1. ANG BUHAY AT PANITIKAN NG MGA ILOKANO
Kilala ang mga Ilokano sa kanilang pagiging marunong at praktikal sa buhay.
Litaw nalitaw ang pag-uugaling ito sa mga tanyag na personalidad na nagmula sa
lalawigang ito tuladng dating Pangulong Ferdinand Marcos na sa kabila ng
kahirapan sa buhay ay kinilala athinangaan.Noon pa man, hindi na naging madali
ang buhay para sa mga Ilokano. Ang lupangkanilang tinitirhan ay kadalasang
tigang at hindi magandang pagtamnan. Dahil sa sitwasyongito, maraming Ilokano
ang nangibang-bayan sa mga kalapit-probinsya, sa pagnanasangumunlad kahit
papaano ang buhay.Marami pa rin namang nanatili at nagkasya lamang sa kung anong
mayroon sila. Unti-unti, nagawa nilang pagyamanin ang minsang tigang na lupa.
Dahil sa pagsisikap, unti-untingkinilala ang bayan. Sa kasalukuyan, ang Ilocos
ang isa sa mga pangunahing lalawigan napinagkukunan ng iba’t ibang produktong
agraryo tulad ng sibuyas, bigas at tabako.Saksi ang mga Ilokano sa makulay na
kasaysayan ng kanilang lugar. Isa ang lalawigangito sa mga lugar na sinakop ng
mga Español nang sila’y pumarito sa Pilipinas. Sa pananatili ngmga dayuhang
manlulupig sa kanilang lupain, at sa pagnanais na manatili ang
kanilangkapangyarihan sa lugar, hinati nila ang mga Ilokano sa dalawang uri ’
ang
babaknang
, o angmga mayayaman, at ang
gagangay
, o ang mga pangkaraniwang mamamayan. Naging mahirapang buhay ng mas
nakararaming bilang ng mga Ilokano dahil sa pagkahating ito.Bahagi ng kulturang
Ilokano ang kahirapan. Ang mga pagsubok na ito ang nagbibigay-hugis at patuloy
na humuhubog sa matibay at praktikal na pag-uugali ng mga Ilokano.
ANG BUHAY AT PANITIKAN NG PANGASINAN
Sa Hilagang Kanlurang bahagi ng Luzon makikita ang Pangasinan, ang ’lugar
kungsaan ginagawa ang asin.’ Sa baybay ng Bolinao at Dasol matatagpuan ang
pinakamataas nauri ng asin. Kilala rin ang Pangasinan sa bagoong nito na asin
din ang pangunahing sangkap.Bagoong din ang karaniwang sawsawan para sa inihaw
na bangus Bonuan na matatagpuan dinsa Pangasinan.Bago dumating ang mga Kastila,
ang mga bayan lamang na malapit sa baybayin angtinatawag na Pangasinan. Caboloan
naman ang tawag sa loobang bahagi. Hango ito sa bolo,isang uri ng kawayang
sagana doon. Mula sa kawayang bolo, ginagawa ang mga bilao.Sikat din ang
Pangasinan tuwing tag-init dahil sa maganda nitong mga
beach
. Dinadayorin ang
Hundred Islands
, isang grupo ng maliliit na isla.Makasaysayan din ang Pangasinan. Mula kay
Prinsesa Urduja hanggang kina AndresMalong at Juan dela Cruz Palaris. Ang lahat
ng ito ay mga kwento ng pagiging malay ng mgaPangasinense sa mga usaping may
kinalaman sa kanilang kapakanan.Matatagpuan din ang pagmamalasakit ng mga
Pangasinense sa kanilang kapakanan samga nailathala sa
Silew
(Ilaw) mula 1934-1943. Naglalaman ang
Silew
ng mga sumusunod naakda sa wikang Pangasinan:
tongtong
(kwento),
anlong
(tula),
pabitla/bonikew
(bugtong),
diparan
(salawikain), panayam pampamayanan, liham sa patnugot, opinyong medikal,
nobelangde-serye, at mga dula. Marami sa mga akda sa
Silew
ay ukol sa epekto ng kulturang Amerikanosa gawi at pag-uugali ng tradisyonal at
konserbatibong lipunan. Matatagpuan din dito ang isyung aborsyon, eleksyon,at
iba pang pagbabago ng pananaw ng mga kababaihang tila nakawalasa tanikala ng
makalumang tradisyon.Dalawa sa mga tanyag na pangalan sa Panitikang Pangasinan
2. sina Carlos Bulosan atFrancisco Sionil Jose. Sa kanilang mga nobela, inilarawan
nila ang mga suliraning piyudal atmahirap na buhay ng mga tagabaryo. Dahil sa
paggamit nila ng Ingles sa kanilang panulat, higitnilang naabot ang mas maraming
mambabasa.Sa Pangasinan, tila nagsasanib ang mga pahayag na ito na hango sa
Ebanghelyo niSan Mateo: ’Kayo ang asin ng lupa at ilaw ng sanlibutan.’
ANG BUHAY AT PANITIKAN NG PAMPANGA
’Pampanga’s best.’ Unang banggit pa lamang ng salitang Pampanga ay ito na
marahilang mga salitang unang papasok sa isipan ng bawat Pilipino. Marahil,
kakambal na nglalawigan ng Pampanga ang mga produktong tulad ng tocino at
longganisa. Isa ito sa mgapatunay kung gaano kahilig ’ at kasarap ’ magluto ang
mga Kapampangan. Ngunit, hindilamang ito ang mga produktong ipinagmamalaki ng
lalawigang ito.Kabaligtaran ng Ilocos, ang lalawigan ng Pampanga ay biniyayaan
ng Diyos ngmayamang lupa na napaliligiran ng iba’t ibang yamang tubig tulad ng
batis at ilog. Dahil sayamang ito ng lupa at tubig, naging madali ang pamumuhay
ng mga Kapampangan. Hindi nanila kailangan pang mangibang-bayan upang kumita ng
pera sapagkat sa kanilang sarilingbakuran lamang ay maaari na silang
makapagtanim o makapangisda. Sa katunayan, ang palayat asukal ay ilan lamang sa
mga produktong ipinagmamalaki ng lalawigang ito.Ito marahil ang dahilan kung
bakit kilala ang mga Kapampangan sa kanilang pagigingmarangya at galante. Marami
silang biyayang natanggap mula sa Diyos kaya naging maluwagrin para sa kanila
ang makapagbigay sa kapwa ’ lalong-lalo na sa mga Ita, ang mga sinaunangtao sa
lalawigang iyon. Ayon sa kasaysayan ng lalawigan, napilitang mamundok ang mga
Ita ngsakupin at manirahan ang mga Malay sa gilid ng mga batis. Napasok ng mga
dayuhang ito angPampanga sa pamamagitan ng pamamangka sa mga batis at ilog na
nakapaligid sa lalawigan.Ayon pa rin sa mga unang tala tungkol sa lalawigan ng
Pampanga, ang sinaunangpanitikan ng mga Kapampangan ay binubuo ng mga bugtong,
kasabihan, awiting pambayan atpambata, alamat, tula, at maikling kwento na
nagpapakita ng pasasalamat ng mgaKapampangan sa taglay na likas na yaman ng
lugar.Tulad ng ibang lugar sa Pilipinas, dumaan din ang lalawigan ng Pampanga sa
panahonng pananakop ng mga Kastila, Amerikano, at Hapon. Sa mga panahong ito
lalo pang lumakasang panitikan ng lalawigan, partikular na ang mga tula na
siyang sumasalamin sa pagkatao ngKapampangan. Ang talento na mga Kapampangan,
noon pa man, ay kasinlalim ng mga poso atbalon na nagkalat sa kanilang
lugar.Mula pa sa panahon ng pananakop hanggang sa kasalukuyang panahon,
nanatilingmasayahin, mapagbigay, at mapagmahal ang mga Kapampangan. Kitang-kita
ito sa uri ngpanitikang mayroon sila.
ANG BUHAY AT PANITIKAN NG BICOLANO
Kilala mo ba ang batikang manunulat ng pelikulang Pilipino na si Ricardo Lee? O
kayanaman ang walang kakupas-kupas at nag-iisang super star ng bansa, si Nora
Aunor? DahilPilipino ka, marahil kilala mo sila. Pero alam mo bang ang dalawang
tanyag na personalidad naito ay kapwa nanggaling sa rehiyon ng Bicol?Tanyag din
ang Bicol sa dalawa pang bagay: una, ang tanyag na minatamis na pili ngmga
Bicolano; at pangalawa, ang kanilang hilig sa mga maaanghang na pagkain na
kadalasanay niluto sa gata tulad ng laing at
Bicol Express
.
Bukod sa mga pagkaing ito, marami na ringnaiambag sa kultura at sining ng ating
bansa. Isa sa mga kontribosyon ng mga Bicolano angkanilang panitikan.Noon pa
man, mayaman na ang mga Bicolano sa mga kasabihan, bugtong, kanta, atiba’t ibang
uri ng tula. Ang mga nabanggit ay kalimitang pagpupugay sa angking kagandahanng
lugar. Maraming beses nang naging inspirasyon ng mga manunulat ang bulkang
Mayon, angtanyag na bulkan na matatagpuan sa lalawigan ng Albay, dahil sa taglay
nitong ganda atkakaibang epektong dala-dala nito sa sinumang makakikita sa
kanya.Ngunit may isang problema ang panitikan ng mga Bicolano, at ito ang hindi
pagtangkilikng mga mamamayan sa kanilang sariling wika. Sa paglipas ng panahon,
paunti nang paunti angbilang ng mga manunulat na nagsusulat gamit ang wikang
Bicolano. Upang maiwasan angtuluyang pagkamatay ng panitikang Bicolano,
ipinatupad ang pagtuturo ng mga kurso tungkolsa kultura ng Bicol sa iba’t ibang
paaralan at unibersidad sa rehiyon. Ginawa ito upang mulingibalik ang interes ng
mga Bicolano sa kanilang sariling panitikan, partikular na sa mga
3. akdangnasusulat gamit ang kanilang sariling wika.Nagbunga ang hakbang na ito at
hindi nagtagal ay isinilang ang bagong henerasyon ngmga manunulat ng panitikang
Bicolano sa katauhan nina Merlinda C. Bobis, Jazmin B. Llana, atFrancisco Peña.
Muling sumigla ang minsan nang naghihingalong panitikan ng rehiyon.Tulad ng
hilig ng mga Bicolano sa maanghang na pagkain, na nanatiling ’maanghang’ang
pagmamahal ng mga Bicolano sa kanilang panitikan. Ito ang dahilan kung bakit
hanggangngayon ay nanatiling buhay, at patuloy pang lumalakas, ang kanilang
sariling panitikan.
ANG BUHAY AT PANITIKAN NG HILIGAYNON
Isang dahilan kung bakit mahirap intindihin at unawain ang panitikan ng iba’t
ibangrehiyon sa Pilipinas ay dahil limitado lamang ang kaalaman natin tungkol sa
mga rehiyongtinatalakay. Tulad marahil ng Panitikang Hiligaynon. Kaya, bago tayo
magbasa ng halimbawang panitikang Hiligaynon, mahalagang alamin muna natin ang
mga sumusunod:Hiligaynon ang tawag sa pangkat-etniko na matatagpuan sa probinsya
ng Iloilo, Capiz,Guimaras, at Negros Occidental. Bago pa man tawaging Ilonggo
ang diyalektong ginagamit sabahaging ito ng Pilipinas ay mas kilala na ito
bilang Hiligaynon. Ginagamit din kasi ang salitangito upang ilarawan ang wika at
kultura ng mga Ilonggo.Kakaunti lamang ang kaalaman ng mga pangkaraniwang
Pilipino tungkol sa mgalalawigang ito sa Visayas. Maliban sa Batchoy ng Iloilo,
matatamis na mangga ng Guimaras,asukal ng Negros Occidental at mga
kinatatakutang ’aswang’ ng Capiz, wala nang masasabi paang mga tagalabas tungkol
sa rehiyong ito.Ayon sa tala at ulat tungkol sa Hiligaynon, may dalawang wikang
ginagamit ang mgaPanayano bago pa man dumating ang mga Kastilang mananakop: ang
Bisaya at ang Haraya.Saksi ang mga wikang ito sa makulay na kasaysayan ng
lalawigang ito.Hindi rin pahuhuli ang mga Hiligaynon sa larangan ng sining at
panitikan. Noon pa man,mayroon nang tinatawag na
binalaybay
at
sugilanon
ang mga Hiligaynon. Ang
binalaybay
angtawag sa mga tula ng mga Panayano samantalang ang
sugilanon
naman ay ang tawag sakanilang maikling kuwento na kalimitang kinabibilangan ng
mitolohiya, alamat, parabula, atkwentong bayan. Dito rin umusbong ang sanaysay
na kinahihiligan pa ring isulat ng mgaHiligaynon sa kasalukuyan.Sinasabing mas
kilala ang Hiligaynon at kanilang
sugilanon
o maikling kwento. Saganitong uri kasi lumalabas ang talento at pagkamapamahiin
ng mga Hiligaynon.Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagyabong ng panitikang
Hiligaynon. Hangganghindi nauubusan ng talento ang mga tao sa bahaging ito ng
Pilipinas, at habang patuloy silangnagsusulat, asahan nating libu-libo pang
binalaybay
at
sugilanon
ang ating mababasa atpatuloy na mamamayagpag ang panitikang Hiligaynon sa
Pilipinas.
ANG BUHAY AT PANITIKAN NG CEBUANO
Hindi lamang kilala ang Cebu sa kanilang otap, dried mango, daing na dainggit
atdekaledad na gitara. Kilala rin ang lugar na ito sa kanilang makulay na
kasaysayan at magingsa kanilang mayamang panitikan.Ang Cebu ang isa sa
pinakamatandang lungsod sa Pilipinas. Sa Cebu unang umusbongang relihiyong
Kristiyanismo. Itinatag ito ng kilalang manlalakbay na si Miguel Lopez
deLegazpi. Ayon sa mga alamat at kuwento tungkol sa kasaysayan ng Cebu,
nagsimula angbinyagan para maging Kristiyano ilang araw matapos matuklasan ni
Ferdinand Magellan, isapang tanyag na Kastilang mananakop, ang lalawigan. Si
4. Rajah Humabon, pinuno ng Cebunoong mga panahong iyon, kasama ang kanyang asawa
at ilan pang mga kalugar, ay ilanlamang sa mga kauna-unahang Pilipino na buong-
pusong yumakap sa sa relihiyongKristiyanismo. Dahil dito, tinagurian ang bayang
ito sa Visayas bilang ’Lungsod ng Kabanal-banalang Pangalan ni Hesus’ at
nagsilbing kabisera ng kolonya ng mga Kastila sa loob ng animna taon, bago pa
man itanghal ang Maynila na kabisera noong 1571.Sa kasalukuyan, ang Cebu ay
tinaguriang
’Queen City of the South
’ dahil ito ang sentrong kalakalan, edukasyon at kultura ng rehiyon ng Visayas
at Mindanao. Tanyag din ang Cebusa larangan ng turismo dahil sa taglay nitong
natural na ganda.Kung gaano kayaman ang kanilang kasaysayan at lugar ay ganoon
din ang kanilangpanitikan. Dahil sa makulay nitong nakaraan, mayaman ang Cebu sa
iba’t ibang uri ng panitikanna nasusulat sa dalawang uri ng wika na kanilang
ginagamit: ang kanilang lokal na diyalekto naCebuano at ang banyagang wikang
Ingles.Noon pa man, mahilig na ang mga Cebuano sa pagsulat ng
balak
, ang tawag nila satulang galing sa kanilang lugar. Ang mga tulang ito ay mas
nakilala at mas naging tanyag dahilsa
Ang Suga
, ang kauna-unang peryodikal na nasusulat sa wikang Cebuano. Naging daan dinang
peryodikong ito upang umusbong ang isa pang uri ng panitikan na sadyang
kinagigiliwanng mga Cebuano, ang
sugilanon
o maikling kuwento.Patuloy ang pag-usbong ng panitikang Cebuano. Ang kanilang
pagkamalikhain ay hindimatatawaran at hanggang ngayon mababakas pa rin sa
kanilang panitikan ang impluwensiyang Kristiyanismo at ang kanilang pagiging
relihiyoso.
ANG BUHAY AT PANITIKAN NG MGA MARANAO SA MINDANAO
Hindi ganap na mulat ang mata ng mga Pilipino sa taglay na ganda ng
Mindanao.Kalimitan, pawang hindi magagandang bagay ang nasusulat tungkol sa
lugar na ito sakatimugang bahagi ng Pilipinas. Kaguluhan, pandurukot, at patayan
’ ito ay ilan lamang sa mgabagay na halos naging kakambal na ng lugar na ito sa
paglipas ng panahon.Nakalulungkot isipin na humantong sa ganito ang pananaw ng
mas nakararaming bilangng mga Pilipino tungkol sa isla ng Mindanao at sa mga
taong naninirahan dito. Kung sabagay,hindi naman ito dapat ipagtaka sapagkat
noon pa man, itinuturing na ang Mindanao na isa samga hindi gaanong
napahahalagahang lugar sa Pilipinas.Sayang. Marami pa namang bagay tungkol sa
Mindanao ang maaari natingmaipagmalaki. Isa na rito ang panitikan ng lugar,
partikular na ang sa mga Maranao.Maranao ang tawag sa pangkat-etniko na
matatagpuan sa paligid ng lawa ng Lanao atkapatagan ng Bukidnon at Lanao. Isa
lamang ito sa higit sa dalawampung pangkat-etniko nananinirahan sa isla ng
Mindanao.Tulad ng lugar na kanilang tinitirhan at ng kanilang relihiyon na
Islam, hindi rin gaanongmulat ang mga Pilipino sa panitikan ng mga Maranao.
Paano magkakaroon ng isang matibayna panitikan ang isang lugar na hanggang
ngayon ay patuloy na niyayanig ng giyera at bantang hindi pagkakaunawaan?Ngunit
lingid sa kaalaman ng karamihan sa atin, ang panitikan ng mga Maranao aylaganap
na sa kanilang lugar noon pa man. Patuloy ang pagyabong ng kanilang panitikan
sapaglipas ng panahon, tulad ng kanilang mga epiko, maikling kuwento, tula, dula
at kanta nakalimitan ay tungkol sa kanilang lugar at relihiyon.Kung bibigyan
lamang natin ng pagkakataon ang ating mga sarili na kilalanin at unawainang mga
kapatid natin sa Mindanao ay hindi malayong mabago ang mga negatibo
natingpananaw tungkol sa kanila at sa lugar ng kanilang tinitirhan. Iba man sa
paniniwala, dapatnating isaisip na sila ay tulad din natin ’ Pilipino.Kapag
naganap ito ay saka pa lamang natin matutuklasan at maipagmamalaki ang
mganakatagong yaman sa Mindanao tulad ng mga Maranao at ang kanilang panitikan.
ANG PANITIKAN NG TSINA
Hindi lamang sa laki ng bansa at bilang ng populasyon nangunguna ang Tsina.
Hindi rinsila pahuhuli sa larangan ng panitikan.Isa ang Tsina sa mga bansa sa
Asia na may pinakamayamang panitikan. Sinasabi ngasa mga pag-aaral na kung gaano
katanda at kayaman ang sibilisasyon ng mga Tsino ayganoon din katanda at kayaman
5. ang kanilang panitikan.Mayaman ang Tsina sa iba’t ibang klase ng panitikan,
maging ito man ay tuluyan opatula. Nagsimulang umusbong ang panitikan ng mga
Tsino noong panahon ng DinastiyangZhou (770-221 B.C.) at patuloy pa ring
yumayabong sa kasalukuyang panahon. Sino ba namanang hindi nakakikilala kay
Confucius, isa sa mga iginagalang na manunulat at pundasyon ngpanitikang Tsino.
Sa kanya nagmula, o siya ang nagsilbing inspirasyon sa paggawa ng mga
Classics
, isa sa mga tanyag na akda na nagmula sa bansang ito.Patuloy ang pag-unlad ng
panitikan ng mga Tsino sa paglipas ng panahon. Kabila-kabilaang mga
nagsusulputang manunulat na galing sa Tsina na siyang nagbibigay ng bagong
dugoat bagong mukha sa panitikan ng bansa. Saksi sa pag-usbong ng panitikang
Tsino ang iba’tibang dinastiyang naghari sa Tsina noon. Minsan, lantarang
pinipigilan ang pagkamalikhain ngmga Tsino dahil na rin sa takot ng ilan na
mawawala at tuluyang makalimutan ang mayamangkasaysayan ng bansa.Isa si Lu Xun
(na may tunay na pangalang Zhou Shuren) sa mga manunulat na walangtakot na
nagsulong ng makabagong tema at kaisipan sa panitikan ng mga Tsino. Isa siya
samga kinilalang lider ng
The League of Left-Wing Writers
noong taong 1930 na siyang nagsulongna kaisipang
socialist realm
sa panitikan ng bansa.Sa kasalukuyan, kinikilala si Lu Xun na ama ng modernong
panitikang Tsino. Angkanyang kuwentong
A Madman’s Diary
ay isa sa mga patunay kung gaano siya kagalingsumulat gamit ang makabagong
pamamaraan ng pagsulat. Bukod dito, nakapagsulat na rin siyang iba’t ibang tula,
sanaysay, kritisismong pampanitikan na kalimitang mababasa sa mgapahayagan na
kapag pinagsama-sama ay siya namang bumubuo sa kanyang mga libro.
ANG BUHAY AT PANITIKAN NG INDIA
Sa unang tingin, masasabi nating isa sa pinakamahirap na bansa sa Asya ang
India.Malaking bahagi kasi ng kanilang bansa ay balot sa kahirapan at kitang-
kita ito sa uri ngkapaligirang mayroon sila. Isa rin sa mga problema ng bansang
ito ang mabilis na paglobo ngkanilang populasyon. Ngunit kung susuriing mabuti,
unti-unting nakikilala ang bansang ito dahilna rin sa taglay na katangian ng mga
mamamayang naninirahan dito.Kilala ang mga Indian sa galing nila sa teknolohiya.
