1. 39
Pagkatapos makuha ang lahat ng datos tungkol sa pag-aaral, gumamit ang mga
mananaliksik ng pormula kung saan ang ginamit sa pagsusuri at interpretasyon ay ang
pagbibilang, pagbabahagdan at pagraranggo.
Natuklasan
Batay sa pag-aral na isinagawa ng mga mananaliksik, natuklasan ang mga
sumusunod:
1. A. Ispeling
Karamihan sa mga mag-aaral ay alam na alam ang ispeling ng mga
salita. Bilang pagbubuod, nangunguna o nakahihigit ang nagsasabing na pareho
pa din ang ispeling ng mga salita mula sa mga salitang pinaghiraman nito. Ang
Zipper na may bilang ng sumagot na 49 o 81.66%. Pumapangalawa rito ay ang
mga salitang Vakul, Saxophone at Bouquet na may 48 na bilang o 80% na
sumagot. Pangatlo naman ang salitang Cañao na may 41 o 68.33% ng tamang
nakasagot. Pinakamababa namang nakakuha ng wastong ispeling sa mga salita
ang aspekto, chocolate na may 3 o 5% lamang na nakasagot at fiesta na may 4
na nakasagot o 6% na nangangahulugang limitado lamang ang kaalaman . Kung
kaya’t ito ay isang pagbabadya sa isang guro na tutukan pang lalo ang kaalaman
at kasanayan ng mga mag-aaral pagdating sa ispeling ng mga salita maging ito
man ay sariling wika o banyaga sapagkat ito ay malaking gampanin tungo sa
ipagkatututo ng bawat mag-aaral.
B. Pagpapantig
Nangunguna sa nakakuha ng pinakamataas na wastong pantig ang
salitang ekstra na nakakuha ng kabuuang bilang na 60 o 100%; pumapangalawa
ang Templo na may 58 o 96.66% at ang aklat na may 57 o 95%. Lumalabas na
ang mga mag-aaral ay alam na alam ang pagpapantig subalit hindi ito
nangangahulugan na dito hihinto ang pagpapasanay ng mga guro sa mga mag-
2. 40
aaral pagdating sa pagpapantig kundi mas higitan pa ang pagsasanay upang
mas lalong tumaas o lumawak ang kanilang kaalaman sa larangan ng
pagpapantig. Bagama’t may kaalaman pa rin ang mga mag-aaral sa pagpapantig
ng mga salitang Pilipinas na may 75%, Alaala at Drakula na kapwa may 70% ay
hindi rin nangangahulugang maging kampante na ang mga guro sa pagbibgay at
paggabay sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
C. Panghihiram
Batay sa mga kasagutan ng mga respondents lumalabas na sila ay may
bahagyang kagalingan sa usaping panghihiram ng mga salita. Nangunguna ang
salitang Family na may bilang ng wastong sagot na 58 o 96.66% na
pumapangalawa naman ang phonology at ortografia na parehong may 57 o 95%
at pumapangatlo ang salitang equipment na may 54 o 90%. Ang saitang
Tiyempo na mayroong 51.66%, ang salitang Kuwarto at Kuwento na parehong
may 20% ay nangangahulugang limitado lamang ang kaalaman ng mga mag-
aaral tungkol sa panghihiram ng nasabing salita.
Batay sa pagraranggong ibinigay ng mga respondents, lumabas ang mga
sumusunod na suliraning kanilang kinakaharap:
1. A. Ispeling
Ang nangunguna ay ang nakakatamad mag-aral ng mga ispeling sa
Filipino na may 28 na bilang ng mag-aaral ang sumagot, pangalawa naman ang
suliraning hindi itinuturo ng guro ang 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang
Filipino na nakakuha ng 20 bilang ng mag-aaral, hindi palagian sa pagsasanay
sa ispeling na lumalabas sa pangatlong ranggo na may bilang na 19 na sumagot
na mag-aaral. Ang hindi palagiang pagsasanay at ang nakakatamad mag-aral ng
mga ispeling ng mga salita sa Filipino ay isang implikasyon lamang na mahina
ang motibasyon ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Hindi agad ito
3. 41
binibigyang tugon ng mga guro kung kaya’t marahil ay patuloy itong magiging
isang suliranin na hindi malutas-lutas at patloy na kakaharapin pa ng mga mag-
aaral ang nasabing mga suliranin.
