NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
panghihiram ng mga katawagang pang-agham:pagsasaling-wika
1. Panghihiram ng mga katawagang
Pang-agham: Isang Pag-aaral
-malimit tangkain ng mga estudyante sa
pagsasaling-wika sa paaralang
gradwado(masteral at doktoral)ang mga
instrumentong ginamit sa pag-aaral.
2. Panimula
• Ang dating Dalubhasang Normal ng Pilipinas
ay pumasok sa isang kasunduan na isasalin sa
Filipino ang mga materyales pang-agham na
inihahanda noon ng Science Education Center
ng Unibersidad ng Pilipinas. Bilang
paghahanda, nagsagawa ang Language Study
Center at Materials Development Unit ng PNU
ng isang sarbey upang alamin ang uri ng salin
sa mga kagamitang pang-agham na higit na
maiibigan ng mga gagamit.
3. Suliranin sa Pagsasalin
• Ang isa sa malubhang suliranin na kinakaharap
ng isang tagapagsalin sa Filipino ng mga
katawagang istandardisado na maitutumbas
sa mga katawagang pang-agham ng Ingles.
Malimit mangyari na hindi matiyak ng
nagsasalin kung alin sa mga salitang maaaring
itumbas sa isang salitang teknikal ang higit na
tatanggapin ng gagamit ng salin.
4. Pinag-aralang mga Uri ng Salin
• Salitang Kastila na hindi binago ang ispeling(S-
liquido)
• Salitang Ingles na hindi binago ang ispeling(E-
liquid)
• Salitang Kastila na binaybay ayon sa
Abakada(S-likido)
• Salitang Ingles na binaybay ayon sa
Abakada(E2-likwid)
5. • Ang isinalin na katawagang”likido” at “likwid”
ay kapwa nauunawaan ng isang nakapag-aral na
Pilipino, ngunit lumalabas sa sarbey na higit na
ibig ng mga tagapagsagot ang”likido” kaysa sa
“likwid”.
• Ang isa sa mga dahilan nito marahil ay ang higit
na mahabang panahong pagkakahantad ng mga
Pilipino sa wikang Kastila kaysa sa Ingles dahil
sa kahabaan ng panahong aktwal na pananakop
ng Espanya sa Pilipinas, higit na maraming salita
sa tayong nahiram sa Kastila kaysa sa ibang
wika.
6. • Maidaragdag pa rin na mas madaling
manghiram sa Kastila kaysa Ingles sapagkat
parehong konsistent ang palabaybayan ng mga
ito.
7. Sa kabuuan ng sarbey,masasabing:
• Paghihiram ng salita na binaybay nang ayon sa
sistemang sinusunod sa Filipino, na kung ano ang
bigkas ay siyang sulat.
• Panghihiram sa halip na paglikha
• Kung ang katawagang Ingles ay may katumbas sa
Kastila, iyon ang hinihiram, sa halip na hiramin ito
ng tuwiran
• Higit na naiibigan ang mga salitang palasak na sa
bibig ng bayan, maging katutubo, likha, o kahit
saang wika hiniram
8. • Limitadong panghihiram hangga’t maaari;
lumikha lamang kung sadyang kailangang-
kailangan
• Patuloy na gagamitin sa mga karaniwang salita
ang dalawampung(20)titik ng dating
abakada(a,b,k,d,e,g,h,i,l,m,n,ng,o,p,r,s,t,u,w,y)
• Gagamitin ang c,f,j,q,v,x,z,ch,ll,rr,n,sa ma
pangalang pantangi(ngalang tao, lugar atb)at sa
mga katawagang lubhang teknikal na hindi
karaka-raka maaasimila sa Filipino dahil sa
ispeling na di-konsistent
9. • Kung maaaring manghiram kapwa sa Kastila at
Ingles, siyang gagamitin ang salitang Kastila,
maliban kung palasak nang ginagamit ang
salitang Ingles.
• Kung hindi maiiwasan ang paglikha ng salita,
hangga’t maaari ay kailangang ang isa sa mga
bahagi ng salita ay buong salitang-ugat na ang
kahulugan ay tumutugon sa kahulugan ng
katawagang tinutumbasan.
