Instruktura ng Wika
MGA BAHAGI NG PANANALITA
PAG-UURI-URI
1. PANGNGALAN
2. PANGHALIP
3. PANDIWA
4. PANG-URI
5. PANG-ABAY
6. PANTUKOY
7. PANGAT...
A. MGA SALITANG PANGNILALAMAN (CONTENT WORDS)
1. MGA NOMINAL
A. PANGNGALAN B. PANGHALIP
2. PANDIWA
3. MGA PANURING
A. PANG...
- ANG GANITONG PAGPAPANGKAT AY UMAAYON SA TUNTUNIN NG SIMPLIKASYON NA
SINISIKAP NA MASUNOD SA PAGLALARAWANG PANGWIKA.
- MA...
ANG PANGATNIG AY MAAARING MAGPAKITA NG RELASYON NG PAGSASALUNGATAN
NG PAGIGING SANHI AT BUNGA, ATB.
SA PAGGAMIT NAMAN NG P...
TULAD NG KAKABANGGIT LAMANG, SA BAGONG PAG-UURI AY IPINAPASOK ANG ISANG BAGO AT
MALIIT NA KATEGORYANG TATAWAGIN NATING PAN...
SA ATING KLASIPIKASYON, ANG PANDIWA AY NANANATILIING BUKOD O SEPERADONG KATEGORYA.
HINDI ITO MAAARING ISAMA SA IBA PANG SU...
2. MGA SALITANG PANGNILALAMAN
A. MGA NOMINAL – SA PANLAHAT NA KATUTURAN, ANG SALITANG NOMINAL AY
NAGANGAHULUGANG PANGLAN O...
SAMAKATWID, SA PANANAW NA PANSEMANTIKA AT TRADISYUNAL NA BALARILA, GANITO ANG KATUTURAN NG PANGNGALAN:
1. ANG PANGNGALAN A...
KAYARIAN NG PANGNGALAN
1. PANGNGALANG PAYAK – KUNG ITO AY SALITANG-UGAT LAMANG.
• ARAW • BATAS •PRUTAS
2. PANGNGALANG MAYL...
KAUKULAN NG PANGNGALAN
PALAGYO – KUNG ITO AY GINAMIT NA SIMUNO
HAL: SI AMANDO V. HERNANDEZ ANG MAKATANG TAGAPAGTANGGOL NG
...
KATUTURAN NG
PANGNGALAN
• ANG ANUMANG SALITA NA MAAARING ISUNOD SA ANG/SI, NG/NI, SA/KAY AT MGA
ANYONG MARAMIHAN NG MGA IT...
UNANG KATAGA (PALAGYO)
1. NAKATAPOS NG PAGDODOKTOR ANG ANAK NA MATIYAGA.
2. ANG TAGUMPAY NG ANAK AY TAGUMPAY RIN NG MGA MA...
- ANG ANYONG MARAMIHAN NG
ANG/SI - MGA/SINA
NG/NI - MGA/NINA
SA/KAY - SA MGA/KINA.
- KUNG ANG MGA PARIRALANG ISAHAN SA MGA...
SA ATING OBSERBASYON NA ANG ANAK AT MARIA AY HINDI MAAARING
MAGKAPALITAN NG GAMIT AY MAKABUBUO TAYO NG ISANG KONGKLUSYON: ...
1. MGA PARIRALANG ANG
A. SA OPISYAL NA PULONG KO NA IUULAT ANG AKIN.
B. LAGING PINAGPAPALA NG DIYOS ANG MABAIT.
C. ANG UMA...
MGA KLASIPIKASYON NG
PANGNGALAN
• ANG MGA PANGNGALAN AY MAUURI AYON SA KAHULUGAN O KAYARIAN NG MGA ITO
BILANG ISANG SALITA...
NARITO ANG ILANG
HALIMBAWA
1. MGA PANGNGALANG NGALAN NG PARTIKULAR NA TAO
MIGUEL Bb. LUZ DE GUZMAN CARISA DR. VILLAROMAN
2...
3. MGA PANGNGALANG PANGKALAHATANG NGALAN NG BAGAY
LAPIS BAHAY RADYO RELO
4. MGA PANGNGALANG PANGKALAHATANG NGALAN NG POOK
...
MGA URING PANGKAYARIAN
ANG MGA URI NG PANGNGALAN, BATAY SA KAYARIAN NITO, AY ANG MGA SUMUSUNOD: (1) PAYAK
(2) MAYLAPI (3) ...