B. Pagpapantig
Batay sa pagraranggong ibinigay ng mga respondent, lumalabas na ang
pangunahing dahilan ng suliraning kinakaharap sa pagpapantig ng mga salita ay
ang mga sumusunod: 17 bilang ng mag-aaral ang sumagot dahil sa nalilito ang
mga mag-aaral sa mga tuntunin sa pantig, 16 para sa di-palagian ang
pagsasanay sa pagpapantig ng mga salita, 15 para sa nahihirapan sa
pagpapantig ng mga salita.
C. Panghihiram
Batay sa kinalabasan ng pagraranggo sa mga suliraning binanggit sa
ipinamudmod na talatanungan, ang pangunahing suliranin ng mga mag-aaral na
nakakatama at nalilito, ito’y nangangahulugan lamang na kulang na kulang ang
motibasyon ng mga mag-aaral. Ang suliraning ito’y nangangailangan ng
madaliang solusyon upang matamo ng mga mag-aaral ang nararapat na
kaalaman lalong-lalo na sa panghihiram ng mga salita sapagkat halos araw-araw
ay ginagamit nila ang mga salitang ito sa loob at labas man ng paaralan, pasalita
o pasulat man ay kinakailangan na alam nila kung paano ito gagamitin sa
maayos na paraan. Ang suliraning hindi itinuturo…ay isang mabigat at malaking
pagkukulang. Ang anumang pagkukulang ng isang guro sa kanyang pagtuturo ay
maghahatid lamang ng isang inutil na kalalabasan ng pagtuturo. Isang malaking
pagkakamali ang hindi ituro sa mga mag-aaral kung ano o kung ano ang
kinakailangan nilang matutunan. Ang suliraning ito ng mga mag-aaral ay halos
magkakaugnay-ugnay lamang. Ang pagkakaroon ng kalituhan sa mga tuntunin
sa pagpapantig ay sanhi ng di-palagiang pagsasanay sa pagpapantig at
4. 42
mahihirapan ang mga mag-aaral kung saan nagiging malaking suliranin ng mga
mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Batay sa mga suliranin ay iniranggo ng mga respondents ang mga kaukulang
solusyon at ito ang pinagbatayan ng kasalukuyang mananaliksik sa pagkuha ng datos.
1. A. Ispeling
Sa ispeling, nangunguna sa mga solusyong naisip ng mga respondent na
nasa unang ranggo na magsanay nang mabuti sa pagsulat ng mga angkop na
salita na batay sa mga tuntunin ng ispeling. Ito ang solusyong naisip ng mga
mag-aaral sa Salvacion National High School sapagkat marahil ay kulang na
kulang pa ang kanilang kasanayan sa paggamit ng tamang angkop na salita na
sumusunod sa tuntunin sa ispeling. Nasa ikalawang ranggo naman ang solusyon
na pag-aralang mabuti ang 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino. Samantalang
nasa ikatlong ranggo ang lumahok sa mga worksyap na may kaugnayan sa
ispeling upang marahil ay bumuti at masanay sila sa paggagmit ng wastong
ispeling ng mga salita.
B. Pagpapantig
Nangunguna ang mungkahing solusyon ng mga mag-aaral sa pagpapantig
na pag-aralan at unawaing mabuti ang mga tuntunin nito. Mahalaga na alam ng
mga mag-aaral ang tuntunin sa pagpapantig sapagkat malaking bahagi ang
ginagampanan ng pagbasa at pagsulat sa kanilang pagkatuto. Sa pamamagitan
nito’y mas mapapaunlad nila ang kanilang kasanayan sa wastong pagpapantig
ng mga salita na naaayon sa tuntunin nito. Nasa ikalawang ranggo ang
pagrerebyu ng mga lektyurs pagdating sa bahay. Ang pagkatuto ay hindi lamang
natatapos sa loob ng silid-aralan, ang pagrerebyu ay isang malaking hakbang sa
ganap na pagkatuto o pag-master sa mga pinag-aralan sa paaralan.
