1. Pagbasa at Pagsulat tungo sa Akademikong Filipino
Kate S. Magpoc
Ika-13 ng Nobyembre, 2013
Sir. Federico Castro
BSHM1A
1. Ano ang Pagbasa?
-
Ang pagbasa ay pagkilala ng mga simbolo o sagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan o
interpretasyon sa mga ideya o kaisipan na gusto ng manunulat nailipat sa kaisipan ng
mambabasa
-
Ito ay nangangailangan ng kakayahang pangkaispan dahil alam ang tunog (ponema) ng
naisulat na letra.
-
Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang
mabigkas ng pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga
nasusulat na simbolo. Paraan din ito ng pagkilala, pagkakahulugan at pagtataya ng mga
simbolong nakalimbag.
2. Ano ang iba’t ibang uri at paraan ng pagbasa?
a. ISKANING – uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ng paggalugad sa materyal na
hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na sinasalita o keyword, pamagat at sub-titles. Dito,
ang mahalagang salita ay di binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang mahalagang
mensahe sa pahinang binabasa o tinignan, halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo upang
alamin kung nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin ng winning number ng
lotto.
Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular
na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ioto ng isang bumabasa sa
pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol ng mabilisang
pagsulyapm sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular na impormasyon s
aisang tiyak na pahina ng materyal.
b. ISKIMING-
ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbabasa upang makuha ang
pangkalahatang ideya o impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay
pagtingin o paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa
pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.
2. Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagawa ng
isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahpyaw na bumabasa ng mga pahiwatig
sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niyanang pahapyaw
ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa kanya sa
sandaling iyon.
c. PREVIEWING- sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter.
Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong
paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pagunawa sa babasa. May iba’t ibang
bhagdan ang pre-viewing gaya ng mga ss:
1. Pagtingin sa pamagat, heding at sud-heding na karaniwang nakasulat ng italik.
2. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
3. Pagbasa sa una at huling talata.
4. Pagbasa sa una at huling pangungusap ngmga talata.
5. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan graps at rtsarts. Tio ay binibigyan
suri o basa.
6. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.
3. Magbigay ng tatlong teorya tungkol sa pagbasa.
a. Teoryang Bottom-Up- Ito ay isang traditional na pagbasa. Ito ay bunga ng teoryang
behaviorist na higit na nagbibigay pokus sa kapaligiran sa paglinang ng komprehension sa
pagbasa. Ayon sa teoryang ito, ang pagbasa ay pagkilala ng serye ng nakasulat na mga simbolo
upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa
pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman
ang kahulugan ng teksto. Sinasabi nitong ang pagbasa ay pagkilala ng mga salita, at ang teksto
ang pinakamahalaga sa pagbasa. Ang mambabasa ay isang pasib na partisipant lamang sa proseso
ng pagbasa dahil ang tangin tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad sa
tekstong kanyang binasa. Ang proseso ng pag-unawa ayon sa teoryang ito, ay nagsisimula sa
teksto (bottom), patungo sa mambabasa (up), kaya tinawag itong bottom up. Tinatawag din itong
"outside-in" o "data driven" sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula sa
tagabasa kundi sa teksto.
b. Teoryang Top-Down- Nabuo ito bilang reaksyon sa naunang teorya. Ito ay dahil napatunayan
ng maraming dalubhasa na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa
tungo sa teksto. Ito ay impluwensya ng sikolohiyang Gestalt na naniniwalang ang pagbasa ay
isang prosesong holistik. Ayon dito, ang mambabasa ay napakaaktib na partisipant sa proseso ng
3. pagbasa, na siya ay may taglay na dating kaalamang nakaimbak sa kanyang isipan ay may
sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa
pamamagitan ng teksto. Tinatawag din ang teoryang ito na "inside out" o "conceptually-driven"
dahil ang kahulugan o impormasyon ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ito ay
nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit nga kanyang mga dating kaalaman at ng
konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid.
Bunga nito, nakakabuo siya nga kanyang mga palagay at hinuha na kanyang iuugnay sa mga
ideyang inilalahad ng awtor ng isang teksto.
c. Teoryang Interaktib- Bunga naman ito ng pambabatikos ng mga dalubhasa sa ikalawang
teorya. Ayon sa mga proponent nito, ang top-down at maaaring akma lamang sa mga bihasa nang
bumasa at hindi sa mga baguhan pa lamang. Higit na angkop daw ang kombinasyong top-down at
bottom-up na nagpapahiwatig ng dalawang direksyon ng komprehensyon, itaas-pababa at ibabapataas. Ayon sa teoryang ito, ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan. Dito nagaganap ang
interaksyong awtor-mambabasa at mambabasa-awtor.. kung gayon, ang interaksyon ay may
dalawang direksyon o bi-directional. Masasabing ang teoryang ito ay isang pagbibigay-diin sa
pag-unawa sa pagbasa bilang isang proseso at hindi bilang produkto. Sa teoryang itong, mahalaga
ang larangan ng metakognisyon na nahihinggil sa kamalayan at kabatiran sa taglay na kaalaman
at sa angking kasanayan ng mambabasa.
d. Teoryang Iskima- Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng
mambabasa. Ito ang batayang paniniwala ng teoryang iskima. Bawat bagong impormasyong
nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa dati nang iskima. Samakatuwid, bago pa man basahin
ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa
kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na niya lamang ang teksto upang mapatunayan kung
ang hinuha o hula niya tungkol sa teksto ay tama, kulang o dapat baguhin. Dahil dito, maaaring
sabihin na ang teksto ay isang input lamang sa proseso ng komprehensyon. Hindi teksto ang
iniikutan ng proseso ng pagbasa, kundi ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa.