3. Ang Pamahalaan
Pagsilang ng isang tao ay bahagi na siya ng isang estado at nasa
ilalim na ng pamahalaan. Ang estado ay binubuo ng mga
mamamayang nagkakaisa at nagbubuklod-buklod;naninirahan
sa isang tiyak na lupang sakop ng bansa;may kapangyarihang
gumagawa at magpatupad ng mga batas at nagtatamasa ng
pagsasarilibilang isang malayang bansa. Tinatawag na isang
institusyon ang pamahalaan dahil tumutugon ito sa
pangangailangan ng mga mamamayan.Pinananatili ng
pamahalaan ang katahimikan ng bansa. Ang pamahalaan ang
namamahala sa estado at nagpapatupad ng mga batas at mga
kautusan upang maayos na makapamuhay ang mga
mamamayan. Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng mga taong
pinili at inihalal ng mga mamamayan upang pangasiwaan ang
estado. Nagbibigay ito ng mga paglilingkod sa mga mamamayan.
4. Ang Kahalagahan ng Pamahalaan sa Isang Bansa
Kailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan at ng
mga mamamayan upang magkaroon ng katahimikan
at kaayusan sa bansa. Mahalaga ang katatagan ng
bansa na siyang pangunahing layunin ng pamahalaan
upang mapangalagaan ang karapatan, pag-aari at
buhay ng mga mamamayang Pilipino. Mahalaga ang
pamahalaan upang ang mga tungkulin at paglilingkod
nito sa mga mamamayan ay maisagawa at paipatupad.
Ang pamahalaan ang nagtatakda ng mga batas at
tuntuning dapat sundin ng mga mamamayan.
5. Ang mga uri ng pamahalaan sa
daigdig:Pamahalaang Demokratiko
Ang salitang Demokrasya ay mula sa salitang Griyego na
demos na ang ibig sabihin at tao at kratos na ang ibig
sabihin ay pamamahala. Demokrasya ang pamahalaan
kapag ang kapangyarihan ng pamamahala ay nagmumula
sa tao. Natatamo ang kapangyarihan ng mga pinuno ng
bansa sa pamamagitan ng eleksyon o halalan. Ang mga
mamamayan ay may karapatang pumili o bumoto nang
malaya sa nais niyang kandidato mula sa iba’t ibang
partido o lapian. Itinakda ng batas kung ilang taon
mamumuno at maglilingkod ang naibotong pinuno.
Nagkakaroon ng halalan pagkatapos manungkulan ang
isang pinuno sa itinakdang panahon.
6. Sa demokrasya, magkakapantay-patay ang lahat ng
tao sa pagtatamasa ng mga karapatan. Hindi
alintana anuman ang kulay, rehiliyon, lahi,
paniniwala at katayuan sa lipunan. Ngunit may
hangganan din ang kalayaan ng mga mamamayan
sa ilalim ng demokratikong pamahalaan. Ang
sinumang lumabag sa batas,maging mahirap man
o mayaman ay may kaukulang kaparusahan ayon
sa itinakda ng Saligang Batas. Ang pamahalaang
Demokratiko ay maaaring Yunitaro, Pederal,
Parlyamentaryo at pampanguluhan.
7. Ang Pamahalaang Yunitaryo
Nagmumula sa pambansang pamahalaan
o sentral ang mga ipinatutupad na
gawain at mga patakaran na pinaiiral sa
mga pamahalaang lokal. Samakatawid,
lahat ng mga kaurusan ay nanggagaling
sa pamahalaang sentral ng bansa.
8. Ang Pamahalaang Pederal
Nahahati sa dalawa ang
kapangyarihan sa ilalim ng
pamahalaang ito. Pinaiiral ang
kapangyarihan at mga gawain
na nauukol sa nasasaklawan
nito sa pambansa at sa lokal na
pamahalaan.
9. Ang Pamahalaang Parlyamentaryo
Ang punong ministro (Prime Minister)
ang pinakamataas na pinuno. Siya ang
pinili ng mga kagawad ng Batasang
Asemblea. Ang mga kagawad ay inihalal
ng mga mamamayan sa mga lungsod at
lalawigan bilang kinatawan nila.
10. Ang Pamahalaang Pampanguluhan
Ang pamahalaan ng pilipinas ay pamahalaang demokratikong
pampanguluhan. Ang pangulo ang pinakamataas na pinuno ng
bansa bilang tagapagpaganap. Katulong ng pangulo ang
pangalawang pangulo at mga kagawad ng gabinete.Ang pagpili
sa pangulo, pangalawang pangulo, mga senador at mga
kinatawan ay sa pamamagitan ng isang pambansang halalan na
nilalahukan ng mga kwalipikadong botante ng bansa. Ang
pangulo ay pumipili ng mga kasapi ng gabinete at mga hukom na
bumubuo sa Korte Suprema. Ang mga senador at mga kinatawan
ng mga lungsod at lalawigan ang bumubuo sa Kongreso na may
kapangyarihang gumawa at magbago ng batas.Ang Korte
Suprema at mababang hukuman naman ang binubuo ng mga
hukomay may kapangyarihang dinggin at lutasin o hatulan ang
mga hidwaan, alitan at mga suliraning kaugnay sa pagpapatupad
ng batas.
11. Ang Pamahalaang Monarkiya
Ang bansang may pamahalaang monarkiya ay
pnamumunuan ng hari, reyna o emperador. Ang
kapangyarihan na pamunuan ang isang bansa ay
ipinamana sa mga anak ng maharlikang angkan. May
dalawang uri ang pamahalaang monarkiya. Ito ang
limitadong monarkiyang konstitusyunal (limited
constitutional monarchy) at ganap na monarkiyang
konstitusyunal (Absolute monarchy). Sa monarkiyang
konstitusyunal, namumuno ang hari at reyna ngunit sa
kamay ng punong ministro nakataang ang tungkulin
bilang tagapagganap. Panseremonya lamang ang
tungkuling ginagampanan ng hari at reyna. Hindi sila
nagpapatupad ng batas subalit una silang pinapaalaman,
sinasangguni at hinihingan ng payo. Magkaiba ang
limitadong monarkiyang konstitusyunal at ganap na
monarkiyang.
12. Tanging ang namumuno ang
siyang may kapangyarihang
pamahalaan ang isang bansa sa
ilalim ng absolute monarchy.
Ang pinuno ang nagdidikta sa
lahat kung ano ang dapat gawin
kaya maihahalintulad ang
pinunosa isang diktador.
13. Ang Pamahalaang Aristokrasya
Isang partidong pulitikal ang umiiral sa uri
ng pamahalaang ito. Matalinong pangkat
ng mga tao o mayayaman lamang ang may
hawak ng kapangyarihang pulitikal.
Sunod-sunuran lamang ang mga
mamamayan sa mga batas at gawain na
itinakda ng ilang makapangyarihang tao sa
pamahalaan dahil wala silang karapatang
sumalungat at tutulan ang mga ito.
14. Ang Pamahalaang Diktatoryal
Nasa iisang tao lamang ang
kapangyarihan, sa diktador na
siyang gumagawa at nagpapatupad
ng batas. Wala ring karapatang
sumalungat ang mga mamamayan
sa mga ipinag-uutos ng pinunong
diktador.
15. Ang Uri ng Pamahalaan ng
Pilipinas
Sa bansang Pilipinas ay umiiral ang pamahalaang
demokratiko. Sa pamahalaang ito, ang mga mamamayan ay
may kalayaang magsalita at magpahayag ng ninanais at
opinyon na hindi makasisira at makapipinsala sa kapwa at
sa pamahalaan. Ang lahat ng mga batas at mga patakaran
ay naaayon sa isinasaad ng Konstitusyon o Saligang Batas.
Ang kapangyarihan ng pamamahala ay nasa tao dahil ang
mga mamamayan ang pumipili ng mga pinuno sa
pamamagitan ng halalan. Ang nahalal na pinuno o
kinatawan ng mga mamamayan ay nanunungkulan sa loob
ng itinakdang panahon. Ayos sa ipinahayag ng Saligang
Batas sa Artikulo 2, Seksyon 1” Ang Pilipinas ay isang
estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na
kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa
kanila ang lahat ng awtoridad na pampamahalaan.
16. Ang Sistema ng Pamahalaang Pambansa at Lokal
Ang pamahalaan sa Pilipinas ay nauuri o
nahahati sa dalawa ayon sa lawak ng
pamamahala nito sa bansa. Ang mga ito
ay ang pamahalaang pambansa at
pamahalaang lokal. Ang barangay,
bayan, lungsod at lalawigan ang
bumubuo sa pamahalaang lokal. Ang
pamahalaang lokal ay nasa ilalimng
pamahalaang pambansa.
17. Ang Pamahalaang Pambansa
Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng pamahalaang
pambansa. Ito ang namamahala sa buong Pilipinas sa
pamumuno ng pangulo ng bansa. Lahat ng suliranin na
may kinalaman sa pulitika, lipunan at kabuhayan ay saklaw
ng pamahalaang pambansa. Isinasaayos din nito ang
pamumuhay sa buong bansa upang matupad ang hangarin
nitong mapaglingkuran ang lahat ng mamamayang
Pilipino. Ang pamahalaang lokal ay nasa ilalim ng
kapangyarihan ng pamahalaang pambansa. Ang mga
ipinatutupad na mga patakaran at mga ordinansa ng
pamahalaang lokal sa mga barangay, bayan, lungsod at
lalawigan ay naaayon sa itinakda ng pamahalaang
pambansa sa ilalim ng kapangyarihang itinakda ng
Saligang-Batas.
18. Ang Pamahalaang Lokal
Binunuo ang pamahalaang lokal ng mga lalawigan, bayan at
barangay. Ang lalawigan ay pinamumunuan ng gobernador.
Ang lungsod at bayan ay pinamumunuan naman ng
alkalde, kapitan naman ang namumuno sa barangay.
Tinitiyak din ng gobernador kung tumutupad sa tungkulin
ang mga alkalde ng bayan o ng lungsod. Ang pangasiwaan
naman ng barangay sa pamumuno ng kapitan ay nasa
ilalim ng alkalde ng bayan o ng lungsod. Ang mga
karaingan at suliranin ng mga mamamayan sa lokal na
nasasakupan ay ipinararating ng mga pinuno ng
pamahalaang lokal sa pambansang pamahalaan.
Samantala, ipiinararating naman ng pamahalaang lokal sa
mga mamamayang nasasakupan nito ang mga programa,
patakaran at mga batas na dapat sundin na ipinatutupad
ng pambansang pamahalaan.
19. Ang Kodigo ng Pamahalaang
Lokal na naisabatas noong
ika-21 ng hunyo, 1991 ay
nagtatakda ng paglilipat ng
ilang kapangyarihan mula sa
pambansang pamahalaan
tungo sa lokal na yunit ng
pamahalaan.
20. Ang Ugnayan ng Pamahalaang
Pambansa at Pamhalaang Lokal
Mahalaga ang maayos na ugnayan ng
pamahalaang pambansa at pamahalaang
lokal upang matamo ang pagsulong at pag-unlad
ng bansa. Iba’t ibang patakaran at
mga ordinansa ang ipinatutupad sa mga
lalawigan, lungsod, bayan at barangay,
ngunit iisa lamang ang layunin nito. Ang
suportahan ang kabuuang layunin ng
pamahalaang pambansa.
21. Ang Tatlong Sangay ng Pamahalaan
May tatlong sangay na siyang nagpapatakbo
ng ating pamahalaan. Ang mga ito ay ang
sangay Tagapagbatas o Lehislatibo
(legislative), Sangay Tagapagpaganap o
Ehekutibo (Executive) at sangay
Panghukuman o Hudikatura (Judiciary).
Ang tatlong sangay ay may kanikanyang
tungkulin na ginagampanan sa
pagpapatakbo ng pamahalaan sa Pilipinas.
22. Ang Sangay Tagapagbatas o
Lehislatibo
May kapangyarihan ang tagapagbatas sa ilalim ng Saligang
Batas na magpanukala o gumawa ng batas, magbago ng
mga batas at magpawalang-bisa ng mga batas. Ito ay
nakasalalay sa Kongreso na binubuo ng Senado o Mataas
na Kapulungan na binubuo ng mga kinatawan. Ang Senado
bilang mataas na kapulungan ng Kongreso ay binubuo ng
24 na senador na halal ng mga kwalipikadong botante ng
bansa. Pinamumunuan ito ng pangulo ng sendao na
inihalal ng mga senador. Ang Kapulungan ng mga
Kinatawan o Mababang Kapulungan ay binubuo naman ng
hindi hihigit sa 250 kinatawan (representative) na
kumakatawan sa mga bayan, lungsod at lalawigan o mga
distrito ng kanilang pinanggagalingan.Ispiker ang tawag sa
pinuno ng Kapulungan ng mga Kinatawan na inihahalal ng
mga kinatawan.
23. Ang kapangyarihan taglay ng bawat
Kagawad ng Kongreso ay galing sa
mga mamamayan na nagluklok sa
kanila upang
manungkulan.Nararapat lamang na
gampanan ng bawat kagawad ang
mga tungkulin nakaatang sa kanila
para sa kapakanan ng mga
mamamayang Pilipino at ng buong
bansa.
24. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng
mga Kagawad ng Kongreso
Maaaring maging kagawad ng Kongreso ang sinuman
kung siya ay nagtataglay ng mga sumusunod na
katangian:
Katutubong mamamayan ng pilipinas
May pinag-aralan
Kwalipikadong at rehistradong botante
25 taong gulang para sa kinatawan at 35 taong gulang
naman sa senador;
- nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng isang taon
para sa kinatawan at dalawang taon naman para sa
senador.
25. Ang Sangay Tagapagpaganap o
Ehekutibo
Ang kapangyarihang maging tagapagpaganap ay nasa
pangulo ng pilipinas. Siya ang pinakamataas na halal na
pinuno ng bansa. Katulong ng pangulo ang pangalawang
pangulo at ang kanyang mga gabinete sa pagpapatakbo sa
pamahalaan. Inihalal din ng mga kwalipikadong botante
ang pangalawang pangulo ng bansa sa pamamagitan ng
pambansang halalan. Ang mga gabinete ay binubuo ng
mga kalihimng iba’t ibang kagawaran na pinili ng pangulo
upang mabilis na maisakatuparan ang mga proyektong
pambansa. Ang kapangyarihan taglay ng pangulo ay
ibinabahagi niya sa iba’t ibang kalihimng kagawaran o
ahensya ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng
mga mamamayan. Tinutugunan din nito ang mga
pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino.
26. May anim na taong manunungkulan ang pangulo at
pangalawang pangulo ng bansa. Tungkulin ng pangulo ang
pagpapatupad ng mga batas.
Ang pangulo bilang punng Tagapagpaganap o Chief
Executive ay may mga sumusunod na kapangyarihan:
A. Pangasiwaan ang lahat ng kagawaran o ahensya ng
pamahalaan, kawanihan at tanggapang tagapagpaganap.
May karapatan siyang pumili at mag-aalis ng mga pinuno
ng mga ahensya ng pamahalaan.
B. Ang pangulo ay may kaangyarihang pangmilitar.Siya ang
commander-in-chief ng Sandatang Lakas ng
Pilipinas.Maaari ring suspindihin ng pangulo ang weit oh
habeas corpus.