Samantalang nasa ikatlong naman ang ugaliing magsanay sa pagsasanay sa
5. 43
pagpapantig ng mga salita. Ang palagiang pagsasanay ay maghahatid sa isang
magandang resulta dulot ng pagiging masinop at matiyagang pag-aaral.
C. Panghihiram
Binigyang puntos ng mga mag-aaral sa Salvacion National High School ang
mungkahing solusyon na ugaliing magbasa ng mga nakalimbag na mga salitang
hiram. Nasa ikalawang ranggo naman na unawiang mabuti ang mga tuntunin sa
panghihiram. Sa bawat tekstong binabasa natin ay kinakailangan laging may
kaakibat sa pag-unawa nito, sapagkat walang silbi ang pagbabasa ng anumang
nakalimbag na teksto o babasahin kung wala naming pag-unawa rito.
Samantalang nasa ikatlong ranggo naman na binigyan ng mga mag-aaral ng
puntos ang pagrerebyu ng mga lektyurs ng guro tungkol sa panghihiram.Ang
paulit-ulit na pagrerebyu ng mga napag-aralan sa paaralan ay kinakailangang
ugaliin ng bawat mag-aaral sapagkat makakatulong ito sa mas ikakuunlad ng
kanilang kaalaman sa panghihiram.
Konklusyon
Batay sa mga natuklasan, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon:
1. May kaalaman na ang mga respondents sa ilang bagay tungkol sa 2009 Gabay
sa Ortograpiyang Filipino pagdating sa pagpapantig; ngunit hindi nila gaanong
alam ang partikular na katumbas na salita sa Filipino ng mga hiram na salita.
Pagdating naman sa ispeling, ang ilan sa kanila ay ginagamit pa rin ang mga
tuntunin sa 2001 Revisyon sa ispeling.
2. Sa naibigay na datos ng mga respondents ukol sa mga suliraning kanilang
kinakaharap kaugnay ng 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino,
lumalabas na sila ay nangangailangan ng palagiang pagsasanay lalo na sa
ispeling ng ilang salitang hiram, mga salitang katumbas o salin sa Wikang
6. 44
Filipino maging sa ilang tuntunin sa pagpapantig bagamat mataas ang antas ng
kanilang kaalaman dito.
3. Ang pagbabasa ng mga aklat at iba pang nakalimbag na babasahin ay isang
malaking tulong sa pagpapatibay ng kanilang kaalaman patungkol sa
panghihiram at ng mga tuntunin nito. Sa bawat tekstong binabasa natin ay
kinakailangan laging may kaakibat sa pag-unawa nito, sapagkat walang silbi ang
pagbabasa ng anumang nakalimbag na teksto o babasahin kung wala namang
pag-unawa rito. Ang pagsasanay sa pagsulat ng mga angkop na salita sa
ispeling, pagpapantig at panghihiram ay isang mabisang solusyon upang higit na
makamit ng mga mag-aaral ang nararapat na kaalaman na mga kaugnayan sa
Ortograpiya ng Wikang Filipino.
Rekomendasyon
Batay sa mga natuklasan at konklusyon, iminumungkahi ang mga sumusunod:
1. Pag-aralan at unawaing mabuti ang mga tuntuning nakapaloob sa 2009 Gabay
sa Ortograpiya ng Wikang Filipino.
2. Linangin ang sariling kakayahan at talento sa pamamagitan ng paglahok sa mga
worksyap na may kaugnayan sa ispeling, pagpapantig at panghihiram ng mga
salita sa Wikang Filipino.
3. Ugaliing magsanay ng mabuti sa pagsulat ng ispeling, pagpapantig at
panghihiram ng mga angkop na salita at maging sa wastong pagbigkas ng mga
salitang ito na batay sa mga tuntunin.
