4. Ang isang katangian ng dating Pang. Fidel
V. Ramos ay ang kaniyang pagiging
matandain. Sa kaniyang gulang ng
mahigit animnapu, pinagtatakhan ng
kaniyang mga nakasama kung bakit
mabilis makaalala ang ikawalong Pangulo
ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
Isang araw, naanyayahan ang dating Pang.
Ramos na magsalita sa harap ng
napakaraming tao sa Quirino Grandstand.
Ito’y tinatawag ngayong Freedom
Grandstand.
5. Bago magsalita ang dating Pangulong
Ramos, iniabot niya ang ilang papeles sa
isa niyang kawani.
“Hawakan mo ito at pag-aralan. Ibalik mo
sa akin pagkatapos mong magawang ng
assessment report.” ang utos ng dating
Pangulo.
Dahil sa dami ng mga gawain, nalimutan
ng kawani ang ipinagagawa sa kaniya ng
Pangulo.
Pagkaraan ng ilang buwan, ipinatawag ni
dating Pang. Ramos ang kawani.
6. “Natatandaan mo ba noong bago ako
magsalita sa Quirino Grandstand, may
iniabot akong mga papeles sa iyo. Sinabi
ko sayong gawan mo iyon ng assessment
report. Kung hindi ako
nagkakamali, siyam na buwan na ngayon
ang nakakaraan,” ang paggunita ng
dating Pang. Ramos sa kawani.
Napahiya ang kawani. Hindi niya akalaing
sa mahabang panahong nagdaan ay
naalala pa ni dating Pang. Ramos ang
pangyayaring iyon.
“Dinaramdam ko po. Labis po akong
nahihiya sapagkat akong bata ang
nakalimot” sagot ng kawani.
7. 1. Ano ang isa sa magandang katangian ng
dating Pang. Ramos na nailarawan sa
anekdota? Matandain
2. Saan nagsalita si Pang. Ramos? Quirino
Grandstand
3. Ano ang ibinigay niya sa kawani?
Papeles
4. Ilang buwan ang lumipas bago kinuha ni
Pang. Ramos ang assessment report?
Siyam na buwan
5. Ano ang ginawa ng kawani?
Nagpaumanhin/ Humingi ng paumanhin.