3. Ang isang awit ay nagatataglay ng regular
na pulso. Ang pagdama sa pulso ng awit ay
maaaring lapatan ng anumang kilos ng
katawan gaya ng pagpalakpak, pagpadyak,
pagmartsa, paggalaw ng ulo, pag-imbay ng
mga bisig at pagtapik sa pupitre.
Ang nadamang regular na pulso ng awit
maaaring maipamalas sa pamamagitan ng
guhit na patayo sa hangin.
4.
5. Marami sa mga awit ang maibibilang sa
dalawang tonong himig. Ito ay maaaring
magtaglay ng mataas at mababang tono.
Maaari ring ang mga tonong nabanggit ay
magkaroon ng pagitang palaktaw. Maaari ring
magkaroon ng dalawa o higit pang magkatulad
ng pariralang panghimig na may mataas at
mababang tono sa isang awit.
6. Magkatulad na pariralang panghimig
(mataas at mababang tono). Ang
aksent ay isang sagisag na nagbibigay
ng diin sa unang kumpas ng bawat
sukat at nagtataglay ng senyas o
panandang gaya nito: (>). Ang
pananda o senyas ay nagpapahiwatig
na ang nota ay dapat bigyan ng diin sa
pag-awit.
7.
8. Ang isang awit ay maaaring mabuo sa
pamamagitan ng paggamit ng tatlong tono
gaya ng so-la-mi sa paraang pababa pataas na
pagkilos ng tono.
Ang himig sa isang awit na kumikilos nang
pataas o pababa ay maaari pa ring maging
palaktaw.
Ang himig sa isang musika na ginagamitan ng
tatlong so-la-mi ay maaari ring kumilos ng
pataas na magkasunod at pababang palaktaw.
9.
10. Ang parirala ay maaaring gamitin sa musika
upang kumatawan sa pangkat ng mga nota na
magiging bahagi ng titik ng isang awit. Ang isang
awit ay maaaring magkaroon ng apat na parirala.
Halimbawa:
Ang aking sinisintang bayan(unang parirala)
Ang bayang sagana sa araw;(pangalawang parirala)
Lupa itong kinagisnan (pangatlong parirala)
Dito ako mabubuhay (Huling Parirala)