PANGNGALANG INUULIT
INUULIT ANG PANGNGALAN KUNG ANG KABUUAN NITO O ANG BAHAGI NITO AY INUULIT, MAY
DALAWANG URI NG PAG-UUL...
Nächste SlideShare
Wird geladen in …5
×

Instruktura ng wika

5.712 Aufrufe

Veröffentlicht am

Ilan sa bahagi ng pananalita

Veröffentlicht in: Bildung
0 Kommentare
1 Gefällt mir
Statistik
Notizen
  • Als Erste(r) kommentieren

Keine Downloads
Aufrufe
Aufrufe insgesamt
5.712
Auf SlideShare
0
Aus Einbettungen
0
Anzahl an Einbettungen
6
Aktionen
Geteilt
0
Downloads
56
Kommentare
0
Gefällt mir
1
Einbettungen 0
Keine Einbettungen

Keine Notizen für die Folie

Instruktura ng wika

  1. 1. Instruktura ng Wika
  2. 2. MGA BAHAGI NG PANANALITA PAG-UURI-URI 1. PANGNGALAN 2. PANGHALIP 3. PANDIWA 4. PANG-URI 5. PANG-ABAY 6. PANTUKOY 7. PANGATNIG 8. PANG-UKOL 9. PANG-ANGKOP 10. PANDAMDAM
  3. 3. A. MGA SALITANG PANGNILALAMAN (CONTENT WORDS) 1. MGA NOMINAL A. PANGNGALAN B. PANGHALIP 2. PANDIWA 3. MGA PANURING A. PANG-URI B. PANG-ABAY B. MGA SALITANG PANGKAYARIAN (FUNCTION WORDS) 1. MGA PANG-UGNAY A. PANGATNIG B. PANG-ANGKOP C. PANG-UKOL 2. MGA PANANDA A. PANTUKOY B. PANGAWING
  4. 4. - ANG GANITONG PAGPAPANGKAT AY UMAAYON SA TUNTUNIN NG SIMPLIKASYON NA SINISIKAP NA MASUNOD SA PAGLALARAWANG PANGWIKA. - MAPAPANSIN DIN ANG PINAGSASAMA-SAMA NG DATING MAGKAHIWALAY NA MGA BAHAGI NG PANALITA SA ILALIM NG MALAKING KATEGORYA AY BATAY DIN SA GAMIT NG MGA ITO SA LOOB NG WIKA. - NOMINAL – PANGHALIP AT PANGNGALAN: SAPAGKAT KAPWA GINAGAMIT NA PANAWAG SA TAO, HAYOP, BAGAY, POOK O PANGYAYARI - PANURING – PANG-URI AT PANG-ABAY: GINAGAMIT NA PANURING BAGAMAT MAGKAIBA ANG BINIBIGYANG TURING. - PANG-UGNAY – PANGATNIG, PANG-ANGKOP, PANG-UKOL: ANG MGA ITO AY NAGPAPAKITA NG KAUGNAYAN O RELASYON NG ISANG SALITA O PARIRALA SA IBA PANG SALITA O PARIRALA SA LOOB NG PANGUNGUSAP.
  5. 5. ANG PANGATNIG AY MAAARING MAGPAKITA NG RELASYON NG PAGSASALUNGATAN NG PAGIGING SANHI AT BUNGA, ATB. SA PAGGAMIT NAMAN NG PANG-UKOL AY MAIPAPAKITA ANG KAUKULAN NG ISANG TAO, BAGAY, ATB. SA ISANG TAO, BAGAY ATB. ANG MGA PANG-ANGKOP AY NAGPAPAKITA NAMAN NG RELASYON NG PANURING SA SALITANG BINIBIGYANG TURING SA SUBKATEGORYANG PANANDA AY KABILANG NAMAN ANG MGA PANTUKOY AT PANGAWING, ISANG BAGONG SUBKATEGORYANG IMINUMUNGKAHI SA AKLAT NA ITO. ANG TINUTUKOY NA PANGAWING AY ANG KATAGANG “AY” NA MAY KAKANYAHAN AT GAMIT NA HINDI MAUURI SA ALINMAN SA MGA NAUNANG SUBKATEGORYA. KABILANG SA PANGNILALAMAN ANG MGA SALITANG MAY MGA TIYAK NA KAHULUGAN AT NAGSISILBING MAHAHALAGANG SALITA SA LOOB NG PANGUNGUSAP. KABILANG SA PANGKAYARIAN ANG MGA SALITA O KATAGANG NAGKAKAROON LAMANG NG TIYAK NA KAHULUGAN KAPAG NASA PANGUNGUSAP, AT ANG TUNGKULIN AY MAPAGSAMA-SAMA AT MAPAGUGNAY-UGNAY ANG MGA SALITANG PANGNILALAMAN UPANG MAKABUO NG PANGUNGUSAP.
