2. *Humiling ng bagong kasunduan
ang mga kababayan ni Rizal
hinggil sa pagbubuwis sa lupa ng
mga prayle.
*Hiniling nilang payagan ito sa
pamamatnubay ng gobyerno.
*Kapag ito ay natuloy,
malalaman na ang siyam na
ikasampung bahagi ng lupaing
pinabubuwisan ay kinamkam ng
mga Dominiko sa ilegal na
pamamaraan.
3. *Nakarating ang kahilingang ito kay Heneral
Valeriano Weyler.
Isang Alemang buhat sa Mallorca
na pumalit kay Terrero sa
pagiging Gobernador-Heneral
noong Mayo, 1888.
8. *Nakipagtagpo rin siya sa
kanyang kaibigan na si Dr.
Trinidad Pardo de Tavera.
*Bumalik siya sa Londres upang
tapusin ang kanyang mga
gawain at doon ay natuklasan
niya na wala na sa
katungkulan si Terrero at
pormal nang ipinagbawal ang
“Noli Me Tangere”.
10. * Napagdiskitahan ng mga paring
Dominiko si Manuel Hidalgo dahil sa
pagtulong nito sa mga taong naghahabol
sa pagmamay-ari ng lupa.
*Pinagbintangan si Hidalgo na isang
pilibustero at ahente ni Rizal.
*Inusig nila ang mga taga-Calamba na
naninirahan sa mga asyenda.
*60 pamilya ang pinalayas sa kanilang
mga tahanan.
*Ipinasara ang kanilang panggiling ng
tubo at ipinasara rin ang iba pang mga
gusali.
12. *Lubos na kahirapan ang dumaan sa buhay ng mga tao dahil
bumaba ang presyo ng asukal at dahil sa salot na kolera.
*Sumidhi ang kanilang pagkakaisa upang ipaglaban ang
kanilang karapatang mabuhay.
*Nagsilbing tagapayo at tagapatnubay ng pakikibaka sina
Paciano at ang kanyang bayaw.
*Humingi ng pahintulot ang alkalde ng Calamba sa Santa
Cruz upang bumuo ng hukbong sandatahan na
magbabantay sa bawat kilos ng mga tao roon.
13. *Ika-12 ng Enero, 1889- Sumulat si Silvestre Ubaldo
sa Londres.
*Humingi siya ng tulong kay Rizal upang
makahingi ng pagkukupkop sa pamahalaan
para mailigtas ang kanilang pamilya at ari-arian
sa pagkasira.
*Ibinaba ang hatol ng hukom sa Laguna na ang
kinikilingan ay ang mga Dominiko kung kaya’t
sina Paciano ay umapila sa Real Audiencia.