2. 1. Pangngalan
• Ang PANGNGALAN ay salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay,
pook, hayop o pangyayari.
• Dalawang uri ng PANGNGALAN:
1. Pangngalang Pambalana
• Karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari
• Halimbawa: lapis, papel, babae, lalaki, simbahan, ibon
3. 2. PANGHALIP• Ang PANGHALIP ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit
sa pangngalan upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa
pangngalan na hindi magandang pakinggan.
Uri at Halimbawa:
1. Panao - ako, siya, sila
2. Paari - akin, kaniya, kanila, amin
3. Pananong - sino, ano, kailan
4. Pamatlig - dito, doon
5. Pamilang - ilan, marami
6. Panaklaw - madla, pangkat
4. 3. PANDIWA
• Ang PANDIWA ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw.
Uri ng Pandiwa:
1. Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno.
Halimbawa: Lubos na mahirapan ang walang tiyaga mag-aral.
2. Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon
Halimbawa: Naglinis ng hardin si Nena.
3.Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.
Halimbawa: Ang matiyaga nagwawagi.
5. 4. PANGATNIG
• Ang PANGATNIG ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga
na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng
isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa
pangungusap.
Uri ng Pangatnig at halimbawa:
1. Paninsay. Ito ay ginagamit sa pangungusap na ang dalawang isipan
ay nagkakasalungatan.
Halimbawa: Namatay si Mang Isko ngunit ang kanyang prinsipyo ay
mananatiling buhay.
10. 6. PANG-ANGKOP
• Ang PANG-ANGKOP ay mga katagang nag-uugnay sa
magkakasunod na salita sa pangungusap upang maging
madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito.
Ginagamit din ang pang angkop upang pag-ugnayin ang
mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing
nito.
11. • Uri ng PANG-ANGKOP
1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan
ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat
ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.
Halimbawa:
Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang katinig.
2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos
sa mga patinig (a, e, i, o u).
Halimbawa:
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.
Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos sa
titik i na isang patinig.
12. • Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang
magkakasunod na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa
katinig na n.
• Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik na n sa hulihan ng
salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop na -ng at
hindi g ang ginamit.
Halimbawa:
luntian ng halaman - luntiang halaman
Maraming banging matatarik sa ating bansa.
3. Pang-angkop na g - ginagamit kung ang salitang durugtungan ay
nagtatapos sa titik na n.
13. 7. PANG-URI• Ang PANG-URI ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang
pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas
partikular ito. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan
o panghalip.
• Halimbawa:
– Matamis ang inihaing mangga ni Aling Ising.
– Napakaganda nga ng bistidang iyan!
– Siya ay higit na matalino kaysa sa kanyang kuya.
– Ang sasakyan ay kulay pula.
– Libu-libong tao ang dumagsa sa pagtitipon.
14. 8. PANG- ABAY
• Ang Pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbbibigay turing sa pandiwa,
pang-uri, o kapwa pang-abay.
• Ang mga pang-abay ay nagsasabi ng kung paano, kalian, saan at gaano.
Uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamaraan – tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang
isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
- Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota.
15. 2. Pang-abay na Pamanahon – tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap
ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.
Halimbawa:
- Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban.
3. Pang-abay na Panlunan – tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong
isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan.
Halimbawa:
- Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo.
4. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang
katiyakan.
17. 9. PANTUKOY• Ang PANTUKOY ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o
pangyayari. Ito'y nahahati sa dalawang uri.
1. Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana
ang, ang mga, mga
• ang (isahan)
Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga
nasasakupan.
• ang mga (maramihan)
Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.
• mga (maramihan)
Halimbawa: Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.
18. 2. Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao)
si, sina, ni, nina, kay, kina
- si (isahan)
Halimbawa: Si Gng. Roa ay isang mabuting guro.
- sina (maramihan)
Halimbawa: Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz.
- ni (isahan)
Halimbawa: Napagalitan ni Coach Gab ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa
oras.
- nina (maramihan)
Halimbawa: Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Elsa at Luis.
- kay (isahan)
Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang panghimagas kay Sam.
- kina (maramihan)
Halimbawa: Nakipagkasundo na si Elai kina Juan at Pedro.
19. 10. PANGAWING
• Ang PANGAWING ay nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng
pangungusap.
• ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang
karaniwang ayos pangungusap. Ang una ang panag-uri sa paksa ay
nilalagyan ng pagbabago. Palataandaan ito na inilipat ng posisyon ang
bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pang-dugtong sa mga pangungusap
na di-karaniwang ayos
• Halimabawa:
- Ako ay galing sa banyo.