C. May kapangyarihan ang pangulo na makipag-ugnayan at
makipagkasundo sa ibang bansa;
D. May kapangyarihan din siyang magpatawad sa mga
nagkasala sa batas, magkaloob ng palugit sa
pagsasakatuparan ng hatol o parusa; magbaba ng parusa at
magkaloob ng amnestiya.
27. Ang sinumang Pilipino na nagtataglay ng
mga sumusunod na katangian ay
maaaring kumandidato at maaaring
mahalal na pangulo o pangalawang
pangulo ng bansa:
- Katutubong mamamayan ng Pilipinas
- May pinag-aralan
- Kwalipikado at rehistradong botante
- 40 taong gulang sa araw ng halalan;
- 10 taon nang naninirahan sa Pilipinas
bago dumating ang araw ng halalan.
28. Ang mga Ahensya ng Sangay
Ehekutibo
Iba’t-ibang paglilingkod ang isanakatuparan ng pamahalaan
upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga
mamamayan. Upang mapabilis at maging maayos ang
pagpaganap ng mga proyektong pambansa at gawain ng
pamahalaan,ibinabahagi ng pangulo ng bansa ang
kanyang mga taglay na kapangyarihan sa iba’t ibang
kagawaran ng pamahalaan.
Ang mga pinuno ng iba’t-ibang kagawaran ay pinili ng
pangulo upang maging katulong niya sa layuning
mapaglingkuran ang mga kagawaran sa ilalim ng sangay na
ehekutibo.
Ang mga napiling pinuno o kalihimng bawat kagawaran ng
pamahalaan ay sumasailalim sa uri ng pangasiwaan ng
pangulo.
29. Kagawaran ng Edukasyon(Department
of Education)
Pinangangasiwaan ng kagawarang ito ang lahat
na paaralang publiko at pribado sa buong
bansa. Tungkulin ng pamahalaan na
magpatayo ng mga paaralan para sa mga
kabataan at maging para sa matatanda.
Nagbibigay ito ng libreng edukasyon sa mga
pampublikong paaralan. Layunin nitong
mabigyan ng sapat na kaalaman at malinang
ang kakayahan ng mga mag-aaral upang
maging mga kapaki-pakinabang na
mamamayan. Nagbibigay din ito ng
edukasyon di pormal at libreng pagpapaaral
30. Kagawaran ng Tanggulang pambansa
(Department of National Defense)
Upang matiwasay na mamuhay ang
mga mamamayan , nagtatalaga ang
pamahalaan ng Sandatahang Lakas
ng Pilipinas na siyang
tagapagtanggol ng pamahalaan.
Laban sa mga kaaway ng bansa.
Pinananatili rin ng kagawarang ito
ang katahimikan at kaayusan ng
bansa.
31. Kagawawran ng Interyor at Pamahalaang
Lokal(Department of Interior and Local
Government)
Sa ilalim ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal, ang
mga barangay, bayan,lungsod at lalawigan ay
pamamahalaan ng mga pinunong lokal.
Tinitiyak ng kagawarang ito na nasa ayos ang
takbo, galaw at magkakatugma ang mga
proyekto ng mga lokal na pamahalaan sa
paglinang ng kalagayang
pangkabuhayan,panlipunan at pampulitika
ng bansa.
Pinangangasiwaan din nito ang operasyon ng
pulisya sa ilalim ng Philippine National Police
(PNP).
32. Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na
Kayamanan(Department of Environment
ang Natural Resources)
Pinamamahalaan nito ang pangangalaga at
wastong paglinang sa kapaligiran at mga
likas na yaman ng bansa. Kabilang dito ang
pangangalaga sa mga yamang lupa,
yamang tubig, yamang gubat at yamang
mineral ng bansa. Nagsasagawa ang
kagawaran ng mga hakbangin at mga
proyekto upang maibalik ang dating
kasaganaan at kaayusan ng mga naturang
yaman ng bansa.