  6. 6. TULAD NG KAKABANGGIT LAMANG, SA BAGONG PAG-UURI AY IPINAPASOK ANG ISANG BAGO AT MALIIT NA KATEGORYANG TATAWAGIN NATING PANGAWING, ANG AY. SA DATING BALARILA, ANG AY AY ITINUTURING NA PANDIWANG WALANG BANGHAY NA MAY DALAWANG GAMIT: PANDIWANG PANGAWING AT PANDIWANG PANTULONG. PANGAWING ANG AY KUNG NAG-UUGNAY NG SIMUNO AT PANAGURING PANGNGALAN, PANAGURING PANGHALIP, PANAGURING PANG-URI O PANAGURING PANG-ABAY. PANTULONG ANG GAMIT NG AY KUNG KASAMA NG PANDIWA SA PANAGURI. SA AKLAT NA TO, ANG AY AY ITINUTURING NA ISA NA LAMANG PANANDA NA NAGPAPAKITA NA ANG SIMUNO NG PANGUNGUSAP AY NAUUNA SA PANAGURI NITO. ANG AY, SAMAKATWID, AY PALATANDAAN NG AYOS NG PANGUNGUSAP. AT SA DALAWANG SUBKATEGORYANG PANTUKOY AT PANGAWING, ANG AY AY TATAWAGIN NATING PANGAWING SAPAGKAT ITO’Y NAGSISILBING KAWING SA SIMUNO AT PANAGURI NG PANGUNGUSAP. HINDI ITO IBINIBILANG SA MGA PANG-UGNAY SAPAGKAT HINDI ITO NAGPAPAKITA NG RELASYON NG DALAWANG ELEMENTO SA PANGUNGUSAP, KUNDI NAGSISILBI LAMANG NA PARANG KADENA UPANG MABUO ANG PANGUNGUSAP KUNG ITO AY NASA AYOS NA UNA ANG SIMUNO KAYSA PANGUNGUSAP KUNG ITO AY NASA AYOS NA UNA ANG SIMUNO KAYSA PANAGURI. NAWAWALA ANG AY KAPAG NAUUNA ANG PANAGURI SA SIMUNO. ANG AY, SAMAKATWID, AY TIYAK NA PALATANDAAN LAMANG NG AYOS NG ISANG PANGUNGUSAP. HINDI ITO PANDIWA, SAPAGKAT ANG PANDIWA AY HINDI DAPAT MAWALA KAHIT BAGUHIN ANG AYOS NG PANGUNGUSAP.
  7. 7. SA ATING KLASIPIKASYON, ANG PANDIWA AY NANANATILIING BUKOD O SEPERADONG KATEGORYA. HINDI ITO MAAARING ISAMA SA IBA PANG SUBKATEGORYA. HINDI ITO MAAARING ISAMA SA IBA PANG SUBKATEGORYA SAPAGKAT NAG-IISA ITO SA TAGLAY NA GAMIT—NAGPAPAKITA O NAGSASAAD NG KILOS O KALAGAYAN. SA ATING KLASIPIKASYON AY HNDI NA ISINASAMA ANG MGA PANDAMDAM. KAHIT NA ANONG SALITA AY MAGAGAMIT NA PANDAMDAM. ANG ISANG PANGNGALAN, PANGHALIP, PANDIWA ATB. AY MAGAGAMIT SA PAGBUBULALAS NG MATINDING DAMDAMIN. DAPAT DIN NATING MAPANSIN NA ANG ISANG BAHAGI NG PANALITA AY MAAARING BUUIN NG ISA O HIGIT SA ISANG MORPEMA. MAY MGA BAHAGI NG PANALITA NA BINUBUO NG ISANG MORPEMA LAMANG; MAY BINUBUO NG HIGIT SA ISA. HAL, ANG MGA KATAGANG ANG, SI, NG, AT, KO, ATB., AY IISAHING MORPEMA LAMANG. MGA MORPEMANG PANGKAYARIAN ANG MGA ITO. IISAHING MORPEMA RIN ANG MGA PANGNGALANG BARO, ISIP, GANDA ATB. MGA MORPEMANG PANGNILALAMAN ANG MGA ITO. SAMANTALA, ANG MGA PANGNGALANG PAG-ASA, KAGANDAHAN, ATB. AY MAY DALAWANG MORPEMA. ANG PAG-ASA AY BINUBUO NG MORPEMANG DI-MALAYANG [PAG-], AT NG MORPEMANG MALAYANG [ASA]. ANG KAGANDAHAN AY MAY DALAWA RING MORPEMA, ANG [KA-…-HAN] NA MORPEMANG DI-MALAYA AT ANG [GANDA] NA ISANG MORPEMANG MALAYA.