10. • Maaaring gamitin ang mga salitang galing sa
ibang wika sa Pilipinas o sa ibang wikang
banyaga, bukod sa Ingles o Kastila, kung ang
naunang mga tuntunin ay hindi magamit sa
dahilang walang salitang makukuha o
malilikha.
11. Mga Paraan ng Panghihiram sa Ingles
• Paraan 1-Pagkuha sa katumbas sa Kastila ng
hiniram na salitang Ingles at pagbaybay dito
nang ayon sa palabaybayang Filipino. Kung
hihiramin, halimbawa, ang
salitang”electricity,” kunin ang katumbas nito
sa Kastila-”electricidad”at pagkatapos ay
baybayin ito nang”elektrisidad”
12. Paraan II
• Paghiram sa katawagaang Ingles at pagbaybay
dito nang ayon sa palabaybayang Filipino. Ang
paraang ito ay karaniwang isinasagawa:
• A.kung hindi maaari ang Paraan I
• B.kung walang katutubong salita na
magagamit bilang salin ng katawagang Ingles.
14. Tricycle Traysikel
• Ang katumbas ng”bicycle” ay”bisikleta”.Ang
ginamit na paraan I. Subalit ang”tricycle”ay
hindi na naging”trisikleta”.
15. Paraan III
Paghiram sa katawagang Ingles nang walang
pagbabago sa ispeling. Ginagamit lamang ang
paraang ito kapag ang hinihiram na salita ay malayo
ang bigkas sa ispeling. Ginagamit lamang ang
paraang ito kapag ang hinihiram na salita ay malayo
ang bigkas sa ispeling o kaya ay sa pangngalang
pantangi, gayundin sa mga salitang hiram sa iba’t
ibang katutubong wika sa Pilipinas na may unikong
katangian. Dito rin sa paraang ito magagamit ang
mga letrang wala sa 20 letra ng dating Abakada.
16. Ilang halimbawa:
• Lingua franca
• Manila Zoo
• Chess
• Golf
• Juan dela Cruz
• Coke
• Visa
• Quezon City
17. Kung gagamitin ang mga letrang
c,f,j,n,q,v,x,z,ch,ll,rr sa mga karaniwang salita,
ang palabaybayang Filipino ay magugulo
sapagkat maraming mga salita ang magkakaroon
ng iba’t ibang ispeling. Ang
salitang”coche”,halimbawa, ay tinutumbasan
natin sa Filipino ng kotse. Subalit kung hindi
magkakaroon ng kontrol sa paggamit ng”c”at
“ch”, maaari ring tanggapin ang sumusunod na
mga baybay:coche-cotse-koche. Kapag ganito
ang nagyari, magiging napakagulo ng sistema ng
pagbaybay na ituturo ng paaralan.
18. Samakatwid, sapagkat konsistent ang
palabaybayang Filipino, hangga’t maaari ay
dapat manatili ang isa-sa-isang pagtutumbasan
ng ponema o makahulugang tunog at ng letra o
titik. Ang mga letrang c,f,j,n,q,r,x,z ay hindi dapat
mapasama sa pagbaybay ng mga karaniwang
salita sapagkat hindi pa nagrereprisinta ang
alinman sa mga ito ng makahulugang
tunog(ponema) sa Filipino.
19. Ang”Maugnaying Filipino”ng NSDB
(National Science Development Board)
Dr. Rogelio Relova at Engr. Gonsalo del Rosario-
tinangka ng Lupon na bumuo ng mga katawagan
o terminolohiyang pang-agham sa Filipino na
may”internal consistency”o pagiging
maugnayin.Lansakan ang ginawang paglikha ng
Lupon ng mga terminolohiyang pang-agham,
isang paraang maituturing na salungat sa normal
na pagpapaunlad ng wika.
20. Mga Kahinaan ng”Maugnayin”
1. Ang paglikha ng mga terminolohiya buhat sa Filipino at sa ibang
katutubong wika sa Pilipinas ay walang sistema.
2. Lumikha pa ng mga katawagan gayong may mga salita para sa mga
ito na palasak na sa bibig ng bayan.
3. Ang paghiram ng mga salita at panlapi sa ibang katutubong wika at
pagkatapos ay pagkakarga sa mga ito ng ibang kahulugan.
4. Maraming likhang salita ang lubhang mahaba,walang kahulugan
kahit sa mga napakahusay sa Filipino at nakapipilipit ng dila.
