2. Tungo sa paglakas ng Sambayanang
Pilipino
• Dahil sa mga programang inilunsad ni
Marcos, marami tuloy ang sumang-ayon sa
Batas-militar.
• Nagkaroon ng malaking pagitan ang
mayayaman at mahihirap. Ang mga taong
malapit kay Marcos ay yumayaman. Nawalan
ng karapatan sa negosyo ang iba at ang iba
nama’y naghirap na nagdulot ng iba’t-ibang
protesta.
3. • Dekada ‘80 nang umigting ang kamulatan ng mga tao.
Nagwelga at nagprotesta ang mga nakakaramdam ng
matinding kahirapan at pang-aapi.
• Mga programang hindi natupad:
– Green Revolution
– Palayan ng Bayan
– Reporma sa Lupa
• Dahil sa kahirapan, marami ang nagpunta sa Maynila.
– Mga taga-Catanduanes, Samar, Leyte, Negros Occidental at
Camarines Sur
• Iskwater – 8 milyon noong 1980
• Naghihirap – 71 % noong 1981
4. • Gumamit ng dahas si Marcos upang mapasunod
ang mahihirap. Na naglabang karapatang
pantao, nagkaroon ng demolisyon, pagpatay o
pagpaslang.
• Kahit mga madre o pari ay pinatay, kinulong at
tinakot dahil sa pakikiisa sa mga nagwewelga.
• Macli-ing – isang pinuno ng Kalinga na tunutol sa
Chico Dam na itatayo sa lugar ng kanyang mga
ninuno.
5. People Power I
• 1983 nang nagkaroon ng matinding krisis sa
Pilipinas.
– Katiwalian sa pamahalaan
– Pagkagulo ng sistema ng pananalapi ng bansa
– Capital flight
– Pagtaas ng bilang ng walang trabaho
– Pagkabahala ng mga institusyong pinansiyal sa
kakayahan ng bansang makabayad ng utang
6. • Nang dahil sa krisis at katiwalian, nagpahayag
si Ninoy sa harap ng mga dayuhan upang
makuha ang pandaigdigang taguyod sa
kalagayan ng bansa sa ilalim ng Rehimeng
Marcos.
• Nagpadala ng mensahe si Marcos kay Ninoy
tungkol sa pagbabawal at pagababanta sa
pagbalik nito. Ipinadala niya ang mensahe kay
Imelda Marcos, ang Unang Ginang ng bansa.
7. • Agosto 21, 1983 – umuwi ng Pilipinas si
Ninoy, at “Marcial Bonifacio” ang pangalang
ginamit niya sakanyang pasaporte. Halos 3
taon siya sa USA dahil sa Heart Bypass
Operation.
• Nilikha ni Marcos ang Agrava Commision na
mag-imbestiga sa pagakamatay ni
Ninoy, upang linisin ang pagkasangkot ng
pamahalaan. Sa huli, hindi nagawang
palitawin ang katotohana n tungkol sa
imbestigasyon.
8. • Maraming tao ang namulat kaya marami din
ang nag-alsa sa pamamagitan ng mga kanta at
tula na nagpahayag ng kanilang damdamin at
kaisipan laban sa Rehimeng Marcos.
• Marami din ang sumibol na kilusan tulad ng:
JAJA, CORD, KAAKBAY, BAYAN, BANDILA, KOMP
IL, ROAR, FLAG, at marami pang iba.
• Sa paglawak ng kilusan ng bayan, marami ang
nakiisa sa pagprotesta at nagpapakita ng
“Laban” sign.
9. Snap Election
• Dahil sa mga sumibol na kilusan at sa panawagan
ng mamamayan na magbitiw si
Marcos, nagsagawa ito ng Snap Election.
• Ipinagawa niya ito upang malaman kung sakanya
parin ang boto ng mamamayan.
• Pebrero 7, 1986 naganap ang sanp election.
--Partido KBL --Partido Laban
-Marcos - Cory Aquino
-Arturo Tolentino - Salvador Laurel
10. • Gumanap din si Jaime Cardinal Sin bilang
tagapamagitan ng oposisyon upang magkaisa
laban kay Marcos gayundin kinumbinsi niys si
Gng. Aquino sa pagtakbo sa halalan.
• Itinatag ang NAMFREL dahil gusto ng
mamamayan ng tapat at malinis na halalan.
• COMELEC ang kasapi ni Marcos na nagbilang
din ng mga boto.
11. • Sa naganapna bilangan, naging masalimuot ang
pangyayari at maraming insidente ng karahasan
(tulad ng pag-agaw ng ballot
boxes, pamamaril, pagpatay at pananakot sa mga
kasapi ng NAMFREL)
• Dahil sa nangyari, mismong mga computer
technician sa PICC ang nagwalkout.
• Ipinakitang may mga Pilipinong ayaw nang
magpasangkapan ng kay Marcos at dahil din
dito, nawalan ng kredibilidad ang magiging
resulta ng isinasagawang pagbibilang ng
COMELEC.
12. • Ang pangulo ng USA na si Ronald Reagan nagsabi
na parehas nandaya ang dalawang panig, na agad
namang binatikos ng mga Pilipino.
• Minadaling ideklara ng Batasang Pambansa na si
Marcos ang nanalo. Samantalang idineklara ng
NAMFREL na si Cory ang nanalo.
• Dahil sa magkaibang resulta, nagwelga si Gng.
Aquino. Kasama niya sina Senador Lorenzo
Tañada, Jose Diokno, Chino Roces, Joker
Arroyo, Augusto Sanchez, Wigberto Tañada, at
marami pang iba.
13. • Pebrero 16, 1986 – nagsagawa si Cory ng
malaking rally, maraming dumalo sa “civil
disobedience” – ito ay ang pagpepwersa kay
Marcos na magbitiw sa pwesto at sundin ang
kagustuhan ng mamamayan.
• Nagplano ang grupong RAM ng military
junta, kasapi dito sina Gregorio Honasan, Juan
Ponce Enrile at Fidel Ramos.
• Pebrero 21, 1986 nag-usap-usap ng gawin ang
kudeta sa Pebrero 23, ngunit nalaman ni Marcos
kaya’t humingi sila ng tulong kay Cardinal Sin at
hiniling na iligtas sila kay Marcos.
14. • Ipinahayag ni Cardinal Sin sa Radio Veritas ang
naudlot na kudeta nina Enrile, kaya’t pumunta
ang ibang mamamayan sa Camp Aguinaldo upang
hikayatin ang mga sundalo na iwasan ang
pagkakaroon ng sagupaang militar.
• Pebrero 25, 1986 – sinabihan ni Paul Laxalt na
kailangang umalis na si Marcos sa Malacañang. Sa
Clark Air Base inaantay ang pamilya Marcos sa
pag alis nito anumang oras. Nanumpa si Marcos
bilang pangulo at kasabay nito ay nanumpa rin
Cory sa Club Filipino.
• Nang gabi ay umalis si Marcos dala ang mga pera
at alahas patungong Hawaii.
• Nilusob ng mamamayan ang Malacañang at
nagsaya dahil wala na ang pamilya Marcos.