  8. 8. 2. MGA SALITANG PANGNILALAMAN A. MGA NOMINAL – SA PANLAHAT NA KATUTURAN, ANG SALITANG NOMINAL AY NAGANGAHULUGANG PANGLAN O ANUMANG SALITANG NAUUKOL SA PANGNGALAN. SA BALARILANG ITO, ANG TINUTUKOY NA MGA NOMINAL AY ANG MGA PANGNGALAN AT ANG MGA PANGHALIP. ANGKOP NA TAWAGING NOMINAL ANG DALAWANG ITO SAPAGKAT KAPWA TUMUTUKOY SA NGALAN NG TAO, HAYOP, BAGAY, POOK, PANGYAYARI, ATB. 1. MGA PANGNGALAN – SA PAGBIBIGAY NG KATUTURAN NG PANGNGALAN AY DALAWANG PANANAW ANG ATING GAGAMITIN: (1) YAONG KATUTURANG BATAY SA KAHULUGANG PANSEMANTIKA NA GINAMIT SA BALARILANG TRADISYUNAL AT (2) YAONG BATAY SA LINGGWISTIKANG ISTRUKTURAL. SA PANANAW NA PANSEMANTIKA, ANG DEPINISYON NG ISANG BAHAGI NG PANALITA AY IBINABATAY SA KAHULUGANG IBINIBIGAY NITO. HAL: ANG MGA SALITANG NENENG, JOSE, AKLAT, AY MGA NGALAN NG TAO AT BAGAY; ANG MGA SALITANG ITO AY PANGNGALAN. ANG MGA SALITA NAMANG MABAIT AT MARUNONG AY NAGLALARAWAN KAYAT ANG MGA ITO AY PANG-URI.
  9. 9. SAMAKATWID, SA PANANAW NA PANSEMANTIKA AT TRADISYUNAL NA BALARILA, GANITO ANG KATUTURAN NG PANGNGALAN: 1. ANG PANGNGALAN AY PASALITANG SIMBOLONG ANG TINUTUKOY AY TAO, HAYOP, BAGAY, POOK, PANGYAYARI, ATB. 2. ANG PANGNGALAN AY NGALAN NG TAO, HAYOP, BAGAY, POOK, PANGYAYARI, ATB. ANG UNANG KATUTURAN AY GUMAGAMIT NG KATAWAGANG PANSEMANTIKA, PASALITANG SIMBOLO; ANG IKALAWA AY ANG KARANIWANG KATUTURANG IBINIBIGAY NG BALARILANG TRADISYUNAL. HAL: 1. MGA PANGNGALANG NGALAN NG TAO MANOLO AMA GURO BONG ANAK MANANANGGOL 2. MGA PANGNGALANG NGALAN NG HAYOP TAGPI ASO TANDANG MUNING PUSA KATYAW 3. MGA PANGNGALANG NGALAN NG BAGAY MONGOL LAPIS PAGKAIN BAGONG BALARILANG FILIPINO AKLAT LARUAN 4. MGA PANGNGALANG NGALAN NG KATANGIAN BAIT KABAITAN PAGKAMABAIT TAPANG KATAPANGAN PAGKAMATAPANG 5. MGA PANGNGALANG NGALAN NG POOK PILIPINAS LUNGSOD KAPARANGAN BUNDOK NG APO BUNDOK KAMAYNILAAN 6. MGA PANGNGALANG NGALAN NG PANGYAYARI IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG UNANG PAMBANSANG SEMINAR SA BILINGGWALISMO KASALANAN PULONG PAG-AAWAY SUNTUKAN
  10. 10. KAYARIAN NG PANGNGALAN 1. PANGNGALANG PAYAK – KUNG ITO AY SALITANG-UGAT LAMANG. • ARAW • BATAS •PRUTAS 2. PANGNGALANG MAYLAPI – KUNG ITO AY BINUBUO NG SALITANG-UGAT AT PANLAPING MAKANGALAN. • KASAPI • DINUGUAN 3. PANGNGALANG INUULIT – KUNG ANG KABUUAN NITO O ANG BAHAGI NITO AY INUULIT. • BALI-BALITA • LIMA-LIMA • BALI-BALIGTAD •SAPIN-SAPIN 4. PANGNGALANG TAMBALAN – BINUBUO ITO NG DALAWANG MAGKAIBANG SALITANG PINAG-ISA • BAHAGHARI •SINAGTALA •PALAKANG-BUKID •BAHAY KALAKAL - TINUTUKOY PA RIN NG KAYARIAN ANG GAMIT NG SALITA SA LOOB NG WKA O ANG KAYARIAN NG MGA PARIRALANG MAAARING MABUO NITO, KASAMA NG IBA PANG SALITA O KATAGA.