5. Ang pagbuhay ng mga patay nang salita. Namamatay ang isang
salita kung wala nang gumagamit nito; kung hindi na ito kailangan
sapagkat may kapalit nang ibang salita na higit na mabisa, lalo na
kung hiram sa wika ng dating mananakop.
21. Kalakasan ng “Maugnayin”
• May mga likhang salita ang “Maugnayin” na tumatama
sa pangangailangan ng inilunsad ng pamahalaan na
pagpaplano ng pamilya.
• Ang”Maugnayin”ay nakapipigil sa labis na panghihiram
sa ibang wika, lalo na sa Ingles na labis na
nakakaimpluwensya sa wikang Filipino sa ngayon.
• Ang panghihiram ng”Maugnayin”sa iba’t ibang wikang
katutubo ay ikinatutuwa ng mga di-tagalog,lalo na ng
mga nagsasabing ang wikang binabansagan nating
Filipino,ay wikang tagalog lamang.
22. Ang Alpabetong Filipino at
Pagsasaling-Wika
• Sapagkat ang pinag-uusapan nating pagsasaling-
wika sa aklat na ito ay ang pasulat, nararapat
lamang na magkaroon ang magsasagawa ng
pagsasaling-wika ng mga batayang kaalaman sa
anyong pasulat ng Filipino, ayon sa kasalukuyang
Alpabetong Filipino. Gaya ng nabanggit na,
walang problema kung ang panghihiram ay
pasalita, subalit sa sandaling tangkaing isulat ang
mga salitang hinihiram, doon na lilitaw ang
problema sa ispeling.
23. Bilang ng mga letra
• Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra
sa ayos ng sumusunod:
A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, N, NG, O, P,
Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z.
Sa 28 letrang ito ng alpabeto, ang 20 letra
lamang ng dating Abakada ang gagamitin sa mga
karaniwang salita. Samakatwid, mananatili ang
tuntuning”kung ano ang bigkas ay siyang sulat,
at kung ano ang sulat ay siyang basa.”
24. Gamit ng 8 dagdag na mga letra
• Ang walong dagdag na mga letra(C, F, J, N, Q, V, X,
Z)ay gagamitin lamang sa mga:
1.Pantanging ngalan ng tao, lugar, produkto,
pangyayari, gusali
2.Mga salitang teknikal na hindi karaka-rakang
maaasimila dahil kapag binaybay nang ayon sa ating
sinusunod na sistema ng pagbaybay ay malalayo na
ang orihinal na anyo sa Ingles, kayat nagkakaroon
ng tinatawag na visual repulsion sa mambabasa
3.Mga salitang may unikong katangiang kultural
mula sa iba’t ibang katutubong wika.
25. MGA HAKBANG SA PANGHIHIRAM
1. Ang unang pinagkukunan ng mga salitang
maaaring itumbas ay ang leksikon ng
kasalukuyang Filipino, kung mayroon.
Halimbawa:
Hiram na salita Filipino
Rule tuntunin
Ability kakayahan
Skill kasanayan
East silangan
26. 2. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa
Ingles at sa Kastila, unang preperensya ang
hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitang
Kastila ang pagbaybay sa Filipino.
Halimbawa:
Ingles Kastila Filipino
Check cheque tseke
Liter litro litro
Liquid liquido likido
Education educacion edukasyon
27. 3. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man
ay maaaring hindi mauunawaan ng nakakaraming
tagagamit ng wika, hiramin nang tuwiran ang katawagang
Ingles at baybayin ito ayon sa mga sumusunod na paraan:
Kung konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito nang
walang pagbabago.
Halimbawa:
Ingles Filipino
Reporter reporter
Editor editor
Soprano soprano
Alto alto
Memorandum memorandum
28. Kung hindi konsistent ang ispeling ng salita,
hiramin ito at baybayin nang konsistent sa
pamamagitan ng paggamit ng 20 letra ng dating
Abakada.
Halimbawa:
Ingles Filipino
Control kontrol
Meeting miting
Leader lider
Teacher titser
29. Gayunpaman, may ilang salitang hiram na
maaring baybayin sa dalawang kaanyuan, ngunit
kailangan ang konsistensi sa paggamit.
Halimbawa:
Barangay baranggay
Kongreso konggreso
Tango tanggo(sayaw)
Kongresista konggresista
Bingo binggo