1. Ang wika ay isang bahagi ng
pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga
simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas
upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan.
2. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay.
Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang
katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe.
Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language -
tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang
salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng
Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat
nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming
kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" -
sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng
pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog
man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.
3. Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang
paggamit ng mga salita o pagsasalita.
(Tingnan ang mga sining na pangwika).
Subalit kabilang din rito ang pagsusulat,
mga wikang pasenyas, larangan ng
musika, sining ng pagpipinta,
pagsasayaw, at maging ang matematika
. "Wika" ang lahat ng mga ito kung
gagamitin ang malawakan na kahulugan
ng wika. Sa ilang pagkakataon,
tinatawag ding dila (piguratibo), salita,
diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang
grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa
Ingles]) ang wika.
4. Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:
Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga
kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na
kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at
Filipino
Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may
"Taglish"
Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan
o paaralan
Lalawiganin/panlalawigan - wikang ginagamit ng isang
partikular na lugar o pook.
Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng
wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang
partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.
ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga
salitang Kolokyal/pambansa.
Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at
retorika.
5. Ito ang pitong kagamitan ng wika:
Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan
na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga
simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang
disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang
pakikipagtalastasan.
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap.
Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o
ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan
ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.
Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing
pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang
ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay,
maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos
ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan.
Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit
pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi
nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.
6. Ang dalawang kategorya ng paggamit ng wika
ay pormal at inpormal o di-pormal.
Pormal
Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o
pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa
mga usapang pormal. Narito ang mga uri nito:
Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit
sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin
sa pamahalaan.
Pampanitikan o pangretorika - mga salitang gamitin sa mga
akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim,
makulay, at masining.
7. Impormal o di-pormal
Ang impormal o di-pormal ay mga salitang
karaniwang palasak at madalas gamitin sa
pang-araw-araw na pakikipagusap.
Ginagamit ito sa mga hindi pormal na
usapan. Narito ang mga uri nito:
Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal.
Gamitin ito sa mga partikular na pook o
lalawigan lamang.
Balbal - mga salitang nahango lamang sa
pagbabago o pag-usod ng panahon, mga
salitang nabuklat sa lansangan.
Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga
pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng
isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin
sa antas na ito.