33. Kagawaran ng Paggawa at
Empleyo(Department of Labor and
Employment)
Ipinatutupad ng kagawarang ito ang Kodigo
ng Paggawa ng Pilipinas.
Pinangangasiwaan nito ang kapayapaan at
mga karapatan ng mga manggagawa.
Isinasaayos ng DOLE ang hindi
pagkakaunawaang namamagitan sa mga
manggagawa at mga may-ari ng pagawaan
upang maiwasan ang mga welga at
pagtatanggal ng mga manggagawa sa
trabaho.
34. Kagawaran ng Kalusugan(Department of
Health)
Pinangangalagaan ng kagawaran ang kalusugan ng mga
mamamayan sa buong kapuluan sa pamamagitan ng mga
pagamutan ,ospital at mga klinika. Mayroon itong mga
kawanihan tulad ng Kawanihan ng Lingkuran sa
Kalusugang Dental,Kawanihan sa Pagsugpo sa Sakit,
Kawanihan sa Pananaliksik at Laboratoryo,Kawanihan ng
Pagkain at Gamot,Kawanihan ng Kalusugan at Lingkurang
Medikal.Kabilang din ang Pambansang Pagamutan
Oropedik, Lung Center, Heart Center at Pambansang
Sentro sa Kalusugang Mental.Naglulunsad ang DOH ng
mga proyektong kaugnay ng kalinisan at kalusugan.Ang
Kawanihan ng Kuwarentinas(Quarantine) ay nasa ilalim
din ng DOH.
35. Kagawaran ng Agham at
Teknolohiya(Department of Science and
Technology)
Ang agham at teknolohiya ay mahalaga sa
pambansang kaunlaran.Itinataguyod ng
kagawarang ito ang pananaliksik, imbensyon
at edukasyong pang-agham at
panteknolohiya.Kabilang sa programa ng
DOST ang pagpapaunlad ng kaalaman at
kasanayan sa agham at teknolohiya na
itinataguyod ng mga paaralan.Isa rito ang
paggamit ng mga lokal na halaman upang
magamit na sangkap para sa mga gamot.
36. Kagawaran ng Panlipunang Paglilingkod at
Pagpapaunlad(Department of Social
Welafare ang Development
Ang kagawarang ito ang namamahala sa
pagbibigay ng tulong at paglilingkod sa
mga pamilya ng biktima ng
bagyo,sunog,baha,lindol at iba pang
kalamidad. Tinutulungan ang mga
naghihirap upang mapatatag ang
pamumuhay kabilang na ang mga
musmos,matatanda,mga kapuspalad at
mga may kapansanan.
37. Kagawaran ng Repormang
Pansakahan(Department of Agrarian
Reform)
Ang kagawarang ito ang nagpapatupad
ng mga programa ng pamahalaan
kaugnay ng repormang pansakahan.Ang
isa sa mga programa nito ay ang
Comprehensive Agrarian Reform
Program o CARP.Layunin ng
programang ito na mabigyan ng lupa
ang mga magsasaka na bahagi ng lupang
kanilang sinasaka bilang kasama ayos sa
itinadhana ng batas.
38. Kagawaran ng Katarungan(Department
of Justice)
Tungkulin ng kagawarang ito ang pagpapairal ng
katarungan sa bansa.Ang pagbibigay ng hatolo
kaso.Lahat ng mamamayan,mahirap man o mayaman
ay may karapatang tumanggap ng pantay na pagtingin
ng batas at ng hukuman.
Ang mga mahihirap na mamamayan na hindi kayang
magbayad ng abogadong magtatanggol sa kanila ay
pinagkakalooban ng abogado.Ang Citizen’s Legal
Assistance Office(CLAO)at Public Attorney’s
Office(PAO) ay nabibigyan ng libreng tulong
panlegal.Binubuo ito ng mga abugado na handang
tumulong sa mga mahihirap at mga nangangailangan
ng payong-legal upang matamo ang katarungan.
