kanyang katawan, unti-unting nanlalabo ang kanyang
mga paningin, naririnig niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Natigilan siya. Isa dalawa tatlong
segundo. Pinagpapawisan siya ng butil. “Don-don, tara na, ano pang ginagawa mo riyan, matataya tayo,” sabi
ng kalaro. Tulala si Don-don sa naging reaksyon ng kanyang kalaro. At sa wakas tumugon siya, “Hindi ka ba
natatakot sa akin? Hindi ka ba nababagabag sa hitsura ko?” “Ano ba ang pinagsasabi mo? Tara na nga!” pilit
ng kanyang kalaro. Napangiti na lang si Don-don at dinapot ang nahulog na singsing. Nagdalawang isip pa
siyang suotin muli ito pero nagdesisyon ding ibulsa na lang.
Hindi alam ni Don-don na nag-usap ang kanyang nanay at ninang na regaluhan siya ng singsing. Hindi alam
ni Don-don na walang hiwaga sa singsing, na wala itong kapangyarihan o mahika, na walang pagbabagong
nangyari sa kanyang kaanyuan. Hindi alam ni Don-don na ang kanyang kasungitan at pagiging mailap sa
mga tao ang nag-udyok din sa mga taong ayawan siya, at hindi ang kanyang pisikal na anyo. Ang tunay na
hiwaga at pagbabago ay nanggaling mismo sa kanyang puso.

Weitere ähnliche Inhalte

Andere mochten auch

A detailed lesson plan in english by Alkhima Macarompis
A detailed lesson plan in english by Alkhima MacarompisA detailed lesson plan in english by Alkhima Macarompis
A detailed lesson plan in english by Alkhima MacarompisUntroshlich
 
Elements of a short story.Lesson Plan
Elements of a short story.Lesson PlanElements of a short story.Lesson Plan
Elements of a short story.Lesson PlanYen Bunsoy
 
A Detailed Lesson Plan in World Literature
A Detailed Lesson Plan in World LiteratureA Detailed Lesson Plan in World Literature
A Detailed Lesson Plan in World LiteratureDenmark Aleluya
 
A Detailed Lesson Plan in English IV
A Detailed Lesson Plan in English IVA Detailed Lesson Plan in English IV
A Detailed Lesson Plan in English IVRachel Ann Santos
 
Detailed: Lesson plan in literature for grade 7 students
Detailed: Lesson plan in literature for grade 7 studentsDetailed: Lesson plan in literature for grade 7 students
Detailed: Lesson plan in literature for grade 7 studentsYuna Lesca
 
Final lesson plan in Math (4A's Approach)
Final lesson plan in Math (4A's Approach)Final lesson plan in Math (4A's Approach)
Final lesson plan in Math (4A's Approach)Joseph Freo
 
4A's Lesson Plan in English 6
4A's Lesson Plan in English 64A's Lesson Plan in English 6
4A's Lesson Plan in English 6janehbasto
 
A detailed lesson plan in english
A detailed lesson plan in englishA detailed lesson plan in english
A detailed lesson plan in englishGlenn Ryan Zausa
 

Andere mochten auch (10)

A detailed lesson plan in english by Alkhima Macarompis
A detailed lesson plan in english by Alkhima MacarompisA detailed lesson plan in english by Alkhima Macarompis
A detailed lesson plan in english by Alkhima Macarompis
 
Elements of a short story.Lesson Plan
Elements of a short story.Lesson PlanElements of a short story.Lesson Plan
Elements of a short story.Lesson Plan
 
A Detailed Lesson Plan in World Literature
A Detailed Lesson Plan in World LiteratureA Detailed Lesson Plan in World Literature
A Detailed Lesson Plan in World Literature
 
A Detailed Lesson Plan in English IV
A Detailed Lesson Plan in English IVA Detailed Lesson Plan in English IV
A Detailed Lesson Plan in English IV
 
Detailed: Lesson plan in literature for grade 7 students
Detailed: Lesson plan in literature for grade 7 studentsDetailed: Lesson plan in literature for grade 7 students
Detailed: Lesson plan in literature for grade 7 students
 
Final lesson plan in Math (4A's Approach)
Final lesson plan in Math (4A's Approach)Final lesson plan in Math (4A's Approach)
Final lesson plan in Math (4A's Approach)
 
4A's Lesson Plan in English 6
4A's Lesson Plan in English 64A's Lesson Plan in English 6
4A's Lesson Plan in English 6
 
Lesson Plan on Elements of Short Story
Lesson Plan on Elements of Short StoryLesson Plan on Elements of Short Story
Lesson Plan on Elements of Short Story
 