Sa katunayan, nangunguna angmga Indian at mga Pilipino sa mga kakikitaan ng
galing sa larangan ng
information technology
sa kasalukuyan. Pumapangalawa lang ang Pilipinas sa bansang India kung laki at
dami ng
call centers
ang pag-uusapan.Nagkakamarka na rin ang India sa larangan ng showbiz. Kinikilala
sa iba’t ibang bansaang mga pelikulang galing sa India; sa bansang ito
nanggaling at nauso ang salitang’
Bollywood
.’ Malaki ang sakop at impluwensiya ng musika na galing sa kanilang bansa
atmatagal ng humanga at naging saksi ang buong mundo sa ganda at talino ng mga
kababaihanna ipinapadala ng kanilang bansa sa iba’t ibang timpalak-
kagandahan.Hindi ito nakapagtataka sapagkat noon pa man, kilala na ang India sa
pagkakaroon ngmayamang kultura. Ang bansang ito ang isa sa may pinakamaagang
sibilisasyon sa buongmundo. Sa bansang ito rin umusbong at nakilala ang dalawa
sa pinakamalaking relihiyon saTimog Asya, ang Hinduismo at Buddhismo. Sa usapin
naman ng panitikan sa bansang itonagmula ang dalawang epikong Sanskrit, ang
’Mahabharata’ at ’Ramayana.’ Makulay angkasaysayan ng bansang India kaya marami
ang paghuhugutan ng mga Indian ng talento atinspirasyon.Isa sa pundasyon ng
panitikang Indian ang bantog na manunulat na si RabindranathTagore. Malaking
bilang ng kaniyang mga isinulat ang tula ngunit mayroon din namang mganasusulat
sa anyong tuluyan. Kalimitang tungkol sa patriyotismo ang tema ng mga
akdangkanyang isinulat. Dalawa sa mga kantang ginawa niya ang ginamit na
pambansang awit ngdalawang bansa, ang
’
jana gana mana
’
6. ng India at ’
aamaar sonar baanglai
’
ng Bangladesh.
ANG KULTURA AT PANITIKANG HAPON
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang bansang Hapon. Kahit hindi naging maganda
angnakaraan sa pagitan ng dalawang bansa, nanatiling malapit ang dalawang bansa
sa isa’t isahanggang sa kasalukuyan. Patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino
ang ilang produktong Hapon(o may kinalaman dito) tulad ng mga
Anime
, ang
fast food
na Tokyo Tokyo, ang pagkaing
sushi
, ang larong
Game Boy Advance
, at mga palabas na may kinalaman sa kultura ng bansa.Sa kabilang banda, walang
sawang tinutulungan ng bansang Hapon ang ating bansa sa patuloynitong
pakikipaglaban sa kahirapan.Isa sa pinakamaunlad na bayan sa Asya ang bansang
Hapon. Isa rin ito sapinakakilalang bansa sa Asya. Nangunguna ang bansang ito sa
larangan ng teknolohiya athindi pahuhuli kung pagpapauso ang pag-uusapan,
lalung-lalo na sa mga makabagongkagamitan. Hindi nakapagtataka kung bakit
mayaman ang bansang ito sapagkat hindimatatawaran ang pagiging malikhain ng mga
Hapon.Kitang-kita rin ang kagalingan ng mga Hapon sa sining at ang kanilang
pagkamalikhainsa pamamagitan ng kanilang panitikan. Noon pa man, ang panitikan
ng mga Hapon ang isa sapinakaginagalang na panitikan sa buong Asya. Ito ay
kalimitang nasa anyo ng tula, dula takuwento. Malaki rin ang impluwensiya ng
relihiyong Shintoismo sa kanilang panitikan.Ilan sa mga tanyag na halimbawa ng
panitikan ng mga Hapon ay ang Man’yoshu (
TheCollection of Ten Thousand Leaves
) at ang sikat na nobela ni Murasaki Shikibu na
Tale of Genji
.Nagmula rin sa bansang hapon ang tanyag na Dulang Noh. Isa itong uri ng
dulangpantanghalan na hinahaluan ng Sarukagi (
Shinto rituals
) at Dengaku (
acrobatics with juggling
).Ang mag-amang sina Kanami at Zeani ang sinsabing nagpasikat ng dulang ito.Iba
ang dulang ito sa pangkaraniwang dula sapagkat kalimitan itong ginagamitan
ngpamaypay at maskara habang itinatanghal. Kapansin-pansin din ang kakaibang
ayos ngentablado sa dulang ito na may tatlong pasukan at labasan. Kalimitan ding
makikita anglarawan ng puno ng pino sa entablado. Ang musika naman ng dulang ito
ay nagmumula sa mgamusikerong tumutugtog sa loob mismo ng entablado, gamit
lamang ay plawta at tambol.Sa kabuuan, ang Dulang Noh ay maituturing na hindi
gaanong ’madramang’ dula. Angkagandahan nito ay makikita sa kakaunti at pinong
galaw ng mga nagtatanghal at sa musika atsayaw na naghahari sa entablado kapag
ito’y itinatanghal.
ANG INDONESIA AT ANG PILIPINAS
Ang Indonesia ang pinakamalaking kapuluan sa mundo. Ito ang
pinakamalakingIslamikong bansa sa buong daigdig at ito rin ang isa sa
pinakamataong bansa sa buong mundo.Kung kasaysayan naman ang paksa, ang
Indonesia ang isa sa mga sinaunang sentro ng
sibilisasyon
. Ang bansang ito rin ang isa sa bansang pinakabiniyayaan ng likas na yaman
sabuong mundo, mula sa kape hanggang sa gas at langis. Ang Indonesia rin ang isa
sa maypinakamakulay na kasaysayan.Sa kabila ng mga ’pinaka-’ na ito, hindi pa
7. rin makaungos nang todo ang bansangIndonesia. Kung ikukumpara sa Thailand o
Malaysia, masasabi nating nakauungos ito noonkung kasiglahan ng ekonomiya ang
pagbabatayan. Ngunit dahil sa hindi matapus-tapos naakusasyon ng katiwalian sa
pamahalaan, at ang hindi bahagi ng kapuluan nito tulad ngnangyayari sa
Pilipinas, bumagal ang pag-unlad ng bansang Indonesia. Sa kasalukuyan,mahahanay
ang bansang ito sa may pinakamabagal na pag-unlad sa kabuuan ng Asya.Malaki ang
pagkakatulad ng bansang Indonesia sa bansang Pilipinas. Mas malaki manang
bansang Indonesia sa Pilipinas. Halos pareho naman ang kasaysayang pinagdaanan
ngdalawang bansa. Kung matagal na napasailalim ang Pilipinas sa mga Kastila,
Hapon, oAmerikano, matagal ding nagdusa ang mga taga-Indonesia sa pamumuno ng
mga Olandes.Pinamumunuan din ang bansang Indonesia ng iisang Pangulo sa loob ng
mahabang taon.Tulad ng Pilipinas, hanggang ngayon ay nakikipaglaban pa rin ang
bansang Indonesia sa bantang terorismo, katiwalian sa pamahalaan, digmaan dahil
sa relihiyon at paniniwala, lumalakingbilang ng populasyon at laganap na
kahirapan.Malaki ang potensyal ng bansang Indonesia na umunlad dahil sa likas na
yaman nitongtaglay. Hindi tulad ng mga kapitbahay nito sa Timog-Silangang Asya,
ang Indonesia ay maymalaking deposito ng langis na maaari nitong pagkakitaan.
Ngunit bago maging ganap ang pag-unlad ng bansang ito, kailangan munang ayusin
ang mga bagay na nagiging sanhi
ngproblema sa
loob ng pamahalaan.
