2. ANG MGA
KATUTUBONG SINING
(FOLK ART) NA
MAITUTURING NA
PAMANA NG LAHI AY
MAIPAGMAMALAKI
NG ATING BANSA. ITO
AY TUMUTUKOY SA
SINING NA NILIKHA
NG MGA
MALILIKHAING
PANGKAT NG PILIPINO
NA NAGTATAGLAY NG
KAKAIBANG
KAGANDAHAN AT
DISENYO NA
HANGGANG SA
KASALUKUYAN AY
LUMALAGANAP PA
RIN.
Ang Pilipinas
ay binubuo
ng
maraming
tribong-
etniko tulad
ng Ifugao,
Bontoc,
Tboli,
Bagobo,
Marano,
Yakan at iba
pang pankat
na may sari-
sariling
kultura na
pinagyayama
n.
3. Hagdang Hagdang Palayan ng Banaue
Ipinahayag ng UNESCO ang lugar na ito bilang Pamanag Lugar
sa Mundo (World Heritage Site) at natanyag din bilang 8th
Wonders of the World.
4. 1. BULUL (Bul-ul)
Ang Bulul (Rice god) ay nililok na anyong tao
tao na may kaugnayan sa kanilang anito o dios –
diosan.
7. MANLILILOK NG PAETE
Ang Paete ay isang maliit na bayan sa lalawigan ng Laguna na matatagpuan sa hilagang silangang
bahagi nito malapit sa Laguna de Bay.Unang tinawag na Pueblo De San Lorenzo ang lalawigan
mula sa pangalan ng kanilang patron na si San Lorenzo na ibingay ng mga misyonerong pari Di
nagtagal pinalitan ito ng salitang “Paete”na hango naman sa salitang “Paet’ (Chisel) na isang
pangunahing kagamitan sa pag-ukit o wood carving.
"Wood Carving Capital"
Ang bayan ay lalong naging tanyag hindi lamang sa bansa kundi pati sa buong mundo dahil
sa dami ng mga tao naging dalubhasa sa larangan ng Paglililok ng kahoy (wood carving)
Itinuring na “Carving Capital of the Philippines” ang Paete, Laguna noong Marso 15, 2005
sa bisa ng Presidential Proclamation No. 809 na pinirmahan ni Pangulong Gloria Macapagal
Arroyo.
8. TAKA
Isa pang kilalang sining na gawa sa Paete ang laruang “Taka” o paper
mache sa hubog ng tao at mga hayop ( karaniwang manok, kabayo at
kalabaw.)
9. 3. Okkir ng Maranao
Ang mga Maranao ay naging tanyag dahil sa kanilang kakaibang disenyo na
tinatawag na “Okkir”. Ito ay tumutukoy sa geometriko at paikot-ikot na
halamang baging na disenyo na ginagamit bilang motif sa sining at
kagamitan ng Maranao at iba pang muslim sa Mindanao. Makikita ang okkir
sa mga sumusunod na sining :
10. A. Sarimanok
Pangunahing sagisag
ng kultura ng
Maranao. Sinasabing
ang ibong may isda
sa bibig ay
naglalarawan ng
maunlad nabuhay at
kultura ng Maranao
sa tabi ng Lawa ng
Lanao.
B. Torogan at Panulong
Makikita pa ang istilong Okkir sa
Torogan o tahanan ng mga
Maranao na may matataas na
katayuan sa lipunan. Sinasagisag
nito ang katanyagan at
karangyaan.
C. Malong
Ang Malong ay nagtataglay
ng disenyong ‘Okkir”
11. 4. Vinta ng Zamboanga
Ang vinta na kilala rin sa mga tawag na lepa-lepa at sakayan ay isang tradisyunal na
bangkang matatagpuan sa pulo ng Mindanao na sumusimbolo sa makulay at mayamang
kultura at kasaysayan ng mga naninirahan sa kapuluan ng Sulu.
12. 5. Pabalat ng “Pastillas” ng San Miguel, Bulacan
Kilala ang mga taga-Bulacan sa paggawa ng makukulay na pabalat sa Pastillas na kung tawagin ay borlas de
pastillas. Ito ay kadalasang yari sa papel de hapon.
13. 6. Kiping ng Lucban, Quezon
Ito ang pangunahing dekorasyon ng mga taga Lucban Quezon tuwing Pahiyas Festival tuwing Mayo 15.
KIPING ay hugis ng dahon na nilalagyan ng iba’t-ibang kulay. Ito ay gawa sa malagkit (rice paste).
14. 7. Muwebles ng Betis, Pampanga
Ang Muebles ng Pampanga ay kilala dahil sa madami at magaganda nitong ukit.
15. 8. Parol ng San Fernando, Pampanga
Ang lungsod ay binansagang “Christmas Capital of the Philippines” dahil mga makukulay ay higanteng parol dito.
Ang taunang Giant Lantern dito ay isinasagawa tuwing Disyembre
16. ATING BALIKAN
1. BULUL (Bul-ul)
ng Ifugao
Mga Katutubong Sining (Folk Art)
2. POON AT IMAHEN NG
PAETE LAGUNA
3. Okkir ng Maranao
A. Sarimanok
4. Vinta ng Zamboanga
5. Pabalat ng “Pastillas”
ng San Miguel, Bulacan
6. Kiping ng
Lucban, Quezon 7. Muwebles ng Betis,
Pampanga
8. Parol ng San Fernando,
Pampanga