39. Kagawaran ng Agrikultura(Department of
Agriculture)
Ang kagawarang ito ang gumagawa ng paraan upang
matugunan ang pangunahhing pangangalangan ng
mga tao sa pagkain.Nagsasagawa ang kagawaran ng
pananaliksik at tulong teknikal sa mga
magsasaka,mangingisda at naghahayupan tungkol sa
mga makabagong paraan ng pagsasaka,pangingisda at
paghahayupan.Ginagawa ito upang maparami ang
produksyon ng pagkain.Nagpapautang din ang
pamahalaan ng puhunan,abono at mga makabagong
makinarya na magagamit sa pagsasaka.
40. Kagawaran ng Turismo(Department of
Turismo)
Maunlad ang turismo sa mga lugar ng bansa na may
natatanging kapaligiran at magagandang
tanawin.Nagsasagawa ng mga programa ang
Kagawaran ng Turismo upang maakit ang mga
dayuhan na pasyalan ang mga magagandang tanawin
sa iba’t ibang panig ng bansang Pilipinas.Lumalahok
din ang Pilipinas sa mga pandaigdigan eksposisyon o
eksibit upang ipakita ang mga produkto at
natatanging kultura ng bansa.Naging matagumpay
ang programangWOW Philippines(Wealth of
Wonders)sa pamumuno ni Dick Gordon.Ang pag-unlad
ng turismo sa bansa ay nabigyan daan upang
magkaroon ng hanapbuhay ang maraming pilipino.
41. Kagawaran ng Kalakalan at
Industriya(Department of Trade and
Industry)
Pinangangasiwaan ng DOTI ang
Pagpapaunlad ng mga kalakal at industriya
sa bansa.Sakop nito ang pangangalakal sa
loob at labas ng bansa. Nakikipagugnayan
din sa ibang bansa ang pamahalaan upang
magtayo ng industriya sa bansa ang mga
dayuhan at bumili ng mga produktong
Pilipino na makatulong sa pagtaas ng
ekonomiya ng bansa.
42. Kagawaran ng Transportasyon at
Komunikasyon(Deppartment of Transportation and
Communication)
Ang lahat ng uri ng sasakyang panlupa,pandagat at
panghimpapawid ay nasa ilalimng pangangasiwa ng
kagawarang ito.Nagbibigay ito ng mga lisensya sa mga
may-ari ng sasakyan at sinisiyasat nito kung nasa
tama ang paggamit ng mga lisensyang ipinagkaloob
sa kanila.
Nagsasagawa rin ang kagawarang ito ng mga
alintuntunin tungkol sa operasyon ng komunikasyon
tulad ng telepono,pahayagan,telebisyon,radyo at iba
pang paraan ng komunikasyon.
43. Kagawaran ng Badyet at
pangangasiwa(Department of Budyet and
Management)
Ang kagawarang ito ang nangangasiwa sa
pagbabadyet ng pananalapi ng
pamahalaan. Inihaharap nito ang
taunang panukalang pambansang
badyet sa Kongreso upang
pagtibayin.Kabilang sa kabuuang badyet
ang kakailanganin ng pamahalaang
lokal at iba’t-ibang ahensya ng
pamahalaan.
44. Kagawaran ng Ugnayang
Panlabas(Department of Foreign
Affairs)
Namamahala sa pakikipag-ugnayang
diplomatiko ng ating bansa ang
kagawarang ito. Nakikiugnay ito sa
alinmang bansa sa pamayanang
pandaigdig na may pakikipagkasundo sa
atin. Kadalasan saklaw nito ang
larangang
pampulitika,panlipunan,kabuhayan,pa
ndarayuhan at iba pa.
45. Kalihim Tagapagpaganap(Executive
Secretary)
Tuwirang tumatanggap ng
tagubilin buhat sa Pangulo ukol
sa pangkalahatang
pangangasiwa at araw-araw na
pamamalakad ng pamahalaan.