ANG PAGBANGON NG VIETNAM
Isa sa mga pinakamasalimuot na kasaysayan sa buong Timog-Silangang Asya
angbansang Vietnam. Saksi ang bansang ito sa iba’t ibang digmaan, na ang
pinakatanyag ay angVietnam War. Malaking bilang mga taga-Vietnam ang lumikas sa
iba’t ibang bansa tulad ngPilipinas sakay ng Bangka, hindi alintana kung anong
klaseng buhay ang naghihintay sa kanilasa banyagang lupain. Sa loob ng mahabang
panahon, nabalot ng kahirapan ang buong bansadahil na rin sa hindi matapus-tapos
na digmaan.Sa panahon ng digmaan, lumabas ang tunay na katangian at
pagkakakilanlan ngVietnam. Dama ng mga bansa sa Kanluran tulad ng United States
at France ang katapanganng mga taga-Vietnam nang pabagsakin nila ang puwersang
Amerikano sa kanilang sarilinglupain. Hindi inaasahan ng lahat ang nangyari,
napilitang lisanin ng mga sundalong Amerikanoang lupain ng Vietnam.Ipinakita rin
ng Vietnam ang katatagan ng loob ng mga Asyano. Sa kabila ng mahabangpanahon ng
digmaan, unti-unting bumangon ang Vietnam at muling nanumbalik ang
siglangmatagal nang nawala sa bansa. Tulad ng Pilipinas sa dumaan din sa
mahabang panahon ngpananakop, muling nabuhay ang ekonomiya ng Vietnam.Sa
kasalukuyan, kilala ang bansang Vietnam bilang isa sa mga umuunlad na bansa
saAsya. Nababago na rin ang pangit na pagkakakilanlan ng bansa dahil sa tagumpay
ng mgaVietnaese sa iba’t ibang larangan. Sa SEA Games na ginanap sa Pilipinas
noong 2005,pumangalawa ang Vietnam sa Pilipinas sa pinakamaraming gintong
medalyang nakamit.Kahanga-hanga ito sapagkat matagal nangulelat ang bansang ito
sa larangan ng isports sabuong Timog-Silangang Asya.Kasabay ng pagbangon ng
bansang Vietnam, unti-unti ring sumigla ang panitikan ngmga taga-Vietnam. Ang
mga talentong pansining na matagal ding hindi nasilayan dahil sagiyera ay unti-
unti na namang nararamdaman sa buong bansa. Kung pangitain ang kasiglahanng
panitikan sa kinabukasan ng isang bansa, masasabi nating sigurado na ang pag-
unlad ngbansang Vietnam.
SI AUNG SAN SUU KYI NG BURMA
Nitong mga huling taon, naging laman ng pahayagan ang pangalang ito. Nahati rin
angASEAN dahil sa usaping may kinalaman sa kanya. Si Aung San Suu Kyi ay ang
Nobel PeaceLaureate
na galing sa bansang Burma na kasalukuyang isinailalim sa
house arrest
. Siya angnakibakang maibalik ang demokrasya sa kanyang mga isinulong, marami
siyang taongnakabangga. Isa na rito ang makapangyarihang militar ng Burma.Isa
lamang si Aung San Suu Kyi sa mga personalidad na nagbibigay-kulay sa
bansangBurma. Nakakalungkot lang, marami sa ating mga Pilipino ang walang alam
tungkol sa kanyangbayan. Masuwerte na nga kung may mga Pilipinong nakakikilala
sa kanya.Ang Burma ay kabilang sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
8. Napalilibutan ito ngbansang Laos, China, Thailand at Bangladesh. Malaking bahagi
ng bansa ay pinamumunuanpa rin ng militar at marami ang nagsasabing ito ang
dahilan kung bakit hindi maging ganap angkalayaan ng bansa. Dahil dito, patuloy
na inuulan ang bansang ito ng mga batikos mula sa iba’tibang bansa.Isa sa mga
pagkakakilanlan ng bansang ito ang magagandang pagodang nagkalat sabansa. Ang
mga ito ay impluwensiya ng dominanteng relihiyon ng mga taga-Burma,
angBuddhismo. Tulad ng Thailand, pinamumunuan din ng mga hari ang ilang lugar sa
Burma.Kilala ang bansang Burma bilang Myanmar sa kasalukuyan. Pinalitan ito ng
mgamiyembro ng militar na namumuno sa bansa noong 1989. Tulad ng dapat asahan,
maraminghindi sumang-ayon sa pagbabagong ito sa loob at maging sa labas ng
bansa. Sa katunayan,ilan sa malalaking kumpanya na tagapaghatid ng balita tulad
ng
BBC
ang gumagamit pa rin ngBurma dahil hindi sila naniniwala sa pagbabagong
isinusulong ng junta ng mga militar sabansang ito.
ANG SULTANEYT NG BRUNEI DARUSSALAM
Isang nagsasariling sultaneyt ang Brunei na nasa pagitan ng estadong Sabah
atSagrawak ng Malaysia. Hindi ito sumali sa Federasyon ng Malaysia; sa halip,
pinili nito angmaghintay ng sariling kasarinlan, na ipinagkaloob ng Britain
noong 1984. Samakatwid, angBrunei ang pinakabatang bansa sa Timog-Silangang
Asya.May sukat na 5,270 kilometro kuwadrado ang Brunei, 75% ay nagugubatan.
Malakilamang nang kaunti sa Cebu (5088 km
2
) at maliit nang kaunti sa Pangasinan (5,369 km
2
),kumikita ang Brunei ng kamangha-manghang $6.8 bilyon taun-taon mula sa kanyang
mgasaganang deposito ng langis, sapat upang gawin ang bansang ito na
pinakamayaman saTimog-Silangang Asya. Ang Bandar Seri Begawan ang kabisera ng
Brunei.Sa 76 milyon na populasyon ng Brunei, 67% rito ang Malay. Nagtatrabaho
angkaramihan para sa pamahalaan o sa kompanya ng langis. Sa $23,600
per capita income
($5,000 para sa mga Pilipino) ng mga taga Brunei, nagtatamasa sila ng isa sa
pinakamataas napamantayan ng pamumuhay sa buong daigdig. Walang buwis sa
kanilang kinikita. Naglaan angestado ng libreng pagkalingang medikal at dental,
libreng pag-aaral hanggang sa antas pang-unibersidad, at libre o may-tulong-
pinansiyal na pabahay. Libu-libong Pilipino ang nagtatrabahosa mga industriyang
konstruksyon at panserbisyo.Si Sir Hassanal Bolkiah ang kasalukuyang sultan at
punong minister ng Brunei. Angnaghaharing pamilya niya ang may hawak ng
politikal at ekonomikong kapangyarihan sa bansa.Itinayo ang maharlikang palasyo
ng sultan (Istana Nurul Iman) noong 1983 sa halagang $300milyon. Ang Pilipinong
arkitekto na si Leonardo Locsin ang nagdisenyo nito.Noong ikalabinlima hanggang
ikalabimpitong siglo, naging pangunahing kaharian ngBrunei na sakop ang pulo ng
Borneo at katimugang Pilipinas. Subalit noong ikalabing-anim nasiglo, nanggulo
ang mga mananakop na Europeo sa sultan ng Brunei. Unti-unti, ang kanyangimperyo
ay nahati-hati.