  11. 11. KAUKULAN NG PANGNGALAN PALAGYO – KUNG ITO AY GINAMIT NA SIMUNO HAL: SI AMANDO V. HERNANDEZ ANG MAKATANG TAGAPAGTANGGOL NG MGA MAGSASAKA PALAYON – KUNG ITO AY GINAMIT BILANG LAYON NG PANDIWA O PANG-UKOL. HAL: SI ARTHUR AY NAG-AAYOS NG SIRANG BARKO (LP) : INILIKAS NI VIC ANG PAMILYA SA PAARALAN. (LPU) PAARI – KUNG MAY INAARING ANUMAN ANG PANGNGALAN HAL: IBINILI NI NIDA NG DAMIT ANG KANYANG APO.
  12. 12. KATUTURAN NG PANGNGALAN • ANG ANUMANG SALITA NA MAAARING ISUNOD SA ANG/SI, NG/NI, SA/KAY AT MGA ANYONG MARAMIHAN NG MGA ITO, AY ISANG PANGNGALAN O DILI KAYA AY ISANG SALITANG GUMAGANAP NG TUNGKULIN NG PANGNGALAN. • ANG TATLONG PARES NA NABANGGIT AY MGA PANANDA. • ANG UNANG PARES – KAUKULANG PALAGYO • ANG HULING DALAWANG PARES – KAUKULANG PALAYON. • HAL: (ANG, NG, O SA): ANG ANAK, NG ANAK O SA ANAK. • HAL: (SI, NI, O KAY): SI MARIA, NI MARIA, KAY MARIA • DALAWANG KRITERYA O PAMANTAYAN, SAMAKATWID, ANG DAPAT GAMITIN UPANG MALAMAN NA ANG ISANG SALITA AY PANGNGALAN: – ANG INTERNAL NA KAYARIAN NG SALITA – PAGKAMAAARING GAMITIN NITONG KASAMA NG ANG/ SI, NG/ NI, SA/ KAY.
  13. 13. UNANG KATAGA (PALAGYO) 1. NAKATAPOS NG PAGDODOKTOR ANG ANAK NA MATIYAGA. 2. ANG TAGUMPAY NG ANAK AY TAGUMPAY RIN NG MGA MAGULANG 3. HINDI MATATAPATAN NG SALAPI ANG PAGTINGIN NG MAGULANG SA ANAK. 4. PANGULO NG KLASE SI MARIA. 5. NAGING INSPIRASYON NG BUONG KLASE ANG KASIPAGAN NI MARIA. 6. HINDI NABIGO ANG PAGTITIWALA NG LAHAT KAY MARIA.