46. Kagawaran ng Pananalapi(Department
of Finance)
Ilang kawanihan ang nasa ilalim ng kagawang ito. Ang
Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal
Revenue) na siyang lumilikom ng mga buwis. Ang
Kawanihan ng Tesorery (Bureau of Treasury) na siyang
namamahala sa pagtanggap,pagtatago at paglalabas
ng salapi na kinakailangan ng pamahalaan.
Nagpapatupad din ito ng batas na may kinalaman sa
mabisa at tamang pamamahala ng pananalapi ng
pamahalaan.Kasama rin ang Kawanihan ng
Adwana(Bureau of Customs) na nagpapatupad ng
paningil at buwis sa mga inaangkat at iniluluwas na
produkto ng bansa.
47. Ang Sangay Panghukuman o Hudikatura
Ang kapangyarihan at tungkuling ng Sangay Panghukuman
ay nakatakda sa Artikulo 8 Seksyon 1 ng Saligang
Batas.Nakasalalay ang kapangyarihan panghukuman sa
isang Kataastaasang Hukuman at sa mga nakababang
hukuman na maaaring itatag ng batas.Saklawng
kapangyarihan panghukuman ang tungkulin ng mga
hukuman ng katarungan na ayusin ang mga nangyayaring
mga sigalot na may kinalaman sa mga karapatang naaayon
sa batas.Dapat ding pasyahan kung mayroon o walangg
naganap na malubhang pagsasamantala o kalabisan sa
huridiksyon sa panig ng alin mang sangay ng
pamahalaan.Ang alin mang alitan ng nasasakdal at
nagsasakdal ay dinidinig at hinahatulan ng hukuman
upang pairalin ang batas ayon sa simulaing
pangkatarungan.
48. Ang Kataastaasang Hukuman o Korte
Suprema
Ito ay binubuo ng Punong Mahistrado(Chief
Justice) at labing-apat na katulong na
Mahistrado (Associate Justice).Tungkulin nito
ang pagbibigay hatol sa mga kaso na nasa
ilalim ng kapangyarihan ng korte. Ang
paggagawad ng naturalisasyon ay nasa ilalim
ng Solicitor General. Nagsasagawa rin ng mga
patakarang susundin ng lahat ng hukuman at
humihirang ng mga karapat-dapat na opisyal
at tauhan ng mga hukuman ang Korte
Suprema.
49. Ang mga Mababang Hukuman
Ito ay binunuo ng mga sumusunod:
A. Hukuman sa Pag-aapela (Court of Appeals)
B. Hukumang Rehiyonal (Regional Trial Court)
C. Hukumang Metropolitan (Metropolitan Trial Court)
D. Hukumang Munisipal
Bawat hukuman ay hindi dapat saklawan ng ibang
hukuman dahil bawat hukuman ay may kanya-kanyang
kapangyarihan. Bawat hukom ay may taglay
na katangiang itinadhana ng Saligang Batas o
Konstitusyon.
50. Ang mga Tanging Hukuman
Ang mga tanging hukuman ay binubuo ng Sandigangbayan,
Hukuman sa Pag-aapela at Hukumang Shariah.
Ang Sandigangbayan ay isang tanging hukuman na
sumasaklaw sa mga kasong kinasasakupan ng mga
pinuno’t kawani ng pamahalaan at sa mga tanggapang pag-aari
ng pamahalaan ayon sa itinadhana ng batas kaugnay
ng mga katiwalian at iba pang paglabag sa batas.
Saklaw naman ng Hukumang Pag-aapela sa Buwis ang lahat
ng mga kaso at usaping may kinalaman sa pagbabayad ng
buwis.
Ang Hukumang Shariah ay itinatag sa Mindanao para sa mga
Muslim. Ito ang hukumang nagpapataw ng parusa sa mga
lumalabag sa Batas ng Islam ng Pilipinas.