4. Pagsikapang rebyuhin ang mga natamong kaalaman at kasanayan mula sa mga
lektyurs at seminar na may kinalaman sa wastong ispeling, pagpapantig at
panghihiram ng mga salita.
7. 45
5. Payabungin ang mga kaalamang natamo sa pamamagitan ng patuloy na
pagbabasa ng ilan sa maraming nakalimbag na mga babasahin sa internet,
journals, magazines at iba pa.
6. Kung may kalituhan o hindi lubos na naunawaan sa tinalakay ng guro na may
kinalaman sa mga tuntunin sa ispeling, pagpapantig at panghihiram,
makabubuting linawin agad ito sa pamamagitan nang maayos na pagtatanong sa
guro o sa kung sinuman na sa tingin mo ay may higit na kaalaman.
7. Sikapin na sa bawat pagtalakay ng guro sa mga ideya at impormasyon tungkol
sa Gabay sa Ortograpiyang Filipino, ay magkaroon ng malinaw at matagumpay
na pag-unawa sa bawat detalyeng nakalap o nalaman.
8. Sa bawat paghakbang at pag-unlad ng kaalaman at kahusayan sa anumang
aspekto ng pag-aaral, nawa’y ugaliing gawing patnubay ang 2009 Gabay sa
Ortograpiyang Filipino, bilang sanggunian sa anumang pag-aaral na nais mong
tahakin at tuklasin.
9. 47
BIBLIOGRAPI
AKLAT
Abad, Marrieta A., et.al. Filipino Bilang Tanging Gamit. National Book Store, Inc.
Publishers. M.M. Phil.
Alfonso O. Santiago. Panimulang Liggwistika. Rex Book Store 856 Nicanor
Reyes Sr. St. 1937 C.M. Recto Avenue, Manila, Phil. Copyright 1999.
Alfonso O. Santiago. Sining ng Pagsasaling-Wika (Sa Filipino Mula sa Ingles).
Rex Bookstore, Lungsod ng Quezon, 2003.
Bautista, Evelyn et.al. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. TCS.
Publishing House, 2007.
Rosalinda A. San Mateo at Maura G. Tangco. The Historical Foundations of
Education. Katha Publishing Co., Inc., Lungsod ng Quezon, 2003.
LATHALAIN
Jesli A. Lapus. GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO. Kagawaran
ng Edukasyon, Lungsod ng Pasig, Blg.105, s. 2009.
TESIS/DISERTASYON
Diana Millano at Mary Ann Cordovilla. Pananaw ng mga Mag-aaral na Nasa
Unang Taon sa Tersarya Tungkol sa 2001 Revisyon ng Alfabetong Filipino. Di-Limbag
na Undergradweyt Tesis. Pamantasan ng Bikol Kolehiyo ng Edukasyon, Daraga, Albay,
2006.
Marilyn Ll. Madrideo. Kahandaan at kaalaman ng mga Gurong Nagsasanay sa
Pagtuturo ng/sa Filipino Batay sa Binagong Kurikulum ng DepEd. Di-Limbag na Tesis.
Pamantasang Bikol Kolehiyo ng Edukasyon Paaralang Gradwado, Lungsod ng
Legazpi, 2004.
Sharon C. Averilla. Varayti ng Pasulat ng Filipino ng mga Mag-aaral sa
Sekondarya sa Panahon ng Makabagong Teknolohiya. Di-Limbag na Tesis.
Pamantasan ng Bikol Paaralang Gradwado, Lungsod ng Legazpi, 2004.
Shyryll S. Baluca at Simonette G. Bilbao, Efekto ng Revisyon sa Ispeling sa
Filipino. Di-Limbag na Undergradweyt Tesis. Pamantasan ng Bikol Kolehiyo ng
Edukasyon, Daraga, Albay, 2006.
WEBSITES
2001 revisyon.blogspot.com/2007/primer-sa-2001-mga-tiyak-na-tuntunin.html
philol.info/index.php/MALAY/article/view/1348
wika.ploworks.com/w/page/8021677/KWF-Komisyon-sa-Wikang-Filipino