Sample Detailed Lesson Plan
Sample Detailed Lesson PlanSample Detailed Lesson Plan
Sample Detailed Lesson Plan
 
A detailed lesson plan in english
A detailed lesson plan in englishA detailed lesson plan in english
A detailed lesson plan in english
 

Ähnlich wie Ang Noo'y Pangit na Mukha

Ähnlich wie Ang Noo'y Pangit na Mukha (10)

mon-leon
mon-leonmon-leon
mon-leon
 
Aginaldo ng mga mago
Aginaldo ng mga magoAginaldo ng mga mago
Aginaldo ng mga mago
 
Crazy first love
Crazy first loveCrazy first love
Crazy first love
 
Summer class
Summer classSummer class
Summer class
 
Sandaang damit ni fanny garcia
Sandaang damit ni fanny garciaSandaang damit ni fanny garcia
Sandaang damit ni fanny garcia
 
Isang Dandaang 2023-2024 ni FANNY GARCIA
Isang Dandaang  2023-2024 ni FANNY GARCIAIsang Dandaang  2023-2024 ni FANNY GARCIA
Isang Dandaang 2023-2024 ni FANNY GARCIA
 
banyaga-ni-liwayway-arceo
banyaga-ni-liwayway-arceobanyaga-ni-liwayway-arceo
banyaga-ni-liwayway-arceo
 
Red rose
Red roseRed rose
Red rose
 
Longing Bliss First Draft.docx
Longing Bliss First Draft.docxLonging Bliss First Draft.docx
Longing Bliss First Draft.docx
 
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampidAralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
Aralin 1.4a panitikan-kuwento ni solampid
 

Kürzlich hochgeladen

Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byjohnpaulpestada09
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyCindyManual1
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxevafecampanado1
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaHelenMaeParacale
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxPundomaNoraima
 
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxPresentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxRayYan950549
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointbinuaangelica
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikoErwinPantujan2
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxVALERIEYDIZON
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxJoseIsip3
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxMaamMeshil1
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAprilJeannelynFeniza
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxcrisquiambaoalfonso
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values edFatimaCayusa2
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 

Kürzlich hochgeladen (20)

Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented byKabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
Kabanata 34 - Ang Pananghalian presented by
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptxMga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
Mga Kababaihan ng Silangan at Timog-Silangang Asya.pptx
 
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptxPresentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
Presentation1-filipino-9. Ang mga pinag-uusig.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibikokagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
kagalingang pansibiko kagalingang pansibiko
 
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at PagsulatpptxIntroduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
Introduksyon sa Pananaliksik-Pagbasa at Pagsulatpptx
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdigAraling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
Araling Panlipunan 7 digmaang pandaigdig
 
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptxKaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
Kaholaman-powerpointpresentatuion for all1.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 

Ang Noo'y Pangit na Mukha

  • 1. Ang Noo’y Pangit na Mukha Isang araw sa di kalayuang pamayanan ay may nakatirang bata; ang pangalan niya ay si Don-don. Si Don-don ay pinanganak na pangit. Maliban dito siya ay masungit. Si Don-don ay pitong taong gulang noon, higit sa tatlong talampakan ang taas, may bilugang pisngi, makakapal na kilay, malalaking mata, sarat at bilugang ilong na namumula twing siya’y napapahiya at may makakapal at mala-abong kulay na mga labi. Bata pa lang ay marami nang nakapuna ng kanyang kapangitan, at dahil doon ay naging mailap na siya at naging masungit sa kanyang mga kanayon. Hindi siya namamansin, laging nakasimangot na tila pasan niya ang mundo. Bihira lang siyang masilayan ng mga tao at kapag lumabas naman siya hindi mapigilang mapatigil at mapatingin ang mga tao sa kanya. Hindi alam ni Aling Fe kung anong klaseng payo at pagdamay ang gagawin niya sa kanyang anak para lang siya’y maging palakaibigan. Sa kabila noon, mahal na mahal naman ni Don-don ang kanyang ina, pati na ang kanyang ninang Julie. Mabait ang ninang ni Don-don, kasing bait ng nanay niya. Isang araw, binisita si Don-don ng paborito niyang ninang. Napangiti siya nang masilayan niya ang kanyang ninang. Sa ganoon paraan lang napapangiti at napapasaya si Don-don. Kaya naman, binigyan siya ng munting kaloob ng kanyang ninang Julie. At alam niyo ba kung ano iyon? Isang mahiwagang singsing. Sinabi ng kanyang ninang na ang singsing ay mahiwaga dahil kapag sinuot raw niya ang singsing ay magiging gwapo siya. Tuwang tuwa si Don-don sa natuklasan niya at dahan dahan niyang sinuot ang mahiwagang singsing. Umiba ang kanyang pakiramdam nung masuot na niya ang singsing – para bang may kumot ng alitaptap ang bumalot sa kanya. Pumikit siya at pagdilat niya ng kanyang mga mata ay nakita niyang nakangiti ang kanyang ninang at ang kanyang ina. “Aba, ang gwapo naman ng anak ko,” sabi ng nanay. Sa sobrang kaligayahan ay napatalon si Don-don. Bago umalis ang ninang ay pinaalalahanan niya si Don-don na huwag huhubarin ang singsig at huwag din titingin sa mga salamin dahil kung hindi ay babalik siya sa tunay niyang anyo. Sa saya ay nagmadaling bumaba ng kawayan na hagdan si Don-don upang ipagmalaki niya ang kanyang kagwapuhan. “Kamusta po Aling Martha,” bati ni Don-don sa kapitbahay habang dumadaan sa kalye at sumisipol sipol pa. “Mabuti naman… aba teka, hindi ba ako minamalikmata, si Don-don nga ba ang nakita ko”? Lahat ng tao sa kanilang lugar ay nagtaka sa pagbabagong nangyari kay Don-don. Simula noon naging palabati na si Don-don at naging palakaibigan. Marami siyang naging kalaro at naging paborito rin siya ng kanyang mga kanayon. Isang araw ay mag-isa siyang napadaan sa isang kristal na tiyangge at di sinadyang nakita niya ang kanyang sarili. Nasilayan niya ang histura ng batang pangit, malungkutin at masungit. Tumakbo siya papalayo at paiyak na umuwi sa kanilang bahay na nakatakip sa mukha ang mga palad. Nagulat ang nanay at tinanong siya kung ano ang nangyari. “Nanay, tignan po ninyo ang pangit kong mukha. Di ko po naiwasan ang salamin at nakita ko po ang aking sarili,” paliwanag ng anak. “Don-don, anak, taha na. Walang naging pagbabago sa’yo. Gwapo ka pa rin naman. Walang bisa ang singsing kapag tiningnan mo ang sarili mo sa salamin, pero kapag hindi ka na nakatingin bumabalik ka sa dati. Kaya’t taha na anak”. Huminto at kumalma si Don-don hanggang siya’y nakatulog. Pasukan na noon at si Don-don ang nangunguna sa klase. Paborito din siya ng kanyang guro dahil sa kanyang kabaitan. Sa katunayan ay si Don-don ang may pinakamaraming kaibigan sa paaralan. Uwian na nang ayain siyang maglaro ng kanyang mga kaklase. Naglaro sila ng luksong baka, patintero, tagu-taguan at marami pang iba. Sa kanilang paglalaro ay aksidenteng natanggal ang kanyang singsing. Natanggal ang kanyang singsing at napaliligiran siya ng kanyang mga kalaro. Natanggal ang singsing at nakita niyang gumulong ito sa malayo. Pinilit niyang habulin pero bumigat ang kanyang katawan, unti-unting nanlalabo ang kanyang mga paningin, naririnig niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Natigilan siya. Isa dalawa tatlong segundo. Pinagpapawisan siya ng butil. “Don-don, tara na, ano pang ginagawa mo riyan, matataya tayo,” sabi
  • 2. ng kalaro. Tulala si Don-don sa naging reaksyon ng kanyang kalaro. At sa wakas tumugon siya, “Hindi ka ba natatakot sa akin? Hindi ka ba nababagabag sa hitsura ko?” “Ano ba ang pinagsasabi mo? Tara na nga!” pilit ng kanyang kalaro. Napangiti na lang si Don-don at dinapot ang nahulog na singsing. Nagdalawang isip pa siyang suotin muli ito pero nagdesisyon ding ibulsa na lang. Hindi alam ni Don-don na nag-usap ang kanyang nanay at ninang na regaluhan siya ng singsing. Hindi alam ni Don-don na walang hiwaga sa singsing, na wala itong kapangyarihan o mahika, na walang pagbabagong nangyari sa kanyang kaanyuan. Hindi alam ni Don-don na ang kanyang kasungitan at pagiging mailap sa mga tao ang nag-udyok din sa mga taong ayawan siya, at hindi ang kanyang pisikal na anyo. Ang tunay na hiwaga at pagbabago ay nanggaling mismo sa kanyang puso.