ANG MODERNONG KATHANG TSINO
Mula noong
Literary Revolution
ng 1917, ang mga akdang pasalaysay na ang nagingpinakapopular na uri ng
panitikang Tsino.Sa mga taong 1917 hanggang 1937, halos lahat ng may pagkiling
sa panitikan angsumubok sa pagsulat ng mga kuwento. Nagbunga ito ng mga
paglaganap na ito ng mgamanunulat at mambabasa ay nakaimpluwensiya nang husto sa
mamamayang Tsino. Nagmularin sa panahong ito ang piankamagagaling na manunulat
ng Tsina, tulad ni Lu Xun, Mao Tun,Pa Chin, Lao She, Ping Hsin, Shen Ts’ung-wen,
at iba pang batang manunulat. Kapagpinagsamang lahat ang kanilang mga likha,
bagaman naiiba sa estilo at pamamaraan, aysumasalamin sa kanilang nagkakaisang
pakikibaka sa panahon ng panlipunan at pampulitikangkaguluhan, nagtutunggaliang
pagpapahalagang etikal, at sa mga hinaing ng isangnakababatang henerasyon sa
9. gitna ng mabilis na nagbabagong lipunan.Si Lao She ay nobelista, kuwentista,
makata, at mandudula. Nagmula siya sa angkangManchu at ipinanganak sa Beijing.
Nag-aral siya sa unibersidad bago tumungong LondonSchool of Oriental Studies, at
pagbutihin ang kanyang Ingles. Nasulat niya ang mga
comic novel
na pinamagatang
“The Philosophy of Lao Chang
“ at
Chao Tze-yueh
. Ipinakikita ngdalawang nobelang ito ang namumukod-tanging
satirical humor
na mababanaag din sa iba paniyang mga katha. Habang siya“y nasa London, sinulat
niya ang
Erh Ma
(
The Two Mas
), isangnobela ukol sa buhay ng isang pamayanang Tsino sa London na batay sa
kanyang mgakaranasan.Marahil ang pinakasikat niyang nobela ay ang naisalin sa
Ingles bilang “
Rickshaw Boy
.“Ito“y trahedya ng isang tagahila ng
rickshaw
sa Beijing noong 1920.Tulad ng ibang mga intelektuwal sa Tsina, nakaranas siya
ng pagmamaltrato noong
Cultural Revolution
ng dekada 60. Kinitil niya ang kanyang sariling buhay noong 1966 ngunitmay mga
nagsasabing namatay raw siya sa matinding pambubugbog ng mga Red Guards.
ANG MGA GEISHA NG BANSANG HAPON
Kahanay ng mga Mt. Fuji, ng
samurai
at ng
sushi
, ang geisha ay isa sa mga itinuturingna simbolo ng bansang Hapon magmula nang
muli nitong ibukas ang bansa sa pandaigdig nakalakalan noong kalagitnaan ng ika-
19 na siglo. Sa pagkawala ng mga
samurai
, at pagdagsa ngimpluwensiyang Kanluranin sa bansang Hapon, tanging ang geisha
at ang kanilang mundo angnananatiling hiwaga hindi lamang sa mga dayuhan kundi
maging sa mga Hapones.Ang geisha sa kanyang mapusyaw ng puting mukha, maiitim na
mata, kulay-dugongmaliliit na labi, nakapusod na buhok at matingkad na kimono ay
nagpapahiwatig ng hiwaga atkagandahan. Bagaman kakaunti na lamang ang mga tunay
na geisha, makikita pa rin angkanilang larawan sa mga pelikula, sa telebisyon,
at sa mga bahay-aliwan kung saan ginaya angkanilang kasuotan at pagkilos.Ang
literal na kahulugan ng salitang “geisha“ sa wikang Hapon ay “artist“ “ isang
alagadng sining. Ang mga geisha (o
Geiko
sa wikang Kyoto) ay mga propesyonal na babaengtagapagbigay ng aliw na
nagtatanghal ng mga tradisyonal na sining ng Hapon sa mga bangketeat sa mga O-
chaya o inuman ng tsaa (
teahouse
). Sinasanay sila sa mga tradisyonal na siningtulad ng pagsasayaw, pagkanta,
pagtugtog ng mga instrumento tulad ng
samisen,
pag-aayosng bulaklak o
ikebana
, pagsusuot ng kimono, seremonya ng tsaa, kaligrapiya, pakikipag-usap,wastong
pagsisilbi ng alak (hindi ng pagkain) at higit pa.Upang maging isang geisha,
kinakailangang anak ka ng isang geisha o matanggap kasa isang O-chaya.
Karaniwang ibinebenta ng isang kamag-anak sa isang O-chaya angmagagandang batang
babaeng naulila sa magulang o nagmula sa naghihikahos na pamilya.Mamumuhunan
10. naman ng malaking halaga ang O-chaya upang sanayin ang mga batang ito atbihisan
sila ng kimono. Tinuturuan ng
okamisan
(“mother“ ng O-chaya) ang mga babae. Kapagnarating nila ang susunod na antas
pagdating nila ng gulang na 15 hanggang 19, nagiging mga
maiko
ang mga batang babae. Sumasama ang maiko sa mga geisha upang higit namakasanayan
ang kanilang trabaho. Sa gulang na 20, kailangang magpasya ang maiko
kungmagiging geisha siya. Kung nais niyang magpakasal, hindi siya maaaring
maging geisha.Tanging mga dati nang parokyano sa mga O-chaya ang tatangkilikin
ng mgatagapamahala nito (
okasan)
. Hindi maaaring pumasok sa mga O-chaya nang di ipinakikilala.May iba“t ibang
uri ng ugnayan ang mga geisha sa lalaki. Hindi sila mga kalapating mababa
anglipad. Hindi mali para sa mga geisha ang pagkakaroon ng isang tagatangkilik (
danna
), nakaugnayan niya sa larangang emosyonal, pinansyal, at sekswal. Gayunman,
nasa geisha na itokung gusto niyang magkaroon ng danna o hindi.
Noong 1920, may humigit-kumulang 20,000 geisha, ngayon mga 1,000 na lang
sila.Dahil sa kanilang de-kahong pamumuhay at mabigat na pagtuon sa tradisyonal
na sining, atdahil na rin sa impluwensiya ng Kanluran sa kulturang Hapon,
kakaunti na lamang angnakaaabot sa istandard ng propesyonal na geisha.
Gayunpaman, ginagampanan nila ang isangmahalagang papel sa pagpapalaganap ng
kultura at kasaysayang Hapon.
ANG KOREA AT ANG PILIPINAS
Kung pagbabatayan natin ang bilang ng mga Pilipinong kasalukuyang nahuhumaling
samga palabas pantelebisyong gawa sa Korea, masasabi nating napukaw ng mga
Koreano angdamdamin at atensyon ng masang Pilipino. Sa kasalukuyan, hindi lang
isang Koreanovela angipinalabas sa telebisyon. Karamihan sa mga dramang ito ay
ipinalalabas sa gabi ngunitmayroon din namang sa araw ipinalalabas. Kung dati-
rati“y si Thalia ang bukambibig ng taong-bayan, ngayon ay pawang mga Koreanong
artista na ang laman ng kanilang kuwentuhan araw-araw.Ngunit ano ba ang dahilan
kung bakit malapit sa puso ng mga Pilipino ang mga palabasgaling Korea?Kung
titingnan natin ang panitikan ng bansang Korea, masasabi nating maypagkakatulad
ito sa panitikan ng mga Pilipino kung tema ang pag-uusapan. Tulad ng mgaKoreano
sa mga usaping may kinalaman o tungkol sa pag-ibig. Karamihan ng
kanilangpanitikan ay may ganitong temang dala-dala at mababakas ito sa mga
palabas na kasalukuyannating pinanonood.Isa ang bansang Korea sa mga mayamang
bansa sa Asya. Maraming kompanya nakilala sa buong mundo ang nanggaling sa
bansang ito. Tulad ng mga Hapones, malikhain atmasipag ang mga Koreano.
Sinisiguro nila ang na lahat ng kanilang ginagawa ay tunay namaipagmamalaki at
de-kalidad.Isa rin ito marahil sa mga dahilan kung bakit kinagigiliwan ng mga
Pilipino ang mgapalabas na gawa sa Korea. Maliban kasi sa nasungkit nito ang
temang gustong-gusto ng mgaPilipino, kitang-kita rin na pinagkagastusan nang
husto ang mga palabas na kanilang ginagawa.Kung mahal ng mga Pilipino ang mga
palabas na gawang Korea, mahal naman ng mgaKoreano ang Pilipinas dahil sa taglay
nitong likas na kagandahan. Humahanga rin ang mgaKoreano sa kagalingan ng mga
Pilipinong magsalita ng Ingles. Dahil dito, parami nang paramiang mga turistang
Koreanong bumibisita sa bansa upang magbakasyon o kaya“y mag-aral.
ANG BUDDHISMO SA THAILAND
Isang pinag-isang Kahariang Thai ang itinatag noong kalagitnaan ng ika-14 na
siglo.Kilala bilang Siam hanggang 1939, ang Thailand ang tanging bansa mula sa
Timog-SilangangAsya ang hindi nasakop ng mga mananakop na Europeo.Sa
pangkalahatan, agrikutural ang bansa ngunit may mga industriya sa
malalakingsiyudad. Nobenta“y singko porsyento ng populasyon ay Buddhista, at mga
kaisipang Buddhistaang pinag-ugatan ng kultura at mga kaugalian.Lubhang mahalaga
ang papel ng Buddhismo sa buhay ng tao. Sa pagsilang ng isangbata, itinakda na
ang kanyang relihiyon. Lumalaki siya sa piling ng mga monghe at templo,kantahan
11. at mga ritwal. Karaniwan ang pag-oordina sa batang lalaki sa pagkanobisyado,
lalo nasa oras ng pagkamatay ng isang nakatatandang kamag-anak, magulang o nuno.
Sa nobisyado,nabibigyan ng pagkakataon ang isang batang lalaki na makatuntong sa
mas mataas na pag-aaral. Kadalasan, nanatiling nobisyado ang isang batang lalaki
hanggang sa magbinata siya, atsa gulang sa dalawampu, hindi malayong piliin niya
ang pagmomonghe. Karaniwang idinaraosang pagmomonghe sa panahon ng
Phansah
(
Rains Retreat)
, kung kailan nagreretiro ang mgamonghe para sa tag-ulan.Higit na nagiging
mabuting mamamayan ang pamumuhay-monghe. Ang tapat natagasunod ni Buddha ay
kusang-loob na nabubuhay ayon sa limang aral nito - mga aral napapatnubay sa
kanya sa proseso ng pagsilang at muling pagsilang, at mailigtas sa kanya samga
paghihirap. Walang gantimpala o parusa, langit o impiyerno para sa mga sumusunod
osusuway sa mga aral, pero malinaw na ang mga ginagawa nila“y magreresulta lang
ng dapatmangyari, bukas-makalawa. Ito ang tinatawag na
karma
. Ang karma ng tao ang nagtatakda ngmagiging kondisyon ng pang-araw-araw na
buhay niya, at anumang karma ang matira sa orasng kamatayan ay dadalhin sa
susunod na buhay at magsisilbing kondisyon sa mulingpagkabuhay.Sa edad beynte-
uno, obligadong magpatala sa
army
ang isang lalaki ngunit sa paraangpalabunutan. Kung mabunot ng binata ang pulang
pitsa mula sa kahon, magseserbisyo siya saloob ng dalawang taon; kung itim,
nakalibre siya. Ang serbisyo, na kadalasang nagaganappagkaraan ng pagmomonghe,
ay nagpapalubos sa pagkalalaki ng isang binata, at naghahandasa kanya sa pag-
aasawa.
ANG PANITIKANG CAMBODIAN
Ang sentro ng Panitikang Cambodia ay ang mga mito at alamat na naipasa
sapamamagitan ng salindila. Karamihan nito ay mga kuwento ukol sa mga naunang
buhay niBuddha at mga epiko mula sa India.Nang maipakilala ng mga Pranses sa
Cambodia ang limbagan noong mga 1930s,sumulpot na rin ang mga nobela. Nagsimula
muna ang mga nobela sa anyo ng mga serye sapahayagan hanggang sa tuluyang
ginamit ang mga ito sa mga paaralan at nagawan pa ngbersyon ng mga ito sa
pelikula. Noong simula ng dekada 70, limampung nobela isang taon angnailathala
sa Cambodia.Sa panahon ng Khmer Rouge noong 1975-1979, nalimitihan ang mga
panitikan sa mgatula ukol sa agrikultura, mga magsasaka, at mga rebolusyonaryong
awit. Walang mga nobelangnaisulat sa Cambodia. Ang ilang mahahalagang akda ay
nasulat ng mga
refugee
sa Pransya atThailand. Sinira rin ang mga kagimbal-gimbal na mga taong iyon ang
sinaunang panitikan ngCambodia.May dalawa hanggang apat na milyong Cambodian ang
namatay sa ilalim ng kalupitanng rehimeng Khmer Rouge na pinamumunuan ni Pol
Pot. Daan-daang libo ang tumakas saThailand at iba pang bansa. Sa pagsisikap na
magtatag ng isang komunistang lipunang pantay-pantay, malupit na pinatay ng
Khmer Rouge ang mga nasa panggitna at mataas na uri.Kabilang dito ang mga
opisyal, negosyante, at edukadong propesyonal. Pilit na pinagtrabaho samga
komyun (commune) sa lalawigan ng mga tagalungsod. Nahati ang mga pamilya.
Ipinasaraang mga paaralan, monasteryo, bangko, tanggapan at aklatan.
Kinumpiskang lahat ng mgapribadong pag-aari. Pinawi ng Khmer Rouge ang lahat ng
makapagpapaalala sa nakaraan ngCambodia kabilang na ang mga libro at panitikan
at kung tutuusin, gayon na rin ang dalawanglibong taon na kasaysayan ng
Cambodia.Matapos ang 1979, unti-unti nang muling binuhay ang panitikang
Cambodia. Bagamannoong dekada 80, pawang mga propaganda lamang ito ng estado,
may mga
refugee
na rin nanagsikap na muling ilimbag ang mga klasikong akdang pampanitikan tulad
ng mga kuwentongbayan.
ANG DISIPLINA NG SINGAPORE
Pinatunayan ng Singapore na hindi batayan ang laki ng isang bansa upang
12. masukatkung gaano sila kaunlad. Para sa kanila, maliit man ang kanilang bansa,
ito ay nakapupuwingdin.Kakaiba sa maraming bagay ang bansang Singapore. Isa ito
sa pinakamaliit na bansasa buong mundo ngunit isa rin sa pinakamayaman. Kilala
ito sa kalinisan at kaayusan. Isa rinang bansang ito sa may pinakamababang
bahagdan ng korupsyon sa buong mundo.Ang dahilan kung bakit maunlad ang bansang
Singapore ay hindi nakasalalay sa likasna yamang taglay ng kanilang bansa.