  14. 14. - ANG ANYONG MARAMIHAN NG ANG/SI - MGA/SINA NG/NI - MGA/NINA SA/KAY - SA MGA/KINA. - KUNG ANG MGA PARIRALANG ISAHAN SA MGA HALIMBAWA SA ITAAS AY ILALAGAY NATIN SA MARAMIHAN, GANITO ANG MGA PARIRALANG MABUBUO NATIN: - 1. ANG MGA ANAK 2. SINA MARIA NG MGA ANAK NINA MARIA SA MGA ANAK KINA MARIA - SA MGA PADRON NG ATING MGA PARIRALA AY MAPAPANSIN NATIN NA ANG MGA SALITANGANAK AT MARIA AY HINDI MAAARING MAGKAPALITAN NG GAMIT. HINDI MAAARI ANG MGA KUMBINASYONG: - *ANG MARIA *SI ANAK *NG MARIA *NI ANAK *SA MARIA *KAY ANAK - MALIBAN SA DALAWANG TILA TALIWAS NA GAMIT NG ANG SA MGA PANGUNGUSAP NA SUMUSUNOD: 1. ANG MARIANG SINASABI KO SA IYO AY TAONG ASAWA NI MANG TIAGO, HINDI YAONG ASAWA NI MANG ADOR 2. NAGPALABAS NG KAUTUSAN ANG BAGONG PANGULO NA LINISING LAHAT ANG MGA ESTERO.
  15. 15. SA ATING OBSERBASYON NA ANG ANAK AT MARIA AY HINDI MAAARING MAGKAPALITAN NG GAMIT AY MAKABUBUO TAYO NG ISANG KONGKLUSYON: MAY MGA PANGNGALANG NAGAGAMIT LAMANG NA KASAMA NG ANG, NG, O SA AT MAY MGA PANGNGALANG NAGAGAMIT LAMANG SA SI, NI O KAY. KUNG MAGPAPATULOY TAYONG MAGHANAP NG MGA SALITANG MAAARING ISUNOD SA UNANG PANGKAT NG MGA KATAGA (ANG, NG, SA), MAKIKITA NATING ANG MGA SUMUSUNOD NA SALITA AY MAAARI RING GAMITIN: AKIN, MABAIT, UMAWIT. MAKABUBUO TAYO NG MGA SUMUSUNOD NA PARIRALA: 1. ANG AKIN ANG MGA AKIN NG AKIN NG MGA AKIN SA AKIN SA MGA AKIN 2. ANG MABAIT ANG MGA MABAIT NG MABAIT NG MGA MABAIT SA MABAIT SA MGA MABAIT 3. ANG UMAWIT ANG MGA UMAWIT NG UMAWIT NG MGA UMAWIT SA UMAWIT SA MGA UMAWIT
  16. 16. 1. MGA PARIRALANG ANG A. SA OPISYAL NA PULONG KO NA IUULAT ANG AKIN. B. LAGING PINAGPAPALA NG DIYOS ANG MABAIT. C. ANG UMAWIT SA ATING PALATUNTUNAN AY TANYAG SA BUONG DAIGDIG. 2. MGA PARIRALANG NG A. KALIHIM KO ANG BUMASA NG AKIN SA OPISYAL NA PULONG B. KARANIWANG TAHIMIK AT WALANG BAGABAG ANG BUHAY NG MABAIT. C. ANG PANGALAN NG UMAWIT AY TANYAG SA BUONG DAIGDIG. 3. MGA PARIRALANG SA A. HINDI KO MALILIMOT ANG KANYANG GINAWANG TULONG SA AKIN. B. ANG DIYOS AY LAGING MAY GANTIMPALA SA MABAIT. C. WALANG KATAPUSAN ANG PAPURI NG MGA NAKINIG SA UMAWIT.
  17. 17. MGA KLASIPIKASYON NG PANGNGALAN • ANG MGA PANGNGALAN AY MAUURI AYON SA KAHULUGAN O KAYARIAN NG MGA ITO BILANG ISANG SALITA. ANG UNANG PAG-UURI AY KLASIPIKASYONG PANSEMANTIKA, ANG IKALAWA AY PANGKAYARIAN O PANG-INSTRUKTURA. • MGA URING PANSEMANTIKA SA ILALIM NG PAG-UURING PANSEMANTIKA AY MAY DALAWANG PARAAN NG KLASIPIKASYON. ANG UNA AY BATAY SA KUNG ANG PANGNGALAN AY MAY DIWANG PANLAHAT O HINDI PANLAHAT, AT ANG IKALAWA AY BATAY SA KUNG ANG PANGNGALAN AY TUMUTUKOY SA ISANG BAGAY NA TAHAS O HINDI TAHAS. AYON SA UNANG BATAYAN, ANG MGA PANGNGALAN AY MAAARING (1) PANGNGALANG PANTANGI (2) PANGNGALANG PAMBALANA. AYON NAMAN SA IKALAWANG BATAYAN, ANG PANGNGALAN AY MAAARING (1) TAHAS O (2) BASAL. PANTANGI ANG PANGNGALAN KUNG TUMUTUKOY SA ISANG TANGING TAO, HAYOP, BAGAY, POOK O PANGYAYARI. ANG IBIG SABIHIN NG TANGI AY PARTIKULAR NA TAO, HAYOP, BAGAY, POOK O PANGYAYARI. SUMASAGOT ITO SA TANONG NA: ANO ANG PANAWAG SA O NGALAN NG PARTIKULAR NA TAONG ITO, O PUSANG ITO, ATB.; NG PARTIKULAR NA AKLAT NA ITO, O LAPIS NA ITO, ATB.; NG PARTIKULAR NA DAGAT NA ITO O ILOG, ATB.?
  18. 18. NARITO ANG ILANG HALIMBAWA 1. MGA PANGNGALANG NGALAN NG PARTIKULAR NA TAO MIGUEL Bb. LUZ DE GUZMAN CARISA DR. VILLAROMAN 2. MGA PANGNGALANG PARTIKULAR NA NGALAN NG IBA’T IBANG URI NG HAYOP TAGPI SPOT MUNING BROWNIE 3. MGA PANGNGALANG PARTIKULAR NA NGALAN NG IBA’T IBANG BAGAY BIIC MONGOL BAGONG BALARILANG FILIPINO MAGASING PANORAMA 4. MGA PANGNGALANG PARTIKULAR NA NGALAN NG POOK TALON NG MARIA CRISTINA ILOG PASIG BUNDOK NG MAKILING BAGUIO 5. MGA PANGNGALANG PARTIKULAR NA PANGYAYARI PALIGSAHANG Bb. UNIVERSE NG TAONG 1975 UNANG PAMBANSANG KILUSAN SA PAGPAPLANO NG PAMILYA TIGNAN NAMAN NATIN ANG KAHULUGAN NG PANGNGALANG PAMBALANA PAMBALANA – ANG MGA PANGNGALANG TUMUTUKOY SA PANGKALAHATANG DIWA. HAL, ANG PANGNGALANG TAO AY TUMUTUKOY SA LAHAT NG NILALANG NA MAY KATAWAN AT KALULUWANG RASYUNAL. NARITO ANG LANG HALIMBAWA 1. MGA PANGNGALANG PANGKALAHATANG NGALAN NG TAO BATA GURO LALAKI ABOGADO 2. MGA PANGNGALANG PANGKALAHATANG NGALAN NG HAYOP ASO PUSA BAKA INSEKTO
  19. 19. 3. MGA PANGNGALANG PANGKALAHATANG NGALAN NG BAGAY LAPIS BAHAY RADYO RELO 4. MGA PANGNGALANG PANGKALAHATANG NGALAN NG POOK ILOG KAPATAGAN BULUBUNDUKIN LUNGSOD 5. MGA PANGNGALANG PANGKALAHATANG NGALAN NG PANGYAYARI SAYAWAN GULO BANGGAAN ANG MGA PANGNGALANG PANTANGI AY SINISIMULAN SA MALAKING TITIK KAPAG ISINUSULAT. ANG MGA PANGNGALANG PAMBALANA AY SINISIMULAN NAMAN SA MALIIT NA TITIK MALIBAN KUNG SIMULA NG PANGUNGUSAP. AT TULAD NG NAPAG-ARALAN NA NATIN, ANG MGA PANGNGALANG PANTANGING NGALAN NG TAO AY PINANGUNGUNAHAN NG PANTUKOY NA SI O SINA, NI O NINA, KAY O KINA, AYON DIN SA KINAKAILANGANG KAILANAN. NGAYON AY KUNIN NAMAN NATIN ANG ISA PANG PAG-UURING PANSEMANTIKA NG PANGNGALAN: (1) ANG TAHAS AT (2) ANG HINDI TAHAS O BASAL. TAHAS - ANG PANGNGALAN KUNG TUMUTUKOY SA BAGAY NA MATERYAL MGA HALIMBAWA: TAO PUNO PAGKAIN HAYOP GAMOT KASANGKAPAN BAHAL - ANG PANGNGALAN KUNG ANG TINUTUKOY AY HINDI MATERYAL KUNDI DIWA O KAISIPAN. MGA HALIMBAWA: BUTI SAMA PAG-ASA GANDA BAIT KALIGAYAHAN ANG MGA PANGNGALANG TAHAS AY MAUURI PA RIN SA DALAWA: (1) PALANSAK AT (2) DI-PALANSAK. ANG PALANSAK AY TUMUTUKOY SA PANGKAT NG IISANG URI NG TAO O BAGAY. MGA HAL: BUWIG HUKBO TUMPOK KUMPOL LAHI TANGKAL ANG DI-PALANSAK AY TUMUTUKOY LAMANG SA MGA BAGAY NA ISINASAALANG-ALANG NANG ISA-ISA. MGA HAL: SAGING SUNDALO KAMATIS BULAKLAK TAO MANOK
  20. 20. MGA URING PANGKAYARIAN ANG MGA URI NG PANGNGALAN, BATAY SA KAYARIAN NITO, AY ANG MGA SUMUSUNOD: (1) PAYAK (2) MAYLAPI (3) INUULIT (4) TAMBALAN PANGNGALANG PAYAK PAYAK ANG PANGNGALAN KUNG ITO AY ISANG SALITANG-UGAT LAMANG. WALA ITONG KASAMANG PANLAPI O KATAMBAL NA SALITA, HINDI RN INUULIT ANG KABUUAN O BAHAGI NITO. ANG PANGNGALANG PAYAK AY BINUBUO NG ISANG MORPEMA LAMANG. MGA HALIMBAWA: ASIN BUNGA BALAK BUNGA DIWA PANGNGALANG MAYLAPI O HINANGO ANG PANGNGALAN AY TINATAWAG NA MAYLAPI O HINANGO KUNG BINUBUO NG SALITANG-UGAT AT PANLAPING MAKANGALAN. SA BAGONG PANANAW, SINSABING ANG PANGNGALANG MAYLAPI AY BINUBUO NG ISANG MORPEMANG MALAYA AT ISANG MORPEMANG DI-MALAYA. ANG MORPEMANG MALAYA AY ANG SALITANG-UGAT; ANG MORPEMANG DI-MALAYA AY ANG PANLAPI. MGA HALIMBAWA: KAKLASE KABUHAYAN PAGBASA DINUGUAN TINATAWAG NATING PANLAPING MAKANGALAN ANG MGA PANLAPING GINAGAMIT SA PAGBUBUO NG PANGNGALAN. IBA ITO SA IBA PANG PANLAPI NA GINAGAMIT NAMAN SA PAGBUBUO NG IBA PANG BAHAGI NG PANANALITA, TULAD NG PANG-URI AT PANDIWA.
  21. 21. PANGNGALANG INUULIT INUULIT ANG PANGNGALAN KUNG ANG KABUUAN NITO O ANG BAHAGI NITO AY INUULIT, MAY DALAWANG URI NG PAG-UULIT: (A) ANG PAG-UULIT NA DI-GANAP O PAG-UULIT NA PARSYAL AT (B) ANG PAG- UULIT NA GANAP. PAG-ARALAN NATIN ANG PAGKAKAIBA NG DALAWANG ITO. ANG PAG-UULIT NA DI-GANAP O PAG-UULIT NA PARSYAL AY YAONG BAHAGI LAMANG NG SALITANG-UGAT ANG INUULIT. MGA HAL: BALI-BALITA TAGU-TAGUMPAY SALI-SALITA KAPA-KAPATID MAY MGA PANGNGALANG MAYLAPI NA ANG INUULIT AY ANG UNANG (KATINIG) AT PATINIG NG SALITANG-UGAT. MGA HAL: PAGTUTURO PAGKAKARPINTERO MAG-A-MAG-ASAWA PAGPAPLANO MAY MGA SALITANG ANG LIKAS NA KAYARIAN AY MAY PAG-UULIT. ANG MGA GANITONG PANGNGALAN AY HINDI KABILANG SA MGA PANGNGALANG INUULIT. MGA HAL: ALAALA PARUPARO BULAKLAK SARISARI LAPULAPU GAMUGAMO PAG-UULIT NA GANAP ANG TAWAG SA PAG-UULIT NG BUONG PANGNGALAN. MGA PANGNGALANG PAYAK LAMANG NA BINUBUO NG DALAWANG PANTIG ANG NAUULIT NANG GANAP. MGA HAL: KURU-KURU BUHAY-BUHAY BAYAN-BAYAN SABI-SAB

×