Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Ang
1. Ang mikroekonomiks o mikroekonomiya (Ingles: microeconomics, Kastila: microeconomía; nagmula sa
Griyegong μικρό-ς: "maliit" o "munti"; at οικονομία /ikono΄mia/: "ekonomiya") ay isang sangay
ng ekonomiyang nagsasagawa ng pag-aaral kung paano nagpapasya ang mga tahanan at mga
kumpanya upang magamit at itatalaga ang limitado o kakaunting mga kagamitan o yaman,[1] sa paraang
tipikal at karaniwan sa loob ng mga merkado o pamilihan kung saan mabibili at maipagbibili ang
mabubuting mga dala-dalahin o mga serbisyo. Sinusuri ng mikroekonomiya ang kung paano
naaapektuhan ng ganitong mga desisyon at asal, ugali, o gawi, angpampuno at
pangangailangan (supply and demand sa Ingles) para sa mga mabubuting dala-dalahin at mga
serbisyo, na nagiging batayan ng mga presyo o halaga; at kung paanong ang presyo naman ay nagiging
batayan ng pampuno at pangangailangan ng mabubuting mga dala-dalahin at mga serbisyo.[2][3]
Kaiba ito o kabaligtaran ng makroekonomiks o makroekonomiya, na kinasasangkutan ng kabuoang
bilang ng gawaing pangkabuhayano pang-ekonomiya, na nangangasiwa ng mga paksa ng paglaki,
inplasyon, at kawalan ng hanapbuhay, at may pambansang mga patakarang pangkabuhayang kaugnay
ng mga paksang ito.[2] Pinangangasiwaan din ng makroekonomiya ang mga epekto ng mga gawain ng
pamahalaan (katulad ng pagbabago ng mga antas ng pagbubuwis) para sa mga ito.[4] Partikular na sa
pagkakaroon ngLucas critique, karamihan sa modernong teoriya ng makroekonomiya ang naitatag
dahil sa mga mikropundasyon na batay sa mga basiko o payak na mga palagay o sapantaha hinggil sa
kaasalang pangkaantasang mikro o maliit.
Isa sa mga layunin ng mikroekonomiya ang suriin ang mga mekanismo ng merkado o pamilihan na
naglulunsad o nagtatalaga ng mga kaugnay na presyo o halaga ng mga mabubuting mga dala-dalahin at
mga serbisyo at paglalagak o pagtatalaga ng mga kaunti o limitadong mga kagamitan o yaman para sa
maraming iba pang mga paggamit. Sinusuri ng mikroekonomiya ang pagkabigo ng merkado o ng
pamilihan, kung saan hindi nagtatagumpay ang mga pamilihan na makagawa o makalikha ng mga
maiinam na mga kinalabasan o mga resulta, pati na ang paglalarawan ng mga kalagayan teoretikal na
kailangan para sa perpektong paligsahan o kompetisyon. Kabilang sa mahahalagang mga larangan sa
pag-aaral ng mikroekonomiya ang ekilibriyong heneral, mga merkadong nasa ilalim ng asimetrikong
impormasyon, pagpili sa ilalim ng kawalan ng katiyakan, at mga kagamitan o aplikasyong pangekonomiya ng Teoriya ng Laro (o Game Theory). Isinasama rin ang elastisidad na pang-ekonomiya ng
mga produktong nasa loob ng sistemang pangpamilihan o pangmerkado.
Ang Macroeconomics ay ang pag-aaral sa kabuuan o pangkalahatang ekonomiya ng
bansa.
Ang ilan sa mga halimbawa nito ay:
- pagkalahatang antas ng presyo
- kabuuang pambansang produkto (GNP)
- pangkalahatang antas ng empleyo
- pangkalahatang bayarin at gastusin
Ang Maykroekonomiks ay ang pag-aaral sa maliit na yunit o sekta ng ekonomiya ng
bansa.
Ang ilan sa mga halibawa nito ay:
- kompanya
- bahay-kalakal
- pamilihan
- sambayanan
- mamimili
- prodyusers
* Ang Macroeconomics ay una kong sinagot sa "Ano ang Makro ekonomiks?"
SAKLAW NG MAKROEKONOMIKS
Naglalarawan ng kabuuang kita,pangkalahatang presyo,trabaho,produkto at gastos o bayarin.
Mga layunin tulad ng mataas na antas ng produksyon,mataas na empleyo,katatagan ng presyo
at balanseng kalakalang pandaigdig.
tamang pagpili a pagpapairal ng mga patakarang pangekonomiko.