Napakaliit nito at kung ikukumpara sa kung ano angmayroon ang Pilipinas, wala pa
ito sa kalingkingan. Ang kanilang pag-unlad ay bunsod ngdisiplina ng kanilang
mamamayan. Ano pang bansa ang alam mo maliban sa Singapore angmay batas na bawal
kumain ng bubble gum dahil ayon sa mga namamahala rito, posible itongmakadagdag
sa dumi sa kapaligiran? At saang bayan ka makakikita na lahat ng mamamayanay
tumatalima sa ganitong uri ng batas?Disiplina. Iyan ang isang bagay na kailangan
pang hasain nating mga Pilipino upangumunlad ang ating bansa tulad ng kapitbahay
nating Singapore. Naging armas nila angkanilang disiplina upang makaahong muli
bilang isang malayang bayan. Tulad ng Singapore.Inspirasyon ng marami ang
mabilis na pag-unlad ng bayang ito, mula sa isang mahirap nabansa noon 1800s
hanggang sa pagiging industriyalisadong bansa sa kasalukuyan.Bakas na bakas ang
disiplina sa iba“t ibang aspekto ng kultura ng Singapore. Kitang-kitarin ito sa
ilang panitikan na nagmula sa kanilang munting bansa.Maraming aral ang maaring
natutuhan ng ibang bansa sa Singapore, lalung-lalo na salarangan ng disiplina at
pamamalakad sa pamahalaan. Isa ang bansang ito sa mga karapat-dapat tularang
bansa sa buong Asya, at maging sa buong mundo
ANG PANITIKAN NG MALAYSIA
Sinasabing nagsimula ang modernong panitikang Malay sa mga
hikayat
, isang akdangromantiko sa tuluyan. Isa sa mga pangunahing impluwensiya sa pag-
unlad ng modernongkathang Malay ang mga panulat ni Abdullah bin Abdul Kadir
Munshi (1797-1856). Sa kanyangpaglalakbay sa arkipelagong Malay, itinala niya
ang kanyang mga personal na obserbasyon atkritisismo ukol sa tradisyonal at
kontemporaryong lipunang Malay. Ang pinagsamangindibidwalismo at realismo sa
panulat ni Abdullah ay bago sa mundo ng panitikang Malay. Bagonoon, tanging ukol
sa mga makabalaghang prinsipe“t prinsesa sa mga makalangit na kaharianang mga
namayaning katha.Noong mga 1920-1930, unang nalathala ang mga nobela“t maikling
kuwento. Sa simula,walang layuning pamapanitikan ang mga ito, maliban sa
layuning didaktibo o pagkintal ngmabubuting aral.Pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, umiral ang isang bagong pagmumulatpampanitikan. Mula sa
Unibersidad ng Malaya, nabuo ang samahang Asas “50 na nagpasiglasa klimang
pampanitikan at nagbigay-daan sa diskurso at eksperimentasyong
pampanitikan.Naging islogan ng Asas “50 ang “Sining para sa Lipunan.“ Bagaman
patuloy na sumulat angmga manunulat ukol sa mga suliranin ng lipunan, hindi nila
tinalikuran ang pansining na aspektong pagsusulat.Ang Kuala Lumpur ang naging
sentro ng modernong panitikang Malay noong dekada60. Hindi nalalayo sa ating
Carlos Palanca Award for Literature, nagbigay-daan ang
DewanBahasa
Dan
Pustaka
sa panghihikayat na malimbag at mabigyan ng parangal ang mga kathang batikang
manunulat. Ilan sa mga makabagong manunulat na namumukod-tangi sinaShahnon Ahmad
at si Anwar Ridhwan. Mababanaag sa mga nobela ni Ahmad ang kuwento ngbuhay ng
mga magsasaka mula sa isang nagkakaunawaang pananaw at sa paraan ngpagsasalaysay
sa masidhi at makapangyarihan. Sa mga maikling katha ni Ridhwan, mabisaniyang
nagamit ang pamamaraang eksperimental at makabago upang umayon sa
karanasangMalay.
ANG UGAT AT PAG-USBONG NG NOBELANG TAGALOG
Sa kasaysayan ng Nobela sa Kanluran, may namamayaning pagtuturing sa anyong
itobilang isang uri ng reaksiyon sa seryosong himig ng mga tradisyonal na
romanse, napumapaksa sa iba“t ibang kabayanihan at kadakilaan. Ganito ang naging
13. pagpapahalaga,halimbawa, sa mga obra maestrang itinuturing na ninuno ng Nobela:
ang
Don Quixote
ni Miguelde Cervantes, ang
Gargantua at Pantagruel
ni Francois Rabelais, at ang Decameron niGiovanni Boccaccio.Sa kasaysayan naman
ng Nobela sa Pilipinas, hindi iilan ang mga mananaysay-pampanitikan na
nagsasabing mauugat ang pagkatha sa mga sinaunang epiko, at kalauna’y sanaging
paglaganap ng iba’t ibang Pasyon noong Panahon ng pananakop ng mga
Kastila.Binibigyang-diin sa ganitong pag-uugat ang pagtataglay ng tiyak na
naratibo o salaysay ngepiko at pasyon na siya ring pangunahing nagtatahi sa
kabuuan ng Nobela.Magkakaroon ng suliranin ang ganitong uri ng pag-uugat sa kaso
ng Nobelang Tagalogsapagkat wala silang naisalbang epiko sa kasaysayan, hindi
tulad ng ibang katutubo saPilipinas gaya ng mga Ifugao (na may
Hudhud
at
Alim
) o ng mga Manobo (na may
Ulahingan
).Kaya naman, nagiging higit na makatwiran ang pagbabalik ng mga Tagalog sa mga
tinaguriangProto-Nobela na nakasulat na sa prosa. Sa hanay ng mga ito, unang
nalathala noong 1708 angBarlaan at Josaphat na isinalin ni Fray Antonio de Borja
sa Tagalog mula sa orihinal na Griyegoni San Juan Pamasceno. Subalit higit na
naging mahalaga ang
Urbana at Feliza
ni Modesto deCastro at
Si Tandang Basio Macunat
ni Padre Lucio Miguel y Bustamante, na kapwa nagtuonsa bisa ng
edukasyon.Kinikilala naman ang
Nena at Neneng
ni Valeriano Hernandez Peña bilang siyangunang naisaaklat na nobela na nalimbag
noong 1904. Naging popular ito sa bayan dahil naginghalos kapanabay nito ang
umaangat na bilang ng mamamayang nagiging aral at marunongbumasa, bukod pa sa
nauna nang sekularisasyon ng mga palimbagan.Naging pangunahing bukal ng mga
kabilang sa unang henerasyon ng nobelistangTagalog ang kani-kanilang karanasan,
lalo na ukol sa pagpapalit ng sistemang kolonyal mula sapananakop ng mga Kastila
hanggang sa mga Amerikano. Kaya naman, bagaman malaki angbilang ng mga nobelang
pumapaksa sa pag-ibig at ugnayang pampamilya, madalas nanakalunan ito sa mga
tiyak na pangyayari sa kasaysayan, kaya’t nagiging historikal ang modang akda.
Dito kinilala ang halaga ng nobelista bilang mananaysay din. At bilang
mananaysay,nagbigay ng tuon ang mga nobelistang ito sa isang uri ng realismo na
higit na sosyalista ang
oryentasyon, at nakita bilang halimbawa ang
Banaag at Sikat
ni Lope K. Santos na nalimbagnoong 1906.Gayunpaman, sa mga sumunod na dekada,
higit na magtutuon sa partikular atindibidwal na karanasan ang mga akda.
Mabibihisan ng higit na romantikong oryentasyon angmga realistikong akda ng mga
unang dekada ng ikadalawampung dantaon. Sa mga panahonding ito, higit na
napalaganap ang mga nobelang Tagalog sa mga pahayagan at lingguhangmagasin, gaya
ng
Liwayway
, na itinatag noong 1922 at mabibili’t mababasa pa rin hanggang